Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2024-02-05 08:19:06

Third Person's Point of View

Sumapit ang ala siyete ng gabi nang makauwi na rin sa wakas sa kanilang Mansyon ang Hellion Triplets. Nauna namang pumasok sa loob si Lorcan na siyang nakakaramdam na ng pagod dahil buong araw silang tumambay sa Idle Desire. Isa itong resto bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila na si Jaeger Reagan.

Sumunod naman sa kanya ang kakambal niyang si Lucian, mahahalata na mainit na naman ang ulo nito at halos hindi na naman maipinta ang gwapong mukha. Huling pumasok si Lycus dahil ipinarada pa nito ang kanilang sasakyan sa garahe.

Naabutan naman nilang tatlo ang kanilang ama na nasa sala. Tahimik at prente pa itong nakaupo sa mahabang sofa habang kasalukuyan itong nanonood ng NBA. Golden States Warriors at Los Angeles Lakers ang naglalaban, lamang lang ng limang puntos ang kabilang kupunan. Palibhasa ay paboritong manlalaro ng kanilang ama si Stephen Curry kaya mahilig din ito manood ng basketball.

Halata rin naman nilang Triplets na kakagaling lang ng kanilang ama sa trabaho dahil sa suot pa nito ang pang-opisina na damit at tanging necktie lang ang natanggal. Mahahalata rin nilang pagod ang kanilang ama. Sabagay ay hindi rin biro ang trabaho nito lalo pa't ang kanilang ama ang nagpapatakbo sa kumpanya nila, pati na rin ang ilan sa mga negosyo ng kanilang pamilya.

"Hey, Dad! What's up?" nakangiting bati ni Lycus sa kanyang ama.

Napailing pa ng ulo si Lycus dahil siya lang ang bumati sa Daddy nila at wala yatang balak na magsalita ang dalawa niyang kakambal. Mabuti na lang ay sanay na siya sa ipinapakita nina Lorcan at Lucian. Tumingin naman sa kanila ang ama nila na nakakunot ang noo ng maagaw nilang tatlo ang buo nitong atensyon.

"Anong klaseng itsura 'yan, Lucian? Para kang iniwanan ng sampung asawa?" tanong ng Daddy nila nang sabay-sabay silang naupo sa kabila pang sofa.

Natawa naman si Lycus sa naging turan ng kanilang ama bago niya binalingan ng tingin si Lucian. Para nga itong iniwan ng maraming asawa dahil sa itsura nitong hindi na maipinta.

Magkasalubong ang makapal nitong kilay at nakakunot na naman ang noo nito. Parang ang dami-dami nitong dinadalang problema, mabuti na lang ay sanay na sila sa palaging ganitong ekspresyon ni Lucian.

At saka hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi pa rin nila mahanap si Aeliana, at iyon ang hindi nila lubos matanggap. Kumuha na sila ng private investigator para mahanap ang dalaga, subalit masyado nga yatang malaki at malawak ang bansa kaya hindi rin naging madali ang paghahanap nila sa kanya.

Kaya naman nag-hire pa sila ng iba pang private investigator na maghahanap sa dalaga at this time ay magaling na private investigator ito ng isa sa mga matalik nilang kaibigan, si Arawn Malkiel.

Malalim namang nagpakawala ng buntong-hininga si Lucian at bored na isinandal ang likod sa headrest ng sofa.

"Nothing, Dad. Mainit lang ang ulo ko," seryoso niyang sabi sa ama.

Pagak namang tumawa ang Daddy nila na animo'y may narinig na joke.

"Palagi namang mainit ang ulo mo," naiiling nitong sagot bago binalik ang atensyon sa panonood ng basketball sa TV.

"By the way, nasaan po pala si Mom?" katanungan ni Lorcan sa ama. Nakapagtataka. Bakit tila wala yatang sumalubong sa kanila para sermonan sila kung bakit gabi na naman silang tatlo na nakauwi?

Parati na lang kasi na iyon ang ginagawa ng ina nila sa tuwing uuwi silang tatlo sa Mansyon lalo na kapag alanganing oras Minsan ay sasalubungin sila nito para batiin o 'di naman kaya ay para pagalitan silang tatlo at ratratin sila ng mala-armalite nitong bibig. At isa pa, bakit hindi yata ito kasama ng kanilang ama?

Mabuti na lang ay sanay na sila sa ina nila kahit na mabunganga ito. Mahal nila ang kanilang ina kahit na minsan ay inaatake ito ng topak at pagiging isip bata. Wala namang sakit sa pag-iisip ang kanilang ina, OA lang talaga ito. Sadyang takot lang din siguro ang kanilang ina na mapahamak sila kahit na malaki na sila at nasa tamang edad na silang tatlo.

Pero bakit wala ito ngayon dito? Tuwing uuwi sila sa Mansyon ay laging magkasama ang kanilang magulang na animo'y ayaw ng maghiwalay. Kahit na nasa kwarenta anyos na ang mga ito ay hindi pa rin naman nawawala ang sweetness ng kanilang magulang sa isa't-isa.

Para pa ring mga teenager ang mga ito at marunong pa silang kiligin kahit na may pagka-under ang Daddy nila sa Mommy nila. Minsan ay naiisip pa rin ng mga ito na lumabas-labas para mag-date at hinahayaan naman nilang tatlo iyon. Masaya nga sila na totoong nagmamahalan ang kanilang magulang kahit na ipinagkasundo lang sila noon ng kanilang magulang.

"Himala at wala si Mommy. Kaya pala tahimik at payapa ang buong Mansyon," wika ni Lycus at mahinang tumawa.

"She was with her favorite goddaughter. Dito muna pansamantalang maninirahan yung inaanak namin," sagot ng kanilang ama na hindi sa kanila tumitingin.

"Goddaughter?" halos sabay na tanong ng Hellion Triplets.

A silly grin flashed on Lycus' lips. "Ibig sabihin ay babae?" he asked.

Sumilay rin naman ang nakakalokong ngiti sa labi ng Daddy nila at tumingin sa kanilang tatlo.

"Subukan ninyong galawin ang inaanak ng Mommy niyo at talagang mapapatay niya kayo," anito sabay tawa.

"Paborito pa naman niyang inaanak si Lian. At ako rin ang makakalaban niyo once na may ginawa kayong kalokohan dahil sa lahat ng mga inaanak ko, si Lian lang ang malambing at maganda kong inaanak. Parang anak na rin namin iyon ng Mommy niyo," dugtong nito.

"Paborito kong inaanak 'yon, aber!" pahabol pa na sabi ng Daddy nila.

Tumawa naman ng pagak si Lycus sa sinabi ng kanilang ama habang umiiling naman ng ulo sina Lorcan at Lucian. Ngayon lang din nila nalaman na may paborito palang inaanak na babae ang kanilang magulang. Wala silang ideya kung sino ang tinutukoy ng kanilang ama na inaanak ng Mommy nila.

At Lian? First time nila na marinig ang pangalan na iyon. Sino naman kaya ang Lian na 'yon? Hindi tuloy nila maiwasang isipin kung sino itong paboritong inaanak ng magulang nila. At maganda? Hindi naman napigilan na matawa sa isipan ang Hellion Triplets.

"Mas maganda pa rin si Aeliana," sabay-sabay nilang sabing tatlo at lihim namang napangiti si Lorcan nang maalala niya ang mala-anghel na mukha ng dalaga.

"She is more beautiful than anyone," mahina pang sambit ni Lucian.

"And she is the only one who is beautiful in our eyes," mala-mais namang dagdag ni Lycus at ngumiti ng malapad.

They cursed in their minds. Malapit na nga talaga silang mabaliw sa kaiisip sa kanya. Konti na lang ay masisira na rin ang mga ulo nila sa paghahanap sa dalaga.

Mabuti na lang talaga ay naisipan na nilang humingi ng tulong sa kaibigan nilang si Arawn na ngayon ay nasa Cebu dahil meron itong magaling na private investigator. At si Arawn din ang tangi nilang pwedeng malapitan lalo na kapag may ipinapahanap sila.

Tanda pa nga nilang tatlo na kay Arawn din humingi ng tulong ang kaibigan nila na si Alessandro noong araw na pinapahanap nito ang babaeng kinababaliwan ng kanilang kaibigan, si Agnella Telese.

May pagka-gago rin kasi ang kanilang kaibigan. Kung kailan gusto na nitong mag-propose kay Agnella ay saka naman ito nakagawa ng pagkakamali na talagang hindi magugustuhan ng dalaga. Pasalamat na lang ay nagkaayos na ang mga ito at labis ang pagmamahal ng kaibigan nila kay Agnella.

Ngayon naman ay may pinapahanap ang isa pa sa mga kaibigan nila na si Samael. Hinahanap nito ang younger sister nito na ang pangalan ay Ilaria. But they smelled something fishy.

Masekreto at may pagka-mysterious type kasi si Samael kahit na alam nila na taga Sicily ito at isa pa itong Mafia, ngunit wala silang kaalam-alam na may nakababata pala itong kapatid na halos hindi naman nalalayo ang edad sa kanila.

"Teka, ano nga ulit 'yung sinabi ninyong tatlo? Sinong mas maganda?" nagtataka na tanong ng ama nila sa kanila.

Hindi kasi nito narinig ang huli nilang sinabi dahil sa nakatuon ang atensyon nito sa panonood ng basketball at sumabay pa ang malakas na busina na kanyang narinig sa labas ng Mansyon.

"Ang ibig po naming sabihin ay aakyat na po kami sa kwarto namin para makapag pahinga na," nakangiting salita ni Lycus at sabay-sabay naman silang Triplets na napatayo.

Baka paulanan pa sila ng maraming tanong ng kanilang ama kapag sinabi nila kung sino si Aeliana. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng Daddy nila na playboy silang tatlo at mga fuck boys pa. Kaya nga halos sakalin na sila ng kanilang Mommy at kulang na lang ay ibitin sila patiwarik para lamang magbago at magtino silang tatlo.

Palagi na lang kasi nababalitaan ng magulang nila na marami silang babaeng napapaiyak at ikinakama pa. Ginagawa lang nilang toys collection ang mga babae. Aminado naman sila na fuck boys sila, kung sino-sino na lang na babae ang kanilang tinutuhog. Pero ngayon? May dahilan na sila para magbago at mas lalong may dahilan na rin sila para magseryoso.

Hindi na nila gagawin ang nakagawian nila, ang maghanap ng seksi at magandang babae para magparaos. Handa silang magbago para lang kay Aeliana, dahil si Aeliana lang din ang nakakuha ng kanilang atensyon. Para bang binihag nito ang kanilang puso dahil wala silang ibang iniisip kundi ang magandang dilag na si Aeliana.

"Sige, Dad. Aktay na po kami sa itaas," paalam ni Lorcan sa ama.

"Teka, mukhang dumating na ang Mommy niyo ah? Kotse na niya yata 'yung bumusina sa labas ng gate. Aba'y hindi niyo ba man lang siya hihintayin na makapasok dito sa bahay?" tanong ng Daddy nila sa kanila pero sabay silang tatlo na umiling-iling.

"We are tired, Dad. Bababa na lang po kami kapag kakain na," tanging nasagot ni Lucian at nauna na siyang umakyat sa itaas.

Sumunod naman sa kanya ang dalawa niyang kakambal kaya naman napabuntong hininga na lang ang kanilang ama. Sanay na sanay na siya sa ganyang klase na pakikitungo ng kanyang mga anak. Wala namang pagbabago. Kung ano sila noong bata sila ay ganun pa rin sila hanggang ngayon.

Pero kahit pa na malamig tumingin si Lorcan, seryoso at mainitin ang ulo ni Lucian at tila para namang batang pasaway si Lycus ay mahal na mahal pa rin niya ang mga anak niya. Of course, they are his sons! Masunurin naman talaga ang kanyang mga anak kahit na nagdadala sila ng sakit sa ulo.

Matalino at masasabi niyang maganda naman talaga ang pagpapalaki nila ng misis niya sa triplets nilang anak. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa kanyang tatlong magkakambal na anak kaya kahit ganyan sila makitungo sa kanya ay naiintindihan naman niya ang mga ito dahil mga bata pa lang ang mga ito ay ganyan na ang kanilang mga ugali kaya sanay na sila ng asawa niya.

"Bakit ngayon ko lang nalaman na may inaanak pala sina Mom at Dad na ang pangalan ay Lian?" biglang naitanong ni Lycus sa dalawa niyang kakambal habang paakyat silang tatlo sa itaas.

Hindi niya talaga mapigilan na makaramdam ng kuryosidad kung sino itong si Lian na inaanak ng kanilang magulang. Halos kilala na rin kasi nilang tatlo kung sino-sino ang mga kaibigan ng kanilang magulang lalo na ang mga malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya at kung sino-sino rin ang mga inaanak ng parents nila.

Pero 'yung Lian ang pangalan? Mukhang never pa nila itong nakita at wala rin silang ideya kung sino iyon. Siguro ay galing ito sa ibang bansa kaya tutuloy ito sa kanilang Mansyon? Ewan, hindi nila alam. Hindi dapat ito ang problemahin o isipin nila.

"Pero ang tanong, sino kaya si Lian?" curious na katanungan ulit ni Lycus.

Napa-tsk si Lorcan. "I don't care who she is," he said coldly.

Wala naman talaga siyang pakialam kung sino iyon. Ang iniisip niya ay si Aeliana. Sabik na siya na makita ulit ang dalaga. He wondered where she was now. Nakakakain kaya ng maayos si Ael? Nasa ligtas ba siyang lugar? Hindi nila alam pero pinapanalangin talaga nilang tatlo na sana okay lang si Aeliana at nasa mabuti siyang kalagayan.

"At sana naman ay hindi maingay ang Lian na inaanak nina Mom at Dad," masungit na sabat ni Lucian sa dalawa.

"Wala rin akong pakialam kung inaanak pa siya ng magulang natin. But I'm really going to kick her out if she's fucking noisy like she's swallowed a fucking microphone," seryoso ngunit may diin pa na pambabanta ni Lucian dahilan para matawa si Lycus.

Kilala ni Lycus ang dalawa niyang nakatatandang kakambal. Tila wala talaga ang mga itong pakialam sa inaanak ng kanilang magulang na si Lian kahit paborito pa itong inaanak ng Mommy at Daddy nila. Dakila talagang cold at isnabero ang pinakamatanda sa kanilang kambal na si Lorcan subalit ito ang pinaka matalino at masipag sa kanilang tatlo.

Habang si Lucian naman ay palagi ring seryoso at ayaw nito sa maingay na tao na animo'y mga nakalunok ng ultra mega microphone. Masyado rin mabilis uminit ang ulo ni Lucian kaya halos araw-araw na lang siyang nakikipag-basag ulo sa school nila at kung bakit palagi rin nakakunot ang kanyang noo.

Kaya nga binansagan si Lucian na badboy sa school nila dahil palagi rin itong nasasangkot sa mga away, mabuti na lang ay ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng pinapasukan nilang eskwelahan.

Iyon nga lang, palaging sermon ang natatanggap nila sa ina nila tuwing napapaaway sila. Si Lycus nga lang itong matino at palangiti sa kanilang tatlo. Ayaw rin niyang nasasangkot sa away dahil hindi niya gustong mabangasan ang gwapo niyang mukha. Aminado naman siya na playboy siya at maraming babaeng pinaiyak o natikman, but he is still a gentleman.

Mabait siya sa mabait. May puso pa rin naman siya at kahit papaano ay nakakayanan din niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero kapag na galit siya at sumabog siya ay hinding-hindi niya nakikilala ang kanyang sarili. Mabait siya pero iba siya magalit.

Nahinto naman silang tatlo sa paglalakad at akma na sana silang papasok sa loob ng mga kwarto nila nang bigla namang bumukas ang pintuan sa katapat ng kwarto nila.

Bumungad sa kanila ang kanilang kasambahay na matagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya at halatang kakatapos lang nitong maglinis. Bitbit pa nito ang laundry basket na punong-puno ng mga labahan kagaya na lamang ng sapin ng higaan at ang punda ng unan.

"Kayo po pala mga sir. Good evening po," magalang na bati sa kanila nang makita sila ng kanilang kasambahay. Wala namang balak magsalita sina Lorcan at Lucian kaya naman si Lycus na ang humarap sa kasambahay nila at ngumiti.

"Good evening din po, manang. Ano po palang ginagawa niyo riyan sa kwarto?" tanong niya sa matanda.

Dati nilang kwarto iyon at matagal na nila itong hindi nagagamit. Nagtataka sila kung bakit lumabas ang kasambahay nila roon, samantalang matagal na rin na hindi ginagamit at nililinis ang kwarto na iyon. Halos lahat ng iba nilang kagamitan na hindi na nagagamit ay nakaimbak na roon. Ginawa na nga nila itong storage room.

"Ay naku po sir, pinalinis po ito ni Ma'am Larlee sa akin bago po siya umalis kanina. Ito raw po kasi ang gagamitin na kwarto ng inaanak niyang babae na pansamantalang titira po rito sa Mansyon niyo," sagot ng matanda kaya nagkatinginan naman silang tatlo.

Mabilis na umarko pataas ang kilay ni Lorcan habang sumalubong naman ang halos perpektong kilay ni Lucian. Hindi rin nila maiwasang magtaka at mapaisip. Kahit kailan ay walang sinuman ang nagtangkang gumamit muli sa kwarto na iyon.

Hindi rin nila pinapagalaw ang ilang mga gamit nilang naiwan sa loob ng dati nilang kwarto kaya bakit naman yata naisipan ng kanilang ina na ipagamit ang kwarto na iyon samantalang alam naman ng kanilang magulang na ayaw na ayaw nilang may gumagamit sa kwarto nila?

Ultimo pagpasok nga lang ng iba sa mga kwarto nila ay ayaw na ayaw na nila. Oo nga't mahilig silang mag-share ng gamit sa isa't-isa subalit nagiging maramot sila pagdating sa ibang tao. They can share with each other what they have but they are too selfish and stingy with other people. Hindi nila ugaling magpahiram ng gamit nila sa kahit sino.

"Ganun po ba? Sige po, manang. Salamat ho," tanging nasabi na lang ni Lycus kaya agad na umalis sa harapan nila ang kanilang kasambahay.

Napatingin pa si Lycus sa dalawa niyang kakambal at bakas din sa mukha ng mga ito ang labis na pagtataka at kaguluhan. Nakakunot na nga noo ni Lucian, halatang hindi nito nagustuhan ang nalaman. Pinagkrus pa ni Lorcan ang dalawa niyang braso habang nananatiling nakataas ang isa niyang makapal na kilay.

"Our Mom's favorite goddaughter will temporarily live here in our Mansion and she will also use our old room? Wow, fucking unbelievable," Lorcan exclaimed in disbelief.

Ayaw na ayaw talaga nilang tatlo na may ibang gumagamit sa mga kwarto nila, kahit pati sa mga gamit. Kahit nga ang mga pinsan nila na nag-i-sleep over sa bahay nila ay hindi nila hinahayaang matulog doon at sa guest room nila sila pinapatulog. Oo, madamot talaga sila pagdating sa ibang tao.

They want to be the only ones who borrow or share what they have or own, even if it's just a small thing. Because they made a promise when they were just kids, and that was to share what they had, whether it was clothes or their favorite shoes. They also promised that they would not break their promises.

Even Lucian could not believe it. "Really, huh? Mom will let her favorite goddaughter use our old room, at dito pa talaga sa third floor siya naka-kwarto? Did Mom forget that this floor is our territory?" nakakunot-noo na siya.

"Dad says she's Mom's favorite goddaughter. Kaya hindi na katakataka kung maganda at special 'yung treatment ni Mommy sa inaanak nilang si Lian," sagot ni Lycus sa dalawa bago siya nagkibit-balikat.

Naisipan din ni Lycus na buksan ang pinto at pumasok sa loob para tingnan ang dati nilang kwarto noong mga bata pa lang sila. Wala pa ring pinagbago, nasa ganoong ayos pa rin ang mga gamit nilang naiwan sa kwartong ito ngunit hindi na sila natutulog dito dahil sa hindi na sila magkasya sa iisang kama.

Limang kwarto kasi ang kanilang kinasasakupan sa third floor ng Mansyon nila kasama na itong dati nilang kwarto noong bata pa sila. May sari-sarili rin silang mga kwarto habang ang isang kwarto naman ay para sa kanilang tatlo kung saan ginagamit lang nila iyon kung gugustuhin man nilang magkakasama na matulog sa isang kama.

Ganoon talaga ang set-up na meron silang Triplets. Hindi sila madamot sa isa't-isa. Isang bagay lang naman ang palagi nilang ginagawa noon hanggang sa ngayon, and that is to share.

Silang tatlo lang naman ang nanghihiram at naghahati sa mga gamit nila. Ayaw rin nila na basta na lang may pumasok sa silid nila, lalong-lalo na si Lucian na ayaw mag papasok sa kahit sino sa kwarto niya maliban na lang sa dalawa niyang kakambal.

Kaya naman madalas ang mga kasambahay ay nagpapaalam muna sa kanilang tatlo kapag lilinisin na ng mga ito ang kanilang kwarto. Ayaw na ayaw rin nilang may nangingialam ng kanilang mga gamit lalong-lalo na ang koleksyon ni Lorcan na mga libro. That's what they promised each other since they were young, ang hindi maging madamot sa isa't-isa kung ano man ang bagay na mayroon sila.

Nanggaling silang tatlo sa iisang sinapupunan kaya murang edad pa lang sila ay nagsimula na silang mangako na hindi sila mag-aaway dahil lamang sa isang bagay. They also only have one taste. Hanggang sa pati babae ay pinaghahatian na rin nilang tatlo. Kaya nga lumaki silang mga playboy at mga fuck boys.

Masyado rin silang aktibo sa sex life nila. They are full of desire and lust. So whatever they want, they can get effortlessly. At saka hindi na rin nila kasalanan kung babae na mismo ang lumalapit sa kanila. Halos ang mga girls na rin ang kusang lumalapit at sinusuko ang kanilang mga sarili sa kanilang tatlo.

Kumbaga palay na ang lumalapit sa manok. Para sa ibang mga babae, para silang mga monster pagdating sa kama. Hayok sila magpaligaya sa mga babae na natitipuhan nila at gustong pagsaluhan na tikman.

"Damn, I miss this room. Parang kailan lang," nakangiting wika ni Lycus habang pinapasadahan niya ng tingin ang dati nilang kwarto.

Maalikabok ito dati at maraming nakatambak na mga gamit na hindi na ginagamit. Tinatabunan din ng puting tela ang mga gamit, pero ngayon ay malinis na ang silid at handa na rin itong gamitin.

Lalo pa siyang napangiti nang dumako ang tingin niya sa malaking salamin na mayroon dito sa kuwartong ito. Tanging sila lang tatlo ang nakakaalam na pwedeng pagtaguan ang malaking salamin na iyon. Sa katunayan nga n'yan ay sa likod ng salamin na iyan sila madalas nagtatago kapag naglalaro sila ng hide and seek noong bata sila.

"Tsk, this is bullshit. We need to tell Mom that her favorite goddaughter will use another room and not this one," inis na saad ni Lorcan.

"Ang dami-dami namang maganda at malaking guest room dito, kaya bakit ito pang kwarto ang ipapagamit ni Mom sa inaanak niya?"

Halata sa tono ng boses ni Lorcan na hindi niya gustong may ibang taong gagamit sa kwartong ito. Importante kasi sa kanilang tatlo ang dati nilang kwarto. Narito pa rin ang masayang alaala nila lalo na noong panahon na naglalaro sila ng tagu-taguan at dito nila pinipili na magtago noon.

