Share

CHAPTER 3

Author: ImaginationNiAte
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Third Person's Point of View

Pansin nila na sobrang higpit ng pagkakahawak ni Lorcan sa manibela ng kanyang sasakyan. Kulang na nga lang ay suntukin at sirain na niya ito dahil sa sobrang inis. They couldn't find her! Sinundan nila si Aeliana nang makita nilang maraming mga lalaking humahabol sa kanya kanina pero hindi na nila siya nagawang naabutan at hindi na rin nila muling nakita ang magandang dalaga na si Aeliana.

Ngayon ay naiintindihan na nilang tatlo kung bakit ito basta pumasok kanina sa sasakyan nila at animo'y may pinagtataguan. Alam na nila kung ano ang dahilan ni Ael at kung bakit ito balisa at hinihingal na tila galing sa pagtakbo. Iyon pala ay nagtatago ito sa mga bodyguards niya.

Hindi nila alam kung ano pa ang dahilan kung bakit pinagtataguan ni Ael ang mga bodyguards niya, subalit nakatitiyak si Lorcan na may dahilan ang dalaga. Tanging namumutawi sa kanilang nararamdaman ngayon ang matinding galit, inis at panghihinayang. Nagagalit sila sa kanilang sarili dahil wala silang nagawa at naiinis din sila dahil hindi nila naabutan ang dalaga.

Nanghihinayang din sila dahil iyon na sana ang pagkakataon nila para mas makilala pa nila si Ael. They were interested in getting to know her. Sa buong buhay nila ay ngayon lang nila ito naramdaman at naranasan. Ngayon lang din sila nagkaroon ng interes na makilala ang isang babae at worst, hindi pa nila magawang mabura-bura sa isipan nila ang magandang mukha ni Aeliana.

Ito rin ang kauna-unahang beses na maramdaman nila na parang masisiraan sila ng ulo sa kakaisip kung saan ba nila sisimulan na hanapin ang isang babae, at kay Ael pa na kakakilala lang nila kanina!

"Fuck!" Lucian cursed angrily.

Halos masira na rin niya ang katabing upuan dahil sa pinagsusuntok niya ito ng sobrang lakas. Nagagalit sila dahil hinayaan nilang makawala si Aeliana sa tabi nila. Abot kamay na nila ang dalaga, pero nakawala pa ito sa kanila.

Kung sana ay nakakilos sila agad at sila na mismo ang gumawa ng paraan para ilayo ang dalaga mula sa mga humahabol na bodyguards nito, eh 'di sana ay kasama pa rin nila hanggang ngayon ang babaeng dahilan para mabaliw sila ngayon. Yeah, maybe they are crazy but who cares? Talagang interesado sila kay Ael. Gusto nila na makilala siya at pumasok sa buhay ng dalaga.

"Don't worry, guys. Mahahanap din natin si Aeliana okay?" wika ni Lycus sa dalawa niyang kakambal na ngayon ay hindi na maipinta ang mga pagmumukha.

Gusto lang naman niya na pagaanin ang loob nila. Ngunit mabilis namang umangat ang dalawa niyang kamay sa ere na tila sumusuko nang sabay siya na pinukulan ng masamang tingin ni Lorcan at Lucian. Nanlilisik ang mga mata nila, talagang galit na galit ang mga ito at tila gusto nilang makapatay ng tao dahil sa inis. Dapat pala ay hindi na lang siya nagsalita dahil halatang wala sa mood ang dalawa niyang kapatid.

"Sabihin mo nga sa akin Lycus kung saan at kung paano natin sisimulang hanapin si Aeliana?! Damn those assholes! I badly need to see her again, fuck!" malamig na anas ni Lorcan sa kakambal bago niya malakas na sinuntok ang manibela.

Kung hindi lang sana dumating ang mga bodyguards ng dalaga kanina, eh 'di sana ay hindi na sila magkakaganito ngayon. Ewan ba nilang tatlo kung bakit tila naging ganito sila bigla. Hindi nila alam kung anong klaseng mahika ang ginawa ni Aeliana sa kanilang tatlo. Wala na rin namang pakialam pa si Lorcan kung magkasugat-sugat pa ang kamao niya o masira pa ang manibela ng sasakyan niya.

Basta naiinis siya at talagang galit siya sa mga sandaling ito. Hindi nila alam kung saan sila magsisimula na hanapin si Aeliana lalo pa't unang beses pa lang nila ito nakita at tanging ang alam lang nila ay ang buong pangalan nito na talagang tandang-tanda nilang tatlo.

Aeliana Hiraya.

Bakit tila para bang pamilyar yata sa kanila ang pangalan ng dalaga? Lalo na ang apelyido nito na parang narinig na nila. And what is happening to them? Tila parang nababaliw na sila. Para silang mga naligaw na aso at hinahanap nila ang kanilang amo.

Hindi nila alam kung ano ang ginawa ni Aeliana sa kanilang tatlo. Nang masilayan nila ang angkin nitong kariktan ay talagang namangha sila. Kahit kailan ay wala pang babae ang nakapukaw ng atensyon nilang tatlo.

Tandang-tanda pa rin nila ang matamis at maganda niyang ngiti. Naaamoy pa rin nila ang mabango niyang halimuyak at parang sirang plaka na naririnig ng kanilang pandinig ang malambing niyang boses lalo na kapag tumatawa ang magandang dalaga. Nakakabaliw, nakakawala sa katinuan.

They felt it for the first time in their entire lives! What the heck is wrong with them? Hindi nila magawang maalis sa isipan nila ang nakakabighani na ganda at maamong mukha ni Aeliana. Kahit anong gawin nila ay hindi talaga nila mabura sa isipan nila ang magandang dalagita.

"Let's just go to Idle Desire. Baka mawala pa ang init ng ulo ko roon," seryoso at nakakunot ang noo na utos ni Lucian.

Lycus nodded his head. "Mabuti pa nga. Baka kanina pa naghihintay sa atin sina Thorn at Zeev sa resto bar."

Wala namang nagawa pa si Lorcan na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Sa Idle Desire na lang silang tatlo dumiretso kaysa umuwi sa bahay para mawala kahit papaano ang init ng kanilang ulo. Sabagay ay makikipagkita rin naman sila sa mga kaibigan nila.

Tiyak na kanina pa sila hinihintay ng mga iyon. Mukha pa namang may malaking problema ang isa sa mga kaibigan nila at kahit hindi nila tanungin ay alam nilang tatlo na problema ito sa babae.

"Bakit kasi ngayon lang siya nagpakita sa atin?" pagtatanong ni Lycus.

"Kung sana matagal na nating alam na may Aeliana Hiraya pala na nag-e-exist sa mundong ito," nakangiti pa niyang dagdag.

Nakatanaw lang siya sa unahan ng kotse habang naglalaro sa isipan niya ang magandang imahe ni Aeliana. Kahit pa na nakangiti siya ay nakakaramdam din siya ng labis na inis at panghihinayang. Hindi sana nila hinayaan ang dalaga na makawala sa kanila. Sumasakit pa tuloy ang ulo nilang tatlo kung paano at saan sila magsisimula na hagilapin si Aeliana.

Hindi rin naman kasi biro na hanapin ang isang tao kahit pa na mayaman sila. Malaki ang bansang Pilipinas kaya hindi nila basta-basta agad mahahanap ang dalaga kahit pa na mag-hire sila ng magaling na private investigator.

But still, they won't stop until they find her.

Hahanapin nila ang dalaga. Kung kinakailangan nilang halughugin ang buong bansa ay gagawin nila, mahanap lang nila si Aeliana.

"She's ours," seryosong wika ni Lorcan sa dalawa niyang kakambal.

Malamig siyang nakatingin sa kalsada pero sumilay naman ang matamis na ngiti sa labi niya. Tanging si Aeliana lang ang nagpabago sa kanya ng ganito. Nagagawa na nga niyang ngumiti dahil lamang sa dalaga. Ngayon nga lang din napagtanto ni Lorcan na hindi naman pala malamig ang kanyang pusong bato.

There is something about Ael.

She can make his heart soften towards her. He knows that he is a cold person and does not care about those around him, but she can warm and soften him. She can also melt his heart. She came into their lives out of nowhere.

Worst of all, she even stole their hearts. Lorcan wants himself to be a better person for her and he will let her own his heart. Basta para lang sa dalaga, dahil sa unang pagkakataon ay tumibok itong puso niya sa isang babae at kay Aeliana pa.

Interesado siya sa dalaga at alam niya na gano'n din ang dalawa niyang kakambal. Parang may kung anong humahatak sa kanilang tatlo na kilalanin ang magandang dalaga at pumasok sa buhay niya. Ewan, hindi alam ni Lorcan. Masyadong mabilis pero iyon talaga ang nararamdaman niya. His heart beats faster kahit pa na iniisip lang niya ang dalaga.

Atat na nga siya na muling makita si Aeliana. His heart was melting. She was the only one who could make him smile like this even though he looked like a fool. But who cares? Wala siyang pakialam kung sadyang tinamaan siya ng alindog ni Aeliana.

Love at first sight? Maybe yes.

Mas lalong wala rin siyang pakialam kung tinamaan na siya ng pana ni kupido. Ang gusto lang niya sa mga sandaling ito ay makita ulit ang dalaga at kilalanin siya ng lubos.

Natawa naman ng mahina si Lycus nang makita niya ang kakambal niyang si Lorcan na nakangiti na parang timang. Kahit malamig ito kung tumingin ay nakikita naman niya ang labis na kasiyahan sa mga mata nito.

"Akala ko ba falling in love is not your style? You still remember what you said, don't you?" nakangising tanong ni Lycus para asarin ito.

Pagak namang tumawa si Lucian na nakaupo sa likuran, nakatingin lang din siya sa dalawa niyang kakambal. Tandang-tanda nilang dalawa kung ano ang sinabi ni Lorcan noong panahon na nagda-drama ang kanilang kaibigan na si Alessandro Ottavio dahil sa isang babae.

They still remembered what he said, that falling in love is not his style. Sinabi rin ni Lorcan noon na babae ang umiiyak sa kanya. Pero bakit bigla yata nagbago ang ihip ng hangin? Bakit parang si Lorcan na ang naghahabol sa isang babae?

Napa-tsk naman si Lorcan at tinignan niya ng masama 'yung dalawa. "Nagbitiw lang naman ako ng gano'n na salita dahil sa hindi ako maka-relate sa ka-dramahan ni Ales noon." malamig ngunit iritado niyang pagdadahilan kaya lalong lumawak ang pagkakangisi ni Lycus.

"Now you know? You already know how Alessandro feels? Alam mo na rin kung ano ang pakiramdam na mabaliw sa isang babae. Tingnan mo nga, kulang na lang dalhin ka na namin sa mental hospital," sabat naman ni Lucian na malawak din na nakangisi sa kanya dahilan para matawa si Lycus.

Lorcan snorted. "Mga gago! Ako lang ba ang nababaliw ngayon sa isang magandang binibini?!" malakas na singhal ni Lorcan sa dalawa bago sila nagtawanang tatlo.

Oo, baliw na nga yata talaga silang tatlo kay Aeliana. Ngunit mas lalo pa silang mababaliw at baka masiraan pa sila ng ulo kung hindi nila agad mahahanap ang dalaga. They badly want to see her again. Hindi sila matatahimik hangga't hindi nila ulit nakikita ang magandang si Aeliana.

"We will do everything para mahanap si Aeliana Hiraya," salita ni Lycus, nahihimigan sa kanyang boses na desidido siya na mahanap ang dalaga bago siya ngumiti ng matamis.

Hahanapin nila si Ael kahit ano pa ang mangyari at kung kinakailangan nilang halughugin ang buong bansa ay talagang gagawin nila. Wala naman silang problema kung magwaldas pa sila ng malaking halaga na pera para lang mahanap si Aeliana. They are rich. Galing sila sa mayamang pamilya.

Isa silang Hellion at kabilang sila sa pamilya na ubod ng yaman. Their family is also famous in the business world. Matunog at kilalang-kilala ang kanilang angkan. Kaya hindi na nila dapat problemahin kung gaano kalaking pera ang ilalabas nila sa paghahanap kay Ael. Kung kinakailangan nilang mag-hire ng maraming private investigator ay gagawin nila, basta makita lang ulit nila si Aeliana.

"Aeliana Hiraya, what a beautiful name for a beautiful lady like her," nakangiting sambit ni Lucian habang nakatanaw sa malayo.

Naglalaro rin sa isip niya ang magandang mukha ni Aeliana. Hindi rin niya magawang makalimutan ang ginawa ng dalaga kanina. She kissed him on his cheeks, and Lucian couldn't forget that. He could still feel her soft lips on his cheek, and he wanted to feel her lips again. Feel and taste how soft it is, and how amazingly sweet it is.

"She is innocent, lovely and has a bubbly personality. I like her," Lucian bravely confessed while his voice filled with amazement.

He was really amazed by Aeliana's beauty.

She was the loveliest, magnificent and gorgeous woman he had ever seen. Kaya naman hindi niya talaga mabura sa isipan niya ang dalaga. Kahit ipikit niya ang mga mata niya ay ang magandang mukha ni Aeliana ang nakikita niya.

Namangha naman sina Lorcan at Lycus nang makita nilang dalawa gamit ang rearview mirror ang kanilang kakambal na wagas kung makangiti. Matamis ang ngiti nito, ang kanyang labi ay halos mapunit na. Wala ring halong pagkukunwari o kalokohan sa ngiti ni Lucian. His smile is so genuine.

Minsan lang talaga nila itong makitang ngumiti at parang laging galit sa mundo itong si Lucian dahil na rin sa palaging nakakunot ang kanyang noo. Dahil sa kanilang tatlo, parang si Lucian ang pinaglihi sa sama ng loob. Pero ngayon? Nakikita nila itong nakangiti at alam nilang dahil iyon kay Ael. She is the only reason why they are acting weird now.

"Damn it! Mukhang kailangan na natin mahanap agad si Aeliana para mapanagutan niya na tayo!" nakangiting biro ni Lycus sa dalawa niyang kakambal.

Malakas na nga talaga ang tama nila dahil nagagawa ng ngumiti ang kakambal niyang mahirap pangitiin. They laughed as they couldn't get Aeliana out of their minds. They only think about her.

"She's ours, Lycus. Sa atin lang si Aeliana," malamig na sambit ni Lorcan, humihigpit pa ang kamay niya na nakahawak sa manibela.

He doesn't care if the tone of his voice sounds possessive and obsessed. Dahil talaga na magiging obsessed silang tatlo at masisiraan din sila ng bait kapag hindi nila ulit nakita ang dalaga. At kapag nakita nila si Aeliana? They will do anything to have her and make her theirs.

Aeliana Hiraya's Point of View

Malakas ang tibok ng puso ko. Halos maligo na ako sa sarili kong pawis habang hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Sa wakas ay nagawa ko rin na takasan si Arnell pati na rin ang mga bodyguards ko. Nagawa kong makalayo at mabuti na lang ay mabilis akong tumakbo kaya hindi nila ako nagawang abutan.

Ang saya-saya ko talaga! Sa sobrang saya ko ay parang gusto kong sumayaw ng budots o kumanta ng tahong ni karla para magpa-party na natakasan ko ang mga damuhong 'yon!

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang takasan ko si Arnell at ang mga kasama niya. Tatlong araw na ang lumipas mula nang makita ko si Lycus at ang dalawa pa niyang kakambal doon sa sasakyan nila. Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala na magagawa nilang mag-jugjugan sa loob ng sasakyan samantalang ang sikip-sikip doon!

Pero infairness, at least alam ko na pwede palang maging kama 'yung backseat ng sasakyan. Ano kayang brand ng kotse nila? Sa pagkakatanda ko ay black SUV iyon eh. Sayang, hindi ko man lang tinanong sa kanila kung saan sila nakabili ng ganoon na kotse. Para 'pag naglayas o tumakas ulit ako ay sa sasakyan na lang ako matutulog.

Kapag talaga nagka-pera ako at nakaipon ng malaki-laki ay bibili ako ng sasakyan na kagaya sa kanila. Pwedeng-pwede kaya 'yon na gawing camping car lalo na sa mahilig mag-camping.

Pero kumusta na kaya si ateng froggy? Paano kaya niya nagawang kayanin 'yung Triplets na iyon? Pero sino ba ang boyfriend niya sa tatlo? Si Lycus siguro? Ewan, hindi ako sure. Pero kay Lycus lang naman kasi siya humihingi ng round two eh.

Halos gabi-gabi rin akong nananaginip mula nang makita ko silang mga n*******d noong araw na iyon. Walanghiya talaga kahit kailan! Sa dinami-rami kasi ng pwede kong mapanaginipan, bakit 'yung anaconda pa nila? Napapamura na lang ako sa tuwing naalimpungatan ako sa panaginip na iyon.

Para akong binabangungot!

Sino bang hindi matutuwa kung sa panaginip mo hinahabol ka ng malalaki, matataba, maugat at namumulang anaconda? Oo, ang weird man pero iyon talaga ang napapanaginipan ko at hindi ako makapaniwala! Nagsisigaw pa nga ako nun at humihingi ng saklolo. Kasalanan 'to nila Lycus. Kung hindi ko lang nakita ng harap-harapan ang mga anaconda nila nung araw na yun, hindi sana ako binabangungot ng ganun.

Buti na lang talaga ay may kilala akong albularyo na pwedeng-pwede kong puntahan at malapitan kaya naman nagpatawas ako dahil hindi ako tinigilan nung panaginip na yun. Ang weird talaga dahil nagsasalita yung mga anaconda at sinisigaw nila na come to daddy daw.

Infairness, nakatulong naman sa akin kahit papaano ang binigay ng albularyo sa akin na pangontra para hindi ulit ako bangungutin pero may bayad namang limang daan. Kaya simula ng araw na iyon ay hindi ko na ulit napanaginipan ang anaconda ng gwapong Triplets na 'yon.

Bumuga na lang ako ng hangin at napalinga-linga ako sa aking paligid. Narito ako ngayon sa labas ng Jollibee at may hinihintay. Napapatingin pa nga sa akin 'yung ibang mga tao na napapadaan at ang iba ay lumalayo pa sa akin. Mukha ba akong may nakakahawang sakit at hindi gagawa ng masama?

Pero nasaan na ba kasi si Manang Seling? Nakausap ko siya kahapon sa cellphone at mapagkakatiwalaan ko naman siya. Pinapakuha ko lang sa kanya 'yung mga importanteng gamit ko.

Ayoko pa kasing bumalik sa Hacienda. Takot ko na lang kay Daddy na baka sigawan niya ako o masermonan na naman niya ako. Worst ay baka ikulong pa niya ako sa kwarto ko at ituloy pa niya akong ipakasal kay Rome na anak ng kaibigan niya.

Tagaktak na rin talaga ang pawis ko. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako ng tuktok ng ulo o sadyang may sayad lang ako sa utak dahil tanghaling tapat ay nakasuot ako ng hoodie jacket. Naka-face mask pa ako. Kaya siguro nilalayuan ako ng mga taong tumitingin sa akin. Inaakala rin nila siguro na magnanakaw ako o miyembro ng budol-budol gang.

At saka baka nasa paligid lang 'yung mga bodyguards ni Daddy kaya mas mabuti na rin 'yung nagdo-doble ingat ako. Naikuwento pa naman sa akin ni Manang Seling kahapon na hindi raw pwedeng umuwi si Arnell at ang mga kasama niya hangga't hindi nila ako naiuuwi sa Hacienda namin.

Ang tindi talaga ni Daddy, hindi talaga siya titigil hangga't hindi ako nakakabalik sa Hacienda. Sa loob din ng tatlong araw ay sa maliit lang na apartment ako pansamantala na naninirahan. Five hundred pesos 'yung renta sa isang kwarto at kayang-kaya ko naman na bayaran ang upa.

Syempre matalino ako at lagi akong handa. Marami rin akong baon na plano kung sakaling matunton na naman ako ng mga bodyguards ni Dad. Nakapag-withdraw na rin ako agad ng malaking pera sa bangko para naman may panggastos ako bago pa man ako tumakas sa Hacienda namin.

Kilala ko kasi si Daddy, tiyak na puputulin niya lahat ng mga ATM card ko para hindi ako makapag kutkot ng pera. Para sa ganoon ay mapipilitan akong umuwi sa amin kapag walang-wala na ako. Pero sorry na lang si Daddy dahil nagkaroon siya ng anak na maganda at matalino pa.

Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ang itatagal ng pagtatago ko kay Daddy. Hindi rin ako sure kung kailan ba ako babalik sa Hacienda namin. Ang mahalaga ngayon ay makalayo muna ako para hindi ako maikasal sa anak ng kaibigan niya.

"Senyorita Aeliana? Ikaw ba 'yan, hija?"

Mabilis akong lumingon sa pamilyar na boses na biglang nagsalita. Nakita ko naman si Manang Seling na nakasuot din ng jacket at bahagyang nakababa ang facemask niya para makilala ko siya. Bitbit naman niya ang malaki kong maleta habang nakasabit ang school bag ko sa kabila niyang balikat.

"Manang Seling!" tili ko bago ako tumakbo palapit sa kanya dahil sa saya at excitement.

Niyapos ko pa siya ng mahigpit at literal ko pa siyang binuhat ng kaonti pero binaba ko rin siya dahil may kabigatan si Manang. Baka atakihin pa siya ng high blood dahil sa kakulitan ko.

"Jusmiyo, senyorita! Bakit ba kasi ayaw mo pang bumalik sa Hacienda?" aniya at mahina pa akong hinampas sa braso ko kaya tinanggal ko naman ang suot kong facemask.

"Alam niyo naman po ang dahilan, 'di ba? Kasalanan din naman po kasi ni Daddy kung bakit ako lumayas sa Hacienda at kung bakit ayoko munang bumalik doon," malumanay kong sagot sa kanya bago ko kinawit ang kamay ko sa braso ni Manang.

"Naku, ikaw talagang bata ka! Kung hindi lang kita mahal ay talagang isinumbong na kita sa Daddy mo," pansusungit niya kaya naman ngumiti ako sa kanya ng sobrang tamis.

"Alam ko naman po na hindi niyo ako matitiis eh. I love you po, Manang!" malambing kong sabi at mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.

Ugali ko na rin kasi na humalik at manlambing sa kanila lalo na sa mga taong malapit sa akin. Hindi rin naman na bago sa akin si Manang Seling, parang pangalawa ko na rin siyang ina at sobrang tagal na rin niyang naninilbihan sa pamilya namin. Unti-unti namang sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi at natawa naman ako nang yapusin din niya ako.

"Oo nga pala, heto na ang maleta mo. Nandiyan na lahat ng mga importanteng gamit mo lalo na 'yung school uniform mo. Umalis ka na lang sa Hacienda, ay basta huwag ka lang umabsent sa eskwela," paalala niya at tumango naman ako sa kanyang sinabi bilang pagsang-ayon.

Sabagay, may point naman siya. 'Di bale na lumayas ako sa Hacienda namin basta huwag lang akong mag lakwatsa o umabsent sa school. Palagi niya kasi sa aking pinapaalala iyan. Na kesyo huwag ko raw pababayaan ang pag-aaral ko lalo pa't graduating student na ako na ngayong taon. Malapit-lapit na ang graduation namin, magtatapos na rin ako sa kolehiyo. May maipagmamalaki na ako sa magulang ko.

"Maraming salamat po talaga, Manang Seling. You're the best kaya mahal na mahal ko po kayo eh," malambing kong turan at hinalik-halikan ko pa siya sa buo niyang mukha.

Natawa naman siya sa pinaggagawa ko at alam kong sanay na sanay na siya sa akin. Para ko na talaga kasing nanay itong si Manang Seling. Isa rin siya sa mga nag-alaga sa akin mula nang mamatay si Mommy sa isang aksidente. Isa siya sa mga tumulong kay Daddy na mag-alaga at magpalaki sa akin.

"Kumusta po pala si Kuya Septimus?" tanong ko bigla sa kanya ng maalala ko ang lalaking iyon.

Septimus Hiraya, siya ang the best kong Kuya.

Dalawa lang kaming magkapatid at dahil ako lang ang babae sa pamilya namin kaya talagang over protective ang Kuya kong iyon sa akin. Naka-off kasi ang cellphone ko para hindi ako magawang ipa-track ni Daddy kung saan ang location ko. Ginagamit ko lang naman 'yung cellphone ko kapag importante. Tatawagan ko na lang siguro si Kuya Septimus bukas para magpasalamat sa kanya.

"Hay naku, hija! Siya pa nga ang tumulong sa akin na i-impake 'yung mga gamit mo," ani Manang.

Nangunot ang noo ko. "Tumulong?"

Tumango-tango siya. "Nahuli niya kasi akong pumasok sa kwarto mo kaya wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang totoo. Hindi na siya sumama sa akin dito dahil nagkaroon siya ng biglaang meeting,"

"Pinapasabi na lang niya sa 'yo na mag-ingat ka palagi at huwag ka raw mahihiyang magsabi sa kanya kung may kailangan ka. Gusto rin niyang humingi ng sorry sa iyo dahil wala raw siyang nagawa ng ipa-arrange marriage ka ng Daddy mo kay Rome. Alam mo namang mahal na mahal ka ng Kuya Septimus mo eh," mahaba pang kwento ni Manang Seling sa akin.

Ngumiti naman ako at saglit na tahimik. Talagang mahal ako ni Kuya Septimus. Isa siya sa partner in crime ko. Siya pa nga ang mas galit na galit noong nalaman niyang naka-arrange marriage ako sa lalaking hindi ko naman mahal.

Sa katunayan nga niyan ay siya rin ang nakaisip na tumakas ako mismo sa araw ng kasal ko. Naaawa raw kasi siya sa akin at hindi niya ako magawang matiis.

Nagmakaawa rin kasi ako kay Kuya Septimus na tulungan ako. Alam niyang ayaw kong magpakasal sa anak ng kaibigan ni Daddy. Syempre, pinilit ko talaga si Kuya Septimus na tulungan akong tumakas sa Hacienda at hindi naman nag-atubili si Kuya na tulungan ako. He is the best Kuya for me. At saka baka malaman pa ni Daddy kung nasaan ako kapag nag-hotel ako.

Mayroon pa namang kapit at koneksyon si Daddy kaya naisipan kong huwag na lang mag-check in sa hotel. Hindi ko rin naisipan na tumuloy sa condominium ko. Mayaman si Dad kaya gagawin niya ang lahat para mahanap ako. Tiyak din kasi na pinapaalam na rin niya sa mga tauhan niya kung nagsi-check in ba ako sa mga Hotel o kung nasa condo ba ako.

Pasalamat na lang talaga ako na hindi maliit ang utak ko kaya nagawa ko pang maisip ang bagay na iyon. Kaya naman sa loob ng tatlong araw ay sa isang paupahan na apartment ako tumutuloy kahit maliit lang iyon. At least mayroon akong matutuluyan kaysa naman na nasa tabing kalsada ako. Hindi naman na ako lugi dahil kaya ko namang bayaran 'yung renta.

"Teka nga pala, saan ka nga pala ngayon nakatira hija? Sa Hotel ka ba tumutuloy?" pagtatanong ni Manang sa akin pero umiling-iling ako.

"May nirerentahan po akong apartment malapit po rito, pero lilipat na po ako ng bagong tirahan." sagot ko na nakangiti kaya naman nangunot ang noo ni Manang Seling.

Halata kong naguguluhan siya. "Saan ka naman lilipat? Sabihin mo sa akin ang address para naman madalaw kita paminsan-minsan."

"Naku po, Manang Seling. Doon na po muna ako tutuloy sa bahay ni Ninang Larlee. Kilala niyo po siya, 'di ba? Siya 'yung maganda at paborito kong ninang na bff ni Mommy. Magkikita po kami maya-maya para masundo na niya ako," nakangiti at excited kong saad.

Nakausap ko na rin kasi 'yung beautiful godmother ko kahapon. Si Ninang Larlee ay ang matalik na kaibigan ng Mommy ko. Close na close ko iyon si ninang dahil parang magkapatid na silang dalawa ni Mommy. Para nga silang kambal dahil halos hindi sila mapaghiwalay.

Mula bata pa lang sila ay magkaibigan na silang dalawa. Isa nga si Ninang Larlee sa mga sobra ang nagdamdam at nalungkot sa pagkawala ni Mommy. Partner in crime ko rin si Ninang Larlee at nasabi ko na rin sa kanya ang sitwasyon ko.

Nagulat pa siya nang sabihin kong in-arrange marriage ako ni Daddy, kaya sa poder lang ni ninang ang tanging alam ko para magtago at hindi ako mahanap ng aking ama. Hindi rin naman nagdalawang-isip si ninang na tulungan ako.

Siya pa nga mismo ang nag-suggest na kupkupin ako at doon daw muna ako pansamantala tumira sa bahay nila ni Ninong Lars, ang kanyang gwapo at pinakamamahal na mister. Siya na rin daw ang bahala na magsinungaling kay Daddy kung sakali na hanapin ako sa kanila.

"Oh s'ya, kailangan ko na pala umalis. Nagpaalam lang ako na may bibilihin lang sa palengke at baka may magtaka sa Hacienda kung bakit ang tagal kong makabalik. Mag-ingat ka hija, ha? Tumawag ka sa akin kapag nagkaproblema ka," paalala ni Manang Seling kaya tumango-tango ako.

"Sige po, Manang. Thank you po ng marami! I love you!" masigla kong sagot.

Natawa naman siya nang mag-flying kiss pa ako at saglit ko lang din na kinaway ang kamay ko sa kanya. Naglakad na rin siya palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya nakita. Pupunta na lang ako ngayon sa shopping mall dahil doon ang meeting place namin ng ninang ko.

Sana naman pumayag din ang asawa niya na si Ninong Lars na pansamantala akong tumira sa bahay nila. Siguro naman ay hindi nila ako matitiis dahil alam ko na ako ang paborito nilang inaanak.

Kaugnay na kabanata

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 4

    Third Person's Point of ViewSumapit ang ala siyete ng gabi nang makauwi na rin sa wakas sa kanilang Mansyon ang Hellion Triplets. Nauna namang pumasok sa loob si Lorcan na siyang nakakaramdam na ng pagod dahil buong araw silang tumambay sa Idle Desire. Isa itong resto bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila na si Jaeger Reagan.Sumunod naman sa kanya ang kakambal niyang si Lucian, mahahalata na mainit na naman ang ulo nito at halos hindi na naman maipinta ang gwapong mukha. Huling pumasok si Lycus dahil ipinarada pa nito ang kanilang sasakyan sa garahe.Naabutan naman nilang tatlo ang kanilang ama na nasa sala. Tahimik at prente pa itong nakaupo sa mahabang sofa habang kasalukuyan itong nanonood ng NBA. Golden States Warriors at Los Angeles Lakers ang naglalaban, lamang lang ng limang puntos ang kabilang kupunan. Palibhasa ay paboritong manlalaro ng kanilang ama si Stephen Curry kaya mahilig din ito manood ng basketball.Halata rin naman nilang Triplets na kakagaling lang ng

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 5

    Aeliana Hiraya's Point of ViewPinasadahan ko lang ng tingin ang buong kwarto na pansamantala kong gagamitin dito sa Mansyon ng maganda kong ninang. Maganda, malinis, malawak at napaka-eleganteng tignan ang bawat disenyo ng kwarto na ito. Mahahalata ko agad na kalilinis lang nitong kwarto at napakaaliwalas din ng silid.May malambot na kama na medyo may kalakihan, may sariling banyo, mini sala at isang malaking salamin. Oo, isang salamin na halos kitang-kita ko na ang kabuuan ng katawan ko maski na ang buong kwarto. Hindi ko tuloy mapigilan na mangunot ang noo habang tinitignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na iyon.Bakit sobrang laki naman yata nito? Nandito na kasi ako ngayon sa bahay ni Ninang Larlee. Inabot pa kami ng gabi dahil sa niyaya pa niya akong mag-shopping sa Mall. Si Ninang din ang halos gumastos at lahat ng mga pinamili niya sa Mall ay puro para sa akin.Mga damit, sapatos, make-up at kung ano-ano pa na siya talaga ang gumastos. As in wala akong inilabas na p

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   PROLOGUE

    HELLION TRIPLETS.They are famous for their good looks. They are not only handsome, they are smart, rich, and they are the heirs of the Hellion family. Tila parang hinulma ng isang magaling na iskultor ang kanilang mga katawan.Hindi lang silang tatlong magkakambal ang nanggaling sa iisang sinapupunan, para rin silang mga makisig na modelo na nasa loob ng magazine na tila bigla na lang nagsilabasan.Nasa kanila na yata ang katangian na magugustuhan ng mga babae. Gwapo, matalino at mayaman. Wala rin kahit na ano ang maipipintas sa kanila.Kaya naman maraming mga babae, maski mga binabae ang nagkakagusto sa kanilang tatlo. Many women fall in love with them and are actually obsessed with them, as if they are under their spell because they quickly fall for their charm.They are playboys and notorious fuck boys. They are the type of men who do not take women seriously. Bata pa lang sila ay nangako na rin sila sa isa't-isa na hinding-hindi sila mag-aaway dahil lamang sa isang maliit na baga

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 1: Please read at your own risk.

    Third Person's Point of View“Fuck! That's it, baby. Ohhh...”Dinig na dinig ng tatlong lalaki ang malakas na pag-ungol ng babae, na umalingawngaw pa sa loob ng kotseng kasalukuyang sinasakyan nila.Ramdam din nila ang bawat galaw ng sasakyan habang tila nasasarapan ang babae sa ginagawa ng tatlong kaakit-akit na lalaki sa kanyang taksil na katawan.May posibilidad na hindi siya makalakad ng maayos bukas dahil sa mararahas at mabilis na pagbayo sa kanya ng tatlong lalaki. Binabaon pa nila lalo sa kanyang bukana, sinasagad na halos mabaliw siya dahil kulang na lang ay umabot na sa kanyang matris ang pagkalalaki nila.Wala na rin siyang pakialam kung mawalan siya ng boses dahil sa malakas niyang pag-ungol. Ang mahalaga sa kanya ay nasasarapan siya at tila nililipad siya sa alapaap.Napakasarap ng pakiramdam niya, para siyang mababaliw. Para siyang masisiraan ng ulo sa sobrang sarap na tinatamasa niya sa mga sandaling ito.Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang umungol ng malak

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 2

    Aeliana Hiraya's Point of ViewTiningnan ko naman maigi 'yung nakikita ko sa mga sandaling ito dahil baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi eh. Hindi talaga ako namamalikmata kahit na ilang ulit ko pa akong kumurap o kahit pa paulit-ulit kong kusutin ang dalawa kong mata.Jusko! Tama nga talaga ang nakikita ko ngayon. Ahas nga iyon na malaki at mahaba, namumula at maugat pa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ahas ng isang lalaki at ganito pala ang itsura nito sa real life.“Bakit may anaconda? Bakit maugat 'yan tapos namumula pa?!” hysterical at kabado kong sigaw.Talagang tinuro ko pa 'yung nakikita ko na nakatayo na maugat na may maliit pa na butas doon sa ulo nitong namumula. Umayos pa ako ng upo at isa-isa ko naman silang tinignan habang nanlalaki ang aking magandang mata.Oh, no! My poor virgin eyes!Nahinto naman ang tingin ko roon sa babaeng hubad at lupaypay na nakahilata. Halatang pagod na pagod siya subalit may nakapaskil na matamis na ng

Pinakabagong kabanata

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 5

    Aeliana Hiraya's Point of ViewPinasadahan ko lang ng tingin ang buong kwarto na pansamantala kong gagamitin dito sa Mansyon ng maganda kong ninang. Maganda, malinis, malawak at napaka-eleganteng tignan ang bawat disenyo ng kwarto na ito. Mahahalata ko agad na kalilinis lang nitong kwarto at napakaaliwalas din ng silid.May malambot na kama na medyo may kalakihan, may sariling banyo, mini sala at isang malaking salamin. Oo, isang salamin na halos kitang-kita ko na ang kabuuan ng katawan ko maski na ang buong kwarto. Hindi ko tuloy mapigilan na mangunot ang noo habang tinitignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na iyon.Bakit sobrang laki naman yata nito? Nandito na kasi ako ngayon sa bahay ni Ninang Larlee. Inabot pa kami ng gabi dahil sa niyaya pa niya akong mag-shopping sa Mall. Si Ninang din ang halos gumastos at lahat ng mga pinamili niya sa Mall ay puro para sa akin.Mga damit, sapatos, make-up at kung ano-ano pa na siya talaga ang gumastos. As in wala akong inilabas na p

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 4

    Third Person's Point of ViewSumapit ang ala siyete ng gabi nang makauwi na rin sa wakas sa kanilang Mansyon ang Hellion Triplets. Nauna namang pumasok sa loob si Lorcan na siyang nakakaramdam na ng pagod dahil buong araw silang tumambay sa Idle Desire. Isa itong resto bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila na si Jaeger Reagan.Sumunod naman sa kanya ang kakambal niyang si Lucian, mahahalata na mainit na naman ang ulo nito at halos hindi na naman maipinta ang gwapong mukha. Huling pumasok si Lycus dahil ipinarada pa nito ang kanilang sasakyan sa garahe.Naabutan naman nilang tatlo ang kanilang ama na nasa sala. Tahimik at prente pa itong nakaupo sa mahabang sofa habang kasalukuyan itong nanonood ng NBA. Golden States Warriors at Los Angeles Lakers ang naglalaban, lamang lang ng limang puntos ang kabilang kupunan. Palibhasa ay paboritong manlalaro ng kanilang ama si Stephen Curry kaya mahilig din ito manood ng basketball.Halata rin naman nilang Triplets na kakagaling lang ng

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 3

    Third Person's Point of ViewPansin nila na sobrang higpit ng pagkakahawak ni Lorcan sa manibela ng kanyang sasakyan. Kulang na nga lang ay suntukin at sirain na niya ito dahil sa sobrang inis. They couldn't find her! Sinundan nila si Aeliana nang makita nilang maraming mga lalaking humahabol sa kanya kanina pero hindi na nila siya nagawang naabutan at hindi na rin nila muling nakita ang magandang dalaga na si Aeliana.Ngayon ay naiintindihan na nilang tatlo kung bakit ito basta pumasok kanina sa sasakyan nila at animo'y may pinagtataguan. Alam na nila kung ano ang dahilan ni Ael at kung bakit ito balisa at hinihingal na tila galing sa pagtakbo. Iyon pala ay nagtatago ito sa mga bodyguards niya.Hindi nila alam kung ano pa ang dahilan kung bakit pinagtataguan ni Ael ang mga bodyguards niya, subalit nakatitiyak si Lorcan na may dahilan ang dalaga. Tanging namumutawi sa kanilang nararamdaman ngayon ang matinding galit, inis at panghihinayang. Nagagalit sila sa kanilang sarili dahil wala

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 2

    Aeliana Hiraya's Point of ViewTiningnan ko naman maigi 'yung nakikita ko sa mga sandaling ito dahil baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi eh. Hindi talaga ako namamalikmata kahit na ilang ulit ko pa akong kumurap o kahit pa paulit-ulit kong kusutin ang dalawa kong mata.Jusko! Tama nga talaga ang nakikita ko ngayon. Ahas nga iyon na malaki at mahaba, namumula at maugat pa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ahas ng isang lalaki at ganito pala ang itsura nito sa real life.“Bakit may anaconda? Bakit maugat 'yan tapos namumula pa?!” hysterical at kabado kong sigaw.Talagang tinuro ko pa 'yung nakikita ko na nakatayo na maugat na may maliit pa na butas doon sa ulo nitong namumula. Umayos pa ako ng upo at isa-isa ko naman silang tinignan habang nanlalaki ang aking magandang mata.Oh, no! My poor virgin eyes!Nahinto naman ang tingin ko roon sa babaeng hubad at lupaypay na nakahilata. Halatang pagod na pagod siya subalit may nakapaskil na matamis na ng

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 1: Please read at your own risk.

    Third Person's Point of View“Fuck! That's it, baby. Ohhh...”Dinig na dinig ng tatlong lalaki ang malakas na pag-ungol ng babae, na umalingawngaw pa sa loob ng kotseng kasalukuyang sinasakyan nila.Ramdam din nila ang bawat galaw ng sasakyan habang tila nasasarapan ang babae sa ginagawa ng tatlong kaakit-akit na lalaki sa kanyang taksil na katawan.May posibilidad na hindi siya makalakad ng maayos bukas dahil sa mararahas at mabilis na pagbayo sa kanya ng tatlong lalaki. Binabaon pa nila lalo sa kanyang bukana, sinasagad na halos mabaliw siya dahil kulang na lang ay umabot na sa kanyang matris ang pagkalalaki nila.Wala na rin siyang pakialam kung mawalan siya ng boses dahil sa malakas niyang pag-ungol. Ang mahalaga sa kanya ay nasasarapan siya at tila nililipad siya sa alapaap.Napakasarap ng pakiramdam niya, para siyang mababaliw. Para siyang masisiraan ng ulo sa sobrang sarap na tinatamasa niya sa mga sandaling ito.Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang umungol ng malak

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   PROLOGUE

    HELLION TRIPLETS.They are famous for their good looks. They are not only handsome, they are smart, rich, and they are the heirs of the Hellion family. Tila parang hinulma ng isang magaling na iskultor ang kanilang mga katawan.Hindi lang silang tatlong magkakambal ang nanggaling sa iisang sinapupunan, para rin silang mga makisig na modelo na nasa loob ng magazine na tila bigla na lang nagsilabasan.Nasa kanila na yata ang katangian na magugustuhan ng mga babae. Gwapo, matalino at mayaman. Wala rin kahit na ano ang maipipintas sa kanila.Kaya naman maraming mga babae, maski mga binabae ang nagkakagusto sa kanilang tatlo. Many women fall in love with them and are actually obsessed with them, as if they are under their spell because they quickly fall for their charm.They are playboys and notorious fuck boys. They are the type of men who do not take women seriously. Bata pa lang sila ay nangako na rin sila sa isa't-isa na hinding-hindi sila mag-aaway dahil lamang sa isang maliit na baga

DMCA.com Protection Status