Nang sundan namin ang van kung saan sumakay si George nawala na kaagad sa unahan namin nang may humarang na truck."Puta!" sigaw ko na lang inutusan ko ang driver namin na puntahan ang next schedule ni George ngayong araw."Kumalma ka nga!" paninita sa akin ng manager ko nang magmura ako ng malutong sa loob ng van."Hindi ako kakalma kung malalaman ko lang kung sino ang babaeng 'yon sa loob ng van ni George!" sigaw ko sinampal ako bigla ng manager na kina-tigil ko naman at bumaling ang tingin ko sa kanila."Grabe ka kung mag-selos lahat na lang? Paano kung pamangkin, anak niya pala ang nakita mo? Mag-seselos ka pa rin ba, Karen gumising ka naman sa katotohanan hindi lang ikaw ang babae sa buhay ni Vhan!" sigaw ng manager sa akin at natigilan naman ako para akong sinampal sa katotohanan na hindi lang ako ang babaeng naging bahagi ng buhay ni George.Dinala kami nang driver sa taping ng teleserye ni George huminto mula sa kabilang kalsada ang van mula sa hinintuan namin marami nang sasa
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa loob ng van kung saan nagkaroon ng halikan na naganap. Pinag-tatawanan pa rin ako ng manager ko kahit mugto na ang mga mata ko sa kaka-iyak nang malaman ko ang nangyayari sa buhay ng anak ko pati sa ginawa ko sa asawa ko.Okay lang kaya siya?"Tumigil ka na!" pananaway ko na lang sa kanya na hindi pa rin tumitigil sa pag-tawa naglalakad na kami sa pathway papasok sa loob ng subdivision ng townhouse nito."Ikaw ba naman ang humalik at ikaw ang nanakit sa kanya, grabe! Sa gulat mo nasaktan mo siya nakita ko kaya ang pag-ngiwi niya kanina." kwento naman sa akin ng manager ko napansin ko din ang tinutukoy niya nang makababa kami sa van."Eee.." nasabi ko na lang sa kanya pinag-tinginan tuloy siya ng mga naglalakad na tao.Tumigil naman siya sa pag-tawa at mabuti hindi pamilyar ang mukha niya sa mga tao kundi pati ako pag-titinginan nila. "Nung sumakay ang asawa mo niyakap mo siya nakita kaya 'yon ng kabit kaya dito lang tayo binaba sa may kant
Pinapanood ko lang ang kanilang ginagawa sa set mula sa malayo normal naman ang ganitong scenes kaya hindi ako nakakaramdam ng pagka-inis natutuwa pa ako sa naririnig kong papuri sa mahal ko. Naka-halukipkip ako ng kamay nakatayo ako mula sa malayo ayokong lumapit sa kanila dahil magagambala ko ang trabaho nila. "Grabe ang galing ni Vhan!" papuring sabi ng manager ko sa kanya napangiti na lang ako sa nakikita ko matured na talaga ang role na binibigay sa kanila.Okay lang sa akin na ganito ang role na binibigay sa kanya kung hindi lang bibigyan ng kahulugan ang kanilang pagsasama katulad nangyari sa amin noon."Proud ako sa kanya," sabi ko na lang sa kanya nabaling naman nila sa akin."Oo nga naman, Karen proud ka kaso...alam natin na hindi lang ikaw ang proud sa ginagawa niya, ano kaya ang sasabihin niya sa'yo mamaya?" sabat ng manager ko natahimik naman ako sa sinabi niya natatakot ako sa mangyayaring pag-uusap namin mamaya."Kahit hindi natin isipin posibleng 'yon ang pag-uusapan
Hindi pa rin siya bumibitaw sa akin inalis ko ang dalawang kamay na naka-hawak sa akin at umupo ako sa harapan nito sa bato ng veranda hindi naman ako mahuhulog dahil may grills. Tumingala siya at malungkot na hinawakan ang kamay ko at hinayaan ko na lang tumingin naman ako sa mga anak ko."May babayaran ba kami sa lakad nyo, Riko?" tanong ko naman sa anak namin syempre meron ang ganoong lakad sa school."Meron, Ma wala pang announcement kung magkano ang babayaran namin sa ngayon ang sinabi lang kung saan kami dadalhin hindi pa 'yon confirm baka, magbago pa." sagot sa amin ng anak ko hindi pa rin pala nagbabago ang patakaran sa school palaging last two minutes ang lahat.Tumango na lang ako sa anak namin hinayaan kong umunan sa hita ko ang asawa ko hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. "Sabihan mo kami kung kailan kayo mag-babayad," sabi ko na lang sa anak ko nag-thumbs up siya nang kamay.Tinanong ko kung kumain na sila nang hapunan."Kami ni Riko, Ma kumain na si Papa hindi p
Nang makapasok kaming lahat sa loob ng van pina-alis ito kaagad ng manager nang mapansin namin maraming nag-kukumpulan umiiyak naman ako ng marinig ko mula kay George na magagawa niyang makipag-hiwalay sa akin. Okay naman kami, hindi ba?"Bakit???" sigaw ko na lang sa loob ng van humagulgol na lang ako nang iyak."Kasalanan mo 'yan," sabat nilang lahat sa akin hindi ako tumitingin sa kanila.Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan nila wala na akong pakialam."Oo, hindi maiiwasang mag-selos ka o si George sa ginagawa nyo sa pinasok nyong field na 'to eh pero, isipin mo naman ang mangyayari kung hindi nyo napigilan ang pag-seselos mo sa ginagawa nyo hindi ito maganda sa mata ng mga naka-paligid sa'yo at sa boyfriend mo mismo may limitasyon din ang lahat at sumabog na si George sa ginagawa mo sa kanya." sabat ng isa sa kasama namin walang nagsalita pati ang manager ko tahimik."Mabuti nga si George kahit aminado siyang seloso siya nauunawaan niya ang trabaho nyo walang personalan, ikaw,
Nang maihatid nila ako sa bahay namin natitigilan na lang ako dahil ang lungkot ng pakiramdam ko sa loob ng bahay nang makapasok ako sa loob. Gutom ako pero wala akong ganang kumain kaya umakyat na lang ako sa kwarto namin ng buksan ko ang pintuan bumungad sa akin ang gamit niya na hindi pa kasamang dinala.Lumupasay ako sa sahig at humagulgol ako nang iyak tumalungko ako ng pwesto at sumiksik sa gilid ng pintuan. Mali ba na mag-selos ako sa nakita ko?Naalala ko ang sinabi ng manager ko nang bumaba ako sa van."Normal na makaramdam ka ng selos, Karen pero nasa industriya ka showbiz na maraming makakasama si George hindi buo ang tiwalang binigay mo sa kanya dahil kung buo hindi ka mag-seselos ng ganyan sa mga babaeng naka-paligid sa kanya...alam naman natin na seloso siya, bakit hindi siya katulad mo na konting galaw selos na? Alam niyang trabaho lang ang nangyayari at may tiwala siya sa'yo na hindi mo siya lolokohin at ikaw sa kanya wala kang tiwala na hindi ka niya lolokohin, Karen
Habang ngluluto ako ng lunch ko may humablot sa kamay ko napalingon ako sa likuran ko. Narinig ko kanina na may tinawagan ang manager ko sa cellphone nang tumalikod ako sa kanila kanina."Karen! Uulitin mo ba ang ginawa mo sa sarili mo?" sigaw ng manager ko sa harapan ko hindi ko na lang siya pinansin at binalya ko ang kamay naka-hawak sa akin.Wala akong imik na tumalikod sa kanya at huminto ako sa gagawin ko nang mag-basag siya nang baso sa lababo umilag naman ako dahil baka matamaan ako sa mukha. Sinampal ako sa mukha nang manager ko na kinabigla ko naman hindi ito bago sa akin pero..."Bakit mo ako sinampal?" sigaw ko sa manager ko at hinawakan ko bigla ang mukha ko.Hinaltak niya ako bigla palabas ng kusina nagulat ang mga kasama namin ng lumingon sila sa amin at inutusan ng manager ko ang isa sa kanila na magluto nang pagkain namin."Wala pang isang linggo, Karen gusto mo nang gumawa ng dahilan ng kamatayan mo." nasabi na lang sa akin ng manager ko nang ibalibag ako sa sofa umus
Nang makarating ako sa mall nagpunta muna ako sa department store para mamili ng damit para sa mga anak ko napansin ko ang mga suot nila pinag-lumaan nang panahon binibili sila ng kanilang ama dahil may mga branded na damit naka-sabit sa kanilang cabinet. Wala pa akong nabibili sa kanila mula nang magkita kami ulit at tumira sa isang bahay.Kinuha ko ang cellphone sa bag nang tumunog bigla nabasa ko na tumatawag ang manager ko sinagot ko naman kaagad.Calling...Manager: Hello, Nikka, jigeum eodi issnayo?(Where are you now?)Tumigil ako sa tabi nang may nag-excuse me sa likuran ko. Wala akong facemask dahil naiinitan ako at hinihintay ko ang kaibigan ko dito sa loob.Nikka: Waeyo, maenijeonim?(Why, manager?)Marami na ako napili para sa dalawang anak ko may binili akong ref cover natandaan ko marumi na ang nakalagay sa ibabaw ng ref.Manager: Dangsin-eun imi dangsin-ui eobmuwa chingue daehan iljeong-eul gajigo iss-eumeulo geunyeoege gyeong-yeongjin-ui jean-eul sulaghalago malhasibs
Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap
Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar
After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil
Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m
Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill
Nasa dressing room ako na nagpapahinga nang magsalita ang kasama ko sa loob nabaling ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Karen. "Vhan, bumalik na siya..." bulalas nito hindi pa ako lumilingon sa kanya. "Sinong bumalik?" tanong ng manager ko sa kanya hindi ko siya pinapansin. Nag-uusap naman sila nang mahina bago lakasan. "Si Karen, bumalik na siya ang alam natin umalis siya ng bansa at umalis sa network kinontak ako ng mga dati niyang ka-team para humingi ng favor." sagot kaagad nito sa amin at pinakita sa amin ang text message at tawag. Humarap na ako sa kanya dahil sa favor na binanggit nito sa amin. "Gusto niya na mag-usap kayong dalawa sa akin siya dumaan para sabihin ko ito sa'yo hindi nila sinabi ang reason pero, binanggit nila na hindi ito magmamakaawa na mag-balikan kayo." tugon naman nito sa amin kailangan talaga namin mag-usap alam kong nabalitaan niya na ang tungkol sa pag-amin namin ni Nikka. "Sabihin mo sa kanila na pumapayag ako makipagkita sa
Mahigit ilang buwan ako nag-stay sa ibang bansa para magpahinga muna nagkaroon ako ng anxiety at depression ng magpa-check up ako sa doctor pinayuhan ako na magpahinga at umalis sa bansa para hindi ako ma-stress kinausap ko na rin ang management ng network ko at umalis na ako sa station bilang artist nila mula ng mag-eskandalo ang baguhan na celebrity. Kahit malayo ako nababalitaan ko pa rin ang nangyayari sa Pilipinas ng dahil sa worldwide news. Umamin sina Nikka at George sa tunay nilang relasyon may nagulat at hindi naniwala sa kanila pero, nakikita ko sa kanila ang katotohanan sa kanilang mukha.Akala ng ibang fans at tao hindi totoo ang kanilang inamin sa public dahil sa surgery na ginawa kay Nikka pagkatapos ng aksidente nito. Naniwala lang sila nang ipakita nila ang patunay na kasal sila ang singsing na palaging suot ni George na ginawa pala niyang kwintas.Suot naman ni Nikka ang singsing sa palasingsingan na palagi kong natatanaw sa kanya sa tuwing nagkikita kaming dalawa."
Nagluluto na ako ng hapunan nang dumating ang mga anak ko mula sa mga kaibigan nila nagsabi naman sila na gagabihin sila ng uwi pagkatapos na nangyari sa amin ng asawa ko nang ilang beses naglinis na kami ng bahay."Kamusta ang therapy, anak?" tanong niya sa anak namin nang bumaba ito mula sa kwarto."Umo-okay na ako, Pa hindi naman mawawala kaagad ang nangyari sa akin hindi ba kahit wala si Mama nagpapa-therapy na ako gagaling din ako." sagot ng anak ko nang marinig ko 'yon tinuloy ko ang ginagawa ko.Napatingin naman ako sa bunso ko nang tumabi sa akin dahil nagsalita ito."Ma, may dinagdag na gamot kay ate para sure na gumaling siya." bungad ng anak ko sa akin tinanong ko naman kung posible bang magwala ito kung sakaling makaranas ng pang-aabuso sa mga tao."Magwawala pa rin si ate pero dapat i-maintain ang gamot na iinumin niya masyadong masalimuot ang nangyari sa kanya ng dahil kay tito," bulalas ng anak ko huminga na lang ako sa harapan nito hindi sila tumanggi sa pagsama sa aki