Subalit natigilan naman silang tatlo nang may marinig silang mga mabibigat na yabag sa labas ng kwarto at ang mga mahihina rin nitong mga boses na animo'y masayang nagkukwentuhan. Alam din nilang papunta ang mga mabibigat na mga yabag na iyon dito sa silid na kinaroroonan nila. Naririnig na rin nilang tatlo ang boses ng kanilang ina.

"Shit! Baka magtaka si Mom kapag nakita niya tayo rito," mahina ngunit tarantang salita ni Lycus sa dalawa.

"What the hell, Lycus? This is our old room. Kwarto kaya natin 'to!" inis na turan ni Lucian sa kanya.

Napabuntong-hininga naman si Lycus at hindi niya napigilang mairolyo ang dalawa niyang mata. "Hindi lang naman 'yon ang ibig kong sabihin. Sobrang pagod ako ngayon para marinig ang mala-armalite na bibig ni Mom. Kayo rin, baka sermonan kayo kapag nakita niya kayo na nandito sa kwarto ng paborito niyang inaanak na si Lian."

Agad naman naintindihan nina Lorcan at Lucian ang ibig sabihin ng bunso nilang kakambal. Nakakasiguro sila na hindi sila tatantanan ng kanilang ina hangga't hindi nila nasasagot ang mga katanungan nito kung bakit sila naririto sa dati nilang kwarto. Kung maaari ay iiwas muna silang tatlo ngayon, lalo na't pagod sila at may pagkamala-armalite ang bunganga ng Mommy nila.

"Let's go to our hideout," aya ni Lorcan at nauna na siyang pumasok sa malaki at malawak na walk-in closet.

Sa gilid ng pader sa loob ng walk-in closet ay may malaking salamin din. Lagpas tao ang laki niyon, pero sinong mag-aakala na sliding door pala iyon para makapasok sila sa loob ng hideout nila noong bata pa lang sila? Wala kahit ni isa sa pamilya nila ang nakakaalam nito, maski ang kanilang magulang at mga kasambahay ay walang ideya na may ganito rito.

Silang Triplets lang ang unang naka-discover na may ganito pala na pwedeng pagtaguan dito sa kwarto nila noong mga panahon na naglalaro sila ng hide and seek.

Masyado pa silang bata that time hanggang sa aksidente nila itong nabuksan at nalaman na pwede pala magtago sa loob. Kaya naman nagsisilbi na rin nila itong hideout noon. This is also their secret place that they don't want others to know, even their parents.

Binuksan naman agad ni Lorcan 'yung sliding door bago siya unang pumasok sa loob. Sumunod naman ang dalawa sa kanya at saktong pagsara ni Lycus sa sliding door ay siya namang pagpasok ng kanilang ina sa kwarto.

Maliit lang ang kanilang hideout at medyo may kasikipan. Kasya pa sila rito noong bata pa lang sila. Pero ngayong binata na sila, matatangkad at may kalakihan na ang kanilang pangangatawan ay medyo nahihirapan silang kumilos o gumalaw sa loob. Hindi tuloy nila alam kung sadyang lumaki lang sila o sumikip lang itong hideout nila.

Maling galaw lang nila ay tiyak na maririnig iyon ng kanilang ina. Sa kanilang harapan ay kitang-kita rin nilang tatlo ang kanilang ina, pati ang ilang kasambahay na may bitbit na mga shopping bags. Walang kaalam-alam ang kanilang ina na narito sila sa kwarto at nagtatago.

Sa labas kasi ng kinaroroonan nila ay may nagsisilbing malaking salamin. Aakalain din ng kanilang ina at ng mga kasambahay na malaking salamin lang iyon, pero wala silang ideya na nagtatago silang tatlo sa loob.

Mahina pa ngang natawa si Lycus ng makita nila ang isa nilang katulong na lihim na nangulangot habang tumitingin pa ito sa harap ng salamin. Mahina namang napamura si Lucian dahil kitang-kita niya ito mismo sa kanyang harapan lalo na ang malaki nitong butas ng ilong.

Pilit na hinahalukay ng hintuturo na daliri ng kanilang kasambahay ang ilong nito. Wala namang kaalam-alam ang kasambahay nila na nakikita nilang tatlo kung paano siya mangulangot sa harap ng salamin at literal pa nito na pinunas ang sarili nitong daliri sa suot niyang maid uniform.

Halos mamatay si Lycus sa pagpipigil ng tawa, kitang-kita naman nina Lorcan at Lucian ang pamumula ng buong mukha ng kakambal nila. Kaya naman mahinang sinuntok ni Lucian sa braso si Lycus habang binatukan naman sila ni Lorcan sa kanilang ulo para tumigil silang dalawa. They will be dead if their mother finds out that they are here in this room and hiding behind the big mirror.

"Stop, you idiot!" mahinang asik ni Lucian sa kakambal niya.

But Lycus giggled softly.

He couldn't stop himself from laughing silently because it was funny. He also almost wanted to die from holding back his laughter. Mabuti na lang ay mahina lang ang tawa niya.

"Lian, anak?" Narinig nilang salita ng kanilang ina.

"Ipapatawag na lang kita mamaya, para sabay-sabay tayong kakain ng hapunan,," sabi pa nito.

Nagtaka naman silang tatlo kung sino ang tinawag nitong Lian pero napansin nila ang matamis na ngiti sa labi ng kanilang ina. Nahinto naman sa pagpipigil ng tawa si Lycus at napatitig naman silang tatlo sa isang taong nakasuot ng hoodie jacket at facemask na pumasok sa kwarto. Hindi tuloy nila makita kung ano ang itsura ng Lian na 'yon, pero bakit tila may something silang nararamdaman sa taong iyon? Bakit parang kilala nila ito?

"Sige po, ninang. Maraming salamat po, ha? Talagang hulog kayo ng langit sa akin!" masiglang sagot ng Lian na 'yon at halos tumigil sa pagtibok ang puso nila nang marinig nila ang boses nito.

Boses babae ito at napaka pamilyar sa kanilang tatlo ang boses ng babaeng iyon. Ang boses na malambing at tila musika sa kanilang pandinig. Ang boses na hanggang ngayon ay alam pa rin nila kung sino ang nagmamay-ari. Ang boses na matagal na nilang gustong pakinggan ulit.

Pare-pareho tuloy silang napamura sa kanilang isipan. Kinukutuban na sila. Hindi rin sila pwedeng magkamali sa kanilang hinala. Gusto nilang malaman kung sino ang Lian na iyon.

"Hay naku! Ikaw talaga, hija. Binobola mo naman ako eh!" nakangiting saad ng kanilang ina.

Ngayon lang din nila nakita na may ganyan palang side ang kanilang Mommy. Para itong bata kung magsalita samantalang palagi itong masungit sa kanilang tatlo dahil sa pagiging pasaway nila.

"Oh s'ya, maiwan na muna kita para makapag pahinga ka saglit. Panigurado na pagod ka sa pagsha-shopping natin sa Mall. Ipatatawag na lang kita sa katulong kapag kakain na, okay?" turan ng Mommy nila.

"Sige po, ninang kong maganda. I love you po! Muah muah tsup tsup!" masayang sagot ng dalaga at hindi nila alam kung bakit bigla silang napangiti nang mag-flying kiss pa ito sa kanilang ina.

Hindi rin nila namalayan kung ilang minuto silang nakatitig doon sa babaeng naka-hoodie jacket. Ni hindi nga rin nila napansin na nakaalis na pala ang kanilang ina at ang mga kasambahay.

Nakita na lang nila na sumara at pag-lock ng pinto. Tanging ang babae na lang na iyon ang naiwan sa loob ng kwarto. Walang kaalam-alam ang dalaga na nandito rin sila ngunit nagtatago lang sila sa loob ng malaking salamin.

Natigilan naman silang tatlo ng unti-unti na nitong hinubad ang suot niyang hoodie jacket. Halos pigilan na rin nila ang kanilang paghinga at hinihintay nilang makita kung ano ang itsura ng Lian na iyon at kung bakit kinakabahan sila ng ganito.

Halos huminto rin ang pag-ikot ng paligid nila nang tanggalin na rin nito sa wakas ang suot-suot nitong facemask at nasilayan nila ang mala-angel at nakakabighani niyang ganda.

"Aeliana," halos sabay-sabay nilang bulong.

Hindi nila alam kung ano ang unang gagawin at mararamdaman. Halo-halo na ang emosyon nila ngunit higit na nangingibabaw ang kasiyahan sa puso nilang tatlo.

Sa wakas ay muli nilang nasilayan ang maganda at maamong mukha ni Aeliana. Parang lumundag din sa saya ang kanilang puso nang makita nila ulit ang dalagita na hinahanap nila sa loob ng tatlong araw na halos ikabaliw nila.

Hindi rin nila alam at mas lalong wala silang kaalam-alam na ang inaanak pala ng kanilang ina ay si Aeliana, ang dalagang nakilala nila na bigla na lamang sumakay sa sasakyan nila three days ago. Ang babaeng bumihag sa puso nila at basta na lang pumasok sa buhay nila. Ang babaeng hindi nila magawang maalis sa kanilang isipan.

"Shit! I want to hug her tight!" mahina ngunit nasasabik na sambit ni Lucian sa dalawa niyang kakambal.

Kung maaari ay hinihinaan lang nila ang kanilang boses. Hindi pa naman sound proof ang hideout nila kaya posibleng marinig sila ng dalaga kapag nilakasan nila ang kanilang boses. Maagap namang nahawakan ni Lorcan si Lucian sa damit nito nang magtatangka sana itong lumabas sa hideout nila para puntahan si Aeliana.

"She may be surprised if you suddenly show up. H'wag natin siyang biglain kaya maghintay na muna tayo rito," saad niya.

Mahinahon lang na sinabi ni Lorcan iyon sa kanyang kakambal at nakahinga naman silang dalawa ni Lycus ng maluwag dahil sa hindi nagpumilit o nagmatigas si Lucian. Nagpakawala pa ito ng marahas na buntong-hininga at sumunod sa kanyang sinabi.

Pinanood na lang din nila si Aeliana na inaayos ang mahaba nitong buhok at sinusuklay pa niya ito gamit ang mga daliri niya sa kamay. They couldn't believe that they would see her again, at dito pa mismo sa pamamahay nila. Talagang nabigla sila at walang kamalay-malay na siya pala ang paboritong inaanak ng kanilang magulang.

"Damn! She's really beautiful." nakangiti at puno ng pagkamangha na turan ni Lycus habang nakatitig siya sa maamo at magandang mukha ng dalaga.

Gustuhin man nilang lumabas sa hideout nila at yakapin ng mahigpit ang dalaga ay hindi na lang nila ginawa. Baka magulat ito kapag nakita sila nito. Mas pinili na lang muna nilang manatili sa kanilang pwesto at nagtiis na panoorin ang ginagawa ng babaeng matagal nilang hinahanap. No need to look for her anymore because she is already here.

Related chapters

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 5

    Aeliana Hiraya's Point of ViewPinasadahan ko lang ng tingin ang buong kwarto na pansamantala kong gagamitin dito sa Mansyon ng maganda kong ninang. Maganda, malinis, malawak at napaka-eleganteng tignan ang bawat disenyo ng kwarto na ito. Mahahalata ko agad na kalilinis lang nitong kwarto at napakaaliwalas din ng silid.May malambot na kama na medyo may kalakihan, may sariling banyo, mini sala at isang malaking salamin. Oo, isang salamin na halos kitang-kita ko na ang kabuuan ng katawan ko maski na ang buong kwarto. Hindi ko tuloy mapigilan na mangunot ang noo habang tinitignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na iyon.Bakit sobrang laki naman yata nito? Nandito na kasi ako ngayon sa bahay ni Ninang Larlee. Inabot pa kami ng gabi dahil sa niyaya pa niya akong mag-shopping sa Mall. Si Ninang din ang halos gumastos at lahat ng mga pinamili niya sa Mall ay puro para sa akin.Mga damit, sapatos, make-up at kung ano-ano pa na siya talaga ang gumastos. As in wala akong inilabas na p

    Last Updated : 2024-02-05
  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   PROLOGUE

    HELLION TRIPLETS.They are famous for their good looks. They are not only handsome, they are smart, rich, and they are the heirs of the Hellion family. Tila parang hinulma ng isang magaling na iskultor ang kanilang mga katawan.Hindi lang silang tatlong magkakambal ang nanggaling sa iisang sinapupunan, para rin silang mga makisig na modelo na nasa loob ng magazine na tila bigla na lang nagsilabasan.Nasa kanila na yata ang katangian na magugustuhan ng mga babae. Gwapo, matalino at mayaman. Wala rin kahit na ano ang maipipintas sa kanila.Kaya naman maraming mga babae, maski mga binabae ang nagkakagusto sa kanilang tatlo. Many women fall in love with them and are actually obsessed with them, as if they are under their spell because they quickly fall for their charm.They are playboys and notorious fuck boys. They are the type of men who do not take women seriously. Bata pa lang sila ay nangako na rin sila sa isa't-isa na hinding-hindi sila mag-aaway dahil lamang sa isang maliit na baga

    Last Updated : 2024-02-04
  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 1: Please read at your own risk.

    Third Person's Point of View“Fuck! That's it, baby. Ohhh...”Dinig na dinig ng tatlong lalaki ang malakas na pag-ungol ng babae, na umalingawngaw pa sa loob ng kotseng kasalukuyang sinasakyan nila.Ramdam din nila ang bawat galaw ng sasakyan habang tila nasasarapan ang babae sa ginagawa ng tatlong kaakit-akit na lalaki sa kanyang taksil na katawan.May posibilidad na hindi siya makalakad ng maayos bukas dahil sa mararahas at mabilis na pagbayo sa kanya ng tatlong lalaki. Binabaon pa nila lalo sa kanyang bukana, sinasagad na halos mabaliw siya dahil kulang na lang ay umabot na sa kanyang matris ang pagkalalaki nila.Wala na rin siyang pakialam kung mawalan siya ng boses dahil sa malakas niyang pag-ungol. Ang mahalaga sa kanya ay nasasarapan siya at tila nililipad siya sa alapaap.Napakasarap ng pakiramdam niya, para siyang mababaliw. Para siyang masisiraan ng ulo sa sobrang sarap na tinatamasa niya sa mga sandaling ito.Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang umungol ng malak

    Last Updated : 2024-02-04
  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 2

    Aeliana Hiraya's Point of ViewTiningnan ko naman maigi 'yung nakikita ko sa mga sandaling ito dahil baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi eh. Hindi talaga ako namamalikmata kahit na ilang ulit ko pa akong kumurap o kahit pa paulit-ulit kong kusutin ang dalawa kong mata.Jusko! Tama nga talaga ang nakikita ko ngayon. Ahas nga iyon na malaki at mahaba, namumula at maugat pa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ahas ng isang lalaki at ganito pala ang itsura nito sa real life.“Bakit may anaconda? Bakit maugat 'yan tapos namumula pa?!” hysterical at kabado kong sigaw.Talagang tinuro ko pa 'yung nakikita ko na nakatayo na maugat na may maliit pa na butas doon sa ulo nitong namumula. Umayos pa ako ng upo at isa-isa ko naman silang tinignan habang nanlalaki ang aking magandang mata.Oh, no! My poor virgin eyes!Nahinto naman ang tingin ko roon sa babaeng hubad at lupaypay na nakahilata. Halatang pagod na pagod siya subalit may nakapaskil na matamis na ng

    Last Updated : 2024-02-04
  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 3

    Third Person's Point of ViewPansin nila na sobrang higpit ng pagkakahawak ni Lorcan sa manibela ng kanyang sasakyan. Kulang na nga lang ay suntukin at sirain na niya ito dahil sa sobrang inis. They couldn't find her! Sinundan nila si Aeliana nang makita nilang maraming mga lalaking humahabol sa kanya kanina pero hindi na nila siya nagawang naabutan at hindi na rin nila muling nakita ang magandang dalaga na si Aeliana.Ngayon ay naiintindihan na nilang tatlo kung bakit ito basta pumasok kanina sa sasakyan nila at animo'y may pinagtataguan. Alam na nila kung ano ang dahilan ni Ael at kung bakit ito balisa at hinihingal na tila galing sa pagtakbo. Iyon pala ay nagtatago ito sa mga bodyguards niya.Hindi nila alam kung ano pa ang dahilan kung bakit pinagtataguan ni Ael ang mga bodyguards niya, subalit nakatitiyak si Lorcan na may dahilan ang dalaga. Tanging namumutawi sa kanilang nararamdaman ngayon ang matinding galit, inis at panghihinayang. Nagagalit sila sa kanilang sarili dahil wala

    Last Updated : 2024-02-05

Latest chapter

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 5

    Aeliana Hiraya's Point of ViewPinasadahan ko lang ng tingin ang buong kwarto na pansamantala kong gagamitin dito sa Mansyon ng maganda kong ninang. Maganda, malinis, malawak at napaka-eleganteng tignan ang bawat disenyo ng kwarto na ito. Mahahalata ko agad na kalilinis lang nitong kwarto at napakaaliwalas din ng silid.May malambot na kama na medyo may kalakihan, may sariling banyo, mini sala at isang malaking salamin. Oo, isang salamin na halos kitang-kita ko na ang kabuuan ng katawan ko maski na ang buong kwarto. Hindi ko tuloy mapigilan na mangunot ang noo habang tinitignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na iyon.Bakit sobrang laki naman yata nito? Nandito na kasi ako ngayon sa bahay ni Ninang Larlee. Inabot pa kami ng gabi dahil sa niyaya pa niya akong mag-shopping sa Mall. Si Ninang din ang halos gumastos at lahat ng mga pinamili niya sa Mall ay puro para sa akin.Mga damit, sapatos, make-up at kung ano-ano pa na siya talaga ang gumastos. As in wala akong inilabas na p

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 4

    Third Person's Point of ViewSumapit ang ala siyete ng gabi nang makauwi na rin sa wakas sa kanilang Mansyon ang Hellion Triplets. Nauna namang pumasok sa loob si Lorcan na siyang nakakaramdam na ng pagod dahil buong araw silang tumambay sa Idle Desire. Isa itong resto bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila na si Jaeger Reagan.Sumunod naman sa kanya ang kakambal niyang si Lucian, mahahalata na mainit na naman ang ulo nito at halos hindi na naman maipinta ang gwapong mukha. Huling pumasok si Lycus dahil ipinarada pa nito ang kanilang sasakyan sa garahe.Naabutan naman nilang tatlo ang kanilang ama na nasa sala. Tahimik at prente pa itong nakaupo sa mahabang sofa habang kasalukuyan itong nanonood ng NBA. Golden States Warriors at Los Angeles Lakers ang naglalaban, lamang lang ng limang puntos ang kabilang kupunan. Palibhasa ay paboritong manlalaro ng kanilang ama si Stephen Curry kaya mahilig din ito manood ng basketball.Halata rin naman nilang Triplets na kakagaling lang ng

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 3

    Third Person's Point of ViewPansin nila na sobrang higpit ng pagkakahawak ni Lorcan sa manibela ng kanyang sasakyan. Kulang na nga lang ay suntukin at sirain na niya ito dahil sa sobrang inis. They couldn't find her! Sinundan nila si Aeliana nang makita nilang maraming mga lalaking humahabol sa kanya kanina pero hindi na nila siya nagawang naabutan at hindi na rin nila muling nakita ang magandang dalaga na si Aeliana.Ngayon ay naiintindihan na nilang tatlo kung bakit ito basta pumasok kanina sa sasakyan nila at animo'y may pinagtataguan. Alam na nila kung ano ang dahilan ni Ael at kung bakit ito balisa at hinihingal na tila galing sa pagtakbo. Iyon pala ay nagtatago ito sa mga bodyguards niya.Hindi nila alam kung ano pa ang dahilan kung bakit pinagtataguan ni Ael ang mga bodyguards niya, subalit nakatitiyak si Lorcan na may dahilan ang dalaga. Tanging namumutawi sa kanilang nararamdaman ngayon ang matinding galit, inis at panghihinayang. Nagagalit sila sa kanilang sarili dahil wala

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 2

    Aeliana Hiraya's Point of ViewTiningnan ko naman maigi 'yung nakikita ko sa mga sandaling ito dahil baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi eh. Hindi talaga ako namamalikmata kahit na ilang ulit ko pa akong kumurap o kahit pa paulit-ulit kong kusutin ang dalawa kong mata.Jusko! Tama nga talaga ang nakikita ko ngayon. Ahas nga iyon na malaki at mahaba, namumula at maugat pa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ahas ng isang lalaki at ganito pala ang itsura nito sa real life.“Bakit may anaconda? Bakit maugat 'yan tapos namumula pa?!” hysterical at kabado kong sigaw.Talagang tinuro ko pa 'yung nakikita ko na nakatayo na maugat na may maliit pa na butas doon sa ulo nitong namumula. Umayos pa ako ng upo at isa-isa ko naman silang tinignan habang nanlalaki ang aking magandang mata.Oh, no! My poor virgin eyes!Nahinto naman ang tingin ko roon sa babaeng hubad at lupaypay na nakahilata. Halatang pagod na pagod siya subalit may nakapaskil na matamis na ng

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   CHAPTER 1: Please read at your own risk.

    Third Person's Point of View“Fuck! That's it, baby. Ohhh...”Dinig na dinig ng tatlong lalaki ang malakas na pag-ungol ng babae, na umalingawngaw pa sa loob ng kotseng kasalukuyang sinasakyan nila.Ramdam din nila ang bawat galaw ng sasakyan habang tila nasasarapan ang babae sa ginagawa ng tatlong kaakit-akit na lalaki sa kanyang taksil na katawan.May posibilidad na hindi siya makalakad ng maayos bukas dahil sa mararahas at mabilis na pagbayo sa kanya ng tatlong lalaki. Binabaon pa nila lalo sa kanyang bukana, sinasagad na halos mabaliw siya dahil kulang na lang ay umabot na sa kanyang matris ang pagkalalaki nila.Wala na rin siyang pakialam kung mawalan siya ng boses dahil sa malakas niyang pag-ungol. Ang mahalaga sa kanya ay nasasarapan siya at tila nililipad siya sa alapaap.Napakasarap ng pakiramdam niya, para siyang mababaliw. Para siyang masisiraan ng ulo sa sobrang sarap na tinatamasa niya sa mga sandaling ito.Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang umungol ng malak

  • IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS   PROLOGUE

    HELLION TRIPLETS.They are famous for their good looks. They are not only handsome, they are smart, rich, and they are the heirs of the Hellion family. Tila parang hinulma ng isang magaling na iskultor ang kanilang mga katawan.Hindi lang silang tatlong magkakambal ang nanggaling sa iisang sinapupunan, para rin silang mga makisig na modelo na nasa loob ng magazine na tila bigla na lang nagsilabasan.Nasa kanila na yata ang katangian na magugustuhan ng mga babae. Gwapo, matalino at mayaman. Wala rin kahit na ano ang maipipintas sa kanila.Kaya naman maraming mga babae, maski mga binabae ang nagkakagusto sa kanilang tatlo. Many women fall in love with them and are actually obsessed with them, as if they are under their spell because they quickly fall for their charm.They are playboys and notorious fuck boys. They are the type of men who do not take women seriously. Bata pa lang sila ay nangako na rin sila sa isa't-isa na hinding-hindi sila mag-aaway dahil lamang sa isang maliit na baga

DMCA.com Protection Status