Hindi ito maaaring mangyari.“Cherry… hello? Nandiyan ka pa ba?” Napansin ni Marites ang katahimikan sa kabilang linya.Hindi sumagot si Cherry. Pakiramdam niya, nawalan siya ng kakayahang huminga. Parang isang matalim na kutsilyo ang paulit-ulit na itinusok sa kanyang puso.“Cherry, makinig ka sa akin… alam kong masakit, pero kailangan mong kalmahin ang sarili mo.” May pag-aalalang sabi ni Marites.Ngunit hindi na napigilan ni Cherry ang pagbagsak ng kanyang mga luha.“H-hindi… hindi ko alam kung paano ko kakayanin ito, Marites…” Nanginginig ang kanyang tinig, tila isang batang nagmamakaawang gisingin siya mula sa isang bangungot. “Mahal ko siya… ipinaglaban ko siya…”Ramdam ni Marites ang bawat pighating bumabalot sa tinig ng kaibigan. Pero mas lumakas ang kaba niya sa dibdib nang marinig ang impit na pag-iyak ni Cherry.“Cherry, please, tama na ‘yan. Huwag kang mastress, buntis ka! Tandaan mo, hindi lang ikaw ang masasaktan sa ginagawa mong ‘yan. May tatlo pang buhay sa sinapupunan
Si Cherry ay nakahiga sa kanyang kama, pilit pinapakalma ang sarili habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Naisip niyang may tatlong munting buhay na umaasa sa kanya ngayon. Hindi na lang siya mag-isa.Muling nag-ring ang cellphone niya. Marites ulit.“Cherry… okay ka lang ba?”Saglit siyang hindi nakasagot. Paano ba niya sasabihin na kahit pilit niyang nilalabanan ang sakit, para siyang nabibiyak sa loob?“Cherry?” muling tawag ni Marites.Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Oo… nandito pa naman ako.”“Cherry, alam kong hindi madali ‘to. Pero please, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Para sa triplets mo.”Napahawak si Cherry sa tiyan niya. “Hindi ko naman sila pababayaan, Marites… kahit anong mangyari, sila na lang ang buhay ko ngayon.”Natahimik si Marites sa kabilang linya.“Cherry, may gusto sana akong sabihin sa’yo…”“Anong—”Hindi pa natatapos ni Cherry ang sasabihin nang biglang may kumatok sa pintuan.“Anak,” tawag ni Gemma, ang kanyang ina. “May dumating na sulat para s
Mahigpit na hinawakan ni Cherry ang tiyan niya habang nakaupo sa harap ng lumang radyo ng kanyang ama. Paulit-ulit na lumalabas sa balita ang tungkol sa COVID-19—mas lumalala, mas nagiging delikado.Sabi ng mga eksperto, manatili sa bahay at umiwas sa matataong lugar. Pero kahit anong iwas ang gawin niya, hindi niya kayang takasan ang katotohanang mag-isa niyang kakayanin ang lahat. Sa kabila ng pandemya at sa kabila ng sakit ng nakaraan, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpakatatag para sa mga anak niya.Napadaan si Aling Gemma sa sala, may dalang gatas at tinapay. “Anak, kumain ka na muna. Hindi pwedeng magutom ang mga bata sa tiyan mo.”Napangiti si Cherry kahit pagod. “Salamat, Ma. Pero busog pa ako.”Napabuntong-hininga si Aling Petra at naupo sa tabi niya. “Cherry, hindi mo kailangang labanan mag-isa ang lahat ng ‘to. Nandito kami ng Papa mo.”Hindi agad nakasagot si Cherry. Alam niyang ramdam ng ina ang sakit na pinagdadaanan niya, pero paano niya nga ba ipapaliwanag an
Sa pagitan ng pagkalat ng pandemya sa loob ng barko at ng lumalalang tensyon sa pagitan nilang mag-asawa, pakiramdam ni Jal ay unti-unti siyang lumulubog sa isang sitwasyong hindi niya kayang kontrolin. Ang daming bagay na kailangang isipin—ang seguridad ng mga pasahero, ang kanyang responsibilidad bilang asawa ni Prescilla, at ang anak nilang nasa sinapupunan nito. Ngunit higit sa lahat, paano niya haharapin ang isang katotohanang matagal na niyang iniiwasan?Sa kabila ng matinding emosyon kanina, ngayon ay tahimik lang si Prescilla. Nakaupo ito sa gilid ng kama, hawak ang tiyan nito habang tila malalim ang iniisip. Nais niyang lapitan ito, nais niyang sabihin dito na magiging maayos din ang lahat, pero paano kung hindi? Paano kung wala siyang maibigay na kasiguruhan?Hindi niya maiwasang isipin si Cherry. Kamusta na kaya ito? Ano na kaya ang ginagawa nito sa mga panahong ito? Ngunit hindi siya maaaring magpatalo sa damdamin. Dapat niyang harapin ang kasalukuyan. Si Prescilla… ang ma
Ang hangin sa probinsiya ay mas presko kaysa sa maalinsangang hangin sa lungsod. Malayo sa ingay ng barko at sa dating buhay na kanyang kinasanayan, si Cherry ngayon ay tahimik na namumuhay kasama ang kanyang mga magulang. Ngunit sa kabila ng katahimikang ito, isang malaking unos ang kanyang hinaharap—ang pagbubuntis niya ng triplets sa gitna ng pandemya.Nakahawak siya sa kanyang tiyan habang nakaupo sa duyan sa harap ng kanilang maliit na bahay. Ang mga dahon ng puno ng mangga ay bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin. Hindi niya maiwasang mapaluha. Hindi dahil sa panghihinayang, kundi dahil sa bigat ng kanyang pinapasan.Naputol ang kanyang pag-iisip nang lumabas ang kanyang ina na si Gemma, may dalang mainit na gatas. “Anak, uminom ka muna nito. Kailangan mong palakasin ang katawan mo, lalo na’t tatlo ang dinadala mo.”Ngumiti siya kahit pa parang may bumara sa kanyang lalamunan. “Salamat, Ma.”Umupo si Gemma sa tabi niya, hinaplos ang kanyang buhok. “Anak, alam kong hindi madali i
“Tama ‘yan, girl. Move forward na! At besides, may tatlong buhay sa loob mo na mas dapat mong pagtuunan ng pansin.”Napahawak ulit si Cherry sa kanyang tiyan. Tama si Marites. May mas mahalaga na sa ngayon.Pagkatapos ng tawag, tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan niya ang kanyang ama na nakaupo sa lumang sofa, nagbabasa ng diyaryo, habang ang kanyang ina ay abala sa kusina. Sa kabila ng kaguluhan sa mundo—ang pandemya, ang mga pangyayaring bumago sa kanyang buhay—dito sa bahay nila sa probinsiya, tila bumagal ang oras.“Pa, Ma…” Tawag niya.Napatingin ang dalawa sa kanya.“Gusto ko pong magsimula ulit. Hindi ko man alam kung paano, pero gusto kong gawin ang lahat para sa mga anak ko.”Napangiti si Gemma habang pinunasan ang kamay sa apron nito. “Anak, matagal na naming hinihintay ang araw na ‘to.”Tumayo si Ralph, lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat. “Ang mahalaga, hindi ka susuko. Dahil kahit anong mangyari, nandito lang kami para sa’yo.”“Cherry, anak, kumain k
Nanikip ang dibdib ni Cherry. Hindi niya inakalang maririnig niya ito mula sa kanyang ama. Mula pagkabata, hindi ito masyadong showy sa damdamin. Pero ngayong sinabi nito ang mga salitang iyon, pakiramdam niya ay may bigat na nabawas sa kanyang puso.“Pa…” Napaluha siya. “Minsan pakiramdam ko hindi ko kaya. Minsan gusto kong sumuko.”Mahigpit siyang niyakap ni Ralph. “Hindi mo kailangang kayanin mag-isa, anak. Andito kami ng Mama mo. Hindi ka namin pababayaan.”Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman ni Cherry ang tunay na kapanatagan. Hindi niya kailangan ng isang lalaking magmamahal sa kanya para maramdaman niyang buo siya. Nandito ang pamilya niya. Nandito ang mga kaibigan niya. At higit sa lahat, may tatlong munting anghel sa loob niya na nagbibigay sa kanya ng dahilan para magpatuloy.Kahit sa gitna ng pandemya, kahit sa gitna ng sakit, isang bagay ang sigurado—lalaban siya. Para sa kanyang sarili. Para sa kanyang mga anak. Para sa bagong buhay na hinaharap niya.“Ch
Anim na buwan nang nagdadalang-tao si Cherry, at sa kabila ng matinding pagsubok na dulot ng pandemya, patuloy siyang lumalaban. Hindi madali ang buhay ngayon—walang kasiguruhan ang lahat, ngunit may isang bagay siyang pinanghahawakan: ang tatlong munting buhay sa kanyang sinapupunan.Ngayong araw, nakatakda ang kanyang prenatal checkup. Sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ), kailangan niyang lumabas dahil sa kanyang kalagayan. Pinili niyang sumama ang kanyang ina, si Gemma, dahil mas panatag ang loob niya kapag kasama ito.Habang nakaupo sa loob ng sasakyan, panay ang himas ni Cherry sa kanyang lumalaking tiyan.“Excited ka na bang malaman ang kasarian ng mga baby mo?” tanong ni Gemma habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng anak.Napangiti si Cherry. “Oo, Ma. Pero kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung kaya kong maging mabuting ina.”Hinaplos ni Gemma ang kanyang pisngi. “Kaya mo, anak. Hindi man naging perpekto ang buhay mo, pero matibay kang babae. Hindi
Nasa deck sila ng barko, ang mahinang hangin ay dumadampi sa kanilang mga mukha. Hawak ni Jal ang maliit na kutitap na si Miguel na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Kakaibang pakiramdam ang sumik sa kanyang puso nang makita niyang magkasama silang tatlo ni Prescilla—isang piraso ng kanilang buhay na nabuo sa gitna ng magulong mga sandali."Ito na siya, Mama," sabi ni Jal, ng malumanay. "Si Miguel."Hindi nakatiis si Madam Luisa, ang lola ni Jal, kaya tinawagan niya ang cellphone ni Jal. Hindi sila magkasama, ngunit gusto niyang maramdaman ang kagalakan ng bagong buhay na dumarating sa kanilang pamilya. Kakaiba ang pagmamahal ng isang lola sa apo, at ngayon, gustong makita ni Madam Luisa ang kanyang apo kahit na sa pamamagitan ng tawag."Jal! Apo ko, nasaan na siya?" ang maligaya at sabik na boses ni Madam Luisa sa kabilang linya.Jal: "Mama, nariyan lang kami sa cabin. Halos natutulog na si Miguel. Magpapahinga na kami.""Ang cute-cute ng apo ko sa tuhod! Kamukha ng lolo m
Sa kabilang bahagi ng barko sa Vietnam, nakatayo si Capt. Jal sa deck, hawak ang isang maliit na stuffed toy. Huwag na lang, sabi niya sa sarili. "Miguel…" bulong niya habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi at ang mga alon sa dagat."Miguel Pereno…" Hindi pa rin niya matanggap. Isang bahagi ng puso niya ay tumatangging tanggapin ang lahat ng nangyari. Parang ba siya ay hindi makaalis sa isang impiyerno ng paghihirap na siya rin naman ang nagdala.Naisip niya si Cherry. Hindi niya kayang iwasan ang mga larawan ng kanilang mga alaalang magkasama, ang mga pangako nila sa isa’t isa. Nandiyan pa ang mga gabing magkasama sila sa barko, at ang kanyang mga salitang binanggit sa kanya noong huling gabi nila: "Mahal kita, pero kailangan ko nang lumaban para sa sarili ko.""Mahal ko pa rin siya…" tahimik niyang aaminin. "Pero hindi ko siya kayang balikan ngayon. Hindi ko kayang isugal ang pamilya ko."Habang abala si Prescilla sa pagpapadede kay Miguel, tahimik na nanatili sa tabi ng kama ang mg
Tumingin siya sa kalangitan. Pilit niyang inuunawa ang sitwasyon. “Paano ko sasabihin ‘to kay Cherry?”“Dapat ba? O baka mas makakabuti kung hindi?”Alam niyang nagdesisyon na si Cherry na tuluyan nang mag-move on. Alam niyang pinili na nitong limutin si Jal, para sa kapakanan ng kanyang tatlong anak.Pero… karapatan din ba niyang itago ang totoo?Habang nagmumuni-muni si Marites, sa kabilang bahagi ng barko, sa isang pribadong suite, tahimik na binabantayan ni Capt. Jal Pereno ang bagong silang niyang anak.Mahimbing ang tulog ng sanggol. Napakaliit. Napakalambot ng pisngi.Napapangiti siya sa tuwing hinahaplos ang noo nito.“Ang gwapo mo, Miguel,” bulong niya. “Mukha kang mommy mo. Pero sana kahit kaunti, makuha mo rin ang tapang niya.”Tumabi si Prescilla, pagod at maputla. “Jal, salamat ha… hindi ko kinaya ‘to kung wala ka.”Ngumiti si Jal. Pinisil niya ang kamay ng asawa.“Tungkulin ko ‘to bilang asawa mo.”Pero kahit anong pilit niyang ibaling sa kasalukuyan ang kanyang isip, ma
Alas-diyes ng gabi. Tahimik ang buong bahay. Ang ilaw sa sulok ng silid ay nakatuon lamang sa maliit na work area ni Cherry—isang mesa, headset, laptop, at isang tasa ng kape na umaaso pa sa init. Sa kabilang silid, natutulog ang kanyang tatlong anak. Nakahanda na rin ang kasambahay na kung sakaling umiyak ang mga bata, ay maagap na gagalaw. Lahat ay pinaghandaan niya. Dapat lang. Sapagkat ito ang una niyang shift matapos ang anim na buwang maternity leave.Kinakabahan man, pinilit ni Cherry ang sarili na maging kalmado.“Okay… kaya mo ’to. Para kina Mikee, Mikaela, at Mike,” bulong niya sa sarili habang binubuksan ang mga tabs sa system.Dumating ang unang call.Beep.“Thank you for calling NorthGate Communications. This is Cherry, how may I assist you today?”Isang lalaking galit ang agad na sumagot.“About time! I’ve been waiting for fifteen minutes! What kind of service is this?! Do you even know what you’re doing?”Bahagyang nayanig si Cherry, pero agad niyang kinontrol ang kanya
Ang ilaw ng screen ang tanging liwanag sa silid. Sa tabi nito, nakapatong ang isang tasa ng kape — malamig na, pero hindi niya inaalis sa tabi niya. Sa Skype, naka-log in na siya, hinihintay ang tawag ng kanyang manager.Tila ba ang bawat tibok ng puso niya ay lumalakas. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang huminga nang malalim para lang maibsan ang kaba.Nag-ring na ang Skype. Tumindig ang balikat ni Cherry. Mahigpit ang hawak niya sa mouse habang pinipindot ang "Answer."Lumabas ang mukha ni Ms. Torres — ang kanyang team manager na kilalang prangka, diretso kung magsalita, at walang paliguy-ligoy.“Cherry! Good evening. I’m glad you made it on time. How are you?”Matatag ang boses ni Cherry kahit kinakabahan.“Good evening po, Ms. Torres. Ayos naman po. Medyo naninibago ulit sa setup, pero ready na po ako.”“I see. Well, before we talk about schedules and your work-from-home return, let me just say — it’s been six months. I hope everything went well with your delivery?”Na
Habang binabasa ang detalyeng nakasaad sa email—mula sa employer niyang naka-base sa Japan—naramdaman niyang may pangingilid ng luha sa kanyang mata. Nag-aalok ang kompanya ng muling kontrata. Isang bagong simula. Isang bagong paglalakbay… palayo sa kanyang mga anak.“Para sa kinabukasan nila,” bulong niyang muli habang pinipilit na lunukin ang emosyon.Habang hawak ang cellphone, dumaan sa kanyang isip si Marites, ang matalik niyang kaibigan na kasamahan dati sa Blue Ocean Cruise Ship. Ito lamang ang tanging taong patuloy na nagpapadala ng mensahe at tumatawag upang kamustahin siya. Sa bawat tawag ni Marites, tila ba nabibigyan siya ng panibagong lakas.Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ito.“Hello, Mare! Kumusta ka na?” bati ni Marites mula sa kabilang linya, puno ng saya at enerhiya ang tinig.“Okay lang, Mare. Gising na ang mga bata, mag-aalmusal na kami,” sagot ni Cherry habang pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha.“Minsan lang tayo magkausap kaya nagpapasalam
"Bilang ina, hindi ko kayang pabayaan ang mga anak ko," bulong niya sa sarili.Pinindot niya ang email at binasa ang nilalaman. Ang mga responsibilidad bilang ina ay hindi natatapos sa pagbibigay buhay, ngunit sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga anak na magkaroon ng magandang kinabukasan.Habang binabasa ang mga detalyeng nakasaad sa email, naramdaman niyang may kakaibang pangingilid sa kanyang mata. Matapos ang lahat ng pinagdaanan—ang pandemya, ang kalungkutan, ang mga sakripisyo—wala siyang ibang hangarin kundi ang magtagumpay at matulungan ang kanyang pamilya.Dumating sa kanyang isipan si Marites, ang matalik niyang kaibigan sa Blue Ocean Cruise Ship, na patuloy na tumatawag at nagpapadala ng mga mensahe para alamin kung kumusta na siya. Sa bawat tawag ni Marites, tila ba binibigyan siya ng lakas. Kahit na malayo, alam niyang may taong naniniwala sa kanya.Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan si Marites.“Hello, Mare! Kumusta ka na?” bati ni Marites mula sa kabila
“Sure ka na ba, Cherry, na ipagpatuloy mo pa rin ang paglilihim mo na si Jal ang ama?” tanong ni Marites, nag-aalalang tono ng boses nito.Tumahimik si Cherry, isang matinding tanong na nagbigay daan sa isang matinding kalituhan sa kanyang isipan. “Oo, Marites… ayoko na ng komplikadong buhay. Pinili na ni Jal si Prescilla, nagpakasal na sila, at may anak na sila. Iyon na ang buhay na pinili nila. Hindi ko na kayang guluhin pa iyon.”“Pero ang mga anak mo, Cherry, hindi mo ba nais na malaman nila ang katotohanan?” tinanong ni Marites, at naramdaman ni Cherry ang pagsisisi sa tono ng kanyang kaibigan. “Si Jal ang ama ng mga anak mo. Hindi ba’t kailangan nilang malaman?”Mahabang sandali ng katahimikan ang sumunod sa pagtanong na iyon. Si Cherry ay hindi makapagsalita agad. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ni Marites, ngunit iba ang sitwasyon niya ngayon. Hindi siya handang harapin si Jal. Hindi pa siya handa. Lalo na at batid niyang kung malalaman ni Jal ang tungkol sa kanyang mga
Mainit ang sikat ng araw sa probinsya habang mahinang ihip ng hangin ang nagpapagalaw sa mga kurtina ng maliit ngunit malinis na bahay nina Cherry. Anim na buwan na ang nakalipas mula nang isilang niya ang kanyang tatlong anghel—si Mikaela, Mikee, at Mike. Sa kabila ng pandemya, pagsubok, at mga panahong halos mawalan siya ng pag-asa, ngayon ay tila unti-unti nang binibigyang kulay ng mga sanggol ang kanyang mundo.Nakaupo si Cherry sa sofa habang nagpapadede kay Mikee. Sa sahig, natutulog ang kambal na si Mikaela at Mike, nakabalot sa maliliit na kumot na may makukulay na disenyo. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang iyak ni Mikee at ang tunog ng bentilador.“Ma,” mahinang tawag ni Cherry habang hawak-hawak ang anak. “Salamat sa lahat. Kung hindi dahil sa inyo ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”Lumabas mula sa kusina si Gemma, may dalang mainit na gatas at tinapay. “Anak, 'wag mong isipin 'yan. Anak ka namin. Kahit kailan, hindi ka namin pababayaan. Kahit pa tatlo p