Tahimik akong nakasunod sa mga lalaking naglalakad sa unahan ko habang pasimple kong pinag-a-aralan ang buong gusali na pinagdalhan sa akin ng mga lalaking ito. Mula sa nakaawang na pintuan ng isang silid na aming nadaanan ay nakita ko ang isang babae na halos hubo’t-hubad habang kinukunan ito ng larawan sa iba’t-ibang anggulo. Halos ang lahat ng silid na aking madaanan ay puro may mga kababalaghan na ginagawa kaya nagpupuyos ng husto ang kalooban ko dahil sa labis na sama ng loob. Paanong nasadlak ang kapatid ko sa nakakasukang lugar na ito? Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang lantarang pagbebenta ng laman para lang sa isang video na pinagkakakitaan ng kumpanyang ito. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay at pakiramdam ko ay para na akong isang bomba na anumang oras ay maaaring sumabog. Sumasagi pa lang sa isip ko na ginagawa ng kapatid ko ang ginagawa ng mga babaeng ito ay parang gusto ko ng magwala o maglupasay sa sahig habang pumapalahaw ng iyak. “I said I don’t like
“Hindi ko na alam kung gaano na katagal akong nakatayo sa gitna ng opisina ni Mr. Felix. Habang ang babaeng tinulungan ko ay tahimik na nakatayo sa tabi ko. Matiim akong nakatitig sa mga mata ng isang maedad na lalaki na kung makatingin ay wari moy inaarok nito ang buong pagkatao ko. Ngunit, hindi ako nagpasindak sa kanya bagkus ay nakipagtagisan ako sa nang-uuri nitong mga tingin. “Hm, so, ikaw pala ang kapatid ni Maurine? You know I like you, since ayaw mo namang ibalik sa akin si Maurine ay bakit hindi na lang ikaw ang pumalit sa kanya?” Nakangisi nitong tanong bago maingat na pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Nahuli ko pa na napalunok ito ng mapadako ang kanyang mga mata sa may kalakihan kong dibdib. “Sure, why not, try me, who knows na baka tayo ang kumpatible sa isa’t-isa.” Nakangiti kong saad saka matamis na ngumiti dito. Kita ko kung paano na magningning ang kanyang mga mata ng marinig nito ang sinabi ko. “Woah! I love your style, ngayon pa lang ay nag-iinit na a
Miles Point of view “Nanlulumo na napaluhod ako sa sahig habang nakatitig ang luhaan kong mga mata sa mukha ng aking kapatid. Matinding pagkabigô ang nararamdaman ko ng mga oras na ito na wari mo ay pinagsakluban ng langit at lupa. Malungkot na tumitig ako sa magandang mukha ng aking kapatid, lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harapan, saka paulit-ulit na humingi ng tawad. Gusto ko siyang sampalin, sigawan at itakwil bilang kapatid nito, pero hindi ko magawa, dahil nakikita ko sa kanya ang mukha ng aming ina na tila nagmamakaawa. “Zephyr, bilang nakatatandang kapatid ay huwag mong pabayaan ang kapatid mo. Mahalin Mo siya ng tulad ng pagmamahal ko sa inyo.” Ito ang paulit-ulit na umuukilkil sa aking isipan sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Maurine. Dahil si Maurine ay kawangis ng aming ina habang ako ay kawangis ng aming Ama. Isang desisyon ang nabuo mula sa aking isipan at iyon ay kailangang umalis ng bansa si Maurine. Natauhan ako ng yumakap siya sa akin habang patuloy na
“A-Ate…” naluluha na tawag sa akin ni Maurine, isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan upang mabawasan ang bigat ng dibdib ko. Labag man sa kalooban ko ngunit wala akong magagawa kundi ang gawin ito. “Listen, Maurine, you’re still young, at kailangan mong magsimula muli ng panibagong buhay hindi para sa sarili mo kundi para sa magiging anak mo. Sa America ay nakasisigurado ako na magiging maayos ang buhay mo dun. Don’t worry, nag-usap na kami ni Tita Marga, siya na ang bahala sayo run. Basta pangako mo sa akin na babangon kang muli at ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo dun. I’m still supporting you kahit na anumang mangyari.” Madamdamin kong pahayag at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko, dahil masakit para sa akin ang mawalay sa kapatid ko. Mahigpit na yumakap sa akin si Maurine habang umiiyak kaya masuyo kong hinagod ang likod nito. “Tama ang ate mo Maurine, hindi pa huli ang lahat, at may pagkakataon pa tayo na itama ang lahat. Magpakabait ka sana
“Nakatutok ang buong atensyon ko sa monitor ng computer habang ang mga daliri ko ay patuloy sa pagtipâ sa keyboard nito. Kasalukuyan ko kasing inaayos ang schedule ni Xavien dahil marami siyang appointment ngayong araw. Pinag-aaralan ko rin ang mga kontrata na kailangan niyang pirmahan, at mas inuuna ko ang mahahalagang kliyente na bilyon ang halaga na pinapasok sa kumpanya ng mga Hilton. Honestly, talagang nalulula ako sa mga numerong nakikita ko sa record ng bawat transactions ng kumpanya ni Xavien. Hindi ko alam kung paano nila naha-handle ang ganito kalaking kumpanya. Tama si daddy, marami pa akong dapat na matutunan, at ang pagiging sekretarya ni Xavien ay hindi biro. Masyadong mabusisǐ ang trabahong ito. Pagkatapos na magtipa ay dinampot ko ang isang folder na nasa tabi ng laptop ko. Sinuri kong mabuti ang bawat impormasyon upang masiguro ko na tama ang lahat ng detalye maging ang mga pangalan ng client. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ako ang pagsasaayos ng mga sc
“Shit! Kung kailan okay na ang lahat at unti-unti ko ng nakukuha ang loob ni Miles ay saka naman nagkaroon ng problema!” Naiinis kong sambit sabay suntok sa ibabaw ng lamesa. Napalingon sa direksyon ko ang lahat ng mga tao sa paligid ngunit wala akong pakialam. Dahil ng mga oras na ito ay nagpupuyos ang kalooban ko sa matinding galit. Bakit ba kasi nagpakita pa ang babaeng iyon sa opisina ko! Ni halos hindi ko nga matandaan ang pangalan ng babaeng ‘yun at kung saan ko ito nakilala dahil sa dami nila. Ngunit, ang mas ikinasama ng loob ko ay ang mga salitang binitawan ni Miles na malinaw kong narinig ang lahat. Para akong sinaksak ng sampung beses. Ang mga salita nito ay di hamak na mas mabigat kaysa sa bato pakiramdam ko ay kay bigat ng dibdib ko. Padabog na dinampot ko ang alak sa aking harapan at walang pakundangan na tinungga ito. Hindi ko na alam kung gaano na karami ang alak na nainom ko, basta ang alam ko ay masama ang loob ko sa babaeng ‘yun. “Napaka manhid n’ya! Hindi ba n
Miles Point of view “Hmp! Stop it, Hilton!” Naiinis na bulyaw ko sa makulit na lasing na ito. Kanina pa ito halik ng halik sa akin mula sa sasakyan hanggang dito sa condo nito. At ngayon, kasalukuyan kaming papasôk sa loob ng kanyang kwarto. Nahihirapan na ako sa pag-alalay sa kanya dahil malaking tao ito. Pabagsak na inihiga ko siya sa kama ngunit napasama ang aking katawan. Wala na akong nagawa pa kundi ang humiga sa tabi nito, habang hinihintay kung kailan magiging normal ang aking paghinga. Ngunit, wala pang segundo, ang makulit na si Xavien ay mabilis na pumatong sa ibabaw ko. Parang babaligtad ang sikmura ko ng muli kong maamoy ang alak mula sa kanyang bibig. “Ano ba, umalis ka nga dyan.” Naiinis kong bulyaw sa kanya habang pilit na tinutulak ito sa dibdib, palayo sa akin. Ngunit, ang magaling na lalaki ay mas lalo pang idiniin ang sarili sa akin kaya ramdam ko ang bigat nito. “I know you love me, at papatunayan ko sayo na totoo ang sinasabi ko.” Anya bago tuluyang lumapa
Xavien Point of view “Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na sumiksik sa akin ang mainit na katawan ni Miles. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang maganda at maamong mukha ng aking nobya. Isa ito sa mga gusto kong maranasan tuwing gigising sa umaga. Buong pagsuyo na niyakap ko siya ng mahigpit habang mariin na nakalapat ang aking mga labi sa ulo nito. “I love you...” ito ang paulit-ulit na sinisigaw ng puso ko. Habang nilalasap ang sarap sa pakiramdam ng pagkakalapat ng aming mga hubad na katawan. “Xav, I think tanghali na, marami ka pang appointment ngayong araw na ito at hindi mo pwedeng ikansela ang mga ‘yun.” Ani nito sa inaantok na boses. She’s right at kahit labag sa kalooban ko napilitan na rin akong bumangon. Nagtaka ako ng hindi siya kumilos at nanatili lang ito sa kanyang posisyon. “Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala kong tanong, bago sinalat ang noo nito. Nakahinga ako ng maluwag ng