Mikhael~ Pagkatapos ng gayong usapan ay lumipas ang isang linggo, dalawang linggo, isang buwan... hangga't nagagawa pa naming ikubli ang katutuhanan. Di ako sigurado kung may alam si Dad tungkol dito kasi naging tahimik siya nitong nakaraang buwan at puro matatalim na titig ang binabato niya sa tuwing magtagpo kami ng landas. Madalas ako sa bahay ni Althea para kay Raven subalit walang komunikasyon ang nagaganap sa'min ni Althea. Puro tungkol sa anak namin ang usapan at kinalimutan namin ang huling kaganapan. Hindi ko rin maiitatanggi ang pagiging insecure kay Riley dahil palagi itong umaaligid kay Althea. Matagal na panahon kong tiniis ang selos. Nasa hagdanan ako ng hotel kasama si Nicola. Dito gaganapin ang Architects and Visionaries Night. Pareho kaming nakasuot ng pormal na kasuotan at kasalukyang abala sa pagkikwentuhan. "Itaga ko sa bato, nakaka-drain ang tatlong bubwit. Parang mga bagyo, walang tigil ang kaguluhan mula umaga hanggang gabi,"pahayag niya. Ngumisi ako. "Y
Athea~ Kinuha ni Papa ang kamay ko imbes na pansinin si Mikhael. Hindi ko inaasahang papasok siya sa silid na 'to at taliin ang strap ng sandal ko. Muntik akong mawala sa sarili, mabuti'y dumating ang ama ko. Naging masigla ang grand hall nang muli akong pumasok. Natanaw ko ang exhibition ng kompanya, maraming nadagdag na bisita kaya naging mas maingay kesa kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang nakahilerang architectural designs. "Come on,Althea. Oras na at ayaw kong aksayahan ito,"sabi ng ama ko na nilakasan ang paghawaka sa braso ko sabay hila sa akin patungo sa gitna ng venue. I felt my heart race, my mind. This wasn't just another evening with industry professionals—it was the night he had chosen to introduce me to the world. Dinala ako ni Matteo Henderson sa gitna kung saan maliwanag ang spotlight. Hinay-hinay na humupa ang pagkikwentuhan saka tinuon nila ang pansin sa direksyon ko. Isang matulis na hininga ang tumakas sa aking lalamuna at kusa akong napakapit sa suot na dami
Althea~Napunta ang atensyon ni Aurelia sa anak. Gumuhit ang mahigpit na ngiti sa kanyang labi pero punong-puno ng lason. "You always know how to make a statement, don't you,Mikhael?" Angil niya, pinipigilan na pasabugin ang acido sa kanyang tono.Pero di kumislot si Mikhael. "Well, the statement has been made. Like I said, I'm simply congratulating our newly recognized family member. What's wrong with that?""And forgot what she had done to you,"asik ni Aurelia, nakatitig siya ngayon sa akin. "This woman lured you. She's a disgrace to this family. She doesn't deserve recognition!""Bullsh*t! How dare you say that to my one and only legitimate child?!"Bulyaw ni Dad na kinabaling ng lahat. Natuod si Aurelia, nanginig siya at tinakasan ng kulay ang kanyang mukha. Alam ko 'yon kahit wala makapal ang make up niya."Paano mong masasabi na legitimate child mo s'ya? Si Mikhael lang ang totoo mong anak! She was just born out of wedlock!"Hinawakan ko ng mahigpit sa braso si Dad dahil ayoko na
Mikhael~Bumubuhos ang tubig sa malapad na balikat ko, dahan-dahan na dumadaloy sa bawat linya ng aking katawan pababa sa aking paa. Umaakyat pataas ang singaw ng mainit na tubig na umaaligid sa akin subalit hindi ito sapat upang pahupain ang bagyo sa dibdib ko. Tila isang bangungot ang naging kaganapan kahapon. Nasusuklam ako at gusto kong mawala sa harap ni Matteo Henderson. Matindi ang poot niya sa akin na hindi ko naiintindihan. Pinahiya ako sa lahat ng sikat at maimpluwensiya mga bisita kahapon kaya no'ng nagising ako kaninang umaga bumungad agad ang masamang balita tungkol sa kompanya. Hindi ko sinisisi si Althea,bagama't nasa loob-looban ko ang takot na agawin niya ang kompanya at ang pagkaroon ko ng hinanakit sa kanya. Nalilito ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Althea, pag-ibig ba o poot?Sinandal ko ang mga kamay sa malamig na tiles ng shower room, yumuko, iniisip na sana anurin na lamang ng tubig ang problema ko. Nananigas ang panga ko, sumikip ang dibdib sanhi
Mikhael~As my father stepped further into the room, his gaze locked onto mine. It was a look full of cold intent, the kind o look that sent a shiver down my spine. His eyes were feirce and unblinking, the depth of his stare making it feel as if he could see right through me, as if he were about to pounce and devour me whole.Nanigas ang panga niya, halos hindi makontrol ang galit. Kasabay no'n ang paglapot ng tensyon sa ere dahil may paparating na konprontasyon.He slowly moved forward, not breaking eye contact for a single moment. Binalot ng makapangyarihang pwersa ang espasyo na parang mawawasak ang anumang bagay na madadaan niya. Nanatili ako sa kinaroonan ko, di nagambala sa mabigat niyang titig.With a deliberate motion, garapal niyang initsa ang folder sa counter ng bar, sa tabi ko. Lumabas ang ilang papel sa lakas ng pagkatapon niya. Pulang-pula ang mukha niya, at lumabas ang litid ng ugat sa gilid ng ulo sa galit. Awtomatiko akong napatayo, nalilitong inirapan ang brown folde
Althea~Althea~I nibbled on my bottom lips. Lumalabo ang paningin ko habang minamasdan si Matteo,ang aking ama. Tila nasu-suffocate ako sa malakas ng tensyon na lumalaganap sa ere. Nakatayo ako malapit sa bintan ng CEO office, samantalang si Dad ay nakasandal sa mahogany desk. Umakyat-baba ang aking dibdib sa mga salitang binitawan niya. Mistulang sinasakal ako ng kabigatan ng desisyon niya. Nagmula no'ng inanunsyo niya sa publiko na ako ang bagong CEO ay di na ako makaisip ng deretso, kinukulang na ako ng tulog at napuno ako ng pighati sa loob. Wala siyang pake kung magdusa ako sa padalos-dalos niyang desisyon."Dad, maawa kayo. Hindi pa ako handa. H-Hindi ko maha-handle ang ganito kalaking obligasyon,"sabi ko, pinahiran ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko gamit ang aking kamay. Now, my palms were clammy, and I wiped them nervously against my skirt, but it did little to ease my growing anxiety."You'll do this, Althea. The board is waiting. This is your responsibility n
Althea~"Mikhael, sana pumayag ka. Pakasalan mo ako,"suhestyon ko ulit.Umigting ang bagang niya. Saglit siyang napaisip saka bumuga ng hangin. Nasa hilatsa niya ang pagdadalawang isip pero tila papayag siya ngayon."Ayokong magpakasal sa'yo para sa kompanya,"prankang tugon niya.Bumagsak ang pag-asa ko. "Please, makinig ka. Para ito sa ikakabuti ng lahat. Ayoko maging CEO, wala akong kakayahan tulad mo. Hindi ko kaya ang pagpapatayo ng H Towers. Ito lang ang sulosyon para maibalik ko sa'yo ang kompanya.""Kakalabanin mo si Matteo,"malamig niyang sabi."Oo, at hindi ako natatakot sa kanya.""Hindi ako papayag." Binitawan niya ang kamay ko.Suminghap ako, bumalikas at umupo. Bahagya akong nahilo pero agad namang naglaho. "Mahal pa rin kita, Mikhael. Ginagawa ko ito para sa'yo at hindi para sa sarili ko. At ang totoo ikaw lang ang gusto kong pakasalan."Umuwang ang bibig niya. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya maproseso ang sinabi ko. Matamlay niyang binagsak ang balikat at parang
Mikhael~ Nang bumuti na ang kalagayan ni Althea ay dumeretso kami sa City Hall para pumirma ng marraige contract. Awtomatiko kaming nagpakasal sa kanyang kagustuhan. Labag man sa loob ko pero gusto ko ang kompanya saka ayoko rin mapalayo sa kanya. Bumalik ako sa huwesyo nang sinuntok ni Matteo ang lamesa. Kasalukuyang nasa CEO office kami, nakalimutan kong nasa gitna kami ng mainit na konprontasyon. Matalim niya akong tinitigan, at tila maagang na-excercise ang puso ko dahil mabilis ang tibok niyon. Saka bumaling kay Althea. Nag-agaw ang lito at pagtataka sa mukha nito habang pinoproseso ang sinabi ni Althea. "What did you say?" Angil niya sa mababa pero dilekadong tono. Sinulyapan ko si Althea, pinakita niyang kalma siya pero pansin kong nanginginig ang kamay niya. "We're married,"ulit niya. "Mikhael and I tied a knot this morning." "A-Are you crazy? Matapos kang himatayin kahapon, ito agad ang ginawa mo? Hindi naman nauntog ang ulo mo sa sahig." Hindi makapaniwala nitong pa
MIKHAELI gently cradle my newborn son in my arms, my heart swelling with an overwhelming mix of joy and love. Kumikislap ang malambot na liwanag sa kanyang mukha na pinatitingkad ang kanyang mala-anghel na mukha. Pinupog ko siya ng halik sa pisngi. Tila matutunaw ako nang binuksan ni Rael ang kanyang mga mata. Kuhang-kuha niya ang kulay ng mga mata ko. Walang duda na anak ko siya. Magkahawig kami sa lahat ng angolo ng kanyang hitsura."Love, matutunaw na 'yan si Rael,"sabad ni Althea. Kakalabas niya galing sa banyo."Ako yata ang tinutunaw nito,"natatawa kong sabi na hinalikan ulit ang anak ko.Ngumingising umiling-iling ang asawa ko. Uuwi kami ngayong araw matapos ang tatlong araw na nanatili siya sila sa hospital. Sa wakas makakasama ko na rin ang anak ko. "Dad, patingin po kay Rael,"sumulpot si Raven. Napa-tiptoe siya para makita ang kapatid. Pabiro kong nilayo ito sa kanya."Dad! Ako kaya ang nagpangalan sa little brother ko kaya wala kang karapatan na pagkain siya sa akin!" Naw
MikhaelNakatirik na ang araw nang magising ako sa bench ng hospital. Dinilat ko ang mga mata nang may kumalibit sa akin."Son, how are you?" Bungad ni Dad.Parang gusto kong humikbi, imbes bumunting hininga ako. "I don't know if I'm okay or not, but Althea..."Umupo sa ko si Amelia. Hinagod niya ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat anak. Kilala ko si Althea, matapang siya at kaya niyang ilagtas ang sarili at ang anak niya.""S-Salamat, Ma. Parang ako mababaliw ngayon." Napahilamos ako ng mukha."Manalig ka. Hindi tayo bibiguin ng Diyos,"punong-puno ng pag-asang pahayag niya. Napansin ko ang hawak niyang rosaryo.Eksasperadong napameywang si Dad. "I still can't believe that Milena is capable of doing this. Nakilala ko siyang mabuting bata.""She turned insane because of me,"konklusyon ko.Umiling-iling siya. Sandali kaming nag-uusap pero mayamaya'y dumating ang doctor. Tumayo kami, matitigas ang ekspresyon na tinuun ang atensyon sa kanya."Mr. Henderson, I know you're worried,
MikhaelPasado ala una ng umaga. Madilim ang mansion ni Milena nang dumating kami. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa magkahalong poot at desperasyon. Dumadalantay ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang tinatahak namin ang hardin kasama si Nicola at ang SWAT team. Kanya-kanya silang pumwesto–maingat na nagmamatyag, alerto at tinitiyak na makakahanap ng pwedeng mapasukan na hindi mapapansin ng ilang tauhan ni Milena na abala sa pagmamatyag dito sa labas.I clenched my fists at my side. Hindi ko sukat akalain na naging ganito ka baliw si Milena para makuha ako. Titiyakin kong magsisisi siya sa pananakit ng mga taong mahal ko. Tutuldukan ko ang lahat sa araw na 'to."Stay sharp," bulong ni Nicola. I could feel the tension in the air– the danger, the anticipation.Dumako ang mga mata ko nang may bumuhay ng ilay sa isang kwarto sa ikalawang palapag. May ilang anino na naglakad-lakad saka agad na nawala. Malamang nanroon ang mag-ina ko.Kumaway si Nicola upang ipagbigay ala
Mikhael Binungad kami ng nagkikislapang kulay pula at asul na liwanag na nagmumula sa ilaw ng sasakyan ng mga pulis. Natapos din ang kaguluhan, ang isang problema ko sa tunay kong ama pero may naiwan pang mas matindi.My chest heaving as I stood amidst the aftermath, and the metallic taste of fear is still lingering on my tongue. Sinundan ko ng tingin ang mga puli habang inaalalayan nila si Georffrey—ang sugatan kong ama,papunta sa armed ambulance. Namamasa ng dugo ang balikat niya, maputla ang hitsura, masalimuot ang hitsura dahil sa kirot ng sugat pero nanatiling maangas. Nakasunod sa kanyang likuran si Mom na nakahiga sa stretch. Kumirot ang dibdib ko sa sitwasyon niya ngayon. Mukha siyang marupok, nangingisay at nilalaban na idilat ang mga mata. Ibang-iba ang mukha niya ngayon, nawala ang kaangasan niya bilang dignified at maawtoridad na babae.My mind spun for a second, barely able to process the whirlwind around him. Mayamaya ay nakita ko sa isang angolo ng akong mata si Giorg
AltheaDumantal ang malamig na bagay sa aking pisngi sanhi ng pagkagising ko. Nalaman kong nakahiga ako sa matigas at basang sahig. Pumitik ang kirot sa sentido ko nang ako'y pumiglas, at namalayang nakatali ang dalawang kamay ko na nasa aking likuran. Naka-plaster ang aking bibig, ramdam ko ang malagkit na adhesive na humihila sa aking labi. I blinked, trying to adjust to the dim, suffocating darkness around me. Mabigat at namamasa ang hangin, naamoy ko ang moulds na bumabara sa aking ilong. Narinig ko ang mahinang patak ng tubig sa di kalayuan, at tila sinisipsip ng lamig ang mga buto ko. Pakiramdam ko nilibing ako sa ilalim ng mansyon, huli nang mabatid kong nasa underground prison ako ng mansiyon. Hindi ko lubos akalain na may ganitong lugar sa pamamahay ni Milena. Sadyang pinanganak siyang masamang tao.Then, I heard it—a soft, pitiful sound that made my blood run cold. May isang batang umiiyak. Kilala ko ito. Bumilis ang pintig ng puso ko nang hinanap ko ito.Raven! Nais kong i
Althea~Umaapaw ang paghihinagpis ko matapos malaman na kinidnap din si Mikhael. Dinala ako ni Nicola sa mansyon. Sinubukan niyang pakalmahin pero hindi ako huminto sa pag-iyak. Kapagkuwan ay dumating si Mama. Lalo akong umiyak nang makita ko siya."Ma, pinaparusahan ba ako ng Diyos? Hindi lang si Raven ang nawala pati na rin si Mikhael. Nawalan ako ng dalawa,Ma. Ano nang gagawin ko ngayon?" Durog na durog ang puso kong hiyaw.Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa sala. Niyapos niya ako, lumuluha habang hinahagod ang likod ko. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Mababalik din natin sila.""Para akong mababaliw. Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa kanila,"daing ko.Bumuntong hininga si Nicola. "Althea, nahanap na namin ang lokasyon ni Milena. Lulusubin namin siya ngayong gabi mismo,"imporma ni Nicola. Marahil napagod itago sa akin ang totoo.Umalis sila kanina ni Mikhael na di nagpapaalam.Tumahan ako. Dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso nang tumingin sa kanya.
Mikhael~Nagpakapal ako ng mukha. Pinakita kong hindi ako natinag sa pananakot niya."Ibibigay mo ang 100 million o papatayin ko ang nanay mo?"I gritted my teeth. "Patayin mo, wala akong pakialam. Tutal malaki rin ang atraso niya sa'kin."Nandilat siya. Binaba niya ang baril. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo. Paminsan-minsan lang gumagana ang utak. Hayun, muntik ko pang napatay. Salamat sa'yo, nadala mo siya hospital.""At ano namang pinagsasabi mo?" Tuluyan kong nakalagan ang mga kamay. Kung sakali mang may manggugulo sa'min, siguradong makakatakas ako."Mahal na mahal ka ng kapatid mong si Giorgianna, Mikhael. Handang-handa siyang ibuwis ang buhay para sa'yo,"tila nangigil niyang sambit.Mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig nang madiskubre na kapatid ko si Giorgianna. Sa haba ng panahon, matagal na palang alam ni Giorgianna at tinago niya para sa kaligtasan ko."Nagtagumpay nga siyang maging magkalapit kayo pero hindi naman nagawang perahan ka. Sobrang duwag! Sana pinangana
Mikhael Bago ko maligtas ang anak ko ay parang ako ang unang napahamak. Nasa kasagsagan ako sa pagpaplano para mahanap ang lokasyon ni Milena. Pababa ako sa huling baitang ng hagdan ng bukana ng company building nang may itim na van ang huminto sa harap ko. Patungo ako sa kotse ko at sumusunod si Nicola kasama ang mga alalay niya nang hinatak ako ng napakaraming lalaki na naka-itim na bonnet saka sinilid sa van. Huli na para iligtas ako ni Nicola sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ako makaakto nang pinasinghot nila ako ng pampatulog.Nagising ako sa isang sala ng marangyang mansion. Kinurap-kurap ko ang humahapdi kong mga mata. Malabo ang mga 'yon nang inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar.Ano naman ba ang iniisip ng hinayupak? Hindi ba sapat si Raven?Natuklasan kong nakagapos ang kamay at paa ko sa silya. Wala akong ideya kung ilang oras na ako rito. Kahit ano ang pamimiglas ko ay di ako makakawala. "Putang inamo, Milena! Nasaan ang anak ko? Pakaw
AltheaMuntik akong mawindang, mabuti'y agad akong hinawakan sa braso ni Mikhael."Ano'ng ginawa mo kay Raven? Milena sagutin mo ko!" Pigil ang mga luha kong sabi, niyayanig na rin ang buong kalaman ko.Tumigas ng panga ni Mikhael sa pag-alala."Wala. Gusto niya lang makipaglaro kaya sinama ko. Ang cute ni Raven pero kawawa naman. Alam mo kung bakit? Ikaw kasi ang nanay niya eh,"paarte niyang saad na may tawa sa dulo."Ano'ng pinagsasabi mo? Nasaan ang anak ko? Sagutin mo ko, ano'ng ginawa mo sa kanya?""Relax, Althea. He's safe for now. But I have a condition if you want you son.""What is it?""Iwan mo si Mikhael. Lumayo ka sa lugar na ito at hindi ka na magpapakita sa amin habambuhay!"I gritted my teeth, nanginginig na ako sa galit. "Ang lakas ng loob mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo! Napakababa mo, Milena! I warn you never ever touch my son!""I'll never hurt him if you follow. Pero kung magmatigas ka... hmmm, hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya,"she snarled."Subuka