Alam din ni Brittany na kay Edward ang sumbrero, at marahil ay ipinasuot niya lang ito kay Analyn. Pero nakakita na siya ng pagkakataon na ipahiya ang babae at paninindigan na niya ito. Nagsimula ng magbulungan ang mga bisita.“May magnanakaw daw.”“Ang kapal naman ng mukha nun!” “Ang lakas ng loob na nakawin ang gamit ni Miss Brittany.”Bawat binibitiwang mga salita ng mga naroroon ay mga pana na tumutusok sa katawan ni Analyn. Nasasaktan siya sa mga walang basehang akusasyon. Pero ayaw niyang humingi ng tulong kay Anthony. Ni tingnan ito ay ayaw niyang gawin. Marami ng bisita ang nakapaligid kina Brittany at Analyn. Maski sila Sixto at Mercy ay napahangos ng narinig nila ang balita. Nang nakita nila si Brittany na kinukumpronta ang isang estranghero ay hindi nila iyon nagustuhan.“Ha! Tingnan mo, Edward. Bida-bida na naman ang kapatid ko. Nanghuli kuno ng magnanakaw sa party niya. Makaalis na nga lang.”“Hey! Saan ka naman pupunta? Bakit ka ba nagmamadali? May importante ka bang
“A-Anthony… a-ano ba ang sinasabi mo?” Pinilit ni Brittany na tumawa pero parang iyak ang lumabas mula sa lalamunan niya. Binalingan niya si Analyn. “Ikaw!”“Oo, ikaw,” agaw ni Anthony, si Analyn ang pinapatungkulan niya, “you are beautiful. Huwag mong itago sa face mask na ‘yan.” Pagkasabi niya nun ay marahang inalis ni Anthony ang mask mula sa mukha ni Analyn. dahilan para mabunyag ang mukha ni Analyn sa mga taong naroroon, lalo na ang mga press. Wala siyang ka-make up-make up, pero hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya. Isang tingin mo pa lang sa mukha niya ay parang alam na alam mo na agad na mabait ito, inside and out. Nagsimula ng kumislap ang mga camera sa harapan ni Analyn. Dahil dito, hindi niya napigilang takpan ang mukha niya. Nang nakita ni Mercy ang mukha ng taong naka-face mask, ang awtomatikong reaksyon niya ay mabigla. Wala sa loob na napaatras siya, kaya naman agad siyang dinaluhan ng asawa na nasa likuran niya. “Siya? Paano nangyari ito?” tanong ni Mercy sa
Namalayan na lang ni Analyn na nasa loob na siya ng VIP room sa hotel. Kuwarto iyon na may twin bed. Alam ni Analyn na ayaw din siyang madaliin ng asawa kaya ganung set-up ang kinuha nitong kuwarto.Pumasok muna sa CR si Analyn para maghugas ng kamay. Nakita niya kasing may mantsa ng dugo ni Elle ang mga kamay niya. Isinabay na rin niyang maghilamos. Pero nagulat siya ng paglabas niya mula sa CR ay hindi na niya makita ang telepono niya. Matamang nag-isip si Analyn. Tanda niya ay binuksan pa niya iyon bago siya pumasok sa banyo. Isang tao lang naman ang kasama niya sa loob ng kuwarto, kaya wala naman siyang ibang pwedeng pagbintangan. “Cellphone?” tanong niya kay Anthony. “What?” maang na tanong ni Anthony. “‘Yung cellphone ko, ilabas mo.” Umiling si Anthony. “No cellphone for the meantime. It’s our me-time.”“Hindi pwede!”Kumunot ang noo ni Anthony. “What do you mean? Naghihintay ka ba ng tawag mula kay Edward? Si Edward ba ang kasama mo sa party ni Brittany?” punong-puno ng pa
Dalawang araw na sila Analyn at Anthony na nanatili sa hotel. Bihira lang kausapin ni Analyn ang asawa. Gusto niyang iparating dito na galit pa rin siya sa asawa. “Magbihis ka,” masuyong utos ni Anthony.Napabangon bigla si Analyn. Namilog ang mga mata. “Iuuwi mo na ako sa Papa ko?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Pupunta tayo sa ospital, dadalawin natin si Elle.”Malapad na napangiti si Analyn. Hindi na niya kailangan pang mag-inarte sa lalaki. Mabilis siyang nagpalit ng damit at baka magbago pa ang isip ni Anthony.Pagdating sa ospital, nasalubong nila Anthony at Analyn ang sekretarya ni Edward na palabas ng kuwarto ni Elle, habang papasok naman sila. “Mr. De la Merced, Miss Analyn.” Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Anthony. Huminto siya at saka iniharang ang katawan sa harap ng sekretarya. Inakbayan niya si Analyn at saka tinanong ang nagulat na sekretarya.“Ano’ng tawag mo sa kanya?” “Ah, eh… Mrs. De la Merced.”Saka lang umalis si Anthony sa harapan ng se
“Dito lang ako babantayan kita,” sagot ni Analyn. “Hindi na. May bodyguard na ibinigay sa akin si Kuya Edward.” Tumingin si Elle sa bandang pintuan para hanapin ang bodyguard niya. Sinundan naman ng tingin ni Analyn ang tiningnan ni Elle. Naroroon nga sa may pintuan ang isang matipunong lalaki na nakaupo roon. Muling nagbaling ng tingin si Analyn sa babae. “Siya, sige. Hahayaan na rin muna kitang magpahinga, para makabawi ka ng lakas. Ang dami pa nating design na gagawin,” pagbibiro pa ni Analyn. Ngumiti naman si Elle. Tumayo na si Analyn at lumabas na ng kuwarto ni Elle. Paglabas niya, may kausap sa telepono si Anthony sa may di-kalayuan kaya si Edward ang sumalubong sa kanya. “Kumusta?”Mabilis na sinulyapan ni Analyn ang kinaroroonan ni Anthony. Nakatalikod ito sa gawi nila ni Edward at tipong hindi pa siya nakikita nito. Nagkibit-ballikat si Analyn, “okay lang.”“By the way, iyong sumbrerong ipinasuot ko sa ‘yo, akin ‘yun.”“Alam ko naman. At alam din ni Brittany, kaya nak
Sakay na ng sasakyan nila sila Anthony at Analyn. Kanina pa pinipigilan ni Anthony ang sarili na magtanong kay Analyn, peo sadyang hindi niya kayang kontrolin ang selos na kanina pa nararamdaman ng nakita niyang seryosong nag-uusap sila Analyn at Edward. “Ano’ng pinag-uusapan n’yo kanina ni Edward?” Pinilit ni Anthony na gawing kaswal ang pagkakatanong niya. “Wala lang. Tungkol kay Elle,” sagot ni Analyn. “Tungkol lang kay Elle, pero ang tagal at ang seryoso ng pag-uusap n’yo?” Hindi na napigilan ni Anthony na mapataas ang boses niya.Lumipad ang tingin ni Analyn sa asawa. “Hanggang ngayon ba nagseselos ka pa rin kay Edward? Ibrinodkas mo na nga na asawa mo ako, ganyan ka pa rin?” inis na sagot ni Analyn. “Huwag mong hintayin Analyn na papiliin kita sa aming dalawa ni Edward.”“Eh di sasagutin ko na ngayon ‘yan. Si Edward ang pipiliin ko.” Hindi na nakakibo si Anthony. Sa isip-isip niya, mukhang nagkamali siya sa sinabi niya. Naging padalos-dalos siya sa mga sinasabi niya dahil s
Sinundan ng tingin ni Analyn ang malungkot na si Karl. Bagsak ang mga balikat nito na para bang ang kahuli-hulihang pag-asa niya ay nawala pa. Binuksan na ni Karl ang pintuan ng sasakyan at akmang sasakay na ng sumigaw si Analyn.“Karl! Hintayin mo ko! Sasama ako sa ‘yo!”Agad na napahinto si Karl sa pagsakay sa sasakyan. Kapansin-pansin ang kanyang masayang mukha ngayon kumpara kanina.Doon pa rin siya dinala ni Karl, sa dating hotel at kuwarto kung saan sila tumuloy ni Anthony mula sa bahay ng mga Esguerra.Pagdating nila Analyn at Karl sa tapat ng pintuan ng kuwarto, nagulat pa sila sa biglang pagbukas ng pintuan at may doktor na palabas mula sa loob kasunod ang nakasimangot na sekretarya ni Anthony.“Madam!” Biglang umaliwalas ang mukha ng sekretarya ni Anthony pagkakita kay Analyn. Tila nabuhayan ito ng pag-asa para sa amo niya. “Dok, huwag ka munang umalis!” muling tawag ng sekretarya sa doktor na paalis na. “Madam, tara na sa loob!” tila excited na sabi nito kay Analyn.
Nagising si Anthony sa amoy ng isang mabangong bagay. Nagdilat siya ng mga mata at saka naupo sa kana. Iginala niya ang mga mata. Mag-isa lang siya rito sa kuwarto. Pero napansin niya na may ingay na nanggagaling sa labas ng pinaka-tulugan. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at saka naglakad papunta sa pintuan. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip siya roon. Nakita niya si Analyn na nagsasalin ng kung ano mula sa isang kaserola papunta sa mangkok na hawak niya. Pero base sa amoy nun ay parang sopas ang laman ng kaserola. Agad na tumalikod si Anthony at saka dumiretso sa banyo. Mabilisan siyang nag-shower. Pero paglabas niya mula sa banyo ay tahimik na sa labas ng kuwarto. Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at wala na siyang nakita roon. Inisip ni Anthony kung nananaginip o nagha-hallucinate lang ba siya kanina. Pero may mangkok na nakatakip sa ibabaw ng mesang kainan. Ibig sabihin ay naroon talaga kanina ang asawa. Lumapit si Anthony sa mesa habang pinupunasan ng tuwalya
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint
Kasama si Damian, sa bahay ni Greg nagdiwang ng pagsalubong sa bagong taon sila Anthony at Analyn. Bagaman, may dinaramdam at nanlalambot ang matanda, nakipag-selebra pa rin ito sa kanilang tatlo, pero maaga itong nagpahinga. Nakatanggap ng dalawang ampao si Analyn, isa galing kay Damian, at isa galing kay Anthony. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Madadagdagan na naman ang ipon niya. Nawala ang tuwa niya ng may napansin siya sa dalawang sobre. “Anthony, bakit ang nipis lang ng ampao mo? Etong kay Papa, ang kapal.” Pagkatapos ay binalingan ni Analyn ang ama.“Papa, ibinigay mo na ba sa akin ang buong pensyon mo? Ang kapal ng envelope mo, eh,” pabirong tanong ni Analyn. “Huwag kang umasa. Puro tigsi-singkwentang papel lang ‘yan kaya mukhang makapal,” sagot ni Damian, kay lumabi si Analyn sa kanya. “Hindi ako naniniwal. Ang kapal nito, eh,” sabi ni Analyn habang pinipisil-pisil ang sobre. Pinagbuntunan namin ni Analyn ang asawa. “Ikaw, Anthony. Hindi ba importante sa iyo ang asa
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula