Pagkatapos, bago siya labasan, Siya, na labis na nalilibugan sa pagtingin sa kanya na nagmamasturbate, ay humarap nang ang kanyang puwit ay nakaharap sa kanya, lumuhod sa lahat ng apat, at pagkatapos ay ginamit ang isang kamay upang alisin ang kanyang thong, na nagpapakita sa kanya ng manipis na piraso ng makinis na lace na lumabas sa pagitan ng kanyang mga pisngi, pababa, upang ipakita ang kanyang basang puki at masikip na puwit sa kanya. Inabot niya at pinisil ito, at siya ay nayanig sa pakiramdam ng kanyang kamay sa kanya. Kinuha niya ang isang kamay, at dahan-dahan itong pinindot, una isang daliri, pagkatapos dalawa, pagkatapos tatlo, isang napakabigat at bahagyang masakit na akma, sa kanyang naghihintay na puki. kinontrata niya ang kanyang mga kalamnan ng ilang beses, pinaparamdam sa kanya ang kanyang pagkakahawak sa kanyang kamay, pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kagusto siya, at nararamdaman niyang unti-unti siyang pinapasok nito nang matatag ngunit mabagal, gusto lang
Kinabukasan…Ang sinag ng araw ang unti-unting gumising kay Capt. Jal. Dumilat siya, at ang unang bagay na bumungad sa kanya ay ang hubad at mahimbing na natutulog na si Cherry sa tabi niya.Parang biglang bumalik sa kanya ang lahat. Ang halik, ang yakap, ang bawat haplos na naganap kagabi.Napatakip siya ng kamay sa kanyang bibig, hindi alam kung paano haharapin ang katotohanan."Ano'ng nagawa ko?" bulong niya sa sarili.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig.Papaano na lang pag magising si Cherry sinamantala ko kalasingan niya at paparatangan niya ako na sinamantala ko siya.At ang mas masakit—hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila pagkatapos nito .Alam niya matigas ang puso ni Cherry pagdating sa kanya .Dahan dahan siyang umalis sa pagkakahiga at nagbihis at umalis na parang walang nangyari.Mataas na ang araw nang magising si Cherry. Ramdam niya ang bigat ng kanyang ulo, para bang pinukpok ito ng isang toneladang bato. Napakapit siya sa kanyang noo, sinubukang alalaha
Samantala, sa kapitan’s cabin…Nakaupo si Capt. Jal sa kanyang mesa, nakatitig sa isang tasa ng kape na hindi niya halos nagalaw.Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, ang hindi mapakali. Paulit-ulit niyang ginugunita ang nangyari kagabi—ang lambot ng labi ni Cherry, ang init ng yakap niya, ang pagmamakaawa nitong huwag siyang iwan."Huwag mo muna akong iwan, ayokong mag-isa…"Napapikit si Jal at marahang hinilot ang sentido niya."Ano bang nagawa ko?"Hindi niya sinadya. Hindi niya ginusto. Pero sa bugso ng damdamin, sa sakit na nakikita niya kay Cherry, hindi niya napigilan ang sarili niya.Alam niyang hindi siya dapat nagpadala. Alam niyang wala siyang karapatan."Dahil gusto mo siya," mahinang bulong ni Capt. Jal sa sarili.Parang kidlat na tumama sa kanya ang reyalidad. Totoo. Hindi niya pagsisisihan ang nangyari dahil matagal na niyang gustong mahalin si Cherry.Pero paano? Paano niya haharapin ang umagang ito na parang walang nangyari? Paano kung maalala ni Cherry ang lahat?Tuma
Habang naglalakad papunta sa kanilang shift, hindi mapakali si Cherry. Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi pa rin siya makaget-over sa panaginip niya kagabi.Biglang tinapik siya ni Marites."Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ‘yan? Kalimutan mo na kasi, Cherry. Panaginip lang ‘yun, okay? Halika na, magtrabaho na tayo," sabi ni Marites, sabay hila sa kanya.Tumingin siya rito at bumuntong-hininga. "Tama ka, Marites. Panaginip lang ‘yun… Isang magandang panaginip.""Hoy, Cherry!" pinandilatan siya ni Marites. "Bakit parang ayaw mo pang kalimutan? Baka naman gusto mo talagang mangyari ‘yun sa totoong buhay?"Biglang napatigil si Cherry sa paglalakad. "Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi ah!""Eh bakit parang ang saya mo nang maalala mo ‘yung panaginip mo? Aba, girl, may gusto ka kay Captain Jal, ano?" Tumawa si Marites at sinabayan pa ng pabirong siko sa tagiliran ni Cherry."Marites, tigilan mo nga ako!" inis na sabi niya, pero namula siya. "Hindi ako ang may problema, ik
Pilit kinalimutan ni Cherry ang panaginip na tila bumabagabag sa kanya. Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang trabaho—ang pagbati sa mga pasahero, pag-aasikaso ng mga VIP, at ang walang katapusang pag-aayos ng itinerary ng cruise. Alam niyang wala siyang mapapala kung patuloy niyang iisipin ang isang bagay na hindi naman totoong nangyari… o hindi niya maalalang nangyari.Pero kahit anong gawin niya, bakit parang may bumabagabag sa kanya?Bakit tila may puwang sa kanyang alaala? Parang may isang bahagi ng kanyang gabi na hindi niya matandaan, at sa tuwing susubukan niyang alalahanin, ang natatandaan lang niya ay ang malalim na titig ni Captain Jal.Samantala, pilit namang iniiwasan ni Captain Jal si Cherry.Alam niyang hindi niya kayang harapin ito nang hindi siya nabubuko. Hindi siya sigurado kung naaalala ni Cherry ang nangyari, pero hindi siya pwedeng magkamali ng galaw. Sa bawat daanan niya, sinisigurado niyang hindi sila magkasalubong. Sa bawat tawanan sa crew lounge, siguradong
Muntik nang mapalundag si Cherry sa kaba. "A-ay! W-wala, Captain! Pinag-uusapan lang namin ang… ahh…" Napatingin siya kay Marites, pilit naghahanap ng excuse."Pinag-uusapan lang namin kung paano ka mas madaliing mapapaamin kay Cherry, Captain!" diretsong sagot ni Marites."M-MARITES!!" halos lumipad ang kaluluwa ni Cherry sa sobrang pagkabigla.Biglang tumikhim si Captain Jal, halatang nagulat din sa sinabi ni Marites. "Ano?" tanong niya, taas ang isang kilay."Ay, wala po, Captain! Hehe, biro lang! Nag-uusap lang kami tungkol sa... sa pagkain! Kung ano ang masarap kainin mamaya!" palusot ni Cherry sabay suntok sa tagiliran ni Marites bilang babala."Ay oo nga, Captain!" sabat ni Marites na halatang nagpipigil ng tawa. "Sabi kasi ni Cherry, masarap daw ‘yung HOT and SPICY! Gusto mo rin ba ng HOT and SPICY, Captain?"Napakunot ang noo ni Jal. "Hot and spicy?""Oo, Captain! Kasing HOT ng isang tao na… ehem… laging nakatingin kay Cherry!""MARITES!!" sigaw ni Cherry habang halos gulpihi
Bumabalik na ang sigla ni Cherry at lagi itong inaaya ni Marites na magliwaliw pagkatapos ng duty nila sa cruise ship. Pumupunta sila sa recreation area sa loob ng cruise ship."Cherry, halika na! Magliwaliw tayo pagkatapos ng duty! Libre kita ng milk tea!" sigaw ni Marites habang naglalakad sila sa hallway ng cruise ship."Hala! Ang bait mo ngayon, ha! Anong pakulo mo, Marites?" nagtataray pero nakangiti si Cherry."Wala! Gusto ko lang maging mabuting kaibigan! Alam mo namang goal ko sa buhay ay ang mapasaya ka! Kapag hindi ka masaya, parang may kulang sa mundo!" dramang sagot ni Marites sabay kunot-noo."Naks naman! Ang lalim! Ikaw na talaga ang best friend of the year!" natatawang sabi ni Cherry habang tinutukso ang kaibigan."Syempre! Pero seryoso, Cherry, mas gusto kong nakikita kang masaya. Alam kong ang sakit ng pinagdaanan mo. Kaya bilang kaibigan mo, ako na ang kukulit sa ‘yo hanggang sa sumuko ka na sa kakatawa!"Napangiti si Cherry. Matagal-tagal na rin mula noong huling be
Biglang natameme si Cherry. Natigilan siya sa pag-inom at dahan-dahang nilingon si Jal. "Ha? Anong sabi mo?"Umiling si Jal at mabilis na sumagot. "Wala! Sabi ko, matapang itong milk tea mo. Anong flavor ba ‘to?""Loko ka rin eh, no?" Umirap si Cherry. "Ewan ko sa ‘yo, Captain. Masyado ka kasing seryoso minsan. Dapat lagi kang kasama ni Marites para matuto kang magpatawa.""No, thanks. Baka lalo lang lumala pagkapraning ko."Sabay silang tumawa, pero hindi nila napansin na sa di kalayuan, pasimpleng nakikinig si Marites habang nagtatago sa likod ng isang poste."Aba… aba… aba!" bulong ni Marites sa sarili, may kasamang malademonyong ngiti. "Mukhang may nabubuong love team dito ah!"Pagbalik sa kanila, nagkunwaring wala siyang narinig at biglang tinapik ang balikat ni Cherry. "Cherry! Tara! May bago akong natuklasan sa recreation area! May bago daw na massage chair! Libre! Samahan mo ‘ko!"Napakunot-noo si Cherry. "Libre? Sigurado ka? Baka naman kailangan ng reservation—""Cherry, libr
Tatlong araw ang lumipas.Tahimik na nag-iimpake si Cherry, ang puso niya’y punong-puno ng kaba."Anak, sigurado ka bang gusto mong umalis?" tanong ni Gemma, ang kanyang ina, na may halong pag-aalala. "Wala namang masama kung harapin mo si Jal, Cherry.""Mama, hindi ko kayang ipagsapalaran ang kapakanan ng mga anak ko.""Pero hindi mo man lang ba siya bibigyan ng pagkakataon?"Napalunok si Cherry. "Paano kung bawiin niya ang mga bata sa akin?""Pero anak—"Naputol ang usapan nila nang biglang may kumatok sa pinto.TOK! TOK! TOK!Napahinto si Cherry, mabilis na tumingin sa kanyang ina. May hindi magandang pakiramdam na bumalot sa kanyang dibdib."Cherry… may bisita ka," mahinang sabi ni Ralph, ang kanyang ama, habang bumukas ang pinto.At bumungad si Jal.Napakagat-labi si Cherry, agad na umatras. Bakit siya nandito?Napansin ni Jal ang maleta sa tabi ng sofa. Kumunot ang noo niya, ang kanyang mga mata ay nagdilim. "Tinatakasan mo na naman ako, Cherry?"Mariing napapikit si Cherry. "Um
Mariing itinikom ni Cherry ang mga labi. Ayaw niyang ipakita kay Jal kung paano siya naaapektuhan ng presensya nito, kung paano nito nagagawang guluhin ang isip at puso niya kahit pa ilang ulit na niyang sinabing tapos na ang lahat sa kanila."Oo, Jal. Ganun lang kadali. Dahil tapos na tayo. Wala na tayong dapat pag-usapan.""Tapos na tayo?" Umiling si Jal. "Hindi, Cherry. Hindi pa tayo tapos. At hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang totoo.""Sinabi ko na ang totoo!" sigaw ni Cherry, ngunit kahit siya ay hindi kumbinsido sa sariling salita."Hindi!" Mabilis na lapit ni Jal, marahas niyang hinawakan ang braso ni Cherry, dahilan para mapaatras ito. "Hindi mo ako maloloko, Cherry! Hindi si David ang ama ng mga anak mo, kundi ako!"Napapitlag si Cherry. Hindi niya inasahan ang pagsabog ng galit ni Jal."Bitiwan mo ako, Jal!" Pilit niyang inalis ang pagkakahawak nito, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak ni Jal sa kanya."Bakit mo ako niloloko, Cherry? Sabihin mo
Tahimik na nakahiga si Cherry sa kanyang kama, ngunit hindi mapakali ang kanyang isipan. Sa kabila ng pagod at hirap ng kanyang pagbubuntis, hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang sinabi niya sa kanyang mga magulang."Hindi niya ako matutunton… Wala siyang alam kung nasaan ako… Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman kailanman."Ngunit bakit siya kinakabahan? Bakit may isang bahagi sa kanya na nagsasabing hindi ito ganon kadali?Napahawak siya sa kanyang tiyan, pilit nilalabanan ang takot na unti-unting gumagapang sa kanyang dibdib."Mga anak, huwag kayong mag-alala. Hindi ko hahayaang maagaw kayo sa akin."Ngunit hindi niya alam na sa mga oras ding iyon… may isang taong hindi tumitigil sa paghahanap sa kanya.Blue Ocean Cruise, JapanHawak ni Jal ang isang dokumento habang matalim ang kanyang tingin dito. Nakaupo siya sa harap ng kanyang mesa, pilit pinoproseso ang impormasyong nasa kanyang harapan."Saan mo nakuha ito?
Maagang nagising si Gemma Jones, inunat ang likod at bumuntong-hininga bago tinungo ang kusina. Sa tahimik na umaga, isang tunog ang bumalot sa buong bahay—ang tunog ng malakas na pagsusuka mula sa banyo.Mabilis na napatingin siya sa kanyang asawang si Ralph, na kasalukuyang nagkakape sa lamesa. Pareho nilang narinig iyon. Hindi ito ang unang beses. Ilang araw na nilang naririnig si Cherry tuwing umaga, sumusuka na parang may dinaramdam."Ralph, may sakit kaya si Cherry?" nag-aalalang tanong ni Gemma habang dahan-dahang nilapag ang kutsara sa kanyang tasa.Napakunot-noo si Ralph, nagbabasa ng dyaryo. "Hindi ko alam. Pero kung may sakit siya, dapat sinabi na niya sa atin."Bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas si Cherry, halatang namumutla, pawisan, at mukhang pagod. Halos hindi niya magawang itago ang kanyang panghihina."Anak, ayos ka lang ba?" Lapit agad ni Gemma, hawak sa braso ng kanyang anak. "Kanina ka pa namin naririnig na sumusuka. Baka naman may dinaramdam ka? Sabihin mo sa
Mariing napatingin si Jal kay Prescilla, ang kanyang panga ay humigpit, at ang kanyang mga kamao ay bahagyang sumara."Ano'ng pinagsasabi mo, Prescilla?" malamig niyang tanong, pilit na pinapakalma ang sarili.Ngumisi si Prescilla, inilagay ang kamay sa kanyang bewang. "Jal, hindi mo ba napapansin? Bigla na lang siyang nawala, bigla siyang nag-resign, at walang sinumang makapagsabi kung bakit. Hindi ba iyon kahina-hinala?"Hindi sumagot si Jal. Ngunit sa loob niya, may kung anong gumugulo sa isip niya."At kung tutuusin…" lumapit pa lalo si Prescilla, bahagyang idinantay ang kanyang kamay sa dibdib ni Jal pero agad itong inalis ng binata. "Dapat noon pa lang, ako na ang pinili mo. Hindi ko gagawin sa'yo ‘yang ginawa ni Cherry. Hindi ako tatakbo palayo sa’yo.""Huwag mo akong ipagkumpara sa kanya, Prescilla." malamig na sagot ni Jal. "At lalong huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin."Napatigil si Prescilla, napalitan ng inis ang kanyang mukha. "Kahit anong gawin mo, Jal, hindi mo na
Pagkalapag ni Cherry sa Pilipinas, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ligtas na siya. Malayo na siya kay Jal. At higit sa lahat, kasama na niya ulit ang kanyang pamilya.Dala ang kanyang mga gamit, sumakay siya ng taxi papunta sa kanilang bahay sa Tagaytay. Habang nasa biyahe, hinaplos niya ang kanyang tiyan, pumikit sandali, at nagbulong, "Mga anak, malaya na tayo."Nang makarating siya sa kanilang bahay, pinakiramdaman muna niya ang paligid bago marahang kumatok sa pinto. Ilang saglit lang, bumukas iyon, at bumungad ang kanyang ina—Gemma Jones, isang matapang ngunit mapagmahal na babae.Nanlaki ang mga mata nito. "Cherry?!"Hindi na nakapagsalita si Cherry. Sa halip, agad siyang niyakap ng kanyang ina, mahigpit, parang ayaw na siyang pakawalan."Anak… Diyos ko, anak! Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa barko ka pa!"Narinig ni Cherry ang pagmamadaling mga yapak sa loob. Ilang saglit lang, lumabas na rin ang kanyang ama—Ralph Jones, isang dating sundalo, may ed
Napabuntong-hininga siya. "Damn it, Cherry… ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?""Jal."Napalingon siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Si Captain Prescilla Gana, ang isa sa mga senior officers sa cruise ship. Maganda at matikas ito, laging kontrolado ang sarili, pero sa mga mata nito ngayon, may nakatagong pait."Ano'ng ginagawa mo rito mag-isa?" tanong nito habang lumalapit."Wala. Iniisip lang ang isang bagay," matamlay niyang sagot.Tumikhim si Prescilla. "O isang tao?"Hindi siya sumagot.Ngumiti ito nang mapait. "Huwag mo nang itanggi. Lahat ng tao dito, nakikita kung paano mo hinahabol si Cherry."Nanigas ang panga ni Jal. "Anong pakialam nila?""Simple lang, Jal." Dumiretso ang tingin nito sa kanya. "Gusto ka nilang gisingin sa katotohanan.""At ano'ng katotohanan?"Humakbang si Prescilla palapit. "Na hindi ka na mahal ni Cherry."Parang sinuntok ang dibdib ni Jal sa narinig.Parang lumubog ang mundo ni Jal sa narinig niyang sinabi ni Prescilla. Hindi siya makapagsal
Sa wakas, ibinalik ng officer ang kanyang passport. "Alright. Safe flight, Miss."Napabuntong-hininga siya ng malalim nang makalagpas sa immigration. Isa na lang… check-in na lang…Pero bago pa siya makalayo, isang pamilyar na boses ang narinig niya sa likuran."Cherry!"Parang yelo ang dumaloy sa kanyang katawan. Hindi… hindi puwede!Dahan-dahan siyang lumingon, at nakita niya si Jal, hingal at mukhang desperado, nakatayo ilang metro lang ang layo mula sa kanya."Cherry, huwag mo akong takbuhan!" sigaw nito, hindi alintana ang mga taong nakatingin na ngayon sa kanila.Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang tumalikod at naglakad nang mas mabilis patungo sa departure area. "Huwag mo siyang pakinggan. Huwag mong hayaang habulin ka ng nakaraan," pilit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit narinig niya ang tunog ng mabilis na pagtakbo—alam niyang hindi siya bibitawan ni Jal."Cherry, please! Sandali lang!"Damn it! Alam niyang wala na siyang takas.At bago pa siya makalayo, naramdaman niya
Nakatayo si Cherry sa harap ng kanyang maliit na locker, inaayos ang huling gamit na dadalhin niya. Hindi niya akalain na ganito kabilis matatapos ang kanyang trabaho sa barko—ang trabahong minahal niya, ang trabahong bumuhay sa kanya. Pero ngayon, wala na siyang ibang pagpipilian.Muli niyang hinaplos ang kanyang tiyan. "Kakayanin natin ‘to, mga anak."Nang sa wakas ay handa na siyang lumabas, isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto."Cherry, ito na ang final clearance mo." Inabot ni Ms. Andrea Vasquez ang dokumento. "Everything is approved. You're officially free to leave the Diamond Cruise Ship."Mabilis niya itong tinanggap at tumango. "Maraming salamat po, ma’am. Hindi ko po ito makakalimutan."Malungkot siyang tinitigan ng kanyang manager. "Hindi mo ba talaga kayang ipaalam ito sa ibang crew? They’ll be devastated when they find out na umalis ka na."Muling umiling si Cherry. "Ma’am, gusto ko pong tahimik na umalis. Mas ma