"Ma'am Jesabell, wala na po ba kayong puso at hindi ka naaawa kay Ma'am Emily?" Naiiyak na tanong ni Nida.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at tumingin sa katulong. "Wala!" Hindi na siya nag abalang itago kay Tyron ang tunay na nadarama dahil tiyak mapasama pa rin siya sa paningin nito.Napahakbang paurong si Nida at na off-guard siya sa nakaka intimidate na mga titig ni Jesabell at malamig nitong tinig."OA lang talaga iyang alaga mo at may paluhod pa." Lumipat ang tingin niya kay Emily. "At saka bakit sa akin ka nagmamakaawa eh hindi naman ako ang nagpahuli sa kaibigan mo? Puwede namang makiusap lang kay Tyron upang palabasin na ang mabait mong kaibigan." Sarkastikong dugtong ni Jesabell.Pakiramdam ni Emily ay namula na rin ang anit niya at nag init iyon. Mabuti na lang at walang ibang tao sa paligid. Kung nagkataon ay napagtawanan na siya sa halip na kaawaan dahil sa mga sinabi ni Jesabell. Lalong sumama ang loob niya at hindi pinagalitab ni Tyron ang babae tulad sa
"Kumusta na po siya?" tanong ni Tyron sa ina ni Lory."Ok na siya, sir. Maraming salamat sa pagsagot sa bill niya."Lalong nakaramdam ng hiya si Lory nang malaman na ginanstusan pa siya ng binata. Mukhang wala naman siyang sinabi na ikapahamak ng sarili. "Puwede ko bang kausapin si Jesabell?""Puntahan mo na lang at gising pa siya. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya at lalabas ako."Natuwa si Lory at masolo niya si Jesabell. Kailangan niyang malinawan sa nangyari. Pinauna na niya ng pauwi ang ina at kaya naman niyang umuwi mag isa.Nanatili lang si Jesabell sa kinahigaan nang marinig na bumukas ang pinto. Nanatili siyang nanonood lang ng movie."Nandito ang kaibigan mo. Siya muna ang makakasama mo at lalabas ako."Napabangon si Jesabell nang marinig ang sinabi ng binata. Napangisi siya nang makita si Lory. Kung tingnan ay akalain na masaya siya na makita ang isang kaibigan. Pero iba ang tuwa na nararamdaman niya nang mga oras na yun.Hinintay ni Lory na makaalis si Tyron bago kinumpr
"No worry, handa ako sa anumang ganti nila at suguraduhin kong sila pa rin ang talo!" Nakangising tugon niya kay Lory. "How?" Nagugulohang tanong ni Lory."Dahil nandiyan ka na handa akong damayan and I trust you!" Kinindatan pa niya si Lory.Pilit na ngumiti si Lory at kahit papaano ay nakunsensya sa pagiging traidor kay Jesabell. Wala itong kasalanan o ginawang masama sa kaniya para traidurin niya."Kung nakita mo lang ang mukha ni Emily kanina." Naalala niyang ikuwento."Bakit?" Curious na tanong ni Lory."Lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa na patawarin na si Dory at huwag ipakulong." Natatawa niyang kuwento.Parang piniga ang puso ni Lory sa narinig. Naawa siya kay Emily at nagmakaawa para sa pinsan nya. Parang hindi na niya nakikilala ngayon si Jesabell dahil sa nagbago na rin ang ugali. Noon ay kuntinto na sa bawat planong sasabihin niya. Mukhang nakahalata na ito na napapahamak at hindi nakakaganti kay Emily."Ano ang ginawa ani Tyron?" nakangiti niyang tanong para ipak
Nangunot ang noo ni Tyron nang makitang mag isa na lang si Jesabell sa silid. Hindi rin nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pagrehersto ng pagkagulat sa mga mata ng dalaga nang makita siya. Napabuntong hininga siya, marahil ay hindi na naman nito inaasahan na babalikan niya ito ng ganitong oras. Ang akala nito ay umuwi siya upang alagaan si Emily sa halip na ito.Napatingin si Jesabell sa dala ng binata. May dala itong pagkain mula sa isang kilalang restuarant. Iyon pala ang dahilan kung bakit ito umalis at hindi dahil lay Emily. Nagbubunyi ang puso niya dahil siya na ulit ang priority ni Tyron. Pero agad din naputol iyon nang kumuntra ang isang bahagi ng isipan niya."May sakit ka ar si Emily kaya ikaw ang pinili sa ngayon."Napasimangot siya matapos marinig ang bulong ng isang bahagi ng isipan. Tama, bukas o sa susunod na araw ay back to normal kaya hindi dapat siya nagbunyi ngayon. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa cellphone at nagkunwaring hindi interesado sa presensya
