Home / LGBTQ+ / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 6 — BRYELANA (Halik)

Share

KABANATA 6 — BRYELANA (Halik)

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

EILANA

"Eilana..."

"Oh! Mahal kong Eilana!"

"Bryell?! Mahal ko? Kiss me!"

"I will Eilana! I will..."

"Tol! Tol! Tol!" bigla akong nagising mula sa aking pantasya nang tawagin ako ni Bryell.

"Ha? Bakit?! Tapos kana omorder?"

"Oo, tapos na! At bakit ka naman tulala at may pa nguso-nguso ka pang nalalaman d'yan?" natatawang saad nito sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'yang 'yun. So, para pala akong tanga kanina habang nag iimagine na hinahalikan n'ya ko? Patay!

"Ha? Ano ako tanga! Anong ngumunguso, may iniisip lang t'yaka 'di naman ako ngumunguso no! Kumain na nga tayo! Nakakainis ka naman eh!" pagpapalusot ko sa kagagahan na ginawa.

Hindi ko alam kong naniniwala ba sa 'kin 'tong lalaking 'to. Pero bahala s'ya kung anong gusto n'yang isipin. Siya naman talaga ang iniisip ko. Charot, haliparot!

"Ahhh tol, sa'n mo ba gustong pumunta?" biglaang tanong sa akin nito.

"Ha? Ako? Saan? Ano 'yun?!" medyo naguluhan ako 'dun ha. Bakit n'ya naman ako tatanongin kung saan ko gustong pumunta. Bahagya naman itong napatawa sa naging sagot ko. 

Ano ba 'yan, para naman akong timang dito. Sorry naman no! Ikaw raw rito, nasa harap mo 'yung crush mo, hindi ka kaya himatayin sa sobrang tense.

"Sabi ko, may lakad ka pa ba pagkatapos nito?" paglilinaw n'ya.

"Ahh wala! Wala naman bakit? Hehe"

"Tara extend natin 'tong friendly date natin?" wika nito na agad na nagpakaba ng sobra sa akin.

"D-date?" tanging nasagot ko na lang. 

Oh my! Bigla naman akong natameme sa sinabi n'yang 'yun! Hay naku Bryell bakit may pa date-date ka pa kasing nalalaman. Hihimatayin talaga ako sayo eh!

"Oo, date! Friendly date! Bakit may iba pa ba?"

Ohh my! Ang awkward nito!

"H-ha?! Wala! I-ikaw!" hindi ko na alam kung anong isasagot ko, nabubulol pa tuloy ako.

"Ha? Ako?" sabi niya na naguguluhan din sa tugon ko.

"Ikaw bahala! Ahhh, wala akong lakad ngayon kaya ikaw bahala kung sa'an mo 'ko balak dalhin." paglilinaw ko sa lahat. Hhoo! Jusko! Help me!

"Ahhh okay! Sige-sige ako bahala!"

Hay naku sayo Bryell. Bakit ba kasi napaka cute ng smile mo! Natutulala tuloy ako. Jusko! Bakit ba napaka gwapo ng bestfriend ko? Kahit sa'n ako tumingin gwapo pa rin. Mula sa makapal na kilay, nakakaseduce na mata, mapupulang labi, at oh my ang nanggagalaiting jaw line. Ikaw na Bryell, ikaw na talaga ang naghari sa puso ko. Charot, ang corny!

Anyways, nandito pala kami ngayon sa barbecue station na paborito naming puntahan. 

We always went here every vacant time kasi pareho kami ni Bryell na food is life especially barbecue, pero ang daya nga kasi feeling ko ako lang ang tumataba. 

He's very strict with his workout kasi and I'm not. Dati no'ng nag mo-model pako, Oo! Dahil kailangan sa job ko pero ngayong engineer na 'ko hindi na ako masyadong conscious sa diet and workout ko. 

Wala namang masama sa pagdagdag ng timbang o sa pagiging mataba, maganda tayo kahit anong shape natin. 

Pero kanya-kanyang trip at gusto lang 'yan, medyo hindi ako sanay sa shape ko ngayon so gusto kong bumalik sa dati kong shape. 

Kaya nga ngayon tina-try kong mag workout pero itong si Bryell, napapadalas naman ang pagyayayang kumain. 

Hay naku sa lalaking 'to! Hindi naman ako maka hindi. Sarap niya kasi! Ay este, sarap kasi ng pagkain eh.

So, ayon na nga! Pagkatapos naming kumain, dahil nagyayaya siyang mag-round trip muna, eh... Sumama naman ako. Papilit pa ba girl? Minsan lang akong maging haliparot no. Todo ko na 'to!

Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Nakasakay ako ngayon sa kotse niya papunta kong saan! Duh... Wala naman akong pakialam no. Kehet sen n'ye ake dalhen okey leng!

"Tol?"

"Hee? Ay este, ha?" 

Ayan! Eilanang haliparot! Lumadi kapa.

"Diba, hindi ka pa nakasakay ng rollercoaster? Try natin ha!" sabi niya sa akin.

Bigla akong nanlamig sa sinabi n'ya. Hindi pa kasi ako nakakasakay ng rollercoaster at wala akong planong sumakay. Nakita niya sigurong bigla akong akong namutla kaya kinumusta niya ako.

"Are you okay? Ayaw mo ba?"

"Tol! Natatakot akong sumakay. Ayoko!" tugon ko na lang sa kanya.

"It's okay, akong bahala sa'yo!" sabi nito na sinabayan pa ng nakakatunaw na ngiti.

Para talaga akong matutunaw sa kanya. Kandila ka gurl?

Hindi pa ako naka imik pa at nginitian na lang siya. Kinikilig kasi ako habang iniisip na takot na takot ako sa tapos niyayakap si'ya! Pero talagang sumasagi sa isip ko na parang katapusan ko na siguro. Patay ako nito!

Hindi ko na napansin pa at huminto na pala ang kotse. Naunang lumabas si Bryell at pinagbuksan niya ako ng pinto. 

Sa pagbaba ko ay nakita ko ang naglalakihang mga rides ng park na pinuntahan namin. 

Talagang nakaka amaze ang mga tanawin, hindi pa kasi ako nakakapunta dito dahil hindi rin pwede sa kapatid ko. 

Ayoko namang ma experience 'to habang siya hindi pwede, kaya sa loob ng 28 years ko rito sa mundo ngayon pa siguro ako makaka-experience.

Pumunta kaagad kami kung nasaan ang booth ng roller coaster at bumili si Bryell ng dalawang ticket, biglang nangatog ang dalawa kong tuhod at sumakit ang t'yan ko dahil sa kaba.

Hinawakan niya ang kamay ko para dalhin na sa uupuan namin pero bigla akong tumigil sa paglalakad. 

Tinignan niya lamang ako at sinabing "Kung natatakot ka, yumakap ka lang sa'kin." ngumiti ito at bigla namang nabuhay ang dugo ko.

Parang nawala ang kaba ko sa katawan dahil sa sobrang kilig, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero bigla na lang akong naging excited na sumakay sa rollercoaster. Bahala na, mas importante ang lumandi.

Kaya ayon! Nakasakay talaga kami ngayon sa rollercoaster! Hinawakan niya ang kamay ko para sabihing okay lang, hinigpitan ko naman ang hawak ko rito. Oh my! Sarap hawakan ng kamay niya. Sige na paliparin n'yo na 'to! Charot lang. Kabado pa rin ako no!

Biglang gumalaw ang kinauupuan namin na tanda na umaandar na ito. Dahan-dahan itong umabante at kitang-kita ko ang unti-unting pag taas nito.

Parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kaba nang makita kong pababa na ang sinasakyan namin. 

Nanigas ang buo kong katawan at sumigaw ako ng napakalakas matapos nang bumaba ang sinasakyan namin, paulit-ulit ito sa pagtaas-baba at minsay bumabaliktad pa. 

Sa 'di katagalan ay nawala na ang kabang nararamdaman ko at napalitan na ng saya at enjoyment. Nilingon ko si Bryell pero laking gulat at halakhak ko nang makita itong naninigas dahil sa takot. 

Bigla itong sumigaw at yumakap sa akin habang ako naman ay tawa lang ng tawa. Para itong batang takot na takot sa bawat pagbaba ng rollercoaster. 

Hindi ko tuloy mapigilang tumawa sa reaksyon ng mukha niya. In fairness gwapo pa rin ito kahit mukha siyang timang.

Nang huminto ang ride ay nagmadaling tumakbo si Bryell sa malapit comfort room at halatang nasusuka ito. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong humalakhak ng malakas. 

Pagkatapos n'ya ay nagyaya itong kumain ng bulalo sa malapit na kainan dahil parang babaliktad daw ang sikmura niya.

"Oh! Akala ko ba yayakap ako sayo pag natakot ako, pero bakit parang iba ang nangyari kanina?" pang-aasar ko sa kanya.

"Kumain ka na nga lang!" umirap ito at nagpatuloy sa paghigop ng mainit na sabaw.

"Ako pa lang bahala ha!" patuloy na pang-aasar ko habang humahalakhak.

"Ayaw mong tumigil sa pang-aasar?" 

"Ayaw!"

Bigla nitong kinuha ang bulalo ko at nilantakan. 

"Hoy! Ang bastos ng lalaking 'to!" 

"Ayaw mo kasing tumigil eh!" 

Nakakatawa siya! At sempre nakakakilig. 

Niyaya ko siyang umuwi pagkatapos naming kumain dahil medyo hapon na kasi at baka ma-late lami ng uwi. 

Hindi ko mapigilan ang pang-aasar sa kanya habang bumabyahe kami. 

Nang makarating kami ng bahay ay niyaya ko iyong pumasok muna pero tumanggi ito dahil meron pa siyang kailangang asikasuhin sa hospital nila.

"Oh, tol! Pasok ka muna." pagyayaya ko rito.

"'Wag na tol! E kumusta mo na lang ako kina tita, tito, at Spencer. May aasikasuhin pa kasi ako sa office."

"Ahh okay, so goodbye na?" sabi ko sa kanya pero hindi pa ako bumababa ng kotse.

Ewan ko pero feeling ko medyo tumahimik ang paligid at nakikipagramdaman lang kaming dalawa.

Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse at hindi ko rin alam kung bakit, siguro nahihiya ako sa kanya kaya hindi ako makapag open ng topic at siya naman ay naghihintay lang. Babasagin ko na sana ang katahimikan ng bigla siyang nagsalita.

"Tol?"

"H-ha?!" tanging nasagot ko sa kanya.

"Bukas ulit?" wika nito habang ngumingiti ng pagkatamis-tamis at talagang ang gwapo niya tignan.

Natulala akong bigla dahil sa kanya. Haysst...

"Akin ka na la..." hindi ko na natapos nang napagtanto kong nasabi ko pala ito sa harap niya.

"Tol? Ano 'yun?" pagtatakang tanong nito sa akin.

"Ha? Ikaw! Akin! Wala, wala! Mauna na 'ko!" sabi ko sabay nagmamadaling lumabas sana ng kotse pero hindi ko pa pala natanggal ang seatbelt ko kaya hindi ako nakagalaw.

Biglang inilapit ni Bryell sa akin ang kanyang katawan, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong kabahan dahil sa lapit ng distansya niya sa akin.

Papalapit ng papalapit siya sa akin habang ako naman ay hindi na makagalaw sa kinauupuan at parang istatwang naninigas.

Sobrang lapit na ng mga mukha namin, tinignan niya ako sa mata at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapapikit dahil parang kakawala ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. 

Ramdam na randam ko na ang mainit at mabango niyang hininga sa pisngi ko. Akala ko'y hahalikan na niya ako nang bigla siyang nagsalita.

"Tatanggalin ko lang seatbelt mo." 

Agad akong dumilat dahil sa sinabi n'yang 'yun. Sobrang nahihiya ako dahil meron pa akong papikit-pikit effect na nalalaman. 

Plano ko sanang itulak s'ya at magpanggap na naiirita para matakpan pa ang kahihiyan ko pero bigla niya hinawakan ang magkabila kong kamay.

Hindi ko maiwasang tignan siya sa mata at t'syaka ko lang nalaman na kanina pa pala ito nakatitig sa akin. 

Hindi ko na magawang umimik pa sa mga sandaling 'yun, maging mag-isip ay hindi ko na magawa. 

Parang huminto ang paligid at feeling ko kami lang dalawa ang tao sa mundo. 

Dahan-dahan niyang inilapit ng kanyang mukha hanggang sa ramdam na ramdam ko na ang napakainit niyang hininga. 

Hindi ko na mapigilang mapapikit ulit at dahan-dahang naglapat ang aming mga labi.

Para kaming lumilipad ng mga sandaling 'yun. 

Tanging naririnig ko na lang ay ang tibok ng puso naming dalawa. 

Nang hiniwalay na niya ang kanyang labi sa akin ay hindi ko magawang tignan siya sa mukha.

Alam kong dapat ay maging masaya ako dahil ang halik na 'yun ang pahiwatig na meron din s'yang nararamdaman sa akin. 

Pero sa halip na pag-usapan namin ang mga bagay-bagay ay sa 'di malamang dahilan bigla akong nagmadaling bumaba ng kotse at umalis ng walang imik-imik.

Tinawag ako ni Bryell pero hindi ko ito nilingon at patuloy lang sa paglalakad patungo sa gate namin, napakalapit lang nito pero parang ang feeling ko ang layo kaya lakad-takbo ang ginawa ko.

Rinig ko pa rin ang pagtawag ni Bryell sa akin pero hindi magawa ng katawan kong lumingon, para akong nakaramdam ng kahihiyan sa 'di ko malamang dahilan.

Ewan ko! Basta ang alam ko lang. Hinalikan ako ng taong gusto ko at ang saya-saya ko dahil do'n. Siguro nabigla lang ako pero alam kong paguusapan din namin ang tungkol sa nagyari. Bahala na si Lord ang magtakda.

Related chapters

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 7 — BRYELANA (Balon)

    BRYELL "Goddamn Bryell, you're so stupid! Why did you suddenly kiss her, huh? What do you expect, sempre magagalit sya. You are bestfriends! Ba't ang tanga-tanga mo?" I can't help to bump my own head to the steering wheel because of my stupidity earlier. Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginawa ko kanina at hinalikan ko si Eilana. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagpigil. Her eyes seems like hypnotising me while my lips wanted to have hers! "Oh God Bryell, ano ba'ng pinag-iisip mo?" wika ko sa sarili. Aaminin kong matagal ko nang na-realized na mahal ko siya. No'ng una akala ko I'm not attracted to her and I just love her as my bestfriend pero ngayon iba na. Napatunayan ko na! Kaya pala wala akong interest sa ibang mga babae, because I already found her at ang tadhana n

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 8 — BEACH (Unang Pagkikita)

    "Peep! Peep! Peep..." Rinig na rinig namin sa loob ng bahay ang malakas na busina ng kotse na nangagaling sa labas ng gate. "Spencer anak! Mukhang narito nang sundo mo." pagtawag sa akin ni nanay. "Opo! Nay. Palabas na po." Pagkatapos kong e double check ang mga dadalhin ko ay kaagad na 'kong lumabas ng kwarto para sana puntahan sila Raffy at Larah sa labas ngunit pumasok na pala ang mga ito sa bahay kaya nasalubong ko sila sa sala kasama nila si tatay at ate, habang si nanay naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal. "Oh! Tayo na?" sabi ko habang dala-dala ang isang backpack na naglalaman ng mga damit ko at bitbit ko rin ang dilaw na salbabidang may desinyong bibe na binili sa akin ni nanay noon pa atang seven years old ako. Biglang natahimik ang buong bahay ng makita nila ako. Hindi ko alam pero tinignan lamang nila akong may gulat sa mga mu

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 9 — MULING PAGKIKITA

    Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Nakatayo akong habang tinitignan lamang ang lalaking sumuka sa akin kanina. "Hoy! Spencer! Tanga ka ba? Hindi mo naman kilala 'tong taong 'to eh, bakit ka pa-hero?" sermon ko sa sarili. Sinampal ko ang sarili kong mukha nang mahimasmasan. "Aray! Putcha, napalakas tuloy." Bakit ko ba kasi tinutulungan 'tong taong 'to? Tanga na ba 'ko? Pa'no kong makasuhan pa 'ko ng tresspassing? Hay naku! Bahala na nga, aalis din naman ako kaagad pagkatapos nito. Pinagpatuloy ko ang paghatak sa kanya patungong sala nila. Medyo mabigat ito kaya sobrang hiningal ako matapos kong malagay siya sa sofa. Tumayo lamang akong nakapamewang habang hingal na hingal. Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng ginaw. Naalala kong nakahubad pala ako ng pang-itaas.

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 10 — CAMPUS CRUSH (Aaron is back!)

    SPENCER "Hey guys! Whaaaat's UP!" biglang sulpot ni Richard na naging dahilan ng pagkagulat naming tatlo. Nandito kaming tatlong magkakaibigan sa cafeteria at antok na antok. Hindi kami masyadong nakatulog kagabi dahil itong si Larah ay ayaw pang tumigil sa pagkanta sa KTV ng hotel nila. Tapos maaga pa kaming nagising para makaabot kami sa klase namin, hindi kasi kami umuwi kahapon dahil late na kami natapos sa paggagala at ayaw pa umuwi ng dalawa. Nagpaalam naman ako kina nanay at tatay na hindi pa ako makakauwi at pumayag naman sila. Umupo si Richard sa tabi ko na may nakakalokong ngisi. Sinamaan naman ito ng tingin ni Larah at inirapan. "Napaka maldita talaga nitong babaeng 'to!" simangot naman ni Richard. "Sa'n ba kayo galing at para kayong lantang gulay?" ani Richard at tumingin sa ak

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 11 — BRACELET

    SPENCER "Ano bang akala niya sa sarili niya? May-ari ng University! Dapat pa nga mag slow down siya eh, kasi eskwelahan 'yun! Nakakainis siya, ako pa 'yung masama?" Nandito ako ngayon sa kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi ko lang maintindihan eh! Bakit niya ako ginanon? Ako nga na hindi pa siya kilala ay tinulungan siya. Tapos 'yun igaganti niya sa'kin. Naiintindihan ko naman na namatayan siya at naawa ako sa kanya. Pero below the belt naman ang pagka-bitter niya. Nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, medyo nasaktan talaga ako sa ginawa niya sa akin kanina. Nag assume kasi akong magiging maganda ang magiging una naming interaction. Pero ang nangyari, hindi! Sa totoo lang dahil sa kanya nagkaroon ako ng confusion sa sarili ko. Pero inisip kong mabuti, okay lang! Magigin

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 12 — CONDO

    AARON "Are you out of your mind Aaron?! Bakit ba napakatigas ng ulo mo?!" bulyaw ni Daddy sa akin. Ramdam ko ang galit niya pero nakapagdesisyon na ako at hinding-hindi ko na babaguhin 'yun! "I think of it many times dad! Nakapag decide na'ko and I will never change it anymore." walang emosyon kong tugon sa kanya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko kayang tignan siya sa mukha. Masakit sa akin ang ginagawa niyang pagtutol sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. "Wow! See! Nagiging bastos ka na rin!" "Pwede ba dad! Just for once pagbigyan n'yo ko sa gusto kong gawin sa buhay ko! I'm not a robot for you to control!" "Let you?! Let you what! Ruin your life by singing in cheap resto?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa daddy ko. Alam kong hindi ako dapat magalit sa kanya pero labis

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 13 — NEIGHBORHOOD

    SPENCER "Ti tit, ti tit, ti titt..." Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Sinubukan kong hindi pansinin ito at bumalik sa pagtulog dahil sobra pa rin ang antok ko sa katawan. "Hmmm... Shut that fucking alarm!" ungol ni Larah. Hindi ko na rin nakayanan ang ingay dahil ako ang malapit dito kaya kinapa ko ito at pinatay. Kaming tatlo nina Raffy at Larah ang natulog dito sa kwarto habang si Richard naman ay sa kabila. Si Larah dapat ang matutulog do'n pero nauna na itong humandusay sa kama kaya nagpalit na lang sila ni Richard. Nasa makabilang gilid kaming dalawa ni Larah habang napapagitnaan namin si Raffy. Nakaka-inis nga 'tong si Raffy kasi sobrang likot matulog. Kung alam ko lang sana do'n na rin ako natulog sa kabilang kwarto. Hindi naman ako nagpuyat, kasi bawal sa akin. Pero p

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 14 — MUSIC CAMP

    "GOOD DAY EVERYONE! Welcome in Music Camp 2021" masayang pagbati sa amin ng president ng music club na si ate Joyce. Nagpalakpakan at Naghihiyawan kaming lahat dahil sa taas ng energy sa buong lugar. Araw ng sabado ngayon at nandito kami sa university. Nagsimula na ang opening program pero wala pa rin sina Larah at Raffy. Dahil sa pagkainip sa paghihintay sa kanila, naisip kong tawagan ang dalawa. "Spence! On the way na kami." sabi kaagad ni Raffy matapos niyang sagutin ang tawag ko. "Ahh... Sige, kayo talaga 8 am usapan." wika ko. "Hello, Spencey. Si Larah 'to! Meron pa kasi akong dinaanan sorry. Pero papunta na kami." "Hmm... Okay lang, wala namang problema. Dalian n'yo ha! Segi na baba ko na, hintayin ko na lang kayo." ani ko. Alas otsyo emedya nagsimula ang opening pogram

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.4 — BOOK 1 FINALE

    AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.3 — BOOK 1 FINALE

    “Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.2 — BOOK 1 FINALE

    ***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin

DMCA.com Protection Status