Hatinggabi pa lang ng Biyernes ay makapal na ang ulap sa kalangitan. Ang buwan na madalas kong pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato ay natakpan. Matagal akong natulog dahil kausap ko si Cheska sa telepono. Tumigil kami sa pag-uusap nang kumidlat. Pinagalitan din ako ni Papa dahil gabing gabi na ay nasa telepono pa rin ako. Mahina pa ang ulan nang natulog ako. Ngunit pagkagising ko ay malakas na ang ulan at malakas din ang hangin.
Hindi masyadong binabaha ang village namin dahil walang bumabara sa waterways. Ngunit sa kondisyon ng panahon ay kinansela namin ang plano na pumunta sa arcade.
"Inaasahan ko pa naman na ito ang magiging unang bonding natin kasama si Yuhan," sabi ko habang kausap si Ian sa isang video chat.
"Kakagising mo lang ano? Kanina pa kami nagmessage ni Yuhan sa GC na hindi na tayo matutuloy," tugon naman ni Ian.
"Late na akong natulog kasi nag-usap kami ni Cheska," sabi ko habang inaayos ang pwesto ng phone sa dingding na malapit sa desk ko. "Alam mo na… crushes and stuff." Humigop ako ng sabaw na kinuha ko mula sa kusina. Masarap pagmasdan ang ulan habang humihigop ng sabaw. Lumingon ako ulit sa kavideo-chat ko.
"May nililihim ba kayo sa akin na dapat kong malaman?" pag-iiba ng boses niya.
"Wala naman. Nagdrama lang siya sa akin kasi hindi daw siya nireplyan ng crush niya tapos na-seen lang daw. Ayaw pa niyang matulog noong mga oras na iyon kasi online pa raw crush niya. Inaasahan niyang magreply."
"Nagreply naman?" tanong ni Ian.
"Hindi rin. Kaya mas lalong napahaba ang usapan kasi lumala ang drama. Kung hindi pa kumidlat ay hindi naputol ang usapan," natatawa kong pahayag.
"Kilala mo sino crush niya?" Hindi nauubusan ng tanong si Ian. Sa totoo lang ay mas malala siya kay Cheska. Mas madali pa ngang makahagilap ito ng balita at mga updates.
"Hindi rin. Sabi niya schoolmate lang daw natin. Gwapo raw at saka matalino," tugon ko habang nginunguya ang gulay.
"Baka Yuhan mo yan," natatawa niyang hinala.
"Tumigil ka nga sa kakatukso sa akin tungkol kay Yuhan," sabi ko matapos ubusin ang sabaw.
Tumawa lang si Ian kaya umiling ako. Nagulat kami dahil sa lakas ng kidlat kaya minadali kong binaba ang tawag. Nilagay ko rin ang phone sa desk ko at sinara ang kurtina ng mga bintana. Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa mesa kung saan ay naghahanda pa ng lulutuin si mama.
"Anong lulutuin mo, ma?" tanong ko habang hinuhugasan ang pinagkainan ko.
"Nak, nagpasuyo sa akin si Helen. Hindi pa kasi sila nakauwi ng asawa niya kaya magluluto ako ng makakain ni Yuhan," sabi ni Mama at nagmamadali sa paghihiwa ng karne.
"Ako na sa mga spices Ma," sabi ko at kumuha ng isa pang kutsilyo. Mabilis kong natapos ang pagslice. Hinanda ko naman ang kaserola upang makapagsimula na kaagad si Mama. Matapos naming maluto ang Tinolang Manok ay nilipat namin ito sa lalagyan at binalot sa tela upang mahatid kaagad sa bahay nina Yuhan.
Dalawang bahay lamang ang pagitan ng sa amin at kina Yuhan. Alam kong ako ang uutusan ni mama na maghatid ng pagkain kaya sinuot ko na kaagad ang raincoat at inangat ang pajama ko upang hindi ito mabasa. Bitbit ang eco-bag na may lamang Tupperware ay lumabas ako ng bahay. Malakas ang ihip ng hangin at may mga maliliit na sanga mula sa mga puno ang nahuhulog sa kalye. Binilisan ko ang mga hakbang ko habang nag-iingat. Nagkataong nakadungaw mula sa bintana si Yuhan kaya nakita niya akong papalapit sa kanilang gate. Pinagbuksan niya ako at pinatuloy sa kanila.
"Kumain ka na ba?" tanong ko habang nilalagay niya sa coffee table ng kanilang sala ang dala kong pagkain.
