Napakurap-kurap ako saka marahan siyang itinulak ngunit sa kasamaang palad ay mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya. Halos magdikit na ang mga ilong namin. I can feel his warm breathe fanning my face which stirs something inside my stomach. Tila hinahalukay iyon ng kung ano.
Nakarinig ako ng impit na mga tili sa gawing kanan ko dahilan upang mapalingon ako roon. Muntik ko nang makalimutang may kasama pa pala kami rito.
Paglingon kong muli sa kanya ay nakatayo na siya nang tuwid habang nakapamulsa. He smirked at me then finally turn to his back to leave. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa likod niya habang naglalakad siya papalayo. His hair was perfectly combed. He wears a polo shirt and a pair of black pants. Ngunit napangiwi ako nang matuon ang mga mata ko sa mga paa niya. He's wearing a black leather shoes. A perfect nerd get up plus the eyeglasses. But overall, he's damn neat.
"Tapos ka nang tumitig? Masyado mo yatang ine-enjoy ang nakikita ng mga mata mo," aniya habang may nakakabuwisit na ngisi sa mga labi niyang kay sarap burahin.
Napairap ako saka siya sinagot. "Hoy! Ang yabang mo talaga, 'no? Sino'ng nagsabi na tinititigan kita? Wow, ha! Ang kapal ng mukha mo!"
"Hindi ako bulag, babaeng manok. Ano palang tawag mo sa ginagawa mo kanina?"
"Sinong babaeng manok, ha?! Saka sigurado ka bang ikaw ang tinitignan ko? Duh! Ibang klase ka rin, ano?" Naiimbyerna na talaga ako sa lalaking 'to.
"Oo, babaeng manok. Putak ka kasi ng putak. Saka hindi lang naman ako ang nakakitang titig na titig ka sa kagwapuhan ko, 'di ba girls?" aniya sabay baling sa mga kaibigan kong kulang na lamang ay maghugis puso ang mga mata at halos mahimatay na sa kilig dahil sa wakas ay napansin din sila ng napakayabang at napaka-antipatiko nilang crush. Argh!
Marahan namang tumango ang dalawa saka bumaling sa akin. "Sorry, Fia. Pero totoo ngang nakatitig ka sa kanya. Kitang-kita ng dalawang mata ko," sagot ni Ciara.
"Sorry, Fia. Masama kasing magsinungaling," ani naman ni Kath.
"See?" tipid na sabi ng antipatikong nerd saka nakakalokong ngumisi.
"Whatever! Sa lahat ng nerd na nakilala ko, ikaw lang ang —" pinutol niya ang pagsasalita ko at mas lalo akong nainis sa idinugtong niya.
"Gwapo? Siyempre, ako pa ba?" confident na sabi niya.
"Pffft! G*go 'ka mo," sagot ko saka lumakad na upang lumayo sa nakaka-imbyernang lugar na 'to. Bahala na ang dalawang bruha kung sasama sila o hindi. Pinagkakaisahan nila ako.
Mabilis akong naglakad saka walang lingon siyang nilampasan.
"Hahaha... Walk out, girl?"
Napatigil ako't napatawa sa tono ng pananalita niya. Nilingon ko siya at nakitang halos kalahating dipa lang ang layo namin sa isa't isa.
"Bakla ka, ghurl?" pang-aasar ko sa kanya ngunit tila gusto ko yatang pagsisihan ang ginawa ko dahil bigla niya akong nilapitan saka hinawakan sa magkabilang braso.
Alam kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit hindi man lamang ako nakaramdam ng sakit.
"Ako? Bakla? Hahaha... Isa pang tawag mo sa 'kin ng bakla. Hahalikan kita." Halos pabulong ang pagkakasabi niya sa huling mga kataga niya, dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
"S-sige! Subukan mo! Makakatikim ka sa 'kin ng s-sapak!" utal kong banta sa kanya saka nagpumiglas sa pagkakahawak niya ngunit sadyang malakas siya at para bang wala talaga siyang balak na bitiwan ako.
"Bakla!" Oo, baliw na kung baliw pero wala na, lumabas na sa bibig ko ang salitang mas lalong nakapag-painit ng ulo niya. Waahhh! Help me!
Naningkit ang mga mata niya. "Sinusubukan mo talaga ako? Pwes..." mahinang saad niya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Tila ba may karera ng mga kabayo sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Noooo! Hindi ako puwedeng mahalikan ng hudas na 'to.
Napako ang tingin ko sa nga labi niya nang may biglang sumagi sa isip ko. If I can't make him stop, then I will turn the tables and make the favors be on my side. Akala niya siguro matatakot ako sa banta niya.
Natigilan siya nang matuon ang paningin niya sa mga labi kong nakataas ang isang sulok. Nang bumalik ang titig niya sa nga mata ko'y nanunudyo ko siyang tinignan.
Mas lalo akong napangisi nang makita kong napalunok siya lalo na nang muling bumalik ang tingin niya sa mga labi ko.
"Have you ever been kissed?" ginaya ko ang paraan niya ng pananalita kanina na nakapatindig sa mga balahibo ko. I want to see if he'll get the same reaction, o sadyang sanay lang siya sa ganoong mga bagay.
"N-no."
This time ay bahagya nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga braso ko kaya naman itinaas ko ito at hinawakan siya sa balikat upang mas lalo siyang asarin.
Mapang-akit ko siyang tiningnan saka marahang pinaglandas ang daliri ko mula sa dibdib niya hanggang sa bandang tiyan.
I'm not used to this kind of stuffs but I can obviously do it, kung kinakailangan. And by the looks on his face, I can see how affected he is with my touch. Nagtatatalon na ako sa isip kong tila ba nanalo sa lotto. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mga pisngi niya at tainga.
Ako naman ang lumapit sa kanya at halos maglapat na ang mga katawan namin. Nararamdaman ko na ang init na inilalabas niyon. Nakakapaso ngunit kailangan kong ipaghiganti ang pride ko. Mas matangkad siya kaysa sa akin kaya naman kailangan ko pang tumingkayad upang maabot ang kaliwang tainga niya na sa kasamaang palad ay hindi ko talaga abot. Ba't ba kasi ang tangkad niya?
"Your face is flushed. I guess the tables had turned." Sinadya kong mas bagalan pa ang pagkakasabi upang mas madama niya ang aking paghinga at kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi ko sa leeg niya.
Pagkatapos ay unti-unti akong lumayo sa kanya upang tignan ang itsura niya. Nakapikit siya habang bahagyang nakaawang ang mga labi ngunit agad ring napadilat nang maramdaman niya ang paglapat ng kanang palad ko sa kaliwang pisngi niya.
Hindi ko alam ngunit kusa na lamang na gumalaw ang kamay ko papunta roon. Mabuti na lamang at may naisip akong palusot.
Marahan kong tinapik ang pisngi niya. "Isara mo ang bunganga mo, baka mapasukan ng langaw."
Hindi pa man siya nakakahuma ay umalis na 'ko sa harapan niya't tuluyan nang lumabas ng garden na iyon. Nang medyo makalayo na ako'y binilisan ko ang paglalakad hanggang sa halos takbubin ko na ang daan papunta sa rest room.
Nang makapasok na ako'y agad kong isinara ang pinto saka mariing ipinikit ang aking mga mata at sumandal dito. Napahawak ako sa dibdib ko.
'Ang hirap tumitig sa mga mata niya. Nakakakunod!' sigaw ko sa aking isip.
Hindi ko pinansin ang dalawa na patuloy lamang sa pagsunod sa akin hanggang sa makarating kami sa classroom. Inilibot ko ang paningin ko upang maghanap ng mauupuan. Hindi kasi ito ang main classroom namin. Students' move every subject at dahil nga unang araw ng klase ay wala pa kaming sitting arrangement. Nakakita ako ng vacant seat sa pinakadulo sa first row. Sakto dahil nagtatampo pa rin ako sa kanilang dalawa, hindi nila ako matatabihan at makukulit. Nakakapanlumo lang kasi na parang mas kinampihan pa nila ang crush nila kaysa sa akin na best friend nila. Mabuti na lamang at pagkaupo ko ay siya namang pagdating ng teacher namin. Natapos ang klase namin nang hindi man lamang ako sumulyap sa kanila. I'm not actually like this. Hindi ako ma-pride pagdating sa kanila at ngayon lang nangyari na nagtampo ako nang sobra sa kanila. Marahil ay nainis lang talaga ako kanina dahil napahiya ako s
I didn't bother to look at them. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko kahit pa tila nawalan na 'ko ng gana. "Mabuti at nakarating ka." Napa-angat ako ng tingin nang sabihin iyon ni Mama sa kanya. Does that mean she invited him? Mahina akong napabuga ng hangin. I didn't expect na talagang inanyayahan niya pa rito sa bahay ang lalaking muntikan nang sumira sa buhay namin. "Minsan lang naman ito, Lis. Saka ayaw ko namang tanggihan ang paanyaya mo. Pagkakataon ko na rin ito para makausap kayo ng anak ko," he confidently said as if he didn't do anything wrong in the past. And what? He even called Mama, Lis casually? Ha! The nerve! Napairap na lamang ako sa kawalan nang marinig ko ang litanya niya. Psh! Anak? Sa tingin niya ba may anak pa siyang babalikan after all that he did to us? Ang kapal naman talaga ng mukha niya kung gano'n. Lumipad ang tingin ko patungo sa direk
"NAIINTINDIHAN ko ang pinanggagalingan mo, Sofia. And I will not ask you to forgive your father. Nasa sa iyo naman 'yon. Malaki ka na, and you already know what is the right thing to do. Kung makapagpapagaan sa loob mo na h'wag siyang patawarin at patuloy siyang iwasan, then do it. But know this... Hate is like an acid flowing through a plastic pipe. Eventually, the acid will destroy the pipe." Nakatitig lang ako kay Ms. Naomi habang seryoso siyang nagsasalita. I don't know what to say anymore. Hindi ko mahagilap ang tamang salita, but her words comforted me. Palaisipan man para sa akin ang sinabi niya, alam kong payo iyon... Para sa ikabubuti ko. I know that it is bad to hate... But I am just too hurt to forgive him that soon. Masyadong masakit ang ginawa niya sa amin ni Mama. Ako 'yong nasasaktan everytime na madaraanan ko ang kwarto ni Mama and heard her crying late at night. Akala ko sa mga telenovela o pelikula lang nangyayari ang ganito
Napatawa ako ng pagak. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak nitong antipatikong 'to at naisipan niya akong i-add sa facebook. A smirk painted my face when an idea popped in my head. "Hmmm... Manigas ka r'yan dahil gagawin kitang follower. Asa ka namang i-a-accept ko ang friend request mo 'no! No freakin' way!" I put my phone at the bedside table and stood up to take a bath even if I really wanted to lay down. Mas masarap naman kasi talaga matulog kapag bagong ligo... Fresh. ***** "Ma, I have to go. I'm late," sabi ko pagkababa ko ng hagdan.Naabutan ko siyang inilalapag ang isang bandehado ng garlic rice sa dining table at nakakunut-noong bumaling sa akin. "How about breakfast?" "Sa school na lang p
I don't know what I should feel when we entered the classroom. Lahat ng mga mata'y nakatuon sa akin. Nakapanliliit. Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa daanan saka dumiretso sa upuan ko. Pagkaupo ko'y sinulyapan ko sila Kath at Ciara na parehong nakatingin sa akin. Para kaming nag-uusap sa mga isip namin. Marahil ay alam nilang dahil sa issue sa social media ang rason kung bakit halos lahat sila'y nakatingin sa akin... Ng matalim at tila ba nang-uuyam. I didn't do anything wrong. Ako pa nga ang na-agrabyado tapos ako pa itong magiging laman ng usapan? Ako pa 'tong machi-chismis sa isang bagay na wala namang katotohanan. Saka asa pa silang mangyayari 'yon! No way! Ni madikit lang ang balat ko sa kanya'y hindi ko na gusto, ang halikan pa kaya siya? Nakakasuka! "Ah, talaga ba?" Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paghinga niya sa bandang leeg ko. Nakakakiliti— no! Hindi puwede!&
We were both seated inside a fine-dining restaurant. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. Naghihintay sa anumang sasabihin niya. Prente lang siyang nakaupo habang pumipili ng kakainin niya... Nakaupo na para bang maayos kaming dalawa... That I already forgiven him when the truth is this is the last thing that I will do — to be left with him alone. He looks fine. Hindi siya 'yong tipo ng tao na may konsensiya. He didn't even say sorry to me. Hindi ko lang alam kay Mama but sa 'kin? Never kong narinig ang salitang 'yon sa kaniya. Well, kahit naman sabihin niya iyon ay hindi ko pa rin siya mapapatawad. He must pay for what he had done to us. Pero parang wala lang naman sa kaniya. Pagkatapos niyang um-order ay tuwid siyang naupo habang ang magkasalikop niyang mga kamay ay nakapatong sa lamesa. He looked straight to me and gave a smile. Napairap ako sa kawalan saka mahinang napabuga ng hangin. "So, why did yo
"Susunod na lang ako. Maaga pa naman," sagot niya sa damuhong si Mr. Antipatiko. Small world, isn't it? Who would have thought that Jacob is a friend of Cherro? "Sige na. Mukhang may lakad pa yata kayo ng mga barkada mo," ani ko saka palihim na napairap. "It's okay. I can't leave you here alone in that state. Baka maging cargo de konsensiya pa kita mamaya. Sabi ko naman kasi sa 'yo, ihahatid na lang kita e." "Thanks but I can manage," I smiled at him para malaman niyang ayos lang ako. "H'wag ka nang makulit. If you really want me to go, then sumabay ka na lang sa 'kin para maihatid na kita," pangungulit niya. "Hmmm... O-okay. Looks like I have no choice, do I?" "Okay. Wait for me here. Kunin ko lang si Alex," aniya saka mabilis na lumakad patungo sa mga naka-park na sasakyan. "Alex? Who is that?" napatanong ako sa sarili ko ng wala sa oras. M
"Happy Birthday!" they all shouted in unison — Mama, my best friends, and the man I left from the restaurant earlier. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. I can't explain what I am feeling right now. Masaya? Malungkot? Hindi ko na alam kung ano ba'ng dapat kong maramdaman. Naghalu-halo na ang mga emosyon sa dibdib ko. Ni hindi ko na nga naalalang birthday ko pala ngayon, but here they are. Gumawa pa talaga sila ng surprise party para sa 'kin. "I guess I need to go—" "No. Stay here," pigil ko sa kaniya. Hindi siya umimik ngunit natigilan siya nang tignan niya ang luhaan kong mga mata. I felt his hand pressed mine. Hindi ko napansin na magkahawak-kamay pa rin kaming dalawa. I turned my gaze into them and I saw that they are also looking at our intertwined hands. I felt my cheeks heated. "Baby! We've been waiting for you. Mabuti naman nandito ka na. Happy
SHE SIGHED. "Fia, it doesn't matter if I'm happy or not. As long as naibibigay ko sa 'yo ang mga pangangailangan mo, wala na 'kong iba pang gusto. Even if I need to work my ass out just to give you the life that you deserve, I will. Ikaw ang priority ko, Fia. Ayaw ko nang magdagdag pa ng ibang alalahanin." ''But Ma, you deserve to be happy. You deserve to live a life you are excited about..." "Fia, tandaan mo 'to, no one can make you happy until you're happy with yoursef first." Hindi na ako nagtangka pang sumagot. Mahirap nang baguhin ang isip ni Mama kapag buo na ang pasiya niya. Nanahimik na lamang ako at humugot ng malalim na hininga. Sumandal na lamang ako at tumanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa makauwi kami ay naging awkward na ang atmosphere.
"PASOK muna kayo. Maghahanda ako ng meryenda," anyaya ko kina Cherro at Jacob pagdating namin sa tapat ng bahay. "Thanks, pero siguro uuwi na 'ko. Dadaan pa ako kina Ciara, eh," Cherro replied. Napatingin naman ako kay Jacob at napansin kong ganoon rin si Cherro, kaya naman nagpalipat-lipat ang tingin ni Cherro sa aming dalawa. "Ah... Ano... Ayos lang naman sa 'kin. Hindi naman ako nagmamadali," Jacob shyly said. "Okay! Tara na sa loob? Cherro, ingat ka sa pag-uwi, dahan-dahan lang sa pagmamaneho." I was suppose to turn around and take a step but someone grabbed me by the arm. Pagharap ko'y si Cherro ang nakahawak sa 'kin. "Bakit?" takang tanong ko. "A-ano... Mamaya na lang ri
"DON'T MOVE!" Agad akong napabutaw sa hawak kong bubog nang bahagya siyang sumigaw. "Put that down. Ako na maglilinis niyan," dagdag niya pa. Hindi na 'ko umimik at tumayo na lang. Pinanood ko lamang siyang kumuha nang walis at dust pan saka winalis ang mga bubog. Pagkatapos niyang linisin ang mga iyon ay muli niya akong dinaluhan. I flinched when he held my hand, kaya napatingin siya rito. "Tsk! Saglit lang. Kukuha lang ako ng first aid kit para magamot ko ang sugat mo," aniya saka tumungo sa medicine cabinet. Napatingin din ako sa kamay ko at nakita ang dugo na tumutulo mula sa maliit na sugat sa hintuturo ko. Bahagyang nandilim ang paningin ko nang makita ko ang sarili kong dugo. Napakapit ako sa stool dahil tila nanlambot ang mga tuhod at binti ko ngunit dumulas ang kapit ko't tuluyan akong
"Fia?" My body froze; I just can't move a muscle and all I can do is to stare back at them. Muling umagos ang mga luha sa mga mata ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. I hate him. I do have a little crush on him, but I still hate him! So, why am I feeling this way? Why am I hurting by just seeing them kissed? Napayuko ako dahil hindi ko na mapigil pa ang mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko. Para na itong talon na tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Hanggang sa bigla kong naramdaman ang mainit na palad na humaplos sa mukha ko. Iniangat niya ang mukha ko dahilan upang makita ko ang kaniyang kulay dagat na mga mata. Nakakalunod. Hindi na 'ko makahinga. "Fia? Why are you crying? Are you hurt?" Agad niyang sinuri ang mga kamay at braso ko. "Thank goodness, wala kang sugat. Wait, aren't you feelin
"FIA... FIA..." nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, only to find a pair of ocean blue eyes staring straight at me. Sobrang lapit ng mukha niya, dahilan para mag-init nang husto ang buong mukha ko. Napalunok ako nang dumapo ang tingin niya sa mga labi ko. Tila nahigit ko ang paghinga ko at pigil na pigil ito. Nako-conscious ako sa amoy ng hininga ko lalo pa't buong biyahe akong tulog. 'Ahh! Ano ba, Cherro! Lumayo ka nga!' gusto ko sanang sabihin kung hindi lang talaga ako conscious sa amoy ng hininga ko. "Cherro!" He jumped when he heard a woman shout his name. "Aw!" impit na pag-aray niya habang hinihipo ang tuktok ng ulo niyang nauntog sa bubong ng
"STOP IT! Both of you, stop it!" sigaw ni Ciara saka dinaluhan ako. But before she can get ahold of me, I step back. I look at her straight in the eyes. Tears were forming in there but I just shook my head in disappointment. Mapait akong napatawa. I turned to face Cherro and slap him hard. "You used me! Isinama mo 'ko rito hindi para tulungan akong hanapin sila kundi para makita at mabawi mo si Ciara. How selfish." I didn't bother to wait for his reaction. Mabilis akong tumakbo at walang lingon-likod kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag-agos ng mga luha. Parang pinipiga ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Nang makalayo na 'ko ay doon ako tumigil at sumandal sa isang puno ng niyog. Napaupo ako at umiyak nang umiyak. My mind was in chaos, and so does my heart. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba sa nalaman kong may gusto si Cherro kay Ci
NAPATAKIP ako sa aking mga mata dahil sa nakita ko. Ngunit hindi ko maitatangging malaki ang kaniyang— "H'wag kang titingin!" sigaw niya nang muntikan na 'kong mapalingon ulit sa kaniya. "See how clumsy you are? Psh!" nayayamot na sambit niya. "Hoy! Ikaw! Namumuro ka na, ha! Ako pa ang may kasalanan? Sino kaya 'tong nangiliti habang... Habang nakatapis lang ng tuwalya? Bakit kasi hindi ka muna nagbihis? Manyak ka talaga!" sigaw ko sabay talukbong ng comforter. Oh my! Help me! My virgin eyes! How to unsee? "ANO'NG order mo?" untag niya sa 'kin habang binabasa ang menu. Napairap na lamang ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong nakita ko kanina. Hays! Narurumihan ang utak ko dahil sa lalaking 't
"HEY, don't make a scene here," pigil sa 'kin ni Cherro nang makita niyang bigla na lamang akong tumayo habang nakatingin sa dalawa, kaya naman inis akong napaharap sa kaniya. "Why would I? What do you think of me, huh?" Napairap na lamang ako dahil sa tinuran niya. "Wala lang. Baka kasi mag-eskandalo ka rito, eh.""At bakit ko nga gagawin 'yon, ha? Gawain lang iyon ng isang selosang girlfriend na nahuli ang boyfriend niyang may kasamang iba. Iba 'yon sa kaso ko, kaya p'wede ba, ha? Kakausapin ko lang naman 'yong bruha na 'yon dahil hindi lang ang pamilya niya ang pinag-alala niya... Pati kami ni Kath," dire-diretso kong sabi kaya naman napangisi siya. "Oh, hindi ka naman hiningal niyan sa litanya mo? Hahahaha..." "Ikaw talaga, panira ka ng mood!"
"JUST trust me," seryoso niyang sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Napangisi ako saka umiling habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Trust you?" tanong ko saka muling bumaling sa kaniya. "How can I trust someone like you? Palagi mo na lang akong pinipikon! Walang araw na hindi ako naiinis sa 'yo dahil napaka-antipatiko mo! Napakasama mo sa 'kin and now, you're asking me to trust you? How absurd is that? Ha? And we're not even friends. So, tell me. How can I trust you? And why should I trust you?" "Kalimutan mo muna 'yang inis mo, puwede ba? Si Ciara ang pinag-uusapan natin dito. Please. I need you to trust me... Just this once." I look at him straight in the eyes. Concern and sincerity was written on his face. I have doubts on trusting him but I need to know if he's saying the truth. Kaya kahit mahirap ay pumayag ako. Mariin akong napapikit at sa pagdilat ko'y muli akong tumin