Alessia's POV
"WALA akong oras sa ganitong usapan, Stefano." Saad ko at mabilis akong tumayo at kinuha ang mga libro para ibalik iyon sa shelves.Naramdam ko ang init sa aking pisnge dahil pakiramdam ko ay nahihiya ako sa hindi ko malaman na dahilan.Mabilis akong lumayo sa lamesa ngunit agad naman sumunod sa akin si Stefano, tila ayaw niyang magpapigil."Kailan ka pa magkaka-oras? Hindi ko talaga alam kung ano ang pumipigil sa iyo. You just have to go with the flow. Ang buhay kasi, parang baha lang yan, kung sasalungatin mo mas mahihirapan ka. Kaya sabayan mo na lang ito sa agos, enjoy the flood instead, there might be some debris but at least, you won't be hurt badly." Saad niya sa akin na nakasunod pa rin. He's really insisting that I should do it with Elijah. We already cheated, hindi niya lang alam at wala akong balak ipaalam iyon kanino man. Ano ba ang nakakatuwa sa pagtataksil? Hindi yun nakakproud."Tama ka nga, ang buhay ay parang baha, pag-inenjoy mo, magkaka-leptospirosis ka." Sagot ko sa kanya at alam ko na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nun."Lepto—ano?""Sakit yun sa balat na nakukuha sa baha." Tugon ko sa kanya at isinaksak ko na ang libro sa lalagyan nito."Alam mo iyon?""Manggagamot ako.""Pero bakit ngayon ko lang narinig ang tungkol doon?""Bakit, sumuong ka na ba sa baha?""Hindi pa.""Kaya hindi mo alam, kasi hindi ka pa nagkakaroon nun." Sagot ko sa kanya tsaka umalis na ako sa mga shelves at bumalik na sa lamesa dahil alam ko na hindi ito titigil sa kakadaldal. Mas lalong ayoko naman na mag-uusap kami sa labas kung saan ay marami ang makakarinig.Umupo kami ni Stefano at ngayon ay magkaharap na kami. His face is contorted with confusion."Enough with that. Bakit ba sakit ang pinag-uusapan natin. Alam ko na nagtatampo ka dahil hindi ka pinapasama ng kamahalan na pumunta sa Eleftheria, pero sana ay maintindihan mo iyon." Lihis niya ng usapan at bumalik ito ngayon sa usapang pagtatampo ko kanina.Umiling naman ako. "Aaminin ko, nagtatampo ako kanina pero hindi na ngayon. Naiintidihan ko kung bakit hindi niyo ako isasama." Sagot ko sa kanya at totoo na iyon sa kalooban ko. Walang halong pagkukunwari.Tumaas naman ang kilay ni Stefano. "Kanina lang nilayasan mo kami dahil hindi ka isasama, tapos ngayon biglang tanggap mo na.""Naisip ko kasi na delikado doon. Mas mahal ko buhay ko kaysa sa buhay niyo kaya naging maayos na ako." Sagot ko sa kanya na may halong biro.Ngumisi naman si Stefano sa akin. "Ayos at alam mo na mas mahal nga ang buhay mo. Mas mahal ka naman talaga ng kamahalan." Saad niya na naging dahilan para maging mapula ang mga pisnge ko.Inirapan ko naman ito. "Pwede ba na wag natin pag-usapan iyan?" Pigil ko sa kanya dahil ngumingiti na naman ito na parang timang."Oo na, titigil na. Pero wag ka ng magtampo dahil hindi na naman mapapakali ang mahal na hari." Saad niya sa akin na pumormal na ngayon ang kanyang ekspresyon. Ang lalaking ito, kay bilis magpalit ng ekspresyon."Sinabi ko na diba?" Mahinahong sagot ko sa kanya at ngumisi na naman ito ulit."Suyuin mo." Utos niya na halos ikasangko na ng kilay ko sa kisame sa pagkakataas ko."At bakit ko naman gagawin iyon?" Naging mataray ang boses ko dahil doon. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ko susuyuin si Elijah."Dahil may ginawa kang mali. Mali na nagtatampo ka na para din naman sa kaligtasan mo ang iniisip ng hari." Mahinahon na saad niya at hindi na ulit ito nakangisi.Tila na saring naman nito ang aking pasensya. Bakit ako hihinginng paumanhin? Hindi ko kasalanan iyon at wala akong kasalanan. Pero para naman kinakain ng kung ano ang kalooban ko."Stefano, hindi ako hihingi ng paumanhin. Give it a rest." Tumayo na ako para iwan siya sa silid aklatan at lumabas na ako ng silid.Alam ko na may kasalanan ako, pero bakit naman ako hihingi ng paumanhin? Hindi naman iyon malaki para ihingi ko pa. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinupunto ni Stefano.Mabilis akong naglakad at tumungo na ako sa aking silid para magpahinga. Tila naubos ang lakas ko dahil sa mga sinabi ni Stefano.Pagkarating ko naman sa silid ng aking kwarto ay nadatnan ko doon si Estrebelle na nilalaro si Sushi. Nakabalik na siya dahil pinabalik siya ni Elijah at kahit ayoko ay wala akong nagawa. Hindi na rin naman ako nagtatampo sa kanya kaya hinayaan ko na lang."Ginoong Ales, nais ka pong makausap ng mahal na hari." Usal niya sa akin.Bumuntong hininga naman ako at tumango. Pupunta ako pero hindi agad ngayon. Lumapit ako sa puno na ngayon ay may bunga na. Tama nga ang hinala ko. Ngayon na may bunga na ito ay kitang kita na ang gintong binhi. May mga iilan na itong gintong bunga na alam ko na napapansin din ni Estrebelle ngunit hindi ito nagtatanong tungkol dito.Kailangan ko na din itong sabihin kay Elijah. Ang pagkakaroon ng isang puno na matagal nang hindi tumutubo ay isang mahalagang bagay. Lalo na at ang mga bunga nito ay nakakabuhay at nakakapagpagaling ng kung ano man karamdaman."Pupuntahan ko muna ang mahal na hari." Paalam ko naman kay Estrebelle at yumukod ito sa akin.Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinahak ko ang daan pabalik sa silid tanggapan ng hari. May mga nadadaanan akong mga serbidora na naglilinis sa kung ano man bagay na may dumi sa paningin nila.Agad na natanaw ko ang dalawang sentinel na nakabantay sa pintuan ng tanggapan. Nang makita nila ako ay agad naman nilang binuksan ang pintuan. Halatang inaasahan nila akong dumating o bumalik.Agad akong pumasok sa tanggapan at nakita ko si Elijah na ngayon ay nakaupo sa kanyang upuan habang nakatingin sa akin. Agad naman sinarado ng mga sentinel ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang naiwan sa loob ng silid."Ales..." usal niya sa akin na alam kong pinapakiramdaman niya ako kung galit ba ako o hindi.Napakamot naman ako sa aking batok bago nagsalita."Kamahalan, kung tungkol kanina ang pag-uusapan natin. Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga sinabi ko. Naiintindihan ko ang inyong desisyon." Paliwanag ko sa kanya para hindi na lumaki ang ano man lamat sa aming dalawa.Hindi nagsalita si Elijah. Nakatingin lang siya sa akin na tila nag-iisip kung ano ang sasabihin niya sa akin."I thought you wanted to come." Saad niya sa akin na ngayon ay mas lalo lang akong nagulohan. Kanina na gusto kong sumama, ayaw niya. Ngayon naman na nakapagdesisyon na akong hindi sasama, parang gusto naman niyang sumama ako. Dahil na rin siguro sa reaksyon ko kanina at nais niyang pagbigyan ako, ngunit nagbago na ang desisyon ko dahil na rin sa mga nalaman ko."That was before. Naisip ko po na hindi maganda na sasama ako sa lugar kung saan ay puno ng mga delikadong nilalang. Masyadong mahal ko po ang buhay ko para ilagay sa peligro." Sagot ko sa kanya at nakita ko naman ang tila nahihiwagaan na ngiti sa kanyang mga labi.Tumayo naman si Elijah at lumapit ito sa akin ngunit hindi niya ako hinawakan. Nakatayo lang siya at nakatitig sa akin."Masaya ako at hindi ka na nagtatampo." Baritonong saad niya sa akin at kinilabutan ako doon dahil ang lapit niya sa akin."Uh, nagtampo man pero nawala din kaagad." Sagot ko sa kanya ang katotohanan. Walang silbe kung sasabihin ko na hindi ako nagtampo gayon may naganap na sagutan kanina. "Ito ba ang dahilan kamahalan, kaya mo ako pinatawag?""Yes and no. Take a seat, Ales." Yaya naman nito sa akin at pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap ng kanyang lamesa at siya naman ay bumalik sa kanyang upuan. "I would like to ask you how did you able to know the clues to where the relics are?"Pinilit kong halukayin sa alaala ko kung tinanong na ba niya ako nito noon nakaraan. Pero wala akong maalala na tinanong niya ako kung paano ko nalaman. Sasabihin ko ba na ang lolo ko ang may sabi? Pero baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon kung gustohin niyang ipatawag si lolo. Hindi ko alam kung nandito na si lolo o nasa labas.Kaya napagdesisyonan ko na lang na huwag sabihin ang totoo. Natatakot ako na baka kung ano ang hingin ni Elijah na hindi ko kayang gawin."Sushi..." sagot ko sa kanya. Pero bakit pakiramdam ko ay isang patibong ang tanong na iyon?"You still answered the same." Saad niya sa akin na hindi ko maintindihan ang kanyang ibig sabihin."I answered the same?" Nagulohan na tanong ko. Paanong magkatulad kung ngayon pa lang niya ako tinanong tungkol doon?"I tampered your memory and erased the memory of asking you who told you about the clues. I'm sorry, but I got a feeling before that you were lying." Saad niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero wala akong karapatan na magalit kahit medyo nasaktan ako doon. Paano ako magagalit kung totoo naman na nagsinungaling talaga ako?"D-do I look like I am lying to you right now?" Tumitig naman si Elijah sa akin."Masama ba kung sasabihin ko na oo?" Mahinahong tanong niya sa akin. "Ever since the incident of you hiding your real gender, higit na pinapaniwalaan ko na ang pakiramdam ko kaysa sa nakikita at naririnig ko, Ales. My eyes will deceive me, but not my gut. My gut is telling me before that you are a female. But I trusted you to be a man. Hindi pa ito kailanman nangyari. Kaya mas paniniwalaan ko ang nararamdaman ko, Ales." Saad niya sa akin na ikinalunok ko.Hindi niya ako pinaniwalaan dahil ramdam niya ang kasinungalingan ko. Siguro ay wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya."Hindi si Sushi." Sagot ko sa kanya. "Kundi ang lolo ko."Kumunot naman ang noo ni Elijah. "Lolo mo?"Tumango ako. "Noon araw na nakita ko kayo sa pagdadausan ng lugar, biglang inatake ako nang matinding pananakit ng dibdib ko at nanghina ako. Pero nagulat ako ng biglang kinakausap ako ni lolo sa isipan ko. Sinabi niya ang lahat ng iyon na kailangan kunin natin ang relics at nasa likod ng mapa ang mga palatandaan." Sagot ko sa kanya at napayuko ako. "Pero hindi ko alam kung nasaan si lolo. Matagal na hindi namin siya nakakasama dahil umalis siya.""Is your grandfather is a sorcerer?" Kumpirma nito sa akin.Nagkibit balikat naman ako sa kanya. Paano ko malalamanan kung salamangkero ba si lolo, kung ordinaryo lang naman siya sa aking paningin."Hindi ko alam kamahalan. Ang alam ko ay ordinaryo lang siya." Sagot ko sa kanya at mahigpit na napahawak ako sa sarili kong kamay. Pero simula nang pangyayaring iyon, nagbago na ang aking pananaw."Ano ang pangalan niya?" Nagkasalubong ang mga mata namin ni Elijah at medyo kinabahan ako dahil sa ekspresyon niya. Pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagagalit."S-sicario." Sagot ko sa kanya at nakita ko kung paano siya namutla. Parang tinakasan ng dugo ang kanyang mukha. "M-may problema ba, kamahalan?"Umiling naman si Elijah ay mukhang nakabawi na ito. Pero hindi maalis sa utak ko na tila natakot siya o nangamba sa sinabi ko kanina."May kilala lang akong isang salamangkero, mahigit isang daan taon na ang nakalipas. Kapangalan siya ng lolo mo." Sagot niya sa akin. Pero pakiramdam ko ay hindi niya gusto ang usapin na iyon kaya hindi ko na inungkat ang tungkol doon."Pasensya na kung nagsinungaling ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin. Kahit ako ay nagulat din at hindi iyon inasahan. Buong buhay ko, inakala ko na ordinaryo lang siya." Hindi na ako sigurado kung ordinaryong tao lang din ba kaming dalawa ni ate. Pero hindi ko iyon sinabi. That is my last remaining secret na hindi pwedeng malaman nila."Naiintindihan ko. Siguro ay itinago niya ang tunay niyang pagkatao para na rin sa inyo." Saad naman ni Elijah. "But if he's really the one I know years back, I will need to talk to him." Nag-isang linya ang labi ni Elijah at alam ko na negatibo ang hatid nun. Para itong naniningil ng isang malaking kabayaran."H-hindi ko alam kung nasaan si lolo ngayon. Sa pagkakaalala ko, bago niyo ako natagpuan, nagpaalam si lolo na aalis siya at hindi namin alam kung saan iyon." Naging sagot ko sa kanya at totoo iyon.Bumuntong hininga naman si Elijah at napahilot ito sa kanyang sentido. "I'm sorry if I have to ask you these things. I just feel the need to."Napalunok ako. "Ayos lang po kamahalan. Normal lang na magtanong ka sa bagay na nagugulohan ka." Tugon ko naman sa kanya at tsaka tumayo ako dahil meron akong nais ipakita sa kanya. "Your highness, do you have a spare time for me? I wanted to show you something."Natigilan naman ng kaunti si Elijah na parang hindi niya inasahan mula sa akin. Do I really look like I cannot do something like it? Ang kanyang gulat na mukha ay napalitan ng ngiti."Of course, sweetheart." Saad niya na ikinapula ko kaagad at mabilis na tumayo si Elijah para sumama sa akin.©️charmaineglorymaeAlessia's POVMAGKASABAY kaming naglakad ni Elijah pero sa akin naman siya nakasunod. Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin sa amin sabay yukod. Pareho kaming hindi nagsasalita ni Elijah.Ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang aking kwarto. Agad na natanaw ko ang pintuan ng kwarto ko kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang at inabot ko ang hawakan at pinihit iyon upang bumukas.Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy ng bulaklak. No, it's my fragrant lingering in this room. Hindi ko alam pero ganoon ang amoy ko, amoy sampaguita na hindi ko alam kung bakit.Agad na tumayo si Estrebelle at binati kaming dalawa ni Elijah."Estrebelle, maaring ba na lumabas ka muna?" Hingi ko sa kanya. Wala naman akong makitang reaksyon sa kanyang mga mata at mabilis na tumalima si Estrebelle na parang kailangan na kailangan niya iyong gawin.Mabilis na isinarado ni Estrebelle ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang nasa loob ng kwarto. Napatingin ako sa puno, al
Alessia's POVNAKATAYO ngayon si Anisto sa aking harapan at may inilapag itong isang bote ng gamot na gawa sa kristal. Naging pamilyar sa akin ang gamot na iyon at naalala ko na. Nakita ko ito na isa sa mga gamit na iniinom ni Elijah.Ang alam ko ang gamot na ito ay iniinom niya upang hindi nagwala ang kanyang kapangyarihan. Nagkaroon na noon ng insidente na kumawala ang kapangyarihan ni Elijah at muntikan nang nabura ang buong Valeria, o mas tamang sabihin na ang buong Wysteria. Pero matagal na panahon na daw iyon at parang naging isang alamat na lang.May mga panahon na hindi nakokontrol ni Elijah ang kanyang kapangyarihan at nakakaramdam siya ng sintomas kaya umiinom kaagad siya ng gamot upang kumalma siya at pati na rin ang kanyang kapangyarihan.Makapangyarihan siya, pero isang paghihirap din iyon ang kontrolin niya ang kanyang kapangyarihan, bago pa siya ang kontrolin nito."Ubos na ang gamot niya, Ales. Natatakot ako na ang misyon na ito ay magiging mitya upang magising ulit an
Alessia's POVHINDI ko na magawang magsalita pa. Nanahimik ako at nag-iisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba na masyado kong pinaniwala ang sarili ko na maaabutan namin sila Elijah. Alam ko sa simula't sapol ay malaki na ang tsansa na hindi namin sila maaabutan sa labas ng Eleftheria. Pero umasa pa rin ako, umasa na maaabutan sila.Pero sa sitwasyon na ito, mas malaki ang tsansa na nasa loob na sila at hindi namin sila maaabutan sa labas. Nagtatalo ang isipan ko. Kinakain ako ng takot, pero tinutulak din ako ng isipan ko na kailangan kong maibigay kay Elijah ang gamot. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito, namin ni Dustan pero pipilitin ko.Kahit kinakain ako ng takot, kung kinakailangan ay papasukin ko ang Eleftheria, maihatid lamang ang gamot kay Elijah.Patuloy lang ako sa pagmasid sa dinadaanan namin. Sa bawat metrong tinatakbo ng kabayo, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Napapatingin na din si Sushi sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.