"Hindi pa. Tapos walang laman ang fridge kaya hindi ako nakapagluto," tugon niya at lumapit sa akin. Tinulungan niya akong alisin ang coat at isinabit ito sa railing ng kanilang balkonahe.
"Pinabibigay nga pala 'yan ni Mama," sabi ko habang tinitingnan ang mga paa ko.
"Salamat pala rito," sabi ni Yuhan at ngumiti. Kumuha siya ng kanin at hinanda ang mga bowl. "Kainin natin 'to," alok niya.
"Para sa'yo talaga 'yan. Nakapag-agahan na ako," tugon ko at umupo sa sofa.
"Snacks? May mga biscuits sa cabinet namin." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at kinuha ang ang malaking lalagyan ng sari-saring biscuit. Kumuha siya ng bowl at nilagay ang mga piraso. Nagtimpla rin siya ng chocolate drink kaya nakangiti akong naghihintay sa kaniya sa counter.
"Salamat," sabi ko at kinuha ang bowl at cup. Pumunta kami sa sala at doon kumain habang nanonood ng TV. "Bakit pakiramdam ko ay may nakalimutan tayo?" tanong ko sa kaniya habang hawak-hawak ang cup. "Ah, naiwan ko ang phone ko," sabi ko nang tumunog ang telepono nila Yuhan.
Sinagot niya ang tawag at napag-alamang si Mama pala ito. Lumapit ako at nagpaalam na baka mamaya pa ako makakauwi. Nagpatuloy kami sa pagkain matapos kinausap si Mama. Pero kahit na natutuwa kami sa pinag-uusapan namin na show ay pakiramdam kong may kulang. Naalala ko si Ian.
"Hindi ko nasabi kay Ian na pumunta ako rito," sabi ko kay Yuhan.
"Nasabihan ko na siya," tugon niya at pinakita ang phone niya. "Kachat ko siya ngayon," dagdag niya habang hindi pa rin inaalis ang phone mula sa tanaw ko. May napansin ako sa avatar ni Yuhan. Pareho ito sa pinakita sa akin ni Cheska. Tama kaya si Ian?
"Yuhan, anong username mo sa messaging app na 'yan?" tanong ko at nagulat sa naging tugon niya. Little Einstein. Maliban sa isang sikat na ngalan ay mas nagulat ako na magkatugma ang username sa sinasabi ni Cheska. Si Yuhan nga ang crush ni Cheska.
"May nakapagsabi sa akin na hindi ka raw mahilig magreply?" taktikal kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya.
"I don't talk to strangers," simple niyang tugon. "Kahit pa siguro kaklase ko ay hindi ko kakausapin kung hindi ko lang din naman kaibigan. Ba't mo natanong?"
"Wala lang," tugon ko. Hindi ko alam kung kaninong partido ako papanig.
Tama naman ang posisyon ni Yuhan na hindi dapat makipag-usap sa hindi kakilala. Nakakaawa din ang side ni Cheska kasi hindi siya pinapansin ng crush niya. Is it rude if you won't talk to someone who likes you too much because the feeling is relative? Naalala ko ang sinabi ni Cheska na gusto niyang makilala at maging ka-close si Yuhan. Ang tanging paraan na alam ni Cheska ay sa pamamagitan ng online messaging. Sa tuwing nag-uusap kami ni Cheska ay mas madalas lang akong nakikinig at nagtatanong kesa nagbibigay ng advice. Ni hindi pa ako nakapagsabi na tama o mali ang ginagawa niya. Nagiging biased na ba ako kay Yuhan at parang hindi ko na naiintindihan si Cheska?
"Siguro may nakapagsabi sa iyo na hindi ako mahilig magreply?" kalmado niyang tanong kaya komportable akong tumango. "Ba't ko naman re-replyan ang tanong kung nakakain na ba ako? O kaya ay tinatanong kung ano ang kinakain ko? Actually, it's not the topic which makes me uncomfortable but the person who is strange to me. I don't see any necessity to begin a conversation with them."
"Kung sa bagay," tugon ko. Batay nga sa mga sabi-sabi, “One is partial to the one who gives presents.” Sa panig ni Yuhan ako kakampi.
"Sa iyo ba? May nagcha-chat din ba ng katulad sa akin?" tanong ni Yuhan.
"Siyempre wala. Hindi ako ideal girl," natatawa kong tugon. "Mga kaibigan ko lang ang nagpapabaha sa inbox ko. Sina Ian, Cheska, at ang basketball seniors."
"Kaibigan mo pala si Cheska?" bigla niyang tanong kaya pakiramdam ko ay pumasok ang malamig na hangin mula sa labas.
"Oo," maingat kong tugon. "Alam kong may gusto siya sa iyo. Pero kahit na pareho ko kayong kaibigan ay hindi naman kita irereto sa kaniya. Huwag kang mag-aalala, hinding hindi kita iipitin sa isang sitwasyon na ayaw na ayaw mo," mabilis kong tugon upang hindi siya magalit sa akin.
"No," natigilan ako sa tugon niya. "I didn't misunderstand you," ngumiti siya kaya nakahinga ako nang maluwag. "I never doubted your intention to befriend me. Huwag kang mag-alala," dagdag niya at tinapik pa ang ulo ko.
"Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ang crush niya," sabi ko kay Yuhan. "Ayaw niya kasing sabihin."
"Naniniwala ako sa iyo," sabi niya kaya nawala ang pag-aalala ko.
Tumingin ako sa paligid ng bahay nila. Napansin kong masigla ang style ng interiors dahil sa wood accent at pastel colors. Napansin ko ang nakasabit na gitara.
"Nagpa-practice kang maggitara, hindi ba?" tanong ko at lumapit sa gitara.
"Sinusubukan kong matuto. Gitara, piano, violin, cello…" mahina niyang pahayag. "Kaso lang walang improvement. Sa tingin ko ay wala akong talento sa musika. Hanggang agham lang siguro ako."
"Nagpa-practice ka pa lang naman eh. Keep practicing, huwag ka basta-bastang susuko," tugon ko at bumalik sa kinauupuan. "Alam mo ba, noong una kong training para sa football ay umiyak ako dahil nakakapagod ang training. Six years old lang ako noon. Inaasahan ko na maging masayang vacation ang training pero hindi pala. Tapos sinabayan pa ng pagiging prankster ng papa ko, umiyak talaga ako," pahayag ko sa kaniya habang natatawang inaalala ang mga bonding namin ni papa.
Pumupunta kami sa mga hindi sikat na tourist spots lalo na ang malapit sa hot springs. Kasama ang mga pinsan ko ay nagkakaroon kami ng kompetisyon. Racing, swimming at kahit anong maisipan ni Papa na palaro. Seryoso niya namang binabantayan ang progress ng mga players ng team niya.
Dati ay naiinis ako kapag malapit na ang bakasyon dahil tiyak na may pakulo na naman si Papa. Palagi niya akong sinasali sa training camp ng team niya tuwing bakasyon. Pero kinalaunan ay nasanay din ako at seryoso nang nakikinig sa kaniya. Paraan niya yun upang magkabonding kami. Noong may football meet para sa mga grade schoolers ay sumali ako sa team na affiliated sa team ni Papa. Nanalo kami sa limang season. Kung wala pa ang training season ay niyayaya ko naman si Papa na maglaro ng basketball kasama ang mga parents din ng mga basketball friends ko. May pagkakataon na naglaro ako kasama si Papa at hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na makapuntos. Hindi talaga siya nagpapatalo kahit anak niya lang ang kalaro niya. Sa kabila ng mga training ay hindi niya naman ako pinipilit na sumali sa mga match. Ang gusto niya lang ay may alam ako tungkol dito.
"Bakit ka nagte-training para sa football?" pagtataka naman ni Yuhan.
"Trip lang ni Papa. Football coach kasi siya kaya sinasama niya ako sa training ng kaniyang mga players," sagot ko at sumandal. "Pero nakasali ako sa mga match noong elementary at bago nag-high school. Masasabi kong hindi naman nasayang ang mga training at mga paghihirap kasi nakangiti si Papa habang sinasabit sa akin ang medal at habang kinukuhanan kami ng litrato.”
"You're amazing," sambit niya.
"Talaga?" natutuwa kong tugon
Tumango naman si Yuhan. Hindi nagtagal ay sinimulan na niya ang pagligpit pinagkainan niya. Inubos ko ang tinimpla niyang chocolate drink at tinulungan siya sa pagliligpit. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakitang tumila na pala ang ulan.
"Yuhan, uuwi na ako kasi tumila na ang ulan. Salamat sa biscuit at chocolate," pagpapaalam ko matapos siya tinulungang maghugas ng plato.
Inabot niya naman sa akin ang eco-bag at isinilid ang hinugasan niyang Tupperware. Nagpasalamat siya sa akin at hinatid ako hanggang sa gate nila. Nakarating ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko. Sa pagtingin ko sa phone ay marami itong messages mula kay Ian. Mga tanong katulad ng pagpapaliwanag sa akin kung bakit ako pumunta kina Yuhan at kung bakit nanatili pa ako roon. Minsan ay natatawa na lang ako sa kakulitan ni Ian. Sa maraming mensahe niya ay isa lang ang tinugon ko.
“Nandito na ako sa bahay.”
Walang reply mula sa kaniya kaya nagkibit-balikat lang ako. Biglang tumunog ang phone kaya tiningnan ko ang reply niya.
1 Message from Little Einstein
Thanks Heroine Xin.
Paano nalaman ni Yuhan ang username ko? Nagpasalamat lang din naman siya ay naisipan kong hindi na magreply.
Lunes ng umaga ay nagkita kami nina Yuhan at Ian sa student council. Binigay sa amin ni Sir Kenneth ang framework ng ituturong mga lesson. Binigyan niya kami ng link sa information database upang hindi na mahirapang maghanap ng iba pang explanation. Pinlano naming tatlo ang paghahanda sa peer lecture. Naisipan naming gumawa ng written report upang mapacheck kay Sir Kenneth at nang masigurong tama ang ginagawa namin. Habang nasa iisang table kami sa loob ng library ay lumapit sa amin si Cheska.
"Pwedeng umupo rito?" tanong ni Cheska pero kay Yuhan naman nakatingin. Ang bakanteng upuan ay nasa tabi ni Yuhan. Hinintay naming pumayag si Yuhan. Nainip si Cheska kaya tumingin siya sa amin at minatahan na dapat kaming pumayag. Bago pa man kami nakatugon ni Ian ay may tumawag kay Cheska.
Isa pang grupo ng mga babae mula sa class namin na mahilig sa fashion. Sila lang ang mga kaklase kong hindi ko masyadong nakakausap. Siguro dahil sa aking boyish personality at pagiging sporty ay hindi nila ako nilalapitan. Si Cheska ang malapit sa kanila dahil mahinhin, maganda, at kaaya-ayang pinapaganda ang sarili niya.
"Cheska, halika rito," sabi nila kaya lumingon din kami sa kanilang pwesto. Tumalima naman si Cheska at iniwan kaming tatlo.
"Hindi natin nasabi sa kaniya na kasali na tayo sa Peer Lecture Committee," sabi ni Ian habang nagpatuloy ako sa pagsusulat.
"Sa tingin ko ay dapat din tayong gumawa ng visual aid. Sa ibang papel lang natin ilalagay ang mga pictures. Parang bozzetto lang," sabi ko. Ibinigay ko ang papel kay Yuhan upang matingnan ang mga halimbawa.
"Na-check ko na rin ang references at naayos na ang format," update ni Ian at ipinakita ito. "APA 6th version katulad ng sabi ni Sir Kenneth."
"Ayos na 'to. Practice tayo after class," sabi ni Yuhan. "Oo nga pala, saang class tayo ma-assign?"
"Class C," sagot ni Ian at ipinakita ang card na naglalaman ng mga pangalan namin, ang schedule at ang class section na aming tuturuan.
Dumating ang araw ng peer lecture. Tumuloy kami sa Class C. May ibang nakakakilala kay Ian at sa akin kaya binati nila kami. Pero biglang lumamig ang sitwasyon nang pumasok si Yuhan.
"Class A!" sigaw ng isang Class C student na nakasuot pa ng sports headband at tinuro si Yuhan. Habang nakatingin kami sa mga estudyante ay nagsimula na silang magbatuhan ng mga papel kay Yuhan.
Nahihilig na yata ako sa pamihiin at mga sabi-sabi. Kahit man lang tungkol sa mga panaginip ay napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin. Sa nangyari kanina ay napagtanto ko na bahagyang totoo nga ang sinasabi nila. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totoong buhay. Nanaginip ako na pinagbabato si Yuhan ng mga papel. Laking pasalamat ko nga at hindi yun nangyari. Ngunit, tila mas malala pa ang nangyari. Naengganyo man sa pakikinig ang Class C sa mga leksyon namin, may isa sa kanila ang umamin na hindi nila masyadong naintindihan ang paksa. Nahirapan silang intindihin ang mga tinuro Yuhan kasi imbes na nakuha na nila ay tila mas naging magulo pa ito. “Pasensya ka na kasi inaya pa kita rito sa study room para ituro ito ulit,” pahayag ng isa sa mga Class C student. Coincidence man, ay siya yung may suot-suot na sports headband. Kaya nga ay pamilyar at nasali sa panaginip ko kasi minsan ko na siyang nakita sa basketball court. Wika ng iba, nakahiligan na raw niyan
Kung masaya ang umaga ay malungkot daw ang hapon -- na sana'y hindi naman. Kasi sapat ba itong sabihing dahilan kung bakit nakasimangot si Yuhan? Niyaya kami ni Ian sa bahay nila dahil may mga padala raw na mga regalo at chocolates ang Tita niyang nakabase sa Basel. Bahagya namang ngumiti si Yuhan nang binahagian siya ng ilang pirasong chocolates. Kung tutuusin, mas marami pa ang kaniya kesa sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuhan. "Kanina ka pa kasi nakasimangot."Nakatulala lamang kasi siya habang nakatitig sa apoy kung saan ay nagbabarbeque ang mama ni Ian. “Tungkol ba yan sa school? Sa nalalapit na Quiz Bee o sa klase niyo?” sunod-sunod kong tanong habang mas lalong lumalapit sa kaniya. Umiiwas naman siya kada lapit ko. “Paano naman makasasagot si Yuhan niyan kung sinisingitan mo siya?” sabat ni Ian at pinilit pa akong umusog sa dulo ng swinging chair. “Ano ka ba, Ian? Hindi na tayo kasya,” sabi ko pero tumalima na rin sa paggal
Minsan, ay ganito ang takbo na pag-aaral. Sa tuwing malapit na ang araw ng performance ay doon na natin maalala ang ibang pang dapat na gawin. Suot-suot ang dress at naka-heels pa ay nagmadali akong tumakbo sa hallway upang mahanap ang teacher namin sa PE. Hinihingal man ay nakayanan ko namang ilahad ang sadya sa kaniya. "Amber, buti na lang at nandito ka na." "Sorry po talaga at nakaligtaan kong pumunta para bumunot." Sinabihan na kami noong nakaraang araw na pumunta sa office niya upang malaman kung pang-ilan kami na magtatanghal. Walang ni isa sa amin nina Ian at Yuhan ang nakapunta dahil sa dami ng gawain na iniatas din sa amin. Madalas ang pagrereview ni Yuhan sa school at si Ian ay pinatatawag para magcoordinate sa Sports Fest namin. Wala sana akong gagawin pero isinulat pala ni Rica ang pangalan ko sa mga reserved players ng Football team. May preliminary match mamaya kaya para akong pinalilibutan ng mga oras, numero at init dahil hindi k
Kahit tapos na ang dance performance namin noong nakaraang araw, ay may bago na namang kaganapan para sa PE namin. Kumpara sa ibang subjects, ito talaga ang may napakaraming mga gawain. Pagpapraktisan na naman daw namin ang badminton. Kagaya ng dati ay pinagsama ang Class A at Class B. Hindi ko mapigilang maalala ulit yung nangyaring palitan. Hanggang ngayon ay hindi nga ako sigurado kung si Shinyi ba talaga ang naging kasayaw ni Yuhan. Habang inaayos ang shoelaces ko ay dumating si Shinyi na may dalang class attendance. “Hi, Amber.” Mahinhin ang boses niya at makikilala mo kaagad na ito si Shinyi kasi formal siyang magsalita. Hindi naman naiiba yung mga vocabs niya. Pero naiiba talaga yung paraan ng pananalita niya. “Hi, ano yun?” tugon ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Baka sa ganda nito’y makumbinsi ako na gusto nga ni Yuhan na siya na lang ang kapartner niya. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang maramdaman na averag
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa karami-raming araw na pwedeng maflat yung gulong ng bike ko ay ngayon pang sinimulan na ang mas striktong panukala at parusa para sa mga nalate. Hindi naman sa hindi ako pabor doon. Kasi yun naman talaga ang kapansin-pansin na issue sa school namin. Pero para sa katulad kong ayaw na ayaw malate, eh isang malaking sampal talaga na isa ako sa mga nasarhan ng gate. "Hindi na ba talaga pwede?" First period pa naman namin si Sir Quijano na sa malamang sa malamang ay kilala sa mga biglaang pagsusulit. Mukhang naawa naman yung secretary ng student council hindi lamang siguro sa akin kundi para sa iba rin na nasarhan ng gate. Umagang-umaga ay mainit na at mas lalong nag-iinit yung hindi makikitang tensyon sa pagitan ng mga schoolmates ko. Sa ilang ulit na pakikipagnegosasyon ng mga ibang nalate, at siguro'y sa awa na rin ng mga gurong nakikita kaming naiwan sa labas, ay pinatuloy na lang kami. Kapalit nga lang ay ang pagbunot ng damo at kailangan
Napanaginipan ko na isa raw akong hero sa isang historical setting. Marami raw akong mga nailigtas na mga mamamayan dahil sa martial arts skills ko. Takot daw ang mga Gokturks sa akin at maraming mga refugees at mga prinsesa ang naging kaibigan ko. Matindi ang bakbakan sa gabing iyon. Marami silang mga dinala ko sa ligtas na lugar. Akala ko ay tapos na ang pagrescue ko sa kanila. Pero may isa pa palang tao ang nanghihina na dahil sa matinding usok at nag-aalab na apoy na winawasak sa kaniyang opisina. Kinailangan ko siyang akapin gamit ang kaliwang kamay ko habang bitbit ang sandata ko sa kanan. Tumalon kami patungo sa tuktok ng pavilion. Tumingin ako sa lalaking ito na isa palang iskolar ng imperyo. Mas lalo siyang natakot dahil natanaw niya ang lalim ng pagitan ng pinagkakatayuan namin mula sa lupa. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin kaya sinabi kong ayos lang ang lahat.Pero sa lahat ng maaari niyang sabihin ay ganito lang, “May exam tayo bukas.”Gulat akong napamulat kasi nasa kal
Parang kung sinong ibang tao si Yuhan nang dinaanan niya lang kami. Pero bakit parang ako lang naiinis? Itong si Ian, binanatan pa itong katamtamang height ko na kesyo ay sa liit ko raw kumpara kay Yuhan ay talagang di ako pasok sa vision niya. But I’m not buying any of his teasing today. Inagahan ko pa ang paggising tapos ganito lang.“Ba’t ka naman ganiyan makatitig? Chill ka lang. Hindi naman ‘to katapusan ng friendship natin sa kaniya ah,” seryosong tugon ni Ian sa akin.Kitang-kita sa mga mata ni Ian na kahit siya nagulumihanan din sa ginawa ni Yuhan. Sa amin pa namang dalawa, siya itong malakas humila ng komedya at sa parehong pagkakataon ay ang pinakanaaapektohan. Nang minsan kaming nag-away ni Ian at hindi nagkapansinan, inamin niyang siya itong hindi mapalagay na ilang araw na kaming hindi nagkabati. Kaya kahit kaunting hindi pagkakaunawaan ay kaagad na naming nilulutas.“At huwag ka nang mag-imagine diyan ng kung ano-ano. Subukan natin ulit mamaya na lapitan siya.”Napanatag
Youth, itself, is wonderful. It is a candid grace generously given to children, filling them with hope, lessons, and experiences. It has its own beauty in an unknown time. It is when tears become meaningful. It is the threshold to quest for the meaning of life. The time rolling in this stage is once again meeting love in different faces and intentions. The comradeship keeps blooming and earnestly growing between circumstances and challenges. Past the rays of the blazing sun, bathing in sweat and dust, while Amber's face and neck had some tips of grasses attached, she keeps dribbling the soccer ball. Her fierce eyes are blazing before her opponent as she runs for the ball. As she received it from an anxious opponent, she advanced with a turning kick. Her favorite word, goal, is shouted throughout the field and spectators. The general triumphant noise was roared. She threw a superman ceremony while shouting her word. Their team won. Holding the me
Parang kung sinong ibang tao si Yuhan nang dinaanan niya lang kami. Pero bakit parang ako lang naiinis? Itong si Ian, binanatan pa itong katamtamang height ko na kesyo ay sa liit ko raw kumpara kay Yuhan ay talagang di ako pasok sa vision niya. But I’m not buying any of his teasing today. Inagahan ko pa ang paggising tapos ganito lang.“Ba’t ka naman ganiyan makatitig? Chill ka lang. Hindi naman ‘to katapusan ng friendship natin sa kaniya ah,” seryosong tugon ni Ian sa akin.Kitang-kita sa mga mata ni Ian na kahit siya nagulumihanan din sa ginawa ni Yuhan. Sa amin pa namang dalawa, siya itong malakas humila ng komedya at sa parehong pagkakataon ay ang pinakanaaapektohan. Nang minsan kaming nag-away ni Ian at hindi nagkapansinan, inamin niyang siya itong hindi mapalagay na ilang araw na kaming hindi nagkabati. Kaya kahit kaunting hindi pagkakaunawaan ay kaagad na naming nilulutas.“At huwag ka nang mag-imagine diyan ng kung ano-ano. Subukan natin ulit mamaya na lapitan siya.”Napanatag
Napanaginipan ko na isa raw akong hero sa isang historical setting. Marami raw akong mga nailigtas na mga mamamayan dahil sa martial arts skills ko. Takot daw ang mga Gokturks sa akin at maraming mga refugees at mga prinsesa ang naging kaibigan ko. Matindi ang bakbakan sa gabing iyon. Marami silang mga dinala ko sa ligtas na lugar. Akala ko ay tapos na ang pagrescue ko sa kanila. Pero may isa pa palang tao ang nanghihina na dahil sa matinding usok at nag-aalab na apoy na winawasak sa kaniyang opisina. Kinailangan ko siyang akapin gamit ang kaliwang kamay ko habang bitbit ang sandata ko sa kanan. Tumalon kami patungo sa tuktok ng pavilion. Tumingin ako sa lalaking ito na isa palang iskolar ng imperyo. Mas lalo siyang natakot dahil natanaw niya ang lalim ng pagitan ng pinagkakatayuan namin mula sa lupa. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin kaya sinabi kong ayos lang ang lahat.Pero sa lahat ng maaari niyang sabihin ay ganito lang, “May exam tayo bukas.”Gulat akong napamulat kasi nasa kal
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa karami-raming araw na pwedeng maflat yung gulong ng bike ko ay ngayon pang sinimulan na ang mas striktong panukala at parusa para sa mga nalate. Hindi naman sa hindi ako pabor doon. Kasi yun naman talaga ang kapansin-pansin na issue sa school namin. Pero para sa katulad kong ayaw na ayaw malate, eh isang malaking sampal talaga na isa ako sa mga nasarhan ng gate. "Hindi na ba talaga pwede?" First period pa naman namin si Sir Quijano na sa malamang sa malamang ay kilala sa mga biglaang pagsusulit. Mukhang naawa naman yung secretary ng student council hindi lamang siguro sa akin kundi para sa iba rin na nasarhan ng gate. Umagang-umaga ay mainit na at mas lalong nag-iinit yung hindi makikitang tensyon sa pagitan ng mga schoolmates ko. Sa ilang ulit na pakikipagnegosasyon ng mga ibang nalate, at siguro'y sa awa na rin ng mga gurong nakikita kaming naiwan sa labas, ay pinatuloy na lang kami. Kapalit nga lang ay ang pagbunot ng damo at kailangan
Kahit tapos na ang dance performance namin noong nakaraang araw, ay may bago na namang kaganapan para sa PE namin. Kumpara sa ibang subjects, ito talaga ang may napakaraming mga gawain. Pagpapraktisan na naman daw namin ang badminton. Kagaya ng dati ay pinagsama ang Class A at Class B. Hindi ko mapigilang maalala ulit yung nangyaring palitan. Hanggang ngayon ay hindi nga ako sigurado kung si Shinyi ba talaga ang naging kasayaw ni Yuhan. Habang inaayos ang shoelaces ko ay dumating si Shinyi na may dalang class attendance. “Hi, Amber.” Mahinhin ang boses niya at makikilala mo kaagad na ito si Shinyi kasi formal siyang magsalita. Hindi naman naiiba yung mga vocabs niya. Pero naiiba talaga yung paraan ng pananalita niya. “Hi, ano yun?” tugon ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Baka sa ganda nito’y makumbinsi ako na gusto nga ni Yuhan na siya na lang ang kapartner niya. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang maramdaman na averag
Minsan, ay ganito ang takbo na pag-aaral. Sa tuwing malapit na ang araw ng performance ay doon na natin maalala ang ibang pang dapat na gawin. Suot-suot ang dress at naka-heels pa ay nagmadali akong tumakbo sa hallway upang mahanap ang teacher namin sa PE. Hinihingal man ay nakayanan ko namang ilahad ang sadya sa kaniya. "Amber, buti na lang at nandito ka na." "Sorry po talaga at nakaligtaan kong pumunta para bumunot." Sinabihan na kami noong nakaraang araw na pumunta sa office niya upang malaman kung pang-ilan kami na magtatanghal. Walang ni isa sa amin nina Ian at Yuhan ang nakapunta dahil sa dami ng gawain na iniatas din sa amin. Madalas ang pagrereview ni Yuhan sa school at si Ian ay pinatatawag para magcoordinate sa Sports Fest namin. Wala sana akong gagawin pero isinulat pala ni Rica ang pangalan ko sa mga reserved players ng Football team. May preliminary match mamaya kaya para akong pinalilibutan ng mga oras, numero at init dahil hindi k
Kung masaya ang umaga ay malungkot daw ang hapon -- na sana'y hindi naman. Kasi sapat ba itong sabihing dahilan kung bakit nakasimangot si Yuhan? Niyaya kami ni Ian sa bahay nila dahil may mga padala raw na mga regalo at chocolates ang Tita niyang nakabase sa Basel. Bahagya namang ngumiti si Yuhan nang binahagian siya ng ilang pirasong chocolates. Kung tutuusin, mas marami pa ang kaniya kesa sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuhan. "Kanina ka pa kasi nakasimangot."Nakatulala lamang kasi siya habang nakatitig sa apoy kung saan ay nagbabarbeque ang mama ni Ian. “Tungkol ba yan sa school? Sa nalalapit na Quiz Bee o sa klase niyo?” sunod-sunod kong tanong habang mas lalong lumalapit sa kaniya. Umiiwas naman siya kada lapit ko. “Paano naman makasasagot si Yuhan niyan kung sinisingitan mo siya?” sabat ni Ian at pinilit pa akong umusog sa dulo ng swinging chair. “Ano ka ba, Ian? Hindi na tayo kasya,” sabi ko pero tumalima na rin sa paggal
Nahihilig na yata ako sa pamihiin at mga sabi-sabi. Kahit man lang tungkol sa mga panaginip ay napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin. Sa nangyari kanina ay napagtanto ko na bahagyang totoo nga ang sinasabi nila. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totoong buhay. Nanaginip ako na pinagbabato si Yuhan ng mga papel. Laking pasalamat ko nga at hindi yun nangyari. Ngunit, tila mas malala pa ang nangyari. Naengganyo man sa pakikinig ang Class C sa mga leksyon namin, may isa sa kanila ang umamin na hindi nila masyadong naintindihan ang paksa. Nahirapan silang intindihin ang mga tinuro Yuhan kasi imbes na nakuha na nila ay tila mas naging magulo pa ito. “Pasensya ka na kasi inaya pa kita rito sa study room para ituro ito ulit,” pahayag ng isa sa mga Class C student. Coincidence man, ay siya yung may suot-suot na sports headband. Kaya nga ay pamilyar at nasali sa panaginip ko kasi minsan ko na siyang nakita sa basketball court. Wika ng iba, nakahiligan na raw niyan
Hatinggabi pa lang ng Biyernes ay makapal na ang ulap sa kalangitan. Ang buwan na madalas kong pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato ay natakpan. Matagal akong natulog dahil kausap ko si Cheska sa telepono. Tumigil kami sa pag-uusap nang kumidlat. Pinagalitan din ako ni Papa dahil gabing gabi na ay nasa telepono pa rin ako. Mahina pa ang ulan nang natulog ako. Ngunit pagkagising ko ay malakas na ang ulan at malakas din ang hangin. Hindi masyadong binabaha ang village namin dahil walang bumabara sawaterways. Ngunit sa kondisyon ng panahon ay kinansela namin ang plano na pumunta sa arcade. "Inaasahan ko pa naman na ito ang magiging unang bonding natin kasama si Yuhan," sabi ko habang kausap si Ian sa isang video chat. "Kakagising mo lang ano? Kanina pa kami nagmessage ni Yuhan sa GC na hindi na tayo matutuloy," tugon naman ni Ian. "Late na akong natulog kasi nag-usap kami ni Cheska," sabi ko habang inaayos ang pwesto ng phone sa dingding na mala
Matapos ang afternoon class namin ay nagmadali kaming pumunta ni Ian sa gym kung saan ay nagpa-practice ang basketball seniors.Pagmamaktol pa ni Ian na ako lang daw ang nagmamadali at hinihila ko lang daw siya sa kung ano ang gusto ko. Kahit na ganoon, ay alam ko namang nais ring sumama ni Ian. Pagdating pa lang namin ay ang paglalaro kaagad ng basketball ang kaniyang inatupag.Samantala, lumapit ako sa pwesto nina Kuya Mav, Kuya Ashton, at Kuya Daryll. Ang tatlong paborito kong kuya ay may isang taon na lang bago grumaduate sa high school at tumuloy sa kolehiyo. Pumasa silaentrance exam sa Willoughby Sports University. Dahil sa galing nila ay may scholarship na sila. Dagdag pa ng kanilang pagiging student athlete ang pagiging honor students nila. Talaga nga namang nakamamangha ang mga kuya ko."Amber, gusto mong maglaro?" tanong ni Kuya Daryllhabang nagdi-dribble."Hindi po kuya. May itatanong lang sana kami ni Ian," sabi ko habang binubuksan