FREYA
Humahangos ang hininga kong umupo sa sofa. Kinastigo ako ni Papa, pinako sa loob ng bahay at binawalang lumabas kaya nawala ang pagkakataon kong tumungo sa ospital para kompirmahin na buntis ako. May nangyari nga sa amin ni Phoenix pero pagkakatanda ko hinugot niya ito. Lasing ako noon pero alam ko ang ginagawa namin. "Sino ang ama nito!?" Bulyaw na tanong ni Papa. "Pa, wala ito hindi ako buntis,"giit ko. "Halata na, Freya. Magsisinungaling ka pa?" Hirit ni Mama. "Ma, bakit ayaw niyong maniwala. Hindi ako buntis. Alam niyong wala akong boyfriend,"panglalaban ko. Dismayadong umiling-iling si Felix. "What a disgrace to our family,"usal niya sa ilalim na boses pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. Sinaniban ako ng galit. "Sabihin mo kung sino ang ama n'yan at para mapakasal ka namin. Ano na lang ang sasabihin ng lolo mo at mga tito't tita mo saka ang ibang tao? Pinabayaan kita kaya naging disgrasyada ka!?" "Pa—" "Naalala ko pumunta siya last time sa isang night club. Sa akin pa nga nagpaalam, malamang doon nila na buo,"ani Felix sa matigas na ekspresyon na parang kakainin ako ng buhay. "Oo, inaamin ko. May nangyari sa amin pero hindi 'yon basihan para mabuntis ako! Hindi ako buntis maniwala kayo." "Sabihin mo na kasi kung sino ang ama para matapos na!" Sigaw ni Mama sa pagmumukha ko. Habol ang hininga kong yumuko, at hinayaang pakawalan ang matagal nang nagbabadyang mga luha. Sumisinok-sinok ako sa sakit na nararamdaman ko. Sa tindi ng galit at pag-aalala nila, nawalan sila ng tiwala sa akin at parang gusto nila akong itaboy. "Si Phoenix Blake Henderson. Siya ang naka-one night stand ko,"malinaw kong pag-amin. Natulala silang lahat. Mabuti'y nakaalis na si Felicia at July. Baka maging masama akong impluwensya sa kanila. "I can't believe it." Maraming beses na sinasapo ni Papa ang ulo. "Nagpabuntis ka sa isang bilyonaryo,"ani Mama pero nasa alapaap ang isipan. "Nagkamali ang Henderson sa pagpatol sa'yo,"usal ni Felix. Pasalapak siyang umupo sa sofa. Kinuyom ko ang mga kamay. Paano kung hindi pala ako buntis? Tapos ipapakasal nila ako. Pero kahihiyan pa rin dahil naki-ano ako sa taong di ko naman nobyo. Kailangan niya akong panagutan. Mabuti pa'y totoo akong buntis. "Masasalba na natin ang negosyo!" Bulalas ni Papa sabay tayo. Nagningning sa mga mata niya ang kasiyahan. Of course, sino'ng di sasaya kung ang son in-law mo ay may-ari ng tanyag na Strix Holdings. Maraming pinapatayo na subdivision, condominium, at commercial building. "Ipag-bigay alam natin agad ito sa mga Henderson. Ihanda mo ang sarili, Freya. Pupunta agad tayo ngayon din mismo!" Iniwan niya kami at nagmamadali siyang umakyat para bumihis. Hinagod ni Mama ang likod ko. Hindi ko alam kung totoo ang pinapakita niyang awa. Isa rin siya na may personal interest kapag pera ang pag-uusapan. Malamang ibebenta nila ako kay Phoenix, buntis man ako o hindi. "Lika na. Tulungan kitang bumihis. Dapat iyong eleganteng damit. Tiyak matutuwa si Mr. Henderson kapag makita ka niya,"aniya. Inalalayan niya ako patayo. Tila lantang gulay ang katawan ko, humalo ang sakit ng tyan ko at kirot ng damdamin. Natatakot ako sa tono ng pananalita nila. Nahihimigan ko ang krimen na gagawin nila. Sinuot ko ang bestidang niregalo ng kaibigan kong si Crissa bago ito nang-ibang bansa. Ito ang hindi ko nasusuot. Pinahiram niya ko noong despedida party niya. Nagsisisi akong pumayag na gagala kami sa night club. Kung hindi ako pumayag malamang hindi ko nakilala si Phoenix. Kasalanan ko rin kasi naakit ako sa alindog niya. Parang modelo na hinugot mula sa magazine. Naalala ko pa ang medyo singkit niyang mga mata na may mahahabang pilik-mata. Tila nararamdaman ko ang bawat hipo niya sa buong parte ng katawan ko at ang matatamis niyang halik. Nababaliw ako sa masuyo't malalim niyang boses. Gusto ko ulit marinig ang nakakahumaling niyang mga salita. Ako ang pinakamaligayang babae sa gabing iyon. Huh! Naging bangungot ang pagiging delusyonal ko. Ito ang hudyat ng paglalakbay ko sa kalbaryo. Hindi ko kilala si Phoenix, natatakot ako na masama ang ugali niya at mamaltratuhin niya ako. Subalit huli na ang lahat. Nasa dulo na ako ng patalim, hindi ko matatakasan pa. Magtatanghali na kaming nakarating sa mansyon ni Phoenix Henderson. Natural hindi siya namin madadatanan doon dahil nasa trabaho siya. Umupo kami sa custom-made plush na nag-aagaw ang kulay abo at crema, sinabi ng mayordoma na tatawagan niya ang sir niya. Maghihintay daw muna kami. "Tsk! Sigurado ka ba'ng si Phoenix ang ama ng dinadala mo?" Nawawalang pansensiyang untag ni Papa. Sa halip na sumagot ay nilibot ko ang tingin sa nakakalulang mansyon. Matayog ang kisame na may kristal na chandilier, gawa sa salamin ang bintana at dingding. Kumikinang ang lahat ng mamahaling mwebles. Hindi ko gusto rito kasi itim at puti lang ang kulay sa bahay na ito. Siguro may problema sa paningin si Phoenix. "Oo, hindi ako nagkakamali. Sana sa susunod na araw na lang tayo pumunta rito. Byernes ngayon at siguradong abala siya sa trabaho,"sabi ko. Natataranta akong nilamukos ang damit ko. "Tumahimik ka!" Singhal niya. "Dapat kang panindigan ng tarantadong iyan. Sa ayaw niya't sa gusto ipapakasal kita." "Ipapakasal?" Umalingaw-ngaw ang matinis na boses ng babae. Sabay kaming bumaling sa pinangyarihan ng boses. Naladlad sa paningin namin ang isang eleganteng babae na kumikinang sa kanyang kasuotang gintong casual dress. Ganoon din ang kulay ng stilleto. May maliit siyang sombrero sa ulo, iyong tipong pang U.K. Sa tindig at angas amoy pera na siya. Sa palagay ko, nasa mid-forties na siya. Hindi lang halata dahil sa kapag ng make-up niya. Lumabi siya kaya lalaong lumingkad ang namumula niyang bibig. "And who are you people? What do you want from us?" Nagtataray niyang tanong. Gaya ng inaasahan ko, mata-pobre siya. Mayaman din kami pero nakakalamang sila. Pero wala siyang karapatan ganyanin ang bisita. "I'm Julio Hernaez—" "Hernaez? May-ari ng Jul'z Catering? Iyong mamahaling catering na nagse-serve ng international dishes?" pamumutol niya at biglang nagka-interest kay Papa. Sunod-sunod na tumango si Papa. "Oo, ako 'yon." "Bakit kayo nandito? Kinuha ba kayo ni Phoenix para sa upcoming company party niya? Kaso bakit kasama mo ang asawa't anak mo?" "Narito kami para mamanhikan?"Diretsahang sagot ni Papa. Nalaglag ang baba. Matagal siyang natigilan bago humugot ng malalim na hininga. "What are you talking? At kanino naman kayo magamanhikan?" "Sa anak ko syempre." Lumapit sa Papa at tinulak ang likod para makalapit sa babae na may mala-diyosang alindog pero pinagkait ng kabaitan. "Ito?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Bumakat ang disgusto niya. "Siya si Freya Xylla, ang masipag kong anak. Isa s'yang pastry chef at mayroon—" "Hindi ako interesado." Winasiwas niya ang kanang kamay para patahimikin si Papa. "At kaninong girlfriend ka naman? Kay Phoenix ba o kay Kendrix? Kung kay Kendrix siguro ay maniniwala ako." "Actually, h-hindi ko po siya boyfriend,"nauutal kong sabi. Tila nililindog ako sa loob. "Eh, bakit gusto mong magpakasal sa kanya? Sino ba sa kanila?" "Si Phoenix po." She froze, natutulala siya habang pinoproseso ang sinabi ko. "Impossible! Ikaw papatulan ni Phoenix? Ang pagkakaalam ko, mga kotse lang ang alam 'non,"natatawa niyang saad. "Binuntis niya ang anak ko at dapat niyang panagutan!" Lakas loob na sigaw ni Papa. "Sinong buntis?" Sumulpot ang pamilyar at malalim na boses ng taong matagal ko nang inaasam na makita ulit. "Phoenix! What have you done?" Bulalas ng babae. Malamang ito nga ang ina niya. "And what are you talking?" Nalilito siyang ginala ang tingin sa amin. "Binuntis mo ang anak ko!"PHOENIX BLAKE HENDERSON"You, f*cking *ssh*le, what the hell are you doing?!" Pag-angil ko sa lalaking nanghamon sa akin makipagsuntukan sa daan. Siya pa ang galit,kahit alam niyang may atraso siya. Kiniwelyuhan ko siya at dinuro sa gilid ng sasakyan niya. Simple lang ang atraso niya, nag-overtake siya kahit batid niya na hindi pwede. Nabangga ko ang sedan niya at sinira niya ang black Ducati ko. Mababawasan ng isa ang sampu kong motorbike ko. Holy cow!"Ikaw naman ang may kasalanan! Bakit mo ako ginugulpi ngayon?" Ganti niya.Lalong umalab ang galit ko. Tinaas ko ang kamay para hatawan siya nang suntok. Di natuloy nang tumunog ang cellphone ko."What is it?" Angil ko."Where are you right now? Can you go home. We have an emergency here!" Aligagang bulalas ng madrasta ko."Ano'ng kalukuhan naman iyan? May ginawa naman ba si Marica?" Naiinip kong saad. Wala akong gana kapag tatawag sila ng ganitong oras.Pasado alas dyes ng umaga at papunta sana ako sa private appointment ko. Binabala
Phoenix~Pinatid ko ang pagtitigan namin. "I just want to clarify one thing," sabi ko na nakatingin ngayon sa tatay niya.Tumango lamang sila."Actually, meron akong kakambal. Malay natin siya ang bumuntis sa anak niyo," sabi ko. Gusto kong ipilit na hindi ako ang ama ng dinadala niya."Alam ko, pero si Phoenix Blake Henderson ang nakasama ko no'ng gabing iyon," wala ka emo-emosyon na sabi ng babae.Her striking features struck me again. Ang kanyang mukha ay perpektong obra-maestro. May kutus porselana siya pero masyado siyang maputla maliban sa namumula niyang pisngi at labi. She has dark and alluring almond-shaped eyes. They were the kind of eyes that could see through any facade, soft yet intense, capable of pulling someone deep into their depths without mercy. At parang magnet siya na hinahatak ako palapit sa kanya."Paano ka nakakasiguro na ako ang kasama mo noong gabing iyon?" Iniwas ko ang tingin sa kanya."You marked me that night. You whispered your whole name and promised
FREYA Ang pinakamasakit ang lahat ay ang pilit ka sa bagay na hindi mo gusto. Let's say I was trapped in the situation I never desire in my life. I will marry the handsome and breathtaking man that I once met at the Night club. Pareho kaming naipit sa isang sitwasyon at kasalanan kong lahat. Nagkamali sila ng inaakala na buntis ako. Hindi ko rin magawang rumason dahil sa paghihimutok ng tatay ko at ang pagiging atat niya na ipakasal ako sa isang tao na hindi ko gusto. Higit pa ito sa arrange marriage. Ika nila, shot gun marriage daw. Wow! Hindi ito ang pinapangarap kong kasal. Gusto kong magpakasal sa taong mahal ako at totoo akong paligayahin sa huli, hindi sa kung sinong estranghero para saluin ang responsabilidad na wala naman dapat saluin. Sarap sabunutan ang sarili kaso di ko magawa dahil ayos na ang hairdo ko, suot ko na rin ang traje de boda ko, at kulang na lamang ang sermonya ng kasal. Ipapakasal kami sa judge at gaganapin ito sa hardin ng mga Henderson. Wala k
FREYA"Lintik, nagkakaproblema na naman sa isang branch. Ano ba'ng pinangagawa ni Julianno? Balak ba n'ya ipapasara lahat ng branch?" Mainit ang ulo na bulyaw ni Julio Hernaez. Ang aking ama, na nawawalan ng buhok sa tambak ng problema.Kasalukuyang kumakain kami ng agahan. Kumpleto kami maliban kay Julianno. Ang panganay at isang bihasang chef na nagpapatakbo ng halos singkwantang restaurant at fast food chain sa buong bansa. Kumakailan ay naging pariwara dahil iniwan ng fiance niya at pinalit sa dating seminarista. Bilang pangalawang anak, responsibilidad kong akuin ng pansamantala ang trabaho niya. Nand'yan si Felix Xyllo ang kakambal ko, palagi kong kasama sa paghihirap sa buhay."Pa,"masuyong pagpapahinahon ni Rebecca, ang mama ko, sa ama naming kinakapos ng hininga. May problema siya sa presyon kaya dapat niyang mag-ingat. "Peste, bakit di niya kayang mag-move on sa ex niya? Pati negosyo na-aappektuhan,"umaalab na daing ni Felix. Siniko ko s'ya upang ipaalala na nasa harap kami

PHOENIX BLAKE HENDERSON"You, f*cking *ssh*le, what the hell are you doing?!" Pag-angil ko sa lalaking nanghamon sa akin makipagsuntukan sa daan. Siya pa ang galit,kahit alam niyang may atraso siya. Kiniwelyuhan ko siya at dinuro sa gilid ng sasakyan niya. Simple lang ang atraso niya, nag-overtake siya kahit batid niya na hindi pwede. Nabangga ko ang sedan niya at sinira niya ang black Ducati ko. Mababawasan ng isa ang sampu kong motorbike ko. Holy cow!"Ikaw naman ang may kasalanan! Bakit mo ako ginugulpi ngayon?" Ganti niya.Lalong umalab ang galit ko. Tinaas ko ang kamay para hatawan siya nang suntok. Di natuloy nang tumunog ang cellphone ko."What is it?" Angil ko."Where are you right now? Can you go home. We have an emergency here!" Aligagang bulalas ng madrasta ko."Ano'ng kalukuhan naman iyan? May ginawa naman ba si Marica?" Naiinip kong saad. Wala akong gana kapag tatawag sila ng ganitong oras.Pasado alas dyes ng umaga at papunta sana ako sa private appointment ko. Binabala
FREYAHumahangos ang hininga kong umupo sa sofa. Kinastigo ako ni Papa, pinako sa loob ng bahay at binawalang lumabas kaya nawala ang pagkakataon kong tumungo sa ospital para kompirmahin na buntis ako. May nangyari nga sa amin ni Phoenix pero pagkakatanda ko hinugot niya ito. Lasing ako noon pero alam ko ang ginagawa namin."Sino ang ama nito!?" Bulyaw na tanong ni Papa."Pa, wala ito hindi ako buntis,"giit ko."Halata na, Freya. Magsisinungaling ka pa?" Hirit ni Mama."Ma, bakit ayaw niyong maniwala. Hindi ako buntis. Alam niyong wala akong boyfriend,"panglalaban ko. Dismayadong umiling-iling si Felix. "What a disgrace to our family,"usal niya sa ilalim na boses pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. Sinaniban ako ng galit."Sabihin mo kung sino ang ama n'yan at para mapakasal ka namin. Ano na lang ang sasabihin ng lolo mo at mga tito't tita mo saka ang ibang tao? Pinabayaan kita kaya naging disgrasyada ka!?""Pa—""Naalala ko pumunta siya last time sa isang night club. Sa akin pa ng