Home / All / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 3 — PIGHATI

Share

KABANATA 3 — PIGHATI

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2021-04-02 14:39:26

EILANA

Nandito kami ni tatay sa Veterinary Clinic, para kunin na si Xander. Ngayong araw kasi ang sabi ng vet na pwede na namin siyang iuwi. Akala ko nga meron pa rin itong sakit dahil matamlay pagdating namin, pero nakakatuwa kasi bigla itong sumigla nang makita kami ni tatay.

"Ohhh Xander! Ang Xander namin excited nang umuwi." paglalambing ko rito, sinagot naman niya ng masiglang tahol at paggalaw sa buntot.

Nakikipag-usap si tatay sa vet at nagtatanong kung ano ang dapat naming gawin nang hindi na magkasakit pa si Xander.

Sa kalagitnaan ng paglalaro ko sa aso ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko agad ito at tinignan. Si Bryell pala.

"Hello tol? Kumusta! Anong atin?" pagbati ko sa kanya.

"Tol asan ka ngayon? Kain tayo sa labas libre kita. Wala kasi akong kasama dito eh." sabi nito sa kabilang linya.

"Tol naman eh, nagbabawas nga ako timbang ngayon, nag da-diet ako tapos pagkain na naman 'yang pinagsasabi mo." wika ko sa kanya.

"Diet ka jan. Sexy ka naman sa shape mo ngayon ha. San ka ba kasi susunduin kita." 

Kinilig naman ako ng very very slight sa sinabi niyang 'yun. Pero slight lang talaga promise. Hahaha

"Bolero ka talaga! Nasa vet kasi kami ngayon ni tatay." ani ko.

"Bakit? Nagpa check up ka?" pang-aasar nito sa kabilang linya. 

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano ako aso?

"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa yun? Pinupuri mo ko kanina tapos babawiin mo rin naman. Bwesit ka talaga." inis kong sabi rito.

"Hahaha, sorry na! Basta ha, susunduin kita maya-maya text mo na lang sakin ang address."

"Segi na! Bye! Bahala ka dyan!" tampo-tampuhan ko, pero ang totoo nagpapapansin lang naman.

"Wag kana magalit, ililibre na nga kita eh."

"Segi na mahal kong bestfriend. Ibababa ko na po 'to. Bye." sarkastic na tugon ko dito, diniin ko talaga ang mahal kasi mahal ko naman talaga siya. Ayiee... Landi! Sikreto lang.

"Segi babye na, mahal din kita." biglang sabi nito na nagpakaba ng sobra sa akin. 

Medyo natulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman alam kung may ibig sabihin ba yun o wala, baka ako lang kasi ang naglalagay ng malisya sa bawat paglalambing nito.

Baliw na ba ako? Sabi ko sa sarili.

Hindi ko na inisip pa at baka wala talagang meaning ang sinabi n'yang iyon. Sinawalang bahala ko na lang ito. Pero humihiling rin ako na sana totoo na lang na may feelings rin siya sa akin.

                     • ~ • ~ •

AARON

Tinitignan ko ang bawat alon na humahampas sa dalampasigan. I don't really know why I'm still here. Though this place will only reminds me of Nathalie and the pain of her death, I still always come back.

Maybe I'm still here because of the memories that we have here together. But honestly, remembering every single laugher that we made here is like torturing me. 

Ang maliit na beach house nato ay binili namin ni Nathalie. Dito kasi kami nagpupunta dati no'ng high school para mag relax. That's why after graduation we bought it together. Dito kami nagbabakasyon sa tuwing may panahon para makapag unwind.

We renovated this place and turned it into a private resort for the two of us. I can't afford to leave this place, no matter what I do, I always come back.

Akap-akap ko ang aking tuhod habang nakaupo malapit sa dalampasigan. Inaalala ko ang nangyari matapos kaming ma aksidente ni Nathalie.

Nagising ako no'n sa isang kwarto ng hospital. Sa pagdilat ko ay agad kong naalala ang nangyaring aksidente. 

Sinubukan kong bumangon para sana hanapin ang girlfriend ko. Pero ang mga paa koy tila may bakal na nagpapabigat dito.

Tinanggal ko ang nakabalot na kumot at tumambad sa akin ang paa kong may bendahe at parang may sementong nakalagay. 

Hinanap ko ang cellphone ko para tumawag sana ng tulong pero wala ito, sinubukan ko na sanang ibaba ang mga paa ko nang biglang pumasok ang dalawang taong nag-uusap. 

Pagpasok nilang dalawa sa pintuan ay kaagad ko silang nakilala. 

Si Daddy at Kevin. 

Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila pero kaagad silang tumigil, lumapit naman si Kevin sa akin at kinamusta ako habang si Daddy naman ay hindi man lang lumapit bagkos ay tinignan lang ako nito na para bang isa akong malaking dissapointnent sa buhay niya, umiling pa ito bago tuluyang umalis.

Hindi ko na pinansin iyon at kaagad kong tinoon ang atensyon kay Kevin. 

Agad ko siyang tinanong kung kamusta si Nathalie at nasaan ito, ngunit isang nag-aalinlangang tingin lamang ang itinugon nito sa akin. 

Labis na akong kinakabahan dahil sa ikinikilos ni Kevin ng mga oras na 'yun, walang pag-aalinlangan kong ikinilos ang aking katawan para bumaba sa kama. 

Pipigilan sana ako ni Kevin pero wala rin itong nagawa kundi samahan ako sa kinaroroonan ni Nathalie. 

Kumuha siya ng wheelchair upang sakyan ko at itinulak niya ito. Habang tinatahak na namin ang hallway ng ospital ay pinipilit kong hindi isipin na may masamang nangyari sa girlfriend ko, na sa bawat kwartong madaanan namin ay naroon lang si Nathalie at nagpapahinga.

Pagkalipas ng ilang segundo ay huminto kami sa isang silid. Tinignan ko ang kabuoan nito na nagpakaba sa akin ng lubos.

Nasa morgue kami ng ospital! Tinignan ko si Kevin pero yumuko lamang ito at sa mga sandaling iyon ay pumapasok na sa utak  ko ang lahat. 

Habang itinutulak ako ni Kevin papasakok sa loob ay nanginig ang buo kong katawan, hindi ko na rin mapigipang lumuha sa sikip ng dibdib ko. 

Inilapit niya ako sa isang nakabalot na bangkay. Alam kong ang girlfriend ko iyon, dahan dahan kong tinangal ang puting kumot sa ibabaw nito. 

Nanginginig ng sobra ang aking kamay pero nagawa pa rin nitong tangalin ang kumot. Tumambad sa akin ang girlfriend kong wala ng buhay. Para akong sinakluban ng langit at lupa sa mga sandaling iyon. 

Hindi ko magawang magsalita pa, sobrang sikip ng dibdib ko.

Sumigaw ako dahil sa sakit na nararamdaman, gusto kong manuntok, gusto kong wasakin ang pader na silid na iyon. 

Iniisip ko rin na sana nawala na rin ako sa mundong 'to. 

Biglang nagsalita si Kevin at ang sabi nito ay isang linggo na akong walang malay, habag si Nathalie ay na coma ng ilang araw hanggang sa umaga rin ng araw na iyon ay ideneklara na siyang brain dead. 

Bumabalik ang sakit habang inaalala ko ang sandaling iyon. Ang makitang wala ng buhay ang taong pinakamamahal mo ay parang bangungot na gusto mong matapos na, pero hindi mo kayang gumising!

Ngayon sobrang binabalot ako ng kalungkutan at pag-iisa. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pinapahirapan ko ang sarili ko, alam ko naman kung nasaan man si Nathalie ngayon hindi siya magiging masaya sa mga ginagawa ko, but I don't know how to cope with the pain, four months have passed but the wound still doesn't seem to heal. 

I even wished to bring back time, bring back the moments before the accident and save Nathalie. Kasi sobrang hirap sa'kin ang lahat ngayon, naiwan akong mag-isa at malungkot. 

Iniisip kong bakit ganito ang buhay, bakit kailangang may mawala? Akala ko talaga panghabang buhay na pero bakit ngayon ako na lang mag-isa?

Sa totoo lang, bukod kay mommy at Kevin si Nathalie lang talaga ang nakakaintindi sa akin. 

Siya ang babaeng nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Si daddy kasi parang hindi niya ako anak kung ituring. I really worked hard and still working hard to be his perfect son but all of my efforts seems like wasted. 

Si kuya naman wala palagi, kaya hindi kami gaanong close sa isa't isa. 

Ngayon sa pagkawala ni Nathalie nabawasan na naman ang mga taong nagmamahal sa akin, nabawasan na naman ang pagkatao ko.

                      • ~ • ~ •

"Luv, I love you" mga katagang binitawan ni Nathalie bago tuluyang bumangga ang kotse namin sa puno.

Hindi ko na kayang mag-isip sa sandaling iyon. Tinignan ko lang ang mukha ng girlfriend ko at mahigpit siyang niyakap.

Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng unahan ng kotse sa puno at kasunod no'n ang pagdilim ng paligid. 

"Aaron, luv."

"Aaron, halika anak gumising kana. Wag kang matakot nandito na si mommy. Magiging okay rin ang lahat anak." 

"Luv, nandito lang din ako palagi. Wag kang mag-alala, nasa puso parin kita. Wag kang magpatalo! Diba sabi ko sayo palagi, lahat tayo ay may karapatang lumigaya, hanapin lang natin ang daan patungo sa kaligayang 'yun."

Ang sabi ng mga boses kasabay ng isang napakalakas na puting liwanag na sobrang sumilaw sa akin.

Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko dahil sa napanaginipan kong iyon.

Napanaginipan ko na naman ang aksidenteng nangyari sa amin ni Nathalie. Pero sa pagkakataong ito ay bago sa akin ang mga boses. Alam kong si Mommy at Nathalie iyon pero hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin.

Tinignan ko ang aking paligid. Nasa kwarto ako ngayon ng rest house nakatulog na pala ako. Pinakiramdaman ko ang paligid ng kwarto. Dahil medyo madilim ay binukasan ko muna ang ilaw sa lampshade malapit sa kama, pagkabukas ng ilaw ay nakita ko kaagad ang litrato ni Mommy at Nathalie na nakapatong sa maliit na mesa.

Kinuha ko ito at tinitigan, sobrang namimis ko talaga sila. 

"Luv, anong ibig mong sabihin? Alam ko namang gusto mo akong lumigaya pero paano? Kasi hindi ko na alam kung paano pa." wika ko habang mahigpit na hinawakan ang litrato niya. 

Hindi ko alam kung bakit sinabi niya 'yun sa akin. At hindi ko rin alam kung ano pang magiging buhay ko ngayong wala na si Nathalie sa akin. Sana maging okay ang lahat!

Related chapters

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 4 — RICHARD

    SPENCER "Hi! Mister President! Hahaha" pang-aasar sa'kin ni Larah. "Ano bang mga plataporma mo mister PRESIDENT!" pag-gatong naman ni Raffy at sabay silang nagtawanan. Hindi ko alam kong kaibigan ko ba ang dalawang to o ano. Hahaha. Alam ko namang tunay sila sa akin. Minsan talaga nagkakampihan kami, kaya kawawa 'yung isang walang kakampi. At ngayon ako 'yung minalas sa aming tatlo at walang kakampi. Mag-iisang buwan na rin nang makilala ko ang dalawang to dito sa University and honestly napakasaya rito dahil na rin sa kanila 'yun. Sa totoo lang, hindi pa ako nagkakaroon ng matalik na mga kaibigan. Noong elementary at high school kasi, minsan lang ako kung pumasok sa school, kadalasang modular ako dahil nga sa sakit ko. Ganito pala ang feeling na magkaroon ng mga matatalik na kaibigan, 'yu

    Last Updated : 2021-04-07
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 5 — NATHALIE'S HEART

    RICHARD Muntik ko na tuloy masabi kay Spencer kung sinong donor n'ya kanina. Buti nalang at naalala kong hindi pa pala pwede. Hindi pa alam ng buong Pilipinas ang ginawang pag dodonate ng pamilya Mendoza sa mga organs ni Nathalie. Medyo mainit pa kasi ito sa publiko ngayon kahit maglilimang buwan na ang nakalipas dahil hanggang ngayon ay curios na curios pa rin ang mga fans tungkol sa pagpanaw ng ka loveteam at bestfriend ko. Nang mawala si Nathalie ay 'di ko maikakailang labis din akong nagluksa. Sa walong taon na pagsasama namin ni Nathalie sa industriya, simula 12 years old pa kami sobrang kilala na namin ang isa't isa. Noong una ay akala namin attracked kami to each other, kaya pagtuntong namin ng first year high schoo ay sinubukan naming pumasok sa relasyon pero talagang hindi nag work dahil sa matalik na magkaibigan lang ang tingi

    Last Updated : 2021-04-07
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 6 — BRYELANA (Halik)

    EILANA "Eilana..." "Oh! Mahal kong Eilana!" "Bryell?! Mahal ko? Kiss me!" "I will Eilana! I will..." "Tol! Tol! Tol!" bigla akong nagising mula sa aking pantasya nang tawagin ako ni Bryell. "Ha? Bakit?! Tapos kana omorder?" "Oo, tapos na! At bakit ka naman tulala at may pa nguso-nguso ka pang nalalaman d'yan?" natatawang saad nito sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'yang 'yun. So, para pala akong tanga kanina habang nag iimagine na hinahalikan n'ya ko? Patay! "Ha? Ano ako tanga! Anong ngumunguso, may iniisip lang t'yaka 'di naman ako ngumunguso no! Kumain na nga tayo! Nakakainis ka naman eh!" pagpapalusot ko sa kagagahan na ginawa. Hindi ko alam kong naniniwala ba sa 'kin 'tong lalaking 'to. Pero

    Last Updated : 2021-04-09
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 7 — BRYELANA (Balon)

    BRYELL "Goddamn Bryell, you're so stupid! Why did you suddenly kiss her, huh? What do you expect, sempre magagalit sya. You are bestfriends! Ba't ang tanga-tanga mo?" I can't help to bump my own head to the steering wheel because of my stupidity earlier. Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginawa ko kanina at hinalikan ko si Eilana. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagpigil. Her eyes seems like hypnotising me while my lips wanted to have hers! "Oh God Bryell, ano ba'ng pinag-iisip mo?" wika ko sa sarili. Aaminin kong matagal ko nang na-realized na mahal ko siya. No'ng una akala ko I'm not attracted to her and I just love her as my bestfriend pero ngayon iba na. Napatunayan ko na! Kaya pala wala akong interest sa ibang mga babae, because I already found her at ang tadhana n

    Last Updated : 2021-04-10
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 8 — BEACH (Unang Pagkikita)

    "Peep! Peep! Peep..." Rinig na rinig namin sa loob ng bahay ang malakas na busina ng kotse na nangagaling sa labas ng gate. "Spencer anak! Mukhang narito nang sundo mo." pagtawag sa akin ni nanay. "Opo! Nay. Palabas na po." Pagkatapos kong e double check ang mga dadalhin ko ay kaagad na 'kong lumabas ng kwarto para sana puntahan sila Raffy at Larah sa labas ngunit pumasok na pala ang mga ito sa bahay kaya nasalubong ko sila sa sala kasama nila si tatay at ate, habang si nanay naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal. "Oh! Tayo na?" sabi ko habang dala-dala ang isang backpack na naglalaman ng mga damit ko at bitbit ko rin ang dilaw na salbabidang may desinyong bibe na binili sa akin ni nanay noon pa atang seven years old ako. Biglang natahimik ang buong bahay ng makita nila ako. Hindi ko alam pero tinignan lamang nila akong may gulat sa mga mu

    Last Updated : 2021-04-11
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 9 — MULING PAGKIKITA

    Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Nakatayo akong habang tinitignan lamang ang lalaking sumuka sa akin kanina. "Hoy! Spencer! Tanga ka ba? Hindi mo naman kilala 'tong taong 'to eh, bakit ka pa-hero?" sermon ko sa sarili. Sinampal ko ang sarili kong mukha nang mahimasmasan. "Aray! Putcha, napalakas tuloy." Bakit ko ba kasi tinutulungan 'tong taong 'to? Tanga na ba 'ko? Pa'no kong makasuhan pa 'ko ng tresspassing? Hay naku! Bahala na nga, aalis din naman ako kaagad pagkatapos nito. Pinagpatuloy ko ang paghatak sa kanya patungong sala nila. Medyo mabigat ito kaya sobrang hiningal ako matapos kong malagay siya sa sofa. Tumayo lamang akong nakapamewang habang hingal na hingal. Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng ginaw. Naalala kong nakahubad pala ako ng pang-itaas.

    Last Updated : 2021-05-27
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 10 — CAMPUS CRUSH (Aaron is back!)

    SPENCER "Hey guys! Whaaaat's UP!" biglang sulpot ni Richard na naging dahilan ng pagkagulat naming tatlo. Nandito kaming tatlong magkakaibigan sa cafeteria at antok na antok. Hindi kami masyadong nakatulog kagabi dahil itong si Larah ay ayaw pang tumigil sa pagkanta sa KTV ng hotel nila. Tapos maaga pa kaming nagising para makaabot kami sa klase namin, hindi kasi kami umuwi kahapon dahil late na kami natapos sa paggagala at ayaw pa umuwi ng dalawa. Nagpaalam naman ako kina nanay at tatay na hindi pa ako makakauwi at pumayag naman sila. Umupo si Richard sa tabi ko na may nakakalokong ngisi. Sinamaan naman ito ng tingin ni Larah at inirapan. "Napaka maldita talaga nitong babaeng 'to!" simangot naman ni Richard. "Sa'n ba kayo galing at para kayong lantang gulay?" ani Richard at tumingin sa ak

    Last Updated : 2021-05-29
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 11 — BRACELET

    SPENCER "Ano bang akala niya sa sarili niya? May-ari ng University! Dapat pa nga mag slow down siya eh, kasi eskwelahan 'yun! Nakakainis siya, ako pa 'yung masama?" Nandito ako ngayon sa kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi ko lang maintindihan eh! Bakit niya ako ginanon? Ako nga na hindi pa siya kilala ay tinulungan siya. Tapos 'yun igaganti niya sa'kin. Naiintindihan ko naman na namatayan siya at naawa ako sa kanya. Pero below the belt naman ang pagka-bitter niya. Nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, medyo nasaktan talaga ako sa ginawa niya sa akin kanina. Nag assume kasi akong magiging maganda ang magiging una naming interaction. Pero ang nangyari, hindi! Sa totoo lang dahil sa kanya nagkaroon ako ng confusion sa sarili ko. Pero inisip kong mabuti, okay lang! Magigin

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.4 — BOOK 1 FINALE

    AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.3 — BOOK 1 FINALE

    “Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.2 — BOOK 1 FINALE

    ***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status