Tatlong lingo na lamang at ika dalawampung kaarawan na ni Aled. Huling meeting na rin para sa details nang madaliang kasal nila Sandy at Aled. Sina Lyn at Loreta ang nagplano at excited na ang mga ito.
Iniabot nang dalawang ina sa mga anak nila ang isang katerbang wedding magazine upang mamili ang mga ito nang gown na isusuot ni Sandy.
Tila bored na bumuntong hininga lang si Aled, nakatingin sa malayo. Si Sandy naman ay naexcite bigla nang makita ang mga design nang gowns. Ayaw nya sa mga ito pero aminado sya na nagandahan sya sa mga design na nasa magazines.
“Nakapili ka na ba anak?” Tanong ni Loreta kay Sandy.
“Hindi ako makapili ma. Ang daming maganda.” Sabi nya.
Natawa si Lyn sa sinabi ni Sandy. “Alam mo hija, ganyang ganyan din ako noong ikakasal pa lang kami ni Renato. Sa ganda nang designs nang mga wedding gowns ay hindi ako makapili.”
Sa huli ay pinili nya ang isang off shoulder na gown na may mga lace. May kahabaan ang buntot nito at sa tingin nya ay babagay ito sa kanya.
Bigla syang nagulat sa sarili nya. Bakit parang excited sya sa kasalan na magaganap? Hindi ba at dapat nalulungkot sya dahil bukod sa mag-aasawa na sya agad ay sa kinaiinisan nyang tao pa sya ikakasal?
Alas dose nang gabi na sila umuwi noon ni Aled at medyo nahilo sya sa ininom na vodka. Naparami ang inom nya sa inis sa lalaki. Nang makabalik na sya ay sinermonan sya nito. Kesyo kung saan saan daw sya pumunta at baka mawala daw sya, hindi daw ito mag-aaksaya nang panahon para hanapin sya.
Wala man lang talaga itong pagka gentleman sa dugo nito. It came to her mind na kung may pagkakataon na maari syang mamili nang papakasalan ay siguradong hindi ito ang pipiliin nya. Madaldal sya kaya ang gusto nya ay makwento rin, hindi tulad nang lalaki na ginto ata ang laway.
Gusto nya rin nang lalaking palaging nakangiti at masayahin, pampaswerte raw kasi iyon. Pero malayong malayo ang mga iyon sa characteristics nang lalaking papakasalan at pakikisamahan nya nang ilang taon.
Matapos mamili nang gown ay dumiretso sya sa kusina at doon tumambay. Naabutan sya doon ni Lisa, ang pinaka batang kasambahay nang mga Santillan. Matanda lang ito sa kanya nang isang taon at masayahin ito kaya kausndo nya ito.
“Senyorita, bakit nandito kayo?” Tanong nito.
“Hay ano ka ba. Tayo lang ang nandito.” Saway nya.
“Okay Sandy.” She giggled. “Nakapili ka na ba nang design nang gown?” Tanong nito. May inayos ito sa ref.
“Oo.” Sagot nya. “Halika nga, kwentuhan muna tayo kung wala ka nang gagawin.” Aya nya rito. Tinuro nya ang upuan na malapit sa kanya.
Halos lahat nang kasambahay sa mansion ay close nya na, lalo na ang mga bata pa. Early twenties ang edad nang karamihan sa mga nagtatrabaho sa mansion.
Umupo ito sa tabi nya. “Bakit malungkot ka?”
“Wala lang, naiinis ako kay Alejandro.” Sabi nya na naka nguso.
Napahagikhik si Lisa. “Mukha ngang naiinis ka. Binuo mo ba naman ang pangalan ni senyorito.”
“Sya rin naman no. Tinawag nya akong Cassandra.” Nakanguso na sabi nya.
“Ay Cassandra ba ang totoong pangalan mo?” Tila nagulat si Lisa.
Tumango sya. “Oo, palayaw ko lang ang Sandy. Bakit?”
“Nakakatuwa naman. Ang alam ko, yun din ang pangalan nang isa sa mga paboritong kabayo ni senyorito Aled. Yung isa naman, si Cassiopeia.”
“Talaga? Aba. Talagang kapangalan ko pa pala ang kabayo nya.” Natatawang sabi nya. “Ano pa ba ang mga hilig nya?” She find herself interested in Aled’s lifestyle.
Lumingon lingon si Lisa kung may tao. “Huwag kang maingay Sandy ha. Ang alam ko, mahilig sa karera nang sasakyan si senyorito.”
Nagtaka sya. “Ha? Sigurado ka ba? Eh mukhang walang social life ang lalaking iyon eh.” Hindi sya makasang-ayon sa sinabi na iyon ni Lisa.
“Hindi, tuwing gabi madalas umalis si senyorito. Hindi mo pa kasi nakikita sa garage ang mga kotse at motorbikes nyan. Puro sports car, ang gaganda pa nang pintura.” Sabi pa nito.
Namilog ang mga mata nya. “T-talaga? Maluho pala yang lalaki na yan.” Komento nya.
“Hindi naman. Hindi sya masyado maarte sa katawan, may pagka misteryoso nga lang. Tsaka ano, madali magalit. Parang babae na may dalaw.” Sabi ni Lisa.
Sabay silang natawa. “Hay nako. Sinabi mo pa. Kaya nga nakakinis yun eh. Alam mo ba, hindi ko pa pala sayo naikwento na may nakaaway ako sa school dahil sa kanya. Actually yung babae yung nang-away.”
“Bakit naman?”
“May gusto ata yun kay Aled eh. Bigla akong sinabunutan, edi lumaban ako. Tapos nung naawat kami nang bodyguards ni Alejandro, ako pa ang pinagalitan nya. Nakakinis. Hindi ako makaget-over.” Malungkot na sabi nya.
“Ay ganon? Madami ngang babae ang dati nagpapadala nang kung anu-ano kay senyorito. Mga sulat, cakes, candy at regalo pero pinapatapon nya lang. Sayang nga eh.”
“Hindi nya man lang maapreciate yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Pasalamat nga sya eh.”
Tumango si Lisa. “Oo nga. Hindi ko rin talaga maintindihan si sir. Sabi ni manang mameng,” Tukoy nito sa mayordoma nang mansion. “Kaya raw naging ganyan ang ugali ni senyorito kasi palaging wala noong bata pa sya sila senyora Lyn at senyor Renato. Wala pa syang kapatid dito. Wala syang masyado maka-usap.”
“Tapos kapag umuuwi galling ibang bansa sila senyora, puro pasalubong lang ang mga dala nila tapos hindi magtatagal, aalis na naman. Ngayon lang ulit natipon dito sa mansion ang mag-asawa, mula nang mamatay si senyor Rafael.”
“Kawawa naman pala si Alejandro. Now I know. Pero hindi pa rin mawawala ang inis ko sa kanya. Malaki na sya, dapat alam nyang nakakaasar ang mga ginagawa nya minsan. Tapos ang dami pang nagkakagusto sa kanya.”
Natawa si Lisa. “Para kang desperadang girlfriend.”
“Ha? Hindi no. Ang ibig kong sabihin, nagkakaroon ako nang kaaway dahil sa kanya.” Sabi nya pa.
Natawa na lang si Lisa kay Sandy.
“What? Na expelled sya?” Gulat na tanong ni Sandy kay Judy.
Tumango ang babae. “Yup, and I heared na ang mama daw mismo ni Aled ang nagpa expelled kay Maricar last week.” Sabi nito. Ang Maricar na tinutukoy nito ay ang babaeng nanugod at nang-away sa kanya.
Kahit na ganoon ito ay naawa sya rito. Naisip nya na may magulang rin ito na umaasa rito kaya doon ito pinag-aral nang mga magulang nito.
“Manong, huwag mo na po akong idaan sa bahay, sasama ho ako sa mansion, may sasabihin ako kay tita Lyn.” Sabi ni Sandy sa driver nang makasakay na sila ni Aled.
Nilingon sya ni Aled, hindi nya ito pinansin. Alam nyang nagtataka ito pero wala syang balak sabihin dito iyon.
“Ganoon po ba ma’am. Sige ho.” Sabi nang driver.
Kagaya nang dati ay tuloy-tuloy lang na bumaba si Aled.
“Senyorita! Nandito ka.” Tuwang tuwang sabi naman ni Aileen, isa sa mga kasambahay. Kasama nito si Lisa na nagdidilig sa mga halaman sa garden.
Nginitian nya ang mga ito. “May sasabihin sana ako kay tita Lyn. Nandyan ba sya?”
“Nako, umalis si senyora at senyor. Pero mamayang bago maghapunan ay darating sila. Hintayin mo na lang.” sagot ni Lisa.
Tinulungan nya ang mga ito na magdilig nang halaman habang nagkekwentuhan matapos nyang itext ang mama nya na naroon sya sa mansion.
“Hindi ka katulong dito para magdilig ka nang halaman.” Ang malamig na boses na iyon ni Aled ang nagpatigil sa pagtatawanan nila Sandy, Lisa at Aileen.
Unit-unting humarap ang tatlo rito. Seryoso as always ang mukha nito.
“Kayong dalawa, kung kailangan nyo nang tulong, wala na ba kayong pwedeng tawagin? Ang dami dami nyo ah.” Baling naman ni Aled sa dalawang katulong.
Nanginginig sa takot ang mga ito.
“Ano bang problema mo? Ako ang nagkusa na tulungan sila, huwag mo silang pagalitan at sisihin!” Pagtatanggol ni Sandy sa mga ito.
“Pumasok na nga kayo sa loob.” Imbes ay utos ni Aled sa dalawang babae. Pagkasabi noon ay tumalikod na ito at naglakad papasok.
Hinabol nya ito. “Ano ka ba? Ano bang problema mo?” Tanong nya rito. Tinulak nya ito sa balikat nito. Hindi nya na ma-take ang ugali nito.
“None of your business.” Sagot nito at muling naglakad.
Muli naman nya itong hinabol at hinarang. “None of my business? Eh bakit mo pinagalitan yung dalawa? Alam mo, kung ayaw mo na nandito ako sa inyo, you can just say so hindi yung dinadamay mo pa sila. Ano bang ugali meron ka?” Hindi nya na mapigilan ang galit para dito.
“Edi umuwi ka.” Sabi nito bago tuloy-tuloy na lumakad papasok.
Hindi na nakagalaw si Sandy matapos marinig ang sinabi nito. Pakiramdam nya ay lumubog sya sa lupa. Hindi nya maintindihan pero nasaktan sya nang sobra sa sinabi nitong iyon. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata nya. Mababaw lang sya at sa tingin nya ay masakit iyon.
Hindi nya na napigilan ang mapaiyak habang naglalakad sya upang kunin ang kanyang bag. Palabas na sya nang makasalubong nya ang mag-asawa. Nagulat ang mga ito nang makitang umiiyak sya.
“Sandy? My God bakit ka umiiyak? What happened?” Gulat na sabi ni Lyn dito.
Agad na pinunasan ni Sandy ang luha nya. “Ah, tita wala ho ito. May naalala lang ako. May gusto ho sana akong sabihin sa inyo.” Pag-iiba nya nang usapan.
“Okay. Let’s get inside first.” Sabi nito. Naupo sila sa living room nang mansion. “What is it Sandy?”
“Ah tita, pina expelled nyo raw ho si Maricar? Y-yung babaeng-“
“Yes I did. After what happened to you? My God. Ang sabi sa akin nang mga bodyguard ni Aled ay kung hindi pa raw kayo napigil ay baka mas nasaktan ka. Napatunayan ko rin naman na sya ang nanugod sayo.” Sabi nito.
“I know tita. Kaya lang, kawawa naman ho sya. I mean, I’m sure pinag-aral sya nang mga magulang nya sa St.Bernard for her future. Baka wala na hong eskwelahan ang tumanggap sa kanya.”
“Are you sure hija? Paano kapag inulit nya pa sayo ang ginawa nya?”
“I’m sure hindi na po tita. Maybe she learned her lessons.” Sagot nya.
Tumango-tango si Lyn. “After what she did to you? I can’t believe you are asking me para ibalik sya sa St.Bernard.”
Sa huli ay pumayag din ito. Bukas na bukas din daw ay ipapatawag nito ang parents ni Maricar. Matapos nilang mag usap ay ipinahatid na sya nito sa driver.
Hindi mawala sa isip ni Sandy ang ginawa ni Aled sa kanya. Para lang syang b****a. Sa bagay, papakasalan lang naman sya nito para sa mana nito, na makikinabang rin naman sya. Pero hindi nya gusto ang ginagawa nito.
Tama ang sinabi ni Lisa, para itong babaeng may buwanang dalaw. Sana hindi na lang ito ang nakatakda nyang mapangasawa, o sana hindi ganoon ang ugali nito. Walang gentleness sa galaw nito, at walang appreciation.
Nang makauwi sya ay agad syang natulog. Hindi nya alam kung ano ang plano nya kinabukasan pero ayaw nya na sanang sumabay rito pagpasok at pag-uwi. Nagulo ang tahimik na buhay nya sa university tapos ay papakasalan nya pa ang lalaking iyon.
Kung alam nya lang na ganoon ang ugali nito edi sana ay mas napag-isipan nya pa kung papayag sya. Mas malaki ang mawawala rito kung sakaling umatras sya sa kasunduan. Hindi man lang ito magpakita nang kabutihan sa kanya.
Palagi sya nitong pinapagalitan o sinisisi na parang bata. Para syang hindi babae kung tratuhin nito kaya lalo syang naiinis.
Nagpasabi si Sandy sa driver ni Aled na hindi sya sasabay pauwi sa mga ito. Nagdahilan na lamang sya na may group project silang gagawin kaya kailangan nya nang umalis nang maaga.
Bagamat tutol ang driver dahil mahigpit na bilin ni Donya Lyn na hindi sila pwedeng umuwi nang hindi kasama si Sandy ay hindi na sya napigilan nang mga ito.
Kaagad syang umalis. Pagkalabas nya nang gate ay tumawid sya at bumili nang paboritong shake sa isang restaurant na nasa tapat lang nang St.Bernard.
Matagal na rin nang huli syang makainum noon dahil nga hatid sundo na sya nang kotse ni Aled. Dahan dahan syang naglakad patungo sa sakayan nang jeep. Bagamat may kalayuan din ang terminal ay ayos lang sa kanya.
Mangilan ngilang estudyante lang ang dumadaan sa lugar na iyon dahil karamihan ay sa main road dumadaan dahil de kotse ang mga ito. Papalapit na sya sa sakayan nang mga tatlong lalaki ang biglan sumulpot sa harap nya at pinalibutan sya.
“S-sino kayo?” Sa takot nya ay nalaglag mula sa kamay nya ang iniinum na shake.
Doon biglang nagpakita si Maricar, at ang dalawang babaeng kasama rin nito noong sugurin sya nito sa canteen. May mga hawak itong baseball bat. Nanginig sa takot si Sandy. Bagamat matapang sya ay napakarami nang mga ito at baka mamatay sya kung sakali.
“Hello, Sandy. Remember me?” Maricar grinned. Linaro nito ang baseball bat sa kamay nito.
Napalunok sya. “M-maricar..” Bulong nya.
Lumapit ito sa kanya. “So, alam mo na pala ang pangalan ko. I bet alam mo na rin na expelled na ako dahil sayo.” Biglang naging matapang ang mukha nito.
“H-hindi ko kasalanan..” Sabi nya. Unti unti syang naglalakad paatras hanggang mapatigil sya nang maramdaman nya ang school wall sa likod nya.
“Don’t be silly. Of course you did.” She mocked. “And it’s paytime, Sandy.” Umatras nang kaunti si Maricar at inambahan na nang baseball bat si Sandy.
Napapikit si Sandy. Isinalag nya ang kanyang mga braso sa kanyang mukha.
“Stop it!” Isang kamay ang humawak sa baseball bat na nakahanda nang tumama kay Sandy.
Agad na dumilat si Sandy. Nanlaki ang mga mata nya nang makit kung sino ito. Si Prince!
“P-prince?” koro nang tatlong lalake at tatlong babae nang makilala ang lalaki.
“Ano ba ang atraso nya sa inyo?” Mariin na tanong nang lalaki.
“Sya ang dahilan kung bakit na expelled ako. Dapat sa kanya ang gantihan!” Puno nang determinasyon na sabi ni Maricar bago muling iniamba ang hawak na baseball bat.
Muli ay sinalag ito ni Prince at nagawang itapon sa malayo. Sumugod na rin ang tatlong lalaki ngunit tila isang action star na nakaya iyon ni Prince. Alam nang mga tao na black belter ang celebrity na iyon. Agad na tumakbo ang mga ito.
Agad na nilapitan nang lalaki ang takot na takot na si Sandy at inalo ito.
“It’s alright now. Wala na sila.” Nakangiting sabi nito.
“S-salamat ha. Pasensya na rin.” Sabi nya at yumuko rito.
“No, ayos lang iyon. Kahit naman siguro sino ay ganoon ang gagawin kung makita ang pangyayari.” Inilabas nito ang panyo nito at pinunasan ang mukha nya.
“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ni Sandy.
“Pinuntahan ko ang auntie ko, professor sya dito. Doon ko kasi iginarahe ang sasakyan ko.” Turo nito sa isang nakaparadang sasakyan di kalayuan.
Nilingon ito ni Sandy at tumango. “M-maraming salamat ulit.”
Tumawa si Prince then smiled. He wore a bright smile, tipong kahit umuulan, kapag ngumiti ito ay tila may araw. Ngumiti rin si Sandy.
“So, pauwi ka na ba?
Tumango si Sandy. “Oo sana. Malapit na lang naman ang terminal nang jeep.”
“If you don’t mind, pwede kitang ihatid sa inyo? Wala naman akong gagawin.”
Bago makasagot si Sandy ay nagring ang cellphone sa bag nya. Si Aled!
“H-hello..”
“Where the hell are you? Bakit ka umalis mag-isa?” Tila naiimagine na ni Sandy ang itsura nito na nanggagalaiti sa galit.
“M-may group project kami ngayon. I can’t go home with you.” Dahilan nya rito. Ayaw nya sanang magsinungaling pero iyon na ang naidahilan nya sa driver nito.
“Fine.” Malakas na sagot nito bago ibaba putulin ang linya.Halatang gigil.
“P-pasensya ulit. Ano nga iyong sinasabi mo?” Tinago nyang muli ang cellphone sa bag.
“Sabi ko, if it’s okay, ihahatid na kita sa inyo. Wala naman akong ibang gagawin.” Tila nahihiyang inulit ni Prince.
“Ah.. ganon ba. Eh hindi ba nakakahiya sayo?” Tila nahihiyang sabi rin ni Sandy.
“Ano ka ba. I’m the one who offered, right? Baka hindi nga lang kita maihatid sa mismong pintuan nyo, hindi ako naka disguise ngayon. You know..” Sabi nito na agad naman naintindihan ni Sandy.
“Mas mabuti nga. Baka pagkaguluhan ka pa sa lugar namin. Madami pa naming may gusto sayo doon.” Natatawang sabi nya.
Nagsimula na silang maglakad nang may mapansin na pamilyar na kotse. Tumigil ito sa gilid nila. At tama ang hinala nya. Mula roon ay lumabas ang isang guard ni Aled at pinagbuksan ito nang pinto.
She dropped her jaw after he saw Aled. Bakas sa mukha nito na hindi ito natutuwa. Nakalimutan nya na doon din ang daan nang sasakyan ni Aled. Lumapit ito sa kanilang dalawa.
“So, group project huh. Nice group project.” Sarkastikong sabi ni Aled. Palipat lipat ang tingin nito sa dalawa.
“Ah, wait, it’s not what you think-“ Agad na sabi ni Sandy ngunit agad na nagsalita si Aled.
“Ano ba ang dapat kong isipin? You told me you were gonna do a group project, dammit!” Ito ang unang beses na narinig ni Sandy na nagmura ang binata.
“Wait Aled, it’s not what you think it is.” Sabi naman ni Prince.
“You shut up, Prince. It’s between me and my fiancée.” Matigas na sabi ni Aled dito sa lalaki.
“No, Aled. You shut up!” Tumaas na rin ang boses nang lalaki.
Ikinagulat ni Sandy kung paano magsagutan at magtinginan ang mga ito. Palipat lipat ang tingin nya sa dalawang lalaki.
“Now what? Why would I listen to you, jerk?” Sarkastikong sabi ni Aled. Disgust is written all over his face. Tila may nais ito’ng sabihin na idinadaan na lamang sa disgust look nito.
“You have no choice. You will listen to this jerk, Aled. You got it all wrong!” Prince is still trying to stress the point.
“Oh just shut up! Just stay away from my fiancée!”
Tiningnan ni Prince si Sandy na litong lito na sa nangyayari. Halata sa mukha nito na naguguluhan ito.
“You call her your fiancée? Oh please! Where were you?” Sarkastikong sabi ni Prince.
“I’m telling you Prince, stay away from her.” Sabi ni Aled bago hinila si Sandy at pinasakay sa kotse nito. Naiwan si Prince na gulat rin sa pangyayari
“Ano ba ang problema mo? Why don’t you listen to me first?” Galit na rin si Sandy sa lalaki. Kinuyom nya ang mga palad.
Diretso lang ang tingin ni Aled, not saying anything. Nakakuyom rin ang mga kamay nito, parang galit na galit at hindi maintindihan ni Sandy kung bakit ito ganoon. Bagamat galit din sya ay minabuti nya na lang na huwag magsalita. Baka kung ano ang masabi nya at lumala ang sitwasyon. Hindi nya na lamang kakausapin ang lalaki.
Mystery girl, torn between Clandestine Corporation’s heir and the said Corporation’s own talent, endorser and model, Prince Montreal.
Iyon ang bumungad kay Sandy pagkagising na pagkagising nya. It is written in bold red letters, at iyon ang pinaka headline sa isang society page nang isang pahayagan. May ilang kuha pa sila noong hapon na nagkaharap harap silang tatlo.
Agad na ipinakita sa kanya nang mama nya ang naturang article. Naka-upo silang lahat sa hapag-kainan. They were supposed to eat breakfast.
“My God, Cassandra. Bakit kausap mo dyan si Prince Montreal? Matagal mo na ba syang kilala?” Hindi makapaniwalang tanong ni Loreta. “May picture pa kayo. Nako naman anak.” Tila problemado na sabi pa nito.
Sila Chloe at Carina naman ay namimilog na ang mga mata kakatingin sa picture na nasa pahayagan. Alam ni Sandy na crush na crush nang kapatid na si Carina si Prince, kaya nya ito agad namukhaan sa party. Puno nang posters nito ang dingding malapit kay Carina sa kwarto nila.
“Eh mama, aksidente lang yan.” Ang tanging nasabi nya. Parang may pumipigil sa kanya para ipaliwanag ang nangyari. Malalaman nang mama nya na nagdahilan sya upang hindi makasabay pauwi.
“Paanong aksidente? May nakakuha nang picture nyo na iyan. Nako talaga. Mabuti at wala kang pasok ngayon. Kailangan mong magpaliwang sa kanila sa mansion.”
Kahit si Sandy ay hindi rin inakala na may ganoong mangyayari. May paparazzi na sumusunod kay Prince, na hindi nya na dapat ipagtaka dahil talaga namang sikat ito sa Pilipinas.
Noon lang din naalala ni Sandy na endorser nga pala si Prince nang Clandestine. Nadawit pa ang pangalan ni Aled na mismong magmamana nang Calndestine! Nanghina sya sa mga naisip. Mukha yatang talagang kailangan nyang magpaliwanag sa mama ni Aled. Sana lang ay hayaan muna sya nitong makapagpaliwanag. Ayaw nya rin na magalit ito sa kanya.
Anong gulo ba ang nangyari?
“I don’t care.” Matigas na sagot ni Aled. Kasalukuyan silang nasa library. Iniwan sila roon ni Loreta at ni Lyn para mag-usap.
Nagtalo kasi sila sa harap nang mga ina nila habang nagpapaliwanag ang dalaga. Ipinagpipilitan naman ni Aled na hindi nya kasalanan ang pangyayari.
Nagkasagutan sila at ipinasya nang dalawang ina na hayaang mag-usap ang dalawa.
“Oh please. Don’t give me that crap, Alejandro. You keep on insisting na kami ni Prince ang may kasalanan at nakuhaan tayo nang mga picture!”
“Bakit, hindi ba? Sino ba ang artista na sinusundan nang mga paparazzi? Ako ba? Is it me?!” Itinuro nito ang sarili at tumaas muli ang boses nito.
“My God Alejandro! Your’e impossible! I told you, Iniligtas lang ako ni Prince kay Maricar, and I’m thankful he was there! Hindi namin alam na may paparazzi na kumukuha nang mga litrato that time dahil accidentally lang ang pagkikita namin.”
“Of course! Ano ba ang alam mo? Your’e so naïve! And now, what will happened? We are all over the papers! Hindi pa man tayo kasal ay nakikipagtagpo ka na sa ibang lalaki. You can back out anytime if you really like him, just don’t drag my name into papers, specially kung negative write-up’s!”
“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ako nakikipagtagpo kung kanino! I told you many times na aksidente lang ang pagkikita naming dalawa ni Prince!” She insisted
“Oh. So that’s why you told me about group projects? Paano mo maipapaliwanag yon? At artista si Prince, a big celebrity. What would he be doing there?”
Sandy was caught off-guard. Bigla syang naumid. Ang totoo naman kasi ay ayaw nya lang ito makasabay kaya nagdahilan sya. Lalong hindi nya alam na inaabangan sya ni Maricar at lalong lalong hindi nya alam na naroon si Prince.
“Speak.” Utos ni Aled.
Huminga muna sya nang malalim. “Okay I admit I lied. Pero sinabi ko lang iyon dahil ayaw kitang makasabay umuwi. Naiinis ako sayo noon, hanggang ngayon. At hindi ko talaga alam na magkikita kami ni Prince. I told you, I was about to get beaten!” Amin nya. “Prince parked his car near the area, that’s why he is there.”
Si Aled naman ang naumid sa pag-amin na sinabi ni Sandy. “So, you don’t want to be with me,huh.” Natatawa na parang galit na sabi nito.
Hindi sumagot si Sandy. Nahiya sya sa sinabi nya. Yumuko na lamang sya.
“That’s good anyway. I feel the same. Kung gusto mo, doon ka sa Prince mo magpahatid araw-araw.” He said then walk through the door. But before he opened it,
‘Why do I have this feeling na galit na galit ka kay Prince?” mahinang sabi ni Sandy.
“Because I really am.” Sagot nito bago sya tuluyang iwanan.
“I know. Matagal na kaming magkakilala ni Aled.” Sabi ni Prince. Lumamlam ang mga mata nito na kanina lang ay puno nang sigla.“Talaga?” Sandy asked.Tumango si Prince.Kasalukuyan silang nakila Sandy. Nagpasabi ito na pupunta upang ito mismo ang magpaliwanag sa mama nya kung ano ang nangyari. Naintindihan naman ng mama nya. Sa katunayan, sa paliwanag nya pa lang ay ayos na sa mama nya pero natuwa rin ito ng mismong ang artista pa ang nagpaliwanag rito ng nangyari.At ngayon ay bigla na lamang nilang napag-usapan si Aled. Nasa terrace sila at nagmemerienda. Nangungulit pa nga ang kapatid nya dahil talagang crush na crush nito si Prince.“Yes, as a matter of fact, we’ve known each other way back in elementary, but we parted ways bago ako maging talent nang Clandestine.” Uminom ito nang juice sa basong hawak.&ldq
Kapwa sila napatigil. Napa-awang ang mga labi ni Sandy. Hindi sya makapagsalita. Tila iniisip nya pa kung totoong si Aled ang nasa harap nila. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Masama ang tingin na ipinupukol ni Aled kay Prince.Ilang sandali lang ay tumalikod na si Aled at akmang maglalakad pabalik sa kotse nito ngunit hinabol ito ni Prince, sumunod na rin si Sandy.“Aled, wait.” Nahawakan ni prince ang kamay nang lalaki bago ito makasakay sa kotse nito.Tinabig iyon ni Aled at humarap kay Prince.“Now what?” Singhal nito.“I-I was..” Hindi matuloy ni Prince ang sasabihin.“A-alejandro..” Sabi ni Sandy. Hindi nya rin alam ang sasabihin nya. Alam nyang iba ang iniisip nito dahil nakita nito si Prince sa bahay nila.Tiningnan rin nang masama ni Aled si Sandy. “Speak.”
Nanlaki rin ang mga mata nang dalawa nang mapagtanto ang posisyon nila at ang pagpasok ni Donya Lyn. Agad na itinulak ni Sandy si Aled at sabay silang mabilis na tumayo.“No, tita. You got it wrong. N-nadulas ho kasi ako.” Agad na paliwanag nya. Bakas sa mukha nya ang pagkapahiya.Si Aled naman ay hindi nagsasalita. Naupo lang ito sa kama at tila walang pakealam sa iniisp nang ina.Tiningnan nang Donya si Aled.“Hindi ka ba marunong kumatok?” Walang emosyon na tanong nang lalaki sa ina.“Ah.. S-sorry. H-hindi kasi naka lock..” Paliwanag naman nang Donya. “Anyway, it’s alright. Ikakasal na naman na kayo in five days. I got to go.” Sabi nang Donya at mabilis na lumabas.Nakanganga naman na naiwan si Sandy. Nagulat sya sa pag-uusap nang dalawa. Tila hindi mag-ina ang mga ito. Tila ang Donya pa ang humihingi n
Unang araw na nilang mag asawa. Natural na sa mansion na rin nakatira si Sandy. Ang kanyang silid ay katabi nang silid nang lalaki at napaka ganda niyon. Tila sya prinsesa kapag naroon sya. Kakagising nya pa lamang at agad nyang pinagsawa ang mata sa buong silid. Binigyan rin sya nang sariling credit card nang mama ni Aled na mama nya na rin. Nais nya sanang tumanggi ngunit magtatampo raw ito kapag hindi nya ito tinanggap. Para raw sa panggastos nya iyon. Napangiwi lang sya nang makita ang closet nya. Puro iyon girly dresses at karamihan ay palda pa. Inayos nya kinabukasan ang mga gamit nya sa closet na iyon at paulit ulit na inilibot ang mata sa kanyang silid. Gabi na kasi nang unang beses na pumasok sya roon at pagod na pagod pa sya pagkatapos nang kasal nila ni Aled kaya bulagta sya. Ngayon nya lang napapagsawa ang mga mata sa magandang ayos nang kwarto nya. Bagamat alam nyang da
Aled look so dashing in his attire. Naka rugged pants ito. Black maong na hindi maluwag at hindi rin masikip ang pants na suot nito. Tinernuhan nito iyon nang checkered polo na black and white at itim na skate shoes. Ang buhok nito ay nakataas. “Wow, ang pogi mo naman ngayon.” Puri nya rito. Natutuwa sya na hindi nya na kailangang mag effort nang sobra para makausap lang ito nang kaswal. Ngayon ay okay na ang mood nito palagi. “You look pretty yourself. Your attire suits mine.” Matipid itong ngumiti. Pareho silang naka black and white. Napangiti si Sandy.Pinagbuksan sya nito nang pinto. Sa isang lingo na pagtira nya sa mansion ay nalaman nya na madami nga itong kotse. Tatlo ang racing cars nito, dalawang motor bikes at isang pang personal na lakad, ang gamit nila nang oras na iyon. Noong una ay nalula sya pero kung tutuusin ay kaya
“Are you sick?” Sa tanong na iyon ni Aled muling bumalik ang pag-iisip ni Sandy sa kasalukuyan. Tiningnan nya ang lalaki. Bakas sa gwapong mukha nito ang pag-aalala. Kasalukuyan silang lulan nang kotse nang umagang iyon. Papasok pa lamang sila sa eskwelahan. Umiling sya. “No, I am not.” Matipid syang ngumiti. “Why are you like that?” Pagtataka naman ang nasa mukha nito. “Like what?” “Like..that. Cold all of a sudden.” Mahinang sabi nito. Linakihan nya ang ngiti. “No, may iniisip lang ako. Okay lang ako, ano ka ba.” Pinalo nya pa ito sa hita nito. Nagkibit balikat na lamang ang lalaki at hindi namuling nagtanong. Mula nang malaman ni Sandy
Ika-apat na gabi nang pagsunod nila Sandy, Lisa at Aileen kay Aled. Sa mga nakaraang pagsunod nila ay umuuwi na sila kapag alam nilang matatapos na ang event. This time ay nagpasya si Sandy na lalapit na sya sa asawa, come what may. Kasehodang magsuot rin sya nang mga tipo nang damit na suot nang mga babaeng naroon. Nagsuot sya nang pulang dress na hanggang kalahati lang nang hita nya ang haba. Pinatungan nya iyon nang itim na bolero. Tinernuhan nya iyon nang itim na boots. Tinulungan din syang mag make up nila Lisa at Aileen. Itinaas ang kanyang buhok at nag iwan nang ilang hibla na nakalaylay sa bandang pisngi nya. Hindi makapal ang pagkaka make up sa kanya kaya mas bumagay sa kanya ang kanyang outfit. Bagamat natuwa sya sa kinalabasan ay hindi sya kumportable sa damit na suot nya. Ang dalawa ang pumili nang suot nya, ito rin ang nag make-up sa kanya.&n
Aled won that night. They went home right away at alam ni Sandy na kung hindi man ito galit ay hindi ito natuwa sa ginawa nyang biglang pagsulpot sa lugar na iyon. Wala silang imikan sa kotse. Ipinasya ni Sandy na ipikit na lamang ang mga mata upang makapag relax at isinandal ang likod sa upuan. Ayaw nyang sya ang unang magsalita between them. Hanggang sa marating na nila ang mansion ay hindi pa rin ito nagsasalita. Natatakot na talaga si Sandy. Baka mas malala ang magiging pag-aaway nila nito. Hinila sya nito at hinawakan ang kamay nya nang mahigpit. Sabay silang umakyat at pumasok rin ito sa kwarto nya. Pinaupo sya nito sa kama nya bago ito nagsalita. “I’m sorry kung hindi ko nabanggit sa’yo ang pagkakarera ko. You see, hindi kasi talaga ako sanay nang nagpapa alam eh. I’m independent.” Pagpapaliwanag nito. Tumango si
1 year later ---------------------------------------->>"Ate! Aren't you coming with us?"Nilingon ni Sandy ang kapatid na si Carina. Nasa likod nito ang mama nila at ang bunso nilang si Chloe. The three of them were wearing fuschia dresses.Ngumiti si Sandy at tumango. "Susunod na lang kami." Itinuro nya ang kotse nya. Kasalukuyan pa ito'ng nililinis.Nagkibit balikat si Carina. "Okay. See ya!" Kumaway na lang din ang mama nila at si Chloe.Inilibot nya ang paningin sa paligid. Pakiramdam nya ay maaliwalas ang umaga na iyon, tila kumakanta ang mga ibon. Bagong gupit ang mga halaman sa malawak na garden ng mga Santillan.Nang tumama ang mga mata nya sa pintuan ay napangiti sya ng makita ang asawa. He was wearing a tuxedo and he looks very dashing with it.Kaagad nya ito'ng nilapitan at hinalikan ng mabilis sa lab
Namumugto ang mga mata ni Sandy habang nasa kotse. Hindi nya na alam kung ilang oras na syang umiiyak.Bangungot lang ba ang lahat ng mga nangyrai?Sana nga.Gagawin nya ang lahat upang maibalik ang panahon. Yung normal lang ang buhay nila. Walang nasasaktan, walang nagtatangka sa kanya, walang mga bayolenteng pangyayari ang nagaganap at walang namamatay?Malayong malayo ang lahat sa gusto nyang mangyari sa buhay nyaBeach wedding na pamilya at mga kaibigan lang nila ng groom nya ang invited. Titira sila sa isa'ng bahay na may 3 bedrooms at may music room at maliit na library, kahit sa isang sulok na lang yung library. Tapos may maliit na garden. Doon sya magtatahi o mag-gagantsilyo ng mga bonnet para sa mga anak nila. Tapos, hindi man sila marangya, masaya naman sila.Eh ano ang nangyari?Parang naging daan pa sya para may makitil na mga
Kanina pa naka balik sa loob ang kung sino man na spy na iyon pero hindi pa rin maka galaw si Ysabelle. How the hell did this happened? Paano kung nag inarte sya at hindi pa sya bumalik? Baka mapatay na si Aled ng kung sino man iyon.She composed her self then decided to go to Aled's office.Madami syang agents na naka salubong and he really can't know. Hindi nya close ang karamihan dito o ang timbre ng boses ng mga ito. After all, intel and specialty nya at iyon ang importante sa kanya. Sila Wilson from security and tech department lang ang madalas na nakaka sama nya. May iilang din na top agents na mostly assassins ang ibang ka close nya. I don't think na isa sa mga ito ang spy. Sana ay matagal na nitong ginawan ng masama si Aled.At isa pa. Hindi birong pera ang nakukuha ng mga ito every accomplished mission. They all have fat bank accounts because of Aled's capabilities. Their clients are a who's who not only in the
Nagising si Prince sa amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina ng pad nya.Bagamat inaantok pa ay pinilit nya ng dumilat at bumangon. He looked at the alarm clock on his bed side table and saw that it's already past 4pm. Napa haba ang tulog nya, pero hindi pa sya nakaka bawi sa ilang araw na pagpupuyat dahil sa pagbabantay kay Dychie.Which reminds him.. Saan kaya ito inuwi ng Daddy nito?Natigil ang pag iisip nya ng marinig nyang nag hum ng isang kanta si Ysabell. Nag e-echo ang pag ha hum nito sa buong pad. Kaunti lang kasi ang gamit nya at malawak ang bawat space.Sinipat nya ang mukha sa salamain, nag hilamos sa sink ng kanyang bathroom at pumunta na sa kusina. Naabutan nya na nag-aahon ng lumpia mula sa kawali ang babae.Lumingon ito ng maramdaman na papalapit sya."Oh, gising ka na pala. I hope you don't mind. Namili na ako kanina para sa memeriendahin na
Quarter to 3am na ng maisipan ni Sandy na tumayo na at umuwi."I really think na kailangan mo na talagang umuwi." Sabi ni Prince."Yeah, pumunta lang talaga ako para i-check si Dychie. Good thing nagising na sya, and nice having this one on one talk with you, again." Malawak ang ngiti nya. Noong mga panahon na balewala lang sya sa asawa nya ay ito ang palaging nasa tabi nya. Sino ba ang hindi makaka miss dito?Sinipat ng lalaki ang wristwatch nito. "Actually, pwede kitang maihatid. Sigurado naman ako na umaga na magigising si Dychie."Umiling sya. "No, it's fine. Dito ka na lang. May kasama naman ako'ng driver. Mas okay na pag gising nya, nandito ka. And get some sleep, grabe na ang yeybugs mo." Biro nya.Natawa ang lalaki. Yumuko ito at nagkamot ng ulo.He walked her through the exit.Alam mo yung feeling ng ang creepy ng paligid? Of cou
"S-sandy? Are you alone? Where's Aled?" Gulat na tanong ni Prince.Sandy was on the door, and instead of answering, dumiretso ito sa loob upang tingnan sa kama nito si Dychie na noon ay himbing na himbing na sa muling pagtulog."Totoo bang nagising na sya? Ano, is she okay?" Tanong nito."Y-yes, but teka nga. Asaan si Aled? Bakit mag isa ka lang?""W-well. Apparently, busy sya." Ang tanging sagot nito. Dumiretso ito sa sofa at naupo. "I can stay here naman, diba?Tumabi sya sa babae. "Teka nga, don't tell me, nag away na naman kayo or had some kind of petty misunderstanding?" Kunot ang noo na tanong nya.Umiling ito. "Wala. Busy nga sya." Sagot nito.Yeah, as if maniniwala sya. Hindi ito madaldal ngayon at walang glow ang aura. Usually ay magkekwento ito. Kung may reklamo man ito tungkol kay Aled, tiyak na magkekwento pa rin ito.&
Masama ang timpla ni Sandy pagka gising kinabukasan. Hanggang sa makapasok na sa skwelahan ay nakasimangot sya. Bakit? Biglang umalis si Aled ng hindi nagsasabi sa kanya.Well, nagbilin naman kay Lisa ang lalaki. Hindi lang din talaga nito sinabi kung saan ang punta nito. Basta sabihin daw sa kanya na aalis sya, at susunduin na lang daw sya nito mamayang uwian. Ha! Manigas sya. Uuwi sya ng maaga para wala itong maabutan."You look bad." Nakangiting salubong sa kanya ni Judy. Masarap sana sapakin to'ng babaeng to. Pero natuto na sya ng makaaway nya yung dating warfreak na napa talsik sa university dahil sa muntikan na nitong pananakit sa kanya.Hindi nya ito pinansin. Dumiretso sya sa upuan nya at inilapag ang dalang libro at notebook sa lamesa na naka kabit sa upuan. Akalain mo nga naman at sumunod pa ang bruha."Hey.. me and our classmates talked about an outing. You know, parang open forum or somet
Alas onse ng gabi umalis sa hospital sila Sandy at Aled.Halos 'ipagtabuyan' na kasi sila ni Prince. May pasok pa daw sila kinabukasan, etcetera, etcetera.Nakikipag diskusyon pa sana sya rito ng bigla syang hilahin ni Aled at agad na umalis.Pasado alas dose sila nakarating sa mansion. Natural na tahimik. Tulog na ang mga katulong at malamang na nagbabasa pa ng pocketbook sila Aileen at Lisa.Akbay sya nito hanggang sa makaakyat na sila."Aren't you going to sleep in my room?" Tila inosente na tanong nito nang kumalas sya sa pagkaka akbay nito at akmang bubuksan na ang pinto ng kanyang kwarto."Ah, m-may tatapusin pa kasi ako'ng project. I know you're tired. Magpahinga ka na." She gave him a sweet smile."Oh, okay." Lumapit ito sa kanya at binigyan sya ng smack. "Ikaw ang gumising sa akin bukas hmm?"Tumango sya. Tsa
Monday.Kasalukuyang nasa classroom na si Sandy ng tawagin sya ng kaklase nya. Andun daw pala si Renz. Nangangamusta. Lumabas sya at nag usap sila sa hallway."Nami-miss ko na makipag chikahan sayo te! Jusko. Sa isang linggo, dalawang araw ka na lang yatang pumapasok. Kaloka." Agad na sabi ni Renz."Naku, pasensya na. Medyo naging busy lang sa ibang alalahanin. At pasensya na rin kung hindi kita naimbita sa latest opening party ng resort ni Aled." Paumanhin nya. Mas gusto nya kasi na tipong okay na ang lahat at tipong magbabakasyon sila kasama ito, hindi panadalian lang."Okay lang, ano ka ba. Hectic rin ang sched ko, may part time job na ako. Pinag iipunan ko yung trip na trip ko'ng scooter. Kapag nakapagbigay na ako ng down payement, pwede ko na magamit. Medyo hassle na kasi yung kotse ko, ayaw ko naman humingi na kila Daddy.""Ganun ba? Wow. Buti ka