Alessia's POVHINDI ko alam kung ilang minuto nang tumatakbo si Sushi. Pero ramdam ko na balisa siya at mas binilisan niya ang kanyang takbo na tila may hinahabol siya at iniiwasan.Gusto ko man siyang tanungin kung meron ba siyang inaalala pero hindi ko ginawa. Nanatiling tahimik ako at nakikiramdam. Sa mga nagdaan mga minuto, unti-unti nang lumuluwag ang pakiramdam ko at nabawasan na ang takot ko.Siguro, kung wala si Sushi sa tabi ko, kanina pa ako inatake ng mga nilalang dito. Somehow, the forest beast recognize him as one of them that's why no one is attacking us.Medyo mas dumidilim na ang paligid at nakaramdam na rin ako ng pagod. Mas ramdam ko na rin ang pananakit ng aking likod pero natitiis ko pa naman iyon. Kailangan maabutan namin sila bago magdilim, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maabutan ako dito nang mag-isa, kasama lang si Sushi.Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon na si Sushi sa mga sanga ng kahoy kaya mas lalong kumapit ako sa kanya dah
Alessia's POVNAKASANDAL ako sa isang malaking kahoy habang abala naman ang mga sentinels sa pagsisiga at pag-iihaw ng hayop na kanilang nahuli. Naging madali sa kanila ang paghuli ng hayop dahil hindi ito dinadayo ng mga immortal kaya hindi sanay ang mga hayop na mabubuhay dito. Hindi ito tumatakbo tuwing nakakakita ng mga kagaya namin. They are even curious and moving closer to see us.Si Elijah naman ay abala sa paggawa ng tulugan. Gumagawa siya ng higaan gamit ang mga dahon na nakuha niya sa mga puno. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Sushi naman ay bumalik na sa pagiging tuta niya."Ales." Nakangising bati sa akin ni Stefano na tapos na sa kanyang ginagawa. Gumawa din siya ng higaan para maging tulugan niya.Hindi ko na inabala na gumawa ng higaan, dahil kaya ko naman matulog kahit saan basta inaantok na ako."Mabuti at hindi ka nilamon ng mga nilalang kanina." Biro ko pa sa kanya kahit alam ko naman na kayang kaya nila ang mga iyon."Mas mabuti na hindi ikaw ang kinain." Balik b
Alessia's POVNATAPOS din ako sa pagbabawas at naging maingat ako dahil baka maapakan ko ang krimen na ginawa ko. Umalis ako doon sa pinagbawasan ko kahit wala naman akong nakikita."T-tapos na ako." Saad ko naman kahit hindi ko alam kung saan nakatayo si Elijah ngayon."I know." Biglang saad naman ni Elijah na nasa gilid ko na pala. Nagulat ako doon pero hindi naman ako nainis o naasar."U-umalis na tayo." Saad ko naman sa kanya kaya hinila na niya ako pabalik sa grupo.Ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam ko at hindi na kagaya kanina na masakit ang aking tiyan. Maybe, this will be my life in the next few days. Dapat hindi na rin ako mahihiya dahil parang wala lang naman ito sa kanila.Unlike with humans, pagnalaman nila na natatae ka, pagtatawanan ka pa. Kaya nakakahiya sabihin iyon. To them, it's natural and they don't find it funny kaya hindi na nakakahiya.Ngayon ko lang napagtanto, na nakakahiya lang ang isang bagay kung pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo. Doing a thing is
Alessia's POVNAGSIMULA nang umusad ang kabayo na sinasakyan namin ni Elijah pagkatapos ng usapin na iyon. Ngumunguya naman ako ngayon ng prutas na tinatawag nilang Soursop. Guyabano ito sa pagkakaalam ko pero tinatawang nilang Soursop dito. Hindi naman siya maasim na parang sampalok, it's sweet and juicy to be exact, though sometimes their is a bit distinctive sourness of the fruit but it taste delicious.Kumakain lang ako nun habang nakatingin ako sa unahan. Si Elijah naman ay maingat na denedepensahan niya ako sa kung ano man. Hindi kami nag-uusap dahil abala ako sa pagkain. Pero abala ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Mas maaliwalas ang panahon ngayon, mukhang nawala yung makulimlim na ulap kaya nagiging normal na kagubatan tingnan ang Eleftheria. May kabilisan ang takbo ng kabayo, pero dahil hawak hawak ako ni Elijah, maayos pa rin akong nakakakain. Hindi ako natatakot na mahulog dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako hahayaan na mahulog.Naubos ko naman
Alessia's POVNAPAPASIMANGOT ako tuwing naaalala ko na inirapan ako ni Sushi at hindi pinapansin. Hindi ko akalain na marunong pala itong magtampo. Hindi ko na talaga siya naalala dahil sa dami ng mga nangyari. Inaalala ko na ang buhay ko kanina.Kaya hinayaan ko na kang muna si Sushi. Kung hindi na siya nagtatampo, alam ko na lalapit din yan sa akin.Napatingin ako sa itaas at nakikita ko ang tila walang hangganang bulkan ng Eleftheria. Wala na ang mga winged baboons, at nandito kami ngayon sa isang matarik na daan. Wala itong trail, at halatang hindi ito daanan na parte. Pero wala naman dumadaan dito kung iisipin ko."We will hike from here." Saad naman ni Elijah sa lahat at naramdaman ko naman ang bibig ni Elijah sa aking tenga. "Sweetheart, they are all watching you clinging to me." Bulong niya sa akin. Tsaka ko naman naalala kung ano ang posisyon namin dalawa na hindi pa nagbabago simula nang nagkahabulan kami ng mga baboons.I am still straddling him, until now. Nakaramdam ako n
Alessia's POVNATAPOS kaming pumasok sa courtyard kasama si Stefano ay nanood kami ng ipinagmamalaking sayaw ng Valeria. Ang sabi sa akin ni Stefano, ang sayaw daw na iyon ay Faerie Dance. Ang sayaw na ito ay hindi basta-bastang sinasayaw kung saan saan dahil kada blessing of the moon lang ito ginagawa.Totoong napakaganda ng sayaw na ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon sayaw. Para itong lumilipad sa ere—no, they can really slightly fly, maybe they learned martial arts at kaya nila iyon gawin.Palakpakan naman ang lahat pagkatapos at nagsimula na din ang banquet. Mga alak at pagkain na sapat para sa lahat. Hindi naman ako uminom ng alak dahil alam ko na matapang ang kanilang alak dito. Kahit alam ko na isa akong imortal, ang katawan ko ay hindi pa rin sanay sa buhay dito. Hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako malalasing."Lady Alessia, narinig ko mula sa Hari na isa ka pa lang mangagamot. Kung maaari, pwede mo bang matingnan ako?" Biglang tanong sa akin
Alessia's POVDUMATING na kami sa harap ng pintuan kung saan pansamantalang tumutuloy si Sudanni. Hindi na ako kinibo pa ni Stefano, mukhang nagtatampo ito sa akin pagkatapos ako nitong pagalitan.Ayaw ko naman siyang pilitin na maging maayos kami dahil ramdam ko na masama ang loob niya at ayaw na niya muna akong kausapin. Nailalarawan ko na rin sa isipan ko ang takot ng mga sentinels at tagapgsilbe dito kanina dahil sa pangyayari. "Salamat." Saad ko kay Stefano ngunit hindi man lang ako nito nilingon at tila wala itong naririnig.Napanguso naman ako kaya wala akong magawa at akmang kakatok na sana ako sa pintuan nang bigla naman itong bumukas at agad na nakita ko si Sudanni na maayos na maayos ang itsura. His pointy ears and glowing golden eyes are striking with his long black hair."Ales." Usal nito sa akin na tila inasahan na niya ang pagdating ko.Lumunok naman ako dahil mula sa Callora Grande ay ito ang unang beses na nakita ko siya ulit."Maaari ba kitang makausap?" Tanong ko s
Alessia's POVUMINOM ako ng pumpkin juice na hindi ko nakasanayan na lasa. Ito ang inomin sa kainan na ito at sarap na sarap ang lahat habang ako naman ay pinipigilan na mapangiwi. There is this distinguish pumpkin taste that makes me think that I am drinking a vegetable juice which I don't really like.Pero pinigilan ko na ngumiwi lalo na at nilibre na nga lang ako at magiging maarte pa ako. I'll just remind myself not to drink pumpkin juice in the future. I know that this is a healthy drink, but it doesn't suit my taste."Binibini, bumalik na tayo sa palasyo, baka hinahanap na tayo doon." Yaya naman sa akin ni Estrebelle.Napanguso naman ako. Hindi pa naman ako uwing-uwi. Gusto ko pang maglakad lakad at tumingin sa paligid. Not everyday, I can go to this place."Mamaya na. Masyadong abala ang Hari para malaman niya na tumakas tayo." Saad ko naman sa kanya at inilipat ko ang tingin ko sa gitna kung saan ang asul na bato nakaposisyon."Pero baka kasi hanapin kayo ng kamahalan." Tugon
Alessia's POVMABILIS akong napalingon at agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakatalukbong na pigura. Agad na lumarawan sa aking balintataw ang mukha na kay tagal ko ng inasam na makita simula ng napadpad ako dito sa Wysteria."L-lolo..." naibulong ko at biglang nangilid ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya."Apo ko..." ganting yakap naman ni Lolo sa akin. "Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Masyadong komplikado ang lahat kaya natagalan ako." Saad niya sa akin na ramdam ko sa boses niya na naiiyak ito.Humiwalay naman ako sa kanya habang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya."Lolo, ang daming nangyari...Ang daming katanungan sa isipan ko na hindi ko alam kung ano ang sagot." Humihikbing saad ko. Kay tagal ko ng ipinagdarasal ang tagpong ito. Dahil sa lahat ng katanungan ko, si lolo lang ang makakasagot.Hinawakan naman niya ang aking kamay at tsaka hinila ang ako patun
Alessia's POVABALA ang lahat sa paghahanda para sa darating na blessing of the moon. Ni hindi ko din nasisilayan si Elijah dahil palagi itong nasa siyudad ng Valencia para sa preparasyon dahil doon magtitipon tipon ang mga mamanayan ng Valeria.Inilipat din pansamantala ang mga taga Samona sa Valencia habang inaayos pa ang kanilang mga tirahan. Dito na din sila magsisilebra ng blessing of the moon.Gusto kong pumunta sa syudad, para makita ang ginagawang preparasyon. Alam ko na hindi ako nagpaalam kay Elijah ngunit wala naman masama kung lalabas ako ngayon. It's daylight at marami din Sentinels na nakakalat sa lugar."Estrebelle, gusto kong pumunta sa siyudad." Saad ko sa kanya habang nakatayo sa may gilid ko at si Sushi naman ay nakahiga lang at agad na gumalaw ang tenga nito nang marinig ang sinabi ko. Bukas na ang blessing of the moon at talagang inaasahan ko itong masaksihan."Pero binibining Alessia, kabilin bilinan ng mahal na hari na hindi po kayo pwedeng lumabas dahil delikad
Alessia's POVAGAD na hinanap ko si Elijah para kausapin siya. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakakausap tungkol sa pagpunta ko sa festival. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung hindi siya papayag.Nakita ko naman si Stefano na naglalakad at may bitbit itong isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil hindi niya ako napansin."Stefano! Para saan yan?" Agad na tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sa akin si Stefano at huminto.Itinuro ko naman ang bitbit niyang kahon kaya agad niyang naintindihan na iyon ang tinutukoy ko."Ito ba? Para to kay Sudanni. Hindi pala siya kumakain ng normal na pagkain natin at kailangan na siya din ang magluto ng pagkain niya." Sagot naman niya sa akin.Napakurap naman ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Sudanni. Nawala na siya sa isipan ko noon nagkagulo sa Samona. Ni hindi ko na alam kung nasa digmaan ba siya o nauna dito sa Valencia."He's not normal to begin with..."
Alessia's POVAGAD na nakauwi kami sa Palasyo. Pinasuot ako ni Elijah ng isang itim na talukbong upang hindi ako makaani ng atensyon sa palasyo. Gusto kong magpahinga at kung makikita ako ng mga tauhan sa palasyo ay alam ko na hindi matatahimik ang araw ko.Nakasunod lang din sa akin Sushi at hindi naman kami napansin ng mga tauhan sa palasyo. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga Sentinel na kailangan ng atensyon dahil sa mga dumi sa kanilang katawan. Hindi din ako pinayagan ni Elijah na tumulong sa paggamot dahil kailangan ko muna daw unahin ang sarili ko dahil kulang na kulang ako sa pahinga. Hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya dahil kahit ang katawan ko mismo ay bumibigay na din.Dumerecho na ako paitaas dahil kailangan ko ng maligo at nang makatulog na ako. Hindi ko na alintana kung hindi pa ba ako kumakain dahil mas malakas ang impluwensya ng pagod ko kaysa sa gutom na nararamdaman ko.Agad na pumasok ako sa aking kwarto at nilanghap ang pamilyar na amoy ng bulaklak. Ag
Alessia's POVPIPING dasal ko na sana ay hindi pumasok ang demon sa wasak na bahay ni Honey. Dahil kung mangyayari man iyon, sigurado akong wala na akong takas. Hindi ko alam kung nasaan si Sushi ngayon kailangan ko siya. Elijah is impossible to rescue me because of the on-going crisis at naiintindihan ko iyon. They cannot prioritize me especially when the town is in crumble. Mas importante ang nakararami kay sa isang tao lang.Naitakip ko sa aking dalawang tenga ang aking mga kamay nang marinig ko na tila kinakain ng demon ang katawan ng bangkay. Pinuno ng kilabot ang buo kong katawan at walang humpay ang aking mga luha. Pigil na pigil ko ang aking iyak dahil natatakot ako na mapansin ng mga demons. Gustong gusto kong pumalahaw sa takot ngunit mas natatakot akong mapansin ng mga demons at ako ang susunod na kainin.Kumalat ang amoy ng dugo sa paligid na naging dahilan para mas naging masama ang pakiramdam ng tiyan ko na gusto kong masuka. Iba ang dating ng dugong naamoy mo sa hayop,
Alessia's POVWHO could have thought that death itself will come to me. To take away my soul without any reason? Hindi dapat ganito ang nangyayari. Ang isang reaper, kumukuha lang ng isang kaluluwa kung patay na ang isang imortal. Buhay na buhay ako at hindi pa ako patay para sunduin na niya! Does his eyes been defective somehow?"N-no. Why are you taking someone else soul who's not even dead in the first place!" Hindi ko mapigilan na maisigaw. I am very much alive to be treated this way. I am not dead and definitely will not be! This reaper might be dreaming or something.You believe that in this world, you are alive. You are a scarped soul, child. It's time for you to go back to where you are supposed to be. Defying your fate will only cause misery to the living. Saad ng reaper at napaatras ako dahil sa sinabi niya.I am what? A scarped soul? Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig niyang sabihin na isa lamang akong takas na kaluluwa? Hindi ako patay para sabihin niya iyon. Paanong is