May mga halaman man pero mga patay din, maging ang mga puno ay patay. Wala man lang bang kabuhay buhay ang lugar na ito?
“Anong hinahanap mo?” tanong ni Ate Layla.“Naghahanap ako kung may makikita ba akong liwanag, gusto ko ng makakita ng sinag ng araw. Lahat ng nasa paligid ay mga patay na, wala man lang kabuhay buhay.” Anas ko, lumapit naman siya sa akin pero nasa tubig pa rin ang katawan niya.“Anong aasahan mo sa lugar na ito? paanong mabubuhay ang mga halaman at puno kung wala man lang sinag ng araw?”Tama naman siya, paano nga naman mabubuhay ang mga halaman sa ganitong klase ng lugar.“Meron naman dito.” Pareho kaming nagulat ni Ate ng may magsalita sa gilid ko, dali daling inilubog ni Ate ang katawan niya sa tubig. Inis kong binalingan ng tingin si Dracula.“Namboboso ka ba?”“Maski maghubad pa yan sa harapan ko, wala a“Oh Ate?” takang tawag ko sa kaniya ng pumasok siya sa loob ng kwarto na walang dalang pagkain. Kapag papasok kasi siya ng mga ganitong oras ay may dala na siyang pagkain.“Sa labas ka na raw kumain, harapan mo si Dracula.” Wika niya, ano nanamang nakain ng Draculang yun at sa labas na ako pinapakain. Mas gugustuhin kong dito na lang kesa ang makita ko siyang umiinom ng dugo sa harapan ko.“Hindi ko siya haharapan, hinding hindi. Sabihin mo sa kaniya yan, kahit na magutom ako dito maghapon.” Tinalikuran ko na si Ate Layla saka naupo sa dulo ng kama ko. Rinig ko naman ang pagsarado na ng pintuan hudyat na lumabas na si Ate Layla. Ang lakas niyang ayain akong kumain kaharap niya, balak ba akong patayin nun sa pandidiri sa kaniya? Iinom siya ng dugo sa harapan ko habang kumakain? Baka gusto niyang sukaan ko siya ng kinakain ko! Maya maya pa ay bigla na lamang kumalabog ang pintuan.“Hahar
Malalaki sila, may mga sungay pa ang iba. May mga nilalang pala talaga ang nag-eexist sa mundo, may parang kalabaw pa na malaki pero maraming mga mata at may sungay. Anong klaseng mga nilalang ang inaalagaan nila?Maayos naman kaming nakarating sa dulo at halos matunaw ang puso ko sa nakita kong kalagayan nila. Hindi ko na malaman kung anong kulay na ng mga damit nila dahil puro putik na ang mga iyun. Mga tulog sila at hindi na nila namalayan ang pagdating namin. Nakita ko pa ang tira nilang pagkain na nasa isang planggana.Anong klaseng mga nilalang sila? Wala silang awa sa aming mga tao. Para silang mga hayop sa ginawa sa kanila, amoy ko na rin ang mabahong kulungan nila. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, hindi ko kinaya ang mga nakikita ko sa kanila.Pinahid ko ang mga iyun at lumapit sa kulungan nila para gisingin.“Grace, pssst.” Mahinang gising ni Ate Layla sa kasamahan niya. “Hoy Grace.”
THIRD PERSON POVHabang sila Amara at Daryll ay tahimik na kumakain sa hapag kainan panay ang tingin ni Amara kay Daryll hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin ang gusto niyang mangyari sa mga taong bihag sa ilalim ng palasyong ito.“Spill it out.” Halos magulat nanaman si Amara ng biglang magsalita si Daryll. Pinunasan ni Daryll ang kaniyang bunganga saka diretsong tiningnan si Amara. “Ano bang gusto mong sabihin? Kanina pa kita nararamdamang nakatingin sa akin.” Wika niya, napalunok naman si Amara saka ibinaba ang hawak niyang kutsara at tinidor. Sasabihin ba niya o mananatili na lang siyang tahimik subalit kaawa naman ang mga kababaihang nakakulong at halos hindi na makilala dahil sa mga itsura nila.“Sa mga taong nakakulong sa ibaba, bakit hindi mo na lang sila gawing tagapagsilbi. Magtiis na lang kayo sa pag-inom ng dugo ng mga hayop kesa ang paslangin niyo pa ang mga tao
Lahat ng bampira ay sa kaniya na nakatingin, kaniya kaniya na rin silang gilid at ng makita ni Clayton ang isang bampirang nakasuot ng kappa ay alam niya ng ito si Daryll na kanilang hari.“Okay ka lang ba? Bakit ba naman kasi sinagot sagot mo pa eh. Kita mo tuloy nangyari sayo. Bakat ang kamay niya sa leeg mo.” Nag-aalalang wika ni Layla habang sinusubukang gamutin ang ilang kalmot sa leeg ni Amara. Tumayo naman si Amara at tiningnan ang sarili sa salamin, kita niya ang pagkakaroon ng pasa doon dahil sa pagkakasakal sa kaniya ni Daryll.“Mas pipiliin kong mamatay kesa ang magpakasal sa katulad niyang nilalang.” Bakas na bakas ang galit ni Amara kay Daryll dahil sa ginawa nitong pananakit sa kaniya.“Pero paano ka pa maliligtas ng mga kaibigan mong werewolf kung mamamatay ka? Ikaw na lang ang pag-asa namin dito Amara para makalabas kami at makasama pa namin ang mga pamilya namin.” napabuntong hininga naman si
Sinimulan na ng buong kaharian ng mga bampira ang paghahanda para sa gaganaping kasal ni Amara at ni Daryll. Inaayos na rin ang paggaganapan ng kasal at panay na rin ang sukat ng ilang mga mananahi ng katawan ni Amara para sa wedding gown. Hinayaan niya na ring magdesisyon para sa lahat si Daryll para sa tema ng kanilang kasal maging ang mga susuotin. Naging abala ang lahat, napalaya na rin ang tatlong babaeng nakakulong sa ilalim ng palasyo at tumulong sa paghahanda.Wala naman sa sariling sumunod si Amara sa mga mananahi, panay na lang din ang tango niya sa tuwing tinatanong siya sa mga bulaklak na idedecorate. Halos mabaliw naman sa kakasigaw si Clayton sa kaniyang kulungan.Nang matapos ang sukatan ni Amara ay dumiretso siya sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Clayton.“What are you doing?” biglang sulpot ni Daryll sa gilid ni Amara pero hindi na nagulat si Amara dito.“I’m just preparing a food.&rdqu
“Anong nangyari sayo Amara? Are you okay?” salubong na tanong ni Layla ng makapasok si Amara sa kwarto, nandun din ang tatlong kasamahan pa ni Layla.“I don’t know, hindi ko na alam ang gagawin ko. Oras na dumating ang mga kasamahan ni Clayton sumama na kayo agad sa pagtakas kung meron man, hindi ako sigurado sa buhay ko dito.”“Anong ibig mong sabihin?” sabat na rin ni Grace.“Ang sabi sa akin ni Clayton ay mahirap ng makawala oras na napangasawa na ako ng bampira lalo na kung namarkahan na ako, hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng katawan kong tao.”“Wala akong alam sa mga bampira pero base sa mga napapanuod at nababasa ko, kapag nagkaroon ng asawa ang bampira na tao, ginagawa niya muna itong bampira. At ang alam ko sa pagmamarka ng bampira ay sa pamamagitan ng pagkagat nito sa kahit anong parte ng yung katawan, dahil kapag nabuntis ka ng bampira bilang tao, hindi kaka
Dumating ang araw ng kasal nila. Aligaga ang lahat dahil ilang oras na lamang ay magsisimula na. Sinimulan na rin nilang ayusin si Amara, nakahanda na rin ang kaniyang wedding gown niyang puti. Ang kauna unahang taong ikakasal sa bampira at nagsuot ng puting gown. Sa mundo ng mga bampira ay madalas na gamitin ng mga kababaihan sa kasal ay isang itim o pulang gown subalit naiiba ang kay Amara.She is the first bride in history who is not happy in her wedding day. Wedding is a special event but for Amara this is a curse.“The saddest bride.” Wika ni Layla. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ni Amara, malalim ang kaniyang iniisip. Ni hindi na rin siya nagpaayos pa ng mukha dahil bakit kailangan pang ayusin at magpaganda kung hindi niya kagustuhan ang kasal?Nakatitig lamang siya sa kaniyang isang mahabang gown at hindi niya namalayan ang paglandas ng kaniyang luha. Iniisip niya ang kaniyang Lola sapagkat ilang linggo niya na rin itong hi
Hinaplos at tiningnan niya sa salamin ang dalawang bakas ng pangil dun ni Daryll. Ni hindi niya rin naramdaman ang sakit.“Make it faster.” Hindi makapaghintay na anas ni Daryll sa labas ng pintuan ni Amara. Lumabas na siya at sumunod na lang kay Daryll patungong hapag kainan.Wala siyang gana sa bawat pagsubo niya, pakiramdam niya ay susuko na ang kaniyang katawan. Ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan, tila ba nauuhaw siya. Hindi niya matukoy kung anong nais niyang inumin. Sinubukan niyang uminom ng maraming tubig subalit kulang pa rin iyun, hindi pa rin napupunan ang kaniyang pagkauhaw. Nang-iinit na ang kaniyang katawan, nanghihina na rin sapagkat hindi niya alam kung ano ang kaniyang iinumin.Naituon na lamang niya ang kaniyang kamay sa kaniyang upuan ng maramdaman niya ang pagkahilo. Ilang kurap na rin ang ginawa niya dahil nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Inayos niya ang kaniyang sarili at hindi pinahalata na hind
4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you