Nang dumating kami sa set nandoon na ang ibang cast, at staff kasama ang director. Nilapitan kaagad ako ng assistant director nang lumakad ako palapit sa kanila."Nandito ka daw kanina, Vhan maaga kang dumating, nasaan ka nagpunta?" bungad naman sa akin ng assistant director nakita ako siguro ng mga naunang staff nandito kanina."Oo, kanina pa kami dumating maaga lang ako natapos sa studio kung saan kami nag-practice para sa fashion show naghanap lang kami ng resto at pahingahan ng mga kaaama ko kaya hindi kami bumalik kaagad." tukoy ko naman at inabutan ako ng script tinanggap ko naman bago binuklat.Tinawag naman ako ng director kaya iniwan ko na ang assistant director na nagtanong sa akin."Direk," bungad ko na lang binati ko ang mga cast na nandoon."Grabe ang mga eksena nyo ngayon dahil kailangan may mag-sakripisyong character," panimula sa amin ng director na-gets ko ang ibig nitong sabihin.Tragedy ang kwento ng movie drama na ginagawa namin nabasa namin ang buong kwento lahat
Nang matapos ang shooting namin isa-isa nang umalis ng set ang mga cast dahil may iba pa silang trabaho naiwan ang staff, at production na nandoon. May mga pulis na nag-babantay sa amin pati may medic na nag-aantay kung sakaling may nasugatan o na-aksidente sa set. Tumalikod na rin kami at sumakay sa van nag-text kaagad ako sa asawa ko nang paalis na kami sa lokasyon. Bukas pa siya makaka-uwi kasama ang hipag at ang bayaw ko pati ang dating kaibigan namin.Nag-text ang anak kong panganay nakauwi na ang kapatid nito. Nakatanggap ako ng text mula sa bunso ko maraming nagsasabi na kung wala na kami ni Karen, bakit hindi ko pa balikan ang asawa ko?Nirerespeto ko ang damdamin niya na nasaktan ko kaya hindi ko pipilitin ang sarili ko na bumalik sa buhay niya. Mas gugustuhin kong ganito ang set-up ng pamilya namin na walang samaan ng loob sa isa't-isa. Nakagawa man ako ng hindi maganda napatunayan ko naman sa asawa ko na hindi ko pinabayaan ang mga anak namin.Minahal ko si Karen ng lubos
Nang maihatid namin ang anak ko sa school huminto ang van sa may entrance maraming estudyanteng naglalakad papasok doon na napapa-tingin sa amin. Alam nila na anak ng artista ang anak ko kaya hindi ko kailangan itago ang mukha ko. "I-text mo ako kapag may hindi magandang nangyari sa'yo o tumawag ka sa akin at sa Mama mo." bilin ko sa anak ko bukas ang pintuan ng van nasa labas na ang anak ko na bitbit ang bag niya. Niyakap na lang ako nang mahigpit ng anak ko at tumango sa mga kasama ko sa loob ng van. Sinundan ko na lang nang tingin ang papalayong pigura ng anak ko may lumapit sa kanya na lalaki at babae nakita ko na may concern sila dahil sa narinig ko. "Hindi kami katulad ng mga kaklase natin at schoolmate na ang kitid ng pag-iisip akala nila ginusto mo ang nangyari? Hindi ka malandi, Gen at lalong hindi ka p****k na babae hindi nila iniintindi ang feelings mo sa nangyari sa'yo." pahayag ng isa sa kasama ng anak ko hindi ito nagsalita at sumabay na lang sa paglalakad. "Tanungin
Binati kami ng mga host at ngumiti na lang ako binitawan naman niya ako braso ko. May hawak kaming dalawa ng microphone at binati namin ang audience."Hello," sabay naming bati at tinanong nila si George."Vhan, ano ang aabangan namin sa inyong teleserye balita namin malapit na ito ipalabas sa TV at online platform." banggit naman ng isang host ngumiti na lang ako nang tignan ako ng isa pang host."Abangan nyo na lang 'to mahirap magsabi kaagad walang dapat spoiler sa aming dalawa ni Karen," sabi niya sa mga host tumango ako nang tignan ako ng mga host."...""Mamaya, makakasama pa namin kayo sa palaro namin sana mag-enjoy kayo." sabi ng isa sa mga host sa amin nagpa-picture pa sila kasama ang buong audience.Nag-commercial break at nagpaalam muna kaming dalawa sa mga host ng kausapin sila ng director. Tumalikod na ako nararamdaman ko naman ang pag-sunod niya sa akin mula sa likod.Kinikilig na kinakabahan ako ngayon habang naglalakad ako dahil hindi na kami katulad nang dati na kahit
Sumakay na kaming lahat sa van at napapa-isip sa mga nakita kong mukha ni Rica at George."Ano kaya ang ibig sabihin ni Rica na sumunod na lang ang grupo ni George sa kanila?" tawag pansin ng nakakita sa kanila kanina."Ewan? Tignan mo naman ang itsura nila parang wala pang tulog." sabi ng personal assistant ko sa nagsalitang kasama namin.Hindi ba, si Rica tita nina Riko at Genikka?Magkikita kaya ang kapatid niya at si George kaya nasabi niyang sumunod ito sa kanila?"Tulala ka naman dyan, Karen may taping pa tayo na pupuntahan at bukas may practice ka sa studio kung saan mo makikita ulit ang dalawa." tukoy naman sa akin ng manager ko at sina Nikka at George ang tinutukoy niya."Alam ko naman 'yon, manager, bakit kailangan nila isama si George sa kanila?" pag-amin ko sa kanila dahilan para mabaling ang tingin nila.Tinignan nila ako na may ibig sabihin at umiwas ako nang tingin dahil parang iba ang nakikita nila sa mukha ko."May paki ka pa ba? Wala ka ng pakialam doon kung anong ga
Nagising ako nang makaramdam ako ng pag-ihi kaya bumangon ako pero nagulat pa ako dahil katabi ko si ate Rica nabaling pa ang tingin ko sa sahig dahil may ingay akong naririnig nang mapansin ko na may taong naka-higa sumilip pa ako kung sino. Ang kaibigan pala namin ni ate dito pala sila natulog nang hindi ko namalayan ang huling natatandaan ko lang nagpunta kami sa asawa ko hinatid pala niya ako dito sa bahay.Umusog ako at bumaba ng hindi masyadong nag-iingay dahil tulog mantika naman si ate hindi naman siya kaagad magigising. Lumabas na ako sa kwarto at naglakad pababa nakita ko pa ang bayaw ko natutulog sa tabi ng sofa nakahiga ito sa comporter. Nilampasan ko na lang at dumeretso ako sa banyo para umihi saka mag-hilamos na rin nang matapos nagpunta ako sa kusina kung saan nandoon ang ref para kumuha ng maiinom. Nag-tingin ako sa freezer kung ano ang pwede kong lutuin para sa tatlong bisita ko at sa dalawang anak ko.Malinis naman ang bahay kaya hindi ko kailangang mag-linis. Nag-
Umalis na kami sa set nang matapos ang taping inabot ang ginagawa namin ng alas-nuebe ng umaga kaya ihahatid nila ako sa Batangas at ang ibang gagawin ko ngayong araw ikakansela dahil wala pang kami tulog nauunawaan naman ng ibang director ang hiling ng manager ko. Isang taping lang ang gagawin ko ngayon mamaya pang alas-siete ng gabi malayo man ang byahe pauwi kailangan kong umuwi para makapag-pahinga ako kahit ilang oras. Nang dumating kami sa bahay nagtaka ako pagbaba namin na bukas ang ilaw ng labas nang bahay. Pinarada lang ng driver ang van sa labas dahil hindi naman mag-kasya sa loob ang van dahil nakaparada ang sasakyan ko. "May kasama ka bang ibang tao dito?" pagtatanong nila sa akin umiling naman ako kaya nagtaka ako binuksan ko na lang ang gate mula sa labas bago ako pumasok mula nang bumalik ako dito madalang na lang magpunta dito ang caretaker na inutusan kong mag-linis ng bahay kapag matagal akong hindi umuuwi. Pumasok ako sa loob at naka-amoy kami nang nilulutong ulam
"Wala ka bang work ngayon kahit sa studio?" tanong ko naman sa asawa ko. Umiling naman siya at bumangon na siya umupo na ako sa tabi niya naka-bihis na ako para magpunta sa taping. Dadaanan ako ng mga ka-team dito sa bahay huminga na lang ako nilingon ko naman siya nang magsalita siya. "May nag-bully na naman sa panganay mo at dahil sa kanya iba ang tingin ng mga schoolmate nila sa anak mo." seryosong banggit naman niya natigilan naman ako na-kwento na pala nang anak namin ang tungkol doon. "Sinabi ba ng anak mo sa'yo?" pagtatanong ko naman sa kanya nagbago rin ang tono ng pananalita ko. "Nagtaka ako nang kausapin ni ate ang anak mo nang makita niya ang itsura niya at nagbago ang pag-mumukha ni ate pagkatapos sila mag-usap tinanong ko nga ang bunso mo kung ano ang nangyari sa ate niya, sabi naman ng bunso mong anak na tanungin ko na ang panganay mo 'yon ang ginawa ko kaninang umaga hinatid namin siya sa school bago ko naman ihatid sina ate sa bahay nila." paliwanag naman niya a
Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap
Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar
After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil
Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m
Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill
Nasa dressing room ako na nagpapahinga nang magsalita ang kasama ko sa loob nabaling ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Karen. "Vhan, bumalik na siya..." bulalas nito hindi pa ako lumilingon sa kanya. "Sinong bumalik?" tanong ng manager ko sa kanya hindi ko siya pinapansin. Nag-uusap naman sila nang mahina bago lakasan. "Si Karen, bumalik na siya ang alam natin umalis siya ng bansa at umalis sa network kinontak ako ng mga dati niyang ka-team para humingi ng favor." sagot kaagad nito sa amin at pinakita sa amin ang text message at tawag. Humarap na ako sa kanya dahil sa favor na binanggit nito sa amin. "Gusto niya na mag-usap kayong dalawa sa akin siya dumaan para sabihin ko ito sa'yo hindi nila sinabi ang reason pero, binanggit nila na hindi ito magmamakaawa na mag-balikan kayo." tugon naman nito sa amin kailangan talaga namin mag-usap alam kong nabalitaan niya na ang tungkol sa pag-amin namin ni Nikka. "Sabihin mo sa kanila na pumapayag ako makipagkita sa
Mahigit ilang buwan ako nag-stay sa ibang bansa para magpahinga muna nagkaroon ako ng anxiety at depression ng magpa-check up ako sa doctor pinayuhan ako na magpahinga at umalis sa bansa para hindi ako ma-stress kinausap ko na rin ang management ng network ko at umalis na ako sa station bilang artist nila mula ng mag-eskandalo ang baguhan na celebrity. Kahit malayo ako nababalitaan ko pa rin ang nangyayari sa Pilipinas ng dahil sa worldwide news. Umamin sina Nikka at George sa tunay nilang relasyon may nagulat at hindi naniwala sa kanila pero, nakikita ko sa kanila ang katotohanan sa kanilang mukha.Akala ng ibang fans at tao hindi totoo ang kanilang inamin sa public dahil sa surgery na ginawa kay Nikka pagkatapos ng aksidente nito. Naniwala lang sila nang ipakita nila ang patunay na kasal sila ang singsing na palaging suot ni George na ginawa pala niyang kwintas.Suot naman ni Nikka ang singsing sa palasingsingan na palagi kong natatanaw sa kanya sa tuwing nagkikita kaming dalawa."
Nagluluto na ako ng hapunan nang dumating ang mga anak ko mula sa mga kaibigan nila nagsabi naman sila na gagabihin sila ng uwi pagkatapos na nangyari sa amin ng asawa ko nang ilang beses naglinis na kami ng bahay."Kamusta ang therapy, anak?" tanong niya sa anak namin nang bumaba ito mula sa kwarto."Umo-okay na ako, Pa hindi naman mawawala kaagad ang nangyari sa akin hindi ba kahit wala si Mama nagpapa-therapy na ako gagaling din ako." sagot ng anak ko nang marinig ko 'yon tinuloy ko ang ginagawa ko.Napatingin naman ako sa bunso ko nang tumabi sa akin dahil nagsalita ito."Ma, may dinagdag na gamot kay ate para sure na gumaling siya." bungad ng anak ko sa akin tinanong ko naman kung posible bang magwala ito kung sakaling makaranas ng pang-aabuso sa mga tao."Magwawala pa rin si ate pero dapat i-maintain ang gamot na iinumin niya masyadong masalimuot ang nangyari sa kanya ng dahil kay tito," bulalas ng anak ko huminga na lang ako sa harapan nito hindi sila tumanggi sa pagsama sa aki