Ang Floreza family ang siyang pinakasikat na angkan sa bansa. They owned the popular online game na kinagigiliwan ng mga tao ngayon.
Their base was located in Indonesia kahit na Filipino-Japanese ang ancestry nila.
They value their family dignity and honor ngunit nadungisan ang iniingatan nilang morale nang ipanganak si Lucio Floreza ang bastardong anak ni Leo Floreza II o kilala sa tawag na Senior Floreza.
Lucio is unknown at bihira lang dumalo sa mga family o social gathering dahil siya’y kahihiyan sa pamilya.
Kaya hindi siya masiyadong kilala ng mga tao. Iilan lamang ang nakaka-alam na siya’y kasapi ng pamilyang Floreza.
Nang makalabas si Beth at Lucio sa bahay ng mga Maquiling, agad na nawalan ng malay si Beth.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Lucio sa bewang niya kaya naalalayan niya ito bago ito matumba sa lupa.
Hindi makakilos ang assistant niya na siyang nakasaksi sa malamig na aura ni Lucio.
Alam niyang galit na galit ito sa pamilya ni Beth ngayon, ngunit nagpipigil lang.
“Let’s go and bring a doctor to my house.” Malamig na bilin ni Lucio sa assistant niya at kalmadong pumasok ng sasakyan.
“O-Okay p-po sir…” Nautal pa ito dahil sa takot at kaba.
Tinapunan muna ni Lucio ng huling tingin ang bahay ng pamilya ni Beth bago sila tuluyang umalis.
N-NASAAN AKO? Tanong ni Beth sa sarili niya nang bumalik ang malay niya.
Nasa bahay na sila ni Lucio, at siya ay nakahiga na sa queen-size bed nito.
Pero dahil sa sobrang kapaguran, hindi niya halos maimulat ang mga mata niya.
Namamaga pa ang pisngi niya dahil sa mga sampal na natamo niya sa tatlong tao kanina sa bahay niya.
Ngunit may mga boses siyang naririnig sa paligid.
“Sa tindi ng pagod kaya siya nawalan ng malay. Other than that, her condition is okay kaya wala kang dapat na ipag-alala. Nag-iwan na rin ako ng ointment para sa sugat niya at sa pamamaga ng pisngi niya. Just apply the ointment every 4 hours para mabilis siyang gumaling.”
Kanino galing ang boses? Puno pa rin na pagtataka na sabi ni Beth.
Sinubukan niyang tignan ang taong nagsasalita, at ang nakita lang niya ay papalayong puting damit mula sa kinaroroonan niya.
“You need to sleep more.” Naramdaman niyang may humaplos sa ulo niya.
Dahil pagod na pagod pa talaga siya, nakatulog rin siya kaagad.
Kinagabihan, nang magising siya, nagulat siya nang hindi siya pamilyar sa paligid niya.
“Nasaan ako?”
Mukhang nakalimutan niya na nasa bahay na siya ng asawa niya.
Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Nakalimutan pa niyang suotin ang tsinelas na hinanda ni Lucio sa kaniya.
Bababa na sana siya ng hagdan nang makita niya si Lucio na nakatayo sa ibaba habang may kausap sa phone.
Napasinghap siya at agad na nagtago.
‘Bakit ako nagtatago?’
Hindi rin niya batid bakit bigla siyang nagtago.
“I see… Huwag kang magbigay ng kahit na isang kusing kay Bernardo Maquiling.”
Napasinghap si Beth nang marinig ang pangalan ng ama niya.
“Kung babayaran mo siya ng pera, para ko na ring binili ang asawa ko. No. Hind siya gamit na nabibili. Hindi siya gamit na pwedeng ibenta. Sinasagad na talaga ng lalaking yan ang pasensya ko.”
Namilog ang mata niya nang matanto na ibinibenta pala siya ng daddy niya.
Mariing niyang tinakpan ang bibig niya para hindi makatakas ang daing niya dahil sa kanyang pagluha.
Kahit ilang beses siyang sinaktan ng ama niya, sa puso niya, nangarap pa rin siya na sana ay mahalin siya nito.
Na sana ay dumating ang araw na maramdaman niyang anak rin siya.
Kaya masakit para sa kaniya marinig na gusto siyang ibenta ng daddy niya kay Lucio.
“My wife is not an item. At wala akong planong bilhin siya dahil hindi nabibili ang halaga niya. She’s too precious para lang bilhin ng ilang milyon.” Sabi ni Lucio habang pinapakiramdaman si Beth na nagtatago sa itaas.
Huli na niya ito napansin at alam niyang narinig na nito lahat ng sinabi niya.
Mariing siyang pumikit. Kung napansin niya lang ito kanina agad, sana e pinatay na lang niya ang tawag.
Gusto niyang murahin ang sarili niya. Tinawagan siya ng assistant ng ama niya, dahil nagdemand si Bernado Maquiling ng malaking halaga ng pera kapalit sa pagpapakasal kay Beth.
Kaya alam niyang ito ang dahilan kung bakit umiiyak ang asawa niya ngayon.
“Sabihin mo sa kaniya na maghintay siya dahil makikipagkita ako sa kaniya. Babalikan ko lang si Beth sa kwarto para tignan kung bumaba na ba ang lagnat niya.”
Nang marinig ni Beth iyon, nagmamadali siyang tumayo at tumakbo pabalik sa kwarto niya.
Humiga siya sa kama at agad na nagtalukbong ng kumot at doon niya binuhos ang lahat ng luha niya.
Huminga naman ng malalim si Lucio. Nang tignan niya ang pwestong pinagtataguan ni Beth kanina, wala na ito.
Nang makalapit siya doon, kitang kita ng mata niya ang patak ng luha na nasa sahig.
Tiniklop niya ang mga tuhod niya at agad na hinawakan ang luhang naroon.
Pagkatapos ay kumuyom ang kamao niya dahil nanggagalaiti siya sa galit.
“Ipinapangako kong hindi ka na muling iiyak pa dahil sa ama mo, Beth.”
Lucio is a billionaire na hindi alam ng kaniyang pamilya. He owned a car company under the brand name, LOCO.Mula nang mag 15 years old siya, nagsimula na siyang magventure sa iba’t-ibang investment companies.Alam niyang wala siyang puwang sa pamilya niya kaya nagsumikap siya hanggang sa narating niya ang meron siya ngayon.LOCO is the first business na pinaglaanan niya ng pera niya mula sa na-accumulate niyang kita sa kaniyang passive income. And at the age of 19, LOCO was born.Despite the success, the owner is still unknown kaya mababa pa rin ang tingin ng pamilya niya sa kaniya.Kinaumagahan, pumasok si Lilibeth sa trabaho niya. Pagtapak pa lang niya sa entrance door, ay pinagtitinginan na siya ng ibang empleyado.“Hindi ba siya yung may scandal? Grabe, pumasok pa rin siya. Ang kapal ng mukha.”“Kaya nga e. Pasalamat siya at pinakasalan niya no’ng kabit niya.”“Hindi ko aakalain na magagawa niya yun sa boyfriend niya. Akala ko pa naman ay matino siyang tao pero hindi pala.”“Ako
Umagang umaga pa lang, may panibago na namang balita ang kumalat tungkol sa pagkakawala ni Kate sa trabaho.“Huwag kayong dumikit sa kaniya baka magaya kayo kay Kate.” Rinig ni Lilibeth na sabi ng iilan.“Mukhang malakas siya sa boss. Baka mamaya e nilandi rin niya si sir Aidan para mapasunod sa gusto niya.”Kinabahan si Beth. Kahit kailan, hindi pa nangyayari sa buhay niya na may nawalan ng trabaho dahil sa kaniya.Agad siyang tumikhim at naglakas loob na lumapit sa isang staff para magtanong ng dahilan.“E-Excuse me,” agad na napatalon sa gulat ang babaeng staff.“M-Ma’am?”“May I know kung anong nangyari kay Kate? May alam ba kayong dahilan bakit siya nasisante?”“N-Narinig ko lang po ma’am na dahil daw sa inyo. Dahil nakasagutan niyo daw po siya kahapon.”Kumunot ang noo niya at agad na pumasok sa isipan niya si Lucio—ang asawa niya.‘Siya ba ang may gawa nito? Sinabi ba ni sir Aidan sa kaniya ang nangyari kahapon?’“S-Sige po ma’am,” takot na takot na sabi ng staff at nagmamadalin
They barely talked because Lucio dragged his wife away from his nephew.Napakuyom ng kamao si Joliever. “Uncle, sandali lang!”Tumigil ang dalawa sa paglalakad.“Huwag ka namang bastos. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Beth.”Bayolenteng nilingon ni Lucio si Joliever.“Anong sinabi mo?”“Nag-uusap pa kami ni Beth. Wala na ba siyang karapatan na kausapin ako? May hindi pa kami nari-resolbang problema.”“Karapatan?” sarkastikong tumawa si Lucio. “Anong karapatan ang sinasabi mo? Baka nakakalimutan mo that I am her husband!”“She was my girlfriend. She dumped me to jump to you. She left me suddenly kaya may karapatan ako para hingin ang rason bakit niya ako nagawang lokohin.”Bahagyang kinabahan si Beth nang bigla siyang bitawan ni Lucio para lumapit kay Joliever.“Indeed. She WAS your girlfriend so back off dahil hindi ko mapapalagpas ang kapalastanganan mo kahit pa pamangkin pa kita.”Napalunok si Joliever sa lamig at talim ng mga salitang binitawan ng uncle niya.Naglakad na paalis si L
Napanguso si Beth habang nakatingin sa kaniyang paligid.Maraming babae ang nakatingin sa table nila dahil sa asawa niya. First time din nilang kumain ng sabay ngayon.Lumalayo kasi siya lagi kay Lucio dahil ayaw niya sa pakiramdam na madikit siya dito.Yung puso niya ay biglang kakabog sa kaba, tapos naiintimida siya minsan.“S-Suotin mo ang coat mo.” S-Sabi ni Beth dahil kaya sila pinagtitinginan dahil sa katawan nitong bumabakat pa rin sa polo na basa ng ulan.“Are you jealous na pinagtitinginan nila ang asawa mo?” may mumunting ngiti sa labi ni Lucio habang sinasabi iyon.It’s his random banat for his Gen Z wife.Mariing kinagat ni Beth ang labi niya. “H-Hindi. Para lang hindi ka sipunin.”Tumango si Lucio nang pumalpak ang banat niya. Tumikhim siya para itago ang kahihiyan na ginawa.Matapos nilang kumain, humupa na rin ang malakas na ulan.Umuwi na sila at si Beth ay agad na humilig sa bintana ng sasakyan.Nagkunwari siyang tulog tulugan lalo na’t ramdam niya ang paninitig ni Luc
Kinarga ni Lucio si Beth para ibalik sa kwarto nito. Tahimik lang si Beth at hindi siya nagsasalita. Masiyado pa ring masakit para sa kaniya marinig ang lahat ng iyon galing sa ama niya. Nang makapasok sila ng kwarto, unang nakita ni Lucio ang malaking unan na hugis hotdog. Bumaba si Beth mula sa pagkakahawak niya at gumapang sa kama. Nakita niya kung paano yakapin ni Beth ang unan na yun, na para bang iyon ang comfort zone niya kapag siya ay malungkot. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng pagkainis sa unan. Para gusto niya tuloy kunin iyon ay ibalagbag then sunugin. ‘Kahit unan kinaiinisan ko na. Nababaliw na siguro ako.’ Sabi ni Lucio sa isipan niya. Umupo siya at tinitigan si Beth na hindi na umiiyak ng husto pero may mga mumunting luha pa rin sa mga mata. Si Beth naman, nakatitig siya kay Lucio. Hindi niya mabasa ang mga iniisip nito. Kanina, para siyang bata na hinihele ng isang mature na tao. Ngayon lang siya nakaramdam nito dahil ngayon pa lang rin naman siya
Nakahawak si Max sa pisngi niya habang hinihintay na matapos si Lucio sa kabaliwan nito.Hindi niya aakalain na may kaibigan siyang parang kinulang sa buwan. Napabuntong hininga na lang siya.Dalawangpung minuto pa lang siya sa opisina pero pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait.Lalo pa’t maya-maya ay naririnig niya ang mahihinang pagtawa ni Lucio.“Sir,”Sabay silang napatingin kay Regar.“Nandito po ang pamangkin ninyo. Gusto niya po kayong makausap.”Kumunot ang noo ni Lucio.“Papasukin-"/ “UNCLE!”Hindi na natuloy ni Lucio ang sasabihin niya dahil biglang pumasok si Joliever.Sumeryoso ang mukha niya nang makita niya ang pamangkin, malayo sa mukha nito kanina na ngumingiti sa pictures ni Beth.Yung mga taong nakakakilala kay Lucio ay binansagan siya bilang isang great tycoon na matinik pagdating sa negosyo.Ang awra nitong pinapakita ngayon kay Joliever, ay ang Lucio na hindi mabasta basta ninuman.Na oras magtagpo ang paningin niyo ay mangingisay ka na lang sa nginig at ta
Sa presinto, naroon si Sr. Floreza, Roviech Floreza ang eldest son, si Asha Floreza ang asawa ni Roviech at ina ni Joliever at si Loreen Floreza, ang second daughter.Lahat sila ay pamilya ni Lucio. Agad na kwinelyuhan ni Roviech si Lucio dahil sa ginawa nito sa kaniyang anak.“Hayup kang bastardo ka! Bakit mo yun ginawa sa anak ko?”Ngumisi si Lucio. Kahit kailan, wala siyang kaamor-amor sa pamilya niya. Bata pa lang siya, palagi na siyang outcast at laging binubully ni Roviech lalo’t anak siya ng ama niya sa isang pagkakasala.“Dapat lang yun sa anak mo! He dared to slander my wife in my face. Sa tingin mo papayag ako na gawin niya yun?”“Sinuntok mo ang anak ko dahil sa babaeng yun? Your wife is cheap para sirain mo ang mukha ng anak ko!”“Anong sabi mo?” Kwinelyuhan rin ni Lucio ang kapatid niya.“Tumigil na kayo!” Ang sabi ni Sr. Floreza.“No dad! Itong bastardong ito, gustong patayin ang anak ko.”“Do I have to repeat myself? Roviech! Lucio! Bitawan niyo ang isa’t-isa!”Hindi n
Nakauwi na sila sa bahay nila. Busy si Beth sa paggamot ng mga sugat ni Lucio sa kamay.‘I wonder kung gaano kasira ang mukha ni Joliever para magkaroon siya ng sugat gaya nito,’ napapatanong siya sa sarili niya dahil sa sugat na nakita niya sa kamao ni Lucio.Hindi na siya nakakaramdam ng takot o ano pa man sa asawa niya. In fact, bahagyang gumaan ang nararamdan niya dito unlike no’ng una.Na para bang nawala na yung malaking pader na nakapagitan sa kanila.“Huwag ka ng makipag-away dahil sa akin sa susunod.”Kumunot ang noo ni Lucio. Kanina pa tumatambol ang puso niya dahil inaalagaan siya ni Beth tapos biglang magsasalita si Beth ng ganoon.Nawala tuloy ang ngiti sa mukha niya.“Okay kung ititikom din nila ang bibig nila.”Nakagat na naman ni Beth ang labi niya. ‘Bakit pa niya kailangan makipag-away para sa akin? Hindi naman niya ako mahal. Naaawa lang naman siya sa'kin. Kailangan pa ba niyang dumaan sa lahat ng yun? Bakit niya ba ito ginagawa?’Kung ano-ano ng iniisip niya kaya yun
“Hi Rainah,” nakangiting sabi ni Beth na para bang wala silang ginawang kalokohan ni Lucio.NaghaIikan lang naman sila ng mga 5 minutes.Nagpupuyos sa galit si Rainah at labis rin siyang nasasaktan ngayon kaya hindi siya nakasagot.“Wife,” pagtawag ni Lucio kay Beth.Nang tumingin si Beth sa kaniya, ipinakita niya ang bracelet na napanalunan niya sa bidding kanina.Nanlaki ang mata ni Beth lalo’t sa kinang at ganda ng bracelet, alam niyang mahal.“Hala. Ang mahal nito. B-Bakit mo binibigay?” tanong niya, hindi alam kung matutuwa ba o mag-aalala na napagastos ng mahal si Lucio para sa kaniya.Ngumuso si Lucio. Kinuha niya ang kamay ni Beth at siya mismo ang nagsuot ng bracelet sa kamay nito.“Don’t worry wife, mura lang ito.” Sabi niya.Wala siyang planong sabihin na 150M bili niya doon dahil gusto niyang suotin yun lagi ni Beth nang hindi nag-aalala na baka manakaw.“Talaga? Mura lang?”“Yes…”Nakahinga naman ng maluwag si Beth doon.“Magkano ito kung ganoon? Parang ang authentic kasi
Nang makalabas sila ng auction hall, hindi pa rin matigil si Aidan kakatukso niya kay Lucio. Masiyado siyang masaya na namumula ang tenga ng kaibigan niya sa bawat panunukso niya.“Iba talaga nagagawa pag inlove. Napapagastos ng mahal.”“Pwede ba Dan, itikom mo na yang bibig mo.” Gigil na sabi ni Lucio.Tinawanan lang siya ni Aidan. At ng pasakay na sila ng sasakyan, biglang tumawag si Loreen kay Lucio.“Nasaan ka?”“What do you want?”“May dinner mamaya sa-"“I won’t come. I’m busy.” Papatayin na sana ni Lucio ang tawag ng nagsalita muli si Loreen.“Dinner yun kasama ni dad kaya pupunta ka sa ayaw at sa gusto mo.”Pinatay na ni Loreen ang tawag. Huminga naman ng malalim si Lucio.Kahit na hindi siya nako-control ng dad niya, niri-respeto pa rin niya ito basta ba’t alam niyang hindi sila ni Beth naagrabayado.“Mukhang may pupuntahan ka pa ah? Mauna na ako.” Saad ni Aidan sa kaniya at pumasok na ng sasakyan nito at umalis.Nang makaalis si Aidan, saka naman natanggap ni Lucio ang mensa
“Loreen, you lied to me! Akala ko ba ay hinihintay ako ni Lucio? Bakit parang kung umasta siya ay happy ang marriage nila ni Beth?”Loreen’s eyes rolled bago siya lumingon kay Rainah at ngumiti.“Hindi mo pa ba narinig ang balita Rainah na talo ng mal@ndi ang maganda?”Kumuyom ang kamao ni Rainah. “Hindi ko gusto ang nangyayari, Loreen. I want Lucio! I want him back!”“Then magsikap ka na mabawi siya. Kilala mo naman ang kapatid ko hindi ba? He’s a man of honor. Kahit pa ikaw ang laman ng puso niya ay hindi niya iiwan si Beth dahil nangako siyang magiging loyal siya dito.”Nalukot ang mukha ni Rainah. “I still don’t understand, Loreen. Kung mahal niya pala ako e dapat ipaglaban niya ako.”Ngumiti si Loreen at nilapitan siya. “Oh dear… Lucio is just mad at you lalo’t maraming nalilink sayo na boys before. Kung makakausap mo siya ng wala si Beth, I’m sure bibigay yun.”“Then help me, Loreen! Help me na magkausap kami ni Lucio.”Naitiklop ni Loreen ang labi niya. ‘I used to like this gir
Matapos nilang kumain, si Lucio na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan.Nasa likuran si Beth, nakaupo at nag-iisip ng tamang salita para sabihin kay Lucio ang pakay niya. Magpapaalam siya ngayon tungkol sa pagsama niya sa Dubai.At kinakabahan na rin siya lalo’t hindi niya alam kung papayagan ba siya nito.‘Good mood naman siya e. Sana payagan.’ Sabi niya sa sarili niya, pampalakas loob.“Ahm, hubby… ano… magpapaalam sana ako. M-May offer kasi sa akin si sir Aidan sa akin na opportunity...”Naging seryoso naman ang mukha ni Lucio. “What is it?”“Ano… isa ako sa isasama niya pa Dubai. Papaalam sana ako sayo na sasama ako.”Sandaling natigilan si Lucio sa pagsasabon sa plato at nilingon siya.“So that belt you gave me ay suhol lang para dito?” kunot noong tanong nito.Nanlaki ang mata ni Beth at agad na umiling.“Hindi… Y-Yung gift, gusto ko talaga yung bilhin para sayo. Hindi ko yun binili bilang bribe.”Huminga ng malalim si Lucio at bumalik sa pagsasabon ng plato.“Malayo ang Dubai
Nagbabasa lang si Beth ng libro sa kwarto nila mag-asawa at hindi na muna bumaba dahil alam niyang nag-uusap pa si Lucio at mga kaibigan nito.Tatlong oras na siguro ang lumipas nang dumating sina Fero at maya-maya lang, kinatok na siya ng katulong.“Ma’am Beth, paalis na po ang mga bisita ni sir.”Agad niyang nilagay ang libro sa table at nagmamadaling lumabas.“Nasa sala po sila ma’am, hinihintay kayo.”“Sige po. Salamat sa pag-inform.”Bumaba na si Beth at pumunta kina Lucio.Nakangiti sa kaniya sina Aris nang makita siya.“Aalis na kayo?” aniya habang palapit kay Lucio.“Oo. Tapos na kami sa meeting namin.” ArisSi Lucio naman ay agad siyang inakbayan.“Salamat sa pagkain. Nabusog kaming lahat.” Casper said.Kakaiba pa rin ang pagtingin niya kay Beth lalo’t may kilala siyang tao na konektado rin kay Lucio na kamukha ni Beth.“Kung bibisita kayo ulit dito sa bahay, magluluto ulit ako para sa inyo.”“Don’t bother/ TALAGA?”Napatingin sina Fero kay Lucio dahil sa sinabi nito.“Anong d
Nang tumuntong ang oras ng dismissal, nagmamadali na si Beth na iligpit ang mga gamit niya.“Ma’am Beth, may lakad ka?” tanong ni Leah kasi nakita niya na nagmamadali ito.“Wala naman Leah. Pero yung mga kaibigan kasi ng asawa ko ay sa bahay magdi-dinner kaya kailangan ko ng umuwi agad. Ako kasi ang magluluto. Ahm.. Sige, mauna na ako.”Napasunod nalang ng tingin si Leah sa kaniya.“Leah, bakit ka nakikipagkaibigan sa kaniya? Enabler ka ba at okay lang sayo makipagkaibigan sa taong cheater?” sabi no’ng isang employee sa finance dept. na lumapit pa talaga kay Leah.“Oo nga Leah. Tapos ang narinig ko ay isasama raw siya ni sir Aidan sa Dubai. Grabe, ang unfair. Kaya siguro niya inakit ang husband niya ngayon kasi alam niyang kaibigan yun ni sir Aidan ng sa ganoon ay madali siyang makaakyat sa itaas.”Sinamaan ni Leah ng tingin ang dalawang empleyado. “Itikom niyo ang bibig niyo kung ayaw niyong pasukan ko yan ng granada.”Agad na tumakbo ang dalawa palayo sa kaniya, takot na takot sa ban
Pinuntahan na ni Regar si Beth sa sasakyan dahil ihahatid pa niya ito sa trabaho.“Anong ginagawa ng asawa ko sa loob, Regar?”“Masayang masaya po siya ma’am sa regalo niyo.”Ngumiti si Beth. Nagpapasalamat siya na napasaya niya doon si Lucio.“Salamat pala Regar at pasensya na rin sa ginawa niya.”Nanlaki ang mata ni Regar. “Alam niyo po ma’am?”“Oo… nakita ni manang kagabi na si Lucio ang naghukay no’n. Tapos nakita ka rin niyang nakahiga sa lupa at walang malay.”“Ay.. Huwag niyo na lang po intindihin si sir. Nagsiselos lang yun at nagtatampo dahil akala niya ay akin po yung regalo.” Sabi niya sabay bukas kay Beth ng pinto ng sasakyan.Nang nakapasok, dali-dali siyang pumunta ng driver’s seat at pinaandar na ang sasakyan paalis.“Pero nagtataka ako bakit nalaman niya kung nasaan tayo kagabi. Sinabi mo bang pumunta tayo ng resto?”Sumulyap muna si Regar kay Beth mula sa salamin bago sumagot. “Hindi po ma’am. Nakita ata ni sir yung pinost mo sa I G na picture natin. Iyon ang naging ug
Nagising si Beth na nasa tabi niya si Lucio at natutulog pa.Agad siyang napabangon at napatingin sa labas ng bintana. Nakita niyang maaga na.‘Shux! Nakatulog ako!’ Aniya sa sarili niya. Kagabi, hinintay niyang makalabas si Lucio sa banyo para ibigay ang regalo niya pero hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa paghihintay.‘Hindi bale. Mamaya ko na lang yun ibibigay.’Agad siyang bumangon para makapagluto siya ng breakfast nila.Pagkalipas ng isang oras, si Lucio ang sunod na nagising at wala na si Beth sa tabi niya.Masama pa rin ang loob niya. Iniisip niya bakit wala siyang regalo at si Regar lang ang meron kaya heto, para siyang bata na nagtatampo.“Hubby,” napatingin siya sa pinto. Nakita niya doon si Beth.“Kain na…”Kahit masama ang loob niya, tumayo pa rin siya.Lumapit si Beth sa kaniya at kusang humaIik sa pisngi niya.“Good morning,” sabi nito.“Good morning…”Sabay silang lumabas ng kwarto.“Ah, bakit pala may hukay sa tapat ng bahay natin?”Natigilan si Lucio at ag
Hindi makalunok si Regar ng pagkain. Iniisip niya sa bawat subo niya ng kanin kung gaano kalalim ang hukay na mag-aabang sa kaniya sa bahay mamaya.Palipat-lipat naman ang tingin ni Beth kay Regar at Lucio. Pansin niya kasi na hindi nag-uusap ang dalawa.“Regar, kain ka pa.” Sabi ni Beth nang nakangiti.She’s very grateful that Regar always save her kapag nasa tabi tabi si Joliever.Kaya kahit man lang sa paglibre e makabawi siya.Kaya yung karne niya ay binigay niya kay Regar.Pero nagtataka siya bakit mas lalong namutla si Regar sa bawat karne na binibigay niya.“S-S-Salamat m-ma’am B-Beth.” At nautal pa ito.Tumikhim si Lucio at dali-daling nilagay sa bibig niya ang lahat ng karne na nasa bowl niya.Nang mapatingin si Beth sa kaniya, nakita nitong punong-puno ang bibig niya.“Gusto mo ba ang pagkain?”Tumango si Lucio kahit na nahihirapan na siyang nguyain ang lahat ng karne na nasa bibig niya.“Wait, kukuha pa ako isang serve para sayo.” Sabi ni Beth nang nakangiti.Tumayo si Beth