Sa isang chapel malapit sa mansyon binurol si mama. Walang masyadong tao dahil wala naman kaming ibang kamag anak. Si Tiya ay wala na sa tinitirhan nila lumipat na daw ito. Kaya kami kami na lang nila Lolo J ang nandito. Nakatulala lang ako sa harap at nakatingin sa malaking larawan ni mama sa gilid ng kanyang kabaong. ‘Mama..miss na miss kana namin..’ Nakita kong tumabi sa akin si Hubby may dala-dala itong pagkain at inumin. “Wife, kumain kana muna. Mag-dadalawang araw kanang hindi kumakain. Baka mag-kasakit ka naman niyan.” Mahinahon nitong sambit. Umiling naman ako. “Wala akong gana.” Iyon lang ang sinagot ko. Wala talaga akong gana kumain. Mag-dadalawang araw na rin akong walang tulog. Mas gusto ko lang na nandito sa harap ng kabaong ni mama at binabantayan siya. Sinusulit ko ang araw na makikita at makakasama pa namin siya. “Pero wife..Baka bumigay ang katawan mo at ikaw naman ang magkasakit. Hindi matutuwa si mama niyan.” Pagod ko siyang tinignan.
Kitang kita ko ang gulat sa kanilang lahat. Hindi inaasahan na nandito ako at nakikinig sa kanilang usapan. “W-wife..” Nauutal na tawag sa akin ni Giovanni. Ewan, pero nakaramdam ako ng galit sa kaalaman na mga mafia at mga organisasyon sa underground ang dahilan ng kamatayan ni mama. Pwedeng tama si Giselle. Sa dinami-rami ng pwedeng daanan ay bakit doon pa sa lugar kung nasaan si mama? Bakit ang aga-aga ng habulan? Hindi kaya isang palabas lamang iyon? Pero ang totoo nilang pakay ay patayin ang ina ko? Hindi imposible ‘yun. Iba ang galing ng mga ibang organisasyon na kalaban nila. Lahat gagawin para lang makaganti. “So, dahil sa organisasyon sa underground kaya namatay si mama? Dahil sa kapwa mo mafia, Giovanni?” Hindi matago ang pait sa aking salita. Nasasaktan ako sa kaalaman na dahil sa organisasyon at grupo ng mafia kaya namatay ang aking ina. Nang dahil sa labanan na meron sila sa underground! Pati ang walang kamalay-malay na tao ay nadadamay! Tuluyan na ng
NATASHA'S POV PAG-SAPIT ng gabi, hinanda kona ang gamit ko saka dahan-dahan lumabas ng guestroom. Sinigurado ko muna na tulog ang lahat at nasa kwarto na si Giovanni. Pasalamat na lang talaga ako dahil kapag ganitong mag-kaaway kami o may tampuhan ay hindi niya ako ginugulo at hinahayaan niya lang mag-palipas ako ng sama ng loob. Iniwan ko ang cellphone na binili niya sa akin. Pati ang simcard dahil siguradong ma-tatrack niya ako kung saan kami pupunta. Knowing na may magaling siyang kaibigan na hacker. Kanina bumili kami ng bagong smartphone at simcard ni Nicole. Kailangan bago lahat para masigurado na hindi kami masusundan. Pinaiwan ko rin sa kanyang kwarto ang phone at lahat ng gamit na binigay sa kanya ng mga Silvestre. Wala kaming dadalhin maski ano. At ang perang dala ko ay sarili kong pera. Ito ang sahod na natanggap ko kay Lolo J saka kay Giovanni noong nag-tatrabaho pa ako sa kanila. Inipon ko talaga ito sa pag-aaral sana ni Nicole. Pero malakin
Alanganin akong ngumiti, bago nagsalita. “Actually, Miss tinulungan lang niya ako. Na-snatch kasi ang bag ko at siya ang tumulong sa akin. Hindi ko rin alam ang pangalan niya.” Paliwanag ko. “Ganon po ba, uhmm. Wala po ba kayong gamit ni Sir dyan para icheck natin baka may Id's siya? Cellphone? bag? wallet? Mga ganon po?” Bigla ko namang naalala yung binigay sa akin nung isang nurse. Binigay niya sa akin ang wallet nung lalaki. Dali-dali ko naman kinuha sa bag ang wallet saka binuklat para tignan kung may ID's. Napangiti ako ng may makita saka hinugot. “Logan Felix Acosta.” Mahina kong basa sa pangalan nito. Bakit parang familiar? “Ay, ayan mam pwede ko po ba mahiram? Kailangan lang po para sa form ni Sir.” Tumango naman ako saka inabot sa kanya ang ID. Logan..Logan.. saan ko ba narinig ang pangalang iyon? ILANG MINUTO pa ang lumipas ng lumabas na ng ER ang doctor kaya sabay kaming tumayo ng kapatid ko para salubungin ito. “Doc, kamusta po siya?”
Halos lahat ng sinabi niya ay may tama din. Noong bago palang ako sa mansyon nila Lolo J. Kitang kita ko kung anong ugali noon ni Giovanni. Lagi itong galit, walang pinakikinggan, ano-anong masasakit na salita ang sinasabi. “At kung ang iniisip mo naman ngayon bakit ko kayo sinusundan dahil alam ko ang nang-yari sa mama mo.” Doon na ako nabalik sa wisyo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko “A-anong alam mo?” “Sadya ang pag-patay sa mama mo, Hindi iyon nagkataon lang.” Bigla akong nanghina sa aking narinig. Buti na lang napakapit ako sa sandalan ng sofa. Napansin ko rin ang dumaan na pag-aalala sa mukha ni Logan. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” “Yes, Natasha. Nagsasabi ako ng totoo. Ito ang dahilan kaya kita sinundan. Kailangan mong malaman ang totoo dahil magulang mo ang nawala.” “Paano ako maniniwala sa ‘yo? May Proeba ka ba? May ebedensya?” Nanginginig na boses na tanong ko. “Ako mismo, ako mismo ang nakakita ng mga nang-yari. Pinalabas ng
Natasha's letter to Giovanni.. GIOVANNI, By the time you're reading this, I'm not in the mansion anymore. Sorry, because I decided to leave. Gusto kong makalayo, Malayo sa magulong mundo mo. Ang hirap pala, sobrang hirap pala mahalin ang isang katulad mo. Akala ko makakaya ko at maiintindihan kita. Pero habang tumatagal, unti-unti na akong nahihirapan. Nadamay ang pamilya ko. Nawala si Mama sa amin dahil sa magulo mong mundo. Matatanggap ko pa kung ako ‘yung masaktan, madamay e. pero ibang usapan na kapag ang mahal kona sa buhay.. Masakit sa akin na dahil sa buhay na meron ka nawala ang pinakamamahal kong ina. Dahil sa mga organisasyon na iyan, nawala sa amin ang nag-iisa naming magulang. Siya na lang ang meron kami pero nawala agad. Iyong tahimik naming buhay naging magulo. I was scared for our safety so, I chose to stay away. I don't want to lose my sister. Siya na lang ang meron ako. I love you but my sister safety is more important to me. I hope you und
GIOVANNI'S POV SIX years have passed but I still don't know where is my wife. It's fvcking six years! Halos lahat na ng bansa napuntahan ng mga tauhan ko para mahanap lang ang aking asawa pero maski anino niya hindi nila nakita. Kahit dito sa pinas, may mga naka-asign akong tao para gulagudin ang bawat probinsya pero wala pa rin. Hindi pa rin ako sumusuko, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na muli ko siyang makikita. Is she really mad at me that much? because it took six years to hide from me, Or maybe she has completely forgotten me? My grip on the glass tightened. No, I can't allow here to just throw away what we shared and our love for each other. I will do everything I can to get her back to my life. Tinungga ko ang alak na nasa aking baso at muling humingi sa barternder. Fvck! araw-araw na lang ako nag-bababad sa Bar para uminom at para ikalma ang sarili ko. Kung hindi ko lulunurin sa alak ang aking sarili tapos uuwi sa unit ko. Hindi l
NATASHA'S POV “So, kamusta ang business mo sa manila?” Napa-angat ako ng tingin kay Logan ng magtanong ito. Nandito kami sa balcony ng kanyang bahay, Nag-papahangin habang nagkakape. Nakatutok ang paningin ko aking laptop dahil nirereview ko ang mga pastries na idadagdag para sa isang event. G.A Sweet cake and pastries shop ang isa sa aking munting negosyo. “Ok naman, The shop is now more recognizable. There are also big companies na umoorder sa shop at sa iba't ibang branches.” Nakangiti kong sabi. Nakakatuwa talaga dahil unti-unti ng nakikilala ang negosyo ko. “Hindi ka ba nahihirapan, Tasha? I mean you are here in Palawan but your business is in Manila. You know what it's time for you to come back. It's been 6 years and you are ready. Tama na siguro ang pagtatago mo at harapin na siya.” Sandali akong natigilan at nag-isip. Nahihirapan na nga ako sa pag-mamanage ng shops dahil sa online at tawag ko lang nakakausap ang managers. Siguro nga oras na