Share

Kabanata 2.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2021-05-23 12:23:57

“Ok lang naman atleast siya ang pumirma sa amount ng cost.” Pinaalis na ako Mrs. Santos at bumalik naman ako sa office ni Sir. Pagdating ko dun hindi ko na siya naabutan baka pumunta na para sa lunch nila.

--

Mabilis na lumipas ang oras at bumalik din agad si Sir ng 12:30 sa office niya. Ginawa ko na lang ang mga pinapagawa niya sa akin pero natigil ito ng may kumatok sa pintuan niya. Mabilis kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan kung sino man yung kumakatok.

“Good afternoon po Sir, nandito na po pala yung record of the transactions this month.” Masiglang sambit nung babae. Lumapit siya sa table ni Sir at bumalik naman na ako sa upuan ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko ng magulat ako dahil sa hampas ni Sir sa lamesa niya.

“Sino may gawa nito?!” malamig niyang sigaw sa babaeng nagbigay sa kaniya ng mga records. Ang babaeng masiglang pumasok dito ay para ng kuhol na pinukpok dahil nakayuko na ito at pansin ko na ang panginginig ng katawan niya.

“A-ako po S-sir.” Nanginginig niyang sambit. Napaatras ang babae at napatayo na lang ako sa kinauupuan ko ng ihagis niya sa mukha ng babae ang mga papel.

“Nag-aaral ka ba? Paanong mas malaki pa ang cost kesa income? Ano yun? Lugi tayo?!!” kahit na ako na nakikinig lang ay napapikit na lang sa sigaw ni Sir Kyler. Pero hindi ko kayang makinig at manuod lang. Lumapit ako sa babae at hinarap si Sir.

“Kumalma ka Sir natatakot mo na siya.” Tiningnan ako ni Sir ng mga matatalim niyang tingin.

“And who do you think you are?! Para mangialam dito!” sigaw niya rin sa akin. Itinago ko sa likod ko ang babaeng umiiyak na ngayon dahil sa galit niya.

“Tao rin naman siya para magkamali. Walang perpektong tao at kahit na ikaw ay nagkakamali. Estudyante pa lang siya at naassign na mag-OJT sa kompanya mo! Imbis na turuan mo sa pagkakamali niya hindi at pinagalitan mo!” sigaw ko rin sa kaniya. Alam kong secretary lang ako at walang karapatang pagsalitaan siya pero estudyante pa lang yung tao at nag-OOJT. Kita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa mga sinabi ko.

“OJT? At sinong nagsabi sayo na nag-OOJT pa lang siya?!” humakbang ako ng isang beses patagilid para ipakita ang babaeng nakayuko sa likuran ko.

“Hindi mo ba nakikita ang napakalaki niyang ID at nakalagay na OJT?” hinawakan ko ang nakasabit niyang ID sa leeg niya at ipinakita kay Sir ang OJT na nakalagay dun.

“Bullshit! Sinong nag-utos sayo para pakialamanan ang records of transaction this month?!” kung kanina ay galit siya ngayon ay mas galit na galit na.

“Bring me that person kung sino nagbigay sayo ng task na yan!” mabilis na tumakbo ang babae palabas ng office ni Sir. Tumalikod si Sir at humarap sa bintana niya ng nakapamulsa. Mabilis ko namang pinulot isa isa ang mga papel na nagkalat sa floor. Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan ni Sir at binuksan ko ito.

“Sir p-pinapatawag nyo daw p-po ak-ko?” tanong ng isang ginang na nanginginig na rin ang boses. Parang lahat sila takot sa galit ni Sir Kyler.

“Bakit mo iniasa sa iba ang trabaho mo! At sa estudyante pa?!” nanggagalaiti niyang sabi sa ginang. May kaedaran na rin ito at sa tingin ko nasa mid 40s na siya.

“P-pasensya na S-sir may ginagawa po k-kasi ako, accounting po kasi kinukuha niya k-kaya itiniwala k-ko po.” Sagot niya kay Sir Kyler.

“Ilang taon ka ng nagtatrabaho dito Mrs. Cruz tapos hindi mo pa rin inaayos trabaho mo. Gusto mong mawalan ng trabaho?!”

“Naku Sir pasensya na po. Aayusin ko na lang po huwag niyo lang akong tanggalan ng trabaho.”

“Yung pinapagawa ko sayong isa tapos mo na?!” umiling naman ang ginang at galit na ginulo ni Sir Kyler ang buhok niya dahil sa frustration.

“You’re fired!” mga salitang dumagundong sa apat na sulok ng kwartong ito. Lumuhod naman ang ginang dahil dun. Wala man lang bang galang sa nakatatanda ang lalaking ito.

“Naku ma’am tumayo po kayo diyan.” Pilit kong pinapatayo ang ginang na umiiyak na ngayon pero patuloy pa rin siyang nagmamakaawa kay Sir Kyler. Demonyo ka talaga Kyler. Wala na akong pakialam matanggal man ako o maalis hindi ko kayang tingnan ang mga nangyayari.

“Alam mo ikaw?!” dinuduro duro ko na siya dahil sa galit ko.

“Wala ka man lang kagalang galang sa matanda. Eh parang nanay mo na yan eh!” pinigilan niya ang kamay kong nagduduro duro sa dibdib niya.

“Huwag kang mangialam dito.” Galit niyang sabi sakin. Paano ako hindi mangingialam eh lumuhod na sa kaniya yung tao nagmakaawa na tapos tatanggalan niya pa ng trabaho.

“Hindi sila Diyos para mapabilis ang trabaho nila at lalong hindi ka Diyos para luhuran ka! Ang dami dami mong pinapagawa tapos gusto mo matapos nila agad. Nagkamali lang sila tatanggalin mo na!”

“Para malaman nila ang mali nila, kompanya ko ito at sabay sabay kaming babagsak kung pinagpatuloy nila ang katangahan at kabobohan nila.”

“Eh gago ka pala eh!” malakas kong sigaw sa kaniya na nakapagpalaki ng mga mata niya.

“Alam mo kung bakit hindi nila natatapos ang mga trabaho nila ng maayos dahil galit mo na lang lagi nilang iniisip. Minamadali na nila lahat dahil nagmamadali ka! Ikaw nga number 1 company sa pilipinas pero sa dami ng award na nakuha mo may nakuha ka bang best in Human Resource?! Diba wala? Nakita ko lahat ng awards ng company mo pero ni isa sa Human Resource ay hindi ka nakakuha ng best! Subukan mo kayang magpakabait sa mga empleyado mo baka sakaling best with the best company ka pa! Prenepressure mo sila! Hindi na sila nakakapagtrabaho dahil sa gusto nila. Nagtatrabaho na lang sila dahil sa gusto mo!” mahaba kong paliwanag at sigaw sa kaniya. Hinila ako ni Mrs. Santos na nakapasok na pala sa office ni Sir Kyler pero inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Hayaan mo ako Mrs. Santos!”

“Sa ginagawa mong yan maaalis ka sa trabaho mo.”

“Wala akong pakialam.” Sigaw ko sa kaniya at hindi ko na siya pinansin at ibinalik ang atensyon kay Kyler.

“Sana naman magfocus ang kompanya mo sa passion dahil kung masaya sila sa trabaho nila mas mapapaunlad pa nila ang kompanya mo dahil nakakapagtrabaho sila ng maayos. Ayusin mo sa hiring processes at sa employee benefit at sa marami pa. Number 1 company huh? Pero hindi naging best in human resource.” Napangisi ako dahil sa mga sinabi ko. Pansin ko ang katahimikan niya kaya kinuha kong timing para sabihin lahat ng gusto ko.

“Sana alam mo yung employer-employee relationship. Gandahan mo naman ang relasyon mo sa mga empleyado mo.” Tinalikuran ko siya at pinatayo ang ginang.

“Siya nga pala hindi mo na ako kailangang tanggalin sa trabaho ko because I quit!” inihagis ko sa kaniya ang ID ko at mabilis na kinuha ang bag ko.

“You’re not going to leave this company.” Kalmado niya ng sabi pero hindi ko siya pinansin at lumabas na kami ng office niya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang akay akay ko si Mrs. Cruz.

“I said You’re not leaving! Baka nakakalimutan mong dalawang taon ang kontrata mo!” rinig kong sigaw mula sa likuran ko naging agaw atensyon ang sigaw niyang iyun sa mga empleyado niya.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lo Renz
Buti nalang kathang isip lang tuh kasi sa totoong buhay baka nilampaso na sa table yung mukha ng secretary............
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahahha ano ka ngyon sir palaban din itong kiesha na ito...
goodnovel comment avatar
Dimple
hahaha the best......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I Made Her Heartless   Kabanata 3.1

    Hinarap ko siya at nginitian. “Maraming salamat Sir pero-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ang sasabihin ko. “Aalis ka lang sa kompanya ko kung terminated ang kontrata mo. Fine kung yan ang gusto mo hindi ko na aalisin si Mrs. Cruz. Now go back to your work and Keisha let’s go to my office.” Tumalikod na siya at nanatili pa akong nakatayo dito. “Ang swerte niya si Sir pa parang nakikiusap sa kaniya manatili samantalang yung mga naging secretary niyang iba nagmakaawa kay Sir.” Rinig kong bulong sa gilid ko. Nagkibit balikat na lang ako dun. “Maraming salamat iha dahil sayo hindi na ako naalis sa trabaho, sige na sundan mo na si Sir.” Nakangiti niya ng sabi sa akin pero halata sa mga mata niya na umiyak ito. Nginitian ko na lang siya at tumango. Bumalik na ako sa office ni Sir at naabutan ko siyang nagpipirma sa mga papeles na nasa harapan niya. Umupo ako na parang walang nangyari. Nilingon ko s

    Last Updated : 2021-06-25
  • I Made Her Heartless   Kabanata 3.2

    Pagpasok namin sa loob ay tilian ng mga babae ang narinig ko. May artista ba? Nilibot ko ang paningin ko at pati sa likod ko pero wala naman akong makita.“May God artista ba siya?” rinig kong bulong ng isang bakla sa gilid namin.“Sino kaya yung girl na kasama niya?”“Baka PA niya.” sagot naman ng isa. Sino bang binabanggit nila? Wala naman akong makita.“Papicture naman po.” Rinig kong sabi ng isang babae at kay Sir Kyler siya lumapit. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi naman artista si Sir. Tiningnan ko ang paligid ko at sa kaniya pala halos nakatingin lahat ng mga tao dito.“Ay teka Miss. Hindi artista si Sir.” Pagharang ko dito dahil baka masigawan siya at baka hindi magustuhan ni Sir Kyler mapag-abutan pa dito ng galit.“Ah picture lang naman.” Pagpipilit ng babae.“Hindi pwede baka magalit girlfriend ko. Selos

    Last Updated : 2021-06-25
  • I Made Her Heartless   Kabanata 4.1

    “Kanina pa kita hinahanap.” Rinig ko mula sa likod ko kaya agad ko itong nilingon at si Sir Kyler ang nakita ko. “Kayo po pala Sir. Upo po kayo.” Pag-aalok ko sa kaniya. Lumapit naman siya sakin at tumabi. “Do you need something Sir?” tanong ko sa kaniya ng makaupo na siya. “It’s nothing.” Tiningnan ko si Sir at halata sa mga mata nito ang puyat. Maaga nga pala kaming umalis ng Manila at wala pa rin siyang tulog. “Magpahinga po muna kayo Sir.” Sabi ko sa kaniya na siyang ikinalingon niya sakin. “Mainit sa loob.” Mabilis niyang sagot. “You can rest here.” Saka ko itinuro ang mahabang kawayan na inuupuan namin. Kung hihiga siya kasiya naman siya. Tiningnan niya ako ng may kunot ang noo at pag-aalinlangan. Napaikot naman mga mata ko dahil dun. “Don’t worry wala akong gagawin sayo. Asa ka naman.” Sabi ko sa kaniya kung ayaw niya edi wag. Hindi naman ako makakaramdam ng pagod eh. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang a

    Last Updated : 2021-06-26
  • I Made Her Heartless   Kabanata 4.2

    Pagkatapos naming kumain naghugas na ako ng katawan ko at dumiretso sa kwarto at naabutan si Sir na nagbibihis. Dali dali akong napatalikod dahil dun.“Ok na humarap ka na.” pagkasabi nun ni Sir ay patagilid akong naglakad at kinuha na yung isang kumot at isang unan sa kama.“Anong ginagawa mo?” tanong niya ng makita akong nilalatag ang isang banig sa sahig.“Naglalatag at matutulog na po Sir?” patanong kong sabi sa kaniya. Nakikita niya na nga lang na naglalatag ako eh magtatanong pa.“I know. I mean bakit jan ka hihiga?” malamig nitong sabi sakin. Kahit kelan naman malamig ang pakikipag-usap niya kahit kanino.“Alangan naman na sa kama Sir? Eh dun kayo matutulog.” Taas kilay kong sabi sa kaniya. Nang matapos na akong maglatag mahihiga na sana ako ng bigla niya akong unahan sa paghiga.“Sir! Ano bang ginagawa niyo?” malakas kong sabi sa kaniya dahil sa gulat. Anon

    Last Updated : 2021-06-26
  • I Made Her Heartless   Kabanata 5.1

    Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil dun. Pagagalitan niya nanaman yung nag-OOJT. Tsss"Sir hindi mo naman kailangang sigawan yung tao kung nagkamali." Sabi ko dito pero tiningnan lang ako sa mga mata ko ng matatalim na tingin."Pwede ba Keisha, huwag mo akong dinidiktahan kung paano ko dinidisiplina ang mga empleyado ko dito." Ani niya sakin."Hindi naman sa dinidiktahan kita Sir. Ang gusto ko lang pakisamahan mo sila ng maayos. Kung hindi sila maturuan ng mga kasamahan nila sa department nila edi ikaw ang magturo.""Hindi ako teacher para turuan ko sila! Marami na akong ginagawa at ayaw ko ng dagdagan ko pa ang gagawin ko at bigyan sila ng panahon para turuan. Kung hindi kayang gawin huwag tanggapin at ang mga regular employee ko ang gagawa!" napahawak na lang din ako sa sintido ko dahil ang hirap niyang kausapin."Fine, kung kaya kong gawin gagawin ko. Iutos niyo na lang sila sakin kapag may mali. Baka sakaling kaya kong gawin." Kinuha ko ang mga p

    Last Updated : 2021-06-28
  • I Made Her Heartless   Kabanata 5.2

    "Naku Sir ok lang po. Magcocommute na lang po ako sa labas." Pagtatanggi ko pero hindi siya pumayag."Hindi ko na rin kasi namalayan ang oras kaya hatid na kita.""Lagi ka bang late umuwi Sir?" kuryuso kong tanong dahil paano kung iniiwan ko na siya sa opisina niya at nauwi na ako."Sometimes." Maikli niyang sagot. Sumakay na ako sa kotse niya at inihatid niya na ako sa bahay."Maraming salamat po Sir. Nag-abala pa kayo." Sabi ko ng makababa ako ng kotse niya. Tinanguan niya lang ako at umalis din agad.-- "Hey pretty." Rinig kong sigaw mula sa likod ko pero hindi ko na pinansin dahil baka yung ibang kasama kong naglalakad ang tinatawag."Yah." Napahinto na lang ako sa paglalakad ko ng harangin ako ng isang lalaki."Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi mo ako pinapansin." Ani niya. Si Sir Louie pala ang pinsan ni Sir Kyler."Tinawag mo ba ako sa pangalan ko?" tanong ko sa kaniya na inilingan niya naman. Naman pala eh.

    Last Updated : 2021-06-28
  • I Made Her Heartless   Kabanata 6.1

    Maaga akong pumasok ngayon para iprint na lahat ng mga ginawa kong business plan. Wala pa masyadong tao sa building na ito dahil gaya nga ng sabi ko maaga pa. Natapos kong iprint ang business plan at inilagay na sa folder.“Ayos na ito pwede ko namang ulitin kong may mali man ako.” Sambit ko sa sarili ko habang binubuklat at binabasa ang business plan.Nakailang ulit na ba akong basa dito? Dahil maaga pa naman pwede muna siguro akong umidlip. Pinagpuyatan ko talaga yun kagabi para maaga kong matapos at maipasa ko na sa kaniya ngayon.“GOOD MORNING” nagising ako dahil sa sigaw sa office. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko para makaaninag agad ako ng malinaw.“Ay nagising ba kita Pretty?” tiningnan ko ang nagsalitang iyun at si Sir Louie nanaman pala. Nakita ko ring nandun na rin pala si Sir Kyler na nakatingin sakin. Mabilis kong inayos ang sarili ko dahil mukhang napasarap ata tulog ko at hindi ko namalayan ang

    Last Updated : 2021-06-29
  • I Made Her Heartless   Kabanata 6.2

    “Hindi niyo ba alam kung anong pwedeng mangyari kung hindi siya naagaran ng lunas?”“Pero kasi secretary, day off niya ngayong araw kaya hindi sagot ng kompanya ang nangyari sa kaniya.” –Sir Joel“Pero Sir nasa oras siya ng trabaho ng mangyari ang aksidente!”“Oo alam ko pero kasi day off niya ngayon.”“Paanong nangyaring day off niya pero nagtatrabaho dito? Panong nangyari yun Sir Joel.” Napapakuyom ko na lamang ang mga kamao ko dahil sa frustration.“Nagkaroon kasi ng emergency si Rome kaya nakiusap siyang pumalit muna ako.” Nanghihinang saad ni Mang Isko. Masyado na siyang nanghihina pero hindi pa rin siya nadadala sa Hospital.“Papatayin nyo ba tatay namin?!”sigaw ng isang dalaga samin.“Dalhin na natin siya sa Hospital Sir Joel.”“Pero kasi iha.”“No more buts Sir. Mas lalo tayong maaagrabyad

    Last Updated : 2021-06-29

Latest chapter

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.5

    “Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.4

    “Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.3

    “Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.2

    “Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.1

    “No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl

  • I Made Her Heartless   Kabanata 65.2

    Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.

  • I Made Her Heartless   Kabanata 65.1

    “Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&

  • I Made Her Heartless   Kabanata 64.2

    “Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram

  • I Made Her Heartless   Kabanata 64.1

    Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status