Umaarte ako nang putulin ng director ang dialogue ko parehas kami huminto ng ka-eksena ko nagka-tinginan pa kaming dalawa. "Kulang sa action! Light! Camera! Action!" sigaw ng director sa amin ng ka-eksena ko nagsimula ulit kami sa ginagawa.Nang makuha ng director ang gusto nitong eksena pinag-pahinga naman niya kami lumapit ako sa ka-team ko inabutan kaagad ako ng towel at tumbler na nag-lalaman na malamig na tubig."Ang intense ng scene nyo," bungad ng manager ko sa tabi ko at hindi naman ako nagsalita hinanap ng paningin ko si Vhan.Natanaw ko nandoon pa ang team nito kaya nandito pa siya nang makita ko siya na umaarte napangiti ako dahil parang nakita ko ulit siya nung unang beses kami nagkasama sa isang drama."Pack-up! Thanks god! Perfect!" papuri sa amin ng director at nagpaalam na kaagad ang ibang cast dahil may iba pa silang lakad.Gusto ko siyang lapitan pero, parang may pumipigil sa akin kahit wala naman. Nakita kong pinuntahan niya ang ka-team niya may bumulong sa akin dah
Sinundan niya talaga ako sa loob ng kwarto mamaya ko pa sana siya kakausapin."Anong gagawin mo sa motor mo?" sigaw niya sa akin nakikita ko sa kanya ang pang-gigil sa mukha niya.Wala na siyang karapatan para sigawan ako kung hindi lang siya babae nasapak ko na siya ngayon. Napalingon pa ako sa kanya at nagbago ang mukha ko nang humarap ako sa mukha niya."Kukunin ko dadalhin sa bahay kung saan ako nakatira, hindi ba, pwede? Pera ko naman ang ginamit ko para bilhin ang motor kukunin ko ang gamit na naiwan ko dito sa bahay na 'to." pahayag ko sa pag-mumukha niya at nilabas ko ang maleta at binuksan ang mga cabinet nilagay ko na lang sa maleta ko."No! Please, hon come back to me kung mahal mo pa ako..." naiiyak niyang sagot pag-pupumilit na huwag akong umalis sa bahay at buhay niya hinawakan pa ang kamay ko.Mas pipiliin kong maging single father kaysa masakal sa relasyon namin. Kailangan ko rin tulungan ang anak ko na gumaling sa trauma inabot nito sa bayaw ko.Nakipag-titigan na lan
Nilapitan naman ako ng mga kasama ko nang wala na sa paningin namin si George at ang mga ka-team niya. Niyakap naman kaagad ako ng personal assistant ng lumapit siya nang hindi ako gumagalaw sa may unang baitang ng hagdanan.Humagulgol na ako ng iyak habang yakap ako ng personal assistant ko naulit ang nakaraang kinatatakutan kong maulit. Ang hiwalayin ako ng mga nakaka-relasyon ko humagulgol ako nang iyak pina-upo ako ng personal assistant ko sa hagdanan."May kasalanan ka rin kasi hindi ko siya masisisi sa ginawa," bungad naman ng mga ka-team ko inabutan ako ng tubig nang isa sa kanila."Inaawat kita na huwag mag-selos ng matindi sa mga nakakasalamuha ni Vhan dahil tungkol naman 'yon sa trabaho nyo dapat iniintindi mo ngayon wala na siya gumaganyan ka na ang kasalanan niya ang hindi aminin sa'yo na may anak siya sa ex-live in partner niya," banggit ng manager ko sa akin tinayo ako nang personal assistant ko at bumalik sa loob ng kwarto.Bumungad sa kanila ang walang laman na damit s
Maaga akong umuwi sa townhouse nang matapos kami dalhin sa hospital dahil nagkaroon ng covid ang ibang model nag-positive sila sa test na ginawa sa clinic. Mabuti na lang negative ang resulta namin ng kaibigan ko maliban sa manager namin na nag-postive.Every weekend may nag-pupuntang nurse o doctor sa studio para i-check up kaming lahat para malaman kung may nag-positive sa covid. Maliban pa sa ibang nakakahawang sakit nang may nag-positive pina-uwi na sila sa kanilang bahay at naiwan ang mga negative sa covid para i-tuloy ang practice lumipat lang kami nang lugar para linisin ang studio."Ingat," tawag pansin ko sa manager namin na tumango nasa kabilang van ito nakaupo at kasama ang isa sa relative nito.Gamit ng kaibigan ko ang sasakyan nito binigay muna para magamit namin. Hindi makakasama ang manager namin sa studio dahil positive siya sa covid.Naabutan ko ang mga anak ko at ang asawa ko na nag-uusap sa sala.-Dumating nang hapon ang mga anak ko naabutan nila ako na nag-lilinis
'Yong pakiramdam na sa tamang bahay ka nakatira kahit hindi maayos ang relasyon namin ng asawa ko ganoon na ganoon ang pakiramdam ko sa naabutan ko ngayon. Kung pwede lang talaga ibalik ang nakaraan para hindi ganito ang sitwasyon naming pamilya."Papa, hindi na ba pwede tayo bumalik sa dati as family?" narinig kong pagtatanong ng bunso namin parang hindi junior high ang anak ko kung magsalita.Bata pa sila nang iwanan ko dito sa panganga-alaga ng asawa ko para mag-trabaho sa ibang bansa as model."Hindi na, anak alam mo 'yan ang Mama mo at ako mahal pa namin ang isa't-isa kaya naming ibalik ang buong pamilya natin pero, hindi na ito katulad ng dati may basag na sa relasyon namin kaya ang gagawin na lang namin ng Mama mo magbibigayan na lang respeto at pagmamahal sa isa't-isa kasama na kayo doon." paliwanag niya sa mga anak namin nakikinig ako sa kanila habang hindi pa nila ako nakikitang dumadating."Pa, mag-isa ka doon sa bahay wala kang kasama." narinig kong sabi naman ng anak nami
Hinawakan niya ang baywang ko hinayaan ko na lang hindi naman ako naiilang. Nagka-tinginan naman kaming dalawa tumagilid naman siya ng higa at humarap siya sa akin."Hindi ko alam na ganyan pala ang pinag-dadaanan mo nung nasa ibang bansa ka hindi ko alam kung sino ang kokontakin ko dahil nalaman ko na umalis ka na sa panganga-alaga ng dati mong kaibigan na manager mo daw at nagalit na siya sa'yo pinag-mumukha niya sa akin na wala ka daw utang na loob sa kanya." bwelta naman niya sa akin.Nang makontak ko si ate noong nasa ibang bansa pa ako nalaman kong may kinakasama na ang asawa ko kaya hindi ko na siya kinontak pa nag-tanim ako ng hinanakit sa kanya nakiki-balita na lang ako sa ate ko tungkol sa mga anak ko. Nagalit ako sa kanya dahil niloko niya ako pinag-palit niya ako kay Karen at nalaman ko pa na ginawan ako ng pamilya niya ng mga pekeng kwento sa anak ko kaya mas nag-tanim sila ng hinanakit sa akin.Mabuti na lang open-minded ang dalawang anak ko at pinaliwanag ko ang lahat.
Nalaman ko sa manager ko na hindi kami sabay ni Vhan na pupunta sa studio kung saan mag-practice para sa fashion show mula nang magka-usap kaming dalawa sa bahay 'yon na ang huling pagkikita naming dalawa."Aalis na ba tayo?" tawag pansin sa akin ng personal assistant ko hindi namin kasama ang manager ko dahil sasamahan niya ang isa pa niyang alaga sa shooting."Oo," sagot ko na lang nasa loob pa kami ng dressing room ko binigay naman niya sa akin ang bag ko na may importanteng gamit sa loob.Binuksan ko ang pintuan ng dressing room nasalubong ko pa ang ibang celebrity na binati ko at tumugon na lang pag-bati sa kanila. Naglakad na ako palayo sa kanila at lumabas na ako sa network kasama ko ang isang bodyguard at personal assistant na pupunta sa studio.Iniiwasan na talaga ako ni Vhan mula nang may mag-hiwalay kaming dalawa. Sinisisi ko talaga ang pag-babalik ng ina nang dalawang anak niya kung hindi ito bumalik hindi naman kami mag-hihiwalay.Normal naman na mag-selos ako sa mga baba
Inaayusan kami mag-model nang pumasok si Nikka kasama ang kaibigan nito."Dumating na rin sa wakas si Vhan, Nikka akala ko hindi pa tayo pwede magsimula sa practice." narinig naming sabi ng kaibigan nito na si Willow.Hindi naman ito sumagot at nilapitan nila ang isang damit naka-hanger lang. Pumasok rin sa loob ang tita ng dalawang anak ni George kasunod ang nasagutan kong babae."Parang ano si George," narinig ko pang tugon ng babaeng muntik ko nang maka-away."Kilala mo naman 'yon kung hindi lang talaga umalis ang kapatid ko walang third party sa kanila at hindi sila ganito ngayon kahit may mangyayari sa pamangkin maayos nila 'yon." sabi ni Rica sa babaeng 'yon.Ibig sabihin hindi ito 'yon?"Nag-hihirap ang buhay nila noon kaya sinakripisyo ng kapatid mo ang self para makipag-sapalaran sa ibang bansa tapos namatayan pa kayo sumalangit-nawa kay tatay." sagot ng babae kay Rica."Gago rin kasi ang pamilya ni George mabuti nga nagising na 'to sa ginagawa sa kanya ng pamilya niya kung k