Nang maihatid nila ako sa bahay namin natitigilan na lang ako dahil ang lungkot ng pakiramdam ko sa loob ng bahay nang makapasok ako sa loob. Gutom ako pero wala akong ganang kumain kaya umakyat na lang ako sa kwarto namin ng buksan ko ang pintuan bumungad sa akin ang gamit niya na hindi pa kasamang dinala.Lumupasay ako sa sahig at humagulgol ako nang iyak tumalungko ako ng pwesto at sumiksik sa gilid ng pintuan. Mali ba na mag-selos ako sa nakita ko?Naalala ko ang sinabi ng manager ko nang bumaba ako sa van."Normal na makaramdam ka ng selos, Karen pero nasa industriya ka showbiz na maraming makakasama si George hindi buo ang tiwalang binigay mo sa kanya dahil kung buo hindi ka mag-seselos ng ganyan sa mga babaeng naka-paligid sa kanya...alam naman natin na seloso siya, bakit hindi siya katulad mo na konting galaw selos na? Alam niyang trabaho lang ang nangyayari at may tiwala siya sa'yo na hindi mo siya lolokohin at ikaw sa kanya wala kang tiwala na hindi ka niya lolokohin, Karen
Habang ngluluto ako ng lunch ko may humablot sa kamay ko napalingon ako sa likuran ko. Narinig ko kanina na may tinawagan ang manager ko sa cellphone nang tumalikod ako sa kanila kanina."Karen! Uulitin mo ba ang ginawa mo sa sarili mo?" sigaw ng manager ko sa harapan ko hindi ko na lang siya pinansin at binalya ko ang kamay naka-hawak sa akin.Wala akong imik na tumalikod sa kanya at huminto ako sa gagawin ko nang mag-basag siya nang baso sa lababo umilag naman ako dahil baka matamaan ako sa mukha. Sinampal ako sa mukha nang manager ko na kinabigla ko naman hindi ito bago sa akin pero..."Bakit mo ako sinampal?" sigaw ko sa manager ko at hinawakan ko bigla ang mukha ko.Hinaltak niya ako bigla palabas ng kusina nagulat ang mga kasama namin ng lumingon sila sa amin at inutusan ng manager ko ang isa sa kanila na magluto nang pagkain namin."Wala pang isang linggo, Karen gusto mo nang gumawa ng dahilan ng kamatayan mo." nasabi na lang sa akin ng manager ko nang ibalibag ako sa sofa umus
Nang makarating ako sa mall nagpunta muna ako sa department store para mamili ng damit para sa mga anak ko napansin ko ang mga suot nila pinag-lumaan nang panahon binibili sila ng kanilang ama dahil may mga branded na damit naka-sabit sa kanilang cabinet. Wala pa akong nabibili sa kanila mula nang magkita kami ulit at tumira sa isang bahay.Kinuha ko ang cellphone sa bag nang tumunog bigla nabasa ko na tumatawag ang manager ko sinagot ko naman kaagad.Calling...Manager: Hello, Nikka, jigeum eodi issnayo?(Where are you now?)Tumigil ako sa tabi nang may nag-excuse me sa likuran ko. Wala akong facemask dahil naiinitan ako at hinihintay ko ang kaibigan ko dito sa loob.Nikka: Waeyo, maenijeonim?(Why, manager?)Marami na ako napili para sa dalawang anak ko may binili akong ref cover natandaan ko marumi na ang nakalagay sa ibabaw ng ref.Manager: Dangsin-eun imi dangsin-ui eobmuwa chingue daehan iljeong-eul gajigo iss-eumeulo geunyeoege gyeong-yeongjin-ui jean-eul sulaghalago malhasibs
Napalingon kami nang bumukas ang pintuan ng bahay pumasok ang naka-simangot kong manager at lumapit sa amin sa sala."Grabe! Hindi man lang kayo nag-imbita!" sabi ng manager ko sa amin tumabi ito sa kaibigan ko na masama kung makatingin naiiling na lang ako sa kanila."Alam naman kasi namin na busy ka, manager hindi ka busy?" tanong ng asawa ko sa kanya nilayo ako nang manager ko at umusog ako nang bahagya."Wala nga akong ginagawa kanina pa, George may ganito pala kayong plano hindi nyo ako sinabihan? Okay ka lang, George?" tanong ng manager ko sa asawa ko nang hampasin ang binti nito nang magtanong.Siniko ko ang manager ko dahil alam kong lasing na ang asawa ko pero, hindi lang ako sigurado kung nasa katinuan pa siya. Nabaling naman ang tingin namin sa kanya nang magsalita siya."Ako at si Karen, hiwalay na." sagot niya sa amin at wala kami naging reaksyon sa binanggit niya.Walang nagsalita sa amin nang sabihin niya 'yon sa harap ng mga kasama namin."Sino sa dalawang babaeng maha
Wala na akong balita kay George mula nang magkausap kami noong nakaraang araw at nakipag-hiwalay siya sa akin. Kinokontak ko siya para magkausap kaming dalawa pero, hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko. Kapag pinupuntahan ko ang mga taping niya hindi ko siya nakikita kahit nandoon ang manager nito natatandaan ko tuloy ang sinabi ng manager nito sa akin."Kailangan niya ng space, Karen lumayo ka muna sa kanya kung ayaw mong tuluyan na siyang lumayo sa'yo at ayaw niyang makipag-usap sa'yo pakalmahin mo naman ang sarili mo maawa ka naman sa kanya." tugon ng manager nito sa akin nang lapitan ko ito sa gilid nung makita ko ito sa taping.Napansin ko pa na tumingin ang mga tao sa amin."Gusto kong malinawagan sa sinabi niya sa akin," pahayag ko sa manager ni George nakita ko ang pag-iling nito sa harapan ko."Gusto mo ba kumalat ang nangyayari sa inyo ni George? Gusto niya ng katahimikan ngayon at huwag mong balakin na kausapin ang mga anak niya dahil hindi ka nila kakausapin." bangg
Nakaka-bigla ang ginawa ng asawa ko sa akin nilapitan niya ako sa harap ng maraming tao at lalo na nandoon si Karen kanina sinundan ko na lang siya nang tingin. Nang tatalikod na ako napansin ko na nakatingin naman sa akin si Karen hindi na ako umiwas ng tingin. Nilampasan na lang niya ako pero, nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Wala naman kaming dalawa kaya hindi ko kailangan mailang sa kanya ngayon kung ano man ang nangyari sa aming dalawa kasalanan niya nakipag-hiwalay ako dahil parang naubos na ako sa relasyon na meron kaming dalawa at sa pag-seselos niya na wala nang katuturan."Vhan," tawag pansin ng mga kapwa kong artista nang pumasok ako sa standby area para sa mga lalaki.Binati ko na lang sila nang makipag-fist bomb ako ng kamao sa kanila."Okay ka lang?" pagtatanong nila sa akin may naririnig na akong balita na may nalalaman na ang lahat tungkol sa pag-hihiwalay naming dalawa ni Karen.Kahit hindi mula sa panig ni Karen ang balita nalalaman pa rin nilang
Pumunta ako sa standby area kasama ang kaibigan ko sumunod ang manager namin—at ang personal assistant ko. Umalis na ang ibang cast dahil tapos na ang kanilang eksena sa taping. Naiwan kaming dalawa ng kaibigan ko kasama ng ibang ka-eksena pa namin kasama na doon ang kabit ng asawa ko na si Karen."Grabe ka, Nikka ang galing mo kahit baguhan ka lang sa pag-arte." puna ng isa sa cast natahimik naman ako sa binanggit nito."Sa karanasan lang 'yan sa buhay, gurl parang dinama ng kaibigan ko ang pinag-daanan niya sa eksena." sabi ng kaibigan ko sa naka-puna sa akting ko inaayusan ako ng make-up artist may pinakilala sa akin ang director na dalawang bata na mag-papanggap na anak namin ng asawa ko sa telaerye."Pinag-taksilan ka ng asawa mo?" pahayag ng kasamahan namin sa loob ng standby area hindi ako pala-kwento ng buhay ko sa ibang tao na hindi ko malapit.Hindi ako sumagot at napatingin sa akin ang nagsalita tumango kaagad ito pagkatapos."Ang masasabi ko lang siguro, okay na kami ng a
Nagtaka ako ng hindi man lang nagsalita si Nikka habang ume-eksena kami may napansin ako sa mukha niya. Tinawag ko ang director para malaman ang nangyayari sa kaharap ko."Direk! Hindi okay si Nikka Guzman!" tawag pansin ko sa director at nang sumigaw ang director doon lang gumalaw si Nikka.Lumapit kaagad ang manager niya at lumayo kami ng dalawang batang kasama namin."Miss Karen, she's okay?" baling natanong sa akin ng isa sa child star minasdan ko tuloy si Nikka na nahimasmasan na para siyang natigilan ng hindi ko malaman ang dahilan."No, she's not okay.." sagot ko nang totoo napansin ko naman na humihinahon na si Karen."What happened to her?" bungad ng assistant director sa amin walang sumasagot sa amin lalo na sa dalawang nakatalikod.Walang sumasagot at tumalikod na sila sa amin sinundan ko na lang nang tingin ang papalayo nilang pigura. Tumigil lang sila nang magsalita ang child star na katabi ko kanina na hindi ko namalayang lumayo na sa akin."Miss Nikka, are you alright?"