Share

5

last update Last Updated: 2021-07-07 13:40:57

“I hope na maisama mo si Aled sa birthday ko if you don’t mind..” Sabi ni Judy.

Nagulat si Sandy dito nang bigla itong tumabi sa kanya sa classroom. Kasalukuyan syang nagsusulat nang kung anu-ano nang marinig nyang nagsalita si Judy.

Tiningnan nya ito. “Ha?”

Ngumiti si Judy. “Ikaw talaga, pa humble ka pa. Boyfriend mo pala si Aled, hindi mo sinasabi. Anyway, since ganun nga, you might as well bring him as your escort.”

Napanganga sya. “E-escort?”

Tumango si Judy. “Ah, don’t tell me na nakalimutan mo ang birthday ko? Sa susunod na araw na iyon.” Tila nagtatampo na sabi nito.

“Ah, eh hindi. Nagulat lang ako. Titingnan ko kung sumama sya. Hindi sya mahilig magparty.” Dahilan nya. Wala naman talaga syang balak na isama ito. Maiinis lang sya.

“I know. Remember, crush ko sya. Marami rin akong alam sa kanya. I was just taking chances, mukhang mahal ka talaga ni Aled. Sinundo ka pa talaga so, baka makumbinsi mo sya.” Parang nagdi-daydream na sabi nito.

Sa loob nya ay gusto nyang isigaw sa harap nito na hindi totoo ang relationship nila dahil kasunduan lang ito. Kung tutuusin ay parang mas bagay pa ang lalaki at si Judy.

Biyernes nang gabi ay inimbitahan nang mag-asawang Lyn at Renato sila Sandy kasama na ang mama at kapatid nito. Naghanda daw ang mga ito para sa isang simpleng hapunan.

Alas syete nang gabi nang marating nang mag-iina ang mansion. Muli ay ipinasundo ito sa driver.

“Wow, ang laki naman nang bahay nila mama.” Tuwang tuwang sabi ni Chloe.

“Ano ka ba Chloe, ang ignorante mo. Hindi bahay ang tawag dito kundi mansion.” Sabi ni Carina.

Sinaway ito ni Loreta. “Carina, watch your mouth.”

Tumahimik na lamang si Carina. Ilang sandali pa ay natipon na sila sa hapag-kainan. Naroon rin si Aled, na ikinagulat ni Sandy.

Masiglang nag-uusap ang mag-asawa at ang mama ni Sandy samantalang tahimik lamang ang mga bata at nakikinig lamang.

Nagulat na lamang si Sandy nang biglang banggitin nang mama nya kung pupunta sya sa debut party ni Judy kinabukasan sa La Vera hotel.

“Is it true hija?” Tanong ni Lyn.

Nahihiyang tumango si Sandy. Isa iyon sa mga bagay na hindi nya ipinagmamalaki. Magsusuot sya nang gown na ayaw na ayaw nya.

“Very well then. Aled can accompany you tomorrow night. How’s that?” Suggestion ni Renato.

Nanlaki ang mga mata ni Sandy.

Napatigil naman sa pagsubo si Aled. Liningon ito ni Sandy.

“Ah naku baka ho may gagawin pa si Aled bukas nang gabi, kaya ko naman ho pumunta mag-isa.” Dahilan nya. Ayaw nyang sumama ito. Tiningnan nya ang lalaki sa mata, pleading na wag sana ito pumayag.

Liningon naman ni Donya Lyn ang anak, asking his approval.

“It’s fine. I’ll go.” Sagot nito bago muling sumubo.

Tila nakahinga nang maluwag ang mag-asawa habang si Sandy naman ay tila nagkaroon pa nang problema. Bumuntong hininga sya.

“So it’s settled then. Mula sa school ay dito na kayo dumiretso bukas. I’ll call my personal stylist. Is it alright with you Loreta?” Tanong nang donya kay Loreta.

“W-wala hong problema madam.” Sagot naman nito.

Napangiwi si Sandy sa sagot nang mama nya. Naiinis na naman sya. Ilang lingo na lang at hindi na sya single, hindi man lang sya makapag-enjoy, lagi pa silang pinagsasama nang lalaki na iyon.

Naging mabilis ang oras kinabukasan. Sa ikatlong pagkakataon ay sabay silang pumasok ni Aled, at ikatlong beses din silang umuwi nang sabay. Araw-araw ay tatlumpong minuto nya itong hinihintay dahil nauunang natatapos ang klase nya rito. Nagkekwentuhan na lamang sila ni Renz.

May sasakyan si Renz kaya walang problema dito kahit medyo ma-late ito nang uwi. Mas lalo silang nagiging close nito sa araw-araw na pagkikita nila.

“Hey, I thought girlfriend ka ni Aled. How come na itong bakla na ito ang kasama mo tuwing lunch at hindi sya?” Nagulat si Sandy at Renz nang biglang may sumulpot na babae sa harap nila at sinabi iyon.

May kasama ang babae, mga kapwa estudyante rin. Malamang ay may gusto rin itokay Aled kaya ganoon ito. Hindi nya ito pinansin, ganun din ang ginawa ni Renz at tuloy-tuloy lang silang kumain.

Nagulat muli si Sandy nang bigla na lamang sya itulak nang babae. “Hey, I’m talking to you.” Matigas na sabi nito.

Natapunan nang juice ang suot na uniform ni Sandy. Sa galit nya ay tumayo sya at hinarap ang babae. Si Renz naman ay pinupunasan ang juice sa damit ni Sandy.

“Ano ba ang pakealam mo kung hindi sya ang kasama kong kumain tuwing lunch? Ikamamatay mo ba?” Tiningnan nya ito nang masama.

Nakipagtitigan din ang babae. Base sa itusra nito ay halatang pala-away ito, boyish kung kumilos bagamat mahaba ang buhok nito.

“Eh ano naman sayo? Wala ka ring pakealam kung gusto kong malaman.” Tila nangpo-provoke na sabi nito.

Umikot ang eyeballs ni Sandy. Walang sense kausap ang babae. Sa inis ay umupo syang muli ngunit bago pa sya makaupo ay hinatak nang babae ang buhok nya at sinabunutan sya.

Hindi sya agad nakapag react. Nalaman nya na lang ang ginawa nito nang pinipigilan ito ni Renz sa pagsabunot sa kanya.

Agad nya ring hinila ang buhok nito. Now they were creating a scene. Pinalibutan na sila nang ibang studyante sa canteen. Sa isip nya ay as long as hindi sya ang nauna manggulo ay makakaligtas sya sa gulo na iyon.

Sinampal sya nang babae. Doon talaga sya nagalit. Ang mama nya nga ay hindi sya sinasampal, itong babae pa na ito ang nakasampal sa kanya. Sinampal nya rin ito nang ilang ulit. Magkaheight lamang sila kaya madali para sa kanya na gumanti rito.

Galit na galit sya sa babae na sa tingin nya ay mapapatay nya ito. Nagulat sila pareho nang may pumigil sa kanila, kapwa malalaking lalaki. That’s when she realized, ang mga bodyguards iyon ni Aled.

“What are you doing?” Salubong ang kilay na tanong ni Aled na lumabas mula sa kumpol nang mga estudyante. Matiim ang titg nito sa kanya. Nasa itsura nito na hindi ito Masaya sa eksena na nakita.

Hindi nya ito sinagot. Napayuko sya sa hiya. Hinila sya ni Aled makalipas ang ilang segundo nang katahimikan at dinala sya sa clinic. Nagulat ang nurse nang makita ang dalawa.

Matapos malinis ang ilang kalmot sa braso at leeg ni Sandy ay nag-usap si Sandy at Aled. Sinusuklay ni Sandy ang buhok nya na sobrang nagulo. Pakiramdam nya ay napakadumi nya.

“What were you doing there? Bakit ka nakipag bugbugan sa canteen?” Palakad-lakad ito sa harap nang babae, hindi mapakali.

Hindi sumagot si Sandy. Sya pa ang sinisisi nito gayung hindi nito alam na ang babaeng iyon ang nauna. Hindi nya alam pero tila gusto nyang magtampo sa kaharap. Kung tutuusin ay dahil dito kung bakit sya napa-away.

“Cassandra, I am talking to you, for God’s sake!” Tila nanggigigil na sabi ni Aled. Tumigil ito sa harap nang babae, matigas ang anyo.

Nagulat naman si Sandy nang tawagin sya nito sa buo nyang pangalan. Hindi nya akalain na alam pala nito ang totoo nyang pangalan. Hindi nya pa rin ito sinasagot

“Sinabihan mo ako nang walang manners the last time. Pero sa ginawa mo knina, ayun ba ang may manners? My God. You’re acting like a child!” Pangaral nito.

Tumayo sya at sumagot. Hindi nya matanggap ang mga sinabi nito. “Kasalanan ko ba na araw-araw, iba’t-ibang babae ang humahabol at nang-aaway sa akin dahil sayo? Kasalanan ko ba na para nila akong papatayin sa titig knowing na girlfriend mo ako? Kasalana ko ba?!” Naiiyak na sabi nya. Muli syang napaupo sa clinic bed.

Napatigil sa paglalakd si Aled at gulat na nagsalita. “What?”

“Narinig mo naman diba? Dahil sayo ang lahat nang ito! Galit sila sa akin dahil girlfriend mo daw ako. Lahat sila gusto akong usisain! At yung babae kanina, bakit sa akin ka nagagalit? Sya ang unang nanabunot! Lumaban lang ako!” This time ay humahagulhol na sya na tila bata.

Pinagsalikop nya ang dalawang kamay at isinubsob doon ang mukha. Ang sama nang loob nya para sa lalaki.

Hindi naman makapagsalita si Aled. Nakatayo lang ito at nakatitig sa umiiyak na babae, tila nagdadalawang isip sa kung anu mang gagawin. Sa huli ay nagpasya ito na umalis.

Lalong napahagulhol ang dalaga sa ginawa ni Aled nang makaalis na ito. Pakiramdam nya ay parang b****a lang sya rito. Ni hindi man lang ito humingi nang paumanhin sa maling akala nito.

Ilang sandali pa ay may nag-abot nang panyo sa kanya. Si Renz. Sinundan sya nito at inalo.

“Girl, what happened? Bakit ka umiiyak?” Halata ang pag-aalala sa boses ni Renz.

Sa garalgal na boses ay ikiniwento nya rito ang ginawa ni Aled. Pati ang sama nya anng loob para sa lalaki.

“God knows na hindi ko ginusto ang nangyare Renz. Pero ako pa ang sinisisi nya. Nakakasar sya.” Umiiyak pa rin na sabi nya.

“Huwag ka nang umiyak, girl. Kahit nakakasar talaga yang soon to be husband mo, wala tayong magagawa. Hay nako. Tumahan ka na. Hindi nya rin naman nakita yung pangyayari.” Pag-alo ni Renz dito.

Nang mahimasmasan sya ay pinahiram sya nang isang set nang uniform nang nurse. Mabuti at may mga spare uniforms sa clinic. Mugto ang mga mata na pumasok sya sa sumunod na subject nya.

“Perfect!” exclaimed Ethan, ang personal stylist ni Donya Lyn. Inayusan nito si Sandy, nagtanong pa ito kung bakit namumugto ang mata nang babae ngunit hindi ito sinagot ni Sandy.

Lingid kay Sandy ay binilhan sya nang umaga rin na iyon nang gown ni Donya Lyn upang isuot nya sa party. Ang mga galos at kalmot sa leeg at braso nya ay natakpan nang make-up kaya bumagay talaga sa kanya ang itim na tube gown na pinasuot sa kanya.

Tumingin sya sa salamin at nagulat talaga sya. Hindi nya na halos makilala ang sarili nya. Itinaas ang kanyang buhok at linagyan nang mga bulaklak sa paligid. Hindi makapal ang make-up nya at ipinasuot din ni Donya sa dalaga ang isang pares nang hikaw nito.

Suot nya rin ang kwintas na bigay nang lolo nya, gayun din si Aled. Kasalukuyan itong naghihintay sa living room. Naka bihis na ito at talaga namang naguumapaw ang kagwapuhan nito, bagamat ayaw itong tingnan ni Sandy.

Bago iyon ay kinausap sya nang Donya kung bakit namumugto ang mga mata nya at may mga sugat sya. Sinabi nya rito ang totoo, ngunit hindi nya sinabi na dahil sa anak nito kung bakit sya sinugod nang naturang babae.

Habang pababa sa hagdan si Sandy ay malapad ang pagkakangiti nang Donya. Naaalala daw nito noong kabataan nito.

Tumayo si Aled nang makitang pababa na ang kanyang hinihintay. Hindi ito kinakitaan nang emosyon. Pinagtabi ang dalawa nang Donya.

“Ayan, bago kayo umalis, kailangan nang souvenir!” Ethan is holding a digital camera. Agad iyong nagflash, na ikinagulat ni Sandy.

Nakatatlong shot muna ang baklang stylist bago sila nito pinayagang umalis. Agad na naunang naglakad patungo sa kotse si Aled.

Ipinangako ni Sandy na hindi nya ito kakausapin mula sa gabing iyon. Naguguluhan na sya sa nararamdaman nya. Naiinis sya dito pero tila ayaw nyang galit ito sa kanya kaya nagtatampo sya dahil hindi muna nito inalam ang totoong nangyari kanina.

Lulan na sila nang kotse papunta sa La Vera hotel. Nagtext na rin sa kanya si Judy kung anong oras sya pupunta at kung kasama nya si Aled. Sinabi nya lang na papunta na sya, ngunit hindi nya binaggit na kasama nya ang lalaki.

Hindi nya alam kung bakit pero naiinis sya sa tuwing nagtatanong ang mga kaklase nya nang kung anu-ano about kay Aled. Hindi nya pa rin naman ito ganoon kakilala kaya panay “secret” ang sagot nya sa mga ito.

Pasado alas otso na nang marating nila ang hotel, at dahil kilala rin ang pamilya ni Judy ay may mangilan ngilang photographer ang nagkakalat at kumukuha nang pictures.

Nang makababa sila sa kotse ay may kumuha rin nang picture sa kanila, lalo na kay Aled. Pati mga simpleng bisita ni Judy ay kinuhaan din nang picture ang lalaki. Sabay silang pumasok nang lalaki at agad silang sinalubong ni Judy. Napaka ganda nito sa suot nitong baby pink gown.

Nagbeso sila nito. “God, akala ko hindi ka na pupunta.” Excited na sabi nito pero kay Aled nakatingin. Si Aled naman ay lumilinga-linga lang, nagmamasid.

Ngumiti sya. “Pwede ba naman yun.”

Ngumiti din ito. “O sya, follow me.” Naglakad si Judy patungo sa isang table, doon sila nito pina-upo. Tahimik lang na sumunod ang dalawa.

“Maiwan ko na muna kayo ha? I’ll assist some guests.” Paalam nito bagamat kay Aled na naman nakatingin.

Tumango lang si Sandy. Binalewala nya na lang ang pagtingin ni Judy kay Aled.

Makaraan ang ilang sandali ay nagsimula na ang program. Kasalukuyang isinasayaw nang isang lalaki si Judy nang makaramdan nang uhaw si Sandy. Nang may dumaang waiter ay kumuha sya nang isang baso nang wine sa dala nito. Not knowing na may kapaitan ang lasa noon ay tinungga nya ang laman nang baso upang magsisi sa huli.

Naubo sya sa lasa nang ininom nya. Tinakpan nya nang panyo ang bibig nya habang umuubo.

“Silly, that’s vodka. Hindi mo dapat agad inubos ang laman nang baso.” Tila amused na sabi ni Aled.

Inirapan lang ito ni Sandy. “Huwag mo nga akong kausapin.” Sabi nya bago muling tuloy tuloy na maubo.

Nagsalubong ang kilay nang lalaki. “Fine.” Tipid na sagot nito.

Inusog ni Sandy palayo sa upuan nito ang upuan nya. Ganoon din ang ginawa nang lalaki. Akala nang katabing babae ni Aled ay sinasadya nang binata na ilapit sa kanyang ang upuan ni Aled.

“Hi.” Tila kinikilig na bati nang babae, todo ngiti pa ito.

Tiningnan lang ito ni Aled at muling ibinaling sa nagsasayaw ang atensyon. Napasimangot naman ang babae.

Nang matapos ang cotillion ay sabay silang kumuha nang pagkain ni Aled bagamat hindi pa rin sila nag-uusap. Tahimik silang kumain. Matapos kumain ni Aled ay bigla itong tumayo. Hinayaan na lang ito ni Sandy. Naglakad-lakad din sya nang matapos na syang kumain.

Lumabas sya sa hall nang La Vera hotel at naglakadlakad sa garden noon. May mga ilaw roon na mapusyaw, at may mga bench. Napangiti sya. Perfect iyon para sa kanya. Habang papunta sa bench ay kinukuha nya sa purse nya ang kanyang mp3 player kaya hindi nya namalayan na may mababangga sya.

Nalaglag ang kanyang mp3 player at muntik na syang matumba ngunit agad syang nasalo nang nakabangga sa kanya. Napapikit at napatili sya nang bahagya.

“Miss, okay ka lang?” Malambing ang boses na tanong nang lalaki.

Agad syang nagdilat at tumayo nang maayos. Agad nyang dinampot ang kanyang mp3 player tsaka hinarap ang nakabangga sa kanya.

“Miss, I’m sorry. Nasaktan ka ba?” Muli ay sabi nang lalaki. Bagamat may kadiliman ay namukhaan nya ang lalaki. Pamilyar ang mukha nito. Tsaka nya ito nakilala.

“O-okay lang ako. S-sorry din..” Pagpaumanhin nya. Maglalakd na sana sya palayo ngunit hinawakan sya nang lalaki sa kamay.

“Sandali..” Mahinang sabi nang lalaki.

Muli ay humarap si Sandy dito. “B-bakit?” Napalunok sya. Parang bigla syang nilamig nang hawakan sya nito.

“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” Binitawan na sya nito sa pagkakataon na iyon.

“Ah.. ano..” Hindi sya makapagsalita nang maayos. “P-pwede.” Sa wakas ay sabi nya.

Natawa ang lalaki. “Sigurado ka bang okay ka lang?”

Tumango si Sandy.

Inilahad nang lalaki ang kamay. “I’m Prince by the way.”

“I know. I’m Sandy.” Inabot nya ang isang kamay nya rito.

“You know?” Parang nagtataka ang lalaki.

“Artista ka, remember?” Sabi ni Sandy.

“Ah.. oo nga pala.” Natatawang sabi ni Prince sa dalaga.

“So, anong ginagawa mo dito? I mean, bakit wala ka sa party?”

“Wala naman. Gusto ko lang lumabas, makikinig sana ako nang kanta sa mp3 ko.” Sagot nya. “Eh ikaw?”

“Same. Magpapahangin. Sorry pala ulit kanina. Hindi kita napansin.”

Umiling sya rito.  “Wala yon. Ako ang hindi nag-iingat. Hindi ko naman alam na may tao pala.”

Inaya ni Prince si Sandy na umupo sa bench malapit sa iposte nang ilaw at doon sila nag kwentuhan. Hindi makapaniwala ang babae na ang sikat na artista at model na si Prince Montreal ay ganoon kabait.

“Kaibigan mo ba si Judy?” Tanong ni Sandy dito.

“Not really. Kaibigan sya ni Red, tapos inimbitahan kaming mag guests dito. Nag perform kami kanina.” Tukoy nito sa kaibigan na kapwa artista at kasama sa grupo nito na Solace.

“I see. Late na kasi kami nakarating dito nang kasama ko.”

“May kasama ka? Bakit ka nag-iisa dito?”

“Hay nako. Mas gugustuhin ko na lang mag-isa kaysa isama ko pa yon dito. Naiinis lang ako.” Sabi nya.

“Halata ngang naiinis ka.” Natatawang sabi ni Prince.

Magsasalita pa sana si Sandy nang mag ring ang cellphone nya sa bag. Nang ilabas nya ang cellphone nya ay may tumatawag na unknown number. Sinagot nya iyon.

“Nasaan ka ba?” Tanong nang nasa kabilang linya.

Agad nyang nakilala ang malamig na boses ni Aled. “Ah nasa labas.”

“Anong ginagawa mo dyan? Get back here or uuwi kang mag-isa.” Iyon lang at agad na pinutol ni Ale dang linya.

Nangigigil sa inis na inilagay ni Sandy sa bag ang cellphone nya. How come na alam nito ang cellphon number nya?”

“Who is it?” Tanong ni Prince.

“Yung kasama ko. Hinahanap na ako.” Tumayo na sya. “N-nice meeting you.” Akmang tatalikod na sya ngunit muli ay pinigilan sya ni Prince.

“A-aalis ka na?”

Tumango sya. “Yeah. K-kailangan ko ng umalis.”

“S-sandali” Muli ay sabi ni Prince. “Pwede ko bang makuha ang number mo?”

Related chapters

  • I Married The Ice King   6

    Tatlong lingo na lamang at ika dalawampung kaarawan na ni Aled. Huling meeting na rin para sa details nang madaliang kasal nila Sandy at Aled. Sina Lyn at Loreta ang nagplano at excited na ang mga ito.Iniabot nang dalawang ina sa mga anak nila ang isang katerbang wedding magazine upang mamili ang mga ito nang gown na isusuot ni Sandy.Tila bored na bumuntong hininga lang si Aled, nakatingin sa malayo. Si Sandy naman ay naexcite bigla nang makita ang mga design nang gowns. Ayaw nya sa mga ito pero aminado sya na nagandahan sya sa mga design na nasa magazines.“Nakapili ka na ba anak?” Tanong ni Loreta kay Sandy.“Hindi ako makapili ma. Ang daming maganda.” Sabi nya.Natawa si Lyn sa sinabi ni Sandy. “Alam mo hija, ganyang ganyan din ako noong ikakasal pa lang kami ni Renato. Sa ganda nang designs nang mga wedding gowns ay hindi ako makapili.”

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   7

    “I know. Matagal na kaming magkakilala ni Aled.” Sabi ni Prince. Lumamlam ang mga mata nito na kanina lang ay puno nang sigla.“Talaga?” Sandy asked.Tumango si Prince.Kasalukuyan silang nakila Sandy. Nagpasabi ito na pupunta upang ito mismo ang magpaliwanag sa mama nya kung ano ang nangyari. Naintindihan naman ng mama nya. Sa katunayan, sa paliwanag nya pa lang ay ayos na sa mama nya pero natuwa rin ito ng mismong ang artista pa ang nagpaliwanag rito ng nangyari.At ngayon ay bigla na lamang nilang napag-usapan si Aled. Nasa terrace sila at nagmemerienda. Nangungulit pa nga ang kapatid nya dahil talagang crush na crush nito si Prince.“Yes, as a matter of fact, we’ve known each other way back in elementary, but we parted ways bago ako maging talent nang Clandestine.” Uminom ito nang juice sa basong hawak.&ldq

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   8

    Kapwa sila napatigil. Napa-awang ang mga labi ni Sandy. Hindi sya makapagsalita. Tila iniisip nya pa kung totoong si Aled ang nasa harap nila. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Masama ang tingin na ipinupukol ni Aled kay Prince.Ilang sandali lang ay tumalikod na si Aled at akmang maglalakad pabalik sa kotse nito ngunit hinabol ito ni Prince, sumunod na rin si Sandy.“Aled, wait.” Nahawakan ni prince ang kamay nang lalaki bago ito makasakay sa kotse nito.Tinabig iyon ni Aled at humarap kay Prince.“Now what?” Singhal nito.“I-I was..” Hindi matuloy ni Prince ang sasabihin.“A-alejandro..” Sabi ni Sandy. Hindi nya rin alam ang sasabihin nya. Alam nyang iba ang iniisip nito dahil nakita nito si Prince sa bahay nila.Tiningnan rin nang masama ni Aled si Sandy. “Speak.”

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   9

    Nanlaki rin ang mga mata nang dalawa nang mapagtanto ang posisyon nila at ang pagpasok ni Donya Lyn. Agad na itinulak ni Sandy si Aled at sabay silang mabilis na tumayo.“No, tita. You got it wrong. N-nadulas ho kasi ako.” Agad na paliwanag nya. Bakas sa mukha nya ang pagkapahiya.Si Aled naman ay hindi nagsasalita. Naupo lang ito sa kama at tila walang pakealam sa iniisp nang ina.Tiningnan nang Donya si Aled.“Hindi ka ba marunong kumatok?” Walang emosyon na tanong nang lalaki sa ina.“Ah.. S-sorry. H-hindi kasi naka lock..” Paliwanag naman nang Donya. “Anyway, it’s alright. Ikakasal na naman na kayo in five days. I got to go.” Sabi nang Donya at mabilis na lumabas.Nakanganga naman na naiwan si Sandy. Nagulat sya sa pag-uusap nang dalawa. Tila hindi mag-ina ang mga ito. Tila ang Donya pa ang humihingi n

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   10

    Unang araw na nilang mag asawa. Natural na sa mansion na rin nakatira si Sandy. Ang kanyang silid ay katabi nang silid nang lalaki at napaka ganda niyon. Tila sya prinsesa kapag naroon sya. Kakagising nya pa lamang at agad nyang pinagsawa ang mata sa buong silid. Binigyan rin sya nang sariling credit card nang mama ni Aled na mama nya na rin. Nais nya sanang tumanggi ngunit magtatampo raw ito kapag hindi nya ito tinanggap. Para raw sa panggastos nya iyon. Napangiwi lang sya nang makita ang closet nya. Puro iyon girly dresses at karamihan ay palda pa. Inayos nya kinabukasan ang mga gamit nya sa closet na iyon at paulit ulit na inilibot ang mata sa kanyang silid. Gabi na kasi nang unang beses na pumasok sya roon at pagod na pagod pa sya pagkatapos nang kasal nila ni Aled kaya bulagta sya. Ngayon nya lang napapagsawa ang mga mata sa magandang ayos nang kwarto nya. Bagamat alam nyang da

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   11

    Aled look so dashing in his attire. Naka rugged pants ito. Black maong na hindi maluwag at hindi rin masikip ang pants na suot nito. Tinernuhan nito iyon nang checkered polo na black and white at itim na skate shoes. Ang buhok nito ay nakataas. “Wow, ang pogi mo naman ngayon.” Puri nya rito. Natutuwa sya na hindi nya na kailangang mag effort nang sobra para makausap lang ito nang kaswal. Ngayon ay okay na ang mood nito palagi. “You look pretty yourself. Your attire suits mine.” Matipid itong ngumiti. Pareho silang naka black and white. Napangiti si Sandy.Pinagbuksan sya nito nang pinto. Sa isang lingo na pagtira nya sa mansion ay nalaman nya na madami nga itong kotse. Tatlo ang racing cars nito, dalawang motor bikes at isang pang personal na lakad, ang gamit nila nang oras na iyon. Noong una ay nalula sya pero kung tutuusin ay kaya

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   12

    “Are you sick?” Sa tanong na iyon ni Aled muling bumalik ang pag-iisip ni Sandy sa kasalukuyan. Tiningnan nya ang lalaki. Bakas sa gwapong mukha nito ang pag-aalala. Kasalukuyan silang lulan nang kotse nang umagang iyon. Papasok pa lamang sila sa eskwelahan. Umiling sya. “No, I am not.” Matipid syang ngumiti. “Why are you like that?” Pagtataka naman ang nasa mukha nito. “Like what?” “Like..that. Cold all of a sudden.” Mahinang sabi nito. Linakihan nya ang ngiti. “No, may iniisip lang ako. Okay lang ako, ano ka ba.” Pinalo nya pa ito sa hita nito. Nagkibit balikat na lamang ang lalaki at hindi namuling nagtanong. Mula nang malaman ni Sandy

    Last Updated : 2021-07-07
  • I Married The Ice King   13

    Ika-apat na gabi nang pagsunod nila Sandy, Lisa at Aileen kay Aled. Sa mga nakaraang pagsunod nila ay umuuwi na sila kapag alam nilang matatapos na ang event. This time ay nagpasya si Sandy na lalapit na sya sa asawa, come what may. Kasehodang magsuot rin sya nang mga tipo nang damit na suot nang mga babaeng naroon. Nagsuot sya nang pulang dress na hanggang kalahati lang nang hita nya ang haba. Pinatungan nya iyon nang itim na bolero. Tinernuhan nya iyon nang itim na boots. Tinulungan din syang mag make up nila Lisa at Aileen. Itinaas ang kanyang buhok at nag iwan nang ilang hibla na nakalaylay sa bandang pisngi nya. Hindi makapal ang pagkaka make up sa kanya kaya mas bumagay sa kanya ang kanyang outfit. Bagamat natuwa sya sa kinalabasan ay hindi sya kumportable sa damit na suot nya. Ang dalawa ang pumili nang suot nya, ito rin ang nag make-up sa kanya.&n

    Last Updated : 2021-07-07

Latest chapter

  • I Married The Ice King   FINALE

    1 year later ---------------------------------------->>"Ate! Aren't you coming with us?"Nilingon ni Sandy ang kapatid na si Carina. Nasa likod nito ang mama nila at ang bunso nilang si Chloe. The three of them were wearing fuschia dresses.Ngumiti si Sandy at tumango. "Susunod na lang kami." Itinuro nya ang kotse nya. Kasalukuyan pa ito'ng nililinis.Nagkibit balikat si Carina. "Okay. See ya!" Kumaway na lang din ang mama nila at si Chloe.Inilibot nya ang paningin sa paligid. Pakiramdam nya ay maaliwalas ang umaga na iyon, tila kumakanta ang mga ibon. Bagong gupit ang mga halaman sa malawak na garden ng mga Santillan.Nang tumama ang mga mata nya sa pintuan ay napangiti sya ng makita ang asawa. He was wearing a tuxedo and he looks very dashing with it.Kaagad nya ito'ng nilapitan at hinalikan ng mabilis sa lab

  • I Married The Ice King   75

    Namumugto ang mga mata ni Sandy habang nasa kotse. Hindi nya na alam kung ilang oras na syang umiiyak.Bangungot lang ba ang lahat ng mga nangyrai?Sana nga.Gagawin nya ang lahat upang maibalik ang panahon. Yung normal lang ang buhay nila. Walang nasasaktan, walang nagtatangka sa kanya, walang mga bayolenteng pangyayari ang nagaganap at walang namamatay?Malayong malayo ang lahat sa gusto nyang mangyari sa buhay nyaBeach wedding na pamilya at mga kaibigan lang nila ng groom nya ang invited. Titira sila sa isa'ng bahay na may 3 bedrooms at may music room at maliit na library, kahit sa isang sulok na lang yung library. Tapos may maliit na garden. Doon sya magtatahi o mag-gagantsilyo ng mga bonnet para sa mga anak nila. Tapos, hindi man sila marangya, masaya naman sila.Eh ano ang nangyari?Parang naging daan pa sya para may makitil na mga

  • I Married The Ice King   74

    Kanina pa naka balik sa loob ang kung sino man na spy na iyon pero hindi pa rin maka galaw si Ysabelle. How the hell did this happened? Paano kung nag inarte sya at hindi pa sya bumalik? Baka mapatay na si Aled ng kung sino man iyon.She composed her self then decided to go to Aled's office.Madami syang agents na naka salubong and he really can't know. Hindi nya close ang karamihan dito o ang timbre ng boses ng mga ito. After all, intel and specialty nya at iyon ang importante sa kanya. Sila Wilson from security and tech department lang ang madalas na nakaka sama nya. May iilang din na top agents na mostly assassins ang ibang ka close nya. I don't think na isa sa mga ito ang spy. Sana ay matagal na nitong ginawan ng masama si Aled.At isa pa. Hindi birong pera ang nakukuha ng mga ito every accomplished mission. They all have fat bank accounts because of Aled's capabilities. Their clients are a who's who not only in the

  • I Married The Ice King   73

    Nagising si Prince sa amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina ng pad nya.Bagamat inaantok pa ay pinilit nya ng dumilat at bumangon. He looked at the alarm clock on his bed side table and saw that it's already past 4pm. Napa haba ang tulog nya, pero hindi pa sya nakaka bawi sa ilang araw na pagpupuyat dahil sa pagbabantay kay Dychie.Which reminds him.. Saan kaya ito inuwi ng Daddy nito?Natigil ang pag iisip nya ng marinig nyang nag hum ng isang kanta si Ysabell. Nag e-echo ang pag ha hum nito sa buong pad. Kaunti lang kasi ang gamit nya at malawak ang bawat space.Sinipat nya ang mukha sa salamain, nag hilamos sa sink ng kanyang bathroom at pumunta na sa kusina. Naabutan nya na nag-aahon ng lumpia mula sa kawali ang babae.Lumingon ito ng maramdaman na papalapit sya."Oh, gising ka na pala. I hope you don't mind. Namili na ako kanina para sa memeriendahin na

  • I Married The Ice King   72

    Quarter to 3am na ng maisipan ni Sandy na tumayo na at umuwi."I really think na kailangan mo na talagang umuwi." Sabi ni Prince."Yeah, pumunta lang talaga ako para i-check si Dychie. Good thing nagising na sya, and nice having this one on one talk with you, again." Malawak ang ngiti nya. Noong mga panahon na balewala lang sya sa asawa nya ay ito ang palaging nasa tabi nya. Sino ba ang hindi makaka miss dito?Sinipat ng lalaki ang wristwatch nito. "Actually, pwede kitang maihatid. Sigurado naman ako na umaga na magigising si Dychie."Umiling sya. "No, it's fine. Dito ka na lang. May kasama naman ako'ng driver. Mas okay na pag gising nya, nandito ka. And get some sleep, grabe na ang yeybugs mo." Biro nya.Natawa ang lalaki. Yumuko ito at nagkamot ng ulo.He walked her through the exit.Alam mo yung feeling ng ang creepy ng paligid? Of cou

  • I Married The Ice King   71

    "S-sandy? Are you alone? Where's Aled?" Gulat na tanong ni Prince.Sandy was on the door, and instead of answering, dumiretso ito sa loob upang tingnan sa kama nito si Dychie na noon ay himbing na himbing na sa muling pagtulog."Totoo bang nagising na sya? Ano, is she okay?" Tanong nito."Y-yes, but teka nga. Asaan si Aled? Bakit mag isa ka lang?""W-well. Apparently, busy sya." Ang tanging sagot nito. Dumiretso ito sa sofa at naupo. "I can stay here naman, diba?Tumabi sya sa babae. "Teka nga, don't tell me, nag away na naman kayo or had some kind of petty misunderstanding?" Kunot ang noo na tanong nya.Umiling ito. "Wala. Busy nga sya." Sagot nito.Yeah, as if maniniwala sya. Hindi ito madaldal ngayon at walang glow ang aura. Usually ay magkekwento ito. Kung may reklamo man ito tungkol kay Aled, tiyak na magkekwento pa rin ito.&

  • I Married The Ice King   70

    Masama ang timpla ni Sandy pagka gising kinabukasan. Hanggang sa makapasok na sa skwelahan ay nakasimangot sya. Bakit? Biglang umalis si Aled ng hindi nagsasabi sa kanya.Well, nagbilin naman kay Lisa ang lalaki. Hindi lang din talaga nito sinabi kung saan ang punta nito. Basta sabihin daw sa kanya na aalis sya, at susunduin na lang daw sya nito mamayang uwian. Ha! Manigas sya. Uuwi sya ng maaga para wala itong maabutan."You look bad." Nakangiting salubong sa kanya ni Judy. Masarap sana sapakin to'ng babaeng to. Pero natuto na sya ng makaaway nya yung dating warfreak na napa talsik sa university dahil sa muntikan na nitong pananakit sa kanya.Hindi nya ito pinansin. Dumiretso sya sa upuan nya at inilapag ang dalang libro at notebook sa lamesa na naka kabit sa upuan. Akalain mo nga naman at sumunod pa ang bruha."Hey.. me and our classmates talked about an outing. You know, parang open forum or somet

  • I Married The Ice King   69

    Alas onse ng gabi umalis sa hospital sila Sandy at Aled.Halos 'ipagtabuyan' na kasi sila ni Prince. May pasok pa daw sila kinabukasan, etcetera, etcetera.Nakikipag diskusyon pa sana sya rito ng bigla syang hilahin ni Aled at agad na umalis.Pasado alas dose sila nakarating sa mansion. Natural na tahimik. Tulog na ang mga katulong at malamang na nagbabasa pa ng pocketbook sila Aileen at Lisa.Akbay sya nito hanggang sa makaakyat na sila."Aren't you going to sleep in my room?" Tila inosente na tanong nito nang kumalas sya sa pagkaka akbay nito at akmang bubuksan na ang pinto ng kanyang kwarto."Ah, m-may tatapusin pa kasi ako'ng project. I know you're tired. Magpahinga ka na." She gave him a sweet smile."Oh, okay." Lumapit ito sa kanya at binigyan sya ng smack. "Ikaw ang gumising sa akin bukas hmm?"Tumango sya. Tsa

  • I Married The Ice King   68

    Monday.Kasalukuyang nasa classroom na si Sandy ng tawagin sya ng kaklase nya. Andun daw pala si Renz. Nangangamusta. Lumabas sya at nag usap sila sa hallway."Nami-miss ko na makipag chikahan sayo te! Jusko. Sa isang linggo, dalawang araw ka na lang yatang pumapasok. Kaloka." Agad na sabi ni Renz."Naku, pasensya na. Medyo naging busy lang sa ibang alalahanin. At pasensya na rin kung hindi kita naimbita sa latest opening party ng resort ni Aled." Paumanhin nya. Mas gusto nya kasi na tipong okay na ang lahat at tipong magbabakasyon sila kasama ito, hindi panadalian lang."Okay lang, ano ka ba. Hectic rin ang sched ko, may part time job na ako. Pinag iipunan ko yung trip na trip ko'ng scooter. Kapag nakapagbigay na ako ng down payement, pwede ko na magamit. Medyo hassle na kasi yung kotse ko, ayaw ko naman humingi na kila Daddy.""Ganun ba? Wow. Buti ka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status