“Anong nangyari sayo Amara? Are you okay?” salubong na tanong ni Layla ng makapasok si Amara sa kwarto, nandun din ang tatlong kasamahan pa ni Layla.
“I don’t know, hindi ko na alam ang gagawin ko. Oras na dumating ang mga kasamahan ni Clayton sumama na kayo agad sa pagtakas kung meron man, hindi ako sigurado sa buhay ko dito.”“Anong ibig mong sabihin?” sabat na rin ni Grace.“Ang sabi sa akin ni Clayton ay mahirap ng makawala oras na napangasawa na ako ng bampira lalo na kung namarkahan na ako, hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng katawan kong tao.”“Wala akong alam sa mga bampira pero base sa mga napapanuod at nababasa ko, kapag nagkaroon ng asawa ang bampira na tao, ginagawa niya muna itong bampira. At ang alam ko sa pagmamarka ng bampira ay sa pamamagitan ng pagkagat nito sa kahit anong parte ng yung katawan, dahil kapag nabuntis ka ng bampira bilang tao, hindi kakaDumating ang araw ng kasal nila. Aligaga ang lahat dahil ilang oras na lamang ay magsisimula na. Sinimulan na rin nilang ayusin si Amara, nakahanda na rin ang kaniyang wedding gown niyang puti. Ang kauna unahang taong ikakasal sa bampira at nagsuot ng puting gown. Sa mundo ng mga bampira ay madalas na gamitin ng mga kababaihan sa kasal ay isang itim o pulang gown subalit naiiba ang kay Amara.She is the first bride in history who is not happy in her wedding day. Wedding is a special event but for Amara this is a curse.“The saddest bride.” Wika ni Layla. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ni Amara, malalim ang kaniyang iniisip. Ni hindi na rin siya nagpaayos pa ng mukha dahil bakit kailangan pang ayusin at magpaganda kung hindi niya kagustuhan ang kasal?Nakatitig lamang siya sa kaniyang isang mahabang gown at hindi niya namalayan ang paglandas ng kaniyang luha. Iniisip niya ang kaniyang Lola sapagkat ilang linggo niya na rin itong hi
Hinaplos at tiningnan niya sa salamin ang dalawang bakas ng pangil dun ni Daryll. Ni hindi niya rin naramdaman ang sakit.“Make it faster.” Hindi makapaghintay na anas ni Daryll sa labas ng pintuan ni Amara. Lumabas na siya at sumunod na lang kay Daryll patungong hapag kainan.Wala siyang gana sa bawat pagsubo niya, pakiramdam niya ay susuko na ang kaniyang katawan. Ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan, tila ba nauuhaw siya. Hindi niya matukoy kung anong nais niyang inumin. Sinubukan niyang uminom ng maraming tubig subalit kulang pa rin iyun, hindi pa rin napupunan ang kaniyang pagkauhaw. Nang-iinit na ang kaniyang katawan, nanghihina na rin sapagkat hindi niya alam kung ano ang kaniyang iinumin.Naituon na lamang niya ang kaniyang kamay sa kaniyang upuan ng maramdaman niya ang pagkahilo. Ilang kurap na rin ang ginawa niya dahil nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Inayos niya ang kaniyang sarili at hindi pinahalata na hind
Lahat ng mga bampirang humaharang sa daraanan ni Clayton ay pinapatay niya ito sa isang iglap lamang. Nagiging apoy ang katawan pagkatapos ay tuluyan ng mamamaalam sa mundo. His eyes blazed like fire. He clenched his two fists and he was furiously staring at the King of the Vampire.Nakatulala lang naman si Daryll at pinanuod kung paanong pinatay ni Clayton ng walang kahirap hirap ang kaniyang mga tauhan. Sinubukang tumakas ni Daryll dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya kakayanin si Clayton subalit sadyang mabilis ang kilos ni Clayton kaya nagulat na lamang si Daryll ng bigla niyang makita sa harapan niya si Clayton.Kita niya ang naghahalong pula at asul na kulay ng mata ni Clayton. Alam niyang wala sa control si Clayton dahil sa kulay ng kaniyang mga mata, wala siyang pakialam kung sino man ang mapatay niya ngayong araw. Umatras ng umatras si Daryll hanggang sa makorner na siya sa pader. Sinakal siya ni Clayton at walang kahirap hirap na iniangat i
“Mga wala kayong kwenta!” malakas niyang sigaw at muling umalis. Sunod sunod nanaman ang pagtulo ng kaniyang mga luha ng unti unting isarado ni Amara ang kaniyang mga mata. Pilit siyang ginigising ni Clayton subalit hindi man lang ito sumagot.Hinawakan ni Clayton ang kamay ni Amara at napahagulgol na lamang siya ng maramdaman ang panlalamig nun, huminto si Ivan sa kaniyang pagtakbo, ibinaba naman ni Clayton si Amara. Nagform into human na si Ivan at lumapit sa Kuya niya.“Kuya,” bakas ang awa sa kaniyang boses, hawak hawak ni Clayton ang kamay ni Amara habang nakayuko siya at tahimik na umiiyak. Itinapat ni Ivan ang hintuturo niya sa ilong ni Amara at nanlaki ang kaniyang mga mata ng wala siyang maramdaman na hangin dun. Hinawakan niya na rin ang katawan ni Amara at malamig na ito. Napatingin na lang siya kaniyang Kuya na tahimik na umiiyak, ngayon niya lang ito nasaksihan na umiyak. Naramdaman niya na ang pagbabalik ng ugali ng dat
Lumipas ang araw simula ng mangyari ang kaganapan sa ilalim ng lupa. Hindi na rin nagpakita pa si Daryll at nagtago na. Ang Alpha nilang malumanay pa nitong mga nakaraang araw dahil wala pang alaala, ngayon ay parang walang araw na hindi siya nagalit. Walang araw na walang nasirang kagamitan sa palasyo. Ang galit ng Alpha nilang ngayon lang nila nasaksihan.“Sinabi ko na sa inyo na hanapin niyo siya kahit saang lupalop ng mundo!! Pagpipirapirasuhin ko ang katawan niya.” gigil niyang aniya habang nakakuyom ang dalawang kamao. Nakaupo siya ngayon sa kaniyang trono habang ang mga tauhan niya ay nakayuko sa kaniya. Mga tauhan niyang inutusan niya para maghanap kay Daryll.“Masusunod po.” Mabilis nilang sagot at parang hanging nawala sa kaniyang harapan.“Kuya, magpahinga ka naman muna. Marami namang maghahanap kay Daryll eh, sa tingin mo ba matutuwa si Amara kapag nalaman niyang ganiyan ang ginagawa mo sa sarili mo?&rd
“Ano ba ang mahalaga sayo ngayon taong lobo? Ang apo ko ba ang katauhan ko?” blangkong tanong ng matanda sa kaniya. Napatayo naman ng maayos si Clayton.“Of course, it’s Amara.” Tanging sagot niya.“Kailangan mong mahanap ang pulang bulaklak sa bundok mahal, ang mundo niyo ay malayo mula sa mundo namin. Matatagpuan mo ang bulaklak na iyun sa isang bundok, pero mahirap. Wala pa ang sino man ang nagtagumpay na makalabas dun.” Wika ng matanda.“Wala akong pakialam kung mahirap, kung ang bulaklak na yun ang makakapagpagaling kay Amara gagawin ko. Saan matatagpuan ang bundok mahal? Teka, bakit bundok mahal?” nagtataka at naguguluhan niyang tanong.“Ang bundok na iyun ay puno ng pagmamahal. Marami ang nagtatangkang kunin ang bulaklak na yun, nag-iisang puno lang siya. Labing limang taon bago magpalit ng bulaklak kapag may nakakuha ng iba kaya maaaring makakuha ka maaring hindi r
“Muntik na tayo dun ah, Alpha lang pala katapat nila.” Ani ni James habang pinapagpag ang kaniyang damit. “Anong lugar ba ito Kuya?” tanong ni Ivan ng makalapit siya kay Clayton na nakamasid lang sa paligid habang kunot na kunot ang kaniyang noo. “Sa tingin ko ay pugad ng mga aswang, hindi ako masyadong pamilyar sa mga uri nila pero lahat ng nilalang kinakain nila.” Paliwanag niya, kinilabutan naman ang dalawa kaya mabilis nilang nilisan ang lugar na iyun kahit na malalim na ang gabi. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay kahit na ramdam na nila ang pagod sa kanilang katawan subalit mas pinili nilang magpatuloy. Ano mang oras ay sisikat na rin ang araw. Sa kanilang paglalakbay ay bigla na lamang huminto sa paglalakad si Clayton. “May problema ba Kuya?” takang tanong ni Ivan ng biglang tumigil ang kapatid. Sinenyasan niya naman na tumahimik na muna, sinundan naman ng tingin ni Ivan ang tinitingnan ng kaniyang Kuya.
“Wala na tayong oras, alam kong pagod na kayo. Uuwi tayong matagumpay.” Bakas na rin ang pagod sa tinig ni Clayton subalit hindi niya ito pinahalata. Sinimulan nilang labanan ang mga sari saring halimaw na nasa kanilang harapan.“Ivan!” sigaw ni James ng may magtangkang sugurin siya sa kaniyang likuran. Narinig naman ni Ivan ang sigaw na iyun ni James at mabilis na hinarap ang demonyong may matulis na sungay. Clayton greeted his teeth while looking at the big one, he is in his werewolf form. Tumalon ito sa isang sanga at kahit na sampung beses ang laki ng halimaw sa kaniya ay hindi niya iyun pinansin, sa isang bagay lang siya nakatuon, ang makuha ang mahiwagang bulaklak na siyang makakapagpagaling kay Amara.“I don’t care about my life but I care to Amara, no one will block my way, you monsters!” mula sa sangang tinalunan niya kanina ay tinalon niya ang malaking halimaw at inihanda ang kaniyang matatalim na kuko. Ki
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you