NALIBOT na nila ang pweding puntahan ni Sophia pero wala pa rin silang makita. Sobrang nag-aalala na ang dalawa sa kaniya dahil gabi na pero hindi pa rin nila ito mahanap. Habang si Sophia naman ay umiiyak na't nawawalan na ng pag-asang makakalabas pa siya. Nanghihina na rin siya dahil sa mga sugat na natamo niya at kulob ang lugar kaya't mahirap makapasok ang sariwang hangin. Sa mansyon naman ay hindi na magkaundagaga ang mga kasambahay dahil wala pa rin si Sophia sa mansyon. Kaya't naisip nilang tawagan si Nanna baka sakaling nasa sa kanila ito tumuloy o kaya ay may ginagawa lang sila sa school. Hindi naman tumagal ang pagring dahil sinagot agad iyon ni Nanna. "Hello po, Manang." Bungad agad ni Nanna sa matanda. "Hello Ineng, kasama mo ba si Sophia? Wala pa kasi siya dito sa mansyon, hindi pa umuuwi." Halata sa matanda na nag-aalala na ito. Natakot bigla si Ethan at Nanna sa sinabi ng matanda. Kung wala pa ito sa kanila at hindi pa ito umuuwi, saan ito nagpunta? "Yun nga po
SOPHIA'S POV. PINAGMAMASDAN ko ngayon si Magnus na walang kamalay-malay habang ginagamot niya ang mga sugat ko sa kamay na natamo ko kanina. Pagkarating namin agad kanina dito sa mansyon ay hinala na niya ako papasok para gamutin ang mga sugat ko. Samantalang sila Manang, Cecelia, Iyang at Ate Doria ay nagmamadaling kumuha ng first aid kit. Ilang beses na rin nila ako tinanong kung ano nangyari sa'kin at kung paano ako nahanap nila Ethan at Nanna. Pero syempre sinabi ko lang na nakulong lang ako sa abandonadong classroom at bago pa sila makapagtanong sa'kin ay nagpaluto agad si Magnus sa kanila ng pagkain at pinaalis. Kahit kailan talaga ang sama ng ugali ng taong 'to. Pero naappreciate ko ang concern niya sa'kin. Meron din pala siyang kabaitan na tinatago hindi lang kasungitan. Habang ginagamot niya ako ay hindi ko alam pero napapangiti niya ako at napapabilis niya ang tibok ng puso sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko ng marahan. Kung paano niya ingatang hawakan ito na par
NAGULAT ako sa pag-amin ni Magnus sa'kin kahapon. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga katagang binanggit niya sa'kin. Hindi ko aakalain na magkakagusto siya sa'kin. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing nand'yan siya. Hindi ko alam kung bakit dahil ba sa kinakabahan ako o dahil may gusto din ako sa kaniya. 'I love you, Isabella either you're my stepsister or not.' Nand'yan na naman, parang naririnig ko pa rin ang boses niya. Tinakpan ko ang tenga ko ng unan para hindi ko na siya maisip. Sabado ngayon, walang pasok kaya andito ako sa kwarto ko at nagmumukmok. Habang nagmumukmok ako hindi naman ako tinatantanan ng boses ni Magnus. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin. "Sophia, iha. Kakain na." Kumatok si Manang sa pintuan kaya bumangon na ako. "Sunod na po ako Manang." Sabi ko at tumayo na. Bumaba na ako papuntang kusina. Nakita kong naupo na si Magnus at tumingin pa ito sa'kin kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa rin nawawala sa'kin ang sinabi niya sa'kin kahap
NAGISING ako nang may naramdaman akong humahaplos sa'kin. Nakatulog pala ako. Napamulat ako ng mga mata at nakita ko si Magnus na malapit ang mukha niya sa'kin habang nakadampi ang likod ng palad niya sa pisngi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Agad siyang napalayo mula sa'kin. "Waking you up, tulog mantika ka." Sabi niya at napamulsa habang nakatingin sa'kin. Tulog mantika daw, e hindi naman ako ganun. Bumangon na muna ako bago ako magsalita. "You're a trespasser. Kwarto ko 'to, wala kang karapatan na bigla-bigla na lang pumapasok dito ng walang pahintulot sa'kin. Uso po kumatok." "Kakasabi ko lang kanina na hindi kita magising-gising." Inirapan ko na lang siya at ginaya ang pagsasalita niya. "Nye, nye, nye." Nagulat ako nang may tumama sa mukha ko ng paper bag. Tinignan ko siya ng matalim. Bwiset na mokong na 'to. Papansin! "Get up and wear that. I'll wait for you outside." Sabi niya at saka umalis. Dun ko lang nalaman na naka formal attire siya. Saan naman kami pupunta? Huminga
"ARE you inlove with me now?" Agad naman akong nabalik sa katinuan ko nang marinig ang sinabi niya. "Asa." Napairap na lang ako sa kaniya at hindi pinahalata ang pamumula ng pisngi ko. Tumingin na lang ako sa bintana, Narinig ko naman siyang tumawa dahil sa ginawa ko. Napanguso na lang ako habang nililibang sarili ko at baka matorture ko 'tong mokong na 'to. Kung pwedi lang pumatay, pinatay ko na 'to. Pero s'yempre joke lang. Hindi ko naman kayang pumatay ng tao. --- NAGISING na lang ako nang may maramdaman akong mahinang tapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata, bumungad sa'kin ang napakagwapong nilalang. "We're here." Kinusot ko muna ang mga mata ko para luminaw ang paningin ko. Tumingin ako sa labas, nakita kong nasa harap kami ng isang malaking building na ang nasa baba ay isang mamahaling restaurant. "Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang nililibot ko ng paningin ko ang paligid. "We're here at Adler's resto-hotel." Nagsimula na siya maglakad kaya
NAGSIALISAN na sila dito sa meeting room. "Are you not going with me, Blair?" Tanong ni Mr. Rodriguez kay Blair. Lumapit naman sa kaniya ang anak niya at yumakap. "Yes, dad. I want to spend my time with Magnus and I also want to talk to him." Naglalambing na sabi ni Blair. Ngumiti naman sa kaniya ang Daddy niya. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa senaryo na 'yan. Naaalala ko lang si Papa, kung paano kami maglambingan kasama si Mama. Hindi na ba mauulit 'yun? Kung pwedi ko lang balikan ang panahon na 'yun ay ginawa ko na. "Okay, sweatheart. Enjoy, hahanapin ko lang kapatid mo." Narinig kong sabi ni Mr. Rodriguez kay Blair. "Are you okay?" Napatingin ako kay Magnus na nasa tabi ko na pala. Tumango naman ako sa tanong niya at ngumiti ng pilit. Kita ko naman sa mga mata niya na nag-aalala siya sa'kin. Teka nga, kailan pa 'to naging concern sa'kin? "Are you sure?" "Oo, okay lang ako. Masama lang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kaniya. Nagulat ako nang hinawakan niya ang
AKALA ko sila talaga. Kasi di ba nagconfess na sa'kin si Magnus pero tinatawag pa rin siya ni Blair ng beb. Kung hindi sila, totoo kaya lahat ng sinabi ni Magnus na mahal niya ako? Halos maibigay ko na ang lahat sa kaniya pati ang sarili ko. Nakita na niya ang lahat sa'kin. Swerte pa rin siguro ako dahil hindi niya kinukuha ang pagkavirginity ko. Hindi ko alam kung bakit ganun lang kadali niya akong makuha. I mean, hindi ako ganito na klaseng babae na bibigay agad. Sa kaniya ko lang talaga nagawa ang mga bagay na 'yun, para bang isa siyang alak na nakakalasing at agad kang tatamaan. Marami ng nagconfess sa'kin simula high school pero never akong nag-entertain at pinatulan ang mga lalaking 'yun. Hard to get ako alam ko yun at kilala ko ang sarili ko pero nang dumating si Magnus sa buhay ko para bang hindi ko na kilala ang sarili ko. Nagagawa ko ang bagay na hindi pa dapat gawin ng isang katulad kong hindi pa ikinasal. "Aray!" Nagulat ako nang may kamay humawak sa braso ko at hini
PATULOY akong lumabas at hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko naman alam gamitin ang elevator. Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa'king pisngi. Bakit ganun siya? Wala naman akong ginawang mali na pwedi niya ikagagalit. Ano bang masama na sumabay ako kay Ethan na kumain? Gutom na rin naman na ako that time at saka ayoko naman ipagsiksikan ang sarili ko sa kanilang dalawa ni Blair. Alam ko kasing sila ang sabay kumain pagkatapos ng pag-uusap nila. Ayoko naman maging third wheel sa kanila kaya pumayag na rin ako kay Ethan na sumabay. "Sophia!" Napatingin ako kay Ethan na palabas ng elevator. Tumatakbo ito papunta sa kinaroroonan ko kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. At ngumiti sa kaniya na parang walang nangyari. Malinaw kong nakita ang pag-aalala niya na nakaguhit sa kaniyang mukha nang makalapit siya sa'kin. "Are you okay? Sinaktan ka ba ni Magnus?" Pilit akong ngumiti sa kaniya at umiling. "Hindi naman niya
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang