“Mga tanga! Kapag ginawa niyo ‘yan, wala na tayong makukuhang pera, patay pa tayo sa matandang ‘yon! Magpaputok na lang kayo ng magpaputok!” Muli akong nakarinig ng sunod sunod na putok. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pag iyak at sa busal sa aking bibig. Napapikit ako ng mariin ng gumewang gewang ang sinasakyan naming van. “Tangina! baba! bumaba na tayo! Tinamaan ang dalawang gulong natin, Jun tawagan mo si bogs sabihin mo kailangan natin ng back up!” “Sige!” “Bababa talaga tayo? Marami sila! Hindi natin sila kaya. Hintayin na lang natin ang back up. Hindi tayo sasaktan ng mga ‘yan, Hawak natin ang babaeng ‘to.” “Bobo! duwag mo talagang gago ka! Hala, kunin niyo ang babaeng ‘yan! Bababa tayo. Lalaban tayo ng sabayan kapag nag paputok sila at gagawin nating harang ang babae!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. No! “Tss! Anong ginagawa mo dyan? Halika nga dito!" Hinawakan ako ng lalaking sumampal sa akin kanina at hinila. Hindi ako sumu
NATASHA “Fvck!” Rinig kong mura ni Giovanni, Napapahawak na ako sa upuan dahil sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan. “Humawak kang maigi, wife!” Sinunod ko naman ang kanyang sinabi. Halos tumalsik ako palabas sa kinalalagyan ko dahil sa lakas ng impact ng pagliko ng sasakyan. “Shit! shit! Nasaan na ba sila Sean at Kiel?!” Rinig kong sigaw niya. “Damn it! I have no other choice..” Tumigil ang sasakyan kaya napa-angat ako ng tingin. Sumalubong sa akin ang nakakatakot na awra ng asawa ko. “Stay here, no matter what happens, wag na wag kang lalabas. Understand? Wait for me to come back.” Nanlaki naman ang mga mata ko. “Lalabas ka? Delikado! Baka ano ang mangyari sa ‘yo!” Kinakabahan ko sambit. “I told you walang ibang mangyayari sa akin. Trust me okay?” “Ok, please be careful.” Kahit sobrang nag aalinlangan ay sinunod ko siya. “I will.” Kinuha niya ang baril sa dashboard saka lumabas ng kotse. Napapikit na lang ako ng mariin. Ple
NAKALIPAT na sa isang presidential suite si Giovanni. Naayos na namin ang lahat, pero hanggang ngayon ay tulog pa rin ito. Umalis na rin pala si Sean at Kiel, May mga gagawin pa daw sila at bukas na ulit babalik. Sila na rin daw ang bahala mag sabi kay Lolo J ng mga nang-yari. Binilin ko sa kanilang dalawa na kay Lolo J lang muna ipa-alam ang lahat. Ayoko mag alalala sila mama at Nicole. Sasabihin ko na lang kapag nakauwi na kami para mapaliwanag ko ng maayos. Maingat na binuhat ko ang upuan at nilapit sa gilid ng kama ni Giovanni tapos naupo roon. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok saka nagsalita. “Ang haba naman ng tulog mo, Hubby. Gising ka muna, para makakain ka. Sabi pa naman nila Kiel wala kapa raw kain noong pinuntahan niyo ako. Tsk, pasaway ka talaga, sabi ko sa‘yo ‘wag ka magpapalipas ng kain ‘e. Sa susunod ipaghahanda na kita ng lunch at dadalhin ko sa opisina mo para siguradong makakain ka sa tamang oras.” “Gising kana..Ipaghahanda kita ng makak
Sa tinagal ko sa mansyon wala akong nababalita kela Lolo J na may babae o naging girlfriend ang asawa ko. Mailap nga daw ito sa babae at puro trabaho ang inaatupag. Kaya ano ang sinasabi ng babaeng ‘to? Gumagawa ng kwento? Napaka- desperada naman ata? Nang maka-recover ay napakurap kurap ang babaeng kaharap ko. Hanggang sa magbago ang expression ng mukha nito. “Really, huh? your the wife?” Ay, palaban talaga. Syempre hindi ako magpapatalo. “Yes, I'm the wife. May problema ba don?” Matapang kong tanong. “Then I'm the girlfriend.” Proud niyang sabi. Natawa naman ako ng sarkastiko. Iba rin talaga ang kapal ng mukha ng babaeng ‘to. Kahit naman marami ang humahanga sa asawa ko, Alam ko naman na hindi papatol agad agad ito sa babae. Para nga siyang alergic sa babae. Tandang tanda ko pa ang una naming pag-kikita. Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ng babaeng ‘to. “Oh, c'mon, stop it Miss. I don't believe you. Kilala ko ang asawa ko. So, who are you, real
NATASHA'S Naalimpungatan ako ng maramdaman may humahaplos sa aking ulo. Bigla akong napa-ayos ng upo. Tapos binalingan si Giovanni na ngayon ay matamis ng nakangiti sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, gising na siya! Medyo napasandal ako sa kinauupuan at bahagyang lumayo dahil baka may panis na laway ako o bad breath. Naka-idlip pala ulit ako! Sa sobrang sama ng loob ko kanina, yumuko na lang ulit ako sa kama niya tapos hindi ko namalayan hinatak na ako ng antok. “You're finally awake.” Wala sa sariling sabi ko. “Yeah, actually kanina pa.” Mahina niyang anas, Kapansin-pansin ang pamamaos ng kanyang boses. “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo? Gusto mo tawagin ko ang doctor?” Sunod sunod na tanong ko. “No need, Ok naman ang pakiramdam ko. Ilang oras pala akong tulog?” “Mula kahapon tulog ka.” Sumilip ako sa wall clock sa gilid. Biglang nanlaki ang mata ko 12 o'clock na?! “Hala! Lunch na pala! Ibig sabihin nasa 19 hrs kang nakatulog! Nagu
GIOVANNI'S POV HINDI maalis alis ang ngiti sa aking labi habang nakamasid sa aking asawa. Damn! I look like a fool if anyone sees me but I can't help it, I'm so fvcking happy because she love me too. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kakaibang kabog ng aking puso. Ngayon ko lang talaga naramdaman ito. Kahapon hindi ko inaasahan na manghihina ako ng ganon ganon, sabagay marami kasing dugo ang nawala sa akin kaya ng balikan ko si Natasha sa kotse nanghihina at namumutla na ako. Kinakaya ko at pilit pinapakitang ok lang ako kaso tinatraydor ako ng aking katawan. Nang alalayan ako ni Natasha na umupo sa passenger seat wala akong nagawa. Hanggang nag desisyon siyang siya na ang mag mamaneho ng kotse. Aangal sana ako kasi pinanlakihan niya ako ng mata at kitang kita sa kanyang mga mata na desidido ito. I was surprised that she knew how to drive a car. While we were on the way in the hospital. I was very tired and I knew that at any moment. I would lose consciou
Shit! Nasamid ako at sunod-sunod ang pag ubo. What the fvck?! Nagkita nga sila! “Tss, ok ka lang? parang gulat na gulat ka ata sa sinabi ko? Totoo ba na girlfriend mo ang babaeng ‘yon, Giovanni?” Seryoso at nakakatakot niyang tanong. Habang hinahagod ang likod ko. Nang umayos ang pakiramdam ko ay sinalubong ko ang tingin niya saka nagsalita. “What? I do not have a girlfriend. Anong pangalan ng babaeng pumunta dito?” Umalis naman siya sa aking tabi saka humalukipkip sa aking harap at masama akong tinignan. “Ellaine Gabuan, It's rings the bell?” Masungit niyang sagot. Shit! Bakit feeling ko kailangan kong magpaliwanag sa kanya? “Ellaine is just an investor of our company in Malays**, wife. She helped me. She is not my girlfriend.” Masuyong paliwanag ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Uh-huh? talaga? And you agreed to let her call you, Gio? Are you two close that much para pumayag kang tawagin ka niya sa binigay niyang nickname for you? Parang
NATASHA's pov Masaya kong nilalagay sa paper bag ang lunch namin ni Giovanni. Nag prepare na talaga ako para sure na makakain kami ng lunch sa tamang oras. Sabi niya kasi sa akin ay isasama niya ako ngayon sa kompanya. Hindi ko nga alam ano ang nakain ng lalaking ‘yon at mula kagabi nilalambing akong sumama sa kanya. Sa totoo lang balak ko sana umalis ngayong araw para icheck ang restaurant na ibibigay nila kay mama. Para malaman kona sana ang mga dapat gawin kaso anong magagawa ko? Naglambing ang isang Giovanni Silvestre at kapag naglambing siya ang hirap tumanggi. Kaya pinag bigyan kona. Isa pa naisip ko na baka pumunta ang Ellaine na ‘yon sa kompanya. Base sa mga sinabi sa akin ng asawa ko walang katotohanan ang ilan sa sinabi ng babaeng yun sa akin. Parang gumawa lang ng kwento ang babaeng ‘yun para inisin at pagselosin ako. “Are you done, wife?” Napalingon ako sa aking asawa na kakapasok lang ng kusina. Ngumiti naman ako saka tumango. “Yeah, okay
GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas