Lumipas ang araw simula ng mangyari ang kaganapan sa ilalim ng lupa. Hindi na rin nagpakita pa si Daryll at nagtago na. Ang Alpha nilang malumanay pa nitong mga nakaraang araw dahil wala pang alaala, ngayon ay parang walang araw na hindi siya nagalit. Walang araw na walang nasirang kagamitan sa palasyo. Ang galit ng Alpha nilang ngayon lang nila nasaksihan.
“Sinabi ko na sa inyo na hanapin niyo siya kahit saang lupalop ng mundo!! Pagpipirapirasuhin ko ang katawan niya.” gigil niyang aniya habang nakakuyom ang dalawang kamao. Nakaupo siya ngayon sa kaniyang trono habang ang mga tauhan niya ay nakayuko sa kaniya. Mga tauhan niyang inutusan niya para maghanap kay Daryll.“Masusunod po.” Mabilis nilang sagot at parang hanging nawala sa kaniyang harapan.“Kuya, magpahinga ka naman muna. Marami namang maghahanap kay Daryll eh, sa tingin mo ba matutuwa si Amara kapag nalaman niyang ganiyan ang ginagawa mo sa sarili mo?&rd“Ano ba ang mahalaga sayo ngayon taong lobo? Ang apo ko ba ang katauhan ko?” blangkong tanong ng matanda sa kaniya. Napatayo naman ng maayos si Clayton.“Of course, it’s Amara.” Tanging sagot niya.“Kailangan mong mahanap ang pulang bulaklak sa bundok mahal, ang mundo niyo ay malayo mula sa mundo namin. Matatagpuan mo ang bulaklak na iyun sa isang bundok, pero mahirap. Wala pa ang sino man ang nagtagumpay na makalabas dun.” Wika ng matanda.“Wala akong pakialam kung mahirap, kung ang bulaklak na yun ang makakapagpagaling kay Amara gagawin ko. Saan matatagpuan ang bundok mahal? Teka, bakit bundok mahal?” nagtataka at naguguluhan niyang tanong.“Ang bundok na iyun ay puno ng pagmamahal. Marami ang nagtatangkang kunin ang bulaklak na yun, nag-iisang puno lang siya. Labing limang taon bago magpalit ng bulaklak kapag may nakakuha ng iba kaya maaaring makakuha ka maaring hindi r
“Muntik na tayo dun ah, Alpha lang pala katapat nila.” Ani ni James habang pinapagpag ang kaniyang damit. “Anong lugar ba ito Kuya?” tanong ni Ivan ng makalapit siya kay Clayton na nakamasid lang sa paligid habang kunot na kunot ang kaniyang noo. “Sa tingin ko ay pugad ng mga aswang, hindi ako masyadong pamilyar sa mga uri nila pero lahat ng nilalang kinakain nila.” Paliwanag niya, kinilabutan naman ang dalawa kaya mabilis nilang nilisan ang lugar na iyun kahit na malalim na ang gabi. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay kahit na ramdam na nila ang pagod sa kanilang katawan subalit mas pinili nilang magpatuloy. Ano mang oras ay sisikat na rin ang araw. Sa kanilang paglalakbay ay bigla na lamang huminto sa paglalakad si Clayton. “May problema ba Kuya?” takang tanong ni Ivan ng biglang tumigil ang kapatid. Sinenyasan niya naman na tumahimik na muna, sinundan naman ng tingin ni Ivan ang tinitingnan ng kaniyang Kuya.
“Wala na tayong oras, alam kong pagod na kayo. Uuwi tayong matagumpay.” Bakas na rin ang pagod sa tinig ni Clayton subalit hindi niya ito pinahalata. Sinimulan nilang labanan ang mga sari saring halimaw na nasa kanilang harapan.“Ivan!” sigaw ni James ng may magtangkang sugurin siya sa kaniyang likuran. Narinig naman ni Ivan ang sigaw na iyun ni James at mabilis na hinarap ang demonyong may matulis na sungay. Clayton greeted his teeth while looking at the big one, he is in his werewolf form. Tumalon ito sa isang sanga at kahit na sampung beses ang laki ng halimaw sa kaniya ay hindi niya iyun pinansin, sa isang bagay lang siya nakatuon, ang makuha ang mahiwagang bulaklak na siyang makakapagpagaling kay Amara.“I don’t care about my life but I care to Amara, no one will block my way, you monsters!” mula sa sangang tinalunan niya kanina ay tinalon niya ang malaking halimaw at inihanda ang kaniyang matatalim na kuko. Ki
Mga mata niyang nakikiusap, paulit ulit na pag-iling ni Amara sa tuwing susubukang lumapit ni Clayton. Ang kakaibang nararamdaman ng dalaga sa kaniyang katawan, hindi niya maipaliwanag ang bagay na ito. Gustuhin niya mang lapitan at yakapin ang binata ay hindi niya magawa sapagkat natatakot siyang may magawa siya dito katulad ng nagawa niya sa mga tauhan niyang nagbabantay.“Nakikiusap ako sayo Clayton, huwag mo akong lalapitan.” Nagmakakaawa niyang aniya.“Just tell me what happened?”“I...I don’t know, hindi ko maipaliwanag. Nagising na lang akong hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Iwan niyo na ako habang nasa maayos pa ang kaisipan ko.” naluluha niya ng aniya, hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari, kung ano ang kakaibang nanaramdaman niya sa kaniyang katawan. Halos mabaliw siya sa kaiisip. “Hindi ko alam kung epekto ba ito ng kagat ni Daryll sa leeg ko pero alam kong may mal
“Apo.” Kay Lola, mas lalong nabubuo ang galit na hindi ko maipaliwanag sa katawan ko sa tuwing naririnig ko ang mga boses nila. Nakakaamoy ako ng dugo, nararamdaman ko na ang pagkauhaw ko pero parang hindi tubig ang makakapagpunan nun. Nilingon ko ang dugong naiwan sa lupa sa isa sa mga napatay ko. Tumayo ako at diretsong tiningnan iyun, may kakaiba akong nararamdaman sa ngipin ko tila may dalawa akong ngipin na tumutubo. Ibinuka ko ang bibig ko at amoy na amoy ko ang dugong nasa lupa.“Amara/Apo.” Sabay pa nilang tawag sa akin, nilingon ko naman sila at nanlalaki ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at mabilis na pinuntahan ang dugong nasa lupa subalit mabilis din akong pinigilan ni Clayton na mas lalo kong ikinainis.Hinawakan ko ang kamay niya subalit mabilis din ang kilos niya. Galit na galit akong nakatingin sa kaniya ng tapakan niya ang dugong kanina ko pa tinitingnan. I greeted my te
‘My child, I know that you are struggling right now and we’re sorry.’ Hindi ko alam kung nasaan ako, tanging madilim na paligid lang ang nakikita ko at ang boses ng isang babae na naririnig ko. Sinubukan kong maglakad pero parang walang katapusang paglalakad ang ginagawa ko.‘Just accept your destiny my child, your powers will be awaken sooner.’ Muli kong rinig sa kaniya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong kapangyarihan ang magigising sa akin?‘I know you can’t understand what I am saying now, you will meet us soon. But please before your power will awaken leave that place sooner or later. Hindi mo kakayanin at hindi mo makokontrol lahat, maaaring ikaw ang magiging dahilan ng pagkawala ng iba’t ibang nilalang. You will destroy their kingdom in just one snap, you need to practice your power first.’ Pilit kong hinahanap ang pinanggagalingan ng boses pero hindi ko alam kung nasaan. Mas lalo akon
Tiningnan ko ang dalawa kong palad at sinusubukang palabasin kung ano mang kapangyarihan meron ako pero kahit na anong gawin ko dun ay walang lumabas. Anong emosyon ba dapat meron ako bago yun lumabas?Bakit ngayon lang ito nagparamdam? Simula ba bata ako ay natutulog lang ang tunay kong pagkatao? Napatingin na lang ako sa bahay ng maalala ko si Clayton, bumalik na ang kapangyarihan niya? Hindi niya ako mahahawakan kanina kung hindi pa bumalik ang kapangyarihan niya. Anong nangyari? Paano niya napabalik ang kapangyarihan niya? Wala na akong maalala ng tamaan ako ng pana ni Daryll. Isa pa ang bampirang yun, tsss.Bumalik ako sa loob ng bahay at pinuntahan si Clayton na mahimbing na natutulog. Napangiti na lang ako ng marinig ko ang mahina niyang paghilik.“Thank you for not leaving me and my Lola Clint. Hindi mo ako iniwan kahit na anong mangyari o kahit na muntik ko pa kayong mapatay, masaya ako kasi nakita kita.” Hinawakan ko ang k
Pagkatapos naming kumain ay umalis ako sa bahay, nagtungo ako sa ilog at ibinabad ang paa ko habang nakatulala sa tubig. Ang daming laman ng isip ko pero hindi ko alam kung anong uunahin ko, gusto kong hanapin ang pinagmumulan ng boses na iyun. Alam kong hindi lang yun normal na panaginip lang, para siyang totoo.“Bakit hindi mo ako sinama?” napalingon na lang ako kay Clayton na kakaupo lang sa tabi ko.“Anong ginagawa mo dito?” balik kong tanong sa kaniya, diretso lang naman ang tingin niya sa tubig kaya ibinalik ko ang paningin ko dun.“Sinundan kita, alam kong gusto mong mapag-isa pero hindi kasi ako mapakali eh.” Wika niya, napatango na lang ako. Hindi naman na ako sumagot pa at ilang minuto rin kaming natahimik na dalawa at tila parehong may malalalim na iniisip. Napalingon na lang uli ako sa kaniya ng may pumasok na tanong sa isip ko, hindi ko alam kung tama bang itanong ko sa kaniya ang bagay na iyun p
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you