“Aba't tumapang kana ngayon? Saka, lakas ng loob mo humawak ng baril, kaya mo ba gamitin ‘yan?” Mayabang na sambit niya habang nangungutyang nakatingin sa akin. “Gusto mo subukan ko sa ‘yo para malaman mo kung marunong ba ako o hindi?” Pabalang ko namang sagot na siyang kinainis niya. “Bitch! I hate you so much!” “Same.” Tamad kong sagot. “Mayabang ka talaga ha? Wala kang kasama. Wala ang asawa mo dito. Sa tingin mo maliligtas ka nila? At sa tingin mo ba matatalo mo ako? Hindi mo ako kilala, Natasha.” Tss, ano naman kung wala si hubby? E, sa pagkakatayo pa lang niya kayang kaya ko na siyang matalo. “Wag kang pakampante masyado Ellaine. Hindi ka ba nagtataka bakit ako nandito sa ganitong klaseng lugar? Bakit ako kasama ng asawa ko?” Nangunot ang kanyang noo. “Tss! That bastard! Kanina ko lang nalaman na siya pala si King ng underground! Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kanya. Kaya pala tinamaan ako dahil iisa lang sila! Anyway, hindi kaba rin nagta
NAGISING ako na sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko magalaw ng maayos ang kabilang hita ko at kamay. Sandali, anong oras na ba? Nangunot ang noo ko ng mapansin ang ceiling, Hindi ito ang kwarto namin ni Hubby, Hindi rin ito ang guestroom at mas lalong hindi sa hospital. So, nasaan ako? Napangiwi ako ng pinilit kong maka-upo. Nag-tagumpay naman ako kahit ang hirap. Doon ko napag-masdan ang kabuuan ng kwarto. Malaki ito saka kumpleto sa gamit. Halatang panlalaki rin ang may ari dahil sa kulay itim at gray na kulay. Bumukas ang pinto at pumasok si Hubby na may dala-dalang tray. “You're awake, how are you feeling?” Malambing niyang tanong habang papalapit sa akin. “My body aches, hindi ko magalaw ng maayos ang isa kong hita at kamay. Feeling ko nabugbog sila ng husto.” Namamaos na sagot ko. Nilapag niya ang dalang tray sa bedside table tapos na-upo sa gilid ng kama. “Which one can't you move?” Mahinahon niyang tanong. Tinuro ko ang aking kanang k
SPG|R-18 Simula ng gabing iyon ay hindi na naulit ang nang-yari sa amin. At alam kong hinahanap-hanap iyon ngayon ng asawa ko. Hindi ko ito masisisi dahil isa lamang siyang lalaki at nangangailangan din. At ako bilang asawa dapat ibigay ko ang pangangailangan nito. His eyes darkened, mas lalo niyang diniin ang sarili sa akin. Napalunok ako, hindi ko alam kung anong sasabihin. Noong may nang-yari sa amin ay lasing ako kaya malakas ang loob kong ano ano ang sabihin. But now? Ewan. “Wife..” Nahihirapang sambit nito, tapos ay binaon ang mukha niya sa aking leeg. Napasinghap ako at napaawang ang mga labi. Kakaibang kilabot at kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Lalo pa ng maramdaman ko ang mumunting halik niya sa aking leeg. “W-wife, don't be mad but I want you now.” Mahina nitong sambit sa aking leeg. Napatikom ako ng bibig, kalaunan ay dahan-dahang tumango. “Kung ano ang gusto mong gawin, Do it. .I'm all yours.” Marahan kong sagot, hindi ko alam ku
NATASHA'S POV SABI nga nila kapag sobrang saya ka may kaakibat na lungkot ang susunod. Akala ko kasabihan lang iyon pero ngayon ko masasabing totoo pala. Luhaan ang aking mga mata habang nasa biyahe kami pabalik ng manila. Nalaman kong napasama si mama sa isang ambush papunta sa restaurant. Ito na kasi ang nag-aasikaso ng restaurant simula noong nakaraang linggo. “Hush, wife.. everything will be ok.” Pang-aalo sa akin ni Hubby. Gustuhin ko mang kumalma pero hindi ko magawa dahil natatakot ako. Sana ayos lang si mama at hindi malala ang kanyang kalagayan. Hindi ko alam ang gagawin kapag pati si mama ay mawala sa akin. Hindi ko kaya, baka ikamatay ko. Hindi pa man napaparada ng maayos ni Hubby ang sasakyan ay bumaba na ako, muntikan pa nga akong matumba dahil sa panlalambot ng mga paa. Narinig ko pa ang mahinang mura ng asawa ko at ang malakas na pagsarado ng pinto ng kotse pero hindi kona iyon nilingon. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng hospital at tinanong
Sa isang chapel malapit sa mansyon binurol si mama. Walang masyadong tao dahil wala naman kaming ibang kamag anak. Si Tiya ay wala na sa tinitirhan nila lumipat na daw ito. Kaya kami kami na lang nila Lolo J ang nandito. Nakatulala lang ako sa harap at nakatingin sa malaking larawan ni mama sa gilid ng kanyang kabaong. ‘Mama..miss na miss kana namin..’ Nakita kong tumabi sa akin si Hubby may dala-dala itong pagkain at inumin. “Wife, kumain kana muna. Mag-dadalawang araw kanang hindi kumakain. Baka mag-kasakit ka naman niyan.” Mahinahon nitong sambit. Umiling naman ako. “Wala akong gana.” Iyon lang ang sinagot ko. Wala talaga akong gana kumain. Mag-dadalawang araw na rin akong walang tulog. Mas gusto ko lang na nandito sa harap ng kabaong ni mama at binabantayan siya. Sinusulit ko ang araw na makikita at makakasama pa namin siya. “Pero wife..Baka bumigay ang katawan mo at ikaw naman ang magkasakit. Hindi matutuwa si mama niyan.” Pagod ko siyang tinignan.
Kitang kita ko ang gulat sa kanilang lahat. Hindi inaasahan na nandito ako at nakikinig sa kanilang usapan. “W-wife..” Nauutal na tawag sa akin ni Giovanni. Ewan, pero nakaramdam ako ng galit sa kaalaman na mga mafia at mga organisasyon sa underground ang dahilan ng kamatayan ni mama. Pwedeng tama si Giselle. Sa dinami-rami ng pwedeng daanan ay bakit doon pa sa lugar kung nasaan si mama? Bakit ang aga-aga ng habulan? Hindi kaya isang palabas lamang iyon? Pero ang totoo nilang pakay ay patayin ang ina ko? Hindi imposible ‘yun. Iba ang galing ng mga ibang organisasyon na kalaban nila. Lahat gagawin para lang makaganti. “So, dahil sa organisasyon sa underground kaya namatay si mama? Dahil sa kapwa mo mafia, Giovanni?” Hindi matago ang pait sa aking salita. Nasasaktan ako sa kaalaman na dahil sa organisasyon at grupo ng mafia kaya namatay ang aking ina. Nang dahil sa labanan na meron sila sa underground! Pati ang walang kamalay-malay na tao ay nadadamay! Tuluyan na ng
NATASHA'S POV PAG-SAPIT ng gabi, hinanda kona ang gamit ko saka dahan-dahan lumabas ng guestroom. Sinigurado ko muna na tulog ang lahat at nasa kwarto na si Giovanni. Pasalamat na lang talaga ako dahil kapag ganitong mag-kaaway kami o may tampuhan ay hindi niya ako ginugulo at hinahayaan niya lang mag-palipas ako ng sama ng loob. Iniwan ko ang cellphone na binili niya sa akin. Pati ang simcard dahil siguradong ma-tatrack niya ako kung saan kami pupunta. Knowing na may magaling siyang kaibigan na hacker. Kanina bumili kami ng bagong smartphone at simcard ni Nicole. Kailangan bago lahat para masigurado na hindi kami masusundan. Pinaiwan ko rin sa kanyang kwarto ang phone at lahat ng gamit na binigay sa kanya ng mga Silvestre. Wala kaming dadalhin maski ano. At ang perang dala ko ay sarili kong pera. Ito ang sahod na natanggap ko kay Lolo J saka kay Giovanni noong nag-tatrabaho pa ako sa kanila. Inipon ko talaga ito sa pag-aaral sana ni Nicole. Pero malakin
Alanganin akong ngumiti, bago nagsalita. “Actually, Miss tinulungan lang niya ako. Na-snatch kasi ang bag ko at siya ang tumulong sa akin. Hindi ko rin alam ang pangalan niya.” Paliwanag ko. “Ganon po ba, uhmm. Wala po ba kayong gamit ni Sir dyan para icheck natin baka may Id's siya? Cellphone? bag? wallet? Mga ganon po?” Bigla ko namang naalala yung binigay sa akin nung isang nurse. Binigay niya sa akin ang wallet nung lalaki. Dali-dali ko naman kinuha sa bag ang wallet saka binuklat para tignan kung may ID's. Napangiti ako ng may makita saka hinugot. “Logan Felix Acosta.” Mahina kong basa sa pangalan nito. Bakit parang familiar? “Ay, ayan mam pwede ko po ba mahiram? Kailangan lang po para sa form ni Sir.” Tumango naman ako saka inabot sa kanya ang ID. Logan..Logan.. saan ko ba narinig ang pangalang iyon? ILANG MINUTO pa ang lumipas ng lumabas na ng ER ang doctor kaya sabay kaming tumayo ng kapatid ko para salubungin ito. “Doc, kamusta po siya?”
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas