Home / All / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 1 — BAGONG BUHAY

Share

KABANATA 1 — BAGONG BUHAY

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2021-04-02 10:08:51

FOUR MONTHS LATER

Four months later...

SPENCER

"Nay! Nay! Pahingi po ng t'walya." sigaw ko mula sa banyo.

Hayst... Napaka-makakalimutin ko talaga hindi ko na naman nadala 'yung t'walya at mga damit na hinanda ko kanina.

"Hay naku Spencer! Ang laki-laki muna pero lagi mo na lang nakakalimutan magdala ng t'walya sa banyo." pagpapangaral sa akin ni nanay habang papalapit sa pinto ng banyo.

Bahagya ko itong binuksan nang mailabas ang aking kamay at makuha ang t'walyang pamunas.

"Nay naman, hindi naman parati." wika ko habang nasa loob ng banyo at pinupunasan ang basa kong katawan.

Pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong pumunta sa kusina para mag-almusal, dahil medyo nagugutom na rin ako.

"Pogi natin nak ha! Bihis na bihis, sa'n ba punta natin?" tanong ni nanay sa akin na ngayon ay nagkakape sa lamesa.

"Si nanay, nambola pa talaga." ngisi kong tugon rito.

"Hahaha, san ba punta mo?" 

"Hala nanay naman. Diba sabi ko sayo kagabi, na ngayon na 'yung enrollment sa PSU. Excited na nga ako eh! Sana nay no! Maging adogado talaga ako balang araw. Meron ka nang anak na attorney! Si Atty. Spencer Dela Cruz. Galing non nay diba?" saad ko habang eni-imagine ang sariling isa nang ganap na abogado.

Hindi ko alam pero simula pagkabata ay hilig ko na talaga ang manood ng mga palabas kapag isang abogado, detective, o kaya'y pulis ang character, Iniisip ko kasing ako 'yung palaban na bida. Siguro dahil sa tingin ko napaka astig, independent, at napakalakas ng personalidad na pinapakita kapag isa kang pulis, detective, o kaya'y abogado. Naiisip ko kasi noon na sana gano'n ako kalakas — walang sakit, para di na mag-alala pa sina nanay, tatay, at ate.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni nanay habang nag-aalmusal ay lumabas na si ate sa kwarto niya.

"Good morning!" masiglang bati nito sa amin at kaagad na umupo. 

"Good morning ate, halika kain ka na! Ang sarap ng ulam! Luto kasi ni nanay." alok ko sa kanya na sinabayan pa ng pambobola kay nanay.

Tanging ngiti na lamang ang initugon ni nanay sa amin.

"Oo nga eh, mukhang masarap." abot sa tenga ang ngiti ni ate habang tinititigan ang tocino at longanisang gawa ng aming ina.

Paborito kasi namin ito dahil sobrang sarap, si nanay kasi mismo ang gumawa at syempre nagtimpla ng mga ito.

"Hala... Sige ate, kain nang tumaba ka't hindi na talaga mapansin ni doc Bryell." pang-aasar ko kay ate. Lagi na lang kasi itong nagpa-promise sa sarili niya na magbabawas ng timbang pero laging hindi natutupad, dahil sa parating masarap ang luto ni nanay.

Hindi naman siya overweight at sakto lang ang katawan, pero gusto kasi nitong ibalik ang dati niyang hugis. Medyo napabayaan kasi n'ya simula no'ng mag resign siya bilang model at  tuluyang tinuloy ang pagiging civil engineer.

"Ikaw bunso ha! Sama ng ugali mo sa 'kin, ate mo ko ha! Baka nakakalimutan mo." sinimangutan niya ako tanda ng pagkainis.

"Joke lang, alam mo namang lab parin kita kahit mas matimbang ka sa akin." biro ko sa kanya at sabay kaming nagtawanan ni nanay.

"Ayoko na, Bahala kayo jan."  ngumuso na lamang ito ma parang bata.

"Para rin naman sayo 'yan no. Sabi mo nga sa akin kagabi na always kitang ere-remind sa diet at workout mo diba? Promise ka ng promise, pa'no ka mapapansin ni doc n'yan."

"Kanina ka pa ha. Hindi ako nagpapa-cute kay Bryell no! At isa pa bestfriend ko siya kaya hindi kami talo." diin nito upang pagtakpan ang pagtingin niya kay doc Bryell. Alam ko namang crush ni ate si doc Bryell, hindi lang niya sinasabi dahil matagal na silang mag bestfriend.

"Nak, aminin mo na alam na namin. At isa pa nasa tamang gulang kana para mag-asawa." biglang pagsali ni nanay sa tuksuhan namin ni ate.

"Hala! Nanay! Eh, hindi pa nga kami, pag-aasawa na kaagad sinasabi nyo." wika ni ate na halatang naha-hotseat na sa ginagawa namin.

"Tumigil ka! Sa bibig mo na mismo nanggaling oh! HINDI PA NGA KAMI! So gusto mo maging kayo! Alam mo nak ang tanda mo na, mag tu-twenty five kana ngayong November. Magpahalata kana kay Bryell, tutal matagal na naman akong boto jan eh."

Dahil sa sinabing 'yun ni nanay ay biglang namula si ate. Hindi ito nakaimik at halatang pinipigilan ang pag-ngiti.

"Hala, si ate. Ba't ka ganyan? Bespren pala ha... Huli kana, hahaha." pinagpatuloy ko naman ang pang-aasar sa kanya.

"Oo na. Crush ko na siya. Wala namang masama do'n diba? Tapos paghanga lang naman, sino naman ang di hahanga sa kanya." pagtatangol nito sa sarili.

Tinignan lang namin siya ni nanay na ani mo'y pinipigil ang pagtawa.

"Tama na nga! kayo talaga, ako nakita n'yo ngayon ha. Pinagkaisan n'yo ko! Humanda kayo, 'san na ba 'yun si tatay. Eba-backup ko 'yun." sabi nito habang tumitingin sa paligid.

"Oo nga, asan ba si tatay, nay? Diba sabay kayo palagi gumising? Wala ba kayong pasok ngayon?" taka kong tanong kasi usually silang dalawa ni tatay ang gumigising ng maaga at naghahanda ng almusal dahil parehas silang maaga ang pasok sa trabaho, pero ngayon alas nuebe na ng umaga pero nandito pa rin si nanay.

"Nag leave kasi kami ng tatay mo nak, magpapahinga lang sana kami kahit isang araw lang. Pero ang tatay kanina, maagang dinala si Xander sa vet kasi may sakit kahapon pa." pagpapaliwanag nito.

"Napansin ko nga kahapon nay, matamlay si Xander." wika ni ate.

Si Xander ay ang pinakauna at nag-iisang aso namin dito sa bahay, binili namin siya ni ate. Gusto kasi namin magkaroon ng aso at nakita namin siya sa isang petshop, pero medyo mahal kaya pinag-ipunan talaga namin para mabili siya. Nakakatawa nga kasi lagi kaming pumupunta sa shop na 'yun araw-araw baka kasi bilhin s'ya ng iba. Hindi alam ni nanay 'yun, dahil ayaw niya ng mga alaga, pero nang makita na niya ito mas naging close pa tuloy sila. Isa siyang Chihuahua, medyo matagal na siya sa amin kasi grade three pako no'ng bilhin namin siya. Thirteen years old na nga siya ngayon eh, kasi two years old na siya nung binili namin tapos eleven years na siya sa amin.

"Okay lang 'yan, tingin ko simpleng sipon lang 'yun ng aso." ani nanay.

"Ate sabay na ako sayo ha." pagpapacute ko kay ate, para makasabay sa kanya papuntang PSU, madadaanan lang naman niya kasi ang university.

"Bakit san ka ba?" tanong nito.

"Magpapa enrol ako sa PSU." sagot ko naman sa kanya.

"Segi, no probs. Madadaanan lang naman ang PSU papuntang site eh. Pero bilisan mong kilos mo ha. Ang lamya mo pa naman."

"Okay! Nice..." masayang sabi at nagpatuloy na sa pagkain.

Umalis kami ni ate ng magkasabay sa bahay, sumakay ako sa kotse niya papuntang Pantukan Science University habang siya naman ay papunta sa pinamamahalaan niyang construction site. 

Pagkarating ko sa University ay namangha kaagad ako sa laki at lawak nito. Mas na-excite pa tuloy ako dahil sa nakita, hindi ko mapigilan ang tuwa ng sa wakas ay isa na akong college student, pero alam ko naman na talagang mahirap ang pagdadaanan ko para matapos ang kursong kukunin ko pero hindi ko na dapat isipin 'yun, ang importante magagawa ko na ang mga gusto kong gawin dati pa na hindi ko magawa-gawa dahil sa sakit ko.

Agad kong hinanap kung saan ang registrar office ng university, sa lawak nito tiyak na maliligaw ang hindi pamilyar sa paaralan. Buti na lang at na organize nila ng mabuti ang enrollment. Sa entrance pa lang ay naglagay na sila ng mapa ng buong university at direksyon kung saan pupunta kung magpapa-enroll. At sa daanan naman ay merong mga signage na nakalagay at mga Supreme Student Government na nakabantay upang maging guide sa mga magpapa-enroll.

Habang naglalakad ako ay may biglang lumapit sa akin na isang babae. Hindi ko siya kilala pero sigurado akong member ito ng Supreme Student Government dahil sa suot na t-shirt niya.

"Hi, I'm Larah! Larah Navarro, how may I help you ses?" bilang sabi nito.

Medyo naguluhan ako sa kanya, hindi ko kasi ma-gets kung bakit ses ang tawag niya sakin, pero inisip ko nalang na baka ganon siya sa lahat.

"Ha? Ahhh ehh... magpapa-enroll sana ako." tanging tugon ko sa kanya sabay kamot sa ulo.

"Oww sure, dadalhin kita don, sino pa ba ang matutulungan kun'di tayong mga magaganda." wika nito. 

Bakit siya ganito? Mukha ba akong bading? Sa isip-isip ko.

Nang makaabot na kami sa registrar ay nagpaalam kaagad si Larah.

"Oh, we're already here! Aalis na 'ko " sambit nito sa akin.

"Ano ba pangalan mo ses? Kanina pa tayo magkausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Ahhh. Hehe. Spencer pala." sabay abot ng kamay ko sa kanya. 

"Seryoso?" biglang sabi nito, naguluhan naman ako kung anong ibig niyang sabihin dun.

"Ahh... Ha? Bakit?" nalilito kong tanong dito.

"Ses, 'wag ako. You're gay, aren't you? Ganyang ganyan rin 'yung mga ex kong beki pala. Mga gwapo pa naman kayo, jusko! Sayang! No offense ha, sayang lang kasi 'di ko kayo matitikman — Charot! Pero okay lang, the more the merrier 'di ba?" halakhak na kwento nito.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tama nga ako ng hinala, kanina pa talaga siya nag-iisip na bakla ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, kung maiinis ba ako o matatawa.

"Ahh.. Larah, right? Hindi ako bakla, hahaha." tanging patawang tugon ko dito dahil medyo nahihiya pa ako sa kanya.

"Weeeehh..."

Tinignan ko lamang siya upang ipahiwatig na hindi ako nagbibiro.

"Seryoso ka?" itinaas nito ang kanya isag kilay at umikot-ikot sa akin.

"Tignan mong balat mo!" sinunod ko naman siya at tinignan ang aking balat sa braso.

"Mas makinis pa siguro sa akin!"

Bigla nitong inamoy ang aking likuran at nagsalita. "And your perfume is pambabae. Tell me! Hindi ka bakla?"

"Ha? Pagmedyo makinis ang lalaki at pambabae ang scent ng perfume bakla agad? Hindi kasi ako lumalabas ng bahay at sa ate ko 'tong perfume, humingi lang ako. Judgemental mo!"

"Hay naku! In denial ka pa, but it's okay bahala ka, bye Spencer see you around." pagpapaalam nito sa akin.

Ngunit bigla itong tumigil at lumingon ulit.

"Spencer, get out to your closet girl. Baka ma lock ka jan. Madaming namamatay sa closet. Baka magmulto ka pa." sabi nito sabay alis.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya pero nagtinginan ang ibang studyante sa akin at bahagyang nagtawanan.

Sinawalang bahala ko na lang iyon at agad na pumila para makapag enroll.

Madali akong natapos dahil mabilis ang kanilang pag process sa enrollment kaya agad akong pumunta sa cafeteria ng university dahil medyo nagugutom na rin ako. Malapit lang rin naman ang Cafeteria nila dahil katapat lang ito ng registrar office.

Habang pumipila ay narinig ko ang ilang studyante na nagbubulungan. Na para bang mayroon silang pinag chichismisan. Hindi ko na lang pinansin at nag-isip ng ibang bagay.

Biglang lumakas ang pagbubulungan ng mga ito, sabay tingin sa labas na para bang may hinihintay o may celebrity na tinatanaw.

Sa labis na pagka-curios ko ay nilakasan ko na ang aking pandinig at pinilit na makinig sa dalawang babaeng nag-uusap sa gilid ko.

"Bhe. Ang galing, dito na talaga mag-aaral si Richard San Jose. 'Yung sikat na artista." sabi nung isa.

"Talaga bhe, akala ko talaga chismis lang, nae-excite na tuloy ako. Madadagdagan na naman ang mga gwapo at tunay na lalaki dito. Kasi ng iba jan gwapo nga, pero gwapo rin ang hanap. Ayoko na ma scam. Hahaha" sabi pa ng isa, sabay tingin sa akin at nagtawanan silang dalawa.

Agad akong umiwas ng tingin at nagpatay malisya. 

Ako ba ibig sabihin ng mga babaeng to? Napaka judgemental ng mga to ha, sarap tahiin ng mga bibig. Inis kong sabi sa sarili.

Pero hindi ko naman kilala kung sinong Richard ang tinutukoy nila, hindi naman kasi ako nanonood ng tv simula nang mahilig ako sa anime at hollywood movies. Kaya hindi ko na kilala ang mga bagong artista sa Pilipinas.

Nang ako na ang nauna sa pila ay agad akong nag-order ng pagkain, tinignan ko ang relo ko at medyo tanghali na kaya napagdesisyunan kong e-take out na lang ang mga inorder ko para sa bahay na kumain. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga para magprepare para first day ng klase bukas. Huling araw kasi ang schedule ko para sa enrollment, nag set kasi ang university ng appointment sa bawat isa sa aming mga enrollees para maging organize lahat.

Habang naglalakad ako palabas ng Campus para sana sumakay ng taxi sa waiting area ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Spencer! Spencer!" 

Hinanap ko ang tumatawag sa akin, nagpalingon-lingon ako hanggang sa mahanap ito.

Si Larah pala, 'yung tumulong sa akin kanina. Kaway ng kaway ito habang nasa loob ng sasakyan. Inilabas lang niya ang kanyang ulo at kamay sa bintana ng frontseat.

Huminto ang sasakyan nila sa kinatatayuan ko.

"Oy, sabay kana sa amin. San ba sa inyo?" alok nito.

"Ahh... Wag na salamat, baka iba daan nyo." tinanggihan ko pa sana ito dahil nahihiya ako sa kanila ng kasama niya.

"Taga san kaba?" dagdag na tanong nito.

"Sa Cabalio street ako sa may Conchita, 'wag na baka kasi maabala ko pa kayo ng boyfriend mo." sabi ko na lang, nahihiya kasi talaga ako, tapos hindi pa kami gaanong magkakilala. 

"Edi Super duper nice... Cruz homeowners Subdivision kami, magkatabi lang lugar natin. At isa pa hindi ko 'to boyfriend pinsan ko to. Raffy say hi to our new buddy, Spencer! Spencer meet couzy, Raffael Navarro Gonzales." masayang saad nito. 

"Hi Spencer." pagbati sa akin ng kasama niya.

Tanging ngiti at kaway nalang ang naitugon ko rito.

"It's okay Spence, Come on don't be shy. We're already know each other, right? We're not strangers anymore, so come we'll give you a ride." panghihikayat sa akin ni Raffael.

"Wag kang mag-alala, mukha lang tong aso ang pinsan ko, pero hindi siya nangangagat." dagdag pa ni Larah na nagpatawa sa akin.

Nawalan na ako ng palusot at wala narin akong magawa kundi pagbigyan na lang sila at sumakay na sa likuran ng kotse.

Inihatid na nga ako ng dalawa. Ang galing lang kasi naka save pa ako ng pera.

Nang makauwi na ako ng bahay ay agad kong inihanda ang mga gamit at susuotin ko bukas. Medyo excited narin kasi ako kaya sobra ang paghahanda ko, hindi naman siguro ako nag-iisa no! Normal lang naman sa mga estudyante na ma excite sa first day of class, kahit ang iba, hindi na pumapasok sa kalagitnaan.

Opss sa matamaan.

Iniisip ko ano kaya ang mangyayari sa akin bukas? Sana maging maayos at masaya ang college life ko?

Related chapters

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 2 — PASUKAN

    "Bro, I think it's enough, let's go! I'll take you home." paulit-ulit na pangungumbinsi ni Kevin sa kaibigang kanina pa lasing. Nasa isang bar and dalawang magkaibigan. Dinala kasi ni Aaron si Kevin dito para uminom ng alak at magpakalasing. Nung una ay tinanggihan siya ng kaibigan, pero walang nagawa si Kevin kun'di sumama na lang, baka kasi pumunta ito mag-isa at mapa-trouble pa. "Bro, I brought you here to company me to drink and enjoy. And now, you didn't even taste your drink! Come on. I'm not drunk okay! So don't worry. Now you KJ bastard drink this." lasing na sabi nito, sabay abot sa isang basong alak. "Aaron, bro! I'm not a Kill Joy. I'm just concerned about you. You look like a mess since Nathalie had passed away, yo..." Hindi na nito pinatapos ang kaibigan at nagsalita. "Then what would I do Kevin? You don't understand me, do you?

    Last Updated : 2021-04-02
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 3 — PIGHATI

    EILANA Nandito kami ni tatay sa Veterinary Clinic, para kunin na si Xander. Ngayong araw kasi ang sabi ng vet na pwede na namin siyang iuwi. Akala ko nga meron pa rin itong sakit dahil matamlay pagdating namin, pero nakakatuwa kasi bigla itong sumigla nang makita kami ni tatay. "Ohhh Xander! Ang Xander namin excited nang umuwi." paglalambing ko rito, sinagot naman niya ng masiglang tahol at paggalaw sa buntot. Nakikipag-usap si tatay sa vet at nagtatanong kung ano ang dapat naming gawin nang hindi na magkasakit pa si Xander. Sa kalagitnaan ng paglalaro ko sa aso ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito at tinignan. Si Bryell pala. "Hello tol? Kumusta! Anong atin?" pagbati ko sa kanya. "Tol asan ka ngayon? Kain tayo sa labas libre kita. Wala kasi akong kasama dito eh." sabi nito sa kabilang linya. "

    Last Updated : 2021-04-02
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 4 — RICHARD

    SPENCER "Hi! Mister President! Hahaha" pang-aasar sa'kin ni Larah. "Ano bang mga plataporma mo mister PRESIDENT!" pag-gatong naman ni Raffy at sabay silang nagtawanan. Hindi ko alam kong kaibigan ko ba ang dalawang to o ano. Hahaha. Alam ko namang tunay sila sa akin. Minsan talaga nagkakampihan kami, kaya kawawa 'yung isang walang kakampi. At ngayon ako 'yung minalas sa aming tatlo at walang kakampi. Mag-iisang buwan na rin nang makilala ko ang dalawang to dito sa University and honestly napakasaya rito dahil na rin sa kanila 'yun. Sa totoo lang, hindi pa ako nagkakaroon ng matalik na mga kaibigan. Noong elementary at high school kasi, minsan lang ako kung pumasok sa school, kadalasang modular ako dahil nga sa sakit ko. Ganito pala ang feeling na magkaroon ng mga matatalik na kaibigan, 'yu

    Last Updated : 2021-04-07
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 5 — NATHALIE'S HEART

    RICHARD Muntik ko na tuloy masabi kay Spencer kung sinong donor n'ya kanina. Buti nalang at naalala kong hindi pa pala pwede. Hindi pa alam ng buong Pilipinas ang ginawang pag dodonate ng pamilya Mendoza sa mga organs ni Nathalie. Medyo mainit pa kasi ito sa publiko ngayon kahit maglilimang buwan na ang nakalipas dahil hanggang ngayon ay curios na curios pa rin ang mga fans tungkol sa pagpanaw ng ka loveteam at bestfriend ko. Nang mawala si Nathalie ay 'di ko maikakailang labis din akong nagluksa. Sa walong taon na pagsasama namin ni Nathalie sa industriya, simula 12 years old pa kami sobrang kilala na namin ang isa't isa. Noong una ay akala namin attracked kami to each other, kaya pagtuntong namin ng first year high schoo ay sinubukan naming pumasok sa relasyon pero talagang hindi nag work dahil sa matalik na magkaibigan lang ang tingi

    Last Updated : 2021-04-07
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 6 — BRYELANA (Halik)

    EILANA "Eilana..." "Oh! Mahal kong Eilana!" "Bryell?! Mahal ko? Kiss me!" "I will Eilana! I will..." "Tol! Tol! Tol!" bigla akong nagising mula sa aking pantasya nang tawagin ako ni Bryell. "Ha? Bakit?! Tapos kana omorder?" "Oo, tapos na! At bakit ka naman tulala at may pa nguso-nguso ka pang nalalaman d'yan?" natatawang saad nito sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'yang 'yun. So, para pala akong tanga kanina habang nag iimagine na hinahalikan n'ya ko? Patay! "Ha? Ano ako tanga! Anong ngumunguso, may iniisip lang t'yaka 'di naman ako ngumunguso no! Kumain na nga tayo! Nakakainis ka naman eh!" pagpapalusot ko sa kagagahan na ginawa. Hindi ko alam kong naniniwala ba sa 'kin 'tong lalaking 'to. Pero

    Last Updated : 2021-04-09
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 7 — BRYELANA (Balon)

    BRYELL "Goddamn Bryell, you're so stupid! Why did you suddenly kiss her, huh? What do you expect, sempre magagalit sya. You are bestfriends! Ba't ang tanga-tanga mo?" I can't help to bump my own head to the steering wheel because of my stupidity earlier. Hindi ko alam kung anong katangahan ang ginawa ko kanina at hinalikan ko si Eilana. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagpigil. Her eyes seems like hypnotising me while my lips wanted to have hers! "Oh God Bryell, ano ba'ng pinag-iisip mo?" wika ko sa sarili. Aaminin kong matagal ko nang na-realized na mahal ko siya. No'ng una akala ko I'm not attracted to her and I just love her as my bestfriend pero ngayon iba na. Napatunayan ko na! Kaya pala wala akong interest sa ibang mga babae, because I already found her at ang tadhana n

    Last Updated : 2021-04-10
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 8 — BEACH (Unang Pagkikita)

    "Peep! Peep! Peep..." Rinig na rinig namin sa loob ng bahay ang malakas na busina ng kotse na nangagaling sa labas ng gate. "Spencer anak! Mukhang narito nang sundo mo." pagtawag sa akin ni nanay. "Opo! Nay. Palabas na po." Pagkatapos kong e double check ang mga dadalhin ko ay kaagad na 'kong lumabas ng kwarto para sana puntahan sila Raffy at Larah sa labas ngunit pumasok na pala ang mga ito sa bahay kaya nasalubong ko sila sa sala kasama nila si tatay at ate, habang si nanay naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal. "Oh! Tayo na?" sabi ko habang dala-dala ang isang backpack na naglalaman ng mga damit ko at bitbit ko rin ang dilaw na salbabidang may desinyong bibe na binili sa akin ni nanay noon pa atang seven years old ako. Biglang natahimik ang buong bahay ng makita nila ako. Hindi ko alam pero tinignan lamang nila akong may gulat sa mga mu

    Last Updated : 2021-04-11
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 9 — MULING PAGKIKITA

    Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Nakatayo akong habang tinitignan lamang ang lalaking sumuka sa akin kanina. "Hoy! Spencer! Tanga ka ba? Hindi mo naman kilala 'tong taong 'to eh, bakit ka pa-hero?" sermon ko sa sarili. Sinampal ko ang sarili kong mukha nang mahimasmasan. "Aray! Putcha, napalakas tuloy." Bakit ko ba kasi tinutulungan 'tong taong 'to? Tanga na ba 'ko? Pa'no kong makasuhan pa 'ko ng tresspassing? Hay naku! Bahala na nga, aalis din naman ako kaagad pagkatapos nito. Pinagpatuloy ko ang paghatak sa kanya patungong sala nila. Medyo mabigat ito kaya sobrang hiningal ako matapos kong malagay siya sa sofa. Tumayo lamang akong nakapamewang habang hingal na hingal. Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng ginaw. Naalala kong nakahubad pala ako ng pang-itaas.

    Last Updated : 2021-05-27

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.4 — BOOK 1 FINALE

    AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.3 — BOOK 1 FINALE

    “Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.2 — BOOK 1 FINALE

    ***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status