Beranda / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 145

Share

I'm Crazy For You Chapter 145

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-04 23:49:57

Maagang nagising si Gemma Jones, inunat ang likod at bumuntong-hininga bago tinungo ang kusina. Sa tahimik na umaga, isang tunog ang bumalot sa buong bahay—ang tunog ng malakas na pagsusuka mula sa banyo.

Mabilis na napatingin siya sa kanyang asawang si Ralph, na kasalukuyang nagkakape sa lamesa. Pareho nilang narinig iyon. Hindi ito ang unang beses. Ilang araw na nilang naririnig si Cherry tuwing umaga, sumusuka na parang may dinaramdam.

"Ralph, may sakit kaya si Cherry?" nag-aalalang tanong ni Gemma habang dahan-dahang nilapag ang kutsara sa kanyang tasa.

Napakunot-noo si Ralph, nagbabasa ng dyaryo. "Hindi ko alam. Pero kung may sakit siya, dapat sinabi na niya sa atin."

Bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas si Cherry, halatang namumutla, pawisan, at mukhang pagod. Halos hindi niya magawang itago ang kanyang panghihina.

"Anak, ayos ka lang ba?" Lapit agad ni Gemma, hawak sa braso ng kanyang anak. "Kanina ka pa namin naririnig na sumusuka. Baka naman may dinaramdam ka? Sabihin mo sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 146

    Tahimik na nakahiga si Cherry sa kanyang kama, ngunit hindi mapakali ang kanyang isipan. Sa kabila ng pagod at hirap ng kanyang pagbubuntis, hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang sinabi niya sa kanyang mga magulang."Hindi niya ako matutunton… Wala siyang alam kung nasaan ako… Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman kailanman."Ngunit bakit siya kinakabahan? Bakit may isang bahagi sa kanya na nagsasabing hindi ito ganon kadali?Napahawak siya sa kanyang tiyan, pilit nilalabanan ang takot na unti-unting gumagapang sa kanyang dibdib."Mga anak, huwag kayong mag-alala. Hindi ko hahayaang maagaw kayo sa akin."Ngunit hindi niya alam na sa mga oras ding iyon… may isang taong hindi tumitigil sa paghahanap sa kanya.Blue Ocean Cruise, JapanHawak ni Jal ang isang dokumento habang matalim ang kanyang tingin dito. Nakaupo siya sa harap ng kanyang mesa, pilit pinoproseso ang impormasyong nasa kanyang harapan."Saan mo nakuha ito?

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-05
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 147

    Mariing itinikom ni Cherry ang mga labi. Ayaw niyang ipakita kay Jal kung paano siya naaapektuhan ng presensya nito, kung paano nito nagagawang guluhin ang isip at puso niya kahit pa ilang ulit na niyang sinabing tapos na ang lahat sa kanila."Oo, Jal. Ganun lang kadali. Dahil tapos na tayo. Wala na tayong dapat pag-usapan.""Tapos na tayo?" Umiling si Jal. "Hindi, Cherry. Hindi pa tayo tapos. At hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang totoo.""Sinabi ko na ang totoo!" sigaw ni Cherry, ngunit kahit siya ay hindi kumbinsido sa sariling salita."Hindi!" Mabilis na lapit ni Jal, marahas niyang hinawakan ang braso ni Cherry, dahilan para mapaatras ito. "Hindi mo ako maloloko, Cherry! Hindi si David ang ama ng mga anak mo, kundi ako!"Napapitlag si Cherry. Hindi niya inasahan ang pagsabog ng galit ni Jal."Bitiwan mo ako, Jal!" Pilit niyang inalis ang pagkakahawak nito, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak ni Jal sa kanya."Bakit mo ako niloloko, Cherry? Sabihin mo

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-05
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 148

    Tatlong araw ang lumipas.Tahimik na nag-iimpake si Cherry, ang puso niya’y punong-puno ng kaba."Anak, sigurado ka bang gusto mong umalis?" tanong ni Gemma, ang kanyang ina, na may halong pag-aalala. "Wala namang masama kung harapin mo si Jal, Cherry.""Mama, hindi ko kayang ipagsapalaran ang kapakanan ng mga anak ko.""Pero hindi mo man lang ba siya bibigyan ng pagkakataon?"Napalunok si Cherry. "Paano kung bawiin niya ang mga bata sa akin?""Pero anak—"Naputol ang usapan nila nang biglang may kumatok sa pinto.TOK! TOK! TOK!Napahinto si Cherry, mabilis na tumingin sa kanyang ina. May hindi magandang pakiramdam na bumalot sa kanyang dibdib."Cherry… may bisita ka," mahinang sabi ni Ralph, ang kanyang ama, habang bumukas ang pinto.At bumungad si Jal.Napakagat-labi si Cherry, agad na umatras. Bakit siya nandito?Napansin ni Jal ang maleta sa tabi ng sofa. Kumunot ang noo niya, ang kanyang mga mata ay nagdilim. "Tinatakasan mo na naman ako, Cherry?"Mariing napapikit si Cherry. "Um

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-06
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 149

    Maagang bumalik si Jal sa bahay ng mga Jones. Sa kabila ng pag-uusap nila ni Cherry kagabi, alam niyang hindi pa tapos ang laban. Hindi siya makakapayag na basta na lang siyang itulak palayo—lalo na’t sigurado na siyang siya ang ama ng mga batang dinadala nito.Ngunit pagdating niya, hindi si Cherry ang kanyang nadatnan.Sa halip, sinalubong siya ng malamig na tingin ni Ralph Jones, ang ama ni Cherry, habang nakatayo sa may pintuan. Katabi nito si Gemma, na bakas sa mukha ang pag-aalala."Wala si Cherry," malamig na sabi ni Ralph, nilingon si Jal mula ulo hanggang paa. "At kahit nandito siya, hindi ka rin niya haharapin."Napakuyom ng kamao si Jal. "Saan siya nagpunta?"Napailing si Ralph. "Hindi mo na kailangang malaman.""Sir, hindi ako pumunta rito para makipagtalo. Kailangan ko lang makausap si Cherry—”"Tapos na ang lahat, Mr. Pereno," putol ni Ralph sa kanya. "Sinabi na sa’yo ni Cherry ang totoo. Ang ama ng dinadala niya ay si David. Wala kang kinalaman sa kanya, kaya umalis ka

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-07
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 150

    Malamig ang simoy ng hangin nang lumapat ang paa ni Jal sa Blue Ocean Cruise. Ilang taon na siyang nagtatrabaho sa barko, ngunit ngayon lang niya naramdaman ang ganitong bigat sa dibdib. Hindi ito dahil sa trabaho, kundi dahil kay Cherry.Alam niyang umalis na ito sa bahay ng pamilya niya. Alam niyang may tinatago ito. At ang pinakamalaking tanong—buntis nga ba ito? At kung totoo, siya ba ang ama?Bumuntong-hininga siya. Hindi niya ito matutuklasan ngayon. Ang tanging magagawa niya ay maghintay ng tamang pagkakataon.Ngunit ang akala niyang tahimik na pagbabalik sa barko ay agad na naputol nang may humahangos na crew na lumapit sa kanya.“Captain Jal!” sigaw ni Chief Officer Ramiro, ang kanyang pangalawang-in-command. “May emergency tayo!”Napataas ang kilay ni Jal. "Ano na naman ‘yan?"“May tatlong pasahero na nagpositibo sa COVID-19.”Biglang nanlamig ang buong katawan ni Jal.“Ano?!”"Oo, Captain. Sinusuri na sila ng ating medical team. Pero may posibilidad na may iba pang nahawa."

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 151

    Napalingon si Chief Steward Marites, halatang may gusto itong sabihin ngunit nag-aalangan. Napansin ito ni Jal kaya tinawag niya ito."Ano ‘yon, Marites?"Napakagat-labi si Marites bago nagsalita. "Captain, may isang pasahero ang nagwawala sa kwarto niya. Ayaw niyang magpa-isolate. Sinasabi niyang wala naman siyang sakit at gusto niyang bumaba sa unang port na madaanan natin."Napapikit si Jal at huminga nang malalim. Palatandaan iyon na sinusubukan niyang pigilan ang sarili sa pagmumura. Sa ganitong sitwasyon, isang pasahero lang na matigas ang ulo ang maaaring magpahamak sa lahat."Sino ‘yon?""Si Mr. Arman Soriano, isang negosyante. Kasama ang asawa niya pero siya lang ang may sintomas.""Dinala na ba siya sa quarantine area?""Ayaw niyang sumama, Captain. Pinipilit niyang wala siyang sakit at nagbabanta siyang magrereklamo sa management natin kung ipipilit natin ang isolation."Nagpakawala ng mahabang buntong-hininga si Jal bago tumingin kay Chief Officer Ramiro."Samahan mo ako.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 152

    Saglit siyang napapikit, pilit pinipigil ang bugso ng emosyon. "Tangina..." Napakuyom siya ng kamao. Hindi ito puwedeng mangyari. "Saan tayo pupunta ngayon?""Wala pang ibang port na tumatanggap ng may COVID cases, Captain," sagot ni Chief Officer Ramiro na kararating lang. "Kahit Taiwan at Singapore, mahigpit din ang restrictions nila. Baka kailangan nating maghintay ng clearance sa open waters.""Tumawag kayo sa lahat ng ports!" matigas na utos ni Captain Jal habang hinahagod ng isang kamay ang kanyang mukha, pilit pinipigilan ang frustration. "Tatawag ako sa main office natin. Kailangan nating makahanap ng solusyon bago tuluyang lumala ang sitwasyon."Nang paalis na sana si Chief Officer Ramiro upang gawin ang utos, muling lumapit ang manager ng medical supplies, si Mr. Franco, halatang balisa."Captain," anito habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo, "may isa pa tayong problema.""Ano na naman?" mahina ngunit may halong inis na tanong ni Jal."Nagkakaubusan na tayo ng gamot p

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 153

    "Ano ‘to?! Nakakulong na lang ba tayo rito?! Kailan tayo makakababa?!""Oo nga! Hindi niyo ba alam na delikado ‘to?!" sigaw ng isa pang babae. "Paano kung mas marami pa ang mahawa?!"Sinubukang pakalmahin ni Chief Steward Marites ang sitwasyon, pero hindi siya pinakinggan."Ang gusto lang namin ay malinaw na sagot!" sigaw ni Mr. Soriano, isang prominenteng businessman na pasahero rin ng barko. "Kapag hindi ninyo ‘to naayos, magdedemanda kami!"Dumating si Captain Jal sa eksena, mabilis na tumayo sa harapan ng mga pasahero. Matigas ang tingin niya habang inisa-isa ang mga ito."Makinig kayong lahat!" Malakas at puno ng awtoridad ang boses niya. "Alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon. Pero wala tayong ibang choice kundi sundin ang health protocols at manatili sa loob ng barko.""Paano ang pagkain namin? Paano ang gamot?!" sigaw ng isang matandang babae."Ginagawa namin ang lahat para makahanap ng paraan. May mga doktor tayo rito na tumutulong sa mga may sakit. Ang kailangan lang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08

Bab terbaru

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 228

    “Kung darating man siya... hindi ikaw ang kailangang matakot. Kami ng Papa mo ang bahala. Hindi ka namin papabayaan. Lalo na’t para sa mga bata ang pinoprotektahan mo.”Napayuko si Cherry, pilit pinipigilan ang luha.“Hindi ko alam, Ma, kung tama ang ginawa kong pagtatago. Baka naging makasarili ako. Baka… baka mali ang iniisip kong protektahan sila mula sa ama nila.”“Anak,” malumanay ang tinig ni Gemma, “ang isang ina, laging iniisip ang kapakanan ng anak. Hindi ‘yan pagiging makasarili. Yan ang pagmamahal. Pero… darating ang araw na hindi na kayang itago ang katotohanan. Darating ang panahon na kakailanganin mong harapin ang lahat. Kahit masakit. Kahit hindi ka handa.”Tumulo ang luha ni Cherry. Agad niya itong pinahid, ayaw niyang makita ng ina ang bigat sa dibdib niya.“Hindi pa ako handa, Ma,” halos pabulong. “Hindi ko alam kung kaya ko pang masaktan ulit.”“Anak,” mahigpit ang hawak ni Gemma sa kamay niya, “kahit kailan, hindi ka nag-iisa. Andito kami. At kahit pa single mom ka

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 227

    “Anak, huwag kang mag-aalala. Malaki ang Quezon. Hindi gano’n kadaling makapunta rito. Mahigpit ang mga checkpoint, may ECQ pa. Hindi siya basta-basta makakarating dito.”Humugot si Cherry ng malalim na buntong-hininga. Hindi maikakaila ang kaba sa kanyang dibdib.“Pero Ma… ‘di ba ang swerte minsan, malupit din?” mahinang sabi niya. “Paano kung biglang mapadpad siya rito? Paano kung… makita niya ang mga bata? Paano kung malaman niya ang totoo?”Mariin ang tinig ni Gemma, puno ng paninindigan.“Huwag kang matakot. Nandito kami ng Papa mo. Kami ang bahala. Hindi ka namin papabayaan.”Tumango si Cherry pero halata sa kanyang mata na hindi pa rin siya ganap na panatag. Nagpalinga-linga siya na parang may inaabangan. Sa kanyang dibdib, ang pintig ng puso'y tila hindi mapigil, tila may kinatatakutang darating.Pinilit ni Gemma na ibahin ang usapan.“Bumili ako ng paborito mong buko. At magtitínola ako mamaya, ha? Para lumakas-lakas ang katawan mo. Palagi ka nang nagpupuyat sa trabaho.”Napa

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 226

    Maingay ang tunog ng mga pinggan habang naghuhugas si Cherry sa kusina. Sa tabi niya, nakaupo si Mikee sa baby chair, habang si Mikaela ay nakahiga sa crib, at si Mike ay tahimik na natutulog. Tumunog ang kanyang cellphone—si Marites ang tumatawag."Hello, Marites? Kumusta ka na diyan sa barko?""Cherry! Grabe, ang dami kong kwento. Alam mo ba, umuwi na sina Capt. Jal at Capt. Prescilla sa Pilipinas. Kasama nila ang baby nilang si Miguel.""Talaga? Bakit sila umuwi?""Natatakot sila na baka mahawa ang baby nila sa COVID. May mga kaso pa kasi dito sa barko. Nakadaong kami pansamantala sa Vietnam, pero hindi pa rin ligtas.""Oo nga, mahirap na. Buti na lang at nakauwi sila. Dito nga, todo ingat ako sa mga bata. Laging naghuhugas ng kamay at nag-aalcohol.""Kumusta naman ang trabaho mo bilang CSR na work-from-home?""Okay naman. Nakakapagod, pero kinakaya para sa mga anak ko.""At si David? Kumusta na?""Ah, si David... Wala na kaming komunikasyon. Pinapalabas ko lang na siya ang ama ng

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 225

    Si Madam Luisa ay biglang humarap kay Heidy, ang mga mata ay puno ng galit at tapang. “Heidy, tama na. Wala nang ibang maaaring pumili ng landas ni Jal kundi siya. Kung may sinuman sa atin na hindi nararapat sa Pereno, ikaw yun. May ilang bagay na hindi mo kayang tanggapin.”“Wala akong sinasabi na hindi tama, Lola,” sagot ni Heidy.Si Jal, na tila nakaramdam ng pagkabigo, ay lumapit kay Prescilla at hinawakan ang kanyang kamay. “Pres, hindi mo kailangang magpaliwanag pa. Ako na ang bahala.”“Alam ko naman, Jal. Ang gusto ko lang ay maging bahagi ng pamilya ninyo. Hindi ko po kailanman hangad na masaktan kayo,” sabi ni Prescilla, ang boses ay puno ng lungkot.Madam Luisa ay niyakap si Prescilla. “Huwag kang mag-alala. Sa atin, hindi lang pangalan ang mahalaga. Ang pagmamahal natin sa isa’t isa, yun ang magdadala sa atin.”Si Jal ay tumingin kay Heidy, at tinanong ang kanyang ina. “Ma, sana... sana tanggapin mo na ang aming desisyon.”Mabilis na tumingin si Heidy kay Jal, at sa wakas,

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 224

    Pagdating sa mansyon ng mga Pereno, tahimik si Prescilla. Pinatuloy siya, inalalayan, at tila ba pinaparamdam na siya’y bahagi na ng pamilya. Ngunit hindi pa rin niya makalimutang malamig na pagtanggap ni Heidy.Tahimik na naglakad si Prescilla habang pumasok sila sa loob ng mansyon. Alam niyang hindi madaling baguhin ang lahat, at hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang puso. Sa kabila ng mainit na pagtanggap ng mga kasambahay at ng mga naririnig niyang papuri kay Miguel, nararamdaman pa rin niyang hindi siya ganap na bahagi ng pamilya ni Jal.“Jal, sigurado ka bang... okay lang ‘to?” tanong ni Prescilla habang huminto sa gitna ng sala, isang kamay na nakahawak sa bag at ang isa ay nakayakap kay Miguel. “Parang ramdam kong... may lamat pa rin.”Si Jal ay tumingin sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kamay ni Prescilla. “Pres, hindi madaling baguhin ang puso ng mga tao, lalo na kung sanay sila sa ibang pamumuhay. Pero wag mong isipin na hindi mo kaya. Isa-isa nating patutunayan sa k

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 223

    Maliwanag ang sikat ng araw nang magising si Prescilla. Sa kanyang tabi, mahimbing na natutulog si Miguel, ang kanilang isang buwang gulang na anak. Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha, unti-unting napuno ang kanyang puso ng damdaming hindi maipaliwanag—halo ng kaba, tuwa, at pag-asa.Ilang oras na lang, lilipad na sila pauwi ng Pilipinas. Sa wakas, matapos ang mahigit isang taon ng pagka-stranded sa Vietnam dahil sa pandemya, may pahintulot na silang makauwi. At higit sa lahat, matatapos na rin ang pagbitbit nila ng lihim. Lihim na sila’y isang buong pamilya na.“Pres, gising ka na pala.” Lumapit si Jal habang may hawak na tasa ng kape. “Tinimplahan na kita. Saka... naka-pack na ‘yung mga gamit. Inaantay na lang natin ang sundo pa-airport.”“Salamat, Jal.” Hinawakan ni Prescilla ang tasa at umupo sa gilid ng kama. “Hindi ko pa rin mawari ang nararamdaman ko. Parang... ang bilis ng lahat.”“Ako rin. Pero sa bawat pagdikit ng paa ko sa lupa, palapit nang palapit sa 'Pinas,

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 222

    Tahimik ang gabi. Tanging ang tunog ng malamig na hangin mula sa aircon at banayad na huni ng kuliglig mula sa labas ng hotel room ang maririnig. Maliit lang ang kwartong iyon, ngunit tila naging isang santuwaryo para kay Prescilla at Jal—isang lugar kung saan sila muling binuo ng kapalaran.Nakaupo si Prescilla sa gilid ng kama, pinapadede si Miguel. Malamlam ang ilaw, saksi sa mga matang punong-puno ng pagod, saya, at pangarap para sa anak. Sa harapan niya, tahimik na umiinom ng kape si Jal, nakaupo sa isang lumang silya. Sa bawat higop niya sa mainit na inumin, may lungkot sa kanyang mga mata, ngunit higit doon ang pagnanais na ayusin ang lahat ng nasira noon.“Ang bilis ng panahon,” bulong ni Prescilla, halos hindi marinig kung hindi dahil sa katahimikan ng gabi. “Parang kahapon lang, nasa isolation facility pa ako.”Tumango si Jal. “Oo,” mahinang tugon niya. “Pero ngayon, andito ka na. Kasama na natin si Miguel.”Napatingin si Prescilla sa lalaki, may bahid ng pag-aalinlangan ngu

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 221

    Isang buwan na ang lumipas mula nang huling magkausap si Prescilla at Jal sa video call. Isang buwan na ang nakalipas simula nang marinig niya ang masiglang tawa ng anak nilang si Miguel. At ngayon—sa wakas—hawak na niya ang resulta ng huling COVID test. Negative. Malaya na siya. Malaya na siyang muling mayakap ang pamilyang matagal na niyang pinangarap.Tahimik ang paligid ng discharge area. Ang amoy ng antiseptic at malalaking puting pader ay tila nagpapalakas ng kabog sa dibdib ni Prescilla. Hawak niya ang maliit na bag, parang kaya pa niyang magsingit ng ilang mga pangarap sa bawat sulok ng kanyang isipan. Ang mga simpleng blusa at faded jeans na suot niya ngayon ay nagbigay ng pakiramdam ng pagiging malaya. Ngunit kahit nakatago ang kanyang mukha sa mask, ang mga mata niyang punong-puno ng pangarap at takot ay nag-aalab pa rin sa pagkatalo at paghihirap.Sa loob ng kanyang maliit na backpack ay naroon ang mga lumang sketch—mga guhit ng buhay na tinangka niyang magtulungan muli sa

  • I'm Crazy For You    I'm Crazy For You Chapter 220

    Sa Gitna ng Laban: VietnamTahimik ang paligid. Malinis ang maliit na hotel room kung saan pansamantalang tumuloy si Jal Pereno kasama ang kanilang anak. Maaga pa, pero tirik na ang araw sa labas. Sa kabila ng sikat ng araw, tila may malamig na hangin na pumapawi sa init—hindi sa katawan, kundi sa puso.Nakatayo si Jal sa harap ng bintana. Suot pa rin niya ang parehong t-shirt na gamit niya kahapon. Halos hindi niya namamalayan ang paglipas ng oras. Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw niya ang malalayong gusali, ang banayad na trapiko sa ibaba, at ang mga taong tila wala namang alalahanin sa buhay. Iba sa sitwasyon niya ngayon. Iba sa realidad na kinasadlakan nila.Hawak niya ang cellphone. Bukas ang video call app. Tinitigan niya ito ng matagal. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Prescilla pero palaging hindi nasasagot.Napalingon siya sa crib na nasa tabi ng kama. Doon, mahimbing na natutulog ang kanilang sanggol. Mahigpit na yakap nito ang maliit na stuffed toy na binili n

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status