'Yong pakiramdam na sa tamang bahay ka nakatira kahit hindi maayos ang relasyon namin ng asawa ko ganoon na ganoon ang pakiramdam ko sa naabutan ko ngayon. Kung pwede lang talaga ibalik ang nakaraan para hindi ganito ang sitwasyon naming pamilya."Papa, hindi na ba pwede tayo bumalik sa dati as family?" narinig kong pagtatanong ng bunso namin parang hindi junior high ang anak ko kung magsalita.Bata pa sila nang iwanan ko dito sa panganga-alaga ng asawa ko para mag-trabaho sa ibang bansa as model."Hindi na, anak alam mo 'yan ang Mama mo at ako mahal pa namin ang isa't-isa kaya naming ibalik ang buong pamilya natin pero, hindi na ito katulad ng dati may basag na sa relasyon namin kaya ang gagawin na lang namin ng Mama mo magbibigayan na lang respeto at pagmamahal sa isa't-isa kasama na kayo doon." paliwanag niya sa mga anak namin nakikinig ako sa kanila habang hindi pa nila ako nakikitang dumadating."Pa, mag-isa ka doon sa bahay wala kang kasama." narinig kong sabi naman ng anak nami
Hinawakan niya ang baywang ko hinayaan ko na lang hindi naman ako naiilang. Nagka-tinginan naman kaming dalawa tumagilid naman siya ng higa at humarap siya sa akin."Hindi ko alam na ganyan pala ang pinag-dadaanan mo nung nasa ibang bansa ka hindi ko alam kung sino ang kokontakin ko dahil nalaman ko na umalis ka na sa panganga-alaga ng dati mong kaibigan na manager mo daw at nagalit na siya sa'yo pinag-mumukha niya sa akin na wala ka daw utang na loob sa kanya." bwelta naman niya sa akin.Nang makontak ko si ate noong nasa ibang bansa pa ako nalaman kong may kinakasama na ang asawa ko kaya hindi ko na siya kinontak pa nag-tanim ako ng hinanakit sa kanya nakiki-balita na lang ako sa ate ko tungkol sa mga anak ko. Nagalit ako sa kanya dahil niloko niya ako pinag-palit niya ako kay Karen at nalaman ko pa na ginawan ako ng pamilya niya ng mga pekeng kwento sa anak ko kaya mas nag-tanim sila ng hinanakit sa akin.Mabuti na lang open-minded ang dalawang anak ko at pinaliwanag ko ang lahat.
Nalaman ko sa manager ko na hindi kami sabay ni Vhan na pupunta sa studio kung saan mag-practice para sa fashion show mula nang magka-usap kaming dalawa sa bahay 'yon na ang huling pagkikita naming dalawa."Aalis na ba tayo?" tawag pansin sa akin ng personal assistant ko hindi namin kasama ang manager ko dahil sasamahan niya ang isa pa niyang alaga sa shooting."Oo," sagot ko na lang nasa loob pa kami ng dressing room ko binigay naman niya sa akin ang bag ko na may importanteng gamit sa loob.Binuksan ko ang pintuan ng dressing room nasalubong ko pa ang ibang celebrity na binati ko at tumugon na lang pag-bati sa kanila. Naglakad na ako palayo sa kanila at lumabas na ako sa network kasama ko ang isang bodyguard at personal assistant na pupunta sa studio.Iniiwasan na talaga ako ni Vhan mula nang may mag-hiwalay kaming dalawa. Sinisisi ko talaga ang pag-babalik ng ina nang dalawang anak niya kung hindi ito bumalik hindi naman kami mag-hihiwalay.Normal naman na mag-selos ako sa mga baba
Inaayusan kami mag-model nang pumasok si Nikka kasama ang kaibigan nito."Dumating na rin sa wakas si Vhan, Nikka akala ko hindi pa tayo pwede magsimula sa practice." narinig naming sabi ng kaibigan nito na si Willow.Hindi naman ito sumagot at nilapitan nila ang isang damit naka-hanger lang. Pumasok rin sa loob ang tita ng dalawang anak ni George kasunod ang nasagutan kong babae."Parang ano si George," narinig ko pang tugon ng babaeng muntik ko nang maka-away."Kilala mo naman 'yon kung hindi lang talaga umalis ang kapatid ko walang third party sa kanila at hindi sila ganito ngayon kahit may mangyayari sa pamangkin maayos nila 'yon." sabi ni Rica sa babaeng 'yon.Ibig sabihin hindi ito 'yon?"Nag-hihirap ang buhay nila noon kaya sinakripisyo ng kapatid mo ang self para makipag-sapalaran sa ibang bansa tapos namatayan pa kayo sumalangit-nawa kay tatay." sagot ng babae kay Rica."Gago rin kasi ang pamilya ni George mabuti nga nagising na 'to sa ginagawa sa kanya ng pamilya niya kung k
Bumalik na kaming lahat sa practice pagkatapos namin mag-pahinga."Ginagantihan mo ako kanina pa eh," banggit niya sa akin nang lapitan niya ako nang tawagin ko siya."Tado! Hindi kita ginagantihan, bakit ko naman gagawin 'yon?" parinig ko na lang sa katabi ko bago irapan ang asawa ko."Ewan ko sa'yo, may trabaho ka pa nyan mamaya?" pagtatanong niya sa akin siniko ko na lang para tumigil na sa pagtatanong ng tumagilid ako sa kanya."Magsimula na tayo nakikinig siya sa atin," bulong ko nang tumagilid ako sa kanya tinignan ko pa ang katabi niya.Nakita ko na lumingon siya kay Karen at inutusan ko na siyang tumayo ng tuwid."Tumingin ka ng deretso hindi sa kung sino-sino mag-seryoso ka, Mr. Nieva." sabi ko na lang sa kanya sumunod naman kaagad ito sa akin.Nagsimula na mag-practice at nakikinig naman ito sa akin may lumapit pa sa amin na modelo para magpa-picture sa asawa ko nang matapos kaming dalawa pumayag ito kaya lumayo ako nang bahagya.Tumalikod na lang ako sa kanila at hindi na
Naiinis ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Hinila naman ako ng mga kasama ko tinuro ang mga ginagawa ng ibang instructor sa mga modelo kasama namin sa studio.Nahiya naman ako dahil ganoon ang ibang instructor sa tinuturuan nilang modelo."Masyado kang overthinking, Karen naranasan mo na 'yan noon nakakalimot ka na pagdating sa pag-ibig walang malisya sa kanila ang ginagawa nila depende na lang sa dalawang tao kung bibigyan ng kahulugan." banggit naman ng personal assistant ko sa tabi ko sumang-ayon ang mga kasamahan namin."Huwag kang maging tanga, Karen at manhid sa trato ni Vhan sa'yo ayaw niyang madikit ka sa kanya hindi ko alam na may ganito pa siyang ugali sa mga ex niya o sa'yo lang dahil nasakal na siya sa'yo?" pahayag nila sa akin naisip ko naman ang ina ng mga anak ni Vhan dahil sa palagay ko lang ito ang dahilan kung bakit wala ng pakialam si Vhan sa kanya."'Yang tingin mo, Karen duda ako sa'yong iniisip...may lakad ka pa mamaya." puna sa akin ng manager ko at tinign
Pagkatapos namin sa practice nilapitan ng manager ko ang secretary ng boss nang asawa ko nag-papahinga ako sa tabi nang may tumawag sa pangalan ko. Nagpaalam naman sa akin si Willow at tumango na lang ako bago tumingin sa tumawag sa akin."Pati ba kami dededmahin mo dahil team kami ng ex mo?" bungad ng mga ka-team ni Karen nang umalis na sa harapan ko si Willow.Hindi ako sumagot at tahimik na uminom ako ng tumbler na may laman na tubig."Dinededma nga tayo hindi man lang sumagot," sagot naman nila sa akin."Hindi ko kailangan na umiwas sa inyo wala naman kayo kinalaman sa pag-hihiwalay namin ni Karen ayoko lang na magkaroon ng koneksyon sa malalapit sa kanya respeto na lang at alam nyo na iba ang isip ng mga taong hindi marunong umunawa sa totoong estado naming dalawa." banggit ko naman nang ilayo ko ang tumbler sa bibig ko at tumingin sa mga ka-team ni Karen."...""Hindi mo kasi kami pinapansin kaya kaagad namin napansin na dinededma mo kami at saka, wala naman kami pakialam sa est
Nang dumating kami sa set nandoon na ang ibang cast, at staff kasama ang director. Nilapitan kaagad ako ng assistant director nang lumakad ako palapit sa kanila."Nandito ka daw kanina, Vhan maaga kang dumating, nasaan ka nagpunta?" bungad naman sa akin ng assistant director nakita ako siguro ng mga naunang staff nandito kanina."Oo, kanina pa kami dumating maaga lang ako natapos sa studio kung saan kami nag-practice para sa fashion show naghanap lang kami ng resto at pahingahan ng mga kaaama ko kaya hindi kami bumalik kaagad." tukoy ko naman at inabutan ako ng script tinanggap ko naman bago binuklat.Tinawag naman ako ng director kaya iniwan ko na ang assistant director na nagtanong sa akin."Direk," bungad ko na lang binati ko ang mga cast na nandoon."Grabe ang mga eksena nyo ngayon dahil kailangan may mag-sakripisyong character," panimula sa amin ng director na-gets ko ang ibig nitong sabihin.Tragedy ang kwento ng movie drama na ginagawa namin nabasa namin ang buong kwento lahat
Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap
Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar
After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil
Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m
Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill
Nasa dressing room ako na nagpapahinga nang magsalita ang kasama ko sa loob nabaling ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Karen. "Vhan, bumalik na siya..." bulalas nito hindi pa ako lumilingon sa kanya. "Sinong bumalik?" tanong ng manager ko sa kanya hindi ko siya pinapansin. Nag-uusap naman sila nang mahina bago lakasan. "Si Karen, bumalik na siya ang alam natin umalis siya ng bansa at umalis sa network kinontak ako ng mga dati niyang ka-team para humingi ng favor." sagot kaagad nito sa amin at pinakita sa amin ang text message at tawag. Humarap na ako sa kanya dahil sa favor na binanggit nito sa amin. "Gusto niya na mag-usap kayong dalawa sa akin siya dumaan para sabihin ko ito sa'yo hindi nila sinabi ang reason pero, binanggit nila na hindi ito magmamakaawa na mag-balikan kayo." tugon naman nito sa amin kailangan talaga namin mag-usap alam kong nabalitaan niya na ang tungkol sa pag-amin namin ni Nikka. "Sabihin mo sa kanila na pumapayag ako makipagkita sa
Mahigit ilang buwan ako nag-stay sa ibang bansa para magpahinga muna nagkaroon ako ng anxiety at depression ng magpa-check up ako sa doctor pinayuhan ako na magpahinga at umalis sa bansa para hindi ako ma-stress kinausap ko na rin ang management ng network ko at umalis na ako sa station bilang artist nila mula ng mag-eskandalo ang baguhan na celebrity. Kahit malayo ako nababalitaan ko pa rin ang nangyayari sa Pilipinas ng dahil sa worldwide news. Umamin sina Nikka at George sa tunay nilang relasyon may nagulat at hindi naniwala sa kanila pero, nakikita ko sa kanila ang katotohanan sa kanilang mukha.Akala ng ibang fans at tao hindi totoo ang kanilang inamin sa public dahil sa surgery na ginawa kay Nikka pagkatapos ng aksidente nito. Naniwala lang sila nang ipakita nila ang patunay na kasal sila ang singsing na palaging suot ni George na ginawa pala niyang kwintas.Suot naman ni Nikka ang singsing sa palasingsingan na palagi kong natatanaw sa kanya sa tuwing nagkikita kaming dalawa."
Nagluluto na ako ng hapunan nang dumating ang mga anak ko mula sa mga kaibigan nila nagsabi naman sila na gagabihin sila ng uwi pagkatapos na nangyari sa amin ng asawa ko nang ilang beses naglinis na kami ng bahay."Kamusta ang therapy, anak?" tanong niya sa anak namin nang bumaba ito mula sa kwarto."Umo-okay na ako, Pa hindi naman mawawala kaagad ang nangyari sa akin hindi ba kahit wala si Mama nagpapa-therapy na ako gagaling din ako." sagot ng anak ko nang marinig ko 'yon tinuloy ko ang ginagawa ko.Napatingin naman ako sa bunso ko nang tumabi sa akin dahil nagsalita ito."Ma, may dinagdag na gamot kay ate para sure na gumaling siya." bungad ng anak ko sa akin tinanong ko naman kung posible bang magwala ito kung sakaling makaranas ng pang-aabuso sa mga tao."Magwawala pa rin si ate pero dapat i-maintain ang gamot na iinumin niya masyadong masalimuot ang nangyari sa kanya ng dahil kay tito," bulalas ng anak ko huminga na lang ako sa harapan nito hindi sila tumanggi sa pagsama sa aki