Araw ng contract signing sa pagitan ng Business Inquirer at DLM Group. Nagtataka si Brittany kung bakit wala sa eksena si Anthony. Sa halip, ang sekretarya nito ang ipinadala niyang representante ng DLM.Nasa labas lang si Anthony. Nasa loob ng sasakyan niya at naghihintay na matapos ang contract signing. Nasa isang tabi lang si Brittany, nakamasid sa contract signing. Hindi siya makapagsalita para sa mga taga-Business Inquirer. Siya ang dahilan kung bakit napasok ng DLM ang kumpanya. Hindi naman kasi niya akalain na magiging dehado ang B.I. Akala niya ay mahahawakan niya sa leeg si Anthony at masusunod ang gusto niyang mga kundisyon. Dahil dito, napatunayan ni Brittany na si Anthony ay si Anthony. Isang negosyante.Natapos na ang contract signing at lumabas na ang sekretarya ni Anthony sa naghihintay nitong sasakyan. Mabilis na pinaandar na ni Karl ang sasakyan, at habang nasa biyahe, inireport ng sekretarya kay Anthony ang mga nangyari sa contract signing. Tapos na ang pagre-r
Nang umuwi si Anthony, tulog na si Analyn. Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha nito. Naiisip pa lang niya na may minahal siyang iba ay nag-iinit na ang ulo niya. Maingat ang naging mga pagkilos ni Anthony. Ayaw niyang magising pa ang asawa. Malalim na ang gabi at ayaw niyang mapuyat ito. Kilala niya ang asawa, kahit mapuyat ito, gigising pa rin ito ng maaga para pumasok sa opisina niya. KINABUKASAN, nagising si Anthony na wala na si Analyn sa tabi niya. Agad siyang bumangon para hanapin ito. Natagpuan niya ito na nag-almusal na. Pero ng lapitan niya ito para sana saluhan sa pag-aalmusal, bigla itong tumayo at binitbit na ang bag. “Hey! Galit ka ba?” tanong ni Anthony. Nakasimangot na nilingon siya ni Analyn.“Hindi ka tumupad sa pangako mo kahapon na susunduin mo ako sa bahay ni Lolo Greg.” Biglang lumambot ang mukha ni Anthony. “Sorry, bigla kasing nag-imbita si Raymond. Birthday niya. Naparami ang inom ko.” Hindi na siya sinagot ni Analyn at tinalikutan na siya. “Analyn!
Lumapit si Damian sa tatlong bagong dating, pero na kay Jiro ang atensyon niya. Nang nasa harapan na siya nung tatlo, sinabihan niya si Jiro. “Sumama ka sa akin sa kuwarto.” Pagkatapos nun ay tumalikod na si Damian.Nagkatinginan iyong tatlo. Pero agad ding sinenyasan ni Anthony si Jiro na sumunod na kay Damian sa kuwarto. Kinuha niya mula kay Jiro ang mga bitbit na pinamili. “At bakit ka nandito, Tonton?” tanong ni Greg sa apo. Ngumiti si Anthony sa lolo. “Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng magpunta rito? Bakit ayaw mo akong pumunta rito eh Papa ni Analyn ang nakatira rito sa bahay na ‘to?” Nagkibit-balikat si Greg. “Sabagay, ganyan naman talaga dapat ang ginagawa ng isang mabuting son-in-law.” Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn. “Tinuruan mo sigurong magsipsip sa Papa mo ang mokong na ito, ano?”Namula ang pisngi ni Analyn. “Ha? Hindi po, ‘Lo. Nagulat na nga lang ako na kasabay ko siyang dumating sa labas.” “Ayaw mo ba talaga ako rito, ‘Lo? Ipagluluto ko pa naman kayo.” Itinul
Maghapong hindi makapagtrabaho si Analyn. Wala siyang ginawa kung hindi tingnan at sundan ng tingin si Elle sa opisina. Napansin naman iyon ni Elle ng lumaon. “Ano ba, Analyn? Ano ba’ng iniisip mo? Parang ako na lang ng ako ang binabantayan mo maghapon. Okay lang ako. See? Look. Eto, oh. Nakatayo lang ako rito, oh,” reklamo ni Elle.Naihilamos ni Analyn ang palad niya sa mukha niya. “Haist, Elle! Hindi ko alam kung paano’ng gagawin ko sa ‘yo? Kanina pa ako nag-iisip ng paraan para mabawi kita sa asawa mo. Aba, Elle…. Kapag may nangyari sa ‘yo, hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin itong Blank mag-isa.”“Ang advance mo namang mag-isip.” Naglakad si Elle palapit sa mesa ni Analyn. “May pa-dinner ang officials ng North City Business project natin. Kailangan nating magpadala ng representative. Alam ko, originally, trabaho ko iyon. Pero alam mo namang hindi ako pwedeng–” “Oo na, ako na,” sambot ni Analyn. “Uy… galit ka ba?” Napabuntong-hininga si Analyn. “Naiintindihan ko naman, E
Pupungas-pungas na bumangon si Edward. Tila naman naramdaman ng sekretarya na gising na ang amo kaya pumasok siya sa kuwarto nito. “Boss, tamang-tama ang gising mo.” “Dumating na ba si Anthony?” “Kadarating lang niya, boss. Nandun na siya sa kuwartong pina-reserve mo. Kaya lang, boss…” Nagsalubong ang mga kilay ni Edward. “Kaya lang ano?” “Palihim na dumating si Miss Brittany. Sabi ng tao natin sa labas, nakasunod daw siya sa sasakyan ni Sir Anthony, pero parang hindi naman alam ni Sir Anthony.” Tumango lang si Edward. Pero hindi pa rin kumilos ang sekretarya niya, kaya alam niyang may gusto pa itong sabihin sa kanya. “May sasabihin ka pa ba?” “Boss?” “Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na. Kailangan ko pang mag-shower ng mabilisan.” “Eh, boss. May nakarating din sa aking balita na nandito rin sa lugar si Miss Analyn.” Napahinto si Edward sa pagbaba sa kama. “Ano’ng ginagawa niya rito?” “Something to do with her business. May ka-meet up siya sa second floor.” “Nasa al
“I am here for business, and look what you are doing,” pabirong akusa ni Anthony sa asawa.Mahinang tumawa si Analyn, nang bigla siyang may naalalang itanong sa lalaki. “Siyangapala, kaya nga pala kami nagkita ng sekretarya mo kanina ay dahil gusto kong maglublob sa hot spring sa ibabang pool. Dito ba sa unit mo? Meron ba ritong kahit jacuzzi man lang? Gusto kong ilublob ang paa kong na-sprain at ang mga binti ko.”Walang sabi-sabing tumayo si Anthony at saka binuhat si Analyn. Hindi naman nagreklamo ang babae. Hinayaan lang niya kung saan siya dadalhin ni Anthony. Ipinasok siya ni Anthony sa banyo ng kuwarto. Malaki ito. Sa dulong bahagi ay ang jacuzzi pool. “Wow! Ang cute ng size…” sabi ni Analyn. “How I wish to make love with you there,” paos na sabi naman ni Anthony.Matamis na ngumiti si Analyn sa asawa. “Then, join me there.” Nang biglang sumigaw mula sa labas ng banyo ang sekretarya ni Anthony. “Sir, we have to go!”Ibinaba ni Anthony ang asawa at saka binuksan ang tubig
“Napaka mo talaga! Malandi ka!” nanggigigil na sabi ni Brittany kay Analyn.Pulang-pula na ang mukha at leeg nito dahil sa galit.“Sige nga, sabihin mo sa akin. Napagkamalan lang ba ako ni Anthony na si Ailyn?”Hindi sumagot si Brittany. Mabilis na ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa galit kay Analyn. Minabuti ni Analyn na umahon na mula sa jacuzzi. Wala siyang laban kung may maisip na masamang balak sa kanya si Brittany. Mas mabuti ring makapagbihis na siya ng damit an suot niya.“Ang taas din naman ng bilib mo sa sarili mo. Hindi ka magugustuhan ni Anthony kahit kaian. Iyan ang isaksak mo diyan sa isip mong baliko! Kung na-inlove man si Anthony, hindi sa ‘yo. Kung hindi sa babaeng kamukha mo.”“Besides…” pahabol ni Brittany, “kung inlove na sa ‘yo si Anthony, bakit nandito pa rin ako?” “Bakit ka kasi habol ng habol sa taong ayaw naman sa ‘yo?” pagkontra ni Analyn. “Hah! Naghahabol?” At saka may inilabas na bungkos ng mga susi si Brittany mula sa bag niya. “Eh, ano ‘to?”Buko
“Oh… Nandoon ka ng saksakin ako ni Vivian sa tagiliran ko. Nagka-peklat ako sa parte ng katawan ko na ‘yon. Pero ano’ng ginawa ni Anthony? Binurdahan niya ng tattoo ang ibabaw ng peklat para matakpan iyon. Isa iyong rose na napapalibutan ng mga stem na may mga tinik, ibig sabihin daw nun, siya ang stem na may mga tinik at ako ang rose. Gusto niya akong bakuran, iyon ang ibig sabihin ng tattoo. Gusto mo bang makita? Di ba, to see is to believe?”“Walanghiya ka!” galit na sagot ni Brittany. Umismid si Analyn. “Walanghiya talaga ako. Kaya nga okay lang sa akin na makita mo ang tattoo sa katawan ko.” Dahil nakita ni Analyn na apektado na si Brittany sa mga sinabi niya, at nasira na niya ang momentum ng babae, ipinagpatuloy niya ang pagsasabi rito ng pwede pa niyang ika-inis. “At alam mo ba, kapag nagigising ako sa pagtulog sa gabi at nauuhaw ako? Gigising din si Anthony para bigyan ako ng tubig. At kapag nauuna siyang magising sa umaga, gigisingin niya ako ng mga halik niya. At walang
“Analyn!” Gustong pigilan ni Elle ang kaibigan, ayaw niya itong mapahiya sa maraming tao. Hindi niya alam kung marunong talagang tumugtog ng piano ito. “Ako’ng bahala.”Umakyat na si Analyn sa stage at saka naupo sa likod ng piano. Tinitigan niya ang mga kulay puti at itim na mga tiklado ng instrumento, at saka siya napaisip. Kailan pa nga ba siya huling tumugtog ng piano? Sinubukan ni Analyn na pindutin ang mga tiklado paisa-isa, walang tiyak na tono. May nainis mula sa mga bisita at sumigaw. “Kung hindi ka marunong tumugtog ng piano, bumaba ka na lang diyan! Nakakahiya ka lang!”Sinundan pa iyon ng iba pang sigaw na pinapababa na siya sa entablado, pero hindi iyon pinansin ni Analyn. Itinuon niya ang pansin sa pagtipa, hanggang sa bumilis na ng bumilis ang pagtipa niya. Napanganga ang mga bisita at nakikinig sa tinutugtog ni Analyn. “Piyesa ni Rachmaminoff!” hindi nakatiis na komento ng isa.“Oo nga. Maraming ayaw na tugtugin iyan dahil masyadong mahirap ang pagtipa ng piyesang
Tapos na ang kasal at nasa reception na sila Anthony at Analyn. Kanina pa hinahanap ni Analyn si Elle, pero hindi niya ito nakikita. Hindi tuloy malaman ni Analyn kung umalis na ba ang babae katulad ng sabi niya kanina na magpapakita lang sandali rito sa reception at aalis na. Pero sana naman ay magpaalam muna ito sa kanya bago umalis. “Hey, babe. Gusto mo ba ‘yung ganitong kasal nina Edward at Brittany?” pabulong na tanong ni Anthony sa asawa. Umiling si Analyn. “Ayoko. Masyadong magarbo. Gusto ko, simple lang.” Tumango si Anthony. “Noted.” Pagkatapos ay tumipa ito sa screen ng telepono niya. Nagtaka si Analyn kung ano ang ginagawa ni Anthony kaya sinilip niya ang ginagawa nito, at nakita niya na may notes siyang nakasulat sa notepad ng telepono niya. Naiiling na napangiti na lang si Analyn sa asawa. “Hey, Anthony!” Sabay na napalingon ang mag-asawa. Isang may edad ng lalaki ang tumatawag kay Anthony. Pero kabilang lang ang lalaki sa umpukan ng mga lalaking kasama nito.“Come h
Bumuntong-hininga si Mercy, pilit niyang inuunawa ang anak. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Pare-pareho ko lang kayong mga anak, kaya pantay-pantay lang kayo sa akin. Walang aalis sa bahay na ito. Ayaw mo ba nun, madadagdagan pa nga tayo? Masyado kang nag-iisip.” “Natatakot ako, Mama. Lagi ko na lang napapanaginipan iyon. Ang pagdating ni Ailyn dito sa bahay at ang pagpapa-alis mo sa akin dito. Magkakatooo ba “yun, Mama? Natatakot ako…” Niyakap ni Mercy ang anak. “Hindi, Brittany, hindi…”Palihim na natuwa si Brittany. Lingid sa kaalaman ng mga magulang, kumuha siya ng private investigator at nasorpresa siya sa report nito sa kanya. “Si Damian Ferrer, ang tumatayong ama ni Analyn Ferrer ay isang surgeon sa isang ospital sa San Clemente. Si Analyn ay inampon lang niya doon sa ospital dahil walang nagke-claim sa bata nung maaksidente ito at ma-confine doon sa ospital. Kontra ang asawa niya sa ginawa niyang pag-ampon sa bata. Pinaalis si Damian doon sa ospital dahil sa isang kaso ng
Napapapikit na lang ang kasambahay na nasa labas ng kuwarto ni Brittany sa tuwing may tunog siyang maririnig ng nabasag na bagay sa loob ng kuwarto ng amo. Kanina pa nagwawala si Brittany sa loob ng kuwarto nito. Magulong-magulo na ang kuwarto at nakasabog lahat ng gamit. May mga basag na bagay na kanina pa niya isa-isang hinahagis. “Bakit? Hindi ko mahal si Edward! Bakit ko siya kailangang pakasalan?! Ayoko siyang pakasalan!”Ito ang paulit-ulit niyang sinasabi habang iwinasiwas ang lahat ng madampot sa loob ng kuwarto niya. Basang-basa na rin ang mukha niya sa magkahalong luha at pawis.Mula ng ipinakilala na ni Anthony ang pagkakakilanlan ni Analyn bilang asawa niya sa buong Tierra Nueva, marami ng lumait sa kanya. Ang laman lagi ng mga balita ay nagpipilit daw siyang maging mistress ni Anthony, at hindi na makahintay na maging hiwalay muna sa asawa ang presidente ng De la Merced Group.Nang sa wakas ay napagod na si Brittany sa pagsisira ng mga gamit niya, nanghihina siyang napa
Nagising si Analyn dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata niya. Pagdilat niya, nakita niya ang papasikat pa lang na araw sa tabi ng isang mataas na gusali. Matik na itinaas niya ang kamay niya para takpan ang nasisilaw niyang mga mata. Saka lang niya napagtanto na nasa sasakyan pa rin siya ni Anthony at nakaparada sila malapit sa bahay ni Damian.Samantalang si Anthony na wala pang tulog ay nakatunghay sa mukha ni Analyn mula pa kagabing ipinarada niya ang sasakyan sa tabi. “Gising ka na?” Nilingon ni Analyn ang lalaki, parang nagulat pa siya na nakita roon si Anthony. Agad siyang nagbawi ng tingin sa lalaki. “Dito ba ako nakatulog magdamag?” “Nalasing ka kagabi. Marami kang sinabi na masakit para sa akin.”“Huh?” Sandaling nag-isip si Analyn, pero wala siyang maalala sa sinasabi ni Anthony. Ganunpaman, pinilit niyang ibalewala kung ano man iyon. “Salitang lasing lang ‘yun.” Pagkasabi nun ay umayos ng upo si Analyn, medyo nangawit siya sa pagkakaupo niya.“I promise, Anal
Umiling si Anthony. “Hindi ko alam na naroroon ka. Ang sabi sa akin ng source ko ay lumipad ka palabas ng bansa. Iyon pala, nandito ka pa rin sa Tierra Nueva,” sagot ni Anthony.Sa unang pagkakataon, ngumiti si Analyn. “Nandoon ako sa kumbento malapit sa lugar ng bahay ni Lolo Greg.”Napamaang si Anthony, hindi niya naisip na baka nandito lang si Analyn sa Tierra Nueva at hindi naman talaga umalis.“Dalawang buwan ako roon at puro isda at gulay lang ang kinakain ko. Kaya sabik na sabik ako sa karne at alak,” natatawang sabi ni Analyn.“Bakit ka roon nagtago?” “Nagtago? Hmm… not really… gusto ko lang maka-recover ng mabilis sa pagkawala ng unang anak natin.” Biglang nakaramdam ng guilt si Anthony. Pareho silang nawalan ng anak, pero si Analyn lang mag-isa ang nagre-recover sa nangyari. Napansin ni Analyn ang biglang pag-iiba ng mood ng asawa. Nagsisi tuloy siya sa nasabi niya. “Ectopic pregnancy naman ‘yun. Sa ayaw o sa gusto natin, aalisin at aalisin talaga siya sa tiyan ko. Kaya
Nagising si Anthony sa amoy ng isang mabangong bagay. Nagdilat siya ng mga mata at saka naupo sa kana. Iginala niya ang mga mata. Mag-isa lang siya rito sa kuwarto. Pero napansin niya na may ingay na nanggagaling sa labas ng pinaka-tulugan. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at saka naglakad papunta sa pintuan. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip siya roon. Nakita niya si Analyn na nagsasalin ng kung ano mula sa isang kaserola papunta sa mangkok na hawak niya. Pero base sa amoy nun ay parang sopas ang laman ng kaserola. Agad na tumalikod si Anthony at saka dumiretso sa banyo. Mabilisan siyang nag-shower. Pero paglabas niya mula sa banyo ay tahimik na sa labas ng kuwarto. Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at wala na siyang nakita roon. Inisip ni Anthony kung nananaginip o nagha-hallucinate lang ba siya kanina. Pero may mangkok na nakatakip sa ibabaw ng mesang kainan. Ibig sabihin ay naroon talaga kanina ang asawa. Lumapit si Anthony sa mesa habang pinupunasan ng tuwalya
Sinundan ng tingin ni Analyn ang malungkot na si Karl. Bagsak ang mga balikat nito na para bang ang kahuli-hulihang pag-asa niya ay nawala pa. Binuksan na ni Karl ang pintuan ng sasakyan at akmang sasakay na ng sumigaw si Analyn.“Karl! Hintayin mo ko! Sasama ako sa ‘yo!”Agad na napahinto si Karl sa pagsakay sa sasakyan. Kapansin-pansin ang kanyang masayang mukha ngayon kumpara kanina.Doon pa rin siya dinala ni Karl, sa dating hotel at kuwarto kung saan sila tumuloy ni Anthony mula sa bahay ng mga Esguerra.Pagdating nila Analyn at Karl sa tapat ng pintuan ng kuwarto, nagulat pa sila sa biglang pagbukas ng pintuan at may doktor na palabas mula sa loob kasunod ang nakasimangot na sekretarya ni Anthony.“Madam!” Biglang umaliwalas ang mukha ng sekretarya ni Anthony pagkakita kay Analyn. Tila nabuhayan ito ng pag-asa para sa amo niya. “Dok, huwag ka munang umalis!” muling tawag ng sekretarya sa doktor na paalis na. “Madam, tara na sa loob!” tila excited na sabi nito kay Analyn.
Sakay na ng sasakyan nila sila Anthony at Analyn. Kanina pa pinipigilan ni Anthony ang sarili na magtanong kay Analyn, peo sadyang hindi niya kayang kontrolin ang selos na kanina pa nararamdaman ng nakita niyang seryosong nag-uusap sila Analyn at Edward. “Ano’ng pinag-uusapan n’yo kanina ni Edward?” Pinilit ni Anthony na gawing kaswal ang pagkakatanong niya. “Wala lang. Tungkol kay Elle,” sagot ni Analyn. “Tungkol lang kay Elle, pero ang tagal at ang seryoso ng pag-uusap n’yo?” Hindi na napigilan ni Anthony na mapataas ang boses niya.Lumipad ang tingin ni Analyn sa asawa. “Hanggang ngayon ba nagseselos ka pa rin kay Edward? Ibrinodkas mo na nga na asawa mo ako, ganyan ka pa rin?” inis na sagot ni Analyn. “Huwag mong hintayin Analyn na papiliin kita sa aming dalawa ni Edward.”“Eh di sasagutin ko na ngayon ‘yan. Si Edward ang pipiliin ko.” Hindi na nakakibo si Anthony. Sa isip-isip niya, mukhang nagkamali siya sa sinabi niya. Naging padalos-dalos siya sa mga sinasabi niya dahil s