“Kanina pa kita hinahanap.” Rinig ko mula sa likod ko kaya agad ko itong nilingon at si Sir Kyler ang nakita ko.
“Kayo po pala Sir. Upo po kayo.” Pag-aalok ko sa kaniya. Lumapit naman siya sakin at tumabi.
“Do you need something Sir?” tanong ko sa kaniya ng makaupo na siya.
“It’s nothing.” Tiningnan ko si Sir at halata sa mga mata nito ang puyat. Maaga nga pala kaming umalis ng Manila at wala pa rin siyang tulog.
“Magpahinga po muna kayo Sir.” Sabi ko sa kaniya na siyang ikinalingon niya sakin.
“Mainit sa loob.” Mabilis niyang sagot.
“You can rest here.” Saka ko itinuro ang mahabang kawayan na inuupuan namin. Kung hihiga siya kasiya naman siya. Tiningnan niya ako ng may kunot ang noo at pag-aalinlangan. Napaikot naman mga mata ko dahil dun.
“Don’t worry wala akong gagawin sayo. Asa ka naman.” Sabi ko sa kaniya kung ayaw niya edi wag. Hindi naman ako makakaramdam ng pagod eh. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensyon sa harapan namin. Nagulat na lang ako ng may biglang humiga sa binti ko. Tinaasan ko naman ito ng kilay.
“Wake me up later. 3 o’clock sharp.” Ani nito ng nakapikit na ang mga mata. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang humiga sa binti ko ng makapagpahinga naman. Ang amo ng mukha pagtulog pero pag nagmulat na dinaig pa ang musang, tigre at leon sa sobrang tapang at sungit ng mga tingin niya. Ang gwapo mo sana Sir kaso ang pangit ng ugali mo ayaw ko sa mga lalaki ang hindi marunong gumalang. Iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya at pinagmasdan pa ang tanawin sa harapan ko.
Lumipas ang ilang minuto at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako ng wala na si Sir Kyler sa tabi ko. Mabilis akong bumangon sa kinahihigaan ko, teka kinahihigaan? Eh hindi naman ako nakahiga kanina ah. Pumasok na ako sa loob dahil baka nandun siya.
“Oh iha gising ka na pala.” Ng makita ako ni Manang Leth.
“Si Sir Kyler po kaya?” tanong ko sa kaniya ng parang wala sa loob si Sir.
“Ah nagpunta silang bayan ni Vic para makipagmeet dun sa may ari ng lupang bibilhin niya ata.” Napapikit at nakagat ko na lamang ang labi ko ng hindi ko nasunod ang utos niya. Bakit ba kasi ako nakatulog eh.
“Siya nga pala iha hindi ka niya na raw ginising kasi wala naman daw siyang balak na isama ka.” Eh hindi naman kasi ako yung nagpapagising eh kundi siya.
“Hindi po ba siya galit?” nahihiya kong tanong kay Manang Leth. Ngumiti naman ito sakin.
“Hindi iha ang sabi niya huwag ka na lang abalahin sa pagtulog mo at hayaan kang magising. Pinalagyan niya na lang ng isa pang malawak at malaking upuan ang hinihigaan mo at baka raw malaglag ka.” Nakangiti niyang sabi. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Yari ako nito kay Sir pero infairness ah may mabuting kalooban din pala si Sir. Ang thoughtful naman nun.
Pagsapit ng alas singko inaya na ako ni Jake na pumunta ng halamanan nila para mag-ani.
“Iha isuot mo ito baka katihin ka dun. Baka may mga basil dun mahirap na.”
Iniabot sakin ni Manang Leth ang isang pants at jacket. Isinuot ko na lang ito dahil baka nga katihin ako.
Paalis na kami ni Jake ng biglang may nagsalita sa likod namin.
“San kayo pupunta?” nilingon ko si Sir Kyler dahil boses pa lang naman niya kilala ko na.
“Mag-aani lang po ng gulay Sir.” Sagot ko sa kaniya.
“Sasama ako.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya na mabilis kong tinanggihan.
“Naku huwag na po Sir baka mabasil o katihin ka dun mahirap na po.” Sagot ko dito pero nagpumilit pa rin siyang sumama.
“Isuot mo na lang ito iho kung sasama ka.” Inabutan ni Manang Leth si Sir Kyler ng pants at jacket din.
Pagkabihis niya lumakad na kaming tatlo papuntang bukid.
“Sir pasensya na po kung hindi ko kayo nagising kanina nakatulog po kasi ako.”nakayuko kong sabi habang naglalakad kami. Napahinto na lang ako ng mabangga ko ang likod ni Sir na huminto pala sa paglalakad.
“Don’t worry nagising naman ako bago mag-3.” Napahawak na lang ako sa batok ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
“Ganda bilisan mo dito tayo.” Sigaw ni Jake. Nilampasan ko na si Sir Kyler dahil feeling ko nasasakal ako sa presensya niya at hindi ako makahinga ng maayos. Nakarating kami sa gulayan nila Jake at kahit na may kaliitan lang ang lupa nila marami naman itong tanim na gulay.
“Ano palang aanihin natin ngayon?” tanong ko sa kaniya habang nakasunod ako sa kaniya at si Sir nasa likod namin.
“Siguro anihin na lang natin yung gulay na pwedeng ihalok sa pakbet.” Ani nito at nagsimula ng mag-ani ng talong.
“Ganda ano palang mas gusto mong bulaklak yung plastic o sariwa?” biglang tanong sakin ni Jake.
“Yung sariwa.” Sagot ko ng nakatalikod dahil namimitas na ako ng sitaw.
“Ganda.” Nilingon ko si Jake ng maramdaman kong malapit lang siya sakin.
“Flowers for you.” Abot niya sa akin ng bulaklak ng kalabasa at talong. Natawa na lang ako dahil dun kinuha ko na yung bulaklak ng kalabasa at inilagay sa basket kong dala.
“Yari ka sa itay mo sinira mo na yung bulaklak ng talong.” Natatawa kong sabi sa kaniya. Sayang kaya talong pa iyun pag lumaki.
“Ok lang yun. Hindi niya naman malalaman.” Natatawa niya ring sabi.
“Gusto mo isumbong kita?” pananakot ko pero syempre joke lang yun.
“Uiy huwag naman Ganda. Baka batukan ako nun.” Natawa na lang ulit ako dahil sa reaction niya. Napatigil ako sa pagtawa ko ng tawagin ako ni Sir Kyler. Oo nga pala kasama nga pala namin siya nakalimutan ko na.
“Come here.” Ani nito kaya lumapit na ako sa kaniya.
“Bakit po Sir.” Kinuha niya sakin yung hawak hawak kong basket.
“Naku Sir ako na po dito.” Hindi ko binitawan yung basket.
“Yaah, hindi ba parang masyado ng marami yung gulay na nakuha natin. Lima lang naman tayong kakain.” Sabi ni Sir Kyler kay Jake. Lumapit naman samin si Jake at tiningnan ang mga napitas naming gulay.
“Panghapunan lang natin yan paano pa bukas.” Sabi naman ni Jake.
“Mamitas na lang ulit bukas.” Ani naman ni Sir Kyler.
“Ay pwede naman. Sama ka ulit Ganda ah.” Sabi naman sakin ni Jake. Sasagot pa lang sana ako sa kaniya ng unahan ako ni Sir Kyler.
“Sasama siya sakin bukas.”
“Ay sayang naman.” Napahawak na lang sa ulo niya si Jake ng sabihin iyun ni Sir Kyler. Naglakad na kami pabalik ng bahay nila Jake at tutulong sana ako sa pagluluto ng tawagin ako ni Sir Kyler.
“Check mo lahat ng mga papeles na nandito sa mga list kung nadala ba natin lahat. Ito yung mga papeles.” Binigay niya sa akin ang isang expanding envelope at sinimulan ko ng icheck ang mga papeles.
Pagkatapos kong macheck lahat inayos ko na ito at ibinalik sa na sa expanding envelope. Nandito naman lahat eh, kompleto naman. Lumabas na ako ng kwarto at hinanap si Sir Kyler. Nakita ko siyang nakaupo sa isang monoblock sa harap ng bahay.
“Ah Sir nacheck ko na po lahat at ok naman po.” Sabi ko dito at tinanguan niya lang ako. Naghintay pa kami ng ilang minuto at tinawag na kami ni Manang Leth para maghapunan. Kita na rin ang unti unting pag-aagaw ng dilim at liwanag.
Pagkatapos naming kumain naghugas na ako ng katawan ko at dumiretso sa kwarto at naabutan si Sir na nagbibihis. Dali dali akong napatalikod dahil dun.“Ok na humarap ka na.” pagkasabi nun ni Sir ay patagilid akong naglakad at kinuha na yung isang kumot at isang unan sa kama.“Anong ginagawa mo?” tanong niya ng makita akong nilalatag ang isang banig sa sahig.“Naglalatag at matutulog na po Sir?” patanong kong sabi sa kaniya. Nakikita niya na nga lang na naglalatag ako eh magtatanong pa.“I know. I mean bakit jan ka hihiga?” malamig nitong sabi sakin. Kahit kelan naman malamig ang pakikipag-usap niya kahit kanino.“Alangan naman na sa kama Sir? Eh dun kayo matutulog.” Taas kilay kong sabi sa kaniya. Nang matapos na akong maglatag mahihiga na sana ako ng bigla niya akong unahan sa paghiga.“Sir! Ano bang ginagawa niyo?” malakas kong sabi sa kaniya dahil sa gulat. Anon
Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil dun. Pagagalitan niya nanaman yung nag-OOJT. Tsss"Sir hindi mo naman kailangang sigawan yung tao kung nagkamali." Sabi ko dito pero tiningnan lang ako sa mga mata ko ng matatalim na tingin."Pwede ba Keisha, huwag mo akong dinidiktahan kung paano ko dinidisiplina ang mga empleyado ko dito." Ani niya sakin."Hindi naman sa dinidiktahan kita Sir. Ang gusto ko lang pakisamahan mo sila ng maayos. Kung hindi sila maturuan ng mga kasamahan nila sa department nila edi ikaw ang magturo.""Hindi ako teacher para turuan ko sila! Marami na akong ginagawa at ayaw ko ng dagdagan ko pa ang gagawin ko at bigyan sila ng panahon para turuan. Kung hindi kayang gawin huwag tanggapin at ang mga regular employee ko ang gagawa!" napahawak na lang din ako sa sintido ko dahil ang hirap niyang kausapin."Fine, kung kaya kong gawin gagawin ko. Iutos niyo na lang sila sakin kapag may mali. Baka sakaling kaya kong gawin." Kinuha ko ang mga p
"Naku Sir ok lang po. Magcocommute na lang po ako sa labas." Pagtatanggi ko pero hindi siya pumayag."Hindi ko na rin kasi namalayan ang oras kaya hatid na kita.""Lagi ka bang late umuwi Sir?" kuryuso kong tanong dahil paano kung iniiwan ko na siya sa opisina niya at nauwi na ako."Sometimes." Maikli niyang sagot. Sumakay na ako sa kotse niya at inihatid niya na ako sa bahay."Maraming salamat po Sir. Nag-abala pa kayo." Sabi ko ng makababa ako ng kotse niya. Tinanguan niya lang ako at umalis din agad.-- "Hey pretty." Rinig kong sigaw mula sa likod ko pero hindi ko na pinansin dahil baka yung ibang kasama kong naglalakad ang tinatawag."Yah." Napahinto na lang ako sa paglalakad ko ng harangin ako ng isang lalaki."Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi mo ako pinapansin." Ani niya. Si Sir Louie pala ang pinsan ni Sir Kyler."Tinawag mo ba ako sa pangalan ko?" tanong ko sa kaniya na inilingan niya naman. Naman pala eh.
Maaga akong pumasok ngayon para iprint na lahat ng mga ginawa kong business plan. Wala pa masyadong tao sa building na ito dahil gaya nga ng sabi ko maaga pa. Natapos kong iprint ang business plan at inilagay na sa folder.“Ayos na ito pwede ko namang ulitin kong may mali man ako.” Sambit ko sa sarili ko habang binubuklat at binabasa ang business plan.Nakailang ulit na ba akong basa dito? Dahil maaga pa naman pwede muna siguro akong umidlip. Pinagpuyatan ko talaga yun kagabi para maaga kong matapos at maipasa ko na sa kaniya ngayon.“GOOD MORNING” nagising ako dahil sa sigaw sa office. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko para makaaninag agad ako ng malinaw.“Ay nagising ba kita Pretty?” tiningnan ko ang nagsalitang iyun at si Sir Louie nanaman pala. Nakita ko ring nandun na rin pala si Sir Kyler na nakatingin sakin. Mabilis kong inayos ang sarili ko dahil mukhang napasarap ata tulog ko at hindi ko namalayan ang
“Hindi niyo ba alam kung anong pwedeng mangyari kung hindi siya naagaran ng lunas?”“Pero kasi secretary, day off niya ngayong araw kaya hindi sagot ng kompanya ang nangyari sa kaniya.” –Sir Joel“Pero Sir nasa oras siya ng trabaho ng mangyari ang aksidente!”“Oo alam ko pero kasi day off niya ngayon.”“Paanong nangyaring day off niya pero nagtatrabaho dito? Panong nangyari yun Sir Joel.” Napapakuyom ko na lamang ang mga kamao ko dahil sa frustration.“Nagkaroon kasi ng emergency si Rome kaya nakiusap siyang pumalit muna ako.” Nanghihinang saad ni Mang Isko. Masyado na siyang nanghihina pero hindi pa rin siya nadadala sa Hospital.“Papatayin nyo ba tatay namin?!”sigaw ng isang dalaga samin.“Dalhin na natin siya sa Hospital Sir Joel.”“Pero kasi iha.”“No more buts Sir. Mas lalo tayong maaagrabyad
"Sir may aattendan po kayong party ngayong gabi." Paalala ko sa kaniya ng makita ko ang schedule niya."I want you to come with me." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman sana ako sasama sa party na yun."Sasamahan mo ako. Understand?""Pero Sir wala po akong alam sa mga ganiyang party.""Basta sumunod ka lang kung san ako pupunta." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ano kaya isusuot ko dun? Sinipat ko ang suot ko pero sa tingin ko hindi ito papasa. Eh ano ngang gagawin ko? San ako mangunguha ng damit para maisuot. Hinayaan ko na lang iyun, bahala na mamaya.Mabilis na lumipas ang oras at alas singko na. Alas syete ang party. San ko kaya pupuntahan si Sir mamaya."Let's go." Nilingon ko si Sir Kyler na nakatayo na ngayon kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya.Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya ako. Umiba na kasi ako ng direksyon ng makita ko siyang papunta ng basement."And where are
"Don't be scared I'm here." Ani ni Sir kaya huminga na akong malalim saka naglakad palapit sa kaniya. Inilahad sakin ni Sir ang braso niya at nag-aalinlangan ko pang hinawakan ito. Akala ko ba sasamahan ko lang siya pero bakit may paganito. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilan ang pag-nginig ng kalamnan ko dahil bawat pagpasok ng mga guest ay siyang pagclick ng camera."Just walk." Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng marinig ko ang bulong ni Sir sa tenga ko. Sinubukan kong naglakad ng maayos pero hindi pa rin nawala ang panginginig ko. Huminto kami sa entrance ng event at nagclick lang ang camera saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Kita ko ang dami ng tao sa loob ng event. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Sir na siyang ikinatingin sakin."Mr. Stanford buti nakadalo ka." Bati ng isang matandang may dalang wine."May kasama ka palang magandang dilag. That's new Mr. Stanford." Nakangising sambit ng matanda. Napaiwas ang tingin ko sa kanila dahil naiil
“Hoy mga baklita alam niyo na ba yung news?” nangingibabaw ang boses ni Angelo dito sa department nila. Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya sa kabilang cubicle na katrabaho niya. “Anong news nanaman ba bakla ka?” rinig kong tanong din ng isang babae. Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko pero natigil ang ginagawa ko ng marinig ang sinasabing news ni bakla. “Yung girl na muse ni Sir kagabi. Kyaaaaah.” Napahawak na lang ako sa tenga ko dahil sa lakas ng tili niya. “Ay oo nakita ko na yun number one search yun ngayon grabe ang swerte ni Girl.” Nilingon ko silang nag-uusap. “Uiy Keisha, secretary ka ni Sir kaya alam kong alam mo ang bawat galaw niya. Nakalagay ba sa schedule ni Sir kung sino yung muse niya kagabi?” panandalian akong napatigil at hindi alam kung anong isasagot. Ganun ba talaga kagrabe yung transformation na ginawa ni bakla at hindi ako makilala kahit ng mga katrabaho ko? “Hoy Keisha?” “HA? ah ano,
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag