Home / All / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 8 — BEACH (Unang Pagkikita)

Share

KABANATA 8 — BEACH (Unang Pagkikita)

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2021-04-11 14:31:19

"Peep! Peep! Peep..."

Rinig na rinig namin sa loob ng bahay ang malakas na busina ng kotse na nangagaling sa labas ng gate.

"Spencer anak! Mukhang narito nang sundo mo." pagtawag sa akin ni nanay.

"Opo! Nay. Palabas na po."

Pagkatapos kong e double check ang mga dadalhin ko ay kaagad na 'kong lumabas ng kwarto para sana puntahan sila Raffy at Larah sa labas ngunit pumasok na pala ang mga ito sa bahay kaya nasalubong ko sila sa sala kasama nila si tatay at ate, habang si nanay naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal.

"Oh! Tayo na?" sabi ko habang dala-dala ang isang backpack na naglalaman ng mga damit ko at bitbit ko rin ang dilaw na salbabidang may desinyong bibe na binili sa akin ni nanay noon pa atang seven years old ako.

Biglang natahimik ang buong bahay ng makita nila ako. Hindi ko alam pero tinignan lamang nila akong may gulat sa mga mukha.

"Bakit?! May problema ba?" medyo nahihiya kong tanong kasi baka may mali akong nasuot o ano.

Nagtinginan lamang si Larah at Raffy habang si tatay at ate naman ay hindi na mapigil ang malakas na halakhak.

Bigla akong nahiya sa sarili ko. Ano bang pinagtatawanan nila sa 'kin? Sa suot ko ba? Eh simpleng short at loose shirt lang naman 'to ha!

Sumabay na rin sa pagtawa sina Raffy at Larah kaya nagtanong na ako kung anong pinagtatawanan nila.

"Hoooy! Anong pinagtatawanan n'yo?" kunot-noo kong sabi sa mga ito.

Hindi nila ako sinagot at nagpatuloy lamang sa pagtawa. Ilang sandali pa'y pumunta si nanay sa sala galing sa kusina upang malaman kung anong kasiyahan ang nagaganap dahil rinig na rinig ang halakhalk nila mula roon.

"Nagkakasiyahan kayo ha. Ano bang meron?" bungad ni nanay sa amin.

Tumingin ito sa nakabusangot kong mukha at biglang ngumiti. Hindi ko naman mapigilang magsumbong sa kanya.

"Nay oh! Ako yata 'yung pinagtatawanan nila." 

"Kawawa naman 'tong anak ko." wika ni nanay sabay gulo ng buhok ko.

"'Wag mo na dalhin 'tong salbabidang 'to! Hindi na naman 'to kakasya sayo eh!" dagdag pa n'ya.

"Ahhh. Si quacky ba pinagtatawanan n'yo ha!" busangot kong wika sa kanila.

"At may pangalan pa talaga 'yan ha!" halakhak ni Larah.

Tanging pag-irap na lamang ang naisagot ko habang tawa lang ng tawa silang lahat.

"Nay, okay pa rin 'to! Binili n'yo to sa 'kin eh. Tapos hindi pa nagagamit, matagal ko na kayang hinihintay na magamit ko 'tong salbabidang 'to! Matagal na 'tong nakasabit sa kwarto ko eh." wika ko kay nanay.

"Alam ko namang pambata ito no! Pero gusto ko lang talagang dalhin to kasi nag promise ako sa sarili kong balang araw 'pag magaling na ako, gagamitin ko 'to." dagdag ko pa na nagpatigil sa pagtawa nila. Siguro naaawa naman sila ngayon sa akin dahil sa pinagdaanan ko noon.

"Hayst. Spencer! Sayang hindi kami pwede ngayon, pero 'wag kang mag-alala sa susunod sasama na kami sa inyo. Si nanay, si tatay, ako! Sasama na kami mag beach. Siguro sa susunod na linggo, pwede rin sa susunod na buwan, o pwede rin sa kasal ko na!" pangiti-ngiting wika sa amin ni ate.

"Asa ka ate! Hindi ka pa nga nililigawan ni doc Bryell eh! Magpakita kana kasi ng senyales." pag-aasar ko sa kanya kasi alam ko namang si doc Bryell ang pinapangarap niyang ikasal sa kanya.

"Ahh... Gano'n ba? 'Yun ang akala mo!" biglang tugon nito na gumulat sa aming lahat.

"Halaaa... So kayo na?!" 

Tanging tango at matamis na ngiti lamang ang tinugon nito sa amin.

"So bayaw ko na pala si doc Bryell!" masiglang saad ko.

"Bayaw agad? Don't worry, soon enough." malanding saad ni ate. Nakakatawa siya!

"Ikaw Eilana ha! Hindi mo sinabi sa amin. Pag-usapan natin 'yan habang nag-aalmusal. Oh! Raffy, Larah. Sumabay na kayo sa amin ha, nagluto ako ng adobo." ani nanay.

"Opo tita, salamat po!" sabay na tugon nilang dalawa.

Pagkatapos naming mag-almusal at makapagkwentuhan ay bumyahe na kami papuntantang resort nila Raffy. Honestly, kahit malayo-layo ang byahe ay hindi ako napagod dahil sa excitement at kakulitan naming tatlo.

Habang nasa byahe ay lagi kaming nag kakantahan, nagkukwentuhan, at kumakain ng mga baon naming chips at softdrinks.

Mga apat na oras din bago kami tuluyang nakarating sa resort.

Nauna na akong bumaba sa kotse at sumunod naman si Larah, habang si Raffy naman ay meron pang inaayos sa loob ng kotse niya.

Mula sa parking lot ng resort ay makikita mo na ang napakalinaw na kulay asul na dagat, gayun di ang napakalaking hotel nila raffy na may malaking swimming pool.

Hindi ko na talaga mapigil ang excitement ko kaya bigla akong tumakbo papuntang entrance. Sumunod naman sa pagtakbo ang dalawa.

Pagpasok namin sa hotel ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff doon.

"Good morning po! Sir, nakahanda na po ang tatlong VIP rooms sa taas. Ihahatid na lang ho kayo ng mga staff." bati ng isang lalaki na sa palagay ko ay manager doon. 

"Teka! Tatlo? Hindi ba tayo magkasamang tatlo sa iisang kwarto?" tanong ko kasi akala ko talaga kaming tatlo sa iisang kwarto. 

"Sempre, babae kaya ako! Alangan naman magtabi-tabi tayong tatlo. Hindi na tayo mga bata no!" biglang sabat ni Larah.

"Ay babae ka pala? Mukha ka kasing lalaki!" pang-aasar ni Raffy.

"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa 'yun?!" inirapan lamang niya ito.

"Bakit Spencer! Natatakot ka no?" biglang sabi ni Raffy sa akin.

Patay! Actually, takot talaga akong mag-isa sa kwarto. Hindi ko pa pala nasabing hanggang ngayon ay iisa pa rin kami ng kwarto ni ate Eilana. Okay lang naman din 'yun kay ate kasi nasanay na siya. Pero pa'no nato sigurado naman akong aasarin ako ng dalawang 'to pag nalaman nila.

"Hindi no! Ako, matatakot? Never! Tayo na nga!" sabi ko na lang para hindi nila mahalata.

Agad na kaming nagtungo sa kanya-kanya naming silid. Nasa ikatlo at huling palapag ang mga VIP rooms. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong namangha dahil sa ganda ng interior designs ng kwarto, talaga namang pinag-isipan ang theme. Ang ganda ng puting motif ng kwarto napaka elegante, at naka dagdag pa sa ganda ang mga painting at halaman sa loob.

May isang malaking kama ito na kasya ang apat na tao. Sobrang lambot rin nito nang aking higaan. Ang ganda rin ng pagkaka-arrange ng mga gamit, may sariling Refrigerator, malaking TV, kusina, malaking banyo, lahat na ata nandito na. 

Napa-wow talaga ako sa ganda ng kwartong 'to pero ang mas pumukaw sa akin ay ang view sa labas ng balkunahe. 

Kitang-kita ko mula rito ang napakagandang tanawin ng buong isla. Napakasarap sa pakiramdam, lasap na lasap ko talaga ang simoy ng hangin na  nagmumula sa karagatan. Talagang nakaka relax sa ganda. Nakakawala ng problema! Haysst... Sana ganito na lang parati.

Pagkatapos kong e-arrange ang mga gamit ko ay sakto namang kumatok sina Raffy at Larah.

"Spencer! Hoy! Ang hinhin mo talaga daig mo pa ako eh." sigaw ni Larah sa labas ng pinto.

"Spence! Labas ka na d'yan mag swimming na tayo!" dagdag pa ni Raffy.

Nagmadali akong nagpalit ng damit pangligo at binuksan na ang pinto. 

Bumungad sa akin ang dalawa at sa itsura nila'y reading-ready na ang mga itong maligo.

Agad kaming naligong tatlo at enjoy na enjoy kaming sinubukan lahat ng water rides sa resort. Buong araw kaming nagbabad sa tubig dagat at sinubukan din naming mag-dive sa corals at sobrang saya no'n.

Hapon na kami tumigil at nagpahinga para ituloy bukas ang kasiyahan namin.

Dalawang araw lang kasi ang tagal namin dito — ngayong araw at bukas, kasi may klase na kami sa lunes. Sayang nga pero susulitin na lang namin bukas bago umuwi.

Dahil may araw pa at hindi pa ako pagod, napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna sa kahabaan ng dalampasigan. Masarap kasi ang simoy ng hangin mas nakakawala ng pagod.

Sa aking paglalakad ay naabot ko ang dulo ng resort. Babalik na sana ako nang mapansin ko ang isang butas sa pader na dekerta sa kabilang baybayin.

Ang butas ay natatakpan lamang ng isang lumang yero. Ewan ko kung bakit hinayaan lamang ng management ng resort nila Raffy ang butas na 'yun or siguro under renovation 'yun.

Tinanggal ko ang nakatakip na yero at lumantad sa akin ang maliit na butas na maaring mapasukan ng isang tao.

Sinilip ko muna kung anong meron sa kabila at nakita ko ang isang maliit na parang resort rin. Pumasok ako rito dahil hindi naman mukhang nakakatakot ang lugar, sa katunayan ay maganda ito at napapaligiran ng mga puno't bulaklak. 

Maririnig mo rin ang huni ng mga ibon sa ibabaw ng mga puno. Sinabayan pa ng tunog ng mga alon sa dalampasigan at ang pagpalakpak ng mga dahon ng puno na ani mo'y nagkakasiyahan dahil sa pag-ihip ng hangin. Talagang nakakarelax sa pakiramdam.

Huminga ako ng malalim at nilasap ang biyaya ng kapaligiran. Talagang nasisiyahan ako sa lugar, para bang nakapunta na ako rito noon. 

Naglibot-libot ako sa kabuan nito, pero sobrang liit lang nito kumpara sa resort nila Raffy. Wala ring katao-tao, siguro hindi na nag-o-operate ang resot na 'to. 

Meron din pala itong nag-iisang building na para bang bahay. 

Ilang sandali pa ay medyo kinabahan ako nang ma-realize kong baka nasa isang bahay talaga ako at trespassing ako roon.

Nagmadali akong bumalik sa dinaanan ko kanina. Lakad-takbo ang ginawa ko baka kasi mahuli pa ako rito't mapagkamalang magnanakaw.

Sa pagtakbo ko ay may biglang sumigaw sa aking likuran, parang lumambot bigla ang mga tuhod ko at nangatog ang buo kong katawan sa kaba.

"Hoy! Tigil! Sino ka?" sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko.

Tumigil naman ako! Sa isip ko kasi ay baka may dala itong baril o kung ano man na pwedeng iputok kung magkakamali ako ng galaw.

"Sir! Ako po si Spencer Dela Cruz, guest po ako sa kabilang resort! Naligaw lang ho ako sir!  Wala po akong balak na masama. Sorry po, 'wag n'yo po akong saktan." sigaw ko habag nakatalikod, baka kasi paghumarap pa ako ay isipin nitong gagawan ko siya ng masama.

"Sir! Pwede po ba akong humarap.  Itataas ko po 'tong dalawang kamay k. Hindi po talaga ako masamang tao." pagpapatuloy ko sa pag-e-explain.

Naghintay ako ng ilang sandali pa para sa sagot n'ya pero wala itong imik. Nagtaka na ako kaya tinignan ko ang aking likuran at tumambad sa akin ang isang lalaking nakahandusay na sa buhangin. 

Agad ko itong pinuntahan upang alamin kung anong nangyari. At sa aking paglapit ay napagmasdan kong mabuti ang kanyang kabuoan.

May hawak itong isang bote ng alak kaya naman napagtanto kong nakatulog lamang ito dahil sa kalasingan. Ang lalaki ay may malaking pangangatawan kung ikukumpara sa akin ngunit sigurado naman akong ka-edad ko lang  siya o mas matanda lang siya sa akin ng kaunti.

Tinitigan ko lamang siya habang nag-iisip kung anong dapat gawin. Naisip kong umalis na lamang, ngunit ilang hakbang pa lang ang aking nagawa ay parang pinipigilan ako ng aking konsyensya. Hindi ko alam ngunit parang resposibilidad kong tulungan ang lalaki.

Sa aking pag-iisip ay di ko na namalayang humahakbang na ako pabalik at binubuhat ang  lalaki mula sa likuran nito sabay hatak sa kanya papasok sa loob ng bahay. Sigurado kasi akong dito siya nakatira.

Habang binubuhat ko siya ay napansin kong lumulubog na pala ang araw at nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Binilisan ko na lang ang paghatak sa lalaki, hindi ko kasi siya kayang buhatin ng todo dahil napakabigat n'ya at mas malaki pa siya sa akin.

Habang papasok na kami sa pintuan ay sinubukan kong alalayan na lang siyang maglakad para mas mapadali.

Kinuha ko ang isa n'yang braso at ipinatong sa balikat ko. Pero nang pahakbang na kami ay bigla kaming natumba at napahiga sa sahig.

Sa kasamaang palad ay ako ang nauna kaya ako ang nadaganan niya. Sobrang bigat nito kaya  nahirapan akong makawala. Habang pinipilit ko siyang itulak ay bigla itong nagdiliryo at may sinasabing hindi ko maintindihan.

"Natahannnaa... Natannnah..." paulit-ulit na wika nito.

Pinapatuloy ko ang pagtulak sa kanya ngunit bigla itong yumakap ng napakahigpit sa akin na naging dahilan na hindi na ako makagalaw pa. 

"Ahh! Hellooo! Bitawan n'yo ho ako. 'Di po ako makagalaw." paulit-ulit kong sabi sa kanya.

"Hmmmm... Natahhali..." 'di ko maintindihang tugon nito.

Napansin ko rin na para bang umiiyak siya. Medyo naawa na ako sa kanya dahil mukhang may mabigat na pinagdadaanan ang lalaking 'to. 

Pero sa ilang sadali pa'y bigla nitong hinalikan ang aking leeg at pisngi na aking ikinagulat. Agad naman akong umiwas dahil gusto pa sana nitong humalik sa labi.

Dahil do'n ay kaagad ko siyang itinulak ng malakas kaya natanggal ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari ng bigla itong sumuka sa leeg ko.

Amoy na amoy ko ang maasim n'yang suka, mula sa leeg ko at umagos pa ito patungong likuran at ulo ko.

Hindi ko na talaga nakayanan ang nangyayari kaya tinodo ko na ang lakas ko para matanggal siya sa pagkakadagan sa akin, at nagtagumpay naman ako.

Agad akong tumayo at hinubad ang kulay grey kong damit at ipinahid ito sa parteng nasukahan. 

"Bwesit naman oh! Ikaw pa nga 'yung tinulungan, sinukahan mo pa ako." kunot noo kong wika.

Ewan ko rin ba sa sarili ko, pero nakakakosyensya naman kasi kung iiwan ko lang siya sa labas.

Tama lang siguro itong ginagawa kong pagtulong sa kanya, meron din naman akong kasalanan sa kanya kasi pumasok ako sa bahay nila ng walang paalam. Hay naku! So pa'no na 'to ngayon? Anong gagawin ko?

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Erick Writes
kailan update?
goodnovel comment avatar
Erick Writes
wow ang ganda.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 9 — MULING PAGKIKITA

    Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Nakatayo akong habang tinitignan lamang ang lalaking sumuka sa akin kanina. "Hoy! Spencer! Tanga ka ba? Hindi mo naman kilala 'tong taong 'to eh, bakit ka pa-hero?" sermon ko sa sarili. Sinampal ko ang sarili kong mukha nang mahimasmasan. "Aray! Putcha, napalakas tuloy." Bakit ko ba kasi tinutulungan 'tong taong 'to? Tanga na ba 'ko? Pa'no kong makasuhan pa 'ko ng tresspassing? Hay naku! Bahala na nga, aalis din naman ako kaagad pagkatapos nito. Pinagpatuloy ko ang paghatak sa kanya patungong sala nila. Medyo mabigat ito kaya sobrang hiningal ako matapos kong malagay siya sa sofa. Tumayo lamang akong nakapamewang habang hingal na hingal. Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng ginaw. Naalala kong nakahubad pala ako ng pang-itaas.

    Last Updated : 2021-05-27
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 10 — CAMPUS CRUSH (Aaron is back!)

    SPENCER "Hey guys! Whaaaat's UP!" biglang sulpot ni Richard na naging dahilan ng pagkagulat naming tatlo. Nandito kaming tatlong magkakaibigan sa cafeteria at antok na antok. Hindi kami masyadong nakatulog kagabi dahil itong si Larah ay ayaw pang tumigil sa pagkanta sa KTV ng hotel nila. Tapos maaga pa kaming nagising para makaabot kami sa klase namin, hindi kasi kami umuwi kahapon dahil late na kami natapos sa paggagala at ayaw pa umuwi ng dalawa. Nagpaalam naman ako kina nanay at tatay na hindi pa ako makakauwi at pumayag naman sila. Umupo si Richard sa tabi ko na may nakakalokong ngisi. Sinamaan naman ito ng tingin ni Larah at inirapan. "Napaka maldita talaga nitong babaeng 'to!" simangot naman ni Richard. "Sa'n ba kayo galing at para kayong lantang gulay?" ani Richard at tumingin sa ak

    Last Updated : 2021-05-29
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 11 — BRACELET

    SPENCER "Ano bang akala niya sa sarili niya? May-ari ng University! Dapat pa nga mag slow down siya eh, kasi eskwelahan 'yun! Nakakainis siya, ako pa 'yung masama?" Nandito ako ngayon sa kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi ko lang maintindihan eh! Bakit niya ako ginanon? Ako nga na hindi pa siya kilala ay tinulungan siya. Tapos 'yun igaganti niya sa'kin. Naiintindihan ko naman na namatayan siya at naawa ako sa kanya. Pero below the belt naman ang pagka-bitter niya. Nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, medyo nasaktan talaga ako sa ginawa niya sa akin kanina. Nag assume kasi akong magiging maganda ang magiging una naming interaction. Pero ang nangyari, hindi! Sa totoo lang dahil sa kanya nagkaroon ako ng confusion sa sarili ko. Pero inisip kong mabuti, okay lang! Magigin

    Last Updated : 2021-06-01
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 12 — CONDO

    AARON "Are you out of your mind Aaron?! Bakit ba napakatigas ng ulo mo?!" bulyaw ni Daddy sa akin. Ramdam ko ang galit niya pero nakapagdesisyon na ako at hinding-hindi ko na babaguhin 'yun! "I think of it many times dad! Nakapag decide na'ko and I will never change it anymore." walang emosyon kong tugon sa kanya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko kayang tignan siya sa mukha. Masakit sa akin ang ginagawa niyang pagtutol sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. "Wow! See! Nagiging bastos ka na rin!" "Pwede ba dad! Just for once pagbigyan n'yo ko sa gusto kong gawin sa buhay ko! I'm not a robot for you to control!" "Let you?! Let you what! Ruin your life by singing in cheap resto?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa daddy ko. Alam kong hindi ako dapat magalit sa kanya pero labis

    Last Updated : 2021-06-03
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 13 — NEIGHBORHOOD

    SPENCER "Ti tit, ti tit, ti titt..." Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Sinubukan kong hindi pansinin ito at bumalik sa pagtulog dahil sobra pa rin ang antok ko sa katawan. "Hmmm... Shut that fucking alarm!" ungol ni Larah. Hindi ko na rin nakayanan ang ingay dahil ako ang malapit dito kaya kinapa ko ito at pinatay. Kaming tatlo nina Raffy at Larah ang natulog dito sa kwarto habang si Richard naman ay sa kabila. Si Larah dapat ang matutulog do'n pero nauna na itong humandusay sa kama kaya nagpalit na lang sila ni Richard. Nasa makabilang gilid kaming dalawa ni Larah habang napapagitnaan namin si Raffy. Nakaka-inis nga 'tong si Raffy kasi sobrang likot matulog. Kung alam ko lang sana do'n na rin ako natulog sa kabilang kwarto. Hindi naman ako nagpuyat, kasi bawal sa akin. Pero p

    Last Updated : 2021-06-03
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 14 — MUSIC CAMP

    "GOOD DAY EVERYONE! Welcome in Music Camp 2021" masayang pagbati sa amin ng president ng music club na si ate Joyce. Nagpalakpakan at Naghihiyawan kaming lahat dahil sa taas ng energy sa buong lugar. Araw ng sabado ngayon at nandito kami sa university. Nagsimula na ang opening program pero wala pa rin sina Larah at Raffy. Dahil sa pagkainip sa paghihintay sa kanila, naisip kong tawagan ang dalawa. "Spence! On the way na kami." sabi kaagad ni Raffy matapos niyang sagutin ang tawag ko. "Ahh... Sige, kayo talaga 8 am usapan." wika ko. "Hello, Spencey. Si Larah 'to! Meron pa kasi akong dinaanan sorry. Pero papunta na kami." "Hmm... Okay lang, wala namang problema. Dalian n'yo ha! Segi na baba ko na, hintayin ko na lang kayo." ani ko. Alas otsyo emedya nagsimula ang opening pogram

    Last Updated : 2021-06-04
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 15 — FIRST NIGHT

    "Hi! I'm Aaron Villanueva. Nice to meet you all. And just like what Joyce said, ako na ang magiging team leader n'yo." wika ni Aaron. "So, maiwan ko na kayo?! Ikaw na ang bahala dito Aaron ha. Be nice!" wika naman ni ate Joyce bago tuluyang umalis. Ngumiti lamang si Aaron at tumango bilang tugon. Pagkaalis ni ate Joyce ay bumalik na sa pagiging casual ang lahat. May maingay na rin at ang iba'y bumalik na sa kani-kanilang ginagawa. "At bakit kayo maingay? Keep silence, and give me your attention please!" sabi ni Aaron na punong-puno ng awtoridad. Natahimik ang lahat pagkatapos niyang sabihin 'yun. "As a leader, gusto kong desiplinado kayo. Para ito sa ikabubuti ng buong team, I also want you to be competitive because this is a competition, but in rational way! Be competitive but expect to lose. In every competition the

    Last Updated : 2021-06-08
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 16 — WORDS ARE SHARPER THAN KNIVES.

    "Hmm... Spencey, ang aga mo naman atang gumising!" ani Larah sabay binat at hikab. Nakaupo ako sa gilid ng tent at akap-akap ang dalawa kong tuhod. Nakikinig lang ako ng musika — siguro halos magdamag. Hindi kasi ako masyadong nakatulog dahil sa pag-iisip sa nangyari sa amin ni Aaron kagabi. Magdamag kong iniisip kung bakit nangyari 'yon. O totoo ba talaga 'yun? May nararamdaman din kaya siya sa akin? "Spencey, bakit ganyan mata mo. Ba't parang namamaga 'yan?" biglang pansin ni Larah sa aking mata. "Ha?! Hindi! baka nakulang lang sa tulog. Inaatake na naman siguro ako ng insomnia ko." palusot ko sa kanya. "Akala ko umiiyak ka eh. Nevermind, hindi ka naman iyakin at ano namang iiyakan mo. Pero kapag nagkaproblema ka ha! Sabihan mo kaagad kami. Resbakan natin aaway sa'yo!" pabirong saad sa akin nito. Napang

    Last Updated : 2021-06-10

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.4 — BOOK 1 FINALE

    AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.3 — BOOK 1 FINALE

    “Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.2 — BOOK 1 FINALE

    ***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status