"Dahil ba sinabi ni Emily na bad influence si Jason?" Nang uuyam niyang tanong pa sa binata at tumawa ng mapakla. "Ngayon naman ay si Mr. Timothy. Sa tingin mo ay pag interesan ako ng isang tulad niya?"Nangalit ang mga bagang ni Tyron at nasaktan sa huling sinabi ng dalaga. Nasasaktan siya dahil parang ang liit ng tingin ni Jesabell sa sarili nito. Nawala na ang babaeng nakilala niyang masayahin, full of energy and naughty. "Kasama din ba sa utos ni Lolo mo na dapat wala akong kaibigang lalaki?" Sarakastikong pahabol niyang tanong sa binata nang hindi na ito nakapagsalita. Bubuka pa sana ang bibig niya nang bigla na lang yakapin nito ang ulo niya."I'm sorry, please come back!"Nagugulohan si Jesabell sa mga sinasabi ng binata. Hindi naman siya lumayas para makiusap na bumalik siya. Pero lumalambot na naman ang puso niya habang sinasamyo ang mabango nitong amoy. Nasa tiyan kasi nito ang mukha niya at magaan na hinahaplos ang kaniyang buhok."Please, huwag ka nang magalit sa akin. Pa
"Bitch, may araw ka rin sa akin na hayop ka!" Minura niya ng ilang beses si Jesabell. Ilang minuto pa ang lumipas ay may natanggap siyang message na lalong ikinasabog ng galit niya.Kamuntik na niyang maitapon ang cellphone nang mabasa ang message mula kay Jesabell kasama ang guwapong larawan ni Tyron. "Ang guwapo niya, nakakaganang kumain lalo na kung tulad niya ang sumusubo sa akin." May kasamang pang emoje na nang aasar ang naturang message. "Ma'am, kakain na po ba kayo ng hapunan?" tanong ni Nida habang nakatingin sa kalat na nasa sahig."No!" Angil niyang sagot sa katulong. Hindi pa siya gutom kahit ang huling kain niya ay kanina pang tanghalian."Ma'am, baka malaman ni Sir ay magagalit na naman siya sa iyo." Paalala ni Nida dito.Sinamaan niya ng tingin ang katulong. "Then, huwag mong sabihin!"Napasimangot si Nida at naartihan na sa babae. Kung hindi lang talaga siya nakikinabang dito. "Ma'am, kapag nagkasakit ka ay malalaman ni Sir Tyron then ako ang pagalitan niya o sisihin
"No..."Mabilis na bumalik si Tyron sa harapan ng dalaga nang marinig ang pag ungol nito."Please, huwag! I'm scared! Huwag niyo po akong saktan!" Pagmakaawa ni Jesabell habang nanatiling nakapikit.Hinawakan ni Tyron sa mga kamay ang dalaga at ginising ngunit lalo lamang nagwala ang dalaga."Ahhhh mommy, daddy, help me!" Mabilis nang ibinangon ni Tyron ang dalaga at niyakap ito. "Hushhhh don't be scared, I'm here!"Umiiyak na umiling si Jesabell. Hindi niya alam kung nanaginip pa rin ba siya o hindi. Ramdam niya kasing may yumayakap sa kaniya. Pero hindi niya mapigilan ang panginginig ng mga labi niya at nakikinita sa balintataw ang matalas na patalim. Pakiramdam niya ay parang kinakapos siya ng paghinga at kailangan niyang makapitan upang makaahon.Napamura si Tyron nang mapansin na inaatake ng phobia nito ang dalaga dahil sa panaginip. Nang manulak ito ay kitang kita niya ang panginginig ng labi nito at malapit nang magkasugat dahil kinakagat ng sarili. Mabilis niyang kinabig ang
"Stop staring at baka magising mo siya!" Masungit niyang sita sa nurse at siya na mismo nag abot ng braso rito. Kung puwede niya lang takpan ang mukha ni Tyron. Ayst, nababaliw na naman ang puso niya dahil sa pagiging exra care sa kaniya ni Tyron. Kahit tulog ito ay saksakan ng guwapo. Ang akala niya ay panaginip lang na tumabi ito sa kaniya ng tulog. Parang lumubo ang puso niya dahil sa tuwa. Nang maalala ang halik sa panaginip ay napatitig siya sa labi ng binata kasunod ng pagsalat sa sariling labi. Bakit parang namanhid ang labi niya?Napatikhim ang nurse nang mapansin ang ginagawa ng dalaga.Nakasimangot na tiningnan niga ang nurse. Muntik na niyang makalimutan na may ibang tao sa paligid. Mabilis na inalis ng nurse ang bagay na ikinabit sa braso ng dalaga at pilit na ngumiti. "Ang pogi po ng asawa mo, ma'am!" Hindi napigilang isatinig ng nurse ang nasa isipan.Namula ang pisngi ni Jesabell at natuwa sa narinig. Sa halip na itama ang maling iniisip ng nurse ay ibang salita ang
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy
Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n
"Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi