Kinabukasan.Tahimik na nakaupo si Cherry sa loob ng coffee shop, hindi na mabilang kung pang-ilang beses na siyang nag-aantay sa isang tawag o mensahe mula kay David. Wala pa rin. Isang buwan na siyang nag-aantay, pero hanggang ngayon, puro tanong pa rin ang laman ng kanyang isipan.Ang mas masakit, parang siya lang ang naghihintay. Parang siya lang ang nasasaktan.Napabuntong-hininga siya at tumitig sa tasa ng kape sa harapan niya. Kumukulo pa ito, pero pakiramdam niya, parang nagyelo na ang kanyang puso sa sakit.Maya-maya, dumating si Marites at umupo sa harap niya. Agad nitong napansin ang namumugtong mga mata niya."Cherry... hindi ka na naman nakatulog, ano?"Napayuko si Cherry at pilit na ngumiti. "Siguro sanay na akong gising sa gabi at tulala sa umaga."Napahawak si Marites sa kanyang kamay. "Cherry, kailangan mong alagaan ang sarili mo."Napalunok si Cherry at nag-iba ang ekspresyon. "Paano, Marites? Paano ko aalagaan ang sarili ko kung hindi ko alam kung bakit nangyari ‘to?
Nakatayo siya sa loob ng kanyang cabin, ang mga mata ay naglalaban sa tindi ng lungkot at sakit. Napadapa siya sa kama, hindi na kayang pigilan ang mga luha na patuloy na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Parang ang bawat patak ng luha ay may kasamang pighati na hindi kayang sukatin ng kahit anong salita."Huwag mong gawing masakit ito," ang bulong niya sa sarili, pero sa bawat pagtulo ng luha, pakiramdam niya ay may piraso ng kanyang puso na tuluyan nang nawawala. Gustong-gusto niyang isigaw ang sakit, pero hindi niya kayang gawin iyon. Masyado siyang nahihirapan. Sobrang sakit na hindi niya alam kung saan magsisimula o paano tatapusin ang lahat ng ito.Hinawakan niya ang kanyang dibdib, parang may bigat na hindi maipaliwanag. "David..." mahina niyang tinig. "Bakit mo ako iniwan? Anong ginawa ko? O baka naghihiganti ka sa akin? Nagkamali na ako ng minsan, pero inaayos kong muli ang lahat, hindi ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo na hindi mo pa ako napatawad? Bakit hindi m
Tahimik ang gabi sa Blue Ocean Cruise, ngunit sa loob ng isang cabin, ang mga hikbi ni Cherry ay bumabasag sa katahimikan. Walang ibang tunog kundi ang kanyang malalim na paghinga at ang marahang hampas ng alon sa barko.Ang sakit na nararamdaman niya ay tila isang mabigat na bagyong hindi niya kayang pigilan. Parang may puwersang unti-unting dinudurog ang kanyang puso—unti-unting pinapatay ang natitira niyang pag-asa.Sa sahig, nagkalat ang mga sulat niya para kay David—mga liham na hindi niya kailanman naipadala. Mga pangako, mga pangarap, lahat ng iyon ay tila naagnas sa hangin. Sa kanyang kamay, mahigpit niyang hawak ang kanyang cellphone, umaasang may mensaheng darating, isang paliwanag, isang sagot—kahit ano mula kay David.Samantala, sa isang pribadong hotel malapit sa paliparan, tahimik na nakaupo si David, hawak ang isang bagong sim card. Tinanggal na niya ang luma, kasabay ng pagputol niya sa kanyang koneksyon kay Cherry.Sa harap niya, isang babaeng may matangos na ilong at
Tahimik sa kabilang linya. Ilang segundo ang lumipas bago ito muling nagsalita."Hindi ko sinasadya, David," mahina nitong sabi. "Pero nadevelop ako kay Jal."Nanlambot ang katawan ni David. Halos hindi siya makahinga sa sakit. Jal Pereno. Ang kapitan ng Blue Ocean Cruise Ship.Matagal na niyang kinukutuban. Ramdam niya noon pa man na may pagbabago kay Cherry. Ang dating mainit nitong mga mensahe ay unti-unting naging malamig. Ang dating matatamis na "I love you" ay napalitan ng pawang mga "Ingat ka." Ngayon, wala na siyang kawala sa katotohanan."Sinaktan mo ako, Cherry," mahina niyang sabi. "Minahal kita nang buo, pero ito ang igaganti mo sa akin?"Tahimik ulit sa kabilang linya. Ilang saglit pa, muling nagsalita si Cherry."Pasensya ka na, David. Alam kong mahirap tanggapin, pero ito ang totoo."Napapikit si David. Mas mahapdi pa ito kaysa sa anumang sakit na naranasan niya sa buong buhay niya."Cherry…" Nanginginig ang kanyang boses. "Mahal pa rin kita."Sa pagkakataong ito, hindi
Hinawakan niya ang kanyang baywang at hinikayat siyang ilapit siya ng isang pulgada. “At dito…putangina, para kang isang uri ng hubad na diyosa.” Ngumiti siya, hinawakan ang kanyang mukha at hinalikan siya. Pwede siyang makasama ng diyosa. "Umupo ka," sabi niya. "Kunin mo ako." Meldy bumaba, ang kanyang malawak na ari ay iniunat siya hanggang sa isang masarap na punto na halos masakit ngunit naging isang kahanga-hangang densong sensasyon na nagdulot ng pagkalabo sa hangganan kung saan siya natatapos at siya ay nagsisimula. Umungol siya at niyakap siya nang mas mahigpit, hinihimok siyang igalaw ang kanyang balakang. Ang kanyang tinggil ay dumapo sa kanyang katawan at sa loob ng ilang segundo, ang pangangailangan na umabot sa orgasmo ay sumiklab sa kanya. "Oh!" "Oh oo," siya ay napahingal, ang kanyang mga salita ay nagsanib sa tunog ng mga alon na bumabangga sa kama. "Oh, David..Ahh ang sarap, ipalabas mo pa." "Halika kapag gusto mo," sabi niya sa kanyang bibig. "Sa maraming
Kailangan niyang bumalik muli, sa lalong madaling panahon, kung gusto niyang sumama sa kanya. Mabilis niyang hinanap ang kanyang clit at ginagalaw-galaw ito ng mabilis na maliliit na bilog sa namamagang bahagi. Ito ay isang ligaya na bagong sensasyon na ibinato sa kanyang katawan na pulsing na at ang kanyang orgasmo ay bumuhos sa kanya na may halos marahas na pag-urong ng kanyang p**i. Sumigaw siya, hindi alintana kung maririnig siya. Pinaramdam sa kanya ni David na napakaganda, nalimutan niya kung nasaan siya, kahit na nalimutan niya kung anong planeta siya naroroon. Ngunit nanatili pa rin ang kanyang tibay. Itinulak niya pataas, niyayakap siya sa leeg at inaatras ang kanyang likod. "Gusto kong labasan ka nang maraming beses." Pinaikot-ikot niya ang kanyang balakang, ginigiling ang kanyang ari. "Pakiusap." Pumasok ka sa loob ko... "Nasiyahan ka ba?" "bulong niya." "Gusto mo pa ng ganito...Ahh..Ang sarap" Pinasok siya nang malalim at mas mabilis na ritmo "Oo." Oo…” Siya ay h
Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit inaalala kung kailan nagsimula ang lahat ng ito—kung kailan nagsimulang mawala si David sa kanya.Ngunit sa gabing iyon, isang bagay lang ang kanyang napagtanto.Hindi na siya muling magmamahal. Tama na ang pagiging martir niya.Mula ngayon, hindi na siya maghihintay sa isang lalaking hindi marunong lumaban para sa kanya.Magtatrabaho na lang siya. Kakalimutan niya na may David siyang nakilala.Kinabukasan, maagang gumising si Cherry. Pinilit niyang ngumiti habang nag-aayos sa harap ng salamin. Bagama’t halata pa rin ang bakas ng pag-iyak sa kanyang mga mata, pilit niyang tinatago ito sa ilalim ng light makeup.Pagdating niya sa crew area, sinalubong siya ni Marites, ang kasamahan niyang passenger crew na palaging updated sa mga balita sa barko."Cherry! Kumusta ka na? May narinig akong tsismis tungkol sa'yo…" malakas nitong bungad.Napatingin si Cherry sa kanya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Tsismis na naman, Marites?""Totoo ba? Iniwan ka
Ngunit sa kabila ng matamis na ngiti, may punit sa kanyang puso na hindi kayang itago ng kahit anong ilaw o musika.Sa sandaling pumasok sila sa dance floor, sinalubong sila ng sigawan ng mga tao at ang nakakabinging beat ng musika. Malakas ang sigaw ng DJ, sinasabayan ng mga sumisigaw na clubgoers."Are you ready for the craziest night of your life?! Let’s dance to the beat of CRUEL SUMMER!"Biglang dumagundong ang bass, at nagsimulang lumipad ang kanilang katawan sa saliw ng tugtog.Cherry iniangat ang kanyang mga kamay at isinayaw ang sakit.Ngunit habang ang iba’y sumasayaw sa kasiyahan, siya’y sumasayaw sa luha.Walang nakakapansin—sa gitna ng sayaw, dahan-dahang bumagsak ang mga luha niya. Ang ingay ng musika ay parang tugtog ng sirang pangako. Ang ilaw ay parang kumikislap na alaala.Sa bawat pag-indak niya, nararamdaman niya ang pagbagsak ng isang parte ng kanyang sarili na hindi na niya maibabalik."David, bakit mo ako ginanito?"Isang saglit, isang hakbang—at lahat ng emosyo
“Kung darating man siya... hindi ikaw ang kailangang matakot. Kami ng Papa mo ang bahala. Hindi ka namin papabayaan. Lalo na’t para sa mga bata ang pinoprotektahan mo.”Napayuko si Cherry, pilit pinipigilan ang luha.“Hindi ko alam, Ma, kung tama ang ginawa kong pagtatago. Baka naging makasarili ako. Baka… baka mali ang iniisip kong protektahan sila mula sa ama nila.”“Anak,” malumanay ang tinig ni Gemma, “ang isang ina, laging iniisip ang kapakanan ng anak. Hindi ‘yan pagiging makasarili. Yan ang pagmamahal. Pero… darating ang araw na hindi na kayang itago ang katotohanan. Darating ang panahon na kakailanganin mong harapin ang lahat. Kahit masakit. Kahit hindi ka handa.”Tumulo ang luha ni Cherry. Agad niya itong pinahid, ayaw niyang makita ng ina ang bigat sa dibdib niya.“Hindi pa ako handa, Ma,” halos pabulong. “Hindi ko alam kung kaya ko pang masaktan ulit.”“Anak,” mahigpit ang hawak ni Gemma sa kamay niya, “kahit kailan, hindi ka nag-iisa. Andito kami. At kahit pa single mom ka
“Anak, huwag kang mag-aalala. Malaki ang Quezon. Hindi gano’n kadaling makapunta rito. Mahigpit ang mga checkpoint, may ECQ pa. Hindi siya basta-basta makakarating dito.”Humugot si Cherry ng malalim na buntong-hininga. Hindi maikakaila ang kaba sa kanyang dibdib.“Pero Ma… ‘di ba ang swerte minsan, malupit din?” mahinang sabi niya. “Paano kung biglang mapadpad siya rito? Paano kung… makita niya ang mga bata? Paano kung malaman niya ang totoo?”Mariin ang tinig ni Gemma, puno ng paninindigan.“Huwag kang matakot. Nandito kami ng Papa mo. Kami ang bahala. Hindi ka namin papabayaan.”Tumango si Cherry pero halata sa kanyang mata na hindi pa rin siya ganap na panatag. Nagpalinga-linga siya na parang may inaabangan. Sa kanyang dibdib, ang pintig ng puso'y tila hindi mapigil, tila may kinatatakutang darating.Pinilit ni Gemma na ibahin ang usapan.“Bumili ako ng paborito mong buko. At magtitínola ako mamaya, ha? Para lumakas-lakas ang katawan mo. Palagi ka nang nagpupuyat sa trabaho.”Napa
Maingay ang tunog ng mga pinggan habang naghuhugas si Cherry sa kusina. Sa tabi niya, nakaupo si Mikee sa baby chair, habang si Mikaela ay nakahiga sa crib, at si Mike ay tahimik na natutulog. Tumunog ang kanyang cellphone—si Marites ang tumatawag."Hello, Marites? Kumusta ka na diyan sa barko?""Cherry! Grabe, ang dami kong kwento. Alam mo ba, umuwi na sina Capt. Jal at Capt. Prescilla sa Pilipinas. Kasama nila ang baby nilang si Miguel.""Talaga? Bakit sila umuwi?""Natatakot sila na baka mahawa ang baby nila sa COVID. May mga kaso pa kasi dito sa barko. Nakadaong kami pansamantala sa Vietnam, pero hindi pa rin ligtas.""Oo nga, mahirap na. Buti na lang at nakauwi sila. Dito nga, todo ingat ako sa mga bata. Laging naghuhugas ng kamay at nag-aalcohol.""Kumusta naman ang trabaho mo bilang CSR na work-from-home?""Okay naman. Nakakapagod, pero kinakaya para sa mga anak ko.""At si David? Kumusta na?""Ah, si David... Wala na kaming komunikasyon. Pinapalabas ko lang na siya ang ama ng
Si Madam Luisa ay biglang humarap kay Heidy, ang mga mata ay puno ng galit at tapang. “Heidy, tama na. Wala nang ibang maaaring pumili ng landas ni Jal kundi siya. Kung may sinuman sa atin na hindi nararapat sa Pereno, ikaw yun. May ilang bagay na hindi mo kayang tanggapin.”“Wala akong sinasabi na hindi tama, Lola,” sagot ni Heidy.Si Jal, na tila nakaramdam ng pagkabigo, ay lumapit kay Prescilla at hinawakan ang kanyang kamay. “Pres, hindi mo kailangang magpaliwanag pa. Ako na ang bahala.”“Alam ko naman, Jal. Ang gusto ko lang ay maging bahagi ng pamilya ninyo. Hindi ko po kailanman hangad na masaktan kayo,” sabi ni Prescilla, ang boses ay puno ng lungkot.Madam Luisa ay niyakap si Prescilla. “Huwag kang mag-alala. Sa atin, hindi lang pangalan ang mahalaga. Ang pagmamahal natin sa isa’t isa, yun ang magdadala sa atin.”Si Jal ay tumingin kay Heidy, at tinanong ang kanyang ina. “Ma, sana... sana tanggapin mo na ang aming desisyon.”Mabilis na tumingin si Heidy kay Jal, at sa wakas,
Pagdating sa mansyon ng mga Pereno, tahimik si Prescilla. Pinatuloy siya, inalalayan, at tila ba pinaparamdam na siya’y bahagi na ng pamilya. Ngunit hindi pa rin niya makalimutang malamig na pagtanggap ni Heidy.Tahimik na naglakad si Prescilla habang pumasok sila sa loob ng mansyon. Alam niyang hindi madaling baguhin ang lahat, at hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang puso. Sa kabila ng mainit na pagtanggap ng mga kasambahay at ng mga naririnig niyang papuri kay Miguel, nararamdaman pa rin niyang hindi siya ganap na bahagi ng pamilya ni Jal.“Jal, sigurado ka bang... okay lang ‘to?” tanong ni Prescilla habang huminto sa gitna ng sala, isang kamay na nakahawak sa bag at ang isa ay nakayakap kay Miguel. “Parang ramdam kong... may lamat pa rin.”Si Jal ay tumingin sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kamay ni Prescilla. “Pres, hindi madaling baguhin ang puso ng mga tao, lalo na kung sanay sila sa ibang pamumuhay. Pero wag mong isipin na hindi mo kaya. Isa-isa nating patutunayan sa k
Maliwanag ang sikat ng araw nang magising si Prescilla. Sa kanyang tabi, mahimbing na natutulog si Miguel, ang kanilang isang buwang gulang na anak. Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha, unti-unting napuno ang kanyang puso ng damdaming hindi maipaliwanag—halo ng kaba, tuwa, at pag-asa.Ilang oras na lang, lilipad na sila pauwi ng Pilipinas. Sa wakas, matapos ang mahigit isang taon ng pagka-stranded sa Vietnam dahil sa pandemya, may pahintulot na silang makauwi. At higit sa lahat, matatapos na rin ang pagbitbit nila ng lihim. Lihim na sila’y isang buong pamilya na.“Pres, gising ka na pala.” Lumapit si Jal habang may hawak na tasa ng kape. “Tinimplahan na kita. Saka... naka-pack na ‘yung mga gamit. Inaantay na lang natin ang sundo pa-airport.”“Salamat, Jal.” Hinawakan ni Prescilla ang tasa at umupo sa gilid ng kama. “Hindi ko pa rin mawari ang nararamdaman ko. Parang... ang bilis ng lahat.”“Ako rin. Pero sa bawat pagdikit ng paa ko sa lupa, palapit nang palapit sa 'Pinas,
Tahimik ang gabi. Tanging ang tunog ng malamig na hangin mula sa aircon at banayad na huni ng kuliglig mula sa labas ng hotel room ang maririnig. Maliit lang ang kwartong iyon, ngunit tila naging isang santuwaryo para kay Prescilla at Jal—isang lugar kung saan sila muling binuo ng kapalaran.Nakaupo si Prescilla sa gilid ng kama, pinapadede si Miguel. Malamlam ang ilaw, saksi sa mga matang punong-puno ng pagod, saya, at pangarap para sa anak. Sa harapan niya, tahimik na umiinom ng kape si Jal, nakaupo sa isang lumang silya. Sa bawat higop niya sa mainit na inumin, may lungkot sa kanyang mga mata, ngunit higit doon ang pagnanais na ayusin ang lahat ng nasira noon.“Ang bilis ng panahon,” bulong ni Prescilla, halos hindi marinig kung hindi dahil sa katahimikan ng gabi. “Parang kahapon lang, nasa isolation facility pa ako.”Tumango si Jal. “Oo,” mahinang tugon niya. “Pero ngayon, andito ka na. Kasama na natin si Miguel.”Napatingin si Prescilla sa lalaki, may bahid ng pag-aalinlangan ngu
Isang buwan na ang lumipas mula nang huling magkausap si Prescilla at Jal sa video call. Isang buwan na ang nakalipas simula nang marinig niya ang masiglang tawa ng anak nilang si Miguel. At ngayon—sa wakas—hawak na niya ang resulta ng huling COVID test. Negative. Malaya na siya. Malaya na siyang muling mayakap ang pamilyang matagal na niyang pinangarap.Tahimik ang paligid ng discharge area. Ang amoy ng antiseptic at malalaking puting pader ay tila nagpapalakas ng kabog sa dibdib ni Prescilla. Hawak niya ang maliit na bag, parang kaya pa niyang magsingit ng ilang mga pangarap sa bawat sulok ng kanyang isipan. Ang mga simpleng blusa at faded jeans na suot niya ngayon ay nagbigay ng pakiramdam ng pagiging malaya. Ngunit kahit nakatago ang kanyang mukha sa mask, ang mga mata niyang punong-puno ng pangarap at takot ay nag-aalab pa rin sa pagkatalo at paghihirap.Sa loob ng kanyang maliit na backpack ay naroon ang mga lumang sketch—mga guhit ng buhay na tinangka niyang magtulungan muli sa
Sa Gitna ng Laban: VietnamTahimik ang paligid. Malinis ang maliit na hotel room kung saan pansamantalang tumuloy si Jal Pereno kasama ang kanilang anak. Maaga pa, pero tirik na ang araw sa labas. Sa kabila ng sikat ng araw, tila may malamig na hangin na pumapawi sa init—hindi sa katawan, kundi sa puso.Nakatayo si Jal sa harap ng bintana. Suot pa rin niya ang parehong t-shirt na gamit niya kahapon. Halos hindi niya namamalayan ang paglipas ng oras. Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw niya ang malalayong gusali, ang banayad na trapiko sa ibaba, at ang mga taong tila wala namang alalahanin sa buhay. Iba sa sitwasyon niya ngayon. Iba sa realidad na kinasadlakan nila.Hawak niya ang cellphone. Bukas ang video call app. Tinitigan niya ito ng matagal. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Prescilla pero palaging hindi nasasagot.Napalingon siya sa crib na nasa tabi ng kama. Doon, mahimbing na natutulog ang kanilang sanggol. Mahigpit na yakap nito ang maliit na stuffed toy na binili n