Unang araw nang klase. Bagamat tinatamad si Sandy ay pinilit nya pa ring bumangon. Sa totoo lang ay tinatamad sya dahil bagong school ang kanyang papasukan. Mula nang mamatay sa aksidente ang papa nya ay lumipat sila nang mama nya at nang dalawa nyang kapatid na mas bata sa kanya sa isang mas maliit na paupahan sa Pasay.
Pumasok bilang isang accountant sa isang kumpanya ang mama nya upang may maipantustos sila. Ang papa lang kasi nila ang may trabaho noon at may kalakihan ang kita nito bilang isang chief sa isang cruise ship na nagtatravel sa buong mundo kaya buwanan ito kung umuwi.
Bagamat may naiwang pera ang papa nila bago ito biglaang mamatay ay itinabi pa rin ito nang mama nya. Mag-iipon daw ito upang makapagpatayo nang isang restaurant. Magaling din kasi ito magluto kagaya nang papa nya.
Naiinis lang sya sa mama nya kung bakit pinipilit sya nitong mag-aral sa St. Bernard University dahil bukod sa private ang nasabing unibersidad ay may kalayuan ito sa bago nilang tinitirahan kumpara sa isang branch nang unibersidad na pinapasukan nya noong nasa Laguna pa sila.
Hati ang mama nya at ang Tita Lorena nya, na kapatid nito, sa tuition nya, kaya siguro naisip na lang nang mama nya sa nasabing unibersidad na lamang sya mag-aaral. Pero naiinis sya. Ayaw nya nang pahirapan ito kaya nais nya na sa public na unibersidad na lamang sya mag-aral ngunit nagtatalo lamang sila.
Mas maganda daw na doon nya ipagpatuloy ang pagkuha nya nang Journalism. Second year college na sya nang araw na iyon, at na mimiss nya ang mga kaklase nya sa dati nyang pinapasukan. Nagpasya kasi ang mama nya na lumipat sila dahil sa mga social climber na kapatid nang papa nya. Inangkin nang mga ito ang bahay at lupa nila.
Bumuntong hininga sya bago bumangon nang kanyang kama. Dahil maliit na lamang ang inuupahan nilang bahay ay agad na tatambad ang sala at kusina sa oras na lumabas sya nang mga kwarto.
“Sandy, dalian mo ang pagkilos. Baka ma-late ka.” Utos ni Loreta sa anak. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok nang sumunod kay Sandy na si Carina. Second year highschool na ito ngunit dependent pa rin ito sa mama nila. Sa tabi naman nito ay ang bunso na si Chloe, grade five.
Naka simangot sya nang umupo sa hapag-kainan. Nakapag bihis na ang tatlo at handa nang umalis ang mga ito dahil alas syete ang pasok nang mga ito. Malapit lang sa kanila ang papasukan nang mga kapatid nya at idadaan na lamang nang mama nya ang dalawa.
“Sandy, mauuna na kami ha. Iniwan ko ang baon at pamasahe mo sa tabi nang telepono.” Sabi ni Loreta sa anak.
Tumango lamang sya sa mga ito at pinagmasdan hanggang sa maisara na ang pinto nang makaalis na ang mama at mga kapatid nya. Agad syang nagluwag nang kakainin nya. Adobo ang ulam, tiyak na sinadya iyon nang mama nya bilang pampalubag loob sa pagpilit sa kanya na mag-aral sa private university na iyon.
Agad syang naligo matapos kumain. Plantsadong plantsado na ang bagong uniform nya. Napatango sya nang makita ang disenyo nang uniform. Mabuti at may taste ang nagdisenyo nang uniform nang mga Journalism student sa private university na iyon.
Alas otso y media ang naka schedule na pasok nya pero alas syete y media pa lamang ay naroon na sya sa tapat nang gate. Mataas ang bakod nito at kulay itim ang kulay nang gate. Isinuot nya sa tenga ang headphones na naka sukbit sa leeg nya at ini-on ang kanyang mp3 player.
Diretso syang naglakad papasok. Nalula sya sa ganda at ayos nang mga buildings and establishment nang maka pasok na sya. Ang mama nya lang kasi ang nag-enrol sa kanya. Bago nya pa malaman ay naka-enrol na pala sya.
Tumigil sya sa paglalakad at inilibot nya ang paningin. Madaming puno at may malaking fountain sa bandang kaliwa pagkapasok nang gate. Malawak ang kabuuan at malinis. Ibang iba ang university na ito sa dating pinapasukan nya.
Nang magsawa ang mga mata ay muli syang naglakad nang may makabangga sa kanya. Naka uniform din ang babae, ngunit malamang na iba ang course nito. Muntik na syang matumba, mabuti at nakapag balance sya.
“Oh my. I’m sorry. May hinahabol lang kasi ako.” Paghingi nito nang paumanhin sa kanya. Umalis rin ito agad matapos magsalita.
Kinurap na lamang nya ang kanyang mga mata at nagpasyang maglakad na muli. Hinanap nya ang Departmen building na kinabibilangan nya at nakita nya naman agad iyon. Nagulat din sya nang makita ang bilang nang mga kotse sa parking lot na halos katabi lang nang building nila.
Napa-iling sya. Masyadong mapepera ang mga tao sa university na ito. Mangilan ngilan pa lamang ang tao sa klase na iyon nang pumasok sya, karamihan pa nang mga naroon ay lalaki. Matapos maibaba ang gamit nya sa napili nyang upuan, nagpasya syang sumilip sa bintana.
Nangunot ang noo nya nang makita na may kumpol nang mga babae sa isang particular na lugar sa parking lot. Ang iba naman ay nasa labas nang kanya-kanyang mga kotse nang mga ito at nagre-re-touch. Napangiwi sya. Nawiwirduhan sya sa mga iniaasta nito.
Ilang sandali pa ay may dalawang itim na kotse ang dumating. Agad na nabaling roon ang atensyon nang mga babaeng nagkumpulan at tila natutuwa ang mga ito. Naunang bumaba ang mga lalaki sa unang kotse. Pulos naka itim ang mga ito.
Lumapit ang isang unipormadong lalaki sa isang kotse na kasunod at binuksan nito ang isang pintuan. Mula roon ay may bumabang matangkad na lalaki. Naka uniform ito kaya nalaman nya na estudyante rin ito. Masyadong malayo ang kinalalagyan nya kaya hindi nya makita ang itsura nito.
“Ano ba yan. Kailangan talagang may taga bukas pa nang pinto nang kotse para sa kanya?” Naka ngiwi at naiiling na bulong nya. Minabuti nya na lamang na maupo at making sa mp3 player nya habang naghihintay sa pagsisimula nang klase.
Ikatlong araw na nang klase ngunit wala pa ring nagiging kaibigan si Sandy sa mga kaklase nya. Ang nakakasama nya tuwing lunch break ay si Renz, ang baklang MassCom student na kaklase nya noong highschool sa Laguna. May kaya ang pamilya nito kaya hindi na sya nagtataka kung afford nitong mag-aral doon.
Nagkita sila noong unang araw nang klase sa canteen at doon sila nagkwentuhan. Bagamat MassCom student ito ay pareho ang kanilang schedule kaya nagpasya sila na sila na lamang ang magkasamang kakain tuwing lunch.
“Girl, wala ka pa rin bang friendship sa mga classmates mo?” Minsan ay tanong ni Renz. Kasalukuyan silang kumakain nang ice cream sa isang bench na nasa ilalim nang isang puno na malapit sa parking lot.
Umiling sya. “Wala pa nga eh. Dati na kasing magkaka klase yung mga yun. Block section sila. Okay lang naman.” Kibit balikat na sagot nya.
“Kaloka ka naman. Dapat mag effort ka naman para magka friendship ka na sa mga classmates mo. Hindi ka normal kapag sa lingo na ito eh wala ka pa ring nakakausap.” Sabi pa ni Renz.
Ngumiwi si Sandy. “Ah ewan. Ang kulit naman kasi ni mama eh. Sinabi ko nang ayoko mag-aral dito. Pinilit pa rin ako. Bago ko nga malaman na dito na ako mag-aaral, naka enroll na pala ako. Mas nakakaloka yun, di’ba?” Kwento nya sa kasama. Tinititigan nya ang hawak nyang notebook.
“Nakakaloka nga girl.” Umiiling na sabi ni renz. “Pero alam mo, hindi ko rin masisisi ang madires mo kung dito ka nya gusto mag-aral. Kagaya nang madires at padires ko, they want the best for me, and they think na ito ang school na best para sa akin.” Sabi naman ni Renz.
“What’s so great with this school?” Inilibot nya ang kanyang paningin. “The scenery and the ambience, maybe. Pero kung ang pagbabasehan ay ang pagtutro, ewan ko. Parang pumapasok lang ang mga estudyante dito upang magpasikat o makita ang mga kaibigan nila dito.”
“ Pareho lang ang pagtutoro nang mga professor dito at nang sa public. Ah basta.” Sabi ni Sandy. Nilingon nito si Renz. “Oops, no offence meant Renz. Hindi ka naman ganon eh.” Sabi nya rito.
Tumawa ang bakla bago nagsalita. “Ayos lang, ano ka ba. Aminado naman ako doon, pero may impact ang pangalan nang university na ito kapag nakapag graduate ka na. Mas maraming opportunities sa bawat magtatapos sa St.Bernard.” Paliwanag ni Renz. Pumipilantik pa ang mga daliri nito.
Yumuko lang si Sandy, hindi na nagkomento.
“And oh, by the way. About sa pagtuturo naman nang mga professor, depende kasi sa prof yun, Girl.” Habol ni Renz, still smiling.
Malungkot na tumango na lamang si Sandy. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Renz dahil may tatapusin pa raw syang project. Isang oras pa bago ang kanyang susunod na klase. Nagpasya syang libutin na lamang ang university.
Una nyang pinuntahan ang field. Sa tabi noon ay may mga kumpol nang halaman at mayayabong na puno. Maraming naglalaro nang iba’t ibang sports sa field kaya dumiretso sya sa tila mini forest na iyon. Napangiti sya sa nakita. The place is perfect for her.
Pasalampak na naupo sya sa lilim nang isang puno at agad na isinuot ang kanyang headphones. Itinodo nya ang lakas nang kanyang mp3 at pumikit. Ganoon sya kapag nagrerelax.
Napadilat sya nang may tumalon na grasshopper sa kanyang binti. Sa gulat nya ay napatili sya nang malakas. Agad syang napatayo. Narinig nyang tila kumaluskos ang mga dahon sa puno na sinilungan nya kaya tumingala sya. Nanlaki ang mga mata nya nang may bulto nang tao ang pabagsak sa kanya. Bago nya pa mamalayan ay nadaganan na sya nang taong iyon.
“A-aray..” Mahinang sabi nya. Agad syang dumilat at lalong nanlaki ang mga mata nya nang makita na maraming kapwa studyante na rin ang naroroon at nakapalibot pa ito sa kanila. Agad nyang itinulak ang lalaking nakadagan sa kanya. Dagli naman itong tumayo.
Nagbulungan ang mga studyante na naroroon. Ang lalaki naming nakadagan sa kanya ay nagpapagpag nang suot nito. Nakayuko ang lalaki kaya hindi nya ito makita.
Matapos magpagpag ay tiningnan sya nang lalaki. “Watch your mouth next time. Nakakaistorbo ka.” Sabi nito bago tumalikod at agad na naglakad palayo. Sinundan ito nang ibang babaeng studyante.
Napanganga sya sa inasal nito. “Aba! Hoy! Ikaw na nga itong nakadagan eh! Pwede ka naman sigurong mag sorry!” Pahabol na sigaw nya rito. Nagpagpag din sya nang damit at dinampot nya ang kanyang mp3 player.
“Miss, okay ka lang?” Tanong nang isang babaeng studyante. Nakilala nya ito, Isa ito sa mga kakalase nya. Ang iba naman ay umalis na nang makitang okay naman sya.
Nginitian nya ito. “Oo,” Sabi nya matapos tumango.
“Ako nga pala si Judy. Classmates tayo.” Naglahad ito nang palad. She wore a bright smile.
Tinangap nya ang pakikipag-kamay nito.”I’m Cassandra. Just call me Sandy.”
“Nagulat kaming lahat sa field nang marinig namin na may tumili. My God, si Aled na pala ang nakapatong sayo.” Sabi nito, pagkatapos ay humagikhik.
Ngumiwi si Sandy. “Ah, Aled ba ang pangalan no’n? Ang rude. Hindi man lang nag sorry, sya na nga itong nakadagan sa akin.” Inis na sabi nya.
Muling humagikhik si Judy. “Gano’n talaga yun. Numero unong isnabero. Pero ang pogi no? Hay. Sya ang pinapangarap nang halos na lahat nang women population dito sa St.Bernard.” Sabi nito na tila nangangarap.
Nangunot ang noo nya. “Talaga ha?”
Tumango si Judy. “Oo naman. Ay teka, upo tayo. Magkwentuhan tayo. And since bagong transfer ka lang dito, itu-tour kita gamit ang kwento ko.” Nakangiting sabi nito.
Sabay silang naupo sa lilim nang puno kung saan nahulog ang lalaki.
“So, balik tayo kay Aled. He’s not just good looks. Sila rin ang may-ari nang pinaka malaking shares nang St.Bernard, so technically, parang sila na ang may-ari nang school. Mabuti ka pa, parang nayakap mo na rin sya.” Kinikilig na sabi nito.
“Crush mo yun? Ni wala ngang manners eh.” Naiiling na sabi nya.
“Nagkataon lang yun. May sariling mundo yun, at tahimik. Nagising mo ata sya nang tumili ka kaya nahulog sya sa puno.” Natatawang sabi nito.
“Natutulog sya sa taas nang puno?” Namilog ang mga mata nya sa sinabi nang kausap.
Tumango ito. “But not exactly natutulog talaga. You know, umiidlip pag walang klase. Nakakapag-relax sya dito.”
“Mukhang crush mo nga sya. Ang dami mong alam sa kanya eh.” Sabi nya rito.
Ngumiti ito at nagkwento pa nang kung anu-ano.
Nakikinig lang si Sandy sa mga kwento ni Judy. Masayahin ito kaya sa tingin nya ay makakasundo nya ito. Sabay silang pumasok sa susunod na subject nang mamalayan nila ang oras.
Hindi mapigilan ni Sandy ang isipin si Aled nang gabi’ng iyon. Kahit na naiinis sya sa ugali nito ay aminado syang gwapo talaga ito. Halatang mayaman at alaga ang makinis nitong kutis. May kahabaan ang buhok nito, at halatang may lahi. May pagka singkit ang mga mata nito at matangos ang ilong na tila nililok.
Bagamat sandali nya lang nakita ang kabuuan nito ay aminado sya na may karapatan nga itong maging pantasya nang mga studyante sa St.Bernard. Pero hindi sya. Sobrang naiinis sya sa ginawa nito. Hindi na nga sya tinulungan tumayo, sya pa ang sinisi. Tama ba naman kasi na umidlip o umakyat sa puno sa eskwelahan?
Sa sobrang pag-iisip ay hindi na namalayan ni Sandy na nakatulog na sya. Napuyat sya kakaisip kay Aled kaya may kalakihan ang eye bug nya na agad napansin ni Judy.
“Ang laki nang eyebug mo ngayon, Sandy. Mukhang nagpuyat ka.” Puna nito.
Nginitian nya na lang ito. “Oo eh.”
Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. “Ay sya nga pala, pwede mo ba akong samahan sa parking lot? Naiwan ko kasi yung wallet ko sa kotse ko eh. Do you mind?”
“Ah, hindi. Ayos lang.” Sabi nya at agad na tumayo.
Sabay silang naglakad nito. Nang malapit na sila ay napansin nya na naman ang mga babaeng nagkakalat sa parking lot kagaya nang nakita nya noong unang araw nang klase.
“Judy, pwede ba magtanong?” Agad na tanong nya sa kasama.
Binubuksan na nito ang pinto nang kotse nito.
Tumango ito. “Ano yon?”
“Yang mga babae na yan,” Tinuro nya ang mga ito. “Bakit parati ata silang nakatambay dito? i mean..” Nagkibit balikat sya, hoping na magegets nito.
Tumawa si Judy. “Yeah, I know. Hinihintay nang mga yan na dumating si Aled. Hindi ata nakukumpleto ang araw nila kapag hindi nila nakikita si Aled sa umaga.” Paliwanag ni Judy.
Nanlaki ang mata ni Sandy. “Seryoso? Hinihintay talaga nila yung suplado at walang manners na yon?”
“Ssh!” Saway ni Judy dito. “Huwag mong ipaparinig sa iba yang asar mo na yan kay Aled. You’ll gain haters, I’m telling you.” Sabi pa nito.
Ngumuso na lamang si Sandy. Hanggang makarating na sila sa classroom nila ay hindi pa rin maka get-over sa mga nalaman nya si Sandy. Bakit sa dinami dami nang lalaki sa campus ay ito pa ang tila heartthrob sa university? Bakit sa kabila nang kagaspangan nang ugali nito ay madami pa rin ang nagkakagusto dito to the point na inaabangan pa ito nang iba sa parking lot?
Sya rin ang sumagot nang mga tanong na iyon. Gwapo si Aled, at isa iyong katotohanan na hindi nya maikakaila. Malakas ang appeal at mayaman. Pero hindi dapat iyon ang basehan.
Ah! Bahala na.Ipinilig nya ang kanyang ulo. Ayaw nya nang mag-aksaya nang oras para sa lalaking iyon.
“Tita Lorena!” Masiglang sinalubong ni Sandy ang butihing tiya nya sa gate nang kanilang bahay. Kinuha nya ang dalang bag nito at inakay papasok.
“Wow, ang cute naman pala nang bagong bahay nyo. Hindi nga lang kasing laki nang bahay nyo dati pero maayos naman.” Sabi naman ni Lorena habang inililibot ang paningin.
“Upo ka tita. Tamang-tama lang sa aming apat itong bahay. Kasama ni mama sa kwarto si Chloe, tapos kami naman ni Carina sa isang kwarto.” Kwento nya rito.
Umupo si Lorena. “Anong oras ba darating ang mama mo?”
Liningon ni Sandy ang orasa. “Pauwi na iyon Tita.” Aniya. Nauuna kasi syang umuwi dahil alas dos ang huling klase nya at bago mag alas kwatro ay nakakauwi na sya. Ang mama nya naman ay alas singko, gayun din ang dalawa.
“Halika ka. Magkwento ka naman about sa bagong school mo. Maganda ba doon? Well, I guess. Hindi piptsuging university ang St.Bernard.” Nakangiting sabi ni Lorena sa paboritong pamangkin.
Umupo si Sandy sa tabi nang tiya nya. “Uhm, okay lang naman sya.” Sagot nya.
Natawa si Lorena. “Parang hindi okay pero ayaw mo lang aminin.” Sabi nya sa pamangkin.
“H-hindi naman sa ganon tita. Kaya lang, hindi pa kasi ako nakakapag adjust. Bagong environment at classmates ang hinaharap ko for one week na and I’m trying my best to fit.” Sabi nya.
“Sabagay. Naiintindihan kita. Kaya lang. doon gusto nang mama mo na mag-aral ka. And I think, maganda naman iyon para sayo..”
Ngumiti si Sandy at tumango. “Yun na nga lang din po ang iniisip ko.”
Just like the old times bago mag-asawa ang tita Lorena nya ay nagkwentuhan sila. Limang taon na itong executive secretary sa isang multi-national company bago nito makilala si Roger, ang asawa nito ngayon.
Limang buwan pa lamang silang kasal at businessman si Roger kaya nang malaman nang mga ito ang nangyari sa papa nya ay nangako ang tita Lorena nya na tutulungan sya sa pag-aaral. Pumayag naman si Roger dahil naging malapit na rin ito sa kanila.
Iyon ang unang beses na pagdalaw nang Tita Lorena nya sa bagong bahay nila dahil naging busy rin ito nang mga nakaraang lingo. Bunsong kapatid nang mama nya si Lorena, pangalawa ang mama nya sa magkakapatid at ang panganay ay nasa ibang bansa kasama ang pamilya nito.
“Lorena, andito ka na pala. Hindi mo ako tinext.” Bungad ni Loreta. Kadarating pa lang nito at kasama na nito sina Carina at Chloe.
Nag mano ang dalawa kay Loreta at dumiretso nang kwarto upang magbihis.
“Napa-aga nga ako ate. Pinag-under time ako nang boss ko dahil may pinuntahan syang business meeting.”
“Anong masasabi mo sa bagong bahay namin?”
“Ang ganda ate. Tamang-tama sa inyong apat. Mabuti nga at hindi kayo masyado nahirapan sa paghahanap nang mauupahan.”
“Sinabi mo pa. Anyway, dala mo ba?” Tanong ni Loreta.
Tumango si Lorena.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sandy. “Ang ano?”
“Ah eh. W-wala anak. May ipinadala akong kwintas sa tita mo. Hiniram nya sa akin last time.” Sabi ni Loreta.
Tumango naman si Lorena.
Nagkibit balikat na lamang sya at nagsaing sa kusina.
“You need to find her, Renato.” Sabi ni Lyn sa asawa. Kasalukuyan silang nag-uusap sa veranda habang kumakain nang agahan.Don Renato took a sip in his mug bago sumagot. “I know sweetheart. I just need more time.Nagpadagdag na ako nang detectives para mahanap agad ang dapat hanapin. Hindi ito madali, iilang impormasyon lang ang hawak natin.”“Yes, I know too. Pero dalawang buwan na lang at magbibirthday na si Aled. We need to move fast.” Tila bahaw na sabi nang Donya. She took a slice of bacon on her plate.Tumango ang Don. “I’m confident this time, sweetheart. Mahahanap na natin sila.” Sabi nang Don bago muling ibinalik ang atensyon sa hawak na dyaryo.Don Renato and Donya Lyn has an only child, si Alejandro o Aled sa marami. Ito ang nakatakdang mag-mana nang lahat nang ari-arian nang pamilya Santillan sa takdang panahon.
“T-teka ma, ano ‘to? Bakit mo binibigay ‘to sa akin?” Gulat na tanong ni Sandy sa ina. Isinuot nito ang isang gold necklace sa kanya.“Anak, sayo yan, remember? Ibinigay iyan nang lolo Lucio mo noong five years old ka pa lang, pero I decided na itago dahil bata ka pa noon, baka mawala mo lang.” Sabi ni Loreta sa anak. Inayos nito at lagpas balikat na buhok nang anak at ihinarap sa salamin.Hinawakan nya ang kwintas. Hindi nya alam pero pakiramdam nya ay mayroong hindi magandang mangyayari nang hawakan nya ito. Napalunok sya. “Ah, eh ma, bakit bininigay mo na ito sa akin ngayon?”“Ano ka ba. Syempre sayo yan. Ang tagal ko nga lang na naitago iyan, nawala na sa isip ko habang lumalaki ka.” Nakangiting sabi ni Loreta.Nagkibit balikat na lamang si Sandy.“Huwag mong iwawala yan, yan na lang ang ala-ala na naiwan ni It
“Pasensya na talaga Lorena.” Nahihiyang sabi ni Loreta sa kapatid. Dalawang araw na silang nakatira rito, hindi rin makapasok sa school ang magkakapatid dahil natupok nang apoy ang mga gamit nila.“Wala iyon ate. Nasabi mo na ba sa anak mo?” Tanong ni Lorena.Umiling si Loreta. “H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin.”Ikinwento nya rito ang nangyaring pagpunta nang mag-asawang Santillan sa kanila, at ang mga pinag-usapan nila. Sabi ni Lorena ay iyon na lamang ang tanging solusyon sa nangyari sa kanila.Malaki ang maitutulong nang mga ito. Sa katunayan ay tinawagan sya nang umagang iyon ni Donya Lyn, offering help. Pero hindi nya ito kinausap nang matagal. Hindi nya pa nakakausap si Sandy at natatakot sya na magalit sa kanya ang anak.---------------------------------------------------------&nb
Unang araw na magkasabay na papasok si Sandy at Aled. Alas syete pa lamang ay kumatok na sa pinto nila ang driver ni Aled. Nasa late thirties na ang edad nito at seryoso rin ang mukha.“Magandang araw senyorita. Nasa kotse ho si senyorito at hinihintay na kayo.” Bati nito sa dalaga.Nailang sya nang tawagin syang senyorita nito. “Ah ano, mister, pwede bang Sandy na lang ang itawag mo sa akin? Hindi ako sanay eh.”Umiling ito. “Pasensya na po senyorita, pero hindi ko ho kayo mapagbibigyan.” Sabi nito at ngumiti nang bahagya.Nagkibit balikat na lamang sya. Matapos magpaalam sa mama nya ay kinuha ng driver ang bag nya at inalalayan sya hanggang sa makasakay sya nang kotse. Agad nyang naramdaman ang lamig dulot nang aircon.Magkatabi sila ni Aled sa likuran. Sa unahan nila ay mayroon pang itim na kotse ka kagaya rin nang sinasakyan nila. Naroon an
“I hope na maisama mo si Aled sa birthday ko if you don’t mind..” Sabi ni Judy.Nagulat si Sandy dito nang bigla itong tumabi sa kanya sa classroom. Kasalukuyan syang nagsusulat nang kung anu-ano nang marinig nyang nagsalita si Judy.Tiningnan nya ito. “Ha?”Ngumiti si Judy. “Ikaw talaga, pa humble ka pa. Boyfriend mo pala si Aled, hindi mo sinasabi. Anyway, since ganun nga, you might as well bring him as your escort.”Napanganga sya. “E-escort?”Tumango si Judy. “Ah, don’t tell me na nakalimutan mo ang birthday ko? Sa susunod na araw na iyon.” Tila nagtatampo na sabi nito.“Ah, eh hindi. Nagulat lang ako. Titingnan ko kung sumama sya. Hindi sya mahilig magparty.” Dahilan nya. Wala naman talaga syang balak na isama ito. Maiinis lang sya.“I know. Rem
Tatlong lingo na lamang at ika dalawampung kaarawan na ni Aled. Huling meeting na rin para sa details nang madaliang kasal nila Sandy at Aled. Sina Lyn at Loreta ang nagplano at excited na ang mga ito.Iniabot nang dalawang ina sa mga anak nila ang isang katerbang wedding magazine upang mamili ang mga ito nang gown na isusuot ni Sandy.Tila bored na bumuntong hininga lang si Aled, nakatingin sa malayo. Si Sandy naman ay naexcite bigla nang makita ang mga design nang gowns. Ayaw nya sa mga ito pero aminado sya na nagandahan sya sa mga design na nasa magazines.“Nakapili ka na ba anak?” Tanong ni Loreta kay Sandy.“Hindi ako makapili ma. Ang daming maganda.” Sabi nya.Natawa si Lyn sa sinabi ni Sandy. “Alam mo hija, ganyang ganyan din ako noong ikakasal pa lang kami ni Renato. Sa ganda nang designs nang mga wedding gowns ay hindi ako makapili.”
“I know. Matagal na kaming magkakilala ni Aled.” Sabi ni Prince. Lumamlam ang mga mata nito na kanina lang ay puno nang sigla.“Talaga?” Sandy asked.Tumango si Prince.Kasalukuyan silang nakila Sandy. Nagpasabi ito na pupunta upang ito mismo ang magpaliwanag sa mama nya kung ano ang nangyari. Naintindihan naman ng mama nya. Sa katunayan, sa paliwanag nya pa lang ay ayos na sa mama nya pero natuwa rin ito ng mismong ang artista pa ang nagpaliwanag rito ng nangyari.At ngayon ay bigla na lamang nilang napag-usapan si Aled. Nasa terrace sila at nagmemerienda. Nangungulit pa nga ang kapatid nya dahil talagang crush na crush nito si Prince.“Yes, as a matter of fact, we’ve known each other way back in elementary, but we parted ways bago ako maging talent nang Clandestine.” Uminom ito nang juice sa basong hawak.&ldq
Kapwa sila napatigil. Napa-awang ang mga labi ni Sandy. Hindi sya makapagsalita. Tila iniisip nya pa kung totoong si Aled ang nasa harap nila. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Masama ang tingin na ipinupukol ni Aled kay Prince.Ilang sandali lang ay tumalikod na si Aled at akmang maglalakad pabalik sa kotse nito ngunit hinabol ito ni Prince, sumunod na rin si Sandy.“Aled, wait.” Nahawakan ni prince ang kamay nang lalaki bago ito makasakay sa kotse nito.Tinabig iyon ni Aled at humarap kay Prince.“Now what?” Singhal nito.“I-I was..” Hindi matuloy ni Prince ang sasabihin.“A-alejandro..” Sabi ni Sandy. Hindi nya rin alam ang sasabihin nya. Alam nyang iba ang iniisip nito dahil nakita nito si Prince sa bahay nila.Tiningnan rin nang masama ni Aled si Sandy. “Speak.”
1 year later ---------------------------------------->>"Ate! Aren't you coming with us?"Nilingon ni Sandy ang kapatid na si Carina. Nasa likod nito ang mama nila at ang bunso nilang si Chloe. The three of them were wearing fuschia dresses.Ngumiti si Sandy at tumango. "Susunod na lang kami." Itinuro nya ang kotse nya. Kasalukuyan pa ito'ng nililinis.Nagkibit balikat si Carina. "Okay. See ya!" Kumaway na lang din ang mama nila at si Chloe.Inilibot nya ang paningin sa paligid. Pakiramdam nya ay maaliwalas ang umaga na iyon, tila kumakanta ang mga ibon. Bagong gupit ang mga halaman sa malawak na garden ng mga Santillan.Nang tumama ang mga mata nya sa pintuan ay napangiti sya ng makita ang asawa. He was wearing a tuxedo and he looks very dashing with it.Kaagad nya ito'ng nilapitan at hinalikan ng mabilis sa lab
Namumugto ang mga mata ni Sandy habang nasa kotse. Hindi nya na alam kung ilang oras na syang umiiyak.Bangungot lang ba ang lahat ng mga nangyrai?Sana nga.Gagawin nya ang lahat upang maibalik ang panahon. Yung normal lang ang buhay nila. Walang nasasaktan, walang nagtatangka sa kanya, walang mga bayolenteng pangyayari ang nagaganap at walang namamatay?Malayong malayo ang lahat sa gusto nyang mangyari sa buhay nyaBeach wedding na pamilya at mga kaibigan lang nila ng groom nya ang invited. Titira sila sa isa'ng bahay na may 3 bedrooms at may music room at maliit na library, kahit sa isang sulok na lang yung library. Tapos may maliit na garden. Doon sya magtatahi o mag-gagantsilyo ng mga bonnet para sa mga anak nila. Tapos, hindi man sila marangya, masaya naman sila.Eh ano ang nangyari?Parang naging daan pa sya para may makitil na mga
Kanina pa naka balik sa loob ang kung sino man na spy na iyon pero hindi pa rin maka galaw si Ysabelle. How the hell did this happened? Paano kung nag inarte sya at hindi pa sya bumalik? Baka mapatay na si Aled ng kung sino man iyon.She composed her self then decided to go to Aled's office.Madami syang agents na naka salubong and he really can't know. Hindi nya close ang karamihan dito o ang timbre ng boses ng mga ito. After all, intel and specialty nya at iyon ang importante sa kanya. Sila Wilson from security and tech department lang ang madalas na nakaka sama nya. May iilang din na top agents na mostly assassins ang ibang ka close nya. I don't think na isa sa mga ito ang spy. Sana ay matagal na nitong ginawan ng masama si Aled.At isa pa. Hindi birong pera ang nakukuha ng mga ito every accomplished mission. They all have fat bank accounts because of Aled's capabilities. Their clients are a who's who not only in the
Nagising si Prince sa amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina ng pad nya.Bagamat inaantok pa ay pinilit nya ng dumilat at bumangon. He looked at the alarm clock on his bed side table and saw that it's already past 4pm. Napa haba ang tulog nya, pero hindi pa sya nakaka bawi sa ilang araw na pagpupuyat dahil sa pagbabantay kay Dychie.Which reminds him.. Saan kaya ito inuwi ng Daddy nito?Natigil ang pag iisip nya ng marinig nyang nag hum ng isang kanta si Ysabell. Nag e-echo ang pag ha hum nito sa buong pad. Kaunti lang kasi ang gamit nya at malawak ang bawat space.Sinipat nya ang mukha sa salamain, nag hilamos sa sink ng kanyang bathroom at pumunta na sa kusina. Naabutan nya na nag-aahon ng lumpia mula sa kawali ang babae.Lumingon ito ng maramdaman na papalapit sya."Oh, gising ka na pala. I hope you don't mind. Namili na ako kanina para sa memeriendahin na
Quarter to 3am na ng maisipan ni Sandy na tumayo na at umuwi."I really think na kailangan mo na talagang umuwi." Sabi ni Prince."Yeah, pumunta lang talaga ako para i-check si Dychie. Good thing nagising na sya, and nice having this one on one talk with you, again." Malawak ang ngiti nya. Noong mga panahon na balewala lang sya sa asawa nya ay ito ang palaging nasa tabi nya. Sino ba ang hindi makaka miss dito?Sinipat ng lalaki ang wristwatch nito. "Actually, pwede kitang maihatid. Sigurado naman ako na umaga na magigising si Dychie."Umiling sya. "No, it's fine. Dito ka na lang. May kasama naman ako'ng driver. Mas okay na pag gising nya, nandito ka. And get some sleep, grabe na ang yeybugs mo." Biro nya.Natawa ang lalaki. Yumuko ito at nagkamot ng ulo.He walked her through the exit.Alam mo yung feeling ng ang creepy ng paligid? Of cou
"S-sandy? Are you alone? Where's Aled?" Gulat na tanong ni Prince.Sandy was on the door, and instead of answering, dumiretso ito sa loob upang tingnan sa kama nito si Dychie na noon ay himbing na himbing na sa muling pagtulog."Totoo bang nagising na sya? Ano, is she okay?" Tanong nito."Y-yes, but teka nga. Asaan si Aled? Bakit mag isa ka lang?""W-well. Apparently, busy sya." Ang tanging sagot nito. Dumiretso ito sa sofa at naupo. "I can stay here naman, diba?Tumabi sya sa babae. "Teka nga, don't tell me, nag away na naman kayo or had some kind of petty misunderstanding?" Kunot ang noo na tanong nya.Umiling ito. "Wala. Busy nga sya." Sagot nito.Yeah, as if maniniwala sya. Hindi ito madaldal ngayon at walang glow ang aura. Usually ay magkekwento ito. Kung may reklamo man ito tungkol kay Aled, tiyak na magkekwento pa rin ito.&
Masama ang timpla ni Sandy pagka gising kinabukasan. Hanggang sa makapasok na sa skwelahan ay nakasimangot sya. Bakit? Biglang umalis si Aled ng hindi nagsasabi sa kanya.Well, nagbilin naman kay Lisa ang lalaki. Hindi lang din talaga nito sinabi kung saan ang punta nito. Basta sabihin daw sa kanya na aalis sya, at susunduin na lang daw sya nito mamayang uwian. Ha! Manigas sya. Uuwi sya ng maaga para wala itong maabutan."You look bad." Nakangiting salubong sa kanya ni Judy. Masarap sana sapakin to'ng babaeng to. Pero natuto na sya ng makaaway nya yung dating warfreak na napa talsik sa university dahil sa muntikan na nitong pananakit sa kanya.Hindi nya ito pinansin. Dumiretso sya sa upuan nya at inilapag ang dalang libro at notebook sa lamesa na naka kabit sa upuan. Akalain mo nga naman at sumunod pa ang bruha."Hey.. me and our classmates talked about an outing. You know, parang open forum or somet
Alas onse ng gabi umalis sa hospital sila Sandy at Aled.Halos 'ipagtabuyan' na kasi sila ni Prince. May pasok pa daw sila kinabukasan, etcetera, etcetera.Nakikipag diskusyon pa sana sya rito ng bigla syang hilahin ni Aled at agad na umalis.Pasado alas dose sila nakarating sa mansion. Natural na tahimik. Tulog na ang mga katulong at malamang na nagbabasa pa ng pocketbook sila Aileen at Lisa.Akbay sya nito hanggang sa makaakyat na sila."Aren't you going to sleep in my room?" Tila inosente na tanong nito nang kumalas sya sa pagkaka akbay nito at akmang bubuksan na ang pinto ng kanyang kwarto."Ah, m-may tatapusin pa kasi ako'ng project. I know you're tired. Magpahinga ka na." She gave him a sweet smile."Oh, okay." Lumapit ito sa kanya at binigyan sya ng smack. "Ikaw ang gumising sa akin bukas hmm?"Tumango sya. Tsa
Monday.Kasalukuyang nasa classroom na si Sandy ng tawagin sya ng kaklase nya. Andun daw pala si Renz. Nangangamusta. Lumabas sya at nag usap sila sa hallway."Nami-miss ko na makipag chikahan sayo te! Jusko. Sa isang linggo, dalawang araw ka na lang yatang pumapasok. Kaloka." Agad na sabi ni Renz."Naku, pasensya na. Medyo naging busy lang sa ibang alalahanin. At pasensya na rin kung hindi kita naimbita sa latest opening party ng resort ni Aled." Paumanhin nya. Mas gusto nya kasi na tipong okay na ang lahat at tipong magbabakasyon sila kasama ito, hindi panadalian lang."Okay lang, ano ka ba. Hectic rin ang sched ko, may part time job na ako. Pinag iipunan ko yung trip na trip ko'ng scooter. Kapag nakapagbigay na ako ng down payement, pwede ko na magamit. Medyo hassle na kasi yung kotse ko, ayaw ko naman humingi na kila Daddy.""Ganun ba? Wow. Buti ka