Home / All / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 4 — RICHARD

Share

KABANATA 4 — RICHARD

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2021-04-07 21:37:57

SPENCER

"Hi! Mister President! Hahaha" pang-aasar sa'kin ni Larah.

"Ano bang mga plataporma mo mister PRESIDENT!" pag-gatong naman ni Raffy at sabay silang nagtawanan.

Hindi ko alam kong kaibigan ko ba ang dalawang to o ano. 

Hahaha. Alam ko namang tunay sila sa akin. Minsan talaga nagkakampihan kami, kaya kawawa 'yung isang walang kakampi. At ngayon ako 'yung minalas sa aming tatlo at walang kakampi.

Mag-iisang buwan na rin nang makilala ko ang dalawang to dito sa University and honestly napakasaya rito dahil na rin sa kanila 'yun.

Sa totoo lang, hindi pa ako nagkakaroon ng matalik na mga kaibigan. Noong elementary at high school kasi, minsan lang ako kung pumasok sa school, kadalasang modular ako dahil nga sa sakit ko. 

Ganito pala ang feeling na magkaroon ng mga matatalik na kaibigan, 'yung hindi ka iniiwan sa lahat, 'yung lagi kayong magkasama sa mga kalokohan, lagi kang belong kumbaga.

Inaasar nila ako kasi ako yung ibinoto ng lahat para maging classroom president. 

Baka nagtataka kayo kung bakit ako naaasar, hindi ko naman gusto kasi 'yun! 

Ito lang dalawang kaibigan ko bago pa pala nag plano si ma'am ng election sinabihan na nila ang lahat ng kaklase namin na ako ang iboto bilang president dahil alam kasi nilang ayoko. 

Gusto ko sanang umatras kanina pero itong si ma'am namin nagbigay naman ng isang patamang speech na kesyo dapat tanggapin ang mga responsibilidad na iniatas sa atin dahil pinagkatiwalaan tayo, huwag daw maging immature. Kaya ayon, hindi na ako nakapag-object. Napasubo tuloy ako!

"Tumigil nga kayo, naiinis ako sa inyo. Alam nyo namang wala akong alam sa ganito diba." sinalubong ko ang aking mga kilay at sinimangutan silang dalawa dahil sa inis. 

Tumingin ako sa malayo para ipakitang naiinis talaga ako pero tawa lang sila ng tawang dalawa dahil alam rin nilang hindi ko kayang magalit.

"Galit ka n'yan?" ani Raffy. 

Inirapan ko lang ito.

"Ay Raffy galit pala sa atin si Spencer sayang, sasabihin ko pa naman sa kanya na mag-aapply din tayo sa music club na pinagsasabi niya." ani Larah. 

Medyo nasiyahan ako sa sinabi niyang 'yun, malapit na kasi ang club fair kaya niyaya ko sila no'ng isang araw na sumali kami sa music club. No'ng una ayaw nila pero mapilit talaga ako kaya pag-iisipan daw nila. 

Hindi pa rin ako nagpadala, ano ako marupok. Nagkunwari akong nakatingin sa malayo habang kumakain lang. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria ng University.

"Oo nga no. Sayang rin dahil wala siya sa mood na sumama sa atin na mag-beach sa sabado." sabi ni naman ni Raffy.

Bigla namang nabuhay ang dugo ko sa sinabi niyang iyon. Nasabi ko kasi sa kanilang hindi pa ako nakapunta ng beach at gustong-gusto kong pumunta. Na open up ko yun sa kanila kasi na kwento rin ni Raffy na meron silang Resort sa Mati City at doon sila nagbabakasyon kung hindi sila makapunta ng ibang bansa.

Tumayo silang dalawa at aktong aalis ng hindi magpapaalam. Alam talaga nila kung pano ako paamuhin, nakakainis 'tong mga 'to.

"Pag umalis kayo, di ko na talaga kayo papansinin. Mga kupal talaga!" 'di ko sana sila kakausapin, pero pupunta daw kami ng beach eh. Okay! Ako nang marupok.

"Akala namin 'di mo na kami kakausapin eh." ngiting asong sabi ni Raffy.

Bumalik sila sa pagkakaupo. Habang ako naman, hindi ko na mapigilang mapangiti dahil medyo na e-excite ako sa mga pinagsasabi ng dalawang 'to. Nagpatuloy kaming tatlo sa pagpaplano para sa sabado at pagkatapos ay nagkwentuhan naman kami ng kung ano-ano.

Habang nagkakatuwaan at naghaharutan kami ay napansin naming biglang natahimik ang ibang mga studyante sa loob ng cafeteria. 

Tumigil din kami sa aming ginagawa at nakiramdam na rin kung anong nangyayari. 

May nagbubulungang mga babae at ang mga mata nila ay nakatutok lang sa iisang direksyon. 

Sinundan namin ng tingin at sa isang nakapilang lalaki napunta ang atensyon namin. Bumalik ako ng tingin sa mga babae kanina, halatang kilig na kilig ang mga ito.

"Si Richard pala akala ko naman kung sino." biglang bulong ni Larah.

Medyo naliwanagan ako kasi narinig ko na rin ang pangalan niya dito mismo sa cafeteria na ito no'ng enrollment pa. Pero hindi ko naman siya kilala at hindi ko pa siya nakita. Na curious rin ako no'n kasi sabi nila sikat itong artista.

Talaga namang napakaganda ng kutis at may hitsura rin ang sinasabi nilang Richard, halatang alagang-alaga niya ang sarili, pang artista talaga ang datingan niya. 

Di nagtagal ay may nagpapa-picture na rin sa kanya at 'yung iba naman siguro nahihiya kaya kinukuhanan na lang siya ng picture sa di kalayuan — paparazzi ang datingan.

"Totoo pala na dito na nga siya nag-aaral." sabi naman ni Raffy.

"Kilala niyo siya?" pagbulong na sambit ko sa kanila.

"Bakit hindi mo siya kilala? Sang planeta ka ba galing. Teen star 'yan ngayon, taga rito kasi 'yan sa atin nagpahinga lang no'ng namatay sa car accident ang ka-loveteam niyang si Nathalie Mendoza. Na cancel nga ang project nila pagkatapos ng aksidente." pagpapaliwanag sa akin ni Larah.

"Ahh. Talaga?! Kawawa naman pala siya, girlfriend n'ya ba 'yun?" pagtatanong ko ulit.

"Hindi! Siguro no'ng first year high school. Pero after a year may iba nang boyfriend si Nathalie Mendoza — si Aaron Villanueva." wika sa amin ni Larah.

Magkakilala ba sila? Ang dami namang alam ni Larah sa buhay niya.

Well, hindi naman malayong mangyari kasi mayayaman naman sila. Gano'n talaga siguro lahat ng mayayaman magkakakilala sila dahil sa mga connections.

Habang iniisip ko 'yun ay napansin kong papalapit ang lalaking pinag-uusapan namin sa table kung saan kami nakaupo.

"Hi guys. May I?" masiglang bungad sa amin nito. Tumingin ito sa akin at medyo nailang naman ako sa tingin niya kasi parang kilala niya ako kahit hindi ko pa siya kilala.

"May I what?" malditang tugon ni Larah sa kanya.

Medyo nagulat ako sa asal na pinakita ni Larah sa lalaki. Napatanong tuloy ako sa sarili kung bakit siya gano'n.

Tinignan ko si Raffy at nahalata nitong nagulat ako, suminyas naman ito na parang okay lang ang lahat at 'wag na akong mabahala pa.

"You know what Larah, never mind. I will sit anyway." inirapan nito si Larah at umupo na sa tabi ko.

Naliwanagan naman ako na talagang magkakakilala sila, kaya sinawalang bahala ko na lang. Nasa harapan namin si Raffy at Larah habang magkatabi kami ni Richard. Patuloy pa rin sa pag-irap si Larah kay Richard habang kumakain ito.

Aasarin ko sana si Larah pero naisip kong 'wag na lang, meron kasing ibang tao. Baka ma offend ang kaibigan ko.

"Hi bro, what's up?" bati ng lalaki kay Raffy.

"Good, good! Long time no see bro. Haha" ngiting tugon naman ni Raffy sa kanya.

"You know what larah, baka mahulog eyeballs mo sa kakairap. Segi ka." biro nito sa nakasimangot na si Larah.

"And you know what? We're so happy kanina, until you came here." 

"Ba't kaba galit na galit sa akin? Ha? Tungkol parin bato sa pagsese..." biglang napatigil si Richard nang tutukan siya ni Larah ng tinidor.

"Segi, subukan mong pagpatuloy! Isasaksak ko to sayo, 'diba sinaksak na kita ng lapis dati sa preschool! Gusto mo tinidor naman?" 

Bigla naman akong kinabahan kay Larah, utak kriminal talaga 'tong isang 'to.

"Oo naaalala ko 'yun, kaya nga hindi kita niligawan kasi kung magiging tayo baka  ikaw pa ang pumatay sa akin."

Kitang kita ko ang naging reaksyon ni Larah sa sinabing 'yun ni Richard. Halatang namula ito at di makaimik. Saka ko lang napagtanto na meron palang nakaraan ang dalawang to.

Tinignan ko si Larah para sana asarin pero hindi ko na natuloy dahil sa nagulat ako sa sunod na sinabi ni Richard.

"Anyway, bakit ba ako nakikipag-away sayo! Hindi naman ikaw pinunta ko dito eh. Hi Spencer, I'm Richard by the way!" lingon sa akin nito.

Tinignan ko siya ng may pagtataka kung bakit niya alam ang pangalan ko, lumingon naman ako sa dalawa kong kaibigan pero pareho lang kaming tatlo ng reaksyon.

"Oww, sorry! I already know you, because na kwento ni kuya Bryell sa akin." 

"Si doc Bryell?" paglilinaw ko sa kanya.

"Yeah, Doctor Bryell Mendoza! Brother of Nathalie! Your Doctor!." paglilinaw niya sa lahat-lahat.

Namangha ako sa sinabi niya. Talagang napaka liit ng mundo.

"Talaga ba?" gulat kong wika.

"Hmm, hmm!" pagtango nito sa akin.

So 'yung kinukwento ni doc Bryell sa akin na kapatid niya ay si Nathalie? Pero bakit hindi ko alam na namatayan pala sila. Sigurado akong malalaman ko 'yun kasi mag bestfriend sila ng ate ko.

Bakit medyo magulo! Kailan ba sila na aksidente? Bakit walang na-kwento si doc na namatay na pala kapatid niya?

"And he also tell me about your condition at kung kaninong pu... Nevermind!" ani Richard pero biglang itong tumigil at di tinapos ang sinasabi niya.

Magtatanong pa sana ako kung ano 'yung hindi niya naituloy pero biglang nagreact si Larah at Raffy.

"What? What do you mean about his condition? Spencer may sakit ka?" pag-aalalang tanong ni Larah.

"Hoy! Ano 'yun? Ba't hindi namin alam?" dagdag naman ni Raffy.

Nag-explain ako sa dalawa! Para maliwanagan ang mga ito.

Pagkatapos ko sa kanila ay bumalik ako sa pagtatanong kay Richard.

"Oy, Richard! Ano 'yung sasabihin mo dapat kanina?" tanong ko pero mukhang nakalimutan ata.

"Na ano? Na may sakit ka?"

"Hindi 'yun! 'Yung isa pa."

"Ha? Wala naman ha!"

"Wag nalang baka mali lang ako ng dinig." 

Hindi ko na pinilit pa baka hindi rin kasi  importante, talagang umiiral lang itong curiousity ko.

"I'm done, mauna na siguro ako. See you around guys." pagpapaalam ni Richard sa aming tatlo. 

"Bye rin sayo miss brutalful!" bumulong pa ito kay Larah bago tuluyang umalis. Ginantihan rin naman niya ito ng pagpalo sa pwet ni Richard na ikinatawa ng ibang studyante.

"Aray, pinapahiya mo ko sa lahat ha. Babawian talaga kita! Bhlee." pagdila niya rito para mang-asar.

Tatayo sana si Larah para batukan siya pero nakatakbo na ito palabas. Tawang tawa naman kami ni Raffy sa dalawa, para kasi silang mga batang nagbabangayan at nag-aasaran.

Nagpatuloy kami sa masayang kwentuhan, Inaasar din namin si Larah kay Richard. Pero sa totoo lang, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sasabihin sana ni Richard! Parang tungkol kasi ito sa sa akin. Idagdag mo pa ang palaisipan na 'di ko nalaman ang pagkamatay ng kapatid ni doc Bryell samantalang updated lagi ang ate ko sa buhay niya. At bakit ikukwento ako ni doc kay Richard? Anong meron? 

Related chapters

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 5 — NATHALIE'S HEART

    RICHARD Muntik ko na tuloy masabi kay Spencer kung sinong donor n'ya kanina. Buti nalang at naalala kong hindi pa pala pwede. Hindi pa alam ng buong Pilipinas ang ginawang pag dodonate ng pamilya Mendoza sa mga organs ni Nathalie. Medyo mainit pa kasi ito sa publiko ngayon kahit maglilimang buwan na ang nakalipas dahil hanggang ngayon ay curios na curios pa rin ang mga fans tungkol sa pagpanaw ng ka loveteam at bestfriend ko. Nang mawala si Nathalie ay 'di ko maikakailang labis din akong nagluksa. Sa walong taon na pagsasama namin ni Nathalie sa industriya, simula 12 years old pa kami sobrang kilala na namin ang isa't isa. Noong una ay akala namin attracked kami to each other, kaya pagtuntong namin ng first year high schoo ay sinubukan naming pumasok sa relasyon pero talagang hindi nag work dahil sa matalik na magkaibigan lang ang tingi

    Last Updated : 2021-04-07
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 6 — BRYELANA (Halik)

    EILANA "Eilana..." "Oh! Mahal kong Eilana!" "Bryell?! Mahal ko? Kiss me!" "I will Eilana! I will..." "Tol! Tol! Tol!" bigla akong nagising mula sa aking pantasya nang tawagin ako ni Bryell. "Ha? Bakit?! Tapos kana omorder?" "Oo, tapos na! At bakit ka naman tulala at may pa nguso-nguso ka pang nalalaman d'yan?" natatawang saad nito sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'yang 'yun. So, para pala akong tanga kanina habang nag iimagine na hinahalikan n'ya ko? Patay! "Ha? Ano ako tanga! Anong ngumunguso, may iniisip lang t'yaka 'di naman ako ngumunguso no! Kumain na nga tayo! Nakakainis ka naman eh!" pagpapalusot ko sa kagagahan na ginawa. Hindi ko alam kong naniniwala ba sa 'kin 'tong lalaking 'to. Pero

    Last Updated : 2021-04-09
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 7 — BRYELANA (Balon)

    BRYELL "Goddamn Bryell, you're so stupid! Why did you suddenly kiss her, huh? What do you expect, sempre magagalit sya. You are bestfriends! Ba't ang tanga-tanga mo?" I can't help to bump my own head to the steering wheel because of my stupidity earlier. Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginawa ko kanina at hinalikan ko si Eilana. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagpigil. Her eyes seems like hypnotising me while my lips wanted to have hers! "Oh God Bryell, ano ba'ng pinag-iisip mo?" wika ko sa sarili. Aaminin kong matagal ko nang na-realized na mahal ko siya. No'ng una akala ko I'm not attracted to her and I just love her as my bestfriend pero ngayon iba na. Napatunayan ko na! Kaya pala wala akong interest sa ibang mga babae, because I already found her at ang tadhana n

    Last Updated : 2021-04-10
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 8 — BEACH (Unang Pagkikita)

    "Peep! Peep! Peep..." Rinig na rinig namin sa loob ng bahay ang malakas na busina ng kotse na nangagaling sa labas ng gate. "Spencer anak! Mukhang narito nang sundo mo." pagtawag sa akin ni nanay. "Opo! Nay. Palabas na po." Pagkatapos kong e double check ang mga dadalhin ko ay kaagad na 'kong lumabas ng kwarto para sana puntahan sila Raffy at Larah sa labas ngunit pumasok na pala ang mga ito sa bahay kaya nasalubong ko sila sa sala kasama nila si tatay at ate, habang si nanay naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal. "Oh! Tayo na?" sabi ko habang dala-dala ang isang backpack na naglalaman ng mga damit ko at bitbit ko rin ang dilaw na salbabidang may desinyong bibe na binili sa akin ni nanay noon pa atang seven years old ako. Biglang natahimik ang buong bahay ng makita nila ako. Hindi ko alam pero tinignan lamang nila akong may gulat sa mga mu

    Last Updated : 2021-04-11
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 9 — MULING PAGKIKITA

    Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Nakatayo akong habang tinitignan lamang ang lalaking sumuka sa akin kanina. "Hoy! Spencer! Tanga ka ba? Hindi mo naman kilala 'tong taong 'to eh, bakit ka pa-hero?" sermon ko sa sarili. Sinampal ko ang sarili kong mukha nang mahimasmasan. "Aray! Putcha, napalakas tuloy." Bakit ko ba kasi tinutulungan 'tong taong 'to? Tanga na ba 'ko? Pa'no kong makasuhan pa 'ko ng tresspassing? Hay naku! Bahala na nga, aalis din naman ako kaagad pagkatapos nito. Pinagpatuloy ko ang paghatak sa kanya patungong sala nila. Medyo mabigat ito kaya sobrang hiningal ako matapos kong malagay siya sa sofa. Tumayo lamang akong nakapamewang habang hingal na hingal. Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng ginaw. Naalala kong nakahubad pala ako ng pang-itaas.

    Last Updated : 2021-05-27
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 10 — CAMPUS CRUSH (Aaron is back!)

    SPENCER "Hey guys! Whaaaat's UP!" biglang sulpot ni Richard na naging dahilan ng pagkagulat naming tatlo. Nandito kaming tatlong magkakaibigan sa cafeteria at antok na antok. Hindi kami masyadong nakatulog kagabi dahil itong si Larah ay ayaw pang tumigil sa pagkanta sa KTV ng hotel nila. Tapos maaga pa kaming nagising para makaabot kami sa klase namin, hindi kasi kami umuwi kahapon dahil late na kami natapos sa paggagala at ayaw pa umuwi ng dalawa. Nagpaalam naman ako kina nanay at tatay na hindi pa ako makakauwi at pumayag naman sila. Umupo si Richard sa tabi ko na may nakakalokong ngisi. Sinamaan naman ito ng tingin ni Larah at inirapan. "Napaka maldita talaga nitong babaeng 'to!" simangot naman ni Richard. "Sa'n ba kayo galing at para kayong lantang gulay?" ani Richard at tumingin sa ak

    Last Updated : 2021-05-29
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 11 — BRACELET

    SPENCER "Ano bang akala niya sa sarili niya? May-ari ng University! Dapat pa nga mag slow down siya eh, kasi eskwelahan 'yun! Nakakainis siya, ako pa 'yung masama?" Nandito ako ngayon sa kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi ko lang maintindihan eh! Bakit niya ako ginanon? Ako nga na hindi pa siya kilala ay tinulungan siya. Tapos 'yun igaganti niya sa'kin. Naiintindihan ko naman na namatayan siya at naawa ako sa kanya. Pero below the belt naman ang pagka-bitter niya. Nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, medyo nasaktan talaga ako sa ginawa niya sa akin kanina. Nag assume kasi akong magiging maganda ang magiging una naming interaction. Pero ang nangyari, hindi! Sa totoo lang dahil sa kanya nagkaroon ako ng confusion sa sarili ko. Pero inisip kong mabuti, okay lang! Magigin

    Last Updated : 2021-06-01
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 12 — CONDO

    AARON "Are you out of your mind Aaron?! Bakit ba napakatigas ng ulo mo?!" bulyaw ni Daddy sa akin. Ramdam ko ang galit niya pero nakapagdesisyon na ako at hinding-hindi ko na babaguhin 'yun! "I think of it many times dad! Nakapag decide na'ko and I will never change it anymore." walang emosyon kong tugon sa kanya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko kayang tignan siya sa mukha. Masakit sa akin ang ginagawa niyang pagtutol sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. "Wow! See! Nagiging bastos ka na rin!" "Pwede ba dad! Just for once pagbigyan n'yo ko sa gusto kong gawin sa buhay ko! I'm not a robot for you to control!" "Let you?! Let you what! Ruin your life by singing in cheap resto?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa daddy ko. Alam kong hindi ako dapat magalit sa kanya pero labis

    Last Updated : 2021-06-03

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.4 — BOOK 1 FINALE

    AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.3 — BOOK 1 FINALE

    “Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.2 — BOOK 1 FINALE

    ***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status