Nalula si Marie nang igiya siya ni Miguel kung saan naroroon ang tinutukoy nitong garden. Malawak ang lupain na pag-aari ng pamilya ni Marie ngunit higit na mas malawak ang lupain na iyon ni Miguel. Malapad ang lawn na iyon at sobrang ang gaganda ng mga ornamental na mga bulaklak at halaman. Naka landscape halos lahat at parang naalagaan tlaga ng hardenero o sinumang nag aalaga sa garden na iyon. Nagtungo sila ni Miguel sa isang gazebo sa gitna ng garden. Agad siyang inalalayan ni Miguel na makaupo sa isang silya doon at umupo naman si Miguel sa kaharap na silya. Nasa gitna ang hindi kalakihang round table na may mga nakaset na pagkain. Iniikot muna ni Marie ang kanyang paningin sa paligid. Wala siyang nakikitang bakod. Puro puno ng mangga ang nakikita niya hanggang sa abot ng kanyang tanaw. "Pag-aari ko ang lahat ng ito. Pinamana ng lola ko sa Mother side bilang nag iisang apo." May halong yabang sa mga katagang binitiwan ni Miguel. Walang imik si Marie. Hindi siya naiimpress kunwari
Tulad ng dati ay nagising na naman si Marie na wala na sa tabi niya si Miguel sa umaga. Pangatlong araw niya ngayon sa piling ni Miguel. Walang momentong pinapalampas si Miguel, ilang beses na naman siyang inangkin kagabi. Mayroong bayohin siya nito sa harapan, maging sa mula sa likoran at halik halikan ang kanyang likod at balikat. Mayroon ding pagkakataong siya naman ang nasa taas at ginigiya siya ni Miguel kung paano gumiling sa taas nito. Habang nasa taas siya ni Miguel ay nakikita niyang maiigi ang pagpasok ng naghuhuminding nitong pagkalalaki sa kanyang lagusan. Ang bawat pagkuha ni Marie ng lakas sa paghawak sa matigas na dibdib ni Miguel habang pinapaliguan ng halik ang kanyang dalawang malulusog na dibdib at panay kuyamos ng mga kamay nito. Nasisiyahan si Marie habang binabalikan ang sarap ng kanilang pinagsalohan ni Miguel. Nayayakap niya ang unan ni Miguel. Kinikiliti ang kanyang damdamin. Parang gusto na niyang manatili na lamang sa piling nito pero namimis na niya ang mga
Kaunti lang ang nakain ni Marie, nawawalan siya ng ganang kumain. "Meme, babalik na ako sa kwarto." Mahinang wika ni Marie. " Ay! Sige po mam, ako na pong bahalang maglipit dito." Nakangiting tugon naman ni Meme.Pagkapasok sa silid ay agad na sumalampak sa kama si Marie. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Umaagos ang kanyang mga luha sa iisiping pampalit lang pala siya sa Racquel na iyon kung bakit siya naririto ngayon kay Miguel. Hindi man niya alam ang nakaraan ni Miguel at nang Racquel na iyon pero panigurado niyang nasasaktan siya. Hindi man maamin ni Marie ngunit nasa peligro na ang kanyang damdamin, umiibig na siya sa lalaking nagbayad sa kanyang puri.Hindi namalayan ni Marie na naidlip pala siya sa kakaiyak. Mugto ang mga mata nang maulinigan ang mahihinang mga katok sa may pintoan. Halos lumundag ang kanyang puso ngunit nanghina din siya sa iisiping hindi kumakatok si Miguel. Diretso itong pumapasok at agad siyang sinisiil ng halik o dili kaya'y hahaplos ito sa kanya
Tanaw na ni Marie mula sa bintana ng sasakyan na lulan siya ang mga matatandang mga magulang na naghihintay sa tapat ng kanilang pamamahay. Nang mahinto sa maluwag nilang bakuran ang sasakyan ay agad siyang dali daling lumabas at inilang hakbang lang ni Marie ang mga magulang. Umiiyak ang kanyang Mommy Beth. Napasugod agad ng yakap si Marie sa mga magulang, dinaluhan naman siya ng mga ito ng mahigpit pang yakap. Agad namang nag sialisan ang dalawang sasakyan. Humaharorot na ang mga ito palabas ng kanilang farmland. Umiiyak na rin si Marie at humihikbi. Panay yakap at iyakan lamang ang mag anak. Wala ne isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Maging si Yana at ang kanyang tiya na nakamasid ay naluluha din. Hinayaan muna nilang makapagpahinga si Marie at makatulog sa kanyang silid. Pero bago maghaponan ay pumasok si Mommy Beth sa silid ni Marie. Tinabihan nito si Marie sa kama, niyakap, hinaplos ang buhok at kinintalan ng halik sa noo. Dahan-dahang nagmulat si Marie. "Mommy..." Nakangi
Natapos na ang summer, magpapasokan na for another school year. Magkacollege na si Marie at napag-usapan at napagdesisyonan na ng kanyang mga magulang na sa all women's college siya mag-aaral at kukuha ng kurso sa nutrition & dietitics. May mga pagkakataong naaalala ni Marie si Miguel. Wala na siyang anumang balita dito. Wala narin kasi siyang cellphone at iba pang mga modern gadgets sa bahay. Kasa- kasama siya lage ni Daddy Nick niya o kaya ng Mommy Beth niya. Nakatuka sa kanya ang Dairy Products Production na isa sa kanilang mga negosyo. Kaya nga angkop ang kukunin niyang kurso sa college para dito. Natapos na din siyang eenroll ng kanilang family lawyer sa college matapos niyang maipasa ang entrance exam ng pamantasan. Inaaliw at inaabala niya lage ang kanyang sarili sa Dairy Products Production Company nila. Lahat ay ginawa niyang aralin at matutunan maging ang pag gagatas ng mga kambing at baka. Ngunit hindi rin maiiwasang umiiyak siya sa gabi at laging naaalala si Miguel Marquez
Kabuwanan na ni Marie, lalo naring dumadalas ang kanyang pag eehersisyo at paglalakad lakad dahil ito ang payo ng OB niya, maging ni Mommy Beth niya. Minsan habang nasa morning walk siya kasama si Yana ay may sumaging tanong si Yana kay Marie. " Napakaganda mong buntis Miss Marie... Hindi mo ba napapansin ang isang weird na pakiramdam minsan sa bahay or kung ganito naglalakad-lakad tayo every morning?" tanong ni Yana. "Ang anong weird?" Natatawang pabalik na tanong naman ni Marie kay Yana."Huwag kang matakot Miss Marie ha. Pero parang nararamdaman ko na parang meron talagang mga pares ng mga mata na laging nakamasid sa atin." Seryosong saad ni Yana. Natawa si Marie. "Hindi ko naman nararamdaman yan Yana. Napakacreepy mo naman. Baka si Alfonso lang iyan, laging nakamasid sa alindog mo." Pabirong tugon ni Marie at kumindat pa kay Yana. Natutop ni Yana ang bibig at namula."Hindi naman, sanay na iyon sa akin."Depensang sagot ni Yana at nangingiti na tila kinikilig. "Napagkasunduan na nga
Naalarma si Marie sa bulto ng katawan na anino na nakatayo ngayon sa paanan ng kanyang kama banda. Nanatili lamang siyang nakahiga. Hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan. Pinagpapawisan na siya sa dahan dahang takot na lumulukob sa kanya. Mabilis ang tahip ng bawat pintig ng kanyang dibdib. Wala siyang suot na bra sa manipis at maluwang na duster kaya pansin ang pagtaas baba ng kanyang dibdib, bilogan ito at nakatayo ang kanyang mga nipples. Sumasabay din ang bilogan na nyang tiyan, tila pakwan na ito dahil kabuwanan na niya ngayon. Nanunuyo ang lalamunan ni Marie hindi niya magawang sumigaw. Lumalapit ang anino sa kanya, naaninag na niya ito sa malamlam na ilaw ng kanyang lampshade. Dahan dahan itong umakyat sa kama at pagapang na papalapit sa kanya. Bago pa man maisambit ni Marie ang pangalan ng nakikilalang kataohan ng anino ay nasakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Nabigla man ay napapikit narin si Marie sa nadadamang sensasyon na hatid ng pagdidikit ng mga labi nil
Naluluha ang mag asawang Villamayor nang makitang nailapag na ng nurse ang bagong silang na sanggol sa tabi ng natutulog nilang anak na si Marie. Naipanganak ni Marie ang sanggol through normal delivery. "Ang gwapo ng apo natin Nick." Natutuwang wika ni Mommy Beth. "Kamukha ko ata siya Beth."Nakangiting wika ni Daddy Nick. Siniko naman ni Mommy Beth ang huli. "Magkamukha ba kayo ni Miguel Marquez?" Pabirong sagot naman ni Mommy Beth. "Baka marinig ka ni Marie." Pabulong naman ang tugon ni Daddy Nick. Gumalaw si Marie nang marinig na nagsisimula nang umiyak ang sanggol sa tabi. Dali-dali namang kinarga ni Mommy Beth ang sanggol at inehele. Dahan- dahan nagmulat si Marie. "Mommy Beth, baka nagugutom na si Miggy. Akin na po at padedein ko po..." Mahinang wika ni Marie na naluluha sa kagalakang nagsilang na siya ng isang malusog na sanggol. Inalalayan naman ni Mommy Beth si Marie kung paano ang tamang pagpapasuso sa sanggol gawa ng bagong ina pa si Marie at mahina pa ito dahil kapapanganak