Share

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2022-11-08 20:36:59

Alessia's POV

HINDI naging madali ang lahat, lalo na at isang napakalaking eskandalo ang nangyari sa kaharian. Kumalat sa buong Valeria ang hindi natuloy na pagpapakasal ni Elijah kay ate.

Nagkulong naman si ate sa kanyang kwarto at hindi tumatanggap ng kahit na sinong panauhin. She was shutting us down and we all know the reason.

I felt guilty for what happened. Alam ko na parte ako sa kasalanan dahil hinyaan ko si Elijah. My agreement to entertain his feeling was the root of this mess. Kung hindi ako pumayag, kung nagmatigas ako, siguro ay masaya na ngayon si ate.

Hindi ko alam kung malaking kaginhawaan ba sa pakiramdam na hindi nila alam na ako ang dahilan. But for some reason, I know my sister is suspecting me. Hindi niya lang magawang komprontahin ako dahil sa nagpapagaling pa siya sa pinsalang natamo galing sa malaking kahihiyan na iyon.

Nagbalik ulit sa normal ang lahat pagkatapos nun. Umakto si Elijah na tila walang nangyari. Bumalik ang sina Rostov at Natalia sa kani-kanilang kaharian. Bakas sa mukha ni Natalia ang kasiyahan na nasira ang kasunduan ni Elijah at ate. Isa siyang potensyal na kaaway oras na malaman niya na isa akong babae.

Kaya agad naman na nagpatawag si Elijah nang pagtitipon sa aming tatlo upang pag-usapan ang misyon sa paghahanap ng relic.

Nandito naman kami ngayon sa silid tanggapan ng hari. Pinilit kung alisin ang kung ano man alaala ang meron ako dito. Pinag-uusapan ngayon ang kung paano kukunin ang unang relikya na nasa isang bulkan. Hindi ko alam na sa dinami dami ng pwedeng paglagyan ng relikya, doon pa sa ilalim ng bulkan.

Inactive volcanoes are still dangerous because it still has lava. Kahit sabihin na natin na hindi ito pumuputok, pero nakakamatay pa rin ito oras na nagkamali ka nang pasok. It has tectonic plates, vulnerable from breaking and has lava in it.

"We will be heading to Eleftheria tomorrow. But we have to take it by land since we cannot disturb the perimeters by using the armageddon." Saad ni Elijah at kaming tatlo ay nakatingin sa mapa.

Tinuturo nito ang isang bundok na matatagpuan sa hilagang silangan ng Valeria. Kumunot naman ang noo ko dahil kung pagbabasehan namin ang layo, masyadong malayo ito at alam ko na hindi ito kayang marating ng isang araw lang.

"B-bakit hindi tayo pwedeng gumamit ng sasakyan himpapawid?" Alam ko na sinabi na niya na hindi pwedeng gambalain ang lugar palibot ng Eleftheria pero hindi ba talaga pwedeng gawin iyon? Iyon ang magiging pinakamabilis na paraan upang makarating kami doon kaagad.

Tumingin naman si Elijah sa akin. Blanko ang kanyang ekspresyon at laking pasalamat ko naman dahil sumusunod ito sa gusto kong mangyari. Ang huwag akong landian sa harap ng iba at huwag ipaalam na may kung ano man namamagitan sa amin.

"We cannot disturb the winged baboons. They will attack our ship if we are in Eleftheria's domain." Sagot niya sa akin at naintindihan ko na kung bakit hindi kami sasakay sa barkong himpapawid.

"Does it mean...we are safer on the ground?" Tanong ko ulit pero sino ba ang niloloko ko? Walang ligtas na lugar sa kagubatan ng Valeria. There are always beast and monsters lurking, waiting to ravage you.

"No Ales. But it's a safer die than breaking your neck from a heavy fall." Natawa naman saad ni Stefano sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Naging maayos na kaming dalawa ni Stefano. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang masira si Elijah at Ate ay naging mabait na ito sa akin at hindi na inuungkat ang kung ano man nararamdaman ko. "Nagbibiro lang ako Ales. Syempre, walang mamamatay." Ginulo naman nito ang aking buhok at mabilis naman tumikhim si Elijah na ikinakuha ng atensyon namin dalawa.

"You're not coming, Ales." Saad ni Elijah na ikinakunot ng noo ko. Hindi ako sigurado kung tama ba ang dinig ko.

"Ano?" Sana mali ang pagkaintinde ko.

"Hindi ka sasama. Masyadong delikado doon—"

"Ano naman ngayon kung delikado?" Derechang tanong ko sa kanya.

"Ehem your majesty." Biglang saad naman ni Stefano na tila ipinaalala nito na dapat akong gumalang dito dahil hari itong kausap ko.

"Your majesty..." para naman akong posporong napundi dahil nakalimutan kong gumalang. Sa dami nang iniisip ko, nakalimutan ko na ang paggalang sa kanya.

"Ales, I won't put you in danger. That's final." Saad niya sa akin na tila hindi ko na mababawi ang kanyang desisyon.

Hindi ako nagsalita. Naiinis ako kung bakit ayaw niya akong payagan. Alam ko na delikado, pero gusto kong sumama at makatulong.

"Then what's my point of being here and finding the clues? Ayos, hindi ako sasama pero kayo na ang humanap sa mga natitirang clue. Don't ask my help." Malamig na saad ko sa kanya at pumihit na ako para lumabas ng silid tanggapan ni Elijah.

"Ales." Tawag sa akin ni Elijah pero hindi ako nakinig.

Derecho akong lumabas na naiinis. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya ako isasama, dahil ayaw niya lang akong mapahamak, pero may umuudyok sa akin na sumama at gusto kong nakita ang mga pangyayari. Yun ang hindi ko maintindihan sa sarili ko, kung bakit ramdam na ramdam ko ang pagtatampo. Bakit sumama ang loob ko nang sinabi ni Elijah na hindi ako isasama? Kung sa kadalasan pa iyon, wala akong magiging pakialam kung isasama ba ako o hindi.

Pumunta na lamang ako sa silid aklatan para magbasa ng libro tungkol sa Eleftheria. Siguro naman ay may impormasyon doon tungkol sa bulkan. Doon ko na lang ibubuhos ang sama ng loob ko at inis. I am being immature at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Malawak ang silid aklatan ng Palasyo. Kahit igugol ko ang isang taon sa pagbabasa dito ay hindi ko mauubos ang lahat ng libro. Mabuti na lang din at madali lang mahanap ang mga kailangan mong basahin dito dahil may nakalagay talaga na mga pangalan.

Pumunta naman ako sa hanay kung saan ay mga libro tungkol sa iba't-ibang parte ng Valeria. Nakita ko doon ang isang libro tungkol sa Samona, Caracass, Avalone at Valencia. May libro din tungkol sa mga halimaw na nasa kagubatan ng Valeria at nahagip ng mata ko ang Eleftheria.

Agad na kinuha ko iyon pati na rin ang libro ng mga halimaw. Kapwa gawa sa balat ang mga libro at mabibigat ang mga ito. Bitbit ko ang dalawang libro patungo sa isang pahabang lamesa na madalas kong ginagamit tuwing nag-aaral ako.

Tahimik ang paligid at ginawa kong komportable ang aking sarili bago ko binuksan ang libro ng Eleftheria. Binasa ko kaagad ang unang pahina.

Ang bundok ng Eleftheria ay siyang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Sa sukat na sampong libong talampakan, lagpas ito sa kaulapan.

May kalamigan ang klima ng Eleftheria. Maraming puno at mga damong ligaw. Higit sa lahat ay pinamumugaran ito ng mga hayop na hindi nakikita sa ordinaryong panahon.

Tinatawag nilang enchanted beast ang mga iyon. Mga unggoy na lumilipad, mga higanteng gagamba at marami pang iba. Ang Eleftheria ay isang lugar na hindi dapat pinupuntahan ng ordinaryong mamamayan. Kamatayan ang naghihintay sa sinuman magtatangkang pasukin ang Eleftheria.

Napalunok ako sa aking binabasa. Simula pa lang ng pahina ay sinasabi na nito na huwag kaming pumunta. Delikado ang Eleftheria at hindi ito ang lugar kung saan ay pwede kang mamasyal. This is definitely land of the beasts.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ayaw akong isama doon ni Elijah. Mas malaki pala ang panganib kaysa sa inaasahan ko. Siguro ay dapat makinig na ako sa kanya at hindi na ako magtatampo kung hindi man niya ako isasama sa mga lakad na katulad nito. It's not like he's a kill joy, but more like he's just protecting me from impending danger.

Nawalan na ako ng gana sa pagbabasa kaya napangalumbaba na lamang ako at pumikit. Bakit ba ang dali kong nagtampo kanina? Bakit hindi ko pinairal ang pag-iintindi ko sa kung ano man ang layunin ni Elijah?

Napabuntong hininga na lamang ako at naisip ko na naman si lolo. Hindi ko na siya nakausap at wala din paramdam. Hindi ako sigurado kung nasa Pilipinas pa ba siya o nandito na siya sa Wysteria. Wala akong paraan para malaman yun, kung hindi ay galing mismo kay lolo.

"Natutulog ka ba?" Napamulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Stefano.

Hindi ko siya napansin na pumasok ngunit hindi na ako magtataka pa doon dahil alam ko na kaya niyang gawin iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at kunawari ay nagbabasa ako ng libro pero hindi na iyon pumapasok sa aking utak.

Narinig ko naman ang marahan na pagtawa nito bago ito umupo katabi ko ngunit may espasyo doon sa pagitan namin.

"Namiss lang kita. Matagal din kaya akong nagtampo sa iyo, pero di mo man lang ako sinuyo." May pagtatampo sa tono nito pero alam ko na nag-iinarte lang ito.

Pinaikot ko naman ang aking mga mata dahil sa kanyang inaakto. Ilang beses na kaming may hindi pagkakaunawaan, pero bumabagsak pa rin iyon sa pagbabati na tila walang nangyari.

"Ano ka, babae para suyuin?" Taas kilay na saad ko sa kanya at isinarado ko naman ang libro. Suko na ako sa pagpapanggap na pagbabasa.

"Ineng, hindi lang babae ang may prebelehiyong suyuin. Minsan, dapat sumusuyo din ang babae, hindi yung kami lang na mga lalaki ang gumagawa." Reklamo naman niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang pinanhuhugutan niya dahil nasabi niya ang mga ganoon.

"Stefano, hindi bagay sayo ang ganyan. Para kang nanlilimos ng atensyon." Irap ko sa kanya. Sangayon naman ako sa sinabi niya na hindi lang ang babae ang may prebelehiyo na suyuin, ang mga lalaki din. Pero hindi ko pa naman nasusubukan iyon dahil wala naman akong naging kaibigan na lalaki o kaya naman ay naging karelasyon.

He gave me a smug smile. "Ako? Nanghihinge ng atensyon? Baka nakakalimutan mo na marami ang nagkakagusto sa akin." Pagyayabang naman niya sa akin.

"Lakas naman ng hangin dito, muntik na akong tangayin." Asar ko naman dito at nakita ko naman na napasimangot si Stefano.

"Pero maiba ako, Ales. Ngayong hindi na pakakasalan ng mahal na hari si Lady Roselle, ano ang gagawin mo?" Tanong niya sa akin. Hindi na ako nagulat kung bakit ganoon ang tanong niya, dahil kahit sarili ko ay tinatanong ko din kung ano na ang gagawin ko. Pero tumitili naman ang konsensya ko.

"Wala akong gagawin, Stefano." Sagot ko sa kanya at napatitig ako sa lamesa. Pakiramdam ko ay isasalang na sa impyerno ang kaluluwa ko dahil sa kasinungalingan ko. Elijah and I has this understanding na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyan.

"Iniisip mo ba ang sasabihin ng iba? Dahil kapatid mo si Lady Roselle?" Kumpirma niya sa akin.

Huminga naman ako nang malalim bago nagsalita at tumingin sa kanya. "Hindi lang yan ang dahilan, Stefano. Alam mo kung ano ang dahilan."

Napapailing naman si Stefano. "Akala ko ba, matalino ka?" Tanong niya sa akin na pakiramdam ko ay pasimpleng ininsulto niya ako.

Mabilis na napataas ang aking kilay sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" Pinilit ko na huwag lagyan ng talim ang aking tono dahil ayokong magtalo na naman kami ni Stefano.

"Ales, sa tingin mo, para kanino itong ginagawa ni kamahalan?" Tanong niya sa akin.

"Syempre, para sa Wysteria." Sarkastikong sagot ko naman sa kanya. Ano ba naman kasing klaseng tanong yan.

"Oo, iyan...pero hindi yan ang punong dahilan." Saad niya sa akin na naging dahilan para makuha niya ang atensyon ko. "Elijah is planning to gather all the relics to summon the sacred weapon and kill the dark lord before the summer solstice." Saad niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko. "In his plan, it's too clear that he's aiming for you, no one else."

Tila nanghina ako sa nalaman ko. Sinabi ni Elijah na gami ang gagawa ng kapalaran namin. Ito na ba ang ibig niyang sabihin? Ang hanapin ang mga relikya at patayin ang hari ng dilim sa loob ng isang taon? Makakaya ba ang lahat ng iyon sa loob ng isang taon?

"P-pero imposible yan. Paano niya matatapos ang lahat ng iyon sa loob ng isang taon? Kailangan niyang magpakasal at magkaanak para hindi siya maapektuhan sa summer solstice." Saad ko kay Stefano na pakiramdam ko ay nakarinig ako ng isang kalokohan.

Napapailing naman si Stefano. "Sinabi ko na rin yan kay kamahalan, pero desidido siya. Ayaw daw niyang bigyan ka ng alalahanin, oras na maging makasarili siya sa iyo."

"Hindi pa ba siya makasarili sa lagay na iyon?" Nababaghan na tanong ko sa kanya dahil para sa akin, pinairal na ni Elijah ang pagiging makasarili niya oras nang itigil niya ang kung ano man ang meron sa kanila ni ate.

Ngumisi naman si Stefano na sa akin na tila may isang maitim na sekreto itong tinatago.

"You haven't seen Elijah's other side. The possessive, greedy and passionate, when it comes to the one he cherish. You still haven't seen that side of him, Ales. He's reigning it tightly because he's afraid it may scare you." Saad niya sa akin na sadyang ikinalunok ko at tila nalunok ko na din ang boses ko dahil sa nga sinabi niya. "Ang tanong ngayon, magiging handa ka ba...na harapin ang isang Elijah na ipagdadamot ka sa iba?"

That stunned me and I felt like his words were a warning. A beautiful and exciting warning.

©️charmaineglorymae

Kaugnay na kabanata

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 2

    Alessia's POV"WALA akong oras sa ganitong usapan, Stefano." Saad ko at mabilis akong tumayo at kinuha ang mga libro para ibalik iyon sa shelves.Naramdam ko ang init sa aking pisnge dahil pakiramdam ko ay nahihiya ako sa hindi ko malaman na dahilan.Mabilis akong lumayo sa lamesa ngunit agad naman sumunod sa akin si Stefano, tila ayaw niyang magpapigil."Kailan ka pa magkaka-oras? Hindi ko talaga alam kung ano ang pumipigil sa iyo. You just have to go with the flow. Ang buhay kasi, parang baha lang yan, kung sasalungatin mo mas mahihirapan ka. Kaya sabayan mo na lang ito sa agos, enjoy the flood instead, there might be some debris but at least, you won't be hurt badly." Saad niya sa akin na nakasunod pa rin. He's really insisting that I should do it with Elijah. We already cheated, hindi niya lang alam at wala akong balak ipaalam iyon kanino man. Ano ba ang nakakatuwa sa pagtataksil? Hindi yun nakakproud."Tama ka nga, ang buhay ay parang baha, pag-inenjoy mo, magkaka-leptospirosis k

    Huling Na-update : 2022-11-08
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 3

    Alessia's POVMAGKASABAY kaming naglakad ni Elijah pero sa akin naman siya nakasunod. Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin sa amin sabay yukod. Pareho kaming hindi nagsasalita ni Elijah.Ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang aking kwarto. Agad na natanaw ko ang pintuan ng kwarto ko kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang at inabot ko ang hawakan at pinihit iyon upang bumukas.Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy ng bulaklak. No, it's my fragrant lingering in this room. Hindi ko alam pero ganoon ang amoy ko, amoy sampaguita na hindi ko alam kung bakit.Agad na tumayo si Estrebelle at binati kaming dalawa ni Elijah."Estrebelle, maaring ba na lumabas ka muna?" Hingi ko sa kanya. Wala naman akong makitang reaksyon sa kanyang mga mata at mabilis na tumalima si Estrebelle na parang kailangan na kailangan niya iyong gawin.Mabilis na isinarado ni Estrebelle ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang nasa loob ng kwarto. Napatingin ako sa puno, al

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 4

    Alessia's POVNAKATAYO ngayon si Anisto sa aking harapan at may inilapag itong isang bote ng gamot na gawa sa kristal. Naging pamilyar sa akin ang gamot na iyon at naalala ko na. Nakita ko ito na isa sa mga gamit na iniinom ni Elijah.Ang alam ko ang gamot na ito ay iniinom niya upang hindi nagwala ang kanyang kapangyarihan. Nagkaroon na noon ng insidente na kumawala ang kapangyarihan ni Elijah at muntikan nang nabura ang buong Valeria, o mas tamang sabihin na ang buong Wysteria. Pero matagal na panahon na daw iyon at parang naging isang alamat na lang.May mga panahon na hindi nakokontrol ni Elijah ang kanyang kapangyarihan at nakakaramdam siya ng sintomas kaya umiinom kaagad siya ng gamot upang kumalma siya at pati na rin ang kanyang kapangyarihan.Makapangyarihan siya, pero isang paghihirap din iyon ang kontrolin niya ang kanyang kapangyarihan, bago pa siya ang kontrolin nito."Ubos na ang gamot niya, Ales. Natatakot ako na ang misyon na ito ay magiging mitya upang magising ulit an

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 5

    Alessia's POVHINDI ko na magawang magsalita pa. Nanahimik ako at nag-iisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba na masyado kong pinaniwala ang sarili ko na maaabutan namin sila Elijah. Alam ko sa simula't sapol ay malaki na ang tsansa na hindi namin sila maaabutan sa labas ng Eleftheria. Pero umasa pa rin ako, umasa na maaabutan sila.Pero sa sitwasyon na ito, mas malaki ang tsansa na nasa loob na sila at hindi namin sila maaabutan sa labas. Nagtatalo ang isipan ko. Kinakain ako ng takot, pero tinutulak din ako ng isipan ko na kailangan kong maibigay kay Elijah ang gamot. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito, namin ni Dustan pero pipilitin ko.Kahit kinakain ako ng takot, kung kinakailangan ay papasukin ko ang Eleftheria, maihatid lamang ang gamot kay Elijah.Patuloy lang ako sa pagmasid sa dinadaanan namin. Sa bawat metrong tinatakbo ng kabayo, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Napapatingin na din si Sushi sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 6

    Alessia's POVHINDI ko alam kung ilang minuto nang tumatakbo si Sushi. Pero ramdam ko na balisa siya at mas binilisan niya ang kanyang takbo na tila may hinahabol siya at iniiwasan.Gusto ko man siyang tanungin kung meron ba siyang inaalala pero hindi ko ginawa. Nanatiling tahimik ako at nakikiramdam. Sa mga nagdaan mga minuto, unti-unti nang lumuluwag ang pakiramdam ko at nabawasan na ang takot ko.Siguro, kung wala si Sushi sa tabi ko, kanina pa ako inatake ng mga nilalang dito. Somehow, the forest beast recognize him as one of them that's why no one is attacking us.Medyo mas dumidilim na ang paligid at nakaramdam na rin ako ng pagod. Mas ramdam ko na rin ang pananakit ng aking likod pero natitiis ko pa naman iyon. Kailangan maabutan namin sila bago magdilim, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maabutan ako dito nang mag-isa, kasama lang si Sushi.Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon na si Sushi sa mga sanga ng kahoy kaya mas lalong kumapit ako sa kanya dah

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 7

    Alessia's POVNAKASANDAL ako sa isang malaking kahoy habang abala naman ang mga sentinels sa pagsisiga at pag-iihaw ng hayop na kanilang nahuli. Naging madali sa kanila ang paghuli ng hayop dahil hindi ito dinadayo ng mga immortal kaya hindi sanay ang mga hayop na mabubuhay dito. Hindi ito tumatakbo tuwing nakakakita ng mga kagaya namin. They are even curious and moving closer to see us.Si Elijah naman ay abala sa paggawa ng tulugan. Gumagawa siya ng higaan gamit ang mga dahon na nakuha niya sa mga puno. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Sushi naman ay bumalik na sa pagiging tuta niya."Ales." Nakangising bati sa akin ni Stefano na tapos na sa kanyang ginagawa. Gumawa din siya ng higaan para maging tulugan niya.Hindi ko na inabala na gumawa ng higaan, dahil kaya ko naman matulog kahit saan basta inaantok na ako."Mabuti at hindi ka nilamon ng mga nilalang kanina." Biro ko pa sa kanya kahit alam ko naman na kayang kaya nila ang mga iyon."Mas mabuti na hindi ikaw ang kinain." Balik b

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 8

    Alessia's POVNATAPOS din ako sa pagbabawas at naging maingat ako dahil baka maapakan ko ang krimen na ginawa ko. Umalis ako doon sa pinagbawasan ko kahit wala naman akong nakikita."T-tapos na ako." Saad ko naman kahit hindi ko alam kung saan nakatayo si Elijah ngayon."I know." Biglang saad naman ni Elijah na nasa gilid ko na pala. Nagulat ako doon pero hindi naman ako nainis o naasar."U-umalis na tayo." Saad ko naman sa kanya kaya hinila na niya ako pabalik sa grupo.Ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam ko at hindi na kagaya kanina na masakit ang aking tiyan. Maybe, this will be my life in the next few days. Dapat hindi na rin ako mahihiya dahil parang wala lang naman ito sa kanila.Unlike with humans, pagnalaman nila na natatae ka, pagtatawanan ka pa. Kaya nakakahiya sabihin iyon. To them, it's natural and they don't find it funny kaya hindi na nakakahiya.Ngayon ko lang napagtanto, na nakakahiya lang ang isang bagay kung pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo. Doing a thing is

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 9

    Alessia's POVNAGSIMULA nang umusad ang kabayo na sinasakyan namin ni Elijah pagkatapos ng usapin na iyon. Ngumunguya naman ako ngayon ng prutas na tinatawag nilang Soursop. Guyabano ito sa pagkakaalam ko pero tinatawang nilang Soursop dito. Hindi naman siya maasim na parang sampalok, it's sweet and juicy to be exact, though sometimes their is a bit distinctive sourness of the fruit but it taste delicious.Kumakain lang ako nun habang nakatingin ako sa unahan. Si Elijah naman ay maingat na denedepensahan niya ako sa kung ano man. Hindi kami nag-uusap dahil abala ako sa pagkain. Pero abala ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Mas maaliwalas ang panahon ngayon, mukhang nawala yung makulimlim na ulap kaya nagiging normal na kagubatan tingnan ang Eleftheria. May kabilisan ang takbo ng kabayo, pero dahil hawak hawak ako ni Elijah, maayos pa rin akong nakakakain. Hindi ako natatakot na mahulog dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako hahayaan na mahulog.Naubos ko naman

    Huling Na-update : 2022-11-11

Pinakabagong kabanata

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Epilogue

    Alessia's POVNATAPOS kaming pumasok sa courtyard kasama si Stefano ay nanood kami ng ipinagmamalaking sayaw ng Valeria. Ang sabi sa akin ni Stefano, ang sayaw daw na iyon ay Faerie Dance. Ang sayaw na ito ay hindi basta-bastang sinasayaw kung saan saan dahil kada blessing of the moon lang ito ginagawa.Totoong napakaganda ng sayaw na ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon sayaw. Para itong lumilipad sa ere—no, they can really slightly fly, maybe they learned martial arts at kaya nila iyon gawin.Palakpakan naman ang lahat pagkatapos at nagsimula na din ang banquet. Mga alak at pagkain na sapat para sa lahat. Hindi naman ako uminom ng alak dahil alam ko na matapang ang kanilang alak dito. Kahit alam ko na isa akong imortal, ang katawan ko ay hindi pa rin sanay sa buhay dito. Hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako malalasing."Lady Alessia, narinig ko mula sa Hari na isa ka pa lang mangagamot. Kung maaari, pwede mo bang matingnan ako?" Biglang tanong sa akin

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 50

    Alessia's POVDUMATING na kami sa harap ng pintuan kung saan pansamantalang tumutuloy si Sudanni. Hindi na ako kinibo pa ni Stefano, mukhang nagtatampo ito sa akin pagkatapos ako nitong pagalitan.Ayaw ko naman siyang pilitin na maging maayos kami dahil ramdam ko na masama ang loob niya at ayaw na niya muna akong kausapin. Nailalarawan ko na rin sa isipan ko ang takot ng mga sentinels at tagapgsilbe dito kanina dahil sa pangyayari. "Salamat." Saad ko kay Stefano ngunit hindi man lang ako nito nilingon at tila wala itong naririnig.Napanguso naman ako kaya wala akong magawa at akmang kakatok na sana ako sa pintuan nang bigla naman itong bumukas at agad na nakita ko si Sudanni na maayos na maayos ang itsura. His pointy ears and glowing golden eyes are striking with his long black hair."Ales." Usal nito sa akin na tila inasahan na niya ang pagdating ko.Lumunok naman ako dahil mula sa Callora Grande ay ito ang unang beses na nakita ko siya ulit."Maaari ba kitang makausap?" Tanong ko s

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 49

    Alessia's POVUMINOM ako ng pumpkin juice na hindi ko nakasanayan na lasa. Ito ang inomin sa kainan na ito at sarap na sarap ang lahat habang ako naman ay pinipigilan na mapangiwi. There is this distinguish pumpkin taste that makes me think that I am drinking a vegetable juice which I don't really like.Pero pinigilan ko na ngumiwi lalo na at nilibre na nga lang ako at magiging maarte pa ako. I'll just remind myself not to drink pumpkin juice in the future. I know that this is a healthy drink, but it doesn't suit my taste."Binibini, bumalik na tayo sa palasyo, baka hinahanap na tayo doon." Yaya naman sa akin ni Estrebelle.Napanguso naman ako. Hindi pa naman ako uwing-uwi. Gusto ko pang maglakad lakad at tumingin sa paligid. Not everyday, I can go to this place."Mamaya na. Masyadong abala ang Hari para malaman niya na tumakas tayo." Saad ko naman sa kanya at inilipat ko ang tingin ko sa gitna kung saan ang asul na bato nakaposisyon."Pero baka kasi hanapin kayo ng kamahalan." Tugon

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 48

    Alessia's POVMABILIS akong napalingon at agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakatalukbong na pigura. Agad na lumarawan sa aking balintataw ang mukha na kay tagal ko ng inasam na makita simula ng napadpad ako dito sa Wysteria."L-lolo..." naibulong ko at biglang nangilid ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya."Apo ko..." ganting yakap naman ni Lolo sa akin. "Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Masyadong komplikado ang lahat kaya natagalan ako." Saad niya sa akin na ramdam ko sa boses niya na naiiyak ito.Humiwalay naman ako sa kanya habang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya."Lolo, ang daming nangyari...Ang daming katanungan sa isipan ko na hindi ko alam kung ano ang sagot." Humihikbing saad ko. Kay tagal ko ng ipinagdarasal ang tagpong ito. Dahil sa lahat ng katanungan ko, si lolo lang ang makakasagot.Hinawakan naman niya ang aking kamay at tsaka hinila ang ako patun

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 47

    Alessia's POVABALA ang lahat sa paghahanda para sa darating na blessing of the moon. Ni hindi ko din nasisilayan si Elijah dahil palagi itong nasa siyudad ng Valencia para sa preparasyon dahil doon magtitipon tipon ang mga mamanayan ng Valeria.Inilipat din pansamantala ang mga taga Samona sa Valencia habang inaayos pa ang kanilang mga tirahan. Dito na din sila magsisilebra ng blessing of the moon.Gusto kong pumunta sa syudad, para makita ang ginagawang preparasyon. Alam ko na hindi ako nagpaalam kay Elijah ngunit wala naman masama kung lalabas ako ngayon. It's daylight at marami din Sentinels na nakakalat sa lugar."Estrebelle, gusto kong pumunta sa siyudad." Saad ko sa kanya habang nakatayo sa may gilid ko at si Sushi naman ay nakahiga lang at agad na gumalaw ang tenga nito nang marinig ang sinabi ko. Bukas na ang blessing of the moon at talagang inaasahan ko itong masaksihan."Pero binibining Alessia, kabilin bilinan ng mahal na hari na hindi po kayo pwedeng lumabas dahil delikad

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 46

    Alessia's POVAGAD na hinanap ko si Elijah para kausapin siya. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakakausap tungkol sa pagpunta ko sa festival. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung hindi siya papayag.Nakita ko naman si Stefano na naglalakad at may bitbit itong isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil hindi niya ako napansin."Stefano! Para saan yan?" Agad na tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sa akin si Stefano at huminto.Itinuro ko naman ang bitbit niyang kahon kaya agad niyang naintindihan na iyon ang tinutukoy ko."Ito ba? Para to kay Sudanni. Hindi pala siya kumakain ng normal na pagkain natin at kailangan na siya din ang magluto ng pagkain niya." Sagot naman niya sa akin.Napakurap naman ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Sudanni. Nawala na siya sa isipan ko noon nagkagulo sa Samona. Ni hindi ko na alam kung nasa digmaan ba siya o nauna dito sa Valencia."He's not normal to begin with..."

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 45

    Alessia's POVAGAD na nakauwi kami sa Palasyo. Pinasuot ako ni Elijah ng isang itim na talukbong upang hindi ako makaani ng atensyon sa palasyo. Gusto kong magpahinga at kung makikita ako ng mga tauhan sa palasyo ay alam ko na hindi matatahimik ang araw ko.Nakasunod lang din sa akin Sushi at hindi naman kami napansin ng mga tauhan sa palasyo. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga Sentinel na kailangan ng atensyon dahil sa mga dumi sa kanilang katawan. Hindi din ako pinayagan ni Elijah na tumulong sa paggamot dahil kailangan ko muna daw unahin ang sarili ko dahil kulang na kulang ako sa pahinga. Hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya dahil kahit ang katawan ko mismo ay bumibigay na din.Dumerecho na ako paitaas dahil kailangan ko ng maligo at nang makatulog na ako. Hindi ko na alintana kung hindi pa ba ako kumakain dahil mas malakas ang impluwensya ng pagod ko kaysa sa gutom na nararamdaman ko.Agad na pumasok ako sa aking kwarto at nilanghap ang pamilyar na amoy ng bulaklak. Ag

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 44

    Alessia's POVPIPING dasal ko na sana ay hindi pumasok ang demon sa wasak na bahay ni Honey. Dahil kung mangyayari man iyon, sigurado akong wala na akong takas. Hindi ko alam kung nasaan si Sushi ngayon kailangan ko siya. Elijah is impossible to rescue me because of the on-going crisis at naiintindihan ko iyon. They cannot prioritize me especially when the town is in crumble. Mas importante ang nakararami kay sa isang tao lang.Naitakip ko sa aking dalawang tenga ang aking mga kamay nang marinig ko na tila kinakain ng demon ang katawan ng bangkay. Pinuno ng kilabot ang buo kong katawan at walang humpay ang aking mga luha. Pigil na pigil ko ang aking iyak dahil natatakot ako na mapansin ng mga demons. Gustong gusto kong pumalahaw sa takot ngunit mas natatakot akong mapansin ng mga demons at ako ang susunod na kainin.Kumalat ang amoy ng dugo sa paligid na naging dahilan para mas naging masama ang pakiramdam ng tiyan ko na gusto kong masuka. Iba ang dating ng dugong naamoy mo sa hayop,

  • Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire   Chapter 43

    Alessia's POVWHO could have thought that death itself will come to me. To take away my soul without any reason? Hindi dapat ganito ang nangyayari. Ang isang reaper, kumukuha lang ng isang kaluluwa kung patay na ang isang imortal. Buhay na buhay ako at hindi pa ako patay para sunduin na niya! Does his eyes been defective somehow?"N-no. Why are you taking someone else soul who's not even dead in the first place!" Hindi ko mapigilan na maisigaw. I am very much alive to be treated this way. I am not dead and definitely will not be! This reaper might be dreaming or something.You believe that in this world, you are alive. You are a scarped soul, child. It's time for you to go back to where you are supposed to be. Defying your fate will only cause misery to the living. Saad ng reaper at napaatras ako dahil sa sinabi niya.I am what? A scarped soul? Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig niyang sabihin na isa lamang akong takas na kaluluwa? Hindi ako patay para sabihin niya iyon. Paanong is

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status