Hello po. Sana magustuhan niyo ang kwento na ito. Hehe
Umagang umaga pa lang, may panibago na namang balita ang kumalat tungkol sa pagkakawala ni Kate sa trabaho.“Huwag kayong dumikit sa kaniya baka magaya kayo kay Kate.” Rinig ni Lilibeth na sabi ng iilan.“Mukhang malakas siya sa boss. Baka mamaya e nilandi rin niya si sir Aidan para mapasunod sa gusto niya.”Kinabahan si Beth. Kahit kailan, hindi pa nangyayari sa buhay niya na may nawalan ng trabaho dahil sa kaniya.Agad siyang tumikhim at naglakas loob na lumapit sa isang staff para magtanong ng dahilan.“E-Excuse me,” agad na napatalon sa gulat ang babaeng staff.“M-Ma’am?”“May I know kung anong nangyari kay Kate? May alam ba kayong dahilan bakit siya nasisante?”“N-Narinig ko lang po ma’am na dahil daw sa inyo. Dahil nakasagutan niyo daw po siya kahapon.”Kumunot ang noo niya at agad na pumasok sa isipan niya si Lucio—ang asawa niya.‘Siya ba ang may gawa nito? Sinabi ba ni sir Aidan sa kaniya ang nangyari kahapon?’“S-Sige po ma’am,” takot na takot na sabi ng staff at nagmamadalin
They barely talked because Lucio dragged his wife away from his nephew.Napakuyom ng kamao si Joliever. “Uncle, sandali lang!”Tumigil ang dalawa sa paglalakad.“Huwag ka namang bastos. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Beth.”Bayolenteng nilingon ni Lucio si Joliever.“Anong sinabi mo?”“Nag-uusap pa kami ni Beth. Wala na ba siyang karapatan na kausapin ako? May hindi pa kami nari-resolbang problema.”“Karapatan?” sarkastikong tumawa si Lucio. “Anong karapatan ang sinasabi mo? Baka nakakalimutan mo that I am her husband!”“She was my girlfriend. She dumped me to jump to you. She left me suddenly kaya may karapatan ako para hingin ang rason bakit niya ako nagawang lokohin.”Bahagyang kinabahan si Beth nang bigla siyang bitawan ni Lucio para lumapit kay Joliever.“Indeed. She WAS your girlfriend so back off dahil hindi ko mapapalagpas ang kapalastanganan mo kahit pa pamangkin pa kita.”Napalunok si Joliever sa lamig at talim ng mga salitang binitawan ng uncle niya.Naglakad na paalis si L
Napanguso si Beth habang nakatingin sa kaniyang paligid.Maraming babae ang nakatingin sa table nila dahil sa asawa niya. First time din nilang kumain ng sabay ngayon.Lumalayo kasi siya lagi kay Lucio dahil ayaw niya sa pakiramdam na madikit siya dito.Yung puso niya ay biglang kakabog sa kaba, tapos naiintimida siya minsan.“S-Suotin mo ang coat mo.” S-Sabi ni Beth dahil kaya sila pinagtitinginan dahil sa katawan nitong bumabakat pa rin sa polo na basa ng ulan.“Are you jealous na pinagtitinginan nila ang asawa mo?” may mumunting ngiti sa labi ni Lucio habang sinasabi iyon.It’s his random banat for his Gen Z wife.Mariing kinagat ni Beth ang labi niya. “H-Hindi. Para lang hindi ka sipunin.”Tumango si Lucio nang pumalpak ang banat niya. Tumikhim siya para itago ang kahihiyan na ginawa.Matapos nilang kumain, humupa na rin ang malakas na ulan.Umuwi na sila at si Beth ay agad na humilig sa bintana ng sasakyan.Nagkunwari siyang tulog tulugan lalo na’t ramdam niya ang paninitig ni Luc
Kinarga ni Lucio si Beth para ibalik sa kwarto nito. Tahimik lang si Beth at hindi siya nagsasalita. Masiyado pa ring masakit para sa kaniya marinig ang lahat ng iyon galing sa ama niya. Nang makapasok sila ng kwarto, unang nakita ni Lucio ang malaking unan na hugis hotdog. Bumaba si Beth mula sa pagkakahawak niya at gumapang sa kama. Nakita niya kung paano yakapin ni Beth ang unan na yun, na para bang iyon ang comfort zone niya kapag siya ay malungkot. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng pagkainis sa unan. Para gusto niya tuloy kunin iyon ay ibalagbag then sunugin. ‘Kahit unan kinaiinisan ko na. Nababaliw na siguro ako.’ Sabi ni Lucio sa isipan niya. Umupo siya at tinitigan si Beth na hindi na umiiyak ng husto pero may mga mumunting luha pa rin sa mga mata. Si Beth naman, nakatitig siya kay Lucio. Hindi niya mabasa ang mga iniisip nito. Kanina, para siyang bata na hinihele ng isang mature na tao. Ngayon lang siya nakaramdam nito dahil ngayon pa lang rin naman siya
Nakahawak si Max sa pisngi niya habang hinihintay na matapos si Lucio sa kabaliwan nito.Hindi niya aakalain na may kaibigan siyang parang kinulang sa buwan. Napabuntong hininga na lang siya.Dalawangpung minuto pa lang siya sa opisina pero pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait.Lalo pa’t maya-maya ay naririnig niya ang mahihinang pagtawa ni Lucio.“Sir,”Sabay silang napatingin kay Regar.“Nandito po ang pamangkin ninyo. Gusto niya po kayong makausap.”Kumunot ang noo ni Lucio.“Papasukin-"/ “UNCLE!”Hindi na natuloy ni Lucio ang sasabihin niya dahil biglang pumasok si Joliever.Sumeryoso ang mukha niya nang makita niya ang pamangkin, malayo sa mukha nito kanina na ngumingiti sa pictures ni Beth.Yung mga taong nakakakilala kay Lucio ay binansagan siya bilang isang great tycoon na matinik pagdating sa negosyo.Ang awra nitong pinapakita ngayon kay Joliever, ay ang Lucio na hindi mabasta basta ninuman.Na oras magtagpo ang paningin niyo ay mangingisay ka na lang sa nginig at ta
Sa presinto, naroon si Sr. Floreza, Roviech Floreza ang eldest son, si Asha Floreza ang asawa ni Roviech at ina ni Joliever at si Loreen Floreza, ang second daughter.Lahat sila ay pamilya ni Lucio. Agad na kwinelyuhan ni Roviech si Lucio dahil sa ginawa nito sa kaniyang anak.“Hayup kang bastardo ka! Bakit mo yun ginawa sa anak ko?”Ngumisi si Lucio. Kahit kailan, wala siyang kaamor-amor sa pamilya niya. Bata pa lang siya, palagi na siyang outcast at laging binubully ni Roviech lalo’t anak siya ng ama niya sa isang pagkakasala.“Dapat lang yun sa anak mo! He dared to slander my wife in my face. Sa tingin mo papayag ako na gawin niya yun?”“Sinuntok mo ang anak ko dahil sa babaeng yun? Your wife is cheap para sirain mo ang mukha ng anak ko!”“Anong sabi mo?” Kwinelyuhan rin ni Lucio ang kapatid niya.“Tumigil na kayo!” Ang sabi ni Sr. Floreza.“No dad! Itong bastardong ito, gustong patayin ang anak ko.”“Do I have to repeat myself? Roviech! Lucio! Bitawan niyo ang isa’t-isa!”Hindi n
Nakauwi na sila sa bahay nila. Busy si Beth sa paggamot ng mga sugat ni Lucio sa kamay.‘I wonder kung gaano kasira ang mukha ni Joliever para magkaroon siya ng sugat gaya nito,’ napapatanong siya sa sarili niya dahil sa sugat na nakita niya sa kamao ni Lucio.Hindi na siya nakakaramdam ng takot o ano pa man sa asawa niya. In fact, bahagyang gumaan ang nararamdan niya dito unlike no’ng una.Na para bang nawala na yung malaking pader na nakapagitan sa kanila.“Huwag ka ng makipag-away dahil sa akin sa susunod.”Kumunot ang noo ni Lucio. Kanina pa tumatambol ang puso niya dahil inaalagaan siya ni Beth tapos biglang magsasalita si Beth ng ganoon.Nawala tuloy ang ngiti sa mukha niya.“Okay kung ititikom din nila ang bibig nila.”Nakagat na naman ni Beth ang labi niya. ‘Bakit pa niya kailangan makipag-away para sa akin? Hindi naman niya ako mahal. Naaawa lang naman siya sa'kin. Kailangan pa ba niyang dumaan sa lahat ng yun? Bakit niya ba ito ginagawa?’Kung ano-ano ng iniisip niya kaya yun
Nagluto si Beth para sa asawa niya. Iba’t-ibang putahe ang ginawa niya.Dahil nag-enjoy siya sa kaniyang ginagawa, nakalimutan niya yung kahihiyan na naramdaman niya kanina.Nang patapos na siya, lumapit na ang isang katulong sa kaniya para tulungan siya. “Ma’am, t-tulungan ko na po kayo.”“Ah sige po… Pwede bang kayo na lang ang magtatapos nito? Maliligo lang muna ako.”“Opo ma’am.”“Salamat po ate..” Pagkatapos niyang ihabilin sa katulong ang lahat, nagmamadali na siyang pumunta ng kwarto niya para makaligo.Habang nasa ilalim siya ng shower, bigla niyang naalala yung biglang paglapit ng mukha ni Lucio sa mukha niya kanina.Namula siya at na-conscious dahilan kung bakit bawat kasulok-sulukan ng katawan niya ay sinabunan niya ng mabuti.Hindi rin niya pinalampas ang bibig niya. Limang beses siyang nagtoothbrush at halos ubusin na niya ang isang bote ng mouth freshener niya.Nang matapos ay napatingin siya ng mukha niya sa salamin. “Anong ginagawa mo Beth?”Ilang beses siyang kumurap a
News spread, agad dumating sa tenga ni Beth ang nangyari kay Bernardo, at ang balitang pinatay ito ni Leah.Agad niya itong pinuntahan sa presinto, habang umiiyak at nag-aalala.“Leah!”Nakita niya si Leah, nakaposas at nakaupo sa isang upuan na gawa sa plastik.Nang makita siya ni Leah, agad tumulo ang luha nito na agad niyang pinunasan.“A-Anong nangyari?” tanong niya matapos niya itong yakapin.Tumingin si Leah sa likuran niya, particularly kay Lucio, bago siya nito tignan sa mga mata.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka na dapat nagpunta dito.”“Anong hindi na dapat? Ipapakulong ka nila.”“Dapat naman talaga nila akong ipakulong.” Sagot ni Leah sa kaniya na agad ikinalukot ng mukha niya.“Leah,”“Pinatay ko siya. Kaya dapat lang naman talaga ako ikulong.”Hinawakan niya ang kamay ni Leah. “Hindi ako naniniwala. Ilalabas kita dito.”Tumingin si Leah sa kaniya. “Bakit pa?” yung boses niya, galit pero yung mata ay umiiyak.Isa na siyang criminal, at hindi niya kayang makita siya ni Bet
Alam ni Bernardo na hangga’t nabubuhay siya, habambuhay dadalhin ng anak niyang si Leah ang sakit dahil sa ginawa niya kay Rejane.Hindi na niya kayang makasakit pa sa mga anak niya.Isa pa, handa na siya. Tinanggap na niya ang kapalaran niya. Gusto nalang niya ay hindi na umiyak si Beth at Leah dahil sa kaniya. Tumitindi na rin ang sakit sa loob niya. In any minute, alam niyang lilisanin na niya ang mundo. Malungkot lang siya dahil hindi niya nakuha ang kapatawaran ni Beth.At naiintindihan naman niya kung bakit hirap ito patawarin siya.He caused so much of pain to her. He crushed her soul, he abandoned her. At tama ito, hindi mabubura ng sorry niya ang lahat ng ginawa niya. Namamanhid na ang tuhod niya dahilan kung bakit natumba siya sa sahig."Tara sa hospital," Sabi ni Leah. "Maliligtas ka pa."Natigilan si Bernardo ng ilang sandali. Hindi niya aakalain na gusto pa siyang iligtas ng anak niya sa kabila ng lahat ng ginawa niyang kasalanan. Narealize niyang mababait si Beth at
Isang linggo na ang lumipas. Hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test.Maliban doon, hindi na rin nila nakita si Leah. Hindi rin daw ito pumasok sa trabaho.Hindi alam ni Beth kung nasaan ito dahil hindi rin nito sinasagot ang tawag niya.Kaya nag-aalala na siya.Dahil sa nangyari sa kaniyang pagkidnap, hindi na rin siya pumasok sa hotel.Iniisip niyang baka magresign nalang siya dahil hindi naman pwedeng palagi siyang absent.“Wife,”Napalingon siya sa likuran at nakita niya si Lucio. “Pasok ka na.”Nasa garden kasi siya at nagpapahangin.Tumayo siya at lumapit dito. “Hubby, nag-aalala ako kay Leah. Nasaan na kaya siya.”Nitong mga nakaraang araw, hindi mapakali ang kalooban niya at puro si Leah ang iniisip niya.“Huwag kang mag-alala, sigurado akong ayos lang siya.” Sabi ni Lucio ng sa ganoon, gumaan ang pakiramdam niya.Hindi alam ni Beth, ang Leah na hinahanap niya ay kaharap ngayon ni Bernardo.Nasa loob sila ng bahay ni Bernardo, specifically, nasa hapagkainan. May mga pagkain
Nagising si Beth na hawak hawak ni Lucio ang kamay niya.Nang tignan niya ang paligid, natanto niyang nasa loob na siya ng kwarto nila mag-asawa.Sinubukan niyang maupo dahilan para magising si Lucio sa tabi.“Wife,” nanlalaki ang mata nito at agad na tumayo para mayakap siya.“Nag-alala ako sayo.”Naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Bernardo kanina. Sumisikip na naman ang puso niya at gusto na naman niyang maiyak.“G-Galing ako kay Bernardo, hubby..”Natigilan si Lucio.“Sabi niya, anak daw niya ako.”Kumalas si Lucio ng yakap sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. “A-Anong sabi niya?”“Sabi niya ay anak daw niya ako. Na pinaniwala lang daw siya sa isang kasinungalingan na anak ako ni Manzo kaya siya naging malupit sa akin. N-Naguguluhan ako.”Agad naisip ni Lucio si Rejane at Manzo.‘Kung totoo ang sinasabi ni Bernardo, maaaring ito ang dahilan kung bakit niya nagawang patayin si Rejane.’ Ani Lucio sa isipan niya.Kumuyom ang kamao niya. Hindi niya mapigilan ang umuusbong n
Napansin ni Bernardo na gising na si Beth. Nakaupo na ito sa kama at masamang nakatingin sa kaniya.“Bakit mo ‘ko dinala dito?”Hindi niya pinansin ang galit sa mata nito. Tumayo siya para lapitan ito.“Are you hungry, anak? Daddy prepare your food. K-Kumain ka muna.” Aniya sabay lapit no’ng ginawa niyang sopas para kay Beth.Pero iwinaksi ni Beth ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang pagkain at mahulog sa sahig.Akala ni Beth e magagalit si Bernardo, pero hindi, nagmamadali ito na kumuha ng basahan para punasahan ang nahulog na sopas.“A-Ayaw mo ba dito? Gusto mo bang lutuan kita ng bago? M-May gusto ka bang kainin, anak?”“Bakit mo ba ito ginagawa?”Napatigil si Bernardo. Nanginig ang kamay ng ilang sandali.“S-Sa kusina lang ako, lulutuan kita ng bago.”Tumalikod siya at aalis na sana.“BAKIT MO BA ITO GINAGAWA?”Na statwa siya sa kinatatayuan niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bowl.“Masaya ka ba talaga na makitang nasasaktan ako? Ikakatuwa mo ba talaga na umiiyak ako
Hindi alam ni Leah kung tama ba ang narinig niya.“Hindi pa maaaring nasabi ni Rejane ito sayo. Ang mama mo, si Bernardo at mama ni Beth na si Atisha ay matalik na magkaibigan noon. Si Atisha ay ang long-time partner ko na inagaw sa akin ni Bernardo. Dahil galing si Atisha sa isang marangyang pamilya, pinilit siyang ipakasal kay Bernardo dahilan kung bakit nagkahiwalay kami.”“Teka. What kind of b*llshit is this? Ano bang sinasabi mo?”Gusto niyang malaman agad kung anong nagawa ng mama niya. Kung bakit buhay nito ang pinagbayad sa nagawa nito.Pero hindi nakinig si Manzo, nagpatuloy ito sa pagsasalita.“Ginahasa ni Bernardo si Atisha at si Beth ang naging bunga.” Hindi na niya sinabi ang tungkol sa kakambal nito para hindi na humaba ang usapan.“And your mother was in love with Bernardo.”Namilog ang mata ni Leah.“Nagsinungaling siya noon kay Bernardo at siniraan niya si Atisha. Sinabi niya na ang pinagbubuntis ni Atisha ay anak ko ng sa ganoon, mapilitan si Bernardo na hiwalayan si
Nagkakagulo na ang lahat sa biglaang pagkawala ni Beth. Nag-alala si Leah at umiiyak at sinisisi niya ang sarili niya.Iniisip niya na sana ay sinamahan niya na lang si Beth kanina baka ay hindi pa ito nawala.“Leah, kalma. Everything will be fine.” Sabi ni Monique na pinapakalma si Leah na kanina pa umiiyak.Nagtawag na rin sila ng mga pulis para mas mapadali ang paghahanap kay Beth.“Pero kasi ma’am Monique, dapat sinamahan ko siya kanina na lumabas. Bakit kasi hindi ako sumunod.”“Hindi mo kasalanan Leah. Saka kung matataranta tayong lahat, baka mas lalong mapahamak si Beth. Isa pa, ginagawa na nina sir Lucio lahat.”Tumingin sila kay Lucio na seryosong kausap ngayon ni Aidan.Mukha lang siyang kalmado pero yung kalooban niya ay nagwawala na at halos mamatay siya sa pag-aalala para sa asawa niya.“Lucio, hindi sinasagot ng assistant niya ang tawag.” Sabi ni Aidan na tinatawagan si Roween.Si Roween ang pinaka pinaghihinalaan ni Lucio na kumuha sa asawa niya.“Fvck!” Malutong na mura
Midnight, nagising si Lucio at naabutan niya si Beth na mahimbing na natutulog sa tabi niya.He smiled and kissed her lips then went down to her tummy for another peck.Lumabas siya ng kwarto just to get a glass of water, pero natigilan siya nang may marinig na iyak na mula sa sala.Nakita niya si Leah.Agad naman itong natigilan nang mapansin siya nito.“P-Pasensya na kayo sir. N-Namiss ko lang po si mama.”Lucio just nodded.Hindi pa niya sinabi ang katotohanan kay Leah dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng imbistigasyon niya kung anong kaugnayan ni Manzo kay Rejane.Gusto lang niyang masiguro na hindi madadawit ang asawa niya.He put Beth above else. Di bale kung sino ang masagasaan niya sa pagprotekta sa asawa niya.“It’s fine,” mahinang sabi niya. “And sorry. I didn’t mean to disturb your moment.”“A-Ayos lang po.” Nahihiyang sagot ni Leah lalo pa’t siya lang iyong nakikitira.Tumahimik ng ilang segundo bago nagsalita muli si Lucio.“Uhm.. Can I ask, hindi ba biological dad mo s
Napahawak si Nice sa pisngi niya. Masakit pero mas masakit ang damdamin niya dahil sa katotohanang nagawa siyang pagbuhatan ng kamay ng daddy niya na walang ibang ginawa kun’di mahalin lang siya noon.“D-Dad,” sabi niya habang umiiyak. ‘Bakit? Bakit mo ko nagagawang saktan ngayon?’“Wala kang utang na loob Nice!” Lasing na sabi ni Bernardo. “Binigay ko sa’yo lahat na dapat sana’y binigay ko sa anak ko!”Umupo si Bernardo sa sofa at napahilamos sa mukha niya gamit ang kamay.“Hindi ko alam bakit pinili kita kesa kay Beth. Hindi ko alam bakit ikaw ang pinili kong mahalin imbes ang anak ko.”“Bernardo! Tumahimik ka na!” Pakiusap ni Merna dahil siya ang nasasaktan para sa anak niya.“Bakit ako tatahimik? Dapat malaman ng anak mo na sobra ang pagsisisi ko na mas pinaboran ko siya noon kesa sa tunay kong anak!”“Hindi mo anak si Beth!” Merna“ANAK KO SI BETH! ANAK NAMIN SIYA NI ATISHA!”Tumingin si Bernardo kay Nice na puno ng sakit ang mukhang nakatingin sa kaniya.“At ang anak kong yun, hi