PABALIK na kami ni Ethan sa restohotel. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano sasabihin ko sa kaniya. Natatakot akong masaktan ko siya kapag hindi ko maibalik ang pagmamahal na binibigay niya sa'kin. Kaibigan ko si Ethan at ayaw ko siyang masaktan lalo na't ako ang dahilan. Bakit pa kasi ako pa? Hindi ko deserve ang binibigay nila sa'kin na pagmamahal lalo na si Ethan. Hindi naman kasi ako bagay sa kanila. Mapa Magnus man o kay Ethan, hindi ako ang babaeng babagay sa kanila. "It's okay if you can't love me back but let me love you, Sophia." Ngumiti na lang ako sa kaniya. Pero alam ko na pilit lang ang pagngiti ko. Huminto na ang sasakyan at nandito na kami sa restohotel. "We're here." Lumabas na ako sa sasakyan niya at pumasok na sa loob. Hindi ko na siya hinintay pang lumabas dahil alam ko namang may pupuntahan pa siya. Hinatid lang talaga niya ako. Papasok na sana ako sa restohotel nang mapansin kong ang mga bodyguard ni Magnus nag
AMOY na amoy ko ang kaniyang panlalaking pabango. Hindi siya nakakasawang amoyin, na para bang hinahanap-hanap mo pa rin ang amoy niya, nakakaadik! Tulala pa rin ako dahil sa kagwapuhan niyang taglay hanggang sa namalayan ko na lang na lumapat na ang labi namin sa isa't isa at kusang nakipagsabayan na ang labi ko sa kaniyang mga halik kahit na ang utak ko ay tutol pero parang may sariling buhay ang katawan ko. Hindi sumasang-ayon sa utak ko. Sophia ayan ka na naman! Masyado kang marupok! "My breakfast is so delicious." Bulong sa'kin ni Magnus na nakapanindig balahibo sa'kin dahil parang nakukuryente ako kapag lumalapit siya masyado sa'kin tapos bubulungan pa ako. Bigla siyang lumayo at tumawa. Alam ko na naramdaman niyang bigla akong nanginig kanina. Kaya binato ko sa kaniya ang unan pero agad naman niya itong nasalo. Argh! Kaasar. "Get up, Isabella and change. We will now going home, may pasok ka pa bukas." -------------------------------------------------------------- "Wahhhh
BIGLA siyang napahinto sa paghalik niya sa'kin at nagtataka kung tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ko. "What did you say?" Umiwas na lang ako ng tingin dahil ang awkward ng posisyon namin. Nakapatong kaya siya sa'kin. "W-wala..sabi ko umalis ka na, magbabasa pa ako." "Ow, sorry." Umalis na siya sa pagkakapatong sa'kin at tuloy-tuloy na lumabas. Doon na lang ako nakahinga ng maluwag. Umayos na ako ng upo at kinuha ko ang libro.Pero kahit anong pilit kong ifocus ang sarili ko sa binabasa ko, wala pa rin akong naiintindihan sa binabasa ko dahil sumasagi sa isip ko si Magnus. Argh!! Magnus na naman. Nakakaumay na Sophia. *Kringgg!!*Napatingin ako sa tumunog na cellphone. Hindi ko 'to cellphone, I think kay Magnus 'to. Nakalimutan niya ata. Hindi ko alam pero tinutulak ako ng kuryusidad ko na buksan ang phone niya at tignan kung sino ang nagtext sa kaniya. Pero nagdecide na lang akong buksan at walang password? Grabe naman yun, hindi ata uso sa kaniya maglagay ng password sa
PUMAYAG ako sa favor ni Magnus noong nakaraang araw na alagaan ang garden ng mommy niyang namatay na. Gusto ko rin ang lugar na 'yon kaya ayos na ayos sa'kin ang pinapagawa niya. Tutal mahilig naman talaga ako sa bulaklak ay pumayag na agad ako, saka kahit anong oras ko gustuhin na pumunta dun ay pwedi. Huwag lang daw ako magpapasok ng iba kundi ako lang at si Manang ang pwedi pumasok sa garden na 'yon.Napahinto ako sa pagkain ko nang biglang pumasok ang napakaingay kong kaibigan. Bungad pa lang ng Canteen, sobrang nagtitili na."WAHHHHH! Bell, omg! Invited ako sa birthday party ni Xander my loves!" Napangiwi na lang ako at napatakip ako ng tenga ko dahil sa sobrang tinis ng boses ni Nanna. Pinapakita pa sa'kin ang hawak niyang invitation card. Habang ang mga nandito sa Canteen ay nagtakip rin ng tenga at tignan si Nanna ng masama. Sino ba namang hindi magagalit sa tinis ng boses niya?Nagpeace sign na lang siya at pumunta sa may pwesto ko. "Grabe ka sobrang sakit sa tenga boses mo.
NAPATAAS ang kilay ko because of he said. He pushing me again like I have a disease girl. "What?! Are you pushing me again?!" I shouted to him. But still, pinakalma ko ang sarili ko. Hindi pweding magalit ako sa kaniya baka ma-turn off pa siya sa'kin. Ang hirap pa naman niyang mafall sa'kin. I don't know why, is it because of her stepsister? Halata namang may gusto ang malanding 'yon sa soon to be boyfriend ko. Siya lang ang babaeng binigyan niya ng atensyon at oras and I hate it. I hate that girl, kumukulo ang dugo ko sa kaniya."Don't show again your spoiled attitude here, Blair." He said with authority. "Leave or else gusto mo pang kaladkarin kita palabas?" May pagbabanta na sabi niya and I rolled my eyes. "Argh! Okay, fine! I will leave but I will never leave your life, my babe." Sabi ko at naglakad na ako palabas. But before pa ako makapasok sa elevator tumawag sa'kin si dad. When I answered it that's the time the elevator open, so pumasok na ako and good thing that I am just
SOPHIA'S POV. "BELL! Tara sa labas tayo, tutal wala namang klase mamayang hapon." Yaya sa'kin ni Nanna. May meeting kasi sa faculty at lahat ng prof kailangan umattend pero nag-iwan naman sila ng activity. "Puro gala inaatupag mo, pano activity natin?" Sabi ko sa kaniya nang nakapameywang pa. "Hay naku, bukas pa naman deadline so we need to relax first. Look at yourself, halatadong stress ka na. Buti na lang ako kahit stress, fresh pa rin." Napataas naman kilay ko sa sinabi niya. Nilalait ba ako ng babaitang 'to? "Anong masama sa itsura ko huh, Nanna?" "Your eyebags may buhay lumalaki, yung buhok mo ni hindi mo man lang masuklay mahaba pa naman. Para ka ng bruha." Bigla tuloy akong napasuklay ng buhok at tinignan ang sarili ko sa salamin ng cp ko. "See? May wrinkles ka na rin oh, tara na kasi ngayon lang naman eh." Lumapit lang siya sa'kin at kumapit pa sa braso ko saka ako hinila palabas. May magagawa pa ba ako? Nahila na niya ako palabas eh. "San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa
"ISABELLA!"Naramdaman ko na may kamay na humila sa'kin paharap kaya napayuko na lang ako para hindi niya makitang umiiyak ako. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. "Hey, can you look at me?" Maawtoridad na sinabi niya sa'kin. Alam ko na ayaw niya sa taong nakayuko kapag kinakausap siya. Agad kong pinunasan ang luha ko at saka ako tumingin sa kaniya. "Oh ayan!" Galit na sabi ko sa kaniya. Kumukulo ang dugo ko dahil sa nakita ko kanina. Bigla siyang nagtaka dahil sumigaw ako. "Did you see it?" Tanong niya sa'kin.Mas nagalit pa ako dahil sa tanong niyang 'yan. Kaya nga ako umalis doon, saka nakita pa niya na nakita ko ang ginawa nila tapos tatanungin pa niya sa'kin. Para ano? Ipamukha sa'kin na hindi lang ako ang babae sa mundo dahil wala siyang mapapala sa'kin, na kaya niya akong palitan?"Bakit ka pa nagtatanong? Nakita mo naman na nakita ko ginawa niyo. Para saan pagtatanong mo huh? Para ba ipamukha sa'kin na kaya mo kong palitan?!" Nagulat siya sa sinabi ko. "What?" Nakatulal
GALIT kaya siya sa'kin? Hindi niya kasi ako pinapansin simula kaninang makauwi kami. What if kausapin ko kaya siya para magsorry. Pero paano nahihiya ako, ngayon ko nga lang narealize lahat ng mga sinabi ko sa kaniya pati ang pag-amin kong mahal ko siya. "Arghh" Nagpagulong gulong ako sa kama ko at iniisip ang gagawin ko para makipagbati sa kaniya. Hindi kasi ako matahimik hangga't hindi ko siya nakakausap lalo na't hindi niya ako pinapansin, ni hindi nga niya magawang tumingin sa'kin. "Sige na nga, magsosorry na ako." May nagawa din akong mali eh. Dapat hindi ko siya agad hinusgahan. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko agad ang pinto ng kwarto niya na nakatapat sa kwarto ko. Hindi ako mapakali nang tumapat na ako sa pinto para kumatok. Ano sasabihin ko? Ah, bahala na nga. Huminga ako ng malalim bago ako kumatok. Nakakaba naman.*Toktok!*"Yes, bukas 'yan." Narinig kong sabi niya sa loob kaya binuksan ko na ang pinto. Tumambad sa'kin ang amoy niya sa kwartong 'to. Maayos laha
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang