Nang umalis na kaming tatlo sa lokasyon ng taping sumimangot ako sa ginawa ng kaibigan ko."Bakit mo pina-alam sa kanya ang nangyari sa akin wala na siyang karapatan malaman 'to kahit meron...wala na kami!" paninita ko sa kaibigan nasa likod kaming dalawa ng kaibigan ko."Worried lang ako sa'yo kapag umuwi ka na sa townhouse," sagot naman sa akin ng kaibigan ko at hinampas ko na lang siya nang bag ko."Dapat sa mga anak ko na lang sinabi, ano?!" inis kong sagot sa kanya may pupuntahan kaming tatlo na studio ngayon."May oras pa ba tayo para pumunta doon? Tumagal kasi ang ginagawa natin sa taping." tanong ng kaibigan ko sa manager namin nang hindi tumitingin sa akin iniiwasan niya talaga ako."Meron, practice lang naman 'yon para sa mga baguhan tapos ipapakilala kayo as new instructor kaya simula bukas maaga ko na kayo pupuntahan sa inyo, Willow sa townhouse ka na kaya tumira?" sabi naman ng manager namin sa kaibigan."Huwag na uy!! Unahin mo na lang ako puntahan bago itong babaeng 'to
Nang maihatid ako nang manager ko sa townhouse wala pa ang mga anak ko at nabaling ang tingin ko sa orasan para tignan kung anong oras na para makapag-linis pa ako ng bahay. Tinalikuran naman kaagad ako nang manager ko at pumunta sa kwarto para makapag-palit ng damit bago ako bumaba ulit naabutan kong nakaupo na sa sofa ang manager ko."Parang nabuo lang ulit ang pamilya mo, Nikka mula nang tumira ang asawa mo dito, wala ba siyang balak na umalis dito?" tanong ng manager ko nang pupunta ako kusina."Tatanungin ko siya kapag may oras ang mokong alam mong busy ang taong 'yon mula nang makipag-hiwalay sa kabit niya wala kami oras para mag-usap ng matagal," banggit ko sa manager ko at pumunta na ako sa kusina para mag-luto sinabihan ko naman ang manager ko nang lumapit siya sa akin."Para kayong buong pamilya ulit kahit hindi na," bungad ng manager ko sa tabi ko bumaling naman ang tingin ko sa kanya."Dito ka na kumain ng hapunan bago ka umuwi sa condo mo maaga pa tayo bukas sa studio," s
Lumapit kaming dalawa ng manager ko sa may-ari nang BFL Broadcasting Corporation aka Ainrofilac Network."Maupo kayo," tawag sa amin ng Chairman at CEO na si Felicidad Mondragon.Nabaling pa ang tingin ko sa manager ko bago lumakad para umupo sa bakanteng upuan."Magandang araw sa inyong dalawa," bati sa amin ni Attorney Ambrosio Mondragon at bumati na rin ako sa kanila.May bagong President Of Entertainment TV, at pinakilala ito sa buong industriya nang showbiz si Attorney Richard Chen isang chinese lawyer at may COO/President na si Stewart Robert, isang American at entrepreneur na naninirahan sa Pilipinas.Tumango na lang sila sa amin at nagsalita na si Attorney Ambrosio Mondragon."Mr. Sixto George Nieva also known Vhan Nieva, may natuklasan kami sa buhay mo na hindi namin nalaman kaagad mula nang magsimula ka sa Ainrofilac Network." panimula sa amin ni Attorney Ambrosio Mondragon.Kinakabahan ako bigla at ma-terminate ang kontrata ko sa kanilang network."May asawa ka na at kasal
Nang makarinig ako ng ugong sumilip muna ako sa may bintana kung kaninong sasakyan ang huminto sa tapat ng townhouse. Nang makilala ko ang van na huminto lumabas na ako sa kwarto at bumaba na ako dahil nag-doorbell na ang asawa ko lumingon pa ako sa kwarto ng anak ko nang hindi bumukas ibig sabihin nag-papahinga na ito walang duplicate key ang asawa ko hindi siya binigyan ng magaling kong manager.Binuksan ko ang pintuan ng townhouse bago lumakad papunta sa may gate nagka-tinginan na lang kaming dalawa ng asawa ko bago buksan ang gate. Pumasok naman ang asawa ko ng nilakihan ko ang buka ng gate tumalikod na kaagad ako nararamdaman ko ang pag-taas ng balahibo ko huminga na lang ako."Mag-pahinga ka na, Ma nagsabi pala si Genikka na hindi siya makaka-uwi ngayon." narinig kong banggit ng asawa ko lumingon naman ako sa kanya at tumango sanay ang mga anak ko na sa kanya lang nagsasabi ng ganitong bagay.Iniwan ko na siya at bumalik sa kwarto para mag-pahinga may napansin akong kakaiba sa m
Hindi niya narinig ang pag-tawag ko sa kanya at nang ulitin ko ang pag-tawag lumingon naman siya sa akin."Bakit?" tanong niya kaagad at nang mapansin namin na lumabas mula sa banyo ang anak namin nilapitan niya kaagad ito para pingutin ang tenga.Nagsumbong na lang sa akin ang anak namin na pinag-tawanan ko na lang nanghihinayang ako na hindi ko ito nasilayan habang lumalaki ang anak ko na kasama ang kapatid at ang Papa niya. Takot ako nung panahon na 'yon na bumalik ako sa Pilipinas na walang ipon na pera kasi, baka...wala na akong maabutan sa bahay.Nakatakas sa asawa ko ang anak namin at tinapik ko ang kamay nito sumenyas na ituloy ang ginagawa. Sinundan niya nang tingin ang anak namin at nabaling ang tingin niya sa akin nilapitan niya at kinuha ang hawak ko at nilapag sa tiles para hindi bumagsak."Ma, ilang araw na hindi ako papasok sa trabaho gusto ko sana na mag-usap tayo ng masinsinan tungkol sa totoong estado ng pamilya natin, Ma alam nating dalawa na hindi nating gusto na m
Nagulat kaming lahat sa ginawa ng kaibigan nang manager namin ng parusahan nito ang mga late pumasok. Nasa itaas sila ng mahabang kahoy na makitid pa sa tulay nakatayo kaming lahat sa gilid at ang ibang modelo nakatingin sa mga kasamahan nila katabi namin ang ibang modelong tinuturuan namin."Kung ayaw nyo matuto sa paglalakad ng tama sa pagiging modelo nyo umalis kayo sa studio ko kakausapin ko ang guardian nyo para mabayaran ako ng buo, hindi kami magpapa-kahirap ng mga instructor sa mga katulad nyo na napaka-sutil ng ugali! Respeto naman sa amin newbie pa lang kayo ganyan na kayong lahat, paano pa kaya kapag tumagal kayo sa industriyang pinasok nyo?" sigaw ng kaibigan nang manager ko sa mga na-late na modelo hindi naman ito pinapa-hinto nang manager ko dahil pikang-pika na ito ngayon."Gusto nyo ba matulad sa kanila na pinarusahan kung mahuhuli sa klase?" tanong ng kaibigan ko sa mga katabi naming modelo."No, ate Willow mas gusto ko 'yong kanina kahit strict si ma'am Irene sobrang
Nang dumating ang order ng kaibigan ko tinawag namin ang mga modelong tinuruan namin. Ang mga modelong lalaki hinanda ang mahabang mesa sa gilid nagpaalam pa sila sa may-ari ng studio dahil baka mapagalitan sila."Pahinga lang kami," tawag pansin ng kaibigan ko tinuro pa niya ang relo na suot.Tinawag ko naman ang manager namin na nanonood sa mga naparusahang modelo."Mga pasaway kasi," bungad ng manager ko sa amin nang tumabi ito nang upo sa isa sa modelo.Pinapagalitan nito ang mga modelo na huwag tumulad sa kanila."Ayaw namin talaga, ate dahil sobra na sila..." sabi ng ibang modelo sa amin abusado na daw ang mga napagalitang modelo."Bakit?" tanong ng kaibigan ko sa kanila napaka-chismosa talaga niya!"May koneksyon sila sa industriyang 'to, kamag-anak ng mga sikat na fashion designer ang mga napagalitang modelo, ate Willow at ate, wala naman pakialam ang pamilya nila sa kanila dahil nga pasaway sila." sabi nila sa amin normal naman ito sa industriyang 'to natawa sila at hindi ako
Nagtataka ako sa kanya sa tuwing may eksena kaming dalawa nababago ang dialogue na binabanggit niya sa harapan ko hindi naman ako tanga para hindi mapansin na nakaka-relate siya sa bawat eksena namin. Ganitong-ganito ang nangyari sa kanila ng ex-partner niya sa pamilya niya nang tanungin ko siya noong malaman ko na naka-balik na ito mula sa ibang bansa.Kina-cut ng director ang eksena namin at sinabihan na mag-pahinga kaming lahat pero, lahat sa amin naka-pansin na hinila nito si Vhan palayo sa amin."Anong nangyayari sa ex mo at parang lutang siya?" bungad ng mga ka-team ko sa tabi ko hindi naman ako naka-sagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot."Parehas ang tanong natin kaya tignan mo siya," sabat naman ng manager ko tinulak naman niya ako palayo sa kanila.Sinundan ko na lang si Vhan nang dalhin ng director sa pwesto nito hindi nakasara ang pintuan at may siwang sumandal ako sa gilid para hindi ako matumba. "Vhan," tawag ng director sa dati kong boyfriend kahit hindi ko pa rin
Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap
Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar
After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil
Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m
Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill
Nasa dressing room ako na nagpapahinga nang magsalita ang kasama ko sa loob nabaling ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Karen. "Vhan, bumalik na siya..." bulalas nito hindi pa ako lumilingon sa kanya. "Sinong bumalik?" tanong ng manager ko sa kanya hindi ko siya pinapansin. Nag-uusap naman sila nang mahina bago lakasan. "Si Karen, bumalik na siya ang alam natin umalis siya ng bansa at umalis sa network kinontak ako ng mga dati niyang ka-team para humingi ng favor." sagot kaagad nito sa amin at pinakita sa amin ang text message at tawag. Humarap na ako sa kanya dahil sa favor na binanggit nito sa amin. "Gusto niya na mag-usap kayong dalawa sa akin siya dumaan para sabihin ko ito sa'yo hindi nila sinabi ang reason pero, binanggit nila na hindi ito magmamakaawa na mag-balikan kayo." tugon naman nito sa amin kailangan talaga namin mag-usap alam kong nabalitaan niya na ang tungkol sa pag-amin namin ni Nikka. "Sabihin mo sa kanila na pumapayag ako makipagkita sa
Mahigit ilang buwan ako nag-stay sa ibang bansa para magpahinga muna nagkaroon ako ng anxiety at depression ng magpa-check up ako sa doctor pinayuhan ako na magpahinga at umalis sa bansa para hindi ako ma-stress kinausap ko na rin ang management ng network ko at umalis na ako sa station bilang artist nila mula ng mag-eskandalo ang baguhan na celebrity. Kahit malayo ako nababalitaan ko pa rin ang nangyayari sa Pilipinas ng dahil sa worldwide news. Umamin sina Nikka at George sa tunay nilang relasyon may nagulat at hindi naniwala sa kanila pero, nakikita ko sa kanila ang katotohanan sa kanilang mukha.Akala ng ibang fans at tao hindi totoo ang kanilang inamin sa public dahil sa surgery na ginawa kay Nikka pagkatapos ng aksidente nito. Naniwala lang sila nang ipakita nila ang patunay na kasal sila ang singsing na palaging suot ni George na ginawa pala niyang kwintas.Suot naman ni Nikka ang singsing sa palasingsingan na palagi kong natatanaw sa kanya sa tuwing nagkikita kaming dalawa."
Nagluluto na ako ng hapunan nang dumating ang mga anak ko mula sa mga kaibigan nila nagsabi naman sila na gagabihin sila ng uwi pagkatapos na nangyari sa amin ng asawa ko nang ilang beses naglinis na kami ng bahay."Kamusta ang therapy, anak?" tanong niya sa anak namin nang bumaba ito mula sa kwarto."Umo-okay na ako, Pa hindi naman mawawala kaagad ang nangyari sa akin hindi ba kahit wala si Mama nagpapa-therapy na ako gagaling din ako." sagot ng anak ko nang marinig ko 'yon tinuloy ko ang ginagawa ko.Napatingin naman ako sa bunso ko nang tumabi sa akin dahil nagsalita ito."Ma, may dinagdag na gamot kay ate para sure na gumaling siya." bungad ng anak ko sa akin tinanong ko naman kung posible bang magwala ito kung sakaling makaranas ng pang-aabuso sa mga tao."Magwawala pa rin si ate pero dapat i-maintain ang gamot na iinumin niya masyadong masalimuot ang nangyari sa kanya ng dahil kay tito," bulalas ng anak ko huminga na lang ako sa harapan nito hindi sila tumanggi sa pagsama sa aki