Nagtungo ako sa madalas kong tambayan sa ilalim ng narra. Wala pa ring nagbago dito sa loob ng dalawang buwan. Ano mang oras ay maaari ng magsilabasan ang mga nasa kampon ng kadiliman para hanapin ako pero bago man lang sana mangyari iyun ay makabuo pa kami ng masasayang alaala kasama ng mga mahal ko sa buhay. Masyadong matagal kaming nawala sa isa’t isa at hindi nagkasama, kahit na maliit na panahon lamang ay ayos na. Napatingin na lamang ako kay Clayton na naglalakad papalapit sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.
Mukhang marami ring nangyari sa lugar na ito habang wala ako at masaya naman ako na makita siyang nandito kahit na alam niyang wala ako at walang kasiguraduhan kung kailan ako babalik.“Hi.” Bati ko sa kaniya kahit na nahihiya ako. Pansin ko rin si Lucas na nakatingin sa pwesto namin pero nginitian niya lang ako at nagtungo sa ibang direksyon. Masyado ko na nahahalata ang lungkot sa mga mata ni Lucas. Umupo sa bandang hara“I miss you, I really miss you Amara. Halos mabaliw ako sa araw araw na hindi kita nakikita. Pakiramdam ko uhaw na uhaw ako, hindi ko pa kailan man naramdaman ito kahit na noong hindi ko pa alam na ikaw pala ang kapareha ko pero simula noong gabing yun. Noong gabing una kong mabasa ang laman ng isip mo ay halos hindi na ako makatulog, pakiramdam ko palaging may kulang. Kahit anong aliw ang gawin ko sa sarili ko ay hindi ko magawang magsaya o kalimutan ka man lang. Parang mababaliw ang buong sistema ko kapag nalalayo ka sa akin at hindi ka nakikita. Noong makita kitang nakasakay sa lobong yun, gusto ko siyang sapakin sa mukha at sabihin sa kaniyang akin ka eh, bakit ka niya sinakay na dapat ako ang unang nakagawa nun para sayo. Mababaliw ako sa selos Amara, mababaliw ako.” mahaba niyang litanya, parang natunaw naman ang puso ko sa mga sinasabi niya sa akin. Pinilit ko ang sarili kong hindi mag-isip ng kung ano ano dahil alam kong maririnig niya ang laman ng isip ko.
Naglalakad ako ngayon mag-isa patungong ilog, gusto ko munang mapag-isa at makalanghap ng sariwang hangin. Naupo ako sa isang malaking bato kung saan ako umupo dati noong magkasama kami ni Clayton. I miss him pero sa tuwing naiisip kong nagtaksil siya sa akin ay lumalayo ang loob ko sa kaniya, pakiramdam ko hindi ako sapat para, hindi ako naging sapat. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga, hindi ko na lang dapat iyun pinagtutuunan pa ng pansin. Tiningnan ko na lamang ang malinaw na tubig ng ilog, simula noong makontrol ko ang kapangyarihan ko naging mas malinaw ang paningin ko kahit na maliit na bagay ay kitang kita ko. Hindi ako makatulog sa gabi dahil marami akong iniisip, kaya ko nga ba talaga? Kaya ko bang iligtas at pamunuan ang mundong ito? Paano kung mabigo ko sila? Paano kung natalo ako at hindi ko kinaya?“Don’t think too much, Amara. I know you can do it.” Nilingon ko ang nagsalitang iyun at nakita ko si Clayton na nasa likod ko hindi
Napalingon ako sa bandang kakahuyan ng maramdaman ko ang paggalaw ng mga sanga dun, ang mga asul na mga matang yan, mga matang katulad ng kay Clayton, I know him. Tuluyan siyang lumabas sa likod ng mga puno at mapait na ngumiti sa akin, kita ko ang mga lungkot sa kaniyang mga mata. Tila ba nangungulila ang mga ito. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya, mga lungkot niyang nakakahawa. Tumalikod na siya sa akin hanggang sa hindi ko na siya makita, hindi ko mabasa ang mga kilos ni Lucas. Bakit pakiramdam ko simula noong makilala niya o sabihin niya sa akin ang tungkol sa kapareha niya ay mas lumungkot siya, maayos pa naman siya dati pero bakit ngayon sobrang lungkot niya? Sino nga ba ang misteryoso niyang kapareha, he does not deserve to be hurt like this.“What are you thinking?” napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Clayton.“You can read my mind Clayton so, don’t ask.”“Please, d
Maaga pa lamang ay naggayak na kami para sa paglalakbay namin patungong kaharian ng mga lobo. Napalingon ako sa gawi ni Lucas ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko. “Are you okay?” tanong ko sa kaniya ng naupo siya sa kama at bumuntong hininga. Itinigil ko ang ginagawa ko saka ko siya hinarap. “These past few days, I’ve noticed that you don’t seem to be on yourself Lucas, you just seem always want to be alone, is there a problem Lucas?” I asked him. Tiningnan lang naman niya ako sa aking mga mata at bahagyang ngumiti. “I’m okay Amara, I’m just tired.” “Tired? Where? To wait and understand your mate that in love with someone else? Lucas, you are just hurting yourself! Why don’t you just stay away from her because it’s like you’re always looking at her, every move she makes because you’re always not here.” “Hindi mo kasi naiintindihan Amara, gulong gulo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang lapi
“Ina!” sigaw ko sa kaniya dahil sa sigaw ko napatingin naman ako sa paligid ko at kunot noo ring nakatingin sa akin si Ama at nagtataka rin sina Clayton at Lucas. Napapahiya akong yumuko, masyado pa akong bata para sa mga ganitong bagay, anong vampire sex? No, she’s joking.“You’re joking right?” mahina ko ng tanong sa kaniya. Lumayo na siya sa akin at bakas naman ang pagiging seryoso niya. She’s really serious, anong gagawin ko?“I am not joking baby, don’t worry it’s not like what you think. It’s normal, nauuhaw ka bilang bampira sa kapareha mo at huwag kang mag-aalala kung makakagat mo si Clayton sa leeg niya, huwag mo lang ubusin ang dugo niya at baka naman mamatay siya.” she chuckled. “At huwag kang matatakot na gawin sa kaniya yun dahil kapag nauhaw ka at hindi ka nakainom, maaari kang manghina.” Tinapik na lang niya ako sa balikat ko saka ngumiti at tumalikod. Napayuk
Pinagkikiskis ko ang dalawa kong palad dahil kinakabahan ako, nanginginig ang mga kamay ko. Ngayon ang araw na ipapakilala ako ni Clayton sa kaharian niya, kinakabahan ako na hindi nila ako matatanggap. Nilingon ko si Ina ng hawakan niya ako sa balikat.“Everything will be alright young lady, kaya mo yan anak.” Pagpapalakas niya sa akin ng loob, nginitian ko na lang siya. Nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama ko sila at nandito sila ngayon sa tabi ko para suportahan at protektahan ako. Simple lang ang suot ko ngayon, nanggaling nga ako sa royal blood pero wala akong karapatan magsuot ng kahit na anong magagarang damit dahil parehong itinuring na taksil ang mga magulang ko. Kung hanggang ngayon ay hindi sila sumusuko, lalaban din ako kasama nila dahil nagsisimula pa lang ako at wala pa sa kalagitnaan ng pinagdaanan nilang lahat. Humugot ako ng malalim na hininga, nasa likod kami ng entablado at natatakpan ng mga naglalakihan na mga kurtina.Mari
“Kasasabi mo lang kanina, ayaw ko ng inaalipusta sila dahil sa kakitiran ng utak mo.” nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, kita ko rin ang paglaki ng butas ng ilong niya. “I’ll introduce to you myself” humarap ako sa kanilang lahat at tinalikuran ang matanda. “I’m Amara Hemlock, daughter of Dawn Hemlock, at ang dalagang sinasabihan niyo ng salot at sumpa. Hindi ako katulad ng iniisip niyo, hindi ko kayang sirain ang mundong kinalakihan ng mga magulang ko.”“Ha! Ang lakas din ng loob mong pumunta sa kaharian ng mga lobo, sa tingin mo hahayaan ka naming makalabas pa sa kahariang ito?” saad pa ng isang matanda.“Alam ko, pero para saan pa ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng Dyosa kung hindi ko gagamitin para makalabas dito? Kaya kitang alisin sa mundong ito sa isang pitik ko lang kaya huwag kayong magkakamali na alipustahin ang mga magulang ko.”“Kahit na ano
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Paanong nangyaring ako ang makakatulong sa kaniya? Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo at hanggang ngayon ay nakalutang pa rin siya sa hangin, hindi siya nilalang lang.“Amara, anak.” Rinig ko ang boses ni Ina pero hindi ko siya nilingon. Nakatuon ang atensyon ko sa babaeng nasa harapan ko.“Tell me, what do you need?” seryoso kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako sinagot. Lumipad pa siya paitaas, sinundan ko na lang siya ng tingin. Salubong na salubong na ang mga kilay ko dahil sa kaniya, hindi ko maintidihan. Ano ang kailangan niya sa akin? Saan ko siya matutulungan?“Die, die, die, die.” Rinig kong sunod sunod na sigawan ng mga nilalang sa paligid ko. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil nasa kaniya na lang ang atensyon ko. Nang mawala siya ay hinanap ko siya sa loob ng bulwagang ito pero kahit na anong gawin kong paghahanap ay hindi ko siya makita.
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you