NATASHA'S POV PAG-SAPIT ng gabi, hinanda kona ang gamit ko saka dahan-dahan lumabas ng guestroom. Sinigurado ko muna na tulog ang lahat at nasa kwarto na si Giovanni. Pasalamat na lang talaga ako dahil kapag ganitong mag-kaaway kami o may tampuhan ay hindi niya ako ginugulo at hinahayaan niya lang mag-palipas ako ng sama ng loob. Iniwan ko ang cellphone na binili niya sa akin. Pati ang simcard dahil siguradong ma-tatrack niya ako kung saan kami pupunta. Knowing na may magaling siyang kaibigan na hacker. Kanina bumili kami ng bagong smartphone at simcard ni Nicole. Kailangan bago lahat para masigurado na hindi kami masusundan. Pinaiwan ko rin sa kanyang kwarto ang phone at lahat ng gamit na binigay sa kanya ng mga Silvestre. Wala kaming dadalhin maski ano. At ang perang dala ko ay sarili kong pera. Ito ang sahod na natanggap ko kay Lolo J saka kay Giovanni noong nag-tatrabaho pa ako sa kanila. Inipon ko talaga ito sa pag-aaral sana ni Nicole. Pero malakin
Alanganin akong ngumiti, bago nagsalita. “Actually, Miss tinulungan lang niya ako. Na-snatch kasi ang bag ko at siya ang tumulong sa akin. Hindi ko rin alam ang pangalan niya.” Paliwanag ko. “Ganon po ba, uhmm. Wala po ba kayong gamit ni Sir dyan para icheck natin baka may Id's siya? Cellphone? bag? wallet? Mga ganon po?” Bigla ko namang naalala yung binigay sa akin nung isang nurse. Binigay niya sa akin ang wallet nung lalaki. Dali-dali ko naman kinuha sa bag ang wallet saka binuklat para tignan kung may ID's. Napangiti ako ng may makita saka hinugot. “Logan Felix Acosta.” Mahina kong basa sa pangalan nito. Bakit parang familiar? “Ay, ayan mam pwede ko po ba mahiram? Kailangan lang po para sa form ni Sir.” Tumango naman ako saka inabot sa kanya ang ID. Logan..Logan.. saan ko ba narinig ang pangalang iyon? ILANG MINUTO pa ang lumipas ng lumabas na ng ER ang doctor kaya sabay kaming tumayo ng kapatid ko para salubungin ito. “Doc, kamusta po siya?”
Halos lahat ng sinabi niya ay may tama din. Noong bago palang ako sa mansyon nila Lolo J. Kitang kita ko kung anong ugali noon ni Giovanni. Lagi itong galit, walang pinakikinggan, ano-anong masasakit na salita ang sinasabi. “At kung ang iniisip mo naman ngayon bakit ko kayo sinusundan dahil alam ko ang nang-yari sa mama mo.” Doon na ako nabalik sa wisyo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko “A-anong alam mo?” “Sadya ang pag-patay sa mama mo, Hindi iyon nagkataon lang.” Bigla akong nanghina sa aking narinig. Buti na lang napakapit ako sa sandalan ng sofa. Napansin ko rin ang dumaan na pag-aalala sa mukha ni Logan. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” “Yes, Natasha. Nagsasabi ako ng totoo. Ito ang dahilan kaya kita sinundan. Kailangan mong malaman ang totoo dahil magulang mo ang nawala.” “Paano ako maniniwala sa ‘yo? May Proeba ka ba? May ebedensya?” Nanginginig na boses na tanong ko. “Ako mismo, ako mismo ang nakakita ng mga nang-yari. Pinalabas ng
Natasha's letter to Giovanni.. GIOVANNI, By the time you're reading this, I'm not in the mansion anymore. Sorry, because I decided to leave. Gusto kong makalayo, Malayo sa magulong mundo mo. Ang hirap pala, sobrang hirap pala mahalin ang isang katulad mo. Akala ko makakaya ko at maiintindihan kita. Pero habang tumatagal, unti-unti na akong nahihirapan. Nadamay ang pamilya ko. Nawala si Mama sa amin dahil sa magulo mong mundo. Matatanggap ko pa kung ako ‘yung masaktan, madamay e. pero ibang usapan na kapag ang mahal kona sa buhay.. Masakit sa akin na dahil sa buhay na meron ka nawala ang pinakamamahal kong ina. Dahil sa mga organisasyon na iyan, nawala sa amin ang nag-iisa naming magulang. Siya na lang ang meron kami pero nawala agad. Iyong tahimik naming buhay naging magulo. I was scared for our safety so, I chose to stay away. I don't want to lose my sister. Siya na lang ang meron ako. I love you but my sister safety is more important to me. I hope you und
GIOVANNI'S POV SIX years have passed but I still don't know where is my wife. It's fvcking six years! Halos lahat na ng bansa napuntahan ng mga tauhan ko para mahanap lang ang aking asawa pero maski anino niya hindi nila nakita. Kahit dito sa pinas, may mga naka-asign akong tao para gulagudin ang bawat probinsya pero wala pa rin. Hindi pa rin ako sumusuko, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na muli ko siyang makikita. Is she really mad at me that much? because it took six years to hide from me, Or maybe she has completely forgotten me? My grip on the glass tightened. No, I can't allow here to just throw away what we shared and our love for each other. I will do everything I can to get her back to my life. Tinungga ko ang alak na nasa aking baso at muling humingi sa barternder. Fvck! araw-araw na lang ako nag-bababad sa Bar para uminom at para ikalma ang sarili ko. Kung hindi ko lulunurin sa alak ang aking sarili tapos uuwi sa unit ko. Hindi l
NATASHA'S POV “So, kamusta ang business mo sa manila?” Napa-angat ako ng tingin kay Logan ng magtanong ito. Nandito kami sa balcony ng kanyang bahay, Nag-papahangin habang nagkakape. Nakatutok ang paningin ko aking laptop dahil nirereview ko ang mga pastries na idadagdag para sa isang event. G.A Sweet cake and pastries shop ang isa sa aking munting negosyo. “Ok naman, The shop is now more recognizable. There are also big companies na umoorder sa shop at sa iba't ibang branches.” Nakangiti kong sabi. Nakakatuwa talaga dahil unti-unti ng nakikilala ang negosyo ko. “Hindi ka ba nahihirapan, Tasha? I mean you are here in Palawan but your business is in Manila. You know what it's time for you to come back. It's been 6 years and you are ready. Tama na siguro ang pagtatago mo at harapin na siya.” Sandali akong natigilan at nag-isip. Nahihirapan na nga ako sa pag-mamanage ng shops dahil sa online at tawag ko lang nakakausap ang managers. Siguro nga oras na
NATASHA'S POV “Are you ready baby?” Malambing kong tanong sa aking anak na si Ares. We are here outside the house waiting for the chopper to arrive and land at the helipad not far from the house. Today is the day of my return to Manila. I also explain to my son about our move to manila. Sinabi ko na lang sa kanya at ginawang dahilan ang negosyo ko doon at ng kanyang dada para hindi ito magtanong ng magtanong. Ok lang naman sa kanya at naiintindihan daw niya. Excited na din siya dahil ngayon na lang ulit ito makakaalis sa isla. Napaka dalang kasi kung isama namin ang anak ko kapag napunta kami ng bayan. Sobrang nag-iingat ako pagdating sa kanya. Nagpadagdag pa ng excitement nito ang pagsabi kong uuwi na sa isang araw ang kanyang Tita Nicole. “Yes, mom. Where is dada?” Tanong nito sabay tingin sa paligid. “Nasa loob pa may kausap sa telepono.” Tumango naman ito. “I see. Where will we live when we are in manila, mom? What place?” Hinaplos ko ang
GIOVANNI'S POV PAGKALABAS ko ng opisina sinabihan ko agad si Eve na i-cancel ang last meeting ko mamaya. Saka siya madaling iniwan na gulat at nagtataka. Fvck! Kinakabahan ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nangangatal kong pinindot ang button pa ground floor ng makapasok sa elevator. I hope the man I ordered brings goodnews. Hindi na ako makapag hintay na muling masilayan ang asawa ko. “Damn this traffic!” Napalo ko ang manibela sa inis. Naipit ako sa traffic na ‘to kung kailan ako nagmamadali. Isang oras bago ako nakaalis sa lintek na traffic na ‘yon! May inaayos pala na kalsada. Bakit ganitong oras nila ginagawa ‘yon kung kailan marami pang sasakyan? Nakaka-abala sila masyado! Pinaharurot ko ang sasakyan wala na akong pakealam kung may violation akong magawa kailangan ko ng makarating sa N.M building. Ang bagong hideout ng Black Organization. Sa pagmamadali ko hindi kona napark ng maayos ang kotse at mabilis lumabas ng sasakyan. Binati ako
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas