Nang makarating ako sa mall nagpunta muna ako sa department store para mamili ng damit para sa mga anak ko napansin ko ang mga suot nila pinag-lumaan nang panahon binibili sila ng kanilang ama dahil may mga branded na damit naka-sabit sa kanilang cabinet. Wala pa akong nabibili sa kanila mula nang magkita kami ulit at tumira sa isang bahay.Kinuha ko ang cellphone sa bag nang tumunog bigla nabasa ko na tumatawag ang manager ko sinagot ko naman kaagad.Calling...Manager: Hello, Nikka, jigeum eodi issnayo?(Where are you now?)Tumigil ako sa tabi nang may nag-excuse me sa likuran ko. Wala akong facemask dahil naiinitan ako at hinihintay ko ang kaibigan ko dito sa loob.Nikka: Waeyo, maenijeonim?(Why, manager?)Marami na ako napili para sa dalawang anak ko may binili akong ref cover natandaan ko marumi na ang nakalagay sa ibabaw ng ref.Manager: Dangsin-eun imi dangsin-ui eobmuwa chingue daehan iljeong-eul gajigo iss-eumeulo geunyeoege gyeong-yeongjin-ui jean-eul sulaghalago malhasibs
Napalingon kami nang bumukas ang pintuan ng bahay pumasok ang naka-simangot kong manager at lumapit sa amin sa sala."Grabe! Hindi man lang kayo nag-imbita!" sabi ng manager ko sa amin tumabi ito sa kaibigan ko na masama kung makatingin naiiling na lang ako sa kanila."Alam naman kasi namin na busy ka, manager hindi ka busy?" tanong ng asawa ko sa kanya nilayo ako nang manager ko at umusog ako nang bahagya."Wala nga akong ginagawa kanina pa, George may ganito pala kayong plano hindi nyo ako sinabihan? Okay ka lang, George?" tanong ng manager ko sa asawa ko nang hampasin ang binti nito nang magtanong.Siniko ko ang manager ko dahil alam kong lasing na ang asawa ko pero, hindi lang ako sigurado kung nasa katinuan pa siya. Nabaling naman ang tingin namin sa kanya nang magsalita siya."Ako at si Karen, hiwalay na." sagot niya sa amin at wala kami naging reaksyon sa binanggit niya.Walang nagsalita sa amin nang sabihin niya 'yon sa harap ng mga kasama namin."Sino sa dalawang babaeng maha
Wala na akong balita kay George mula nang magkausap kami noong nakaraang araw at nakipag-hiwalay siya sa akin. Kinokontak ko siya para magkausap kaming dalawa pero, hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko. Kapag pinupuntahan ko ang mga taping niya hindi ko siya nakikita kahit nandoon ang manager nito natatandaan ko tuloy ang sinabi ng manager nito sa akin."Kailangan niya ng space, Karen lumayo ka muna sa kanya kung ayaw mong tuluyan na siyang lumayo sa'yo at ayaw niyang makipag-usap sa'yo pakalmahin mo naman ang sarili mo maawa ka naman sa kanya." tugon ng manager nito sa akin nang lapitan ko ito sa gilid nung makita ko ito sa taping.Napansin ko pa na tumingin ang mga tao sa amin."Gusto kong malinawagan sa sinabi niya sa akin," pahayag ko sa manager ni George nakita ko ang pag-iling nito sa harapan ko."Gusto mo ba kumalat ang nangyayari sa inyo ni George? Gusto niya ng katahimikan ngayon at huwag mong balakin na kausapin ang mga anak niya dahil hindi ka nila kakausapin." bangg
Nakaka-bigla ang ginawa ng asawa ko sa akin nilapitan niya ako sa harap ng maraming tao at lalo na nandoon si Karen kanina sinundan ko na lang siya nang tingin. Nang tatalikod na ako napansin ko na nakatingin naman sa akin si Karen hindi na ako umiwas ng tingin. Nilampasan na lang niya ako pero, nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Wala naman kaming dalawa kaya hindi ko kailangan mailang sa kanya ngayon kung ano man ang nangyari sa aming dalawa kasalanan niya nakipag-hiwalay ako dahil parang naubos na ako sa relasyon na meron kaming dalawa at sa pag-seselos niya na wala nang katuturan."Vhan," tawag pansin ng mga kapwa kong artista nang pumasok ako sa standby area para sa mga lalaki.Binati ko na lang sila nang makipag-fist bomb ako ng kamao sa kanila."Okay ka lang?" pagtatanong nila sa akin may naririnig na akong balita na may nalalaman na ang lahat tungkol sa pag-hihiwalay naming dalawa ni Karen.Kahit hindi mula sa panig ni Karen ang balita nalalaman pa rin nilang
Pumunta ako sa standby area kasama ang kaibigan ko sumunod ang manager namin—at ang personal assistant ko. Umalis na ang ibang cast dahil tapos na ang kanilang eksena sa taping. Naiwan kaming dalawa ng kaibigan ko kasama ng ibang ka-eksena pa namin kasama na doon ang kabit ng asawa ko na si Karen."Grabe ka, Nikka ang galing mo kahit baguhan ka lang sa pag-arte." puna ng isa sa cast natahimik naman ako sa binanggit nito."Sa karanasan lang 'yan sa buhay, gurl parang dinama ng kaibigan ko ang pinag-daanan niya sa eksena." sabi ng kaibigan ko sa naka-puna sa akting ko inaayusan ako ng make-up artist may pinakilala sa akin ang director na dalawang bata na mag-papanggap na anak namin ng asawa ko sa telaerye."Pinag-taksilan ka ng asawa mo?" pahayag ng kasamahan namin sa loob ng standby area hindi ako pala-kwento ng buhay ko sa ibang tao na hindi ko malapit.Hindi ako sumagot at napatingin sa akin ang nagsalita tumango kaagad ito pagkatapos."Ang masasabi ko lang siguro, okay na kami ng a
Nagtaka ako ng hindi man lang nagsalita si Nikka habang ume-eksena kami may napansin ako sa mukha niya. Tinawag ko ang director para malaman ang nangyayari sa kaharap ko."Direk! Hindi okay si Nikka Guzman!" tawag pansin ko sa director at nang sumigaw ang director doon lang gumalaw si Nikka.Lumapit kaagad ang manager niya at lumayo kami ng dalawang batang kasama namin."Miss Karen, she's okay?" baling natanong sa akin ng isa sa child star minasdan ko tuloy si Nikka na nahimasmasan na para siyang natigilan ng hindi ko malaman ang dahilan."No, she's not okay.." sagot ko nang totoo napansin ko naman na humihinahon na si Karen."What happened to her?" bungad ng assistant director sa amin walang sumasagot sa amin lalo na sa dalawang nakatalikod.Walang sumasagot at tumalikod na sila sa amin sinundan ko na lang nang tingin ang papalayo nilang pigura. Tumigil lang sila nang magsalita ang child star na katabi ko kanina na hindi ko namalayang lumayo na sa akin."Miss Nikka, are you alright?"
Nang umalis na kaming tatlo sa lokasyon ng taping sumimangot ako sa ginawa ng kaibigan ko."Bakit mo pina-alam sa kanya ang nangyari sa akin wala na siyang karapatan malaman 'to kahit meron...wala na kami!" paninita ko sa kaibigan nasa likod kaming dalawa ng kaibigan ko."Worried lang ako sa'yo kapag umuwi ka na sa townhouse," sagot naman sa akin ng kaibigan ko at hinampas ko na lang siya nang bag ko."Dapat sa mga anak ko na lang sinabi, ano?!" inis kong sagot sa kanya may pupuntahan kaming tatlo na studio ngayon."May oras pa ba tayo para pumunta doon? Tumagal kasi ang ginagawa natin sa taping." tanong ng kaibigan ko sa manager namin nang hindi tumitingin sa akin iniiwasan niya talaga ako."Meron, practice lang naman 'yon para sa mga baguhan tapos ipapakilala kayo as new instructor kaya simula bukas maaga ko na kayo pupuntahan sa inyo, Willow sa townhouse ka na kaya tumira?" sabi naman ng manager namin sa kaibigan."Huwag na uy!! Unahin mo na lang ako puntahan bago itong babaeng 'to
Nang maihatid ako nang manager ko sa townhouse wala pa ang mga anak ko at nabaling ang tingin ko sa orasan para tignan kung anong oras na para makapag-linis pa ako ng bahay. Tinalikuran naman kaagad ako nang manager ko at pumunta sa kwarto para makapag-palit ng damit bago ako bumaba ulit naabutan kong nakaupo na sa sofa ang manager ko."Parang nabuo lang ulit ang pamilya mo, Nikka mula nang tumira ang asawa mo dito, wala ba siyang balak na umalis dito?" tanong ng manager ko nang pupunta ako kusina."Tatanungin ko siya kapag may oras ang mokong alam mong busy ang taong 'yon mula nang makipag-hiwalay sa kabit niya wala kami oras para mag-usap ng matagal," banggit ko sa manager ko at pumunta na ako sa kusina para mag-luto sinabihan ko naman ang manager ko nang lumapit siya sa akin."Para kayong buong pamilya ulit kahit hindi na," bungad ng manager ko sa tabi ko bumaling naman ang tingin ko sa kanya."Dito ka na kumain ng hapunan bago ka umuwi sa condo mo maaga pa tayo bukas sa studio," s