Matapos ang afternoon class namin ay nagmadali kaming pumunta ni Ian sa gym kung saan ay nagpa-practice ang basketball seniors. Pagmamaktol pa ni Ian na ako lang daw ang nagmamadali at hinihila ko lang daw siya sa kung ano ang gusto ko. Kahit na ganoon, ay alam ko namang nais ring sumama ni Ian. Pagdating pa lang namin ay ang paglalaro kaagad ng basketball ang kaniyang inatupag.
Samantala, lumapit ako sa pwesto nina Kuya Mav, Kuya Ashton, at Kuya Daryll. Ang tatlong paborito kong kuya ay may isang taon na lang bago grumaduate sa high school at tumuloy sa kolehiyo. Pumasa sila entrance exam sa Willoughby Sports University. Dahil sa galing nila ay may scholarship na sila. Dagdag pa ng kanilang pagiging student athlete ang pagiging honor students nila. Talaga nga namang nakamamangha ang mga kuya ko.
"Amber, gusto mong maglaro?" tanong ni Kuya Daryll habang nagdi-dribble.
"Hindi po kuya. May itatanong lang sana kami ni Ian," sabi ko habang binubuksan ang inabot sa akin na bottled water. "Tungkol sa peer lecture ninyo sa Class A," dagdag ko at ibinigay ang bottle kay Kuya Ashton.
"Bakit naman?" tanong ni Kuya Ashton. "Don't tell me sa Class A kayo naka-assign."
"Kasali po ba si Yuhan sa Class A students na may ginawang masama laban sa inyo?" diretsahang tanong ni Ian.
Isang tipid at makahulugang ngiti ang lumitaw mula sa labi nina Kuya Mav at Kuya Ashton.
"Siya ang sumita sa mga kaklase niya at nagbabala na maaaring mademerit ang buong klase kung ganoon ang magiging asal nila sa amingpeer lecturers," sabi ni Kuya Ashton. "Pero masama rin ang naging tugon nila kay Yuhan. Sinabi nila na masyado raw pabibo si Yuhan at iniingatan ang top spot kaya niya yun ginagawa. Parang sinasabi na rin nila na walang pinagkaiba si Yuhan. Pero sa totoo lang, dahil sa pagsita ni Yuhan ay nakontrol namin ang sarili namin bago pa makipagbanghayan sa kanila. Dahil kay Yuhan ay naawa kami sa Class A kaya hindi na namin nireport ang insidente."
"Alam mo ba Kuya Ash na hindi na kasali ang Class A sa Advanced Peer Learning Program?" pagsisimula ko. "Umabot ang insidente sa investigation board kaya nalaman nila ang tungkol sa ginawa ng Class A. Nademerit pa rin ang points nila."
"Talaga? Sinong nagreport?" tanong ni Kuya Mav.
"Hindi namin alam," sabi ni Ian. "Sa ngayon, sigurado na akong panatag ang loob ni Amber na kaibiganin si Yuhan."
"Kaya ba tinanong mo kami tungkol diyan? Dahil lamang kay Yuhan?" natatawang tanong ni Kuya Daryll.
"Eh sa ayaw kong magkaroon ng kaibigan na kinalaban na pala kayo. Ayaw kong magalit kayo sa akin," tunay kong tugon habang niyayapos ang mga braso.
"Hindi naman kami magagalit kung magiging close na kayo ni Yuhan. It's good for your social skills kung makikipagkaibigan ka rin sa iba," tugon ni Kuya Daryll. "Isa pa, Yuhan is a good boy. Pero huwag mo muna siyang tratuhin nang kagaya sa amin ah?"
"Bakit po?"
"Kami kasi, malalakas na mga braso namin. Healthy din katawan namin. Maawa ka kay Yuhan kung ihe-headlock mo siya. Huwag ka ring basta-bastang magfistbump sa kaniya. Huwag mong hahampasin ang braso niya. Baka masaktan mo siya. Huwag mo nga pala siyang aayayaing maka-spar sa Sanda. Ayos ba?" paalala ni Kuya Mav. "Huwag mo rin siyang pilitin na samahan kang magjogging o magbike at mas lalong huwag mo siyang hamunin sa basketball at soccer."
"Parang sinasabi niyo na rin na huwag ko siyang lapitan?" Nalilito na ako. Lahat ng sinabi nila ay ang hilig kong gawin kasama ang mga basketball seniors at si Ian. Ano na lang ang gagawin ko kung kasama ko si Yuhan?
Tumawa sila at hindi na nilinaw pa ang sinabi nila --katulad ng palagi nilang ginagawa sa tuwing may tinatanong ako.
Matapos ang tagpong iyon ay lumabas kami ni Ian. Nagkataong nakita namin si Yuhan na naglalakad sa corridor. Tumakbo ako nang mabilis. Naiwan naman si Ian na dala-dala pa ang bag ko.
"Yuhan," sabi ko habang nakaharang sa daraanan niya.
Matipid siyang ngumiti sa akin at yumuko. Sinubukan niyang dumaan sa kabilang gilid kaya hinarangan ko na naman siya sa direksyong iyon.
"Yuhan, gusto ko sanang magsorry," sabi ko nang tumigil na siya at tumingin sa akin. Yumuko ako at nagsalita, "Sorry kasi nagkamali ako ng iniisip tungkol sa iyo. Sorry sa inasal ko noong huli nating pagkikita. Sorry din kasi inabala pa kita ngayon para lang makapagsorry ako." Tumayo ako nang maayos at tumingin sa kaniya. Nakangiti siya nang kay tamis habang nakatitig din sa akin.
"Akala ko ay may ginawa akong mali sa iyo kaya nagalit ka," tugon niya sabay kamot sa batok. "Wala na yun," dagdag ni Yuhan. "Pero bakit mo naisipang magsorry sa akin?"
"I got you wrong. Nagtanong ako sa mga seniors ko at kay Sir Kenneth tungkol sa peer lecture incident. Your name came clean. Kaya gusto kong magsorry dahil sa mga maling naisip ko," paliwanag ko habang nasa corridor pa rin kami.
"Wala na yung problema," kalmadong tugon niya. "Pero kung gusto mong malaman ang side ko at kung gusto mo akong makilala nang lubusan, hindi mo naman kailangang magtanong sa ibang tao. Pwede mo naman akong kausapin at tanungin tungkol dito. Hindi ako magagalit kung maayos din naman ang pagtatanong mo."
Nahihiya man ay ngumiti pa rin ako. Babawi na lang ako sa kaniya. "Pasensya na kung hindi ako lumapit sa iyo," sabi ko.
"Amber," sabi niya kaya hindi ko natuloy ang pagtatanong kung gusto niya bang bumili ng burger. "Kaibigan na tayo, hindi ba?"
Tumango ako.
"Maglaro tayo ng basketball."
Napanganga ako sa tanong niya. Kakasabi nga lang ng basketball seniors na hindi muna makipaglaro sa kaniya ng basketball.
"Isama mo na rin si Ian. Gala tayo ngayong Sabado. Laro tayo sa arcade," natutuwa niyang pag-imbita. Akala ko ay yung basketball talaga. Basketball Arcade Machine lang pala.
"Sige, magpapaalam muna ako kina mama at papa. Ganoon din si Ian," tugon ko.
Dumating si Ian na ang pangalan na lang niya ang narinig.
"Ano na naman ‘tong tungkol sa akin?" bungad niya at binalik sa akin ang bag ko. "Ambigat ng bag mo. Nakakaubos ng hininga," komento niya.
"Niyayaya niya tayo na maglaro sa arcade ngayong Sabado," paglilinaw ko habang paharap na isinabit ang bag. Sa ganitong paraan ay komportable akong makapaglakad pauwi. Pero ang higit na mas komportable ay ang pagiging malapit ni Yuhan sa akin. Natapos ang araw na ito na nalinaw ang pag-aalala ko. Ngayon ay hindi na nga maipagkakaila na kaibigan na namin ni Ian si Yuhan. Sisiguraduhin kong masisiyahan si Yuhan kasama kami.
Hatinggabi pa lang ng Biyernes ay makapal na ang ulap sa kalangitan. Ang buwan na madalas kong pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato ay natakpan. Matagal akong natulog dahil kausap ko si Cheska sa telepono. Tumigil kami sa pag-uusap nang kumidlat. Pinagalitan din ako ni Papa dahil gabing gabi na ay nasa telepono pa rin ako. Mahina pa ang ulan nang natulog ako. Ngunit pagkagising ko ay malakas na ang ulan at malakas din ang hangin. Hindi masyadong binabaha ang village namin dahil walang bumabara sawaterways. Ngunit sa kondisyon ng panahon ay kinansela namin ang plano na pumunta sa arcade. "Inaasahan ko pa naman na ito ang magiging unang bonding natin kasama si Yuhan," sabi ko habang kausap si Ian sa isang video chat. "Kakagising mo lang ano? Kanina pa kami nagmessage ni Yuhan sa GC na hindi na tayo matutuloy," tugon naman ni Ian. "Late na akong natulog kasi nag-usap kami ni Cheska," sabi ko habang inaayos ang pwesto ng phone sa dingding na mala
Nahihilig na yata ako sa pamihiin at mga sabi-sabi. Kahit man lang tungkol sa mga panaginip ay napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin. Sa nangyari kanina ay napagtanto ko na bahagyang totoo nga ang sinasabi nila. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totoong buhay. Nanaginip ako na pinagbabato si Yuhan ng mga papel. Laking pasalamat ko nga at hindi yun nangyari. Ngunit, tila mas malala pa ang nangyari. Naengganyo man sa pakikinig ang Class C sa mga leksyon namin, may isa sa kanila ang umamin na hindi nila masyadong naintindihan ang paksa. Nahirapan silang intindihin ang mga tinuro Yuhan kasi imbes na nakuha na nila ay tila mas naging magulo pa ito. “Pasensya ka na kasi inaya pa kita rito sa study room para ituro ito ulit,” pahayag ng isa sa mga Class C student. Coincidence man, ay siya yung may suot-suot na sports headband. Kaya nga ay pamilyar at nasali sa panaginip ko kasi minsan ko na siyang nakita sa basketball court. Wika ng iba, nakahiligan na raw niyan
Kung masaya ang umaga ay malungkot daw ang hapon -- na sana'y hindi naman. Kasi sapat ba itong sabihing dahilan kung bakit nakasimangot si Yuhan? Niyaya kami ni Ian sa bahay nila dahil may mga padala raw na mga regalo at chocolates ang Tita niyang nakabase sa Basel. Bahagya namang ngumiti si Yuhan nang binahagian siya ng ilang pirasong chocolates. Kung tutuusin, mas marami pa ang kaniya kesa sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuhan. "Kanina ka pa kasi nakasimangot."Nakatulala lamang kasi siya habang nakatitig sa apoy kung saan ay nagbabarbeque ang mama ni Ian. “Tungkol ba yan sa school? Sa nalalapit na Quiz Bee o sa klase niyo?” sunod-sunod kong tanong habang mas lalong lumalapit sa kaniya. Umiiwas naman siya kada lapit ko. “Paano naman makasasagot si Yuhan niyan kung sinisingitan mo siya?” sabat ni Ian at pinilit pa akong umusog sa dulo ng swinging chair. “Ano ka ba, Ian? Hindi na tayo kasya,” sabi ko pero tumalima na rin sa paggal
Minsan, ay ganito ang takbo na pag-aaral. Sa tuwing malapit na ang araw ng performance ay doon na natin maalala ang ibang pang dapat na gawin. Suot-suot ang dress at naka-heels pa ay nagmadali akong tumakbo sa hallway upang mahanap ang teacher namin sa PE. Hinihingal man ay nakayanan ko namang ilahad ang sadya sa kaniya. "Amber, buti na lang at nandito ka na." "Sorry po talaga at nakaligtaan kong pumunta para bumunot." Sinabihan na kami noong nakaraang araw na pumunta sa office niya upang malaman kung pang-ilan kami na magtatanghal. Walang ni isa sa amin nina Ian at Yuhan ang nakapunta dahil sa dami ng gawain na iniatas din sa amin. Madalas ang pagrereview ni Yuhan sa school at si Ian ay pinatatawag para magcoordinate sa Sports Fest namin. Wala sana akong gagawin pero isinulat pala ni Rica ang pangalan ko sa mga reserved players ng Football team. May preliminary match mamaya kaya para akong pinalilibutan ng mga oras, numero at init dahil hindi k
Kahit tapos na ang dance performance namin noong nakaraang araw, ay may bago na namang kaganapan para sa PE namin. Kumpara sa ibang subjects, ito talaga ang may napakaraming mga gawain. Pagpapraktisan na naman daw namin ang badminton. Kagaya ng dati ay pinagsama ang Class A at Class B. Hindi ko mapigilang maalala ulit yung nangyaring palitan. Hanggang ngayon ay hindi nga ako sigurado kung si Shinyi ba talaga ang naging kasayaw ni Yuhan. Habang inaayos ang shoelaces ko ay dumating si Shinyi na may dalang class attendance. “Hi, Amber.” Mahinhin ang boses niya at makikilala mo kaagad na ito si Shinyi kasi formal siyang magsalita. Hindi naman naiiba yung mga vocabs niya. Pero naiiba talaga yung paraan ng pananalita niya. “Hi, ano yun?” tugon ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Baka sa ganda nito’y makumbinsi ako na gusto nga ni Yuhan na siya na lang ang kapartner niya. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang maramdaman na averag
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa karami-raming araw na pwedeng maflat yung gulong ng bike ko ay ngayon pang sinimulan na ang mas striktong panukala at parusa para sa mga nalate. Hindi naman sa hindi ako pabor doon. Kasi yun naman talaga ang kapansin-pansin na issue sa school namin. Pero para sa katulad kong ayaw na ayaw malate, eh isang malaking sampal talaga na isa ako sa mga nasarhan ng gate. "Hindi na ba talaga pwede?" First period pa naman namin si Sir Quijano na sa malamang sa malamang ay kilala sa mga biglaang pagsusulit. Mukhang naawa naman yung secretary ng student council hindi lamang siguro sa akin kundi para sa iba rin na nasarhan ng gate. Umagang-umaga ay mainit na at mas lalong nag-iinit yung hindi makikitang tensyon sa pagitan ng mga schoolmates ko. Sa ilang ulit na pakikipagnegosasyon ng mga ibang nalate, at siguro'y sa awa na rin ng mga gurong nakikita kaming naiwan sa labas, ay pinatuloy na lang kami. Kapalit nga lang ay ang pagbunot ng damo at kailangan
Napanaginipan ko na isa raw akong hero sa isang historical setting. Marami raw akong mga nailigtas na mga mamamayan dahil sa martial arts skills ko. Takot daw ang mga Gokturks sa akin at maraming mga refugees at mga prinsesa ang naging kaibigan ko. Matindi ang bakbakan sa gabing iyon. Marami silang mga dinala ko sa ligtas na lugar. Akala ko ay tapos na ang pagrescue ko sa kanila. Pero may isa pa palang tao ang nanghihina na dahil sa matinding usok at nag-aalab na apoy na winawasak sa kaniyang opisina. Kinailangan ko siyang akapin gamit ang kaliwang kamay ko habang bitbit ang sandata ko sa kanan. Tumalon kami patungo sa tuktok ng pavilion. Tumingin ako sa lalaking ito na isa palang iskolar ng imperyo. Mas lalo siyang natakot dahil natanaw niya ang lalim ng pagitan ng pinagkakatayuan namin mula sa lupa. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin kaya sinabi kong ayos lang ang lahat.Pero sa lahat ng maaari niyang sabihin ay ganito lang, “May exam tayo bukas.”Gulat akong napamulat kasi nasa kal
Parang kung sinong ibang tao si Yuhan nang dinaanan niya lang kami. Pero bakit parang ako lang naiinis? Itong si Ian, binanatan pa itong katamtamang height ko na kesyo ay sa liit ko raw kumpara kay Yuhan ay talagang di ako pasok sa vision niya. But I’m not buying any of his teasing today. Inagahan ko pa ang paggising tapos ganito lang.“Ba’t ka naman ganiyan makatitig? Chill ka lang. Hindi naman ‘to katapusan ng friendship natin sa kaniya ah,” seryosong tugon ni Ian sa akin.Kitang-kita sa mga mata ni Ian na kahit siya nagulumihanan din sa ginawa ni Yuhan. Sa amin pa namang dalawa, siya itong malakas humila ng komedya at sa parehong pagkakataon ay ang pinakanaaapektohan. Nang minsan kaming nag-away ni Ian at hindi nagkapansinan, inamin niyang siya itong hindi mapalagay na ilang araw na kaming hindi nagkabati. Kaya kahit kaunting hindi pagkakaunawaan ay kaagad na naming nilulutas.“At huwag ka nang mag-imagine diyan ng kung ano-ano. Subukan natin ulit mamaya na lapitan siya.”Napanatag

Matapos ang afternoon class namin ay nagmadali kaming pumunta ni Ian sa gym kung saan ay nagpa-practice ang basketball seniors.Pagmamaktol pa ni Ian na ako lang daw ang nagmamadali at hinihila ko lang daw siya sa kung ano ang gusto ko. Kahit na ganoon, ay alam ko namang nais ring sumama ni Ian. Pagdating pa lang namin ay ang paglalaro kaagad ng basketball ang kaniyang inatupag.Samantala, lumapit ako sa pwesto nina Kuya Mav, Kuya Ashton, at Kuya Daryll. Ang tatlong paborito kong kuya ay may isang taon na lang bago grumaduate sa high school at tumuloy sa kolehiyo. Pumasa silaentrance exam sa Willoughby Sports University. Dahil sa galing nila ay may scholarship na sila. Dagdag pa ng kanilang pagiging student athlete ang pagiging honor students nila. Talaga nga namang nakamamangha ang mga kuya ko."Amber, gusto mong maglaro?" tanong ni Kuya Daryllhabang nagdi-dribble."Hindi po kuya. May itatanong lang sana kami ni Ian," sabi ko habang binubuksan