"Sir may aattendan po kayong party ngayong gabi." Paalala ko sa kaniya ng makita ko ang schedule niya.
"I want you to come with me." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman sana ako sasama sa party na yun.
"Sasamahan mo ako. Understand?"
"Pero Sir wala po akong alam sa mga ganiyang party."
"Basta sumunod ka lang kung san ako pupunta." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ano kaya isusuot ko dun? Sinipat ko ang suot ko pero sa tingin ko hindi ito papasa. Eh ano ngang gagawin ko? San ako mangunguha ng damit para maisuot. Hinayaan ko na lang iyun, bahala na mamaya.
Mabilis na lumipas ang oras at alas singko na. Alas syete ang party. San ko kaya pupuntahan si Sir mamaya."Let's go." Nilingon ko si Sir Kyler na nakatayo na ngayon kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya.
Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya ako. Umiba na kasi ako ng direksyon ng makita ko siyang papunta ng basement.
"And where are
"Don't be scared I'm here." Ani ni Sir kaya huminga na akong malalim saka naglakad palapit sa kaniya. Inilahad sakin ni Sir ang braso niya at nag-aalinlangan ko pang hinawakan ito. Akala ko ba sasamahan ko lang siya pero bakit may paganito. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilan ang pag-nginig ng kalamnan ko dahil bawat pagpasok ng mga guest ay siyang pagclick ng camera."Just walk." Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng marinig ko ang bulong ni Sir sa tenga ko. Sinubukan kong naglakad ng maayos pero hindi pa rin nawala ang panginginig ko. Huminto kami sa entrance ng event at nagclick lang ang camera saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Kita ko ang dami ng tao sa loob ng event. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Sir na siyang ikinatingin sakin."Mr. Stanford buti nakadalo ka." Bati ng isang matandang may dalang wine."May kasama ka palang magandang dilag. That's new Mr. Stanford." Nakangising sambit ng matanda. Napaiwas ang tingin ko sa kanila dahil naiil
“Hoy mga baklita alam niyo na ba yung news?” nangingibabaw ang boses ni Angelo dito sa department nila. Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya sa kabilang cubicle na katrabaho niya. “Anong news nanaman ba bakla ka?” rinig kong tanong din ng isang babae. Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko pero natigil ang ginagawa ko ng marinig ang sinasabing news ni bakla. “Yung girl na muse ni Sir kagabi. Kyaaaaah.” Napahawak na lang ako sa tenga ko dahil sa lakas ng tili niya. “Ay oo nakita ko na yun number one search yun ngayon grabe ang swerte ni Girl.” Nilingon ko silang nag-uusap. “Uiy Keisha, secretary ka ni Sir kaya alam kong alam mo ang bawat galaw niya. Nakalagay ba sa schedule ni Sir kung sino yung muse niya kagabi?” panandalian akong napatigil at hindi alam kung anong isasagot. Ganun ba talaga kagrabe yung transformation na ginawa ni bakla at hindi ako makilala kahit ng mga katrabaho ko? “Hoy Keisha?” “HA? ah ano,
“Magtitimpla po sana ako ng kape natin Sir eh hindi ko naman alam na wala na pa lang ilaw dito. Ayaw ko sa dilim.” Nakayuko at nahihiya kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na pabalik ng office. “Sana sinabi mo, hindi naman kita inutusang magtimpla ng kape eh saka nasa office na ang dispenser at may mga kape na dun. Nagtanong ka muna sana bago ka lumabas.” Nakahinga ako ng maluwag at pakiramdam ko safe na safe ako dahil sa kamay ni Sir na nakahawak sakin. Nakabalik kami ng office at nakita ko ang dispenser na nakasaksak sa likuran ko at katabi nito ang iba’t ibang uri ng kape. Ang tanga mo naman Keisha bakit ba hindi mo pa nakita yan eh ang laki laki na nga lang. “Bakit ang daming kape Sir? Dalawa lang naman tayo.” Sabi ko sa kaniya habang nangunguha na ng baso. “Hindi ko alam ang gusto mong kape kaya bumili nako ng marami. Puro ang sakin walang asukal.” Sabi niya kinuha ko naman na ang Nescafe na nakalagay sa maliit na plastic at inilag
Kita ko ang bawat hikab ni Sir at ang mga luhang namumuo sa mata niya dahil sa paghikab niya.“Sir pahinga po muna kayo.” Sabi ko sa kaniya at nilingon niya ako.“No I’m okay.” Ani nito at inayos ang sarili. Lumabas na kami ng conference room at naghiwalay na kami ni Sir ng lunch niya. Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ulit ako ng office at wala dun si Sir siguro naglalunch pa. Paupo pa lang ako ng upuan ko ng biglang pumasok si Sir ng office niya.“Let’s go Keisha may pupuntahan tayo.” Sabi niya at lumabas din agad ng office. Sinundan ko na lang siya at sumakay ng kotse niya. Hindi na lang ako nagtanong kung san ba kami pupunta. Nagpatuloy ang byahe namin at nakalipas na ang isang oras ay hindi pa rin kami nakakarating.Parang palabas na kami ng metro manila dahil sa tagal namin eh. Nagpatuloy kami sa isang lugar kung saan parang medyo malayo sa kabihasnan. Ipinasok pa ni Sir Kyler ang kotse niya s
Kumulo ang bigas na niluluto ko ganun na rin ang nilaga kong hita ng manok. Nang maluto na ang lugaw na kanin ay hinimay himay ko na sa maliliit ang manok at iginisa na ang luya. Nang maluto ang luya ay inilagay ko na rin ang lugaw at inilagay ang hinamay himay kong manok. Nang matimplahan ko na ito at ayos na sa panlasa ko. Naghiwa naman ako ng dahon ng sibuyas at iniligay sa loob. Nang matapos ako ay sumubo lang ako ng kaunti sa lugaw at hinugasan ang mga ginamit ko.Naabutan kong mahimbing na natutulog si Sir Kyler.“Sir gising po. Sir” panggigising ko sa kaniya gumalaw naman siya at unti unting iminulat ang mga mata.“Kain po muna kayo tapos inom kayo ng gamot bago matulog.” Tinulungan ko siyang tumayo at isinandal sa higaan niya.“Ok lang nam-“ hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya.“Ok lang po Sir hindi ko naman kayang iwan kang sina
Kinabukasan.."Good morning po Sir." Bati ng isang magandang dalaga ng pagbuksan ko ito ng pintuan. Nilingon niya ako at yumuko ng hindi siya sinagot ni Sir Kyler."Sir?" tawag ko pero hindi niya rin ako sinagot."Sir Kyler?!" medyo malakas kong tawag sa kaniya at salamat naman at narinig na niya."Why are you shouting Keisha?" napairap na lang ako dahil dun. Why are you so bingi Sir? Tsss."Kanina ka pa po namin tinatawag Sir. Hindi ka sumasagot." Umayos naman siya ng upo at hinarap kami."Yes what is it?" tanong niya. Umupo naman na ako at hinayaan ko na ang babae ang kumausap sa kaniya. Mukhang mahiyain pa ata ang inutusan dito."Ito na po yung mga papeles na kailangan niyo po Sir." Iniabot niya na ang mga papel kay Sir at binasa ito."Come close to me." utos ni Sir tiningnan ako nung babae ng sabihin iyun ni Sir. Tinanguan ko na lang siya at lumapit na kay Sir."Gusto kong baguhin mo ito tapos dito may kulang. Dagdag
"Let's go." Hinawakan ni Sir ang kamay ko at hinila ng papuntang office."Are you sure na ok ka lang?" tanong nanaman niya at tinanguan ko na lang siya. Ano na lang iisipin nila, ang akala nila si Keyla ang gusto ni Sir pero ako ang tinulungan niya jusko naman.Buong kalahating araw iyun ang tumakbo sa isip ko. Parang ayaw ko tuloy lumabas ng office at kumain sa cafeteria kasi naman eh. Pero wala naman akong magagawa kundi ang lumabas dahil gugutumin naman ako dito. Paglabas ko mukha ni Diane at Angelo ang sumalubong sakin. Napairap na lang ako sa kanila. Reporter ba itong dalawang ito?"Chicken curry na lang sa kaniya." Sila na pati ang umorder ng pagkain ko."Ano nanaman ba?" pagod kong tanong sa kanila."Bakla ka kaya mo ba sinabing wala lang yung ginawa ni Sir kay Keyla ay dahil may namamagitan na sa inyo?" hindi ko na mabilang kong nakailang irap na ba ako dahil sa kanila."Wala nga. Ano ba naman kayo.""Ikaw ang tinulungan ni Si
Gusto kong kausapin si Sir Kyler ngayon about sa pagsama niya sa akin sa Singapore dahil kung ako pa ang pipiliin niya marami pang gastos like passport at mga kailangan sa pagkuha ng passport.“Excuse me Sir.” Saad ko pagkapasok ko ng office niya.“Yes?” sagot niyang hindi tumitingin sakin.“Hindi ako makakasama sa awarding sa Singapore.” This time tiningnan niya na ako ng nakakunot ang noo.“And why?”“I don’t have passport you can choose naman Sir one of your directors.” Diretsong sabi ko sa kaniya.“Is that all your problem?” ako naman ngayon ang napakunot ang noo dahil sa tanong niya. Paano ako makakasama sa kaniya kung wala naman akong passport.“What do you mean Sir?” nagtataka kong tanong sa kaniya.“I have a private plane.” Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Kaya ba ang lakas ng loob niyang isama ako kasi may sa
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag