“Saan ka namin ihahatid?” tanong ni Anthony kay Brittany nang tumatakbo na ang sasakyan. “Uhm… under renovation pa kasi ‘yung tinitirhan ko rito…” “Hindi ka na ba umuuwi sa bahay n’yo?” Nag-iwas ng tingin si Brittany. “Medyo malayo din kasi. Mas komportable kung malapit lang din sa Business Inquirer ang uuwian ko.”“Karl, idiretso mo sa Green Valley.” “Yes, boss.”Pagkadating sa bahay ni Anthony sa Green Valley, binuksan ng lalaki ang pintuan at pinatuloy si Brittany. “May mabilis lang akong idi-discuss sa ‘yo,” sabi ni Anthony sa babae. Nasa sala sila ng bahay nun.“Okay.” Ipinatong ni Anthony ang laptop niya sa center table. “By the way, eto ang mga susi dito sa bahay,” sabay abot ni Anthony ng bungkos ng susi kay Brittany. Pilit na initago ni Brittany ang sayang nararamdaman habang inaabot mula kay Anthony ang nakabungkos na susi. Gustong-gusto niya talaga ang bahay na ito ni Anthony, at ngayon ay sa kanya na muna ang bahay na ito.“Here…” May binuksang file si Anthony s
Nag-ring ang telepono ni Anthony. [“Ang tagal mo namang umuwi.”]“Miss me already?” nakangiting tanong ni Anthony sa kausap. Umirap si Analyn sa hangin. [“Hindi kaya. May itinuro kasing bagong putahe sa akin si Manang Edna. Gusto kong ipatikim sa ‘yo.”]“Ayoko. Iba ang gusto kong tikman.”[“Huy!”]Tumawa si Anthony. Parang nai-imagine na niya ang itsura ng mukha ni Analyn ngayon. Paniguradong pulang-pula ang mukha nito ngayon dahil sa panunukso niya rito. [“Ano na? Uuwi ka na ba o hindi pa?”]Muling natawa si Anthony sa tono ng boses ni Analyn, mukhang inis na ang asawa. "Ayaw mong tikman ko 'yun?" ["Ha? Ano 'yun?"]"In denial."["Pauwi ka na ba kasi o hindi pa?"]Muling narinig ni Anthony ang inis sa boses ng asawa. Napangiti siya. Nagtagumpay siya sa pang-aasar dito.“Pauwi na. Malapit na ko.”[“Yehey!”]NANG dumating si Anthony sa bahay, agad siyang sinalubong ni Analyn. “Ang tagal mo namang dumating!” nakasimangot na sabi nito, “tara na, bilis!”Ni hindi na nakuhang sumagot
Araw ng contract signing sa pagitan ng Business Inquirer at DLM Group. Nagtataka si Brittany kung bakit wala sa eksena si Anthony. Sa halip, ang sekretarya nito ang ipinadala niyang representante ng DLM.Nasa labas lang si Anthony. Nasa loob ng sasakyan niya at naghihintay na matapos ang contract signing. Nasa isang tabi lang si Brittany, nakamasid sa contract signing. Hindi siya makapagsalita para sa mga taga-Business Inquirer. Siya ang dahilan kung bakit napasok ng DLM ang kumpanya. Hindi naman kasi niya akalain na magiging dehado ang B.I. Akala niya ay mahahawakan niya sa leeg si Anthony at masusunod ang gusto niyang mga kundisyon. Dahil dito, napatunayan ni Brittany na si Anthony ay si Anthony. Isang negosyante.Natapos na ang contract signing at lumabas na ang sekretarya ni Anthony sa naghihintay nitong sasakyan. Mabilis na pinaandar na ni Karl ang sasakyan, at habang nasa biyahe, inireport ng sekretarya kay Anthony ang mga nangyari sa contract signing. Tapos na ang pagre-r
Nang umuwi si Anthony, tulog na si Analyn. Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha nito. Naiisip pa lang niya na may minahal siyang iba ay nag-iinit na ang ulo niya. Maingat ang naging mga pagkilos ni Anthony. Ayaw niyang magising pa ang asawa. Malalim na ang gabi at ayaw niyang mapuyat ito. Kilala niya ang asawa, kahit mapuyat ito, gigising pa rin ito ng maaga para pumasok sa opisina niya. KINABUKASAN, nagising si Anthony na wala na si Analyn sa tabi niya. Agad siyang bumangon para hanapin ito. Natagpuan niya ito na nag-almusal na. Pero ng lapitan niya ito para sana saluhan sa pag-aalmusal, bigla itong tumayo at binitbit na ang bag. “Hey! Galit ka ba?” tanong ni Anthony. Nakasimangot na nilingon siya ni Analyn.“Hindi ka tumupad sa pangako mo kahapon na susunduin mo ako sa bahay ni Lolo Greg.” Biglang lumambot ang mukha ni Anthony. “Sorry, bigla kasing nag-imbita si Raymond. Birthday niya. Naparami ang inom ko.” Hindi na siya sinagot ni Analyn at tinalikutan na siya. “Analyn!
Lumapit si Damian sa tatlong bagong dating, pero na kay Jiro ang atensyon niya. Nang nasa harapan na siya nung tatlo, sinabihan niya si Jiro. “Sumama ka sa akin sa kuwarto.” Pagkatapos nun ay tumalikod na si Damian.Nagkatinginan iyong tatlo. Pero agad ding sinenyasan ni Anthony si Jiro na sumunod na kay Damian sa kuwarto. Kinuha niya mula kay Jiro ang mga bitbit na pinamili. “At bakit ka nandito, Tonton?” tanong ni Greg sa apo. Ngumiti si Anthony sa lolo. “Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng magpunta rito? Bakit ayaw mo akong pumunta rito eh Papa ni Analyn ang nakatira rito sa bahay na ‘to?” Nagkibit-balikat si Greg. “Sabagay, ganyan naman talaga dapat ang ginagawa ng isang mabuting son-in-law.” Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn. “Tinuruan mo sigurong magsipsip sa Papa mo ang mokong na ito, ano?”Namula ang pisngi ni Analyn. “Ha? Hindi po, ‘Lo. Nagulat na nga lang ako na kasabay ko siyang dumating sa labas.” “Ayaw mo ba talaga ako rito, ‘Lo? Ipagluluto ko pa naman kayo.” Itinul
Maghapong hindi makapagtrabaho si Analyn. Wala siyang ginawa kung hindi tingnan at sundan ng tingin si Elle sa opisina. Napansin naman iyon ni Elle ng lumaon. “Ano ba, Analyn? Ano ba’ng iniisip mo? Parang ako na lang ng ako ang binabantayan mo maghapon. Okay lang ako. See? Look. Eto, oh. Nakatayo lang ako rito, oh,” reklamo ni Elle.Naihilamos ni Analyn ang palad niya sa mukha niya. “Haist, Elle! Hindi ko alam kung paano’ng gagawin ko sa ‘yo? Kanina pa ako nag-iisip ng paraan para mabawi kita sa asawa mo. Aba, Elle…. Kapag may nangyari sa ‘yo, hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin itong Blank mag-isa.”“Ang advance mo namang mag-isip.” Naglakad si Elle palapit sa mesa ni Analyn. “May pa-dinner ang officials ng North City Business project natin. Kailangan nating magpadala ng representative. Alam ko, originally, trabaho ko iyon. Pero alam mo namang hindi ako pwedeng–” “Oo na, ako na,” sambot ni Analyn. “Uy… galit ka ba?” Napabuntong-hininga si Analyn. “Naiintindihan ko naman, E
Pupungas-pungas na bumangon si Edward. Tila naman naramdaman ng sekretarya na gising na ang amo kaya pumasok siya sa kuwarto nito. “Boss, tamang-tama ang gising mo.” “Dumating na ba si Anthony?” “Kadarating lang niya, boss. Nandun na siya sa kuwartong pina-reserve mo. Kaya lang, boss…” Nagsalubong ang mga kilay ni Edward. “Kaya lang ano?” “Palihim na dumating si Miss Brittany. Sabi ng tao natin sa labas, nakasunod daw siya sa sasakyan ni Sir Anthony, pero parang hindi naman alam ni Sir Anthony.” Tumango lang si Edward. Pero hindi pa rin kumilos ang sekretarya niya, kaya alam niyang may gusto pa itong sabihin sa kanya. “May sasabihin ka pa ba?” “Boss?” “Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na. Kailangan ko pang mag-shower ng mabilisan.” “Eh, boss. May nakarating din sa aking balita na nandito rin sa lugar si Miss Analyn.” Napahinto si Edward sa pagbaba sa kama. “Ano’ng ginagawa niya rito?” “Something to do with her business. May ka-meet up siya sa second floor.” “Nasa al
“I am here for business, and look what you are doing,” pabirong akusa ni Anthony sa asawa.Mahinang tumawa si Analyn, nang bigla siyang may naalalang itanong sa lalaki. “Siyangapala, kaya nga pala kami nagkita ng sekretarya mo kanina ay dahil gusto kong maglublob sa hot spring sa ibabang pool. Dito ba sa unit mo? Meron ba ritong kahit jacuzzi man lang? Gusto kong ilublob ang paa kong na-sprain at ang mga binti ko.”Walang sabi-sabing tumayo si Anthony at saka binuhat si Analyn. Hindi naman nagreklamo ang babae. Hinayaan lang niya kung saan siya dadalhin ni Anthony. Ipinasok siya ni Anthony sa banyo ng kuwarto. Malaki ito. Sa dulong bahagi ay ang jacuzzi pool. “Wow! Ang cute ng size…” sabi ni Analyn. “How I wish to make love with you there,” paos na sabi naman ni Anthony.Matamis na ngumiti si Analyn sa asawa. “Then, join me there.” Nang biglang sumigaw mula sa labas ng banyo ang sekretarya ni Anthony. “Sir, we have to go!”Ibinaba ni Anthony ang asawa at saka binuksan ang tubig
“Analyn, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin.”Kinagat ni Analyn ang ibabang labi. “May alam ka ba?”Hindi sumagot si Anthony, kaya alam na ni Analyn ang ibig sabihin nun. “I’m sorry… pwede ba’ng saka na natin pag-usapan ang tungkol dito?”“Gaano mo na katagal kakilala si Eric?” sa halip ay sagot ni Anthony.“Siya…” Hindi masabi ni Analyn ang dapat sabihin. Ang tanging nagawa niya ay magyuko ng ulo. “Ano?” ungkat ni Anthony. Mas mataas na ang boses nito.Lumunok ng malaki si Analyn, bago lakas-loob na nagsalita. “Siya… ang first… boyfriend ko…”Kumuyom ang palad ni Anthony sa narinig. Magkahalong galit at selos ang nararamdaman niya. “‘Yung senior? Mula sa St. Andrew’s? Bumalik siya sa Tierra Nueva para makita ka?”Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Analyn. “H-Hindi. Hindi ko alam. Ewan ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya bumalik dito.”“May gusto ka pa ba sa kanya?” muling tanong ni Anthony.“Apat na taon na ang nakaraan, Anthony. Marami ng nagbago sa akin.”
Pagdating ni Analyn sa sasakyan, abala ang asawa sa laptop niya. “Talagang hindi ka pwedeng umalis na hindi mo kasama ang laptop mo, ano?” puna ni Analyn. Nag-angat ng tingin si Anthony kay Analyn at saka ngumiti. “Masanay ka na, babe.”“Ano pa nga ba?”“Pahahatid na lang kita kay Karl sa bahay. Biglang nakipag-meeting ngayong araw ‘yung bagong naga-apply na investor.” “Hindi. Sasama ako sa ‘yo.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Hindi ka ba naniniwala sa akin? Sa DLM nga ako pupunta. Promise.” “No. Sabi mo na masanay na ako. So kailangan ko na ring masanay sa mga trabaho mo bilang ako si Mrs. De la Merced.”Malapad na napangiti si Anthony. “I like that…”Gumanti naman ng ngiti si Analyn. “Okay, read this habang nasa biyahe tayo para may idea ka sa background ng company nung investor.”NANG dumating sila sa conference room ng DLM, wala pa roon ang ka-meeting ni Anthony. “Baka gusto mong umatras, may panahon ka pa,” sabi ni Anthony sa asawa. “No. Kaya ko ‘to.”“Okay, sabi
“B-Bakit mo naman naitanong bigla?”Nagkibit-balikat si Anthony. “Wala lang. Naisip ko lang na maganda ang lugar na ito dito sa campus para manligaw. Romantic. Malaki ang tsansa na sagutin ka ng liligawan mo.”Hindi alam ni Analyn kung ano ba talaga ang motibo ni Anthony sa pagtatanong nun. Sa halip, ang ginawa niya, ibinalik niya ang tanong dito. “Ikaw ba, nagkaroon ka ba ng girlfriend mo rito sa St. Andrew's?”“Wala. Saka isang taon lang ako rito, di ba? Sa abroad na ako nagpatuloy ng pag-aaral. At wala rin akong naging panahon sa panliligaw doon. Puro aral lang ang ginawa ko dahil kailangan ko ng matataas na grades.”“Sus! Maniwala ako sa ‘yo. Sa guwapo mong ‘yan, imposibleng walang aaligid na babae sa ‘yo.” “Ang dami mong sinasabi, pero hindi mo pa rin sinagot ang tanong ko.” Ibinalik ni Analyn ang tingin sa lagoon. Mukhang hindi na niya maiiwasan ang tungkol sa topic na ‘yun. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong. “Nag-date kami ng mahigit sa isang taon. Tapos nagp
Iginiya ni Anthony ang asawa papunta sa walk-in closet para magpalit ng damit. “Ano’ng isusuot ko?”“Anything simple. Just like you.” NANG igiya ni Anthony pababa ng hagdan si Analyn, hindi napansin ni Anthony ang kabang mababanaag sa mga mata nito. “Parang nakakahiya na pumunta roon, Anthony.”“Bakit ka mahihiya?” Naglalakad na sila papunta sa sasakyan ni Anthony. Napansin ni Analyn ang mga bodyguard nito na nakakalat sa bakuran at ang mga sasakyn na gagamitin nila para maging convoy nila. Mukhang napaghandaan na ni Anthony ang lakad nila na ito. “Mapi-pictyuran ka dun kasama ako.” “I don’t care, misis. Sakay na.” Mukhang wala namang choice si Analyn, katulad ng wala rin siyang choice kagabi ng paulit-ulit siyang inangkin ni Anthony. Habang nasa biyahe, may mga tanong sa isip ni Analyn na gusto niyang masagot. Katulad ng: bakit parang bigla ay gusto siyang dalhin ni Anthony sa eskwelahan niya? May nalaman ba ito? Nakarating na sila sa St. Andrew’s University. Sobrang dami
Nagpunta si Analyn sa opisina niya. Ilang araw na kasing sa on-line lang siya nagtatrabaho kaya nakokonsiyensya siya. Parang hindi siya hands-on na may-ari ng kumpanya. Dumaan muna siya sa isang pizza store para bilhan ng merienda ang mga empleyado niya. Lahat sila ay nagulat pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila.“Wow, boss Analyn… lalo ka yatang gumanda?” papuri ni Michelle.Alam man ni Analyn na binobola siya ng kaibigan, pero gumaan ng konti ang nararamdaman niyang bigat ng katawan dahil sa isyu nila ni Anthony. “Kaya ayaw kong pumupunta rito sa opisina, may dala na nga akong pagkain n;yo, binobola n’yo pa ako.” Nagtawanan tuloy ang iba pang naroroon. Nagkataon na nandoon din pala si Elle. “Mukhang okay na kayong dalawa ni Kuya Anthony, ah?”“Ikaw talaga, napaka-tsismosa mo.”“Curious lang ba. Iba ‘yun sa tsismosa. Saka, halos lahat yata ng tao dito sa Tierra Nueva, curious sa love story n’yong dalawa. In fact, pati nga ang psychologist ko, interesado sa kuwento n’
“Sir Anthony, hinahanap mo raw ako?” Nag-angat ng tingin si Anthony mula sa mga pinipirmahang papeles. Kasunod na pumasok ni Ailyn ang sekretarya ni Anthony. “Cellphone?” tanong ni Anthony kay Ailyn, sabay lahad ng isang kamay niya para hingin ang telepono ng babae. Ang sekretarya ni Anthony sa halip ang nag-abot ng telepono ni Ailyn sa amo. Malamang ay nakuha na nito ang telepono sa labas pa lang ng opisina ng huli. “Password?” tanong ni Anthony ng hindi tinitingnan si Ailyn at sa halip ay sa screen ng telepono nito siya nakatingin.“Bakit, Sir Anthony? Ano’ng gusto mong makita sa telepono ko?” “Password?” ulit ni Anthony sa tanong niya. Huminga ng malalim si Ailyn at saka nagsalita. “0315”Nagsalubong ang mga kilay ni Anthony ng narinig ang password na sinabi ni Ailyn. Agad niyang pinindot ang mga numero at ng mabuksan ay dumiretso siya sa gallery. Pero wala ang hinahanap niyang video at picture roon. Tatatlo lang yatang picture ang nakalagay doon.Pabalibag na ibinaba ni Anth
Iyon ang video ng nagawa niyang pagkakamali sa Hongkong. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit wala sa mood ang asawa. Ibinalik ni Anthony ang telepono ni Analyn at saka nagpaliwanag. “Nung nasa Hongkong. Akala ko, ikaw ‘yung pumasok sa kuwarto ko. Kaya hinila ko ‘yung tao sa kama ko. P-Pero hindi ito katulad ng nasa isip mo. Hindi kumpleto ang video na ‘to. Dahil hindi nagtagal, nalaman ko agad na hindi pala ikaw ‘yun. Kaya huminto ako agad. Hindi natuloy. Promise, walang nangyari sa amin,” hindi magkandatutong paliwanag ni Anthony. Halos nauutal na sa pagpapaliwanag si Anthony, Ngayon lang yata may kinatakutan ang isang Anthony De la Merced. Pero kitang-kita ni Analyn sa mukha nito na nagsasabi ito ng totoo at hindi lang gumagawa ng istorya.“So, totoo nga ‘yang video na ‘yan?”Hindi sumagot si Anthony, sa halip ay lumunok ito ng malaki. “Hindi ko kasi maisip na iyong lalaking magpo-propose sa akin sa loob ng masikip na kotse ay magagawa akong pagtaksilan. So ang una kong nais
Pagkatapos ng napakahabang panahon, hindi akalain ni Analyn na babalik pa si Eric sa Tierra Nueva. Naglakad lang ng naglakad si Analyn, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Magulo ang isip niya, nagulo dahil sa biglang pagsulpot ni Eric. Nang bigla siyang nakarinig ng sunod-sunod na busina. “Analyn! Saan ka pupunta? Tara na! Iuuwi na kita!” Wala sa wisyo na sumakay na si Analyn sa sasakyan ni Elle. “Hindi na ako magtatanong kung ano’ng nangyari, pero sana okay ka lang…” HALOS sabay lang dumating ang mga sasakyan nila Elle at Anthony sa bahay ng huli. “Wife, bakit ka umalis agad? Di ba sabi ko, sabay tayong uuwi?”Si Elle ang sumagot. “Sorry, Kuya Anthony. Isinama ko si Analyn. May pinuntahan lang kami diyan sa malapit. Pero nandito naman na siya, kaya aalis na ko.”Pagkasibad ni Elle, agad na pumasok na sa loob ng bahay su Analyn. Dumiretso siya sa pag-akyat patungo sa kuwarto nilang mag-asawa. Agad namang sumunod si Anthony. Inilapag lang ni Analyn ang dalang pouch at sak
Nang nasa sasakyan na sila Elle at Analyn, muling binuksan ni Analyn ang larawan sa telepono niya. Nagugulo ang isip niya at hindi siya mapakali kaya sinilip niyang mabuti.Galing ang picture mula sa isang surveillance video at in-screeshot. Pero maliwanag ‘yun. Kung ganito kalinaw ang quality ng larawan, ibig sabihin ay totoo ito at hindi in-edit lang. At totoo talaga ang picture dahil galing nga sa camera ng CCTV. Napatingin sa malayo si Analyn, maraming naglalaro sa isipan niya.“Kanina ka pa napapatulala riyan. Saka, ano ba'ng tinitingnan mo diyan sa telepono mo?” biglang tanong ni Elle, sabay silip sa screen ng telepono ni Analyn. Bigla namang itinago na ni Analyn ang telepono para hindi makita ni Elle ang tinitingnan niyang picture.“W-Wala. Tinitingnan ko lang kung may message si Anthony.” “Hindi ka pa niya mapapansin na wala ka na dun sa venue. Masyado pa ‘yung busy sa mga kausap niya.” “Elle, kung obvious na may gumagawa ng dahilan para paghiwalayin kayo ng asawa mo, pap