Natapos na ang summer, magpapasokan na for another school year. Magkacollege na si Marie at napag-usapan at napagdesisyonan na ng kanyang mga magulang na sa all women's college siya mag-aaral at kukuha ng kurso sa nutrition & dietitics. May mga pagkakataong naaalala ni Marie si Miguel. Wala na siyang anumang balita dito. Wala narin kasi siyang cellphone at iba pang mga modern gadgets sa bahay. Kasa- kasama siya lage ni Daddy Nick niya o kaya ng Mommy Beth niya. Nakatuka sa kanya ang Dairy Products Production na isa sa kanilang mga negosyo. Kaya nga angkop ang kukunin niyang kurso sa college para dito. Natapos na din siyang eenroll ng kanilang family lawyer sa college matapos niyang maipasa ang entrance exam ng pamantasan. Inaaliw at inaabala niya lage ang kanyang sarili sa Dairy Products Production Company nila. Lahat ay ginawa niyang aralin at matutunan maging ang pag gagatas ng mga kambing at baka. Ngunit hindi rin maiiwasang umiiyak siya sa gabi at laging naaalala si Miguel Marquez
Kabuwanan na ni Marie, lalo naring dumadalas ang kanyang pag eehersisyo at paglalakad lakad dahil ito ang payo ng OB niya, maging ni Mommy Beth niya. Minsan habang nasa morning walk siya kasama si Yana ay may sumaging tanong si Yana kay Marie. " Napakaganda mong buntis Miss Marie... Hindi mo ba napapansin ang isang weird na pakiramdam minsan sa bahay or kung ganito naglalakad-lakad tayo every morning?" tanong ni Yana. "Ang anong weird?" Natatawang pabalik na tanong naman ni Marie kay Yana."Huwag kang matakot Miss Marie ha. Pero parang nararamdaman ko na parang meron talagang mga pares ng mga mata na laging nakamasid sa atin." Seryosong saad ni Yana. Natawa si Marie. "Hindi ko naman nararamdaman yan Yana. Napakacreepy mo naman. Baka si Alfonso lang iyan, laging nakamasid sa alindog mo." Pabirong tugon ni Marie at kumindat pa kay Yana. Natutop ni Yana ang bibig at namula."Hindi naman, sanay na iyon sa akin."Depensang sagot ni Yana at nangingiti na tila kinikilig. "Napagkasunduan na nga
Naalarma si Marie sa bulto ng katawan na anino na nakatayo ngayon sa paanan ng kanyang kama banda. Nanatili lamang siyang nakahiga. Hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan. Pinagpapawisan na siya sa dahan dahang takot na lumulukob sa kanya. Mabilis ang tahip ng bawat pintig ng kanyang dibdib. Wala siyang suot na bra sa manipis at maluwang na duster kaya pansin ang pagtaas baba ng kanyang dibdib, bilogan ito at nakatayo ang kanyang mga nipples. Sumasabay din ang bilogan na nyang tiyan, tila pakwan na ito dahil kabuwanan na niya ngayon. Nanunuyo ang lalamunan ni Marie hindi niya magawang sumigaw. Lumalapit ang anino sa kanya, naaninag na niya ito sa malamlam na ilaw ng kanyang lampshade. Dahan dahan itong umakyat sa kama at pagapang na papalapit sa kanya. Bago pa man maisambit ni Marie ang pangalan ng nakikilalang kataohan ng anino ay nasakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Nabigla man ay napapikit narin si Marie sa nadadamang sensasyon na hatid ng pagdidikit ng mga labi nil
Naluluha ang mag asawang Villamayor nang makitang nailapag na ng nurse ang bagong silang na sanggol sa tabi ng natutulog nilang anak na si Marie. Naipanganak ni Marie ang sanggol through normal delivery. "Ang gwapo ng apo natin Nick." Natutuwang wika ni Mommy Beth. "Kamukha ko ata siya Beth."Nakangiting wika ni Daddy Nick. Siniko naman ni Mommy Beth ang huli. "Magkamukha ba kayo ni Miguel Marquez?" Pabirong sagot naman ni Mommy Beth. "Baka marinig ka ni Marie." Pabulong naman ang tugon ni Daddy Nick. Gumalaw si Marie nang marinig na nagsisimula nang umiyak ang sanggol sa tabi. Dali-dali namang kinarga ni Mommy Beth ang sanggol at inehele. Dahan- dahan nagmulat si Marie. "Mommy Beth, baka nagugutom na si Miggy. Akin na po at padedein ko po..." Mahinang wika ni Marie na naluluha sa kagalakang nagsilang na siya ng isang malusog na sanggol. Inalalayan naman ni Mommy Beth si Marie kung paano ang tamang pagpapasuso sa sanggol gawa ng bagong ina pa si Marie at mahina pa ito dahil kapapanganak
Isang damping halik sa noo ang nagpagising kay Marie. Nang maimulat niya ang mata ay bumungad ang nakangiti at nakapustora nang itsura ni Mommy Beth niya. Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Wow... Ang ganda mo ngayon Mommy. Magnininang lang ba kayo o kayo ang maghahatid sa altar kay Yana? Bakit nasobrahan ata kayo ng bongga?" Nangingiting pabirong wika ni Marie na may halong pagtataka. "Nakabihis na din at nakapustora na si Miggy. Andoon na sa baba. Magprepare kana ng sarili mo. Papasukin ko na dito ang hair stylist at iyong make up artist ha, maligo kana pagkatapos mag almusal." Sabe pa ni Mommy Beth at kinuha ang food tray na nakapatong sa side table. Naupo naman sa kama ng maayos si Marie at ipinatong ni Mommy beth ang food tray sa harapan niya. " You are so beautiful Marie.Tandaan mo anak, Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo." Maluha luhang sabe ni Mommy Beth sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "I love you too Mommy Beth, kayong dalawa ni Daddy." Maagap namang sagot ni Marie at nan
Mixed emotions ang nadarama ni Marie, Hindi niya maipaliwanag ang sari- sari niyang nararamdaman. "I now pronounce you husband and wife, Husband you may now kiss your wife." Sambit ng pastor na naghudyat ng buong pusong paggawad ng halik ni Miguel para sa asawa na niya na ngayong si Marie. "My Cherry..."wika pa ni Miguel bago sakupin ng mga labi nito ang labi ni Marie. Hiyawan at palakpakan pagkatapos ng maalab na halik na iyon. Tuwang tuwa namang lumapit ang mga magulang ni Miguel, maging mga magulang ni Marie, masayang nagbatian. Pagkatapos ng seremonya ng kasal ay tuloy2 ang mga panauhin na nagtungo sa may covered tent na ginawang bulwagan ng reception. Napapalamutian din ito ng mga decorative leaves, pale pink and white flowers at mga hanging crystals. Pareho nang mga nasa garden set up na ginanapan ng seremonya ng kasal. Si Daddy Nick muna ang unang kasayaw ni Marie bago ito maisayaw ni Miguel. Nasa mga bisig na siya ngayon ni Miguel. Sobrang nagagalak ang puso ni Marie, hindi
Malalim na ang gabi tuloy tuloy pa din ang kasiyahan. Marami silang empleyado na nakisaya narin sa ginanap na kasal. Nauna nang inuwi ni Yana si Miggy dhail nakatulog na ang munting paslit. Bago pa man, ay nagpaalam narin ang bagong kasal sa mga bisita pagkatapos ng mensahe nila sa bawat isa, sa kani kanilang mga mahal sa buhat at pasasalamat sa mga dumalo . Sa pamamahay muna sila ng mga Villamayor matutulog ngayong gabi ngunit kinabukasan ay maaga silang babyahe para sa kanilang honeymoon. Kakapasok lang ng bagong kasal sa silid ni Marie nang maulinigan ang mga mumunting mga katok. Suot pa ni Marie ang kanyang gown nang buksan ang dahon ng kanyang pinto. "Pasensya na po.. nagising kasi bigla si Miggy nang marinig kanina ang ugong ng sasakyan ninyo bago huminto. Nagsasambit ng mama,papa umiiyak. Hindi ko na maalo." Si Yana habang karga karga ang umiiyak pang munting bata. Halos madurog ang puso ni Marie. Kawawa naman ang munting anghel niya. "akin na, dito na siya sa amin matutulog."
Bago pa man makaalis ang dalawang bagong kasal sa tahanan ng mg villamayor ay iniisa- isa na ni Marie lahat ng mga tagubilin niya kay Yana para kay Miggy. Panay naman ang pasubali ng mga magulang niya na huwag na silang mag-alala dahil kasama namin sila na mag-aalaga sa anak ng mga ito na si Miggy. Isang linggo ang bakasyon ng bagong mag-asawa sa isang ekslusibong Beach Resort na pag-aari ni Miguel. Hindi na pumayag si Marie na lilipad pa sila sa ibang bansa para maghoneymoon dahil inaalala niya ang kanilang anak na dalawang taong gulang pa lamang na maiiwan nila. At kung anu't ano man madali silang makakauwi para sa anak. Pinasuso muna ni Marie ang anak at inihele at maya't maya lang ay nakatulog na ito ng mahimbing. Hinalikan ni Marie ang anak ng buong puso, maging si Miguel ay hinalikan din ang anak. Inakbayan na ni Miguel si Marie papalabas sa silid ng anak tuloy- tuloy sa labas ng bahay na may naghihintay nang helicopter sa may bakanteng farmlot sa labas ng bakuran ng mga